GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔

By letmebed1

974K 11K 2.4K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Stories Real Life confessions from Readers More

INTRODUCTION
Chapter 1 - Untitled
Chapter 2 - Pang First Love lang ba talaga ako?
Chapter 3 - I want to continue our story.
Chapter 4 - Story of Eljhae
Chapter 5 - I knew it would be love.
Chapter 6 - When the last teardrop falls
Chapter 7 - Story of Aj
Chapter 8 - Untold feelings
Chapter 9 - Story of Shin Tee
Chapter 10 - Birthday
Chapter 11 - Memories of Yesterday
Chapter 12 - If only
Chaptet 13 - Ena ko
Chapter 14 - Carousel of Love
Chapter 15 - Am I worth fighting for?
Chapter 16 - Kinarma ata ako
Chapter 17 - Complicated Love
Chapter 18 - Story of Sam
Chapter 19 - My Dream Girl
Chapter 20 - She's a GK
Chapter 21 - Story of Ming
Chapter 22 - Story of Mae
Chapter 23 - Mahirap ba akong mahalin?
Chapter 24 - Jasmine and Kristel Joy
Chapter 25 - Kapwa ko Mahal ko.
Chapter 26 - Story of Andi
Chapter 27 - Love ko 'to
Chapter 28 - Lihim
Chapter 29 - Story of Nicole
Chapter 30 - Strangely Inspired
Chapter 31 - Story of my Life (Identity Crisis)
Chapter 32 - Miss A
Chapter 33 - The Fault In Our Hearts
Chapter 34 - Story of May
Chapter 35 - Story of Liberty
Chapter 36 - The idiot OLD me
Chapter 37 - Story of Nikki B.
Chapter 38 - Story of Aki
Chapter 39 - Chicser
Chapter 40 - Story of Mj
Chapter 41 - Ewan ko Lang
Chapter 42 - Story of my Life
Chapter 43 - Always and Forever
Chapter 44 - Story of Bianca
Chapter 45 - My PDS
Chapter 46 - Sino ba dapat?
Chapter 47 - Gabbi
Chaptet 48 - First Heartbeat, First Heartache
Chapter 49 - Shem
Chapter 50 - May gusto lang akong sabihin...Ez to :D
Chapter 52 - A farewell letter for my Kryptonite
Chapter 53 - Cean
Chapter 54 - Kai
Chapter 55 - CM
Chapter 56 - KM
Chapter 57 - Broken Heart
Chapter 58 -I Kissed a Girl
Chapter 59 - Puppy Love lang ba talaga?
Chapter 60 - IELLE
Chapter 61 - Den
Chapter 62 - Love or Like?
Chapter 63 - Mutual Feelings?
Chapter 64 - The one I used to love
Chaptet 65 - Clar
Chapter 66 - Friendzone
Chapter 67 - Love moves in mysterious way
Chapter 68 - James
Chapter 69 - Ryone
Chapter 70 - Avhie
Chapter 71 - Miks
Chapter 72 - Mikka
Chapter 73 - Miss Sexy Brain
Chapter 74 - Ex <3
Chapter 75 - Andrea
Chapter 76 - Officer Sungit
Chapter 77 - SHE'S THE ONE
Chapter 78 - Lex
Chapter 79 - Lei
Letmebed1

Chapter 51 - Shane

4.4K 81 46
By letmebed1

Hello readers!

Tawagin niyo na lang akong Shane. Shane ng tv series na The L Word. Napanuod niyo na naman siguro iyon di ba? Lalo na iyon mga lesbians diyan?

But no, di ko kamukha si Shane, femme ako eh haha! I'm 22 yrs old and I'm a call center agent.

Actually, hindi ako sure if I'm gay or if I'm bisexual since I've never been in a relationship with a guy. Sure, naa-attract ako, crushes, but hindi ako natu-turn on! Paano ko nalaman? Paliwanag ko sainyo mamaya. Haha!

Anyway, hindi naman importante ang labels di ba? And no, hindi rin ako katulad ng iba na nakiki-uso since uso ang mga TMT dahil sa Showtime. Eto na talaga ako.

Nung bata pa ako medyo boyish nako. Never akong nahilig sa mga dresses, high heels. Naremedyuhan lang yan nung nag highschool ako kasi girly iyong mga kaibigan ko.

Nagkaka-crush din naman ako sa mga lalaki, iyong isa nga crush ko pa din gang ngayon haha! Simula nung nag highschool ako, dun ako nagsimulang magkagusto sa kapwa ko babae. Ang pagkakaiba nga lang, sa tomboy/butch ako nagkakagusto, hindi sa mga pa-girl. Nung una, dedmatology lang ako sa feelings ko. Crush lang eh! Normal iyon para sa akin. Madami kasing butch sa school namin, karamihan players ng volleyball.

Hanggang sa mag 4th year highschool ako. Natanggal ako sa star section kasi dalawa star section ng 3rd yr tapos pagdating ng 4th yr pinag-isa na lang kaya madaming natanggal at isa na ako dun. Hindi naman sa pagmamayabang pero mas mataas pa nga iyong average ko kesa sa mga nag-stay eh. Di lang kasi talaga ako sipsip.

First time kong mapunta sa lower section kaya kabado ako. Balita ko kasi maraming bully sa lower section. First day ng klase nung makita ko siya, si Regine. Simula pa lang crush ko na siya. Tomboy siya, bihis lalake at astang lalake kumbaga. Naging magtropa kami at naging close. Siyam kaming puro babae sa grupo.

Nahulog lalo ang loob ko sa kanya kasi sobrang sweet niya sakin. Pinupunasan iyong likod ko, inaasikaso ako, lahat na! Weakness ko kasi may dimples at sweet. Habang tumatagal nai-inlove ako lalo sa kanya. Protective at possessive kasi siya lalo na sakin. Ang sabi pa niya, ako at ang Mama niya ang dalawang babaeng pinaka mahalaga sa kanya.

Sinong di aasa nun di ba? One time na magkatext kami, umamin ako sa kanya. Naging kami din nung time na iyon kaya ang saya ko. Kaso kinabukasan, nakipag break din siya agad.

Di ko siya tinanong kung bakit. Umoo lang ako. Di ko na siya hinabol, di ko na pinilit ang sarili ko sa kanya.

Sabi ko sa sarili ko, ano to gaguhan? Iyong nanliligaw saken di ko pinapansin tas ako gagaguhin niya lang? Pakshet lang. After nun, di ko na siya pinapansin. Kinakausap niya ko pero wapakels na ko sa kanya. Bitter na kung bitter. Galit ako eh! Pwede naman akong tanggihan, tatanggapin ko pa. Ginago ako eh! Di ba? Tama bang paasahin ako. Tss! Simula nun, invisible na siya sken. Di ko lang pinapahalata sa barkada pero binlock ko siya sa mundo ko.

May buwan din siguro nung nalaman kong may GF na siya ulit. Ang sakit pero di ko pinahalata. Ako pa ba? Sinasama niya pa nga iyong gf niya sa mga lakad ng tropa. Iyong mga kaibigan ko naman panay lait sa gf niya haha! Di hamak din naman kasing mas maganda ako haha! Yabang ko lang. Hindi na naibalik sa dati iyong closeness naming dalawa. Gumraduate kaming may ilangan pa din at ni hindi ko nalaman ung reason niya.

Nag college at nawalan kami ng communication sa isa't-isa. Nagkaroon ako ng mga flings na guys. Nothing serious. Sabi ko kasi di ako magjojowa ng di ako nakakatapos ng college. So, lahat ng nanliligaw, babae at lalaki, basted. Iyong mga pumayag, kalandian ko lang.

Muntik na kong ma-devirginize one time nung lasing ako and then sinundo ako ng motor ng isa sa mga ka-fling ko. Dinala niya ko sa bahay ni kuya haha charot! Basta dinala niya ko sa apartment ng tropa niya at kami lang dalawa nun. Hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya na i-seduce ako, i-half ako .. malandi ba ko? Experiment ko kasi iyon, tinitingnan ko kung matu-turn on ako .. kaso fail. Epic fail. Waley talaga! Pinatigil ko na lang siya, wala din siyang nagawa.

4th yr college ako nung nagkaroon kami ng reunion ng highschool tropa at dun ko ulit nakita si Regine. Di ko pa din siya pinapansin, di ko kinakausap. Nakakapag-taka kasi naiinis siya kasi napapaligiran ako ng mga boys. Bakit daw ako binabakuran sabi niya. Di ko na pinansin hanggang sa konte na lang kaming matira sa inuman. Tumatabi na siya sakin tas dikit pa ng dikit kaya naiinis nako. Kunwari magyoyosi ako pero pagbalik ko, sa iba na ko tatabi. Nagagalit siya tapos pinapatabi niya ko sa kanya ulit. Para walang issue, tumatabi na lang ako.

Pagka-uwi namin, nagtext siya bigla saken na naka-uwi na daw siya. I was like, I don't fucking care! Pero siyempre, di ko na lang nireplayan, di ko nga alam na may number pala ako sa kanya eh! After nun, text na siya ng text saken kahit alam niya na may bf ako. Sabi ko kasi, may bf ako kahit wala. Haha! Naniniwala naman siya kasi, nung magkatabi kami nung inuman, nakita niyang may nagtext saken na guy tapos pinapauwi na ko kasi gabi na daw, haha!

Iyong inuman namin, nasundan ng nasundan at unti-unti napapalapit na naman ang loob ko sa kanya. Sabi niya sakin, "akin ka na lang", kinilig ako pero at the same time nag-alinlangan ako, alam niyo iyon wala na kong tiwala sa kanya.

I have trust issues talaga eh! Kahit sa guys at girls same lang na hirap akong magtiwala. Lalo na sa kanya na ginago ako di ba? Ang reason niya pala ng pakikipag-break dati is because of friendship Kinausap daw siya ng barkadahan namin na huwag na ituloy iyong relasyon namin kasi magkaibigan kami at baka masira ang tropa. Naniniwala ako kasi iyon din sabi ng barkada namin.

Kaso, ayun bumigay na naman ako.. inamin ko din na gusto ko pa din siya pero di pa ko pumapayag na maging kami. Ilang buwan din kaming M.U. mga 3 months din ata iyon bago ko siya sinagot.

Dun na nagsimula ang kalbaryo ko haha! Charot! First GF ko siya at dahil showy naman talaga ako sa feelings ko, pinapakita ko talaga. Vocal din ako lagi ko na sinasabi na mahal ko siya. Magdamagan kami magka-chat at magka-text. Adik lang ang peg di ba?

Naging open din ang relationship namin sa mga kaibigan ko. Nung una nagulat sila since akala nga nila straight ako. Pero, di naman ako natakot na umamin sa kanila. Kung di nila ako tanggapin edi "goodbye to you my trusted friend."

Di ako natatakot mawalan ng kaibigan. Para san pa't naging kaibigan ko sila kung di nila ako tanggap di ba? Haha! Ibang kaso sa family ko, tago ang relasyon namin, mahigpit kasi parents ko eh! Pero sa ate ko tsaka sa isang kapatid kong guy, open kami. Tanggap naman nila, at kung di nila ako tanggap wala akong pake! Sa parents ko lang ako medyo tago since vocal si mama sa pagsasabi na huwag kaming papatol sa tomboy etc.

Legal naman kami sa family ni Regine, nakakadalaw kami sa kanila. Minsan kapag may family outing kasama ako ganun.

Sa umpisa ang saya-saya kaso ramdam ko na mas mahal ko siya kesa sa mahal niya ko. One time, birthday celebration ko tapos sinama ko siya. Malakihang inuman iyon sa isang bar, dun kami unang nag-away. Siyempre i-entertain ko iyong mga tropa ko. Nagkagulo pa, tapos nagalit siya. Inaway niya ko sa labas tas umalis siya. Iniiwan ko lang daw kasi siya nagmumukha siyang tanga. Ako naman si gago, hinabol ko siyempre. Hindi pa din niya ko pinapansin, nasaktan ako siyempre birthday ko gaganunin niya ko?

Naiyak na ko nun, saka niya pa lang ako kinausap. Pero galit pa din siya, sabi niya sana pala sa birthday ng kaibigan niya na lang siya pumunta.

Kinabukasan nga maga pa din mata ko, to the point na nagalit mga kaibigan ko sa kanya kasi bago pa lang kami pinapaiyak niya na ko. Birthday ko pa pero ganun siya! Siyempre pinagtanggol ko mahal ko eh! Hinayaan na lang nila ko. Hindi iyon ang una, marami pa kaming pinag-aawayan. Ang higpit niya kasi. May clan kasi ako na ate ko founder, ang mga members college students din from different colleges and universities. Gusto niya mag-quit ako, kaso ayoko!

Hello? Ilang taon akong " I'm the Boss of my own self" tapos didiktahan niya ko? No way highway! Pero, sa simula lang iyong pagtanggi ko kasi nag-quit din ako kalaunan. Napapagod na kasi akong makipag-away eh. Lagi niya sinasabi pinagpapalit ko daw siya sa mga tropa ko. Nag-quit ako kasi sabi niya di na daw siya magiging active sa Fraternity niya. Unfair naman kung kaya niyang iwan ang Tau Gamma tapos ako di ko kayang iwan ang clan ko di ba. Kaya pinagbigyan ko na.

Kaso ganun lagi ang technique niya eh. Siya muna mauuna para mapilitan akong sumunod. Hindi siya sumasama sa mga gimik at inuman pag di ako kasama. Gusto niya ganun din gawin ko, eh ayoko nga! Ano naman kung di siya kasama, sasama pa din ako! Kaso, dumating sa punto na pinagbabawalan na niya ako. Mahilig din akong magbabad sa computer kasi, pati iyon pinag-aawayan namin. Ang ginawa niya, huminto siya sa pagdodota para makonsensya ako at bawasan ko din oras ko sa computer. Haist! Di ko alam kung matutuwa ako sa kanya o maiinis eh!

Ginawa niya kasi akong mundo niya. Kaso sa mundong iyon, gusto niya kaming dalawa lang. Walang ibang kasama. Unti-unti na kong nalalayo sa mga kaibigan ko. Wala na kong time sa kanila. Iyon ang lagi naming pinag-aawayan. Napaka-selosa at higpit niya kasi nasasakal na ko sobra.

Kung nung una, mahal na mahal ko siya at mas mahal ko siya. Dumating sa puntong mas mahal na niya ko kesa mahal ko siya. Nasakal na kasi ako at parang nagsawa ako na puro ganun. Lagi akong nakikipag-break, siya naman lagi nakikipag balikan. Sa taas ng pride ko kahit ako may kasalanan siya ang nagso-sorry.

Ang ginawa ko, pinayagan ko siya sa lahat para payagan niya din ako kaso fail. Ayaw niya daw, kahit payagan ko siyang magdota, uminom, sumama sa mga tropa niya ayaw niya! Nag-eenjoy lang daw siya kapag kasama niya ako. Nakakakilig na nakakainis. Wala akong lusot kaya ang ginawa ko pinaghigpitan ko siya ng todo. Katulad ng ginagawa niya sken. Kaso, walang problema sa kanya eh! Lugi ako!

Nagtagal na puro ganun kami. Laging kami lang magkasama. Wala din naman akong magawa pag pinagbawalan niya ako sumusunod ako na parang aso. Gaya ng sabi ko, mahal ko kahit nasasakal na ko!

Isang taon na kami ng unti-unti akong may napansin sa kanya. Kapag lasing siya, nababaliw siya, nagwawala ng walang dahilan. Lumalabas iyong pagiging warfreak niya. Ang hirap niyang pigilan. Naghahanap ng away, pinipilit kong pakibagayan iyon. Ako ang taga-awat. Minsan pati ako inaaway niya kung anu-ano binibintang sken. Siyempre iyak naman ako. Iyakin kasi ako eh. Siya, minsan lang siya umiyak sken, matigas iyon eh!

Hanggang isang beses, lasing siya tapos umiyak siya sa harap ko. Sinabi niya sakin kung gaano kasakit sa kanya tuwing makikipag-break ako sa kanya. Tuwing pinipili ko mga kaibigan ko sa kesa sa kanya. Sa pananaw niya kasi, kulang pa iyong mga ginawa ko for her. Gusto niya, as in iyong siya na lang. Iyong kulang na lang kalimutan ko dapat mga kaibigan at siya na lang atupagin ko. Di ko magagawa iyon kaya lagi akong nag-aaya ng break-up. Katwiran ko kasi, mga kaibigan ko iyon eh! Kahit wag na iyong mga ka-clan ko, pero wag naman mga close friends ko! Mahal ko siya pero di naman tama na siya na lang palagi. Nag-quit na nga ako, di na ko sumasama kasi di niya ko pinapayagan. Pagkagaling ng school, inoorasan talaga niya na dapat nasa bahay na ako. Pag na-late ako ng ilang minuto pinagbibintangan na ko ng kung anu-ano. Nakakapuno na kasi! Ako pa naman iyong tipong, ako nakipag-break sayo kaya papanindigan ko. Ganun din ako katigas. Pataasan nga kami ng pride pero siya lagi nagbababa.

Kaya naman nabigla talaga ako nung nag break down siya sa harap ko. Pinupukpok niya pa iyong dibdib niya dahil sobrang sakit na daw ng ginagawa ko. Pagkatapos sinoli niya saken iyon couple ring namin na parang nakikipag-break na siya. Di ko makapaniwala! First time niyang makipag-break saken! Tinanong ko siya ..

"Nakikipag-break ka ba sa akin?"

Pero di siya sumagot, iyak lang siya ng iyak. Umiyak na din ako nun, kinuha ko iyong singsing tas iniwan ko siya dun. Ilang araw siyang text ng text saken nun pero di ko siya pinapansin. Tumatawag siya, di ko sinasagot. Pumupunta sa bahay pero di ko hinaharap.

Nagkabalikan din kami after nun tas naging okay din kami. Makulit kasi eh! Iyong parents ko, nakakahalata na pero di pa din ako uma-amin. Pero alam ko, alam na nila, confirmation ko na lang ang kulang. Ilang beses na din kaming nakikita ni papa na magkasama tsaka gabi-gabi kami nagkikita walang palya iyon kahit pinagbabawalan ako ni mama sige pa din ako.

Hanggang sa gumraduate na ko at magka-work, siya wala pa ding work. Huminto kasi siya sa pag-aaral since iyong tuition niya, pinang lakwatsa niya. Iyon isa pang dahilan bakit ayaw sa kanya ni mama. Katwiran ni Regine, mawawalan na daw siya ng time saken kapag nag-work siya. Baka makakita daw ako ng iba.

Kapag nag-aaya ng overnight mga tropa ko di niya ko pinapayagan. Ganun pa din siya kahigpit pero nasanay nako.

Birthday ng friend ko nun overnight sa bahay nila kaso di ako pinayagan ni Regine. Nagdahilan na lang tuloy ako. Tapos nag-inuman na lang kami sa bahay ng tropa ni Regine. Galing di ba? Tsk tsk tsk!

Iyon pala iyong gabing huling beses kaming magkakasama as a couple.

Inabot kami ng madaling-araw sa inuman kaya nung uwian siyempre lasing na naman siya. Kaso sakin niya nabunton init ng ulo niya. Eh lasing din ako, pinatulan ko siya! Nag-away kami sa daan. Gusto ko na kasing umuwi pero ayaw niya pa kong pauwiin. Ganun naman daw talaga ako, dami ko daw gusto mapa-babae o lalaki. Dami niyang sinasabi!

Anong connect nun di ba? Kapag sasakay na ko, hinihila niya ko eh napapahiya na ko kasi pinagtitinginan na kami. Nabuwiset ako kaya nasampal ko siya. Nasasaktan na kasi ako kakahila niya sken. Sinisigawan niya pa ko. Umiiyak na ako nun. Bakit daw ako atat umuwi. Edi gago! Binigyan ko nga ng mag-asawang sampal tas iniwan ko.

Nagalit na siya at isinigaw ang pangalan ko ng malakas. Hinila niya ko sa buhok!! Nasaktan ako kaya itinulak ko siya, napahiga naman siya sa kalsada. Tas iniwan ko na naman siya. Dun na nagsimula iyon. Hinabol niya ako tapos sinaktan na niya ako. Lumalaban ako pero mas malakas siya. Binabanatan niya ko grabe umiiyak na lang ako nun. Nanghihina na ko kaya nakaupo na lang din ako sa kalsada. Siya naman umiiyak na din.

Nagulat ako biglang dumating mama ko. May nagsumbong pala na trike driver sa kanila na may nambubugbog sakin kaya sinundo ako ni mama. Ang kaso, nagwawala si Regine, sumama siya samin hanggang bahay kasi ayaw niyang bumaba ng trike. Iyon ang pagkakamali namin kasi dun siya nagwala. Grabe! 3 am na iyon! Ang ingay niya!

Pina-akyat na ko ni mama sa kuwarto. Dun lang ako nag-iiyak. Iyong mga kapatid ko gising na din. Iyong mga kapatid kong lalaki gustong-gusto ng banatan si Regine pero di nila magawa kasi babae eh!

Pati si Mama sinabihan si Papa na huwag saktan si Regine baka kasi kami pa ang mareklamo. Kaso, etong si Regine, inaway ang parents ko at ayaw talaga niyang umalis. Pati papa ko sinagot-sagot. Wala daw kuwentang ama si papa. Grabe talaga!

Ang ginawa ko, bumaba ako at kinausap ko siya. Ayaw niya daw umalis kasi sigurado makikipag-break daw ako. Iyak na siya ng iyak nun. Kaya para umalis siya, sabi ko di ako makikipag-break. Hinawakan ko lang ng mahigpit iyong mga kamay niya habang di ko mapigil iyong iyak ko. Alam ko kasi na iyon na huling beses na sasabihin ko mahal ko siya. Sinabi ko iyon sa kanya ng paulit-ulit hanggang sa umuwi na siya.

Kinabukasan din, text na siya ng text. Hindi daw matandaan iyong mga ginawa niya kaya pinaalala ko sa kanya lahat tapos saka ako nakipag-break na ng tuluyan. Hindi siya pumayag pero ano pakialam ko di ba?

Todo iwas na ako sa kanya noon, sa work, sa bahay, kahit saan pinagtataguan ko siya kasi ayoko pa siyang makita. Kailangan ko pa kasing ipunin lahat ng galit ko eh! Baka kasi kapag nakita kong umiiyak at nagmamakaawa patawarin ko bigla.

Isang araw, na-realize ko dapat mag-usap na kami. Kinausap ko siya sa personal, pinaliwanag ko lahat. Nakipag-break na din ako. Ayaw niyang pumayag, iyak na siya ng iyak nun halos lumuhod na siya sa harap ko. Pero matigas na ako, nire-replay ko lang sa isip ko iyong pananakit niya sakin. Sabi ko, alam niyang kaya ko siyang ipaglaban kung sakali pero sa ginawa niya paano ko pa siya ipagmamalaki? Mismong mga magulang ko ang binastos niya! Siya ang naghukay ng sarili niyang libingan!

Simula nung nagka-work kasi ako open nako sa pamilya ko about samin ni Regine. Di ko diretsahang inamin pero pareho na din iyon. Lagi ko siyang pinapapunta samin kapag may okasyon o kahit walang okasyon. Pinapagalitan ako ni Mama pero matigas ako. Wala akong sinasagasaang tao at masyado na akong matanda para diktahan pa nila. Kayang-kaya ko siyang ipaglaban pero gumawa siya ng kagaguhan.

Ang sakit lang na iyong taong mahal na mahal mo, siya pang nanakit sayo. After nun, nakikipag-balikan pa din siya, maghihintay daw siya pero ayoko na. Wala ng pag-asa.

3 months after naming mag-break nag message ako na wala na siyang hihintayin. Iyon na iyong pinaka-closure namin. Maghihintay pa din daw siya. Nagka-work na din siya at nagpapa-therapy siya para patunayan sakin na hindi niya sakit iyon, na hindi siya sadista.

Kaso bulag nako sa efforts niya. Wala na akong tiwala. Hanggang dito na lang talaga kami. Wish ko lang di na ako abutin ng 4 years pa bago ako makapag-move on ulit. Pinagpapasalamat ko lang din na hindi ko binigay sa kanya ang v-card ko haha! Naisingit ko talaga iyon! Hindi kasi ako naniniwala sa pre-marital sex. I know kabaliktaran iyon ng mga SPG na sinusulat ko haha! Kanya-kanya naman tayong paniniwala eh.

Isang taon na simula nung nag-break kami. Hanggang ngayon mahal ko pa din pero alam ko na wala na talaga. Nagte-text pa din siya, umaasa pero wala na talaga.

-Sana may natutunan kayo sa lovestory ko kahit hindi siya Happy Ending! Salamat Author!

-obsessedwithshane

...

Shane,

Buti nakakaya mo na hindi na siya balikan pa kahit may pagmamahal ka pa sa kanya? Alam kong mahirap yon pero kung ako tatanungin mas okay na yang ginawa mo, hindi dapat sinasaktan ang babae. Isa pa, yong bastusin niya yong parents mo grabe yon. Paano mo nga ba siya ipagmamalaki kung ganon ang ginawa niya. Wala siyang respeto. Hindi na nga pagmamahal yon, obsessed siya sayo!

Ang sobrang pagmamahal nakakasakal....kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao pag dumating sa point na hindi ka na makahinga don nagsisimula na mabago ang lahat. Sabihin na natin andon pa rin yong love pero alam mo yong wala kang kalayaan na kumilos at magdecide para sa sarili mo. Hindi ba't ang hirap non? Ang mga taong possessive sa sobrang takot na mawala ka sa buhay nila ginagawa nila ang lahat para sila ang maging mundo mo....ang problema nakakasakal yon. Kaya Shane tama lang naging desisiyon mo. Wag mong hayaang saktan ka ng kahit sino, hindi sapat na mahal ka lang niya dapat andon yong respeto. :)

Ez°

______________________________________________________________________________

Thank you for reading. :)

Continue Reading

You'll Also Like

321K 10.5K 40
Shea Astrid Fernandez - Isang babaeng maganda na ang hanap din ay maganda. A gender bender at tipong parang damit kung magpalit ng babae. Talo pa niy...
563K 13.5K 23
Age doesn't matter, some people say. Pero para kay Catleya, age does matter. Lalo na't ang nangungulit sa kanya ay ang batang Montalban. Well, defini...
104K 4.1K 25
IT'S A SHORT STORY ! Red is not your typical type of girl. She's cold and distant but despite of that, everyone around her wanted her to be theirs. W...
175K 8.8K 37
Why do we keep secrets? Is it to protect yourself from pedantic society? Or it is your fear of consequences? But Mia didn't care. She works for a l...