Polar Opposites

By JellOfAllTrades

327K 12.9K 1.3K

Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilip... More

Polar Opposites (GirlXGirl)
Meet the Negative
Think Positive
The Alexandrian Effect
AC/DC
The Chemical Reaction
Sound Wave
Miscalculation
Phobias
Electrostatic Attraction
Continental Drift
Background Check
Living Improbability
Interstellar Activity
Possibilities
The Neutral Polarity
The Nilaga Agreement
Alec's Chrysalis
Schrodinger's Cat
Polar Shift
Red Joker
Home Treatment
Imperial Confession
Origami
Fire and Blood
Genetic Mutation
A Ballad for the Broken
Last Digit
Out-of-Body Experience
Ice Cream Infinities
Lightning Struck
Camellia Sinensis
Broken Treaties
Genealogy
Opera Seria
Missing Persons
All Senses
Acknowledged Existence
Projections
Epilogue: A Moment in Time
Author's Note

Boundaries

2.8K 224 46
By JellOfAllTrades

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 25

Pagkatapos ng huling klase ko ay nadatnan ko si Leone sa hallway, halatang hinihintay ako. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin na may lungkot sa mga mata niya.

"Hi," bati niya.

"Hello," taka kong sagot. Nag-away na naman kaya sila ni Louisse?

"Kayo na pala ni Alec?"

Napanganga ako at agad na hinila siya sa isang bakanteng classroom para makapagusap kami ng walang nakikinig  o nanunuod sa amin.

"Hindi totoong kami na ni Alec." Mahina ang boses ko. "Chismis lang yun pero sabi niya liligawan niya daw ako."

Tumango si Leone. "Kaya ba di mo tinanggap yung roses ko?"

Napabuntong hininga ako. "Leone, kaibigan ko kayo ni Louisse. Magulo na nga yang lovelife niyo. Wag niyo nang dagdagan pa yung sakit ng ulo niyong dalawa."

"Well, at least you did it publicly. Everyone's going to think binasted mo ako for Alec."

Napasabunot ako sa frustration na nadarama ko. Bwiset na Alec yun!

Ngumisi si Leone, nawala na yung lungkot sa kulay green niyang mata. "I think you two suit each other."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Seryoso ka ba?"

Ngumiti lang si Leone sa akin. "Alec's a nice person when she's not bullying someone."

Naalala ko bigla yung galit ni Alec para kay Leone. Ilang beses ko na tinanong si Alec kung may ginawa bang kasalanan sa kanya si Leone pero hindi niya ako sinasagot. Si Leone naman kung umasta parang maganda ang relasyon nila ni Alec. Iniiwasan niya ring bigyan ako ng sagot kung bakit ganun na lang kasama ang trato sa kanya ni Alec.

Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa dati? Totoo kayang angel din ni Alec si Leone o chismis lang yun?

"Alam mo, kung wala siguro kami ni Louisse, magugustuhan din kita." Pagmumuni-muni ni Leone. "I understand where Alec is coming from. You're not hard to like."

Napatingin ako sa kanya, hindi inaasahan yung sinabi niya. Mukhang naaaliw si Leone sa mga kaganapan sa buhay ko. May maliit siyang ngiti sa mukha at tila naghihintay siya ng sasabihin ko. Pero hindi ako makapagsalita. Mabilis masyado ang tibok ng puso ko.

Alam kong imposible dahil masyadong mahal ni Louisse at Leone ang isa't isa pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasabik, kahit saglit lang, na sana maranasan ko rin yung pagka-devoted ni Leone kay Louisse. Pero noon pa yun. Noong bagong kilala ko pa lang sa kanila.

Kung seryoso man si Alec sa akin, sana katulad niya si Leone. Maalaga, maingat, nagsisikap at walang takot sa pagpapakita ng pagmamahal niya kay Louisse. Pero iba kasi ang pagkakakilala ko kay Alec. Tamad siya, palaging tulog sa klase, walang respeto sa mga professor namin, isang malaking bully at napaka-arogante. Kung may redeeming factor si Alec ay yung pagiging straight to the point niya, napakatalino niya at yung pagiging maalaga niya sa sarili niyang paraan. Kahit pa nakakainis siya madalas.

"May klase ka pa ba?" Pagbasag ni Leone sa katahimikan ko.

Umiling ako. "Wala na. Pauwi na rin ako."

"May gagawin ka ba tonight? May gig ulit kami sa Sound Wave, baka gusto mo sumama?"

Pinagisipan ko yung tanong niya. Gusto ko rin muna kalimutan yung kaguluhan ng buhay ko pero may assignment pa ako at may quiz bukas. Kailangan ko mag-aral. "Next time na lang siguro, Leone."

Tinanggap ni Leone ang sagot ko. "Hatid na lang kita sa inyo. I heard from Louisse na may nagbanta sayo?"

Napakamot ako ng braso, nahihiya. "Alec liking me isn't really making me the most popular person in school right now."

Inakbayan ako ng leader ng Proof Rock. "Marami lang inggit sayo. Tara na, pahatid tayo kay kuya Dino."

Habang naglalakad papalabas ng school ay pinagtitinginan kami ng mga tao. May bulungan ding nagaganap kaya't di na ako magtataka kung bukas ang bagong chismis ay pinagsasabay ko si Leone at Alec. Wala kasing magawa ang mga tao kundi pagusapan na lang kami na para bang alam nila lahat ng nangyayari sa buhay ko. 

Sa school parking lot ay nakita namin si kuya Dino na kumakain ng chichirya. Nang makita niya kami ay agad niyang itinabi ang kinakain niya at nagpunas ng kamay.

"Good afternoon! Sa Sound Wave na ba tayo?" Tanong ni kuya Dino at pinagbuksan kami ng pinto ni Leone.

"Hatid lang natin si Sophie, kuya." Sagot ni Leone at pinauna akong sumakay. Sumunod rin naman agad siya sa akin.

Maiksi lang ang byahe namin papunta sa apartment ko dahil malapit lang naman ito.

"Salamat sa paghatid," binuksan ko na yung pinto ng kotse. "Good luck sa gig niyo. Galingan mo!"

"Sure ka na bang ayaw mo sumama?" Tanong muli ni Leone.

"Magaaral pa kasi ako. May quiz ako bukas."

Tumango si Leone. "Well then, aral kang mabuti. Galingan mo sa quiz mo ah?"

"Salamat!" Sinara ko na yung pinto ng kotse at pumasok na sa apartment ko.

Distracted pa ako dahil kay Leone kaya't hindi ko agad napansin na nakabukas yung ilaw sa apartment ko. Huli na nang marealize kong nasa loob si Alec at may ginagawa sa maliit na dining table ko.

"Alec, pwede ba sa susunod, wag kang basta basta pumapasok sa bahay ko?"

Ngumiti si Alec at ipinakita sa akin ang isang bouquet ng origami flowers na ginawa niya. "Sorry kanina."

Napabuntong hininga ako at naupo sa tabi niya, hindi ko pinansin yung bulaklak na ginawa niya. "Kailangan natin magusap."

Umayos ng upo si Alec. "Sure, anong gusto mong pagusapan?"

"Seryoso ka bang liligawan mo ako?"

Tumango si Alec at ipinatong ang origami bouquet sa harapan ko. "Oo."

Napakamot ako sa braso ko, inaalala yung usapan nami ni Louisse sa restaurant. "Bakit?"

Umiwas ng tingin si Alec. "I like you."

"Yun lang?"

"I've never really felt like this to anyone before." Mahina ang boses ni Alec, tila nahihiya sa sasabihin niya. "Bago lang sakin to."

"Parang di naman yan sagot sa tanong ko?"

"Gusto kita and I want to do this." Parang nagtatampo na ang boses niya. "Gusto kong malapit ka sakin palagi. Gusto kong yakapin ka kahit parang diring diri ka sakin palagi."

"Hoy, hindi ah."

"You don't make me feel alone."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Ang sincere ng huling sagot niya. Pano ako tatanggi sa mokong na to?

"May balita pala ako." Pag-iwas ko sa topic.

Tumingin siya sa akin, curious. May kakaibang kisap yung kulay ube niyang mga mata. Hindi ko alam kung gusto kong lumapit sa mga mata niya o lumayo.

"Anong balita mo?" Inosenteng tanong ni Alec.

Umiwas ako ng tingin sa mga mata niya at nagfocus sa bibig niya. "Pinagbantaan ako ni Rose kanina kasi akala niya tayo na."

Sumandal si Alec at tumingin sa kisame. "Anong sabi niya?"

"Sabi niya nakipag-deal ka daw sa tatay niya para sa buhay ko?"

"That's true. Ano pang sabi niya?"

"Pag niloko daw kita babalatan niya daw akong buhay tapos itatapon sa dagat para kainin ng mga isda." Napatitig na lang ako sa kamay kong nanginginig sa banta ni Rose. Medyo mahaba na rin ang kuko ko. Kailangan ko na magputol mamaya o kaya bukas pagkatapos ko maligo.

"Wala ka namang ginagawa sakin," parang bored na sagot ni Alec. "Di ko gets kung bakit kailangan ka pa niya pagbantaan."

"Ano yung deal na ginawa mo?"

"Binigyan ko sila ng information tungkol sa kalaban nilang grupo. May intel din ako sa kung paano sila sinusubaybayan ng pulis."

"San mo naman nakuha yung ganung intel?"

Nagkibit balikat si Alec. "Secret."

Inabot ko yung bouquet ng origami at tiningnan ang mga bulaklak na ginawa niya. Yung nasa gilid ay medyo gusot ang papel pero yung mga bulaklak sa gitna ay maganda ang pagkakagawa. Mukhang naging practice niya yung nasa gilid para mapaganda ang origami sa gitna ng bouquet. Hindi rin siya nagtipid sa papel ngayon dahil construction paper ang ginamit niya. Kulay pula, dilaw, puti at asul ang mga bulaklak.

"May art ka rin naman pala sa katawan." Mahina kong sabi.

"Yan lang kaya kong gawin." Kwento ni Alec. "Kasi may steps naman akong pwedeng sundin. Mahirap sa una kasi di ko masunod yung nabasa ko pero pag may practice na, mas madali nang gumawa."

Nginitian ko siya. "Maganda."

"Salamat." Mahina ang boses niya. "Pero parang mas maganda ka."

Umatras ako dahil sa lapit niya sa akin. Naiinis pa rin ako sa ginawa niyang paghalik sa leeg ko kanina. "Bakit di ka sigurado?"

Umiwas ng tingin si Alec at tumayo. "Mahirap icompare ang mukha mo sa isang flower origami."

Pero nakita ko yung pamumula niya bago siya umiwas. Kinikilig ba siya o nahihiya sa sinabi niya? Hindi naman effective yung linya niya sa akin. Nairita lang ako sa kanya kasi naaalala ko pa yung ginawa niya kaninang tanghali.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko. Magdidilim na at kailangan ko na maghanda ng hapunan ko. Kung magtatagal siya dito, ipagluluto ko na rin siya.

"Hindi pa."

"Dito ka ba magdidinner?"

"Okay lang ba?"

"Oo naman." Tumayo na ako at inilagay yung bag ko sa sala. "Wala ka bang ibang gagawin tonight?"

"Wala. May trabaho ka ba mamaya?"

"Wala. Pero gagawa ako ng assignment saka magaaral pa ako para sa quiz ko bukas."

"Okay lang ba kung tumambay muna ako dito?"

Tiningnan ko siya. "Hindi kita maeentertain."

"Okay lang, may dala akong libro. Gusto ko lang magbasa sa tabi mo. Promise, di ako magiingay."

"Promise?"

Tinaas ni Alec ang kanang kamay niya na tila manunumpa sa watawat ng Pilipinas. "Promise."

"Okay."

Pumunta na ako sa maliit kong kitchen at inilabas sa ref ang mga sangkap na gagamitin ko para sa monggo. Malapit na malanta yung malunggay na binili ko noong nakaraang araw kaya't inabot ko yon kay Alec.

"Oh, ikaw mag-himay nito."

Di naman nagreklamo si Alec at kinuha lang yung gulay. Habang naghihimay siya ay nagsaing ako. Nakakapanibago yung tahimik niya. Parang mas gugustuhin ko pang nagiingay siya kasi pakiramdam ko ang dami niyang iniisip kapag di siya umiimik. Pero hindi katulad noong dati na parang may malisya sa bawat galaw niya, ngayon ay kalmado na siya.

"San ka pala pumunta kanina?" Tanong ko habang naghihiwa ng kamatis.

"Bumili akong construction paper."

"Kumain ka ng lunch?"

Tumango si Alec, focused sa paghihimay.

"Okay lang ba if I ask you something about your past?" Tanong ko habang ginigisa yung bawang at sibuyas.

"Sure."

"What was your mom like?" Nilagay ko na yung kamatis sa kaldero.

Nilingon ko si Alec at nakitang tapos na siya sa paghihimay. "She was an accountant, she loved to read and she was really, really supportive of me. She used to buy me any books I wanted, as long as I promised to read them. She even got me an English/Spanish dictionary when I asked for it."

"Kaya ba marami kang alam na lengwahe?" Sinunod kong ilagay sa kaldero ang karne ng baboy.

"Oui."

Napangiti ako sa sagot niya at mukhang proud din siya sa sinabi niya. "Spanish was my third language after Filipino and English. French, German and Latin followed."

"So hindi pala joke na marunong ka mag-Latin?"

"Well, I did study it as a joke nung una." Pag-amin ni Alec. "May nakaalitan kasi akong pari sa probinsya namin who used to say random Latin phrases as if they were his catchphrases. It was hard to find Latin books in our area so I relied on the internet."

"So, anong ginawa mo after mo matuto ng Latin?"

"Nung nagkaalitan ulit kami and he said something in Latin wrong, I corrected him. Et praepedita."

"Anong translation ng et pre--ano yun?"

"Nahiya siya." Simpleng sagot ni Alec. "He didn't do the Latin catchphrase thing again afterwards. Well, not when I'm around anyways."

Hinihintay ko na lang lumambot yung munggo kaya't naupo muna ako sa tabi niya. "I bet your mom would be proud that you're using your God given talents to correct Latin mumbling priests."

"My mom thought it was hilarious." Naaaliw na sagot ni Alec. "Ikaw, what was your mom like?"

"Religious, masarap magluto and sobrang sipag."

"And your dad?"

"Religious din, strict and palabiro."

"Sounds normal."

"Wala namang masama sa normal."

"I didn't say anything against normal." Depensa ni Alec. "I like normal."

Tumayo ako para tingnan yung niluluto ko. "Only because you're extraordinary."

"Is that a compliment, miss Jaranilla?" May halong pang-aasar ang boses ni Alec.

"Kapal mo." Sagot ko. Kumuha ako ng kutsara para tikman yung monggo.

Hinihipan ko yung kutsara nang maramdaman ko ang braso ni Alec sa tiyan ko. Niyakap na naman niya ako mula sa likuran. Nanigas ako sa pwesto, takot na maulit yung eksena namin sa school kaninang tanghali.

"Alec, bitawan mo ako."

"Payakap lang ako." Mainit ang hininga nito sa leeg ko. Naramdaman kong magsitayuan ang balahibo ko sa braso.

"Alam mo, chansing ka. Bitawan mo ako."

Sumunod naman si Alec pero nakanguso ito na parang batang di pinagbigyan sa gusto niya.

"Ngayong nanliligaw ka sakin, let's set some rules." Panimula ko, iniiwasang makaramdam ng inis sa kanya.

"Okay?"

"Kung may gusto ka gawin, magtanong ka muna."

Tumango si Alec, nagiisip. "Pwede ba kitang halikan?"

Napanganga na lang ako sa deretsahang tanong niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang gusto ko siyang sampalin sa inis at parang gusto kong hawakan ang noo niya para tingnan kung nilalagnat ba siya. Hindi ko maintindihan kung anong tumatakbo sa isip niya.

"Is that a yes?" Humakbang papalapit si Alec kaya't napatili ako.

"HINDI!"

"No need to be loud about it. Dios mio!" Pabulong ang huli niyang sinabi.

"Please don't move on me without me explicitly saying yes." Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil masyado akong kinabahan sa paglapit niya. "Nakaka-trauma ka, alam mo yun?"

"Hindi," malungkot ang sagot niya. "Nato-trauma ka na ba sakin?"

"If you keep harassing me, maybe yes."

"I'm not---" Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya. Mukhang narealize na rin niya kung gaano ako kakontra sa mga ginagawa niya sa akin.

Huminga akong malalim at kumuha na ng plato para sa aming dalawa. Pinaupo ko na si Alec habang hinahanda ko yung pagkain namin. Natahimik siya at nagisip na lang, iniiwasan ang tingin ko.

Habang kumakain kami ay sinubukan kong kausapin siya pero pagtango at pag-iling na lang ang sagot niya sa akin. Mukhang wala nang balak magsalita si Alec. Hindi ko tuloy alam kung masyadong marahas yung paggamit ko ng word na harassment pero paano kung totoo naman talaga? Palagi niyang ginagawa kung anong gusto niya sa akin. Wala ba akong karapatang manghingi ng boundaries?

Pagkatapos namin kumain ay si Alec na ang naghugas ng pinagkainan namin. Hindi na ako umangal at kinuha ko na lang yung notebook ko para simulan ang assignment ko. Nang matapos sa paghuhugas ay tumabi sa akin si Alec at nagbasa ng librong dala niya.

Tahimik lang kaming dalawa, busy sa ginagawa namin. Pero kahit di niya ako ginugulo ay sobrang aware ako sa presensya niya ilang pulgada lang sa tabi ko.

Nang matapos ako sa assignment ko ay hinarap ko si Alec. "Anong oras mo balak umuwi?"

"Pinapauwi mo na ba ako?"

"Hindi naman."

Sinara ni Alec yung libro niya. "Pwede ba kita hawakan?"

"Saan?"

"Sa kamay."

"Kamay lang ah?"

Kinuha ni Alec ang mga kamay ko. "Sophie?"

Tiningnan ko lang siya, binabantayan in case na may gawin na naman siyang kalokohan. "Bakit?"

"I'm sorry if I scared you." Hinimas niya ang palad ko. "Di ko na uulitin."

"Okay."

Ngumiti si Alec. "I still want to kiss you though."

Inirapan ko siya at binawi ang kamay ko. "Ewan ko sayo."

=============================

A/N:

Consent. Consent. Conseeeeeent!

Continue Reading

You'll Also Like

8.7K 597 95
"and history say they were roommates." an epistolary. --- Paranoid of not having a place to stay for the new semester, Aleszandra Sunni Ferrer posted...
2.9M 58.4K 50
Frances Montejar was determined to win back her childhood ex-boyfriend, Miguel "Migs" Fuentabella. But when Migs came back from the US, Frances felt...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
876K 31.5K 37
[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being...