Polar Opposites

By JellOfAllTrades

327K 12.9K 1.3K

Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilip... More

Polar Opposites (GirlXGirl)
Meet the Negative
Think Positive
The Alexandrian Effect
AC/DC
The Chemical Reaction
Sound Wave
Miscalculation
Phobias
Electrostatic Attraction
Continental Drift
Background Check
Living Improbability
Interstellar Activity
Possibilities
The Neutral Polarity
The Nilaga Agreement
Alec's Chrysalis
Schrodinger's Cat
Polar Shift
Red Joker
Home Treatment
Imperial Confession
Origami
Boundaries
Genetic Mutation
A Ballad for the Broken
Last Digit
Out-of-Body Experience
Ice Cream Infinities
Lightning Struck
Camellia Sinensis
Broken Treaties
Genealogy
Opera Seria
Missing Persons
All Senses
Acknowledged Existence
Projections
Epilogue: A Moment in Time
Author's Note

Fire and Blood

2.9K 205 104
By JellOfAllTrades

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 24

Naabutan ko si Alec sa hallway sa labas ng canteen. Mabilis ang lakad niya, nakakuyom pa rin ang mga kamao at lahat ng nakasalubong niya ay agad na umiiwas.

"Hoy, ano ba?" Hinila ko yung braso niya para paharapin siya sa akin.

"Bumalik ka na dun." Nagtitimping sagot nito.

"Wala namang ginawa sayo si Leone, ah?!"

"Ang sabi mo umalis ako pag di ko makontrol yung galit ko." Tila nahihiya niyang sagot. Umiwas siya ng tingin sa akin.

Napangiti ako nang ma-realize kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon niya kay Leone. "Nagseselos ka ba kay Leone?"

Kumunot ang noo ni Alec at nagmamadaling naglakad papalayo sa akin.

"Hoy, kinakausap pa kita!" Habol ko sa kanya. Muli kong hinila ang braso niya. "Wag mo akong iwan!"

"Tangina, Sophie. Ang dense mo." Iritang sabi ni Alec sa akin. "Sinabi ko na ngang may gusto ako sayo tapos tatanungin mo pa talaga ako kung nagseselos ako dun sa impaktong yun?"

Namumula na ang mukha niya, dahil sa galit o selos, hindi ko alam.

Itinaas ko yung origami na ginawa niya kanina. "Bakit ka magseselos dun kung yung bulaklak na bigay mo ang hawak ko ngayon?"

Nawala ang galit sa magandang mukha ni Alec at tila nagliwanag bahagya ang mga ube niyang mata. "Pinapaasa mo ba ako?"

Umiling ako at inilagay na sa bag ko yung origami bago pa ito masira. "Ayoko lang mapasali sa drama nila Leone at Louisse."

Ngumisi si Alec, dahilan para lumitaw ang pangil niya. "You do realize that by running after me, you're making a different kind of drama?"

Tumingin ako sa paligid namin at na-realize na maraming nanunuod sa amin. Agad akong kinabahan na baka nanunuod din si Rose, hindi ko lang siya matanaw.

"Since you're here, would you like to have lunch with me instead?"

Ibinalik ko ang tingin ko kay Alec at nakitang kalmado na siya.

"We could go on a date if you like." Dugtong pa niya.

"Ayoko nga!"

"Eh di lunch na lang?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pagtitripan mo ba ako?"

"Kung pagtitripan kita kanina pa kita hinalikan." Pangaasar ni Alec. "Pero seryoso ako sayo kaya inaaya kitang kumain. Di ba sabi mo gutom ka na?"

Nag-alinlangan ako. Seryoso siya sa akin?

"Sophie, gutom na rin ako. Kakain ba tayo o kakainin kita?"

Hinampas ko siya sa braso. "Bwisit ka!"

Natawa si Alec at sinalo yung kamay ko. Ngumiti siya ng malapad para ipakita sa akin yung pangil niya. "Kagatin kita sa leeg?"

Nagliwanag sa kapilyuhan ang violet eyes niya kaya't sinubukan ko siyang hampasin gamit ang kaliwang kamay ko. Pero nasalo niya rin iyon at tila sabik na inilapit ang mukha niya sa akin.

"ALEC!" Napatili ako dahil wala na akong ibang magawa para makawala sa kanya.

"ALEXANDRIA!" May sumigaw at agad kaming napalingon ni Alec.

Si ma'am Perez, may yakap yakap na mga papeles at halatang gulat sa naabutan. Agad naman akong binitawan ni Alec pero pumwesto siya sa likuran ko at niyakap ako. Nanigas ako nang maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko.

"Anong ginagawa mo kay Jaranilla?" May pangaakusang tanong ni ma'am.

"What do you think?" Hinigpitan pa lalo ni Alec ang yakap sa akin at lalo lang akong hindi makagalaw dahil ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niyang nakadikit sa likuran ko. Maingat na hinawakan ni Alec ang panga ko para itagilid ng bahagya ang ulo ko.

Pakiramdam ko ay hostage ako ni Alec.

"Sabi ni Sophie bampira daw ako, eh? Just gonna drink her blood." Pabirong sabi ni Alec. At sa mahinang boses na tanging ako lang ang makakarinig ay bumulong siya. "I want you so bad I want to kiss you."

Huminga ng malalim si Alec at marahang hinalikan ako sa leeg. Nagsitayuan ang balahibo ko at para akong tinamaan ng kidlat sa naramdaman kong kiliti na dumaloy sa katawan ko.

Nakanganga lang si ma'am Perez, gulat at walang masabi sa ginawa ni Alec.

Binitawan ako ni Alec at hinawakan niya ang kamay ko. "Obviously, hindi ako bampira. Pero hindi naman pinagbabawal ng St. Anne ang ginawa ko sa girlfriend ko, di ba?"

Halos mabali ang leeg ko sa mabilis na paglingon ko kay Alec. Ngiting ngiti siya. Napataas naman ang kilay ni ma'am Perez.

Girlfriend? Ako? Ano na namang binabalak nito sakin?!

"May limits ang PDA sa school, Alec. Kung di niyo mapigilan ang sarili niyo, wag naman sa gitna ng hallway."

"Sorry, maybe we'll be a little more discreet next time." Sagot ni Alec. "Una na kami."

Hinila ako ni Alec papalayo kay ma'am Perez at nang magpumiglas ako ay bigla niya akong binuhat, bridal style. Ngiting-ngiti pa siya kaya't hinila ko yung ponytail niya dahilan para mabitawan niya ako.

"Aray ko naman!" Hiyaw niya.

"Kaya ko maglakad!" Halos pasigaw kong sabi sa kanya. "San mo ba ako dadalhin?!"

"Sa labas. Kakain tayo."

Pinaghahampas ko siya sa braso, walang pakialam kung matamaan ko yung mga pasa at sugat na natamo niya noong nabugbog siya ilang gabi na ang nakakaraan. "Bwisit ka, bwisit, bwisit!"

"Sabi mo ayaw mo sa drama nila Louisse, then stick with me. I want you anyways. Maybe having you for a girlfriend will be for the best."

Gusto ko siyang sampalin sa paghalik niya sa leeg ko. Kinikilabutan pa rin ako hanggang ngayon. Nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko. Pakiramdam ko minolestya niya ako.

Napatigil naman si Alec at mukhang naramdaman ang sama ng loob ko. "Fine, if you don't want to be my girlfriend, eh di wag."

"Akala ko ba friends tayo?" Hikbi ko. "Ganun ka ba sa friends mo?!"

Nabalot ng pagkalungkot at pagsisisi ang mukha ni Alec at nang lumapit siya sa akin ay nanigas ako bigla.

"Sophie?" Mahina ang boses niya pero may kakaiba sa pagkakasabi niya ng pangalan ko. Pinunasan niya ang luha ko. "Pwede ba kitang ligawan?"

Tinitigan ko yung mukha niya. Nakakaawa siya tingnan dahil sa black eye niya at sa putok niyang labi pero seryoso ang mukha niya, hindi nagbibiro.

"Gusto kita. And it's the first time I've ever considered having a girlfriend."  Pagpapatuloy niya. "Kung kailangan kita ligawan, gagawin ko."

"Pano pag sinabi kong ayoko?"

Umatras siya. "Tatanggihan mo ako?"

Inirapan ko siya. "Di lahat ng manliligaw sinasagot. Bakit kita papayagan kung ngayon pa lang di ka makapaniwalang tatanggihan kita."

Napakamot ng ulo si Alec. "Again, Sophie. Never pa ako nagkaka-boyfriend o girlfriend. Anong alam ko sa panliligaw?"

"Aba, malay ko."

Napatingin na lamang si Alec sa itaas, frustrated. "Di ko na alam kung anong gagawin ko sayo."

Bumukas ang pinto ng isang classroom at nagsilabasan ang mga estudyante. Nang makita  nila kami ay agad na umiwas ang karamihan sa kanila. Nang lumabas si Louisse ay halatang di niya inaasahan na makita kami. Agad siyang lumapit sa amin ni Alec.

"Sinusundo niyo ba ako?" Biro ni Louisse.

Umiling ako. "Nagkataon lang na dito kami napatigil ni Alec."

Tiningnan ni Louisse si Alec. "Nag away na naman ba kayo?"

"Siya kasi eh!" Parang bata na sumbong ni Alec kay Louisse.

"Anong ako?!" Depensa ko. "Wala akong ginagawa sayo. Ikaw tong may kasalanan sakin!"

"Teka, teka, teka." Awat ni Louisse. "Kumain na ba kayo? Lunch break ko na eh. Kain muna tayo. Saka natin pagusapan yan."

"Okay," agad kong sagot. Kanina pa ako gutom, nawala lang sa isip ko dahil sa kalokohan nitong ni Alec.

Parang nasaktan naman si Alec sa pagtanggap ko sa imbitasyon ni Louisse. "You know what, kayo na lang."

Naglakad na papalayo si Alec. This time, di ko na siya hinabol. Sumasakit ulo ko sa kanya.

"What was that all about?" Takang tanong ni Louisse. Binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti.


***


"Seryoso ba?!" Di makapaniwalang sabi ni Louisse nang matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa canteen at sa hallway nang habulin ko si Alec.

"Seryoso," maliit ang boses ko. May isang klase pa ako mamaya pero sobrang inis ko pa rin kay Alec parang ayoko na pumasok. Pakiramdam ko hindi rin ako makakapag-focus.

"Sabi ko na nga ba may gusto sayo yun eh!"

"Di siya nakakatuwa." Saad ko.

"Well, di naman nagsisinungaling si Alec nung sinabi niyang never pa siya nagkaron ng boyfriend o girlfriend, so baka totoong wala nga siyang alam sa panliligaw."

"Hindi yun yung nakakainis. Yung paghalik niya kasi sa leeg ko yung nakakainis! Di niya ba naisip na ayoko nun?"

"She did say she wanted to kiss you badly. Mas gugustuhin mo bang yung labi mo ang hinalikan niya?"

"Syempre hindi!"

Tinaasan lang ako ng kilay ni Louisse na tila napatunayan na yung punto niya. Inubos na niya yung natitirang iced tea niya. 

"As if naman hahayaan ko siyang ligawan ako." Iritang bulong ko.

Ngumiti si Louisse at ibinaba na ang baso niya. "I have a feeling na wala ka ring magagawa jan. Sa ayaw at sa gusto mo liligawan ka nun."

"Eh pano kung ayoko? Straight ako! Wala akong gusto sa kanya!"

"I think I've said those words before." Pabirong sabi ni Louisse.

Sinamaan ko siya ng tingin. "At least maayos naman si Leone."

"Maayos rin naman si Alec." Patutsada ni Louisse. "Maloko, oo. Pero matalino at mabait naman yun. Not to mention maganda at sexy siya."

Naalala ko yung picture ng sugat niya sa likod matapos matamaan ng kidlat. Hindi kaya naapektuhan ng kidlat ang ugali niya? Pero nangyari yun bago siya mag-college. At sa pagkakaintindi ko, ngayong college lang nagkakilala si Alec at Louisse. Bakit puro magandang alaala ang meron si Louisse kay Alec? At bakit puro pang-aapi lang at kalokohan ang alam ko sa henyo?

"Nagfofocus ka ata kasi sa pangbubully niya sayo. Akala ko ba napatawad mo na siya dun?"

Napayuko ako. "Oo."

"In denial ka ba sa pagkakagusto niya sayo?"

"Bakit kasi ako?" Mahina kong tanong kahit natatandaan kong may sinabi na si Alec tungkol sa pagkakagusto niya sa akin.

Nagkibit balikat si Louisse. "Bakit di mo siya tanungin? If she tells you a good enough answer, hayaan mo siya manligaw. If not, then tell her you're not interested."

"Akala ko ba sabi mo wala akong magagawa?"

"Maybe by asking her you'll convince her na di ka talaga niya gusto?"

Napatingin ako sa labas ng bintana ng kinakainan namin. "Nalilito na ako."

"Love is often confusing."

Sa labas ng restaurant na kinakainan namin ay natanaw ko ang mapulang buhok ni Rose. May lumapit sa kanyang babae at itinuro yung restaurant namin. Agad naman naglakad si Rose at ang ilang kasamahan niya sa direksyon namin.

Napatingin ako sa paligid. Iilan lang ang taong kumakain sa restaurant at kakaonti ang staff.

"Papunta ata si Rose dito." Kabado kong sabi kay Louisse.

Napalingon si Louisse sa entrance ng restaurant at nakitang papasok sila Rose.

Nanggagalaiti ang mukha ni Rose. Wala man siyang dalang blade ngayon ay takot pa rin akong baka may gawin siya sa amin ni Louisse. Dadalawa lang kami samantalang lima sila ng grupo niya.

"Anong kailangan niya?" Mahinang tanong ni Louisse.

Bago pa ako makasagot ay nakarating na si Rose sa table namin.

"Hello, Sophie." Bati ni Rose.

"H-hello," nanginginig kong sagot. Tila nagaapoy ang kulay pula niyang buhok.

"Balita ko kayo na ni Alec?" May halong pagbabanta ang tanong niya.

Hindi ako makasagot. Nakarating siguro sa kanya yung balita tungkol sa pagsabi ni Alec kay ma'am Perez na girlfriend niya ako, pero hindi naman totoo yun.

"Ano naman sayo kung sila o hindi ni Alec?" Tanong ni Louisse sa bagong dating.

Makamandag ang ngiti ni Rose kay Louisse. "Di pwedeng magkagirlfriend si Alec. Hindi siya interesadong magkagirlfriend."

Tinawanan lang ni Louisse si Rose. "Nako, Rose. Huli ka na sa balita. Sila na ni Alec. Last week pa nga ata eh. Di ba, Sophie?"

Pinanlakihan ako ng mata ni Louisse kaya napatango na lang ako.

"Alec's gotten tired of the angels and demons thing, Rose." Kunwaring bored na sabi ni Louisse. "She's growing up and moving on. I suggest you do the same and leave us alone."

Kinuha ni Rose yung tinidor ko at malakas na itinusok ito sa kahoy na table. Nagulat ang lahat ng tao sa restaurant sa tunog at napatingin sa direksyon namin.

"I know Alec made a deal with my dad para sa buhay mo. Pero I swear, Sophie Jaranilla, if I find out na niloloko mo lang si Alec, babalatan kita ng buhay at itatapon sa gitna ng dagat para malunod at kainin ng mga isda."

Pagkatapos ako bantaan ay tumalikod na si Rose at umalis ng restaurant, nakasunod sa kanya ang entourage niya. Nagkatitigan lang kami ni Louisse, hindi makapaniwala sa nangyari.

"I think it's best if hayaan mong manligaw muna si Alec if it means your life won't be in danger from her."

Napahilamos na lang ako sa sobrang frustration.


======================

A/N:

Medyo pilit yung title ng chapter pero pagbigyan niyo na ako HAHAHA

Continue Reading

You'll Also Like

515K 18.9K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
71.7K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
876K 31.5K 37
[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being...
8.7K 597 95
"and history say they were roommates." an epistolary. --- Paranoid of not having a place to stay for the new semester, Aleszandra Sunni Ferrer posted...