Crazy Rich Transgender

Od karleenperry

205K 11.7K 1.6K

[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bag... Více

Prologue
1 ❤️ Scholar
2 🧡 The New Class President
3 💛 Highschool Building Rooftop
4 💚 Liu's Fave
5 💙 Student Assistant
6 💜 Trash Bin
7 ❤️ Pink Lunch Box
8 🧡 New Part Time Job
9 💛 New Friends?
10 💚 Tutor
11 💙 Contentment and Happiness
12 💜 He Saved Me?
13 ❤️ How Rumors Fly
14 🧡 Happy Birthday, Samuel!
15 💛 Her Evil Plan
16 💚 Unclear
17 💙 Mr. Perfect Guy
18 💜 Idol
19 ❤️ I'm Sorry
20 🧡 Why I Decided To Stay
21 💛 Looks Can Be Deceiving
22 💚 I'll Stay Through The Bad Time
24 💜 No Buts, Micah Jade
25 ❤️ Magic In The Air
26 🧡 The Class President And Her Escort
27 💛 75th Acquaintance Ball
28 💚 Flowers... For Me?!
29 💙 Beauty And The Beast
30 💜 The King And Star
31 ❤️ First And Last
32 🧡 Memories To Keep, Forever
33 💛 Friendship Is A Treasure
34 💚 Aling Vicky, Yung Anak Mo!
35 💙 Music Club
36 💜 It Takes Strength And Courage To Confess
37 ❤️ I'm Yours
38 🧡 Jelly Ace
39 💛 Do I Need To Answer That?
40 💚 It Really Hurts
41 💙 No Holds Barred
42 💜 I Wish For Your Happiness
43 ❤️ Ikaw At Ako
44 🧡 You're My Sky
45 💛 Announcement From SJL
46 💚 Normal Date
47 💙 Gift
48 💜 His Leadership and Competetiveness
49 ❤️ Our Best Muse
50 🧡 SJ Thirteen
51 💛 A Life Well Lived
52 💚 Birthday Cake
53 💙 Five M
54 💜 Three Years
55 ❤️ Too Much Care And Generosity
56 🧡 Anniversary
57 💛 New Couple?!
58 💚 It Was Him
59 💙 Jade
60 💜 Moment Of Truth
61 ❤️ Crazy Rich
62 🧡 The Rift Between The Lius and Wongs
63💛 Eighteen and Official
64 💚 Wedding Bells
65 💙 The Calm Before The Storm
66 💜 What Happened That Day
67 ❤️ Red Alert
68 🧡 Threat

23 💙 Will You Be My Ball Date?

3.4K 211 25
Od karleenperry

Maaga akong bumangon.

Sanay ang katawan ko na alas singko pa lang ng umaga ay gising na. Hindi rin kasi ako sanay magpuyat eh. 9pm palang ng gabi ay nakahiga na ako. Ang 10pm para sa akin ay puyat na ako.

"Anak, bakit bumangon ka na? Matulog ka pa." Sabi sa akin ni Nanay na dinatnan ko sa aming munting kusina na naghahanda na ng rekado sa paninda niya.

"Tutulong na po ako diyan, para mas mabilis na makaluto ngayon." Pilit ko naman sa kanya.

"Anak, sanay na sanay na ako sa araw araw na ginagawa ko at hindi mo ako kailangang intindihin. Ikaw, bumalik ka na sa kama mo at mahiga ka pa."

"Pero..."

"Anak, magpahinga ka pa. Ngayong araw ka lang walang pasok, hayaan mo na ako dito. Kayang kaya ni Nanay to. Isa pa, darating na din si Dindi."

Oo nga pala, simula noong Lunes ay kinuha na niyang helper si Ate Dindi. Pamangkin ni Aling Josie, na kumare ni Nanay. Galing daw ito sa malayong probinsya, at nag hahanap ng trabaho. Kaya't habang wala pa siyang regular na trabaho dito sa Bulacan, ay kinuha na muna siya ni nanay para makatulong.

"Sige na kasi nanay. Kahit mag hiwa nalang ako." Lambing ko naman sa kanya.

"Osiya, pero maupo ka muna diyan at mag agahan ka." Sabi niya sa akin.

Nagkape at pandesal ako na may palamang condensed milk.

Ang sarap talaga nun.

Nang matapos ako ay tumulong na ako kay nanay sa pag hihiwa ng mga gulay na gagamitin niya.

Pero nakakaiyak talaga mag hiwa ng sibuyas.

Sa aking pag kakaalam, kaya nakakaiyak ang pag hihiwa ng sibuyas ay dahil naglalabas ito ng chemical na tinatawag na lachrymatory factor o LF, kaya't nakakairita ito sa ating mata. Sa simpleng pagbabalat nito ay hindi ka naman maiiyak, ngunit kapag ito ay hiniwa o dinurog na, ay nagiging sanhi ng pagtutubig ng ating mga mata. The onion's cells break open, allowing two normally separated substances to combine.

Nagiging gas ito, at tumatama sa ating mga mata, napupunta ito sa sensory nerve at nagiging dahilan ng pag luha. Ang sabi pa nila, maihahalintulad din daw ito sa tear gas.

Ayun lang, naalala ko lang bigla ang dahilan kung bakit nakakaluha ang pag hihiwa ng sibuyas.

Ngunit, may bigla akong naalala.

The day I cried in front of him. Niyakap ko pa siya, and he hugged me back and comforted me. That day, I felt safe being with him.

Ano nga kaya ang ibig sabihin ng mga ginawa niya, at ng kakaibang nararamdaman ko ngayon?

Naalala ko rin bigla ang mga sumunod na nangyari.

Well, pinatawag kami sa guidance.

That is my first time in my life na nakapasok ako sa guidance counselor's office dahil sangkot ako sa gulo.

Usually ay napupunta lang ako dun upang magpapirma ng clearance kapag tapos na ang school year.

But yeah, that day, we are there para kausapin ng guidance counselor.

Nakakatakot, nangangatog pa ang tuhod ko habang nakaupo sa harapan ng table. Samantalang iyong apat na lalaking yun, prente lamang na nakaupo at hindi manlang kinakabahan.

Kinausap lamang kami tungkol sa nangyari. Sa huli ay wala namang na suspend sa amin. Hindi na rin pinatawag ang magulang namin. Yun din kasi ang kinatakot ko eh.

Pinagsabihan lamang kami at pinabayaran kay Stephen and damages na nasira sa cafeteria.

Nako talaga ang lalaking yun.

Natawa ako ng maalala na sinisingil niya rin sila Samuel sa nabasag na monitor.

"Why would we? Ikaw lang naman ang bumasag dun ah." Sabi ni Samuel.

Nakakatawa talaga ang reaksyon niya. Mapapagalitan daw kasi siya kapag kumuha siya ng malaking halaga sa account niya.

Hindi ko alam kung magkano ang inabot nun, pero sa tingin ko ay mahal yun, dahil ang dinig ko ay bago pa lang at magandang klase ang binasag niyang tv monitor.

Pagkatapos ng araw na yun, naging maayos naman ang lahat. Tila isa nanaman akong hangin sa paningin nila, at hindi na nila ako pinapansin at pinapakiaalaman.

Mabuti na rin ito. Mapayapa ang buhay. Makakapag focus sa pag aaral.

Ang mga kaibigan ko naman, palagi ring nakabuntot sa akin.

Si Samuel, palaging nakangiti sa akin. Nahihiya na nga ako, dahil alam kong may ibig sabihin ang ngiti niya. Inabutan niya kami ni Stephen na nakasandal sa isa't isa na tulog.

Sobrang bothered ako dun at gusto kong magpaliwanag, samantalang si Stephen, as usual ay walang pakialam.

Si Stephen, ayun balik sa normal nanaman.

Nakabusangot nanaman palagi ang mukha. Pero hindi naman niya ako sinusungitan. Hmm minsan lang.

Himala diba?

Pero natural na kasi sa kanya ang pagiging masungit eh, hindi siya approachable person.

Nakakaintimidate siya, kagaya ng mga magulang niya. Nakita ko na kasi sila diba, nung naabutan ko na nagdinner sila.

Pero sa kabila ng kasungitan niya, nakikita ko din ang kakulitan niya minsan.

Should I consider myself lucky? Dahil isa ako sa nakakakita ng side niya na hindi niya kailanman pinakita sa iba?

Dumalas din na nakasama ko silang apat, ewan ko sa mga yun, nagugulat nalang ako ay nakabuntot na sakin.

Pero the more na nakakasama ko sila, narerealize ko na normal na mga istudyante rin sila, mga normal na tao. Iyon nga lang ay talagang sa antas lang ng pamumuhay kami nagkakaiba. May mga bagay na sila lang ang nakakaintindi, na kaming mga simpleng tao lang ay hindi maiintindihan.

Pero sigurado ako na silang apat, hindi lang puro angas at yabang ang alam. Hindi lang puro pang bu-bully at pang bubwisit ang kayang gawin.

May tinatago rin silang kabaitan, na hindi lang nakikita ng iba.

Kahapon nga pala, may nakuha nanaman akong itim na papel sa aking locker. May nakasulat na "Will you be my ball date?" na kulay puti muli ang tinta.

Kung sino man siya, pasensya na pero wala akong plano na pumunta sa acquaintance ball mamaya.

"Anak, ayos ka lang ba?" Kuryosong tanong sa akin ni Nanay Vicky.

Napapitlag naman ako sa gulat.

"Ha, opo!" Agad ko namang sagot sa kanya.

"Akala ko ay naluluka ka na eh, napapangiti ka at bigla ring sisimangot, tapos ngingiti nanaman. Epekto pa ba yan ng sibuyas?" Natatawa niyang sabi sa akin.

"Wala po nanay. May naalala lang po ako." Mahina kong sagot sa kanya.

"Sino naman kaya ang naaalala mo?" Makahulugan niyang tanong sa akin.

Hindi ako nakasagot.

Nahihiya rin ako kay Nanay na sabihin ang mga nangyayari sakin ngayon.

Lalo kung sasabihin ko pa sa kanya na may yumakap at may humalik na sa aking noo.

Bago pa ako makaisip ng isasagot kay nanay ay may bigla ng dumating.

"Pak na pak na morning!" Magiliw na bati sa amin ni Ate Dindi.

"Magandang umaga." Bati din namin ni nanay.

"Ang aga mo namang gumising? Hindi ba't wala kayong klase? Acquaintance Ball niyo ngayon diba? Dapat ay nagpapahinga ka pa, beauty rest ba."

"Hindi naman po ako sasama dun." Sagot ko sa kanya.

Bata pa rin si Ate Dindi, mga nasa 23 anyos pa lang siya.

"Ay, sayang naman. Pero akala ko ba ay aattend ka din dun?" Taka niyang tanong sa akin.

"Ha?" Taka ko ding sabi.

"Ah ehh..."

Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng magsalita na si nanay. "Halika na rito at tulungan mo na ako sa pag gigisa."

"Sige ho!"

Si ate Dindi, may pagka maingay talaga at likas ang pagiging masiyahin.

Ganun ang feeling ko sa awra niya.

Mabuti na rin at may nakakasama si nanay sa tindahan niya, may nakakausap siya kahit papaano kapag nasa paaralan ako.

Lumipas ang buong umaga na puro katatawanan lang kami. Andami kasing kwento at jokes ni ate Dindi na benta naman sa amin ni Nanay.

Pagdating ng tanghali ay nasa labas na sila at nagbenta na ng ulam.

Simula din pala ng kinuha ni nanay si ate Dindi ay tumatanggap na din kami ng dine in na kakain. Noon kasi ay puro take out lang ang paninda ni nanay.

Hindi niya kasi kakayanin pa kung mag isa lang siya. Ngayon na may kasama siya, kaya na nila.

Sumaglit si nanay sa bahay.

"Kumain ka na ng tanghalian at maligo ka na rin. Pag igihan mo ang pag kuskos sa balat mo." Bilin niya.

"Bakit 'nay? Puro libag na ba ako?" Biro ko pa sa kanya.

"Hindi naman anak." Sabay tawa niya.

Kumain na ako ng tanghalian at naligo na rin.

Pagkatapos kong maligo ay nagpalit lang ako ng damit at nanatili na sa aming munting sala.

Lumabas ako upang makatulong sa carenderia.

Pero agad din naman akong pinapasok ni nanay dahil bagong ligo ako at pagpapawisan lang daw ako.

Si nanay talaga, mas naiinip kasi ako na walang ginagawa. Kinuha ko nalang ang gamit ko sa school. Mag aaral nalang ako ngayon, ayaw din naman nila ako patulungin pa eh.

Nilabas ko ang mga iyon at tinapos pa ang mga assignments na hindi ko pa natapos. Nag advance reading na din ako sa mga topics namin for next week.

Ngunit sa kalagitnaan ng pag aaral ko, biglang pumasok si ate Dindi.

"MJ, may naghahanap sayo." Sabi niya.

Napakunot naman ang noo ko, sino naman kaya ang pupunta sa akin dito ngayon.

Napatingin ako sa orasan sa dingding. Mag aalas dos na pala ng hapon.

"Sino daw yun?" Tanong ko, pero pagtingin ko ay wala na si ate Dindi.

Ang bilis din niyang kikilos eh.

Lumabas nalang ako.

Napakunot nanaman ang noo ko ng makita ang pamilyar na sasakyan.

"Magandang hapon." Bati sa akin ni Mang Gerry.

"Magandang hapon din po. Napadaan po kayo?"sabi ko.

Pero naglingap na rin ang paningin ko sa sasakyan na nasa kanyang likuran. Mukhang wala si bakulaw. Ahh baka bibili si Mang Gerry ng ulam sa amin.

"Ano pong bibilhin niyo? Madami po kaming ulam na masarap." Ngiti ko pang sabi sa kanya.

"Ay hija, hindi ako bibili. Pinapasundo ka ni Sir Stephen." Sagot naman niya sakin.

"Ha, bakit daw po?" Bakit naman ako ipapasundo ng bakulaw na yun?

Hindi na kumibo si Mang Gerry at poker face nalang akong tiningnan.

Gayang gaya niya ang Sir Stephen niya eh.

"Nay? Pinapasundo daw po ako ni Stephen. Wala rin naman kaming usapan ngayon eh." Taka kong sabi kay nanay.

"Oh, edi sumama ka na. Para malaman mo kung bakit." Sagot naman niya.

Iniisip ko lang...

Una ay wala kaming usapan. Pangalawa ay saan kami pupunta eh ball ng school ngayon.

Ahh alam ko na, malamang ay gagawin akong alalay. Baka naghahanda na siya sa mansion nila, at kailangan niya ng katulong sa paghahanda niya.

Bwisit talaga ang lalaking yun eh. Nananahimik ako sa bahay, kailangan pa akong istorbohin ngayon.

"Eh sige po nanay. Magpapalit lang po ako ng damit." Paalam ko sa kanila at pumasok na sa bahay.

Nag suot lang ako ng itim kong pantalon at kulay dilaw na tshirt na medyo hapit sa akin.

Itinali ko ang buhok ko na hanggang balikat at nakuntento na ako sa aking itsura.

Sabi ko nga ay hindi ako pala ayos talaga eh. Nasanay nalang ako.

Nilagay ko na ang wallet ko sa aking maliit na backpack. Bigay sa akin ito ni nanay noong martes, nabili daw niya sa ukay ukay, nilabhan naman niya pagkabili at saktong natuyo naman na ito.

Binilisan ko na ang kilos dahil nakakahiya naman kay Mang Gerry kung pag aantayin ko siya ng matagal.

Nakangiti naman sa akin si nanay paglabas ko.

"Nanay, mauuna na po ako." Paalam ko sa kanya.

"Oh, mag enjoy ka dun ha?" Paalala ni nanay sa akin.

"Po?" Taka kong sagot sa kanya. Nay, kung alam mo lang, gagawin akong alipin ng lalaking yun. Malamang utusan lang ako nun ngayon sa mansion.

Malakas ang topak ng lalaking yun eh, at sa ginawa niyang pagpapasundo sa akin ay mas kinakabahan ako.

"Ay sandali. May ibibigay pala ako sayo." Mabilis na sabi ni nanay at pumasok sa bahay.

Paglabas niyang muli ay may iniabot siya sa akin.

"Oh heto, bigay ko iyan sa iyo." Nakangiti niyang sabi.

Napatingin ako sa aking kamay at nagulat ako sa aking nakita.

Ito ang lumang hair clip ni nanay. May kalakihan ito at makinang dahil ginto ito na may mga nakadikit na kulay berde na bato.

Kapangalan ko daw ang bato na yun. Dahil Jade daw ang tawag dun.

Pinag kakaingatan iyon ni nanay dahil regalo iyon sa kanya ni tatay noong ika-labingwalong kaarawan niya.

"Isuot mo iyan ngayon. Ha?" Sabi pa niya sa akin.

"Pero nay, sa mansion lang naman ako nila Stephen. Ayoko pong isuot yan at baka mawala ko pa." Pag tanggi ko sa kanya.

Alam ko naman na bukod sa halaga ng gamit na yun, ay mas mahalaga ang sentimental value nun kay nanay.

Hindi niya kailanman naisip na ibenta iyon kahit nahihirapan kami sa pera noong bata pa ako, dahil importante iyon sa kanya.

"Ilagay mo nalang muna sa bag mo." Pinatalikod niya ako at isinilid sa maliit kong backpack ang hairclip.

"Osiya, lumakad na kayo. Mag iingat ka!" Paalam sa akin ni nanay.

Tumango ako pagkaharap ko ulit sa kanya.

Hinalikan ko siya sa pisngi at nagmano bago tuluyang umalis.

Ano nga kaya ang ipapagawa sakin ni Stephen, bakit pa niya ako pinasundo? Hmmm.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

4.1K 387 15
Majority of people believe that love is everything, love is what we need and it has no any limitations, lastly, love is something that we can feel un...
2.3K 117 41
Short Boys Love for every Genre. Discover love in its inevitable way. Serendipity Short BL Series #1: HIS WINE is about the boy who wakes up to find...
170K 8K 55
Justin Flynn Samartino didn't mean to start liking his best friend, Kristoffer Denniz Montefiore, who is also his godfather's son and the only child...
44.6K 3K 48
Bound to marry a stranger, a young and elite Celaine de Leoz went on a vacation in the Philippines before she meets her fiancé. Hiding her identity...