Unbreak My Heart (Playboy Ser...

E_L_Mira

135K 4K 583

(Tragic Romance) Vince and Claire are finally together. Pero sa pagkakataong ito ay mas nagiging mahirap para... Еще

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Disclaimer

Chapter 39

1.9K 64 1
E_L_Mira

Masaya kaming naglalakad pauwi ng bahay ni Tatay, nagkukwentuhan, nag-aasaran... Ngunit sa di-kalayuang bahagi ng maluwag na hi-way na aming nilalakaran ay natanaw namin ang isang delivery truck, napakabilis ng takbo niyon, tila ba ito na sa isang racing na walang pakialam sa mga tao o sasakyan na maaaring makakasalubong nito.

Habang papalapit ito ng papalapit at naririnig namin ang truck driver na noon ay nakasilip na sa bintana, may isinisigaw at may isininsenyas ito ngunit hindi namin iyon gaanong maaninagan o marinig dahil sa layo ng distansya nito,

"ALIS! ALIS! UMALIS KAYO! MABABANGGA KAYO! WALANG PRENO!" malakas at paulit-ulit na sigaw nito at nang isa pang kasama nito sa truck habang na sa mas abot-tanaw na distansya na ang mga ito at sumesenyas sa amin.

Ganoon na lamang ang kaba at takot na bumangon sa aking dibdib ng mapagtanto ko kung ano ang tinutukoy ng mga ito. Nanlaki ang aking mga mata at tila ako naparalisa sa aking kinatatayuan, tama nga ang hinila ko... "TAY, MABABANGGA TAYO! WALANG PRENO YUNG TRUCK! WALANG PRENO YUNG TRUCK!" malakas na sigaw ko na parang maghihiwalay ang litid sa lalamunan ko. "TAY!!!!!" Nagpapanic kong sigaw sa gitna ng pag-iyak.

Gusto kong tumakbo ngunit ayaw sumunod ng katawan ko, ramdam ko ang panlalambot ng mga tuhod ko, ang panginginig ng katawan ko sa takot. Alis... alis... takbo, Claire! Mababangga ka! malakas na hiyaw ko sa aking isipan. Ngunit hindi ako makagalaw, hindi ko alam ang gagawin ko... hanggang sa maramdaman ko na lamang na may humila sa aking katawan.

Nang magmulat ako ng mga mata ay napagtanto kong ligtas ako, ligtas kami ni Tatay.

Niligtas ako ni Tatay. Nakayapos siya sa akin... mahigpit... napakahigpit...

"Okay ka lang ba anak? may masakit ba sayo? Nasugatan ka ba?" Magkahalong takot at pag-aalala na tanong ni Tatay sa akin ng makabawi ito ng balanse at tulungan akong makatayo.

Bigla ay nakarinig kami ng isang napakalakas na pagkabasag at pagsabog. Ang truck, siguradong bumangga iyon sa isang poste o puno.

Ngunit sa loob lang ng ilang segundo, mula sa aming likuran ay may isang nakabibinging langitngit ng gulong ng pagewang-gewang na kotse. Bago pa man ako makapagsalita ay naramdaman ko na ang marahas at malakas na pagtulak sa akin ni Tatay, at parang slow motion na nasaksihan kong walang habas na bumangga ang kotseng iyon sa direksyong kinatatayuan ni Tatay.

Parang isang laruan na tumalsik si Tatay sa daan habang ang kotse ay tumama sa bato at umangat kaya nagpaikot-ikot na ito na parang bola hanggang tumama sa isang puno na nagpahinto rito.

At iyon na ang huling memorya ko sa mga pangyayari. Dugo... puno ng dugo ang aking mukha... wala akong makitang malinaw kundi ang dugo na umaagos sa aking mukha. Pinilit kong makakita, pinilit kong makatayo, pinilit kong lumaban...

Kaya lang ay sumusuko na ang aking katawan. Nanghihina na ako, nahihirapang huminga. Wala na akong lakas para kumilos pa. At bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay pilit kong hinanap si Tatay.

"T-taaay... Ta... tay...".pilit kong tawag sa kaniya pero hindi na siya sumasagot pa.

Nakita ko si Taytay, naroon siya... malayo sa akin... nakahandusay sa malawak na daan...  walang malay... Duguan at sugatan...

At ilang dipa lang mula sa kinasasadlakan ni Tatay ay naroroon ang nakabaligtad na kotse na bumangga rito. Sira-sira ang salamin at nayupi na parang lata ang kawawang sasakyan na iyon ng tumama ito sa isang malaking puno hanggang sa balutin na ito ng makapal na usok at mag-apoy...

Narinig ko pa ang tawag ng isang lalake ngunit hindi ko mawari kung sino. Pero siguradong hindi ang boses ni Tatay ito.

Ang lalake, nagsusumamo ito. Humihingi ng saklolo. Tila may tinatawag itong pangalan. Pero hindi ko na iyon marinig pa...

Diyos ko, iligtas mo po kami... parang awa niyo na po iligtas niyo kaming lahat. Wag niyo po kaming pabayaang mamatay... Dasal ko sa aking isipan.

Nahihilo ako, tuluyan ng nanlalabo ang aking paningin. Umiikot ang buong paligid at ang mainit na dugo mula sa aking mukha ay binabalot ang aking paningin hanggang sa wala na akong makita kundi dilim... At kawalan...

-------

Malamig ang pawis at habol ang hininga na napabangon si Claire. Paulit-ulit na lang ay naglalaro sa kaniyang isipan ang mapait na alaala ng aksidente na naganap sa kanila ng kanilang Tatay noon... At nina Vince at Elizabeth.

Noong una, tuwing mapapanaginipan niya ang pangyayaring iyon ay malabong-malabo ang lahat at wala nga siyang halos maalala maliban sa truck na walang preno at kung papaanong nanginginig siya sa takot at hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Pero ngayon, malinaw na malinaw na ang buong pangyayari at ang lahat ng detalye niyon.

Dahil sa hindi magandang panaginip ay nagpunta si Claire sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom. At nang madaanan niya ang silid nina Lucho at Dreico ay binuksan niya ang pinto at sinilip ang dalawa na kasalukuyang nahihimbing sa pagkakatulog.

"Hindi ka ba makatulog?" Iyon ang sabi ng kaniyang Nanay ng marinig niya ito mula sa kaniyang likuran pero hindi niya ito pinansin. "Gusto mo ba ng mainit na gatas?" Muling alok nito.

"Wag na." Tipid niyang sagot para iparamdam na wala siyang interes na tanggapin ang mga inooffer nito. Isinara na rin niya ang pinto ng silid ng mga bata para hindi maistorbo ang mga ito. At saka dumiretso sa kusina para mukuha ng maiinom.

Magtatatlong linggo na rin nga ang nakalilipas buhat ng maganap ang masakit na tagpo na iyon sa Hacienda Cassarina. Magtatatlong linggo na rin na hindi niya kinakausap ang kaniyang Nanay dala ng labis na sama ng loob dahil sa ginawa nitong pagtatago sa kaniya ng katotohanan.

"Gusto mo ba ng makakain? Ipagluluto kita para naman---"

"Hindi na, Nay." Sabat ni Claire bago pa ma makatapos sa sasabihin ang kaniyang Nanay. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya dahil pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng lahat ng tao.

"Hindi mo pa rin ba ako napapatawad, anak?" Tanong nito na bakas ang kalungkutan sa boses.

Huminga siya ng malalim para pigilan ang sarili na wag muling sagutin ito. Sa loob kasi ng tatlong linggong lumipas ay puro na lang pagsagot ng pabalang sa Ina ang kaniyang nagagawa, at aaminin ni Claire na nasasaktan rin siya tuwing nagagawa niya iyon kaya mas minabuti niya na umiwas na lang hanggat maaari.

"Anak naman sana intindihin mo rin bakit namin nagawa yun."

"Hinding-hindi ko maiintindihan, Nay." Mariin niyang sabi at saka muling bumalik sa kaniyang silid. Pero bago pa man siya makapasok ay narinig niyang muli na nagsalita ang kaniyang Nanay.

"Kung hindi mo ako kayang patawarin, sige, tatanggapin ko. Pero anak, sana naman wag mo ipagkait sa mga bata yung makita at makasama ang Daddy nila." Pahayag nito na ang tinutukoy ay ang pagkakawalay nina Lucho at Dreico kay Vince. Buhat ng umalis sila sa Hacienda ay sinigurado niya rin na hindi muling makikita ni Vince o nang kahit sino sa pamilya nito sina Lucho at Dreico.

Ipinangako ni Claire sa kaniyang sarili na lahat ng ugnayan sa pagitan nila at nang kanilang pamilya ay tapos na, kabilang na roon ang makita at makasama ang mga bata.

"Wala silang karapatan sa mga anak ko." Giit niya.

"Kung ano yung problema niyo, wag mo sana idamay ang mga bata. Wala silang kasalanan. Wala naman kamuwang-muwang sa nangyayari yung mga anak mo. Wag mo sana ipagdamot sa kanila na magkaroon ng Tatay."

"At ako, Nay. Wala rin naman akong kasalanan diba? wala rin naman akong ginawang mali diba? Pero bakit ako yung kailangan magdusa ng ganito, bakit ako yung kailangan mahirapan at maipit sa ganitong problema? Ginusto ko rin ba to? Hindi naman diba." Paglalabas niya ng kaniyang sama ng loob ng harapin ito. "Kayo yung naglagay sa akin sa ganitong sitwasyon."

"Ginawa lang namin ng Tatay mo kung ano yung tingin naming tama at---"

"Tama? Ginagawa niyo yung tama kaya tinago niyo sa akin yung tungkol kay Vince? Ganoon ba yung Nay?"

Napaupo na lang ang kaniyang Ina sa silya at napabuntong-hininga ng malalim. At nang tignan siya nito ay mababasa sa mga mata nito ang labis na lungkot at paghihirap na nadarama, "Ginusto kong ipagtapat sayo yung totoo anak. Kung alam mo lang na gabi-gabi ay halos pinapatay na ako ng kunsensya ko sa tuwing naaalala ko ang tungkol sa aksidenteng iyon. Pero anong gagawin ko Claire, walang-wala tayong pera noon kaya ng lumapit ang attorney ng kompanya nila para magbigay ng tulong sa atin at lalo na sa Tatay mo, tinanggap ko agad iyon dahil mas pinili kong mabuhay ang Tatay mo kesa sa galit at pride ko. Mahal ko kaya anak at mahal na mahal ko ang Tatay mo kaya kahit ano gagawin ko para sa kaniya."

"Alam ba ni Tatay... Alam ba niya na si Vince ang..." Hindi matapos ni Claire ang kaniyang sasabihin dahil parang nadudurog ang kaniyang puso sa tuwing sumasagi sa kaniyang isipan ang mapait na memorya ng nakaraan.

"Oo. Alam ng Tatay mo. Bago ka pa pumasok bilang kasambahay sa pamilyang iyon ay personal kaming pinuntahan ng mga magulang ni Vince para mag-alok ng tulong." Pag-amin nito sa totoong rason ng pagkakapasok niyang kasambahay sa Pamilya Hendelson.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin, Nay! Bakit itinago niyo pa rin sa akin!?" Hindi na mapigilan ni Claire ang pagtataas ng boses dala ng labis na frustration. "Gaano ba kahirap na sabihin yung totoo?"

"Dahil alam naming hindi ka papayag oras na malaman mo kung ano ang kinalaman ng pamilya nila sa mga pangyayari. Noong mga panahon na iyon ay nakikita namin sayo ang sobrang galit sa nangyari sa Tatay mo." Mariin nitong sabi para iparating sa kaniya ang rason sa kabila ng pagsisinungaling nito. "Ayaw ng Tatay mo na sabihin sayo ang totoo dahil alam niyang galit ang mangingibabaw sayo, sa puso at isip mo. Kaya pinagbitaw ako ng Tatay mo ng pangako na itago ang totoo hanggat maaari."

"At ako, okay lang sa inyo na mukha akong tanga? Na yung anak niyo mismo yung walang kaalam-alam sa mga nangyayari? Nandun ako sa Hacienda na yun, nagtatrabaho at pinagsisilbihan pa yung lalake na dahilan pala ng pagkakabaldado ng Tatay ko. Hanggang kailan niyo ba ako planong gawing bulag ha?" Patuloy na panunumbat ni Claire sa hinanakit na nagkukubli sa kaniyang puso dahil sa mga nalalamang ito.

"Hindi sa ganun. Kaya lang anak matagal na namin pinatawad si Vince, at wala siyang kasalanan sa nangyari. Pare-pareho lang kayong biktima ng aksidente. Wala kang dapat sisihin sa nagyari at kung nabubuhay ang Tatat mo ay ganoon din ang sasabihin niya sayo..."

Ngayon ay mas nagiging malinaw sa kaniya ang lahat. Kaya pala ganoon na lang kabilis na nakapasok sila ni Ella bilang katiwala sa Pamilya Hendelson. Kaya pala ang gaan ng pakikisama sa kanila ng mga magulang nito. Kaya pala maganda ang pasweldo sa kanila. Hindi pala aksidente o swerte ang lahat ng iyon kundi isang kasunduan. Para bang lahat ng bagay sa kaniyang paligid ay malaking kasinungalingan at lahat ng bagay na kaniyang nalalaman ay mga pinagtagpi-tagping istorya para ikubli ang katotohanan.

"Matagal ng patay si Tatay. Matagal niyo na dapat sinabi sa akin yan Nay para hindi ko pinakasalan pa yung hayop na lalakeng yun! Para hindi na sana ako nagdurusa ng ganito ngayon..." Nanginginig ang katawan ni Claire dala ng labis na galit lalo na nga nang mapagtanto niya na maling pinakasalan pa ang lalakeng naging dahilan ng pagkabaldado ng kaniyang Tatay.

"Nang malaman kong nabuntis ka at siya ang Ama, mas lalo akong nawalan ng lakas ng loob dahil mas lalong ayoko na masaktan ka. Umasa ako na magkaroon ka ng buong pamilya. Umaasa ako na lumaki ang mga apo ko na may maayos na buhay at kumpletong pamilya. Gusto ko silang lumaki ng masaya... Kaya mas pinili kong itago ang totoo hanggang sa kaya ko, hanggang sa mamatay na lang ako." At hindi na napigilan pa ng kaniyang Nanay ang mapaluha dahil sa bigat ng dala-dala nitong problema at sakripisyo para sa kanilang lahat. "Mula ng araw na mawala ang Tatay mo, wala akong ibang hiniling kundi ang makita kayo ng mga kapatid mo na maayos at masaya. Kung pwedeng ako na lang yung namatay, anak. Sana ganun na lang kesa nakikita kitang ganyan ngayon... Ang hirap-hirap na para akong dahan-dahang pinapatay..."

Hindi na nakayanan ni Claire ang kaniyang konsensya at lumuluhang nilapitan niya ang kaniyang Ina at niyapos ito ng mahigpit. "Nay naman, wag ka nga magsalita ng ganyan..."

"Sana namatay na lang din ako kasama ng Tatay mo... Sana mamatay na lang ako ngayon kesa maging ganito tayo habang buhay..." Humahagulgol nitong pahayag.

"Ayoko, Nay... Hindi ako papayag na pati ikaw mawala sa akin." Umiiyak niyang sabi na mas lalong hinigpitan ang yapos sa kaniyang Ina. "Ikaw na nga lang yung kakampi ko diba. Ikaw na lang yung magulang na meron ako... Wag mo naman ako sukuan, Nay..." Pagsusumamo ni Claire.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Deal With Deception Diem

Художественная проза

495K 7.4K 59
Tinanggihan ni Drake na pakasalan ang babaeng naka-arranged marriage sa kaniya dahil sobra niyang kinamumuhian ito. She was like the raisin on his ma...
Perfect strangers Joshua Lasala

Подростковая литература

125K 2.5K 63
This is the life of a teenage girl that has been hiding to a big mansion alone after the tragedy happened to her family,,all of her family was killed...
Chasing Stars gabriellexyzcx

Любовные романы

362K 10K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
34.4K 1K 30
Genre: RomCom She, the girl who hates everything about him eversince... and He, the man who secretly in love with her... What if they will meet again...