Unbreak My Heart (Playboy Ser...

Oleh E_L_Mira

135K 4K 583

(Tragic Romance) Vince and Claire are finally together. Pero sa pagkakataong ito ay mas nagiging mahirap para... Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Disclaimer

Chapter 29

1.8K 59 0
Oleh E_L_Mira

Mula ng makarating sa Palawan ay walang sinayang na oras si Vince. Matapos makapag-ayos ng gamit at makapaligo ay agad itong dumiretso sa mga meeting na kailangan nitong puntahan, mga importanteng tao na kailangan kausapin, mga kontrata na kailangang pirmahan at aralin para sa itatatyong bagong chains of supermarket ng Hendelson Empire.

Claire knows him as a workaholic pero ito ang unang beses na nakita niya ng harapan gaano ka-focus ang binata sa trabaho nito. He exudes that confidence and responsible boss na talaga namang mahihiya kang hindi gawin ng tama ang trabaho mo. Which is exactly what she's witnessing at the moment dahil lahat ng mga nasa table sa conference room kinaroroonan nila ngayon ay makikitaan ng dedication at focus sa ginagawa.

Ang totoo niyan ay ayaw na sana niyang sumama sa mga meeting ng lalaki kaya lang ay wala rin naman siyang ibang gagawin kundi ang tumunganga sa loob ng kwarto kung hindi siya sasama. Kaya ito nga at nakikinig na lang din siya kahit wala naman siyang alam sa mga nangyayari at hinihintay ito na matapos.

Nang mag-vibrate ang kaniyang cellphone na nasa table ay nakita niya ang incoming videocall mula sa kaniyang Nanay na nakarehistro sa screen ng kaniyang phone. Napansin rin niyang nakatingin si Vince sa screen at ito na ang kusang nagsabi ng naiisip niya bago pa niya masabi iyon.

"Go ahead and take that call baka ang mga bata yan at namimiss ka lang." Anito sa mahinang boses ng ngitian siya.

"Sige, hintayin na lang kita sa labas."

"Tell the kids I miss them." Bilin nito at saka siya kinindatan.

"Alright." Pagkasabi niyon ay nag-excuse na siya at tahimik na lumabas para hindi maabala ang nagaganap na Business presentation sa conference room.

Paglabas sa conference room ay saka sinagot ni Claire ang videocall mula sa kaniyang Nanay. Pumunta siya sa isang sulok ng lobby kung saan may bakanteng upuan. Sinuot ang earphones niya para hindi rin makaistorbo ng ibang mga tao na naroroon.

"Hello, Nay." Bati niya pagsagot ng tawag.

"O, anak. Kamusta naman na kayo diyan? Anong ginagawa niyo?" Bungad na tanong agad nito.

"Okay naman po. Maayos naman kami nakarating dito. May mga business meeting lang na tinatapos si Vince ngayon." Napansin ni Claire na ang background na kinaroroonan ng kaniyang Nanay ay ang garden sa Mansyon sa Hacienda Cassarina, kung ganoon pala ay naroroon na rin ito. "Bakit po pala nandiyan na kayo sa Hacienda, akala ko mamaya pa kayong hapon?"

"Naku, ang mga kapatid mo kasi excited na magpunta dito. Kaya ayun tinawagan si Daniel at nagsabi kung pwede daw maaga sila pumunta dito."

"Hay yan talagang mga yan ang kukulit. Nakakahiya naman kay Daniel baka mamaya may ibang ginagawa yung tao---"

"No worries, Claire. Hindi naman ako busy kaya sinundo ko na sila." Singit ni Daniel sa screen mula sa likod ng kaniyang Nanay. Karga rin nito si Lucho at pinapakain ng french fries. Kung ganoon pala ay naroroon din ito at ka-bonding ng kaniyang Nanay at mga kapatid.

"Pasensya na Daniel ha. Naabala ka pa ng mga kapatid ko." Nahihiyang hinging paumanhin niya sa lalake.

"Wala yun. Besides, excited din naman sina Mommy and Daddy na nakapunta agad dito ng maaga sina Mama mo. Alam mo naman na gustong-gusto ni Mommy na maraming tao dito sa Hacienda diba." Anito habang nilalaro na parang eroplano ang fries na isusubo sa bibig ni Lucho.

"Hello, Lucho. I miss you baby." Tawag ni Claire sa anak pero inisnab lang siya nito dahil nakatuon ang atensyon sa pagkain.

"Hindi ka papansin niyan, alam mo namang pagdating sa pagkain walang sinisino ang nga anak mo." Nakatawang sabi ng kaniyang Nanay.

"Nasaan po pala si Dreico?" Tanong niya ng hindi makita sa paligid ang isa sa kambal.

"Ito, nasa pool pinapaliguan ni Erika." Imporma ng kaniyang Ina ng iharap nito ang camera sa may swimming pool para ipakita si Dreico na nakasakay sa salbabida habang nilalaro ito ni Erika. Medyo may kalayuan ng kaunti ang pool kaya hindi siya maririnig ng mga ito.

"O, kayo ni Vince, anong plano niyo pagkatapos?" Usisa muli ng kaniyang Nanay.

"Bukod sa mga business meeting niya, parang wala naman na po. Pupuntahan na lang namin yung mga iba pang kailangan ko dito tapos pag-uusapan na lang namin kung anong ibang mga kailangan gawin."

Humigit-kumulang kinse minutos din sila nag-usap at nagchikahan ng kaniyang Nanay at ni Daniel. Buti na lang at good timing ang tawag ng mga ito dahil kung hindi ay baka naroroon pa rin siya sa loob ng malamig na conference room at nakikinig sa pag-uusap ni Vince at ng mga tauhan nito.

"O sya, sige na, kakain na muna kami ng tanghalian. Tawagan mo na lang ako bukas ha."

"Opo, Nay."

"Yung mga binilin ko sayo na mga gagawin mo, wag mo kakalimutan ha. Importante iyon lalo na ang mga records ng Tatay mo sa Hospital ha."

"Opo, hindi ko nakakalimutan. Dala ko pa nga yung listahan oh." Npapangiti niyang sabi ng ipakita pa rito ang listahan ginawa nito ng mga dapat niyang puntahan, gawin, at bisitahin sa kanilang lugar.

"O sige na, sige na. Tatawag na lang ako ulit. Kamustahin mo na lang ang asawa mo sabi ko. Mag-ingat kayong dalawa diyan." Huling bilin ng kaniyang Nanay bago natapos ang kanilang usapan.

Hindi na nakapagba-bye pa si Claire dahil bago pa man siya makapagsalita ay naibaba na ng kaniyang nanay ang tawag. Nang silipin naman niya ang kaniyang suot na relo ay saka lang niya napansin na mag-aala-una na pala ng tanghali at hindi pa sila nakakapagtanghalian ni Vince, kaya pala medyo nakakaramdam na rin siya ng gutom.

At nang sinubukan niyang silipin ang nagaganap na meeting ay napansin niyang mukhang matagal-tagal pa ata matatapos iyon dahil patuloy pa rin ang business presentation na nagaganap doon. Naisip naman niya na kung babalik siya sa loob ay maiistorbo lang niya ang nagaganap na pag-uusap kaya naman minabuti niyang bumalik na lang ulit sa lobby at doon hintayin ang binata hanggang sa makatapos ito.

Kaya pa naman niya tiisin ang kaniyang gutom kaya hihintayin na lang niya ito na makatapos. Naisip niyang kakain na lang siya ng biscuit at juice para maibsan kahit papaano ang kaniyang gutom.

Nang lapitan ni Claire ang isa sa mga receptionist sa opisina na kanilang kinaroroonan ay tinanong niya ito, "Excuse me, meron po ba kayong canteen dito or at least food vending machine?"

"Dito po sa may kanan Ma'am." Turo nito sa kanang bahaging espasyo. "Diretso lang po kayo diyan tapos sa may kaliwa nun may makikita po kayong canteen." Magalang na sagot ng dalagang receptionist.

"How about yung comfort room niyo?" Pahabol niyang tanong dahil medyo naiihi na rin naman siya.

"Diyan lang din po. Bago po kayo makarating sa canteen makikita niyo na din yung comfort room."

"Thank you."

Pagkatapos makuha ang instruction ay tinungo na niya ang comfort room. Mabuti na lang at walang masyadong tao pagpasok niya kaya hindi na niya kailangang pumili pa. Karaniwan kasi na kapag ganoong oras ay breaktime ng mga empleyado kaya inaasahan na niya na baka maraming babae ang makakasabay niyang gagamit ng comfort room.

Makatapos makaihi ay saka siya diretsong tumungo sa canteen. Pero dahil nakayuko siya at hinahanap ang kaniyang wallet ay di niya inaasahan na mababangga niya ang isa sa mga empleyado na makakasalubong niya.

"Sorry, sorry hindi ko sinasadya---" pero biglang natahimik si Claire ng makita ang mukha ng lalaking nasa kaniyang harapan. "P-P-patrick..." Nauutal niyang banggit sa pangalan ng lalake.

"Claire?" Maging si Patrick ay mukhang hindi inaasahan ang pagtatagpo nilang iyon. "Wh-why are you here?" Nauutal rin nitong sabi. Katulad niya ay bakas sa itsura nito ang labis na pagkasurpresa.

"Ano, uhm.. Ah, I'm with Vince. Yeah..." Sabi niya habang pilit na kinakalma ang sarili.

"Oh, of course. Sabi ko nga." Alangang ngiti ni Patrick. "Oo nga pala hindi pa kita nababati sa kasal niyo." Huminga muna ito ng malalim na tila kino-compose ang sarili bago inilahad ang kamay sa kaniya, "Congratulations on your wedding, I wish you all the best and know that I'm happy for you Claire. For you and your two kids."

Saglit na tinitigan ni Claire ang kamay ni Patrick. Nagdadalawang isip siya kung tatanggapin ang bati ng lalake pero sa huli ay napagdesisyonan niya na tanggapin na lang iyon.

"Thank you, Patrick." Aniya ng may tipid na ngiti.

May pito o walong buwan na rin ang lumipas ng huli silang nagkita ng lalakeng ito buhat ng mangyari ang hindi inaasahang tagpo sa hotel kung saan nahuli niya itong nambababae. Nagkaroon pa ng malaking eksena sa hallway ng hotel dahil nagkasagutan sila nito at nagpang-abot sila ng babaeng kasama nito noon. Mabuti na lang din at kasama niya ang bestfriend niyang si Ella kaya may back-up siya.

Inaamin niyang nasaktan siya ng sobra sa ginawa nitong pagtataksil sa kaniya. Kung pagtataksil pa nga bang matatawag iyon dahil, technically speaking, hindi naman din talaga sila naging magkasintahan nito. Nanligaw lang si Patrick sa kaniya. Pero ang naging hinanakit niya ay dahil naging malapit na ang lalake sa kaniyang mga anak na si Lucho at Dreico maging sa kaniyang Nanay at mga nakababatang kapatid.

Dumating pa nga sa punto na halos nahuhulog na ang loob niya rito ay dahan-dahan na siyang nagtitiwala na mabuti ang intensyon nito sa kaniya. But destiny has another plan.

Patrick is just another pain that made her become stronger and wiser. A life lesson to remind her how to stand her ground when people are trying to shake her to her core.

Despite the hate she once felt for this man, kahit paano ay nagpapasalamat pa rin siya dahil nagawa nito na alagaan siya at tanggapin sina Lucho at Dreico sa maiksing panahon na naging parte ito ng kanilang buhay. More so, nagawa ni Patrick na ibalik ang tiwala niya sa sariling galing. Tinuruan siya nito na maging confident at wag mahihiya na makilala ng maraming tao bilang isang dalagang Ina. He taught her how to believe in love again when she had zero hope for it.

Kung siguro ay hindi lang nangyari ang nagyari, baka ito ang lalakeng kasama niya ngayon sa buhay. And Patrick is not falling behind in terms of physical attributes dahil hindi maikakaila na saksakan din ng gwapo ang lalake, actually, mas naging gwapo pa nga ata ito ngayon kaysa noon.

Pero kung ano mang pinagsamahan nila. Matagal na niya kinalimutan iyon. She's over him. Ni hindi nga ata tumagal ng isang linggo at naka-move na siya sa ginawa nito sa kaniya. Maybe because it was not the love she was destined to have in the first place.

It's Vince. It was always him. Her heart never stops wanting him. Sa bawat araw, oras, minuto, at segundo na lumipas... Si Vince pa rin ang tanging lamang ng kaniyang puso. Palagi. At hindi iyon nagawang burahin ni Patrick. Nagawa nitong pumasok sa puso niya pero hindi nito nagawa na agawin ang pagmamahal na matagal na niyang inilaan kay Vince.

"Ikaw ano nga palang ginagawa mo rito?" Kaswal niyang tanong ng bawiin ang kamay mula sa kanilang pagdadaop palad.

"I also have a business meeting upstairs. Kaya lang ay nag-lunch break muna kami. How about you, saan ka papunta?" He asked trying to act casual. Mukhang kagaya niya ay pilit rin nitong nilalabanan ang pagkailang na namamagitan sa kanilang dalawa.

"Bibili lang sana ng pagkain." Pagpapalusot niya.

"Where's Vince?" Ani Patrick ng magpalingalinga ito sa paligid para hanapin iyon. "I though you said he's with you?"

Nag-aalangang napangiti si Claire dahil hindi niya alam paano sasabihin rito na nasa meeting ang binata at nabobored na siya kaya siya lumabas. Kaya naman umisip na lang siya ng ibang dahilan. "He's finishing some stuff pero palabas na rin yun. Anyway, it was nice meeting you again Patrick. Mauuna na ako ha." Saka nagpaalam sa lalaki.

Pero hindi naman agad siya basta hinayaan ni Patrick na makaalis, "Samahan na kita sa canteen."

"Hindi na. Kaya ko namang---"

"I insist, Claire." Pagpupumilit ni Patrick, "For old times sake, right? Makabawi man lang ako sa malaking kasalanan ko sayo." Nahihiyang sabi nito ng mapayuko at mapakagat labi.

"Pero Patrick kasi---" pero hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla siyang hinawakan ni Patrick sa kamay at nauna na ito papasok sa canteen.

"I'll treat you. Let's go." He said with that very charming smile all over his handsome face.

"Ahm, Okay, sige. Sasama na ko." Aniya at saka buong pwersang binawa ang kamay mula sa pagkakahawak ng lalake. "Sorry, baka lang kasi iba isipin ng mga tao." Ayaw niyang may ibang makakita at pag-isipan sila ng masama.

"I understand. Let's go?"

"Sige."

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

647K 14.2K 25
It takes five years para lang makita ang babaeng nagpanggap na pick-up girl at nagnakaw ng kanyang pera. Ngayon, nang mahanap na niya ito, isa naman...
8.1K 236 51
Terrence Roces Del Fuego, a man who has everything except Janna's heart. Janna Cruz Monte, a girl who lost her heart. One name...and that person's m...
115K 2.5K 38
Happy ending, the word that both of them doesn't believe that exist. Been broken and lost, but what if they are the both changes that they are waitin...
156K 4.2K 46
18 years old and above lang po ang maaaring magbasa ng story na ito.