The Guy Next Door (Completed)

Por TabinMabin

2.3K 212 11

Competitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush... Más

The Guy Nextdoor
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
Epilogue

14

28 3 0
Por TabinMabin

Patricia

Tumango ako kay Kuya Gavin saka ko siya kinawayan ng bahagya. Hindi na maalis ang maliit na ngiting nakapaskil sa mukha ko dahil sa naging pag-uusap namin. Tama si Lie Jun. Ito nga ang kailangan namin. Kung hindi siguro nito ginawa ang bagay na ito, hindi pa rin kami ayos ni Kuya Gavin.

Lahat ng hinanakit ko, sinabi ko sa kaniya habang magkausap kami. Humingi siya ng tawad sa pagiging manhid niya pero hindi ko siya sinisi. Mas sinisi ko ang sarili ko dahil ako ang sumira ng kung ano man ang mayroon kami. Hindi niya naman kasalanan na napamahal ako sa kaniya – hindi niya kasalanan na hindi niya kayang ibigay ang gusto ko.

Pagkababa ko ay bumalik ako sa room namin para tapusin na ang onesie ni Lie Jun. Sobrang laki ng tulong na ibinigay niya sa akin kaya gusto ko nang matapos ito para ito ang maging way ko ng pasasalamat. Hindi ko alam kung bakit niya gusto ito kahit napaka-childish nito pero hindi na importante iyon. Ang mahalaga, maibibigay ko na ang gusto niya.

Inabot ako ng gabi sa pananahi at itinodo ko na ang oras ko para lang magawa ito since matatapos naman na ito. Nang pumatak na ng 7PM, saka pa lang ako umuwi. Ilang text at tawag na nga ang natanggap ko sa pamilya ko pati na kina Kuya Gavin at Lie Jun kaya para matahimik sila, nag-mass text na lang ako, saying na may tinapos ako.

As expected, pinagsabihan ako ni Papa dahil pinag-alala ko raw sila ni Mama. Humingi naman ako ng tawad at para mapahupa ang galit nila, ayoko man, nagsinungaling ako. Sinabi ko na inasikaso ko lang ang pagkakatanggap ko bilang scholar kahit na ang totoo ay nanahi ako.

Iyak nang iyak si Mama dahil sa tuwa tapos pati sina Kuya Billy, Kuya Kendrick at Papa ay sobrang saya rin. Malaking tulong raw ang ginawa ko para sa kanila and I couldn't be more than proud of myself. Makakapag-ipon pa raw lalo sila para sa kotse namin. Napagpasyahan nilang maghanda sa Linggo nang makapag-celebrate kaya pumayag na lang ako para lang makaakyat na. Excited na kasi akong maibigay kay Lie Jun ang onesie.

Pagkatapos ko magbihis, bitbit ang paper bag, bumaba na ako't nagpaalam na pupuntahan ko lang ang kapitbahay namin. Pagkarating ko sa harap ng pintuan ay kumatok ako. Ilang sandali lang nang buksan ito ng nakamaskarang Chinese.

"Ta-da!" Itinaas ko ang hawak ko saka ko ito itinapat sa mukha niya. "For you!"

"You're in a good mood." Ngumisi siya saka tinanggap ang paper bag. "What's this?"

"Buksan mo kaya."

Nagkibit-balikat siya saka kinuha sa loob ng bag ang onesie. Ibinalik niya sa akin iyong bag para matignang maigi ang regalo ko tapos itinaas niya ito't tinignan ang kabuuan. "Para sa akin?!"

"Yep. Sabi mo kasi gusto mo rin, hindi ba?" Tumango siya saka ako tinalikuran. Iniwan niyang bukas ang pintuan kaya I took it as a sign na pinasusunod niya ako. Hinubad ko muna ang tsinelas ko bago ako tuluyang pumasok. Naupo siya sa sofa at ako naman, isinara ang pintuan. "Alam mo, nanghinayang ako bigla duon sa onesie na sinunog natin."

"Bakit naman? Ayos na ba kayo?"

"Yeah. Nagkaayos na kami. And that's all thanks to you. I still like him pero nawala na iyong nagpapabigat sa dibdib ko kaya sa tingin, mabilis akong makakapag-move on."

"That's good. Ang bata niyo pa kasi para dumaan sa ganiyang drama." Tumayo siya saka hinubad ang maskara. "Can I try this on?"

"Go ahead." Patakbo siyang umakyat at pagkababa niya ay suot niya na iyong onesie at nakasuot rin ang hoodie nito. "Okay lang?" nakangiting tanong niya saka umikot sa harap ko.

Napatakip ako sa mukha ko kasi para siyang bata kung kumilos; ibang-iba sa tingin ko sa kaniya dati. But he's handsome and cute, I'll give him that. Nang maramdaman ko ang mahinang pagsipa niya sa paa ko ay inialis ko na ang pagkakatakip ng mga kamay ko sa mukha ko.

"Bagay. Especially the tail. Talikod ka nga." Tumalikod siya pero pumihit para tignan ang buntot ng onesie. "Nag-effort ako diyan kaya be thankful."

"Sige. Ganito." Umupo siya sa tabi ko saka dume-quatro at humalukipkip. "Kahit marami ka nang utang sa akin—"

"Excuse me? Anong utang?"

"Una, I accepted you as my friend. Pangalawa, kung hindi dahil sa akin, hindi pa rin kayo ayos ni Gavin. Pangatlo... ano nga bang pangatlo? Anyway. Puwede ka magtanong sa akin ng isang tanong at sasagutin ko ng honest, except sa business ko."

"Make it two."

"Just one."

"Please?"

He heaved a sigh saka ako inikutan ng mata. "Fine."

Nag-isip ako ng puwedeng itanong sa kaniya. Kung hindi puwede ang tungkol sa business niya, anong itatanong ko? Tungkol sa pamilya? Baka ma-trigger ang emosyon niya kaya mas mabuti nang hindi ko ito ungkatin. Nang madapo ang tingin ko sa maskara niya sa gilid ng upuan, nakaisip kaagad ako ng itatanong.

"Are you pure Chinese? Ang galing lang kasi marunong ka mag-English, Tagalog and I believe Mandarin ba iyong sa China?"

"Yeah. Nag-tutor kasi ako dati ng English and Tagalog noong pagkapunta ko rito. You know how Chinese people are. Kailangan mo mag-excel sa maraming bagay. I'm not generalizing but my family is like that as well as the ones I know."

"I see. Second: Why do you always wear a mask kapag lumalabas, umuuwi o dumudungaw ka sa pinto at bintana?"

Matagal nang palaisipan sa akin ang bagay na ito kaya gusto ko malaman kung bakit. Imposible kasi na trip niya lang. Ngayon ko lang napagtanto na childish talaga siya pero iyong childish to the point na lalabas siya na nakamaskara? Malabong rason na gusto niya lang, eh.

"Good question."

"Bakit nga?"

"Wait here." Tumayo siya't umakyat sandali. Nakakatuwa nga kasi nag-s-sway iyong buntot habang umaakyat siya sa hagdan. Pagkabalik niya ay may papel na siya at ball pen. Naupo siya sa sahig saka inilapag ang papel rito. Nag-drawing siya ng malaking letter U tapos sa linya nito ay may hilera ng letter X. "Itong U na ito, dito tayo nakatira tapos itong mga X ay mag-s-stand na mga bahay na nakapalibot rito."

Umupo rin ako sa sahig at napaisip ako saglit sa ginagawa niya pero na-realize ko na tama siya. Pa-U kasi ang street namin na ito. Literal na parang sa America. "Okay?"

"Itong dalawang X n ito?" Binilugan niya iyong X sa magkabilang dulo ng U. "Dito nakatira iyong mga kaklase namin dati ni Gavin."

"Anong kinalaman nila sa maskara mo?"

"Kasi po kapag nalaman nila na dito ako nakatira, posibleng kumalat sa buong lugar na ito ang tungkol sa akin. What do you think will happen to me kapag nalaman nila?"

"I... I see. Gets ko na. So you're doing this to conceal your identity from those two kasi, hindi ba? Kapag nalaman ng mga tao sa street natin na may pusher dito, iisipin nilang delikado kang tao. Tama? Possible rin na magsumbong sila sa pulis at ipa-check iyong bahay mo." Tumango siya saka ako nginitian at sumandal sa sofa habang nakaupo pa rin sa sahig. Ganuon rin ang ginawa ko habang nakatingin pa rin sa kaniya. "Lie Jun... hindi ka ba napapagod sa pagtatago?"

"I don't have a choice. Kailangan ko gawin ito para makaipon ako ng pera."

Nabanggit niya na naman ang tungkol sa pag-iipon kaya nangati akong itanong kung bakit pero kahit gaano ko pa kagusto itanong, hindi ko ginawa. Gusto niya ng privacy tungkol rito at tulad ng sabi ko, kukuhanin ko muna ang buong tiwala niya para siya na ang kusang magsabi kung bakit.

"Do you want me to talk to them? Ako kasi ang nahihirapan sa ginagawa mo. Imagine, hindi ka lumalabas na walang suot na maskara. Puwede ko naman silang kausapin at sabihing misunderstanding lang ang balitang iyon sa iyo."

"Kahit huwag na. There's no reason for me to clear my name. Lahat naman ng sinasabi nila totoo, except of course sa chismis na gumagamit ako ng droga."

"Paano ba nila nalaman na nagtutulak ka?"

"Nahuli ako ng isa sa mga varsity na may ka-transaction. Hindi ko alam na mino-monitor na pala ako noong araw na iyon. Gusto kasi nila bantayan bawat kilos ko kasi nga lagi akong napapaaway. Dapat nga na-expel na ako noon. Buti na lang talaga at naibigay ko na lahat ng item ko sa client ko nang hanapan nila ako ng ebidensiya. Sa galit nila na hindi nila ako na-expose, sinimulan nilang ikalat iyong tungkol duon."

"I see."

"Marami ka na masyadong naitanong. Sabi ko dalawa lang, eh." reklamo niya habang nakasimangot. "Ako naman magtatanong."

"Go on."

"Let's say kinailangan ko na umalis tapos hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Would you still be my friend?"

Nag-isang linya ang labi ko dahil sa sinabi niya. Napapalapit na ako sa kaniya kaya hindi ko gusto ang ideya na lalayo siya. Napakurap ako ng ilang beses habang nakatingin sa mga mata niya. Alam ko ang sagot sa tanong niya pero hindi ko mailabas dahil parang hindi ko tanggap na aalis siya.

Wala akong gusto sa kaniya. Iyong nararamdaman ko sa kaniya? Hindi tulad ng nararamdaman ko kay Kuya Gavin. It should be easy for me to say yes pero hindi ko magawa. Ngayon pa lang na iniisip kong aalis siya, nalulungkot na ako.

It's funny kasi takot na takot ako sa kaniya dati pero ngayon, ayoko siyang umalis.

"Lie Jun..." pagbasag ko sa katahimikan pero hindi ko ito madugtungan.

Napakamot siya sa ulo saka tumayo habang nakangiti ng bahagya. "It's understandable that you'd want nothing to do with me once I leave. I get it."

"Aalis ka ba? Hindi ka naman magtatanong ng ganiyan kung wala kang plano umalis."

"I'm still not sure. I'm hoping that I can leave soon."

Hoping? Ganuon niya ba kagusto talaga umalis?

"Where will you go?"

"Home."

Tumayo ako sa harap niya kaya medyo napaatras siya. Hindi ko pinutol ang tingin sa mga mata niya dahil gusto ko iparating sa kaniya na malungkot ako sa sinabi niya, sa ideyang aalis siya. "Hindi ka ba masaya na kasama kami? Hindi ka ba masaya rito?"

Ngumiti siya saka ipinatong ang kamay sa ulo ko bago niya ito ginulo. "You know my answer to that, Patricia." He sighed saka inialis ang kamay sa ulo ko at ipinasok sa magkabilang bulsa ng onesie ang mga kamay niya. "I still have a lot of things to do before I can leave kaya matatagalan pa bago ako umalis. Kaya ko lang sinabi ito kasi gusto kong malaman kung may kaibigang babalikan pa ba ako rito kung sakaling umalis nga ako."

Tumango ako saka ko siya tinapik sa balikat ng ilang beses kaya napatingin siya rito bago ibinalik ang tingin sa mga mata ko. "Of course. Nandito lang naman kami. You won't be here physically pero may way naman para makapag-communicate pa rin tayo. There's Skype, Facebook, Twitter – maraming way para makapag-usap pa rin tayo."

"You're right."

"Alam mo, pinalungkot mo lang ako. Nandito lang naman ako para ibigay iyong onesie."

Bumalik ang yabang sa ekspresyon niya kaya napangiti na lang ako't napailing. "At least you get to know me. Isa pa, nalaman ko na malulungkot ka kapag umalis ako kaya worth it rin na pinalungkot kita."

"Siraulo." Pabirong sinipa ko siya saka ko hinawakan ang tela sa balikat niya. "Hubarin mo na nga iyan. Ang init-init."

"You sure?"

"Of course I'm sure. Ni hindi mo man lang binuksan iyong electric fan kahit may bisita ka. Kahit tubig, hindi mo ako inalok."

"You really want me to strip?"

"Bingi lang? Paulit-ulit tayo rito?"

"Kahit na naka-briefs lang ako sa ilalim nitong onesie?"

Nanglaki ang mga mata ko saka ko siya itinulak at naupo sa sofa. "Umakyat ka na nga duon. Nanggigigil ako sa iyo."

Hinawakan niya iyong zipper sa harap ng suot niya saka ito unti-unting ibinaba kaya unti-unti ko rin nakikita ang dibdib niya. Dinampot ko iyong ballpen na ginamit niya kanina saka ito ibinato sa kaniya kaya tumawa siya pagkailag.

"Ikaw nagsabi na maghubad ako. I'm a good guy who's just following your order."

"Akala mo naman ang laki ng katawan!" Tumayo ako't tinalikuran siya. Pagkadating ko sa pinto, binuksan ko ito't humarap sa kaniya. Napairap na lang ako nang magsimula siyang tumawa nang tumawa. "Uuwi na ako!" Itinaas ko muna ang gitnang daliri ko saka ko isinara iyong pinto at iniwan siya.

Hindi ko minsan talaga alam kung anong mararamdaman ko kapag kasama ko ang Chinese na iyon, eh. Pero alam ko namalulungkot talaga ako kapag nawala siya.

Seguir leyendo

También te gustarán

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
147K 4.8K 33
{That Baby Is A Matchmaker Book 2} Ware Sulli Alkantara ang Babaeng masayahin, Jolly and Joker. Mahal na mahal niya si Aero Jophiel Suho Lim, Pero is...
3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...