Unbreak My Heart (Playboy Ser...

By E_L_Mira

135K 4K 583

(Tragic Romance) Vince and Claire are finally together. Pero sa pagkakataong ito ay mas nagiging mahirap para... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Disclaimer

Chapter 26

2.5K 88 32
By E_L_Mira

Itinuon ni Claire ang kaniyang buong atensyon sa pag-aayos ng mga kakailanganin para sa nalalapit na pagbubukas ng kaniyang karinderya. At hindi ito iyong tipong pipitsuging karinderya lamang, fully air-conditioned ang buong area mula sa first floor hanggang sa second floor. Mayroon 20 tables na 4 persons each, 8 sa ibaba at 12 ang nasa itaas. Mas malaki kasi ang space doon dahil ang area sa baba ay nasasakop din ng kitchen.

Kung tutuusin ay matatawag na nga sana iyong restaurant dahil may kalakihan ang lugar, kaya lang ay kinaibahan parang canteen ang set-up ng kaniyang business. Kung saan luto na ang mga ulam at pipili na lang ang mga tao ng gusto nilang kainin. Mumurahin lang din ang mga pagkain na nagkakahalaga ng 40 pesos para sa kanin at gulay hanggang 60 pesos para sa mga karne at kanin.

Nakuha niya ang ideya ng business na iyon mula sa kaniyang Ina noon pang kabataan niya, pangarap din kasi nito ang ganoong business dahil bukod sa mabilis ang pasok ng pera ay hindi rin kailangan maghintay ng tao ng matagal na oras para makakain. Di tulad sa restaurant na made-to-order at tumatagal pa depende sa dami ng tao na sabay-sabay nag-order.

"Isang linggo na lang, ready ka na ba?" Tanong ni Erika habang nagluluto ito ng spaghetti sa kusina. Ang tinutukoy nito ay ang tungkol sa opening ng kaniyang business. 

"Medyo. Pero hindi ko maiwasang kabahan." Pag-amin niya ng kaniyang nararamdaman. Dapat ay nagbukas na iyon ngayong linggo pero naisip niya na i-postponed muna iyon upang mabigyan ang sarili ng sapat na oras para i-check ang lahat, ayaw kasi niya na magbukas sila tapos ay marami pa palang kulang o mali sa mga plano niya.

"Ano naman ang kinakatakot mo?"

"Na baka hindi magustuhan ng mga tao yung pagkain, o kaya hindi maging patok yung business."

"Alam mo wag mo masyado isipin yang ganyang mga negatibong bagay. Dapat nakafocus ka doon sa mga positibo." Ani Erika ng lapitan siya nito. "O, tikman mo nga kung tama na tong lasa ng sauce ng spaghetti." Iniabot nito ang kutsara na may sauce.

Pagtikim ni Claire ng sauce ay halos ibuga niya iyon palabas ng kaniyang bibig sa sobrang sama ng lasa, "Ano ba to, sauce ba to o lason!?" Di makapaniwalang reaksyon niya sa naktikmang pagkain.

"Hindi ba masarap?" Painosenteng tanong no Erika.

"Ang sama! Makakapatay ka ng tao sa lasa nito!" Eksaherada niyang sabi rito.

"Syempre, nilagyan ko ng suka at paminta yung pinatikim ko sayo." Kasabay ng malakas na tawa nito, "O diba, sinusubukan lang kita eh. Magaling ang panlasa mo sa pagkain kaya wag kang kabahan sa pagbubukas nitong business mo."

"Kahit ata bata alam na mali yang lasa ng spaghetti sauce na pinatikim mo!" Reklamo niya sa kaibigan. Pero kahit ganoon ay napagaan nito ang loob niya ng dahil sa huling sinabi nito.

"O sya, kain muna tayo."

Inilapag ni Erika sa table ang pasta at sauce ng niluto nito, nagbukas na rin ito ng softdrinks mula sa mga naka stock doon sa refrigerator. Ito na ang magsisilbing tanghalian nila.

"Bayaran mo yan ha." Pabiro niyang sabi, "Naka-inventory yan."

"Ang kapal mo naman, ako na nga gumastos nitong sa spaghetti at tasty." Katwiran nito.

"Okay, fine. Sige libre ko na."

"Kamusta naman ang buhay Misis, nakapag-adjust ka na ba?" Tanong ni Erika habang nagsasandok ito ng pagkain.

Saglit na napaisip si Claire kung ano nga bang tamang isagot sa tanong na yun dahil sa totoo lang hindi rin niya alam ang tamang sagot sa ngayon. "Medyo nasasanay na." Kibit-balikat niyang sagot. Iyon na lang kasi ang naisip niya.

"Wala pa kayong balak sundan yung kambal?" Kaswal na tanong Erika.

Muntik na mabulunan si Claire sa tanong na iyon, bagay na ikinatawa lang ng kaniyang kaibigan.

"Ano ka ba naman! Wag ka nga magsasabi ng ganyan, kinikilabutan ako!" Angal niya saka hinablot ang softdrinks at ininom iyon. Medyo hindi siya handa sa tanong na iyon.

"Bakit, hindi niyo man lang ba napag-uusapan yun?" Patuloy na pag-uusisa ni Erika. Base sa tono ng pananalita nito ay mukhang curious lang talaga ito ay walang halong pang-aasar.

"Hindi. Never pa." Pilit na pagsagot ni Claire ng kaswal.

Sa isang bahagi ng isipan ni Claire ay naisip niyang dapat na rin siyang maging handa sa mga ganoong tanong lalo nga at mag-asawa na sila no Vince. Normal na niyang maririnig ang mga ganoong tanong sa mga tao sa kanilang paligid.

"Bakit hindi? Natural naman sa mag-asawa ang pag-usapan ang tungkol sa ganyan diba." Tinignan pa siya ng makabuluhan no Erika na animo'y sinusubukan nitong basahin ang kaniyang iniisip.

"Wag mo ko tignan ng ganyan." Suway niya sa kaibigan. Medyo kinakabahan na kasi siya sa maaaring itanong nito.

"Claire umamin ka nga, may nangyayari ba sa inyo ng asawa?" Seryosong diretsahang tanong ni Erika. Bakas sa mga mata nito ang labis na kuryosidad sa bagay na iyon.

Hindi siya makaimik sa tanong nito. Alam niyang magaling magbasa si Erika ng kilos ng tao kaya kapag sinubukan niyang magsinungaling ay tiyak na malalaman nito agad.

Kaya imbes na magsinungaling ay sinukuban na lang niyang baguhin ang topic na kanilang pinag-uusapan, "Kamusta naman kayo ni Daniel?"

"Okay, gets. Dahil binabago mo ang topic, ibig sabihin ay guilty ka sa tanong ko. Walang nangyayari sa inyo ng asawa mo." Naiiling-iling na binalingan siya ni Erika na tila hinayang na hinayang ito sa mga pangyayari. "Kawawa naman ang asawa mo kung ganun."

"Anong ibig mong sabihin?" Magkasalubong ang kilay niyang tanong. Hindi niya makuha ang gustong sabihin ng kaibigan.

"Yung totoo, usapang magkaibigan..." Kinapitan pa ni Erika ang kaniyang kamay para bigyan siya ng assurance na anumang mapag-uusapan nila ay mananatiling kanila lang dalawa. "Kailan kayo huling nagsiping ni Vince?"

Ilang malalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Claire bago nakakuha ng lakas ng loob na sumagot, "Isang beses pa lang may nangyari sa amin. Yun yung gabi na nabuo sina Lucho at Dreico."

"OH MY GOOOOODDDDD!!!!" Eksaheradang sigaw ni Erika na nanlalaki pa ang mga mata sa labis na gulat. "OH! MY! GOD! GANUN KATAGAL?!?!?!"

"O.A. mo!" Irap ni Claire sa kaibigan at saka tinanggal ang straw ng softdrinks at inihataw ang basa na part sa tatawa-tawang kaibigan.

"Gaga, hindi ako O.A., nagulat lang talaga ako." Pag-amin ni Erika na itinaas pa ang kanang kamay bilang pangako, "Promise. Na-shock lang ako na ganun na pala katagal, akala ko kasi syempre dahil honeymoon natural na may nangyari sa inyong dalawa."

"Walang mangyayari, okay?" Pagtatama niya sa iniisip nito.

Muli ay naalala ni Claire ang tungkol sa kontrata nila ni Vince. Isa sa mga nakasulat doon ay hinding-hindi sila magsisiping na dalawa kahit pa nga kasal na sila. Hindi na niya iniisip pa na may muling mangyari sa kanila. Sapat na ang masakit na pangyayari noon ng ibigay niya ang sarili dito.

"Pero hindi mo ba naisip kung anong pwedeng maging resulta niyan?"

"Anong resulta? Nang alin?"

"Yan ganyan na ayaw mo sipingan ang asawa mo." Imporma ni Erika habang nilalantakan nito ang tasty. "Malaki ang chance na mangaliwa si Vince dahil sa ganyan."

Biglang natahimik si Claire sa sinabing iyon ng kaibigan. Ni minsan ay hindi sumagi sa kaniyang isipan ang tungkol sa posibilidad na manyari iyon.  Pero malinaw naman na sinabi ni Vince sa kaniya na hindi ito mangagaliwa habang kasal pa sila diba?

Pero paano mo masasabi na hindi nga siya mangangaliwa? Nakikita mo ba siya palagi? Alam mo ba kung sino kausap at kasama niya oras-oras? Usal ng isang bahagi ng kaniyang isipan.

"Paano mo naman nasabi yan..." Kahit napupuno ng pagdududa at kaba, pinilit ni Claire na umakto ng normal sa harap ni Erika. Ayaw niyang mahala nito na na-bothered siya sa kanilang usapan.

"Syempre, lalaki si Vince. May mga natural na pangangailangan yun bilang lalaki lalo at asawa ka pa niya. Kung sa ngayon siguro natitiis niya na walang nangyayari sa inyo pero paano kapag tumagal na kayo?"

Hindi naman kami tatagal. 10 months and 2 weeks na lang naman at maghihiwalay na kami. Sagot niya sa kaniyang sarili.

"Hindi naman siguro niya gagawin yun..."

"We never know. Pero wag mo sana alisin ang posibilidad na baka sa ibang babae niya hanapin ang bagay na dapat ikaw ang nagbibigay." Pangangatwiran muli ni Erika. Bawat salita nito ay pumipiga sa puso ni Claire. "Kapag yun biglang nangaliwa, wala ka rin ibang sisisihin kundi sarili mo dahil nagkulang ka rin bilang asawa niya."

"Bakit, kayo ba ni Daniel ginagawa niyo na?"

"Hindi pa." Walang kaabog-abog na diretsang pag-amin nito. "Pero pag kami kinasal na, sisiguraduhin ko na gabi-gabi ko iaalay ang sarili ko sa kaniya dahil isa yun sa mga sinumpaan kong pangako sa altar."

Habang busy sila sa pagkain at pagkukwentuhan ay siyang dating naman nina Daniel at Vince. Magkasama ang mga ito pero magkahiwalay ng sasakyan na gamit.

Si Daniel ay naka-gray Ferrari 812 GTS habang si Vince naman ay naka-silver Lamborghini Estoque.

"Boys will be boys." Naiiling na reaksyon ni Erika.

Siya namang sinang-ayunan niya. "Sinabi mo pa."

Pagpasok ni Daniel sa loob ng store ay agad itong nagbigay ng halik sa labi sa fiancè na si Erika, lumapit din ito sa kaniya para i-beso siya.

"Miss me?" Malambing na bungad ni Daniel kay Erika.

"Sobra." Tugon naman nito na puno rin ng tamis at pagmamahal sa lalake.

"Pakasal na tayo, Loves?" Pabirong alok ni Daniel at saka hinalikan ang kamay ni Erika.

"Diba pwede honeymoon muna, Loves?" Tatawa-tawang biro ni Erika na ikinasaya naman ni Daniel.

"Tumigil nga kayong dalawa! Nakakadiri kayo!" Exaggerated na reaksyon ni Claire na kunwari nasusuka pa sa tagpong iyon ng magkasintahan.

"Inggit ka lang kasi nga." Hindi naman itinuloy ni Erika ang sasabihin nito. Kaya lang ay tiyak na hindi na ito titigil kakaaar sa kaniya tungkol sa bagay na iyon.

"Subukan mo!" Pinanlakihan pa niya ng mata ang kaibigan pero takutin ito pero tinawanan lang siya ng malakas ng dalaga.

Ilang segundo lang ay pumasok na rin si Vince sa loob ng store at may bitbit itong isang box.

"Hi, Misis." Bati nito pagdating sa kanilang table.

"Hi." Tugon niya. "Ano naman yan, Mister?" Tanong niya sa ipinatong nitong box sa table.

"CCTV and lock alarms. Dinaanan ko sa office." Binuksan pa nito ang box para ipakita sa kaniya ang laman niyon, "Ipapa-install natin dito sa shop para kapag may nagtangka na gumawa ng masama, madali nating mahuhuli." Nakangiti nitong sabi halatang proud na proud sa naisip na ideya.

"Very good." Aniya saka sumenyas na apir dito.

"I know right." Proud na nakipag-apir naman ito sa kaniya.

"Ganun lang, apir lang? Walang kiss man lang?" Patuloy na panggagatong ni Erika. Mukhang hindi talaga ito titigil kakaasar sa kaniya.

"Oo nga, Misis. Walang kahit isang kiss?" Turo naman ni Vince sa kanang pisngi nito.

"Neknek mo!" Pabiro pa niyang sinampal ang pisngi na itunuturo nito.

"Sabi ko nga wala, joke lang naman." Nakatawang sabi ni Vince saka ito tumayo at inilipat sa ilalam ng counter ang dala-dalang box.

Pero ang bruhang Erika. Mukha talagang wala itong balak tumigil dahil kung wala itong makuha na sagot mula sa kaniya, si Vince na ang diretsahang tinanong nito.

"Vince, kamusta nga pala ang honeymoon?" Pasimpleng tanong no Erika habanh sinusubuan ng Spaghetti si Daniel.

"Okay naman. We had fun." He answered so casually. Di katulad niya, walang mababakas na pagdududa sa sagot nito as if everything went smoothly during their honeymoon.

"Maganda ba dun sa pinuntahan niyo?"

"Yeah, of course." Anang binata habang busy sa pag-aayos sa may cabinet sa ilalim ng counter. "You should ask Daniel to bring you there sometimes. For sure, mag-eenjoy ka."

"Vince, kailan niyo plano sundan yung kambal?" Kaswal na tanong ni Erika saka pasimpleng kumindat sa kaniya.

Mukhang maging si Vince ay hindi rin handa sa tanong na iyon dahil bigla itong nauntog sa may counter.

"Ouch, Sht!" Inis na reaksyon nito habang hinahaplos ang nauntog na bahagi ng ulo. "Ano nga ulit yun?" Tanong nito ng makabawi sa nangyari.

"Wala. Wag mo na intindihin yung sinabi ko." Nakangising sabi ni Erika. Maging si Daniel ay nakita niyang nagpipigil din ng pagtawa.

Tumayo si Claire at kumuha ng yelo para sa kawawang lalaki na walang kamuwang-muwang na naging biktima ng tusong si Erika.

"Ikaw din, bahala ka!" pahabol na pang-aasar ni Erika.

---------------------------------------

Author's Note:

Please FOLLOW /COMMENT / VOTE medyo nawawalan na kasi ako ng gana. hahaha!

Continue Reading

You'll Also Like

988K 33.9K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
22.5K 405 54
"Even though you are the most MALDITA, DEVIL & BITCH..There is one person willing to love you perfectly despite of your unexplained attitude" maldita...
218K 3.8K 32
Angela montehano was truly, madly, deeply in love with Ivo Imperial. It was highschool romance. Eversince she knows how to love ay wala siyang ibang...
9.5M 157K 88
Cristina Sabordo. Nagtatrabaho bilang isang consultant sa isang maliit ng firm sa Maynila. Naging independent siya sa kanyang sarili nang malayo siya...