Unbreak My Heart (Playboy Ser...

By E_L_Mira

135K 3.9K 583

(Tragic Romance) Vince and Claire are finally together. Pero sa pagkakataong ito ay mas nagiging mahirap para... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Disclaimer

Chapter 21

2.1K 81 3
By E_L_Mira

Pagpasok pa lang sa Mansyon ng mga Hendelson na nasa loob ng malaking Hecendia Cassarina ay unang bumungad agad kay Claire ang kaniyang Ninang na si Manang Elsa, isa sa mga matagal ng katiwala roon. Ito din ang dahilan bakit sila napasok noon ni Ella bilang mga kasambahay noon kaya naman malaki talaga ang tinatanaw niyang utang na loob rito.

"Nang Elsa!" Excited niyang bati ng yapusin ang matanda. Ito na ang halos itnuturing niyang pangalawang magulang.

"Marie!" Maluha-luhang bati nito na kagaya niya ay baka rin ang labis na excitement.Hindi kasi ito nakaattend sa kasal nila ni Vince dahil naospital ito ng araw na iyon.

"Kamusta na po kayo, Nang?" Nag-aalala niyang tanong ng mapansin na medyo namayat ito ng bahagya.

"Ito, okay naman na. Salamat sa Diyos." Nakangiting sagot nito na halatang hindi maikubli ang saya na makita siya roon. "Ikaw kamusta ka naman ng bata ka? Pasensya na nga pala at hindi ako nakapunta sa kasal mo anak."

"Ito maayos naman po ako. At okay lang yun, Nang. Ang mas mahalaga ay maayos ka na. Nag-alala kami ng sobra ni Ella nung ibinalita sa amin ni Nanay na naospital ka nga daw po." Kahit pa nga mukhang malakas naman na ito ay pinili pa rin ni Claire na alalayan ang matanda sa kanilang paglalakad papasok sa loob ng bahay. "Kamusta naman na po kayo dito sa Mansyon?"

"Wala pa din naman pagbabago. Masaya pa rin. Masaya pa rin sa taniman at masagana pa rin ang pamumuhay ng lahat." Patuloy na kwento ni Nang Elsa ng makaupo na sila sa sofa. "Siya nga pala, Marie-- ay, este Claire. Pasensya na at nasanay pa rin kasi akong tawagin kang Marie."

"Wala po yun. Kahit ano po okay lang." Natatawang sabi niya. Maging siya man kasi kung minsan ay nakakalimutan pa rin na Claire na ang kaniyang ginagamit sa ngayon.

"Hindi ko pa nga naibabalita sayo pero alam mo bang narito na rin sa Hacienda ang mga anak ko, kaya wala na kong masyadong iniisip na mabigat." masayang balita nito. Noon pa kasi nito pinipilit ang mga anak nito na lumipat doon ngunit pilit itong mga tumatanggi dahil tatapusin raw muna ang pag-aaral, mabuti ngayon at pumayag ng sumama ang mga ito.

"Masaya po ako para sa inyo. Matagal niyo na gustong mangyari yan."

Mula sa kanan na bahagi ng bahay ay narinig ni Claire ang masayang sigawan ng dalawang bata na tumatakbo. At ilang segundo nga lang ay lumitaw doon sina Lucho at Dreico na excited pang dinamba siya.

"Mama!" Sabik na sabik na tawag ng mga ito at saka siya niyapos ng mahigpit at pinaulanan ng walang sawang halik.

"Nag-behave ba kayo dito?" Tanong niya sa kambal na anak habang gigil na hinahalikan an ang mga ito.

"Opo." Magkasabay na sagot ng dalawa.

Di naglaon ay pumasok na rin sa loob ng bahay si Vince dala ang kanilang mga gamit. Pagpasok niyo ay isang malaking ngiti ang sinalubong nito sa kambal, "Hello, my boys!"

Mabilis naman nagtatakbo ang dalawa patungo sa direksyon nito, at gaya niya ay pinaulanan rin ng kambal ng napakaraming halik ang binata.

"Na-miss niyo ba si Papa?"

"Opo!" Magiliw na tugon ng dalawa. Sabay pang nagpakarga ang mga ito kay Vince. Mabuti na lang at brusko ang binata kaya't parang wala lang rito ang bigat ng kambal. "Bumibigat na kayo ah, lumalaki na mga baby ko." Sabi nito saka hinalikan sa pisngi ang dalawa.

Claire couldn't hide her admiration every time she see how loving and caring of a father Vince  towards their children. Buhat ng kuhanin sila nito at itira sa iisang bahay ay palaging sinisigurado nito na mayroon itong oras para sa kanilang mga anak. Kahit pa nga pagod ito galing sa trabaho ay hindi ito papayag na hindi mag-spend ng time na makasama sina Lucho at Dreico.

He's always there for the kids. A father figure, indeed. Kung pwede nga lang sana na hindi na matapos pa ang mga ganitong sandali, kaya lang ay alam naman ni Claire sa kaniyang sarili na may hangganan din ang mga pagkakataon na makikita niya at makakasama si Vince. In one year time, maghihiwalay na sila nito.

"Ipaghahanda ko muna kayo ng ma-memerienda ha." Paalam ni Manang Elsa at saka ito nagtungo sa kusina.

"Narito na pala kayo." Bungad naman ni Donya Cassarina, ang butihing mommy ni Vince. Lumapit ito at niyapos si Claire at ibineso. "Napagod ka ba sa byahe?"

"Hindi naman po, Ma." Tugon ni Claire. Kahit papaano ay naiilang pa rin siya na tawagin itong Mommy dahil dati ay katulong lang siya sa Mansyon na iyon, ngayon ay kung itrato siya ng lahat ay isa na sya sa mga importanteng miyembro ng pamilya.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Nagtatakang tanong ng Donya ng pagmasdan nito ang damit niya.

Bago pa makasagot si Claire ay naunahan na siya ni Vince. "We went straight here after ng shoot ni Claire para doon sa commercial para sa company ni Art. Remember, the one I told you about?"

"Oh, I see." Sang-ayon ni Donya Cassarina ng maalala marahil ang sinabi ng binata..

"Si Daddy?" Tanong ni Vince.

"Nasa bukid kasama ang Kuya Chris mo at si Stefan, binibisita ang mga pananim at ang mga magsasaka natin doon."

"Where's Amanda and the kids?" Tanong muli ni Vince na ang tinutukoy ay sina Austin at Casper, ang anak nina Chris at Amanda.

"Nasa Mall kasama si Erika. Kakaalis lang din. Pinag-drive sila ni Aly. Nagkasalisi lang siguro kayo ng ilang minuto. Mamimili lang daw sila ng mga supplies ng mga bata dahil naiwan sa bahay yung gatas, diapers, at ibang gamit."

Erica has been a part of the family mula ng magpropose si Daniel sa dalaga. Kaya naman sa lahat ng okasyon o gatherings ng Pamilya Hendelson ay naroroon ito. Bukod sa ulila na rin kasi si Erika ay talagang napakabantay-sarado ni Daniel rito. Kahit saan ito magpunta ay hindi ito papayag na hindi kasama ang future wife.

Mula sa second floor ng bahay ay bigla naman lumitaw sina Jace at Trace. Base sa itsura ng suot ng mga ito ay mukhang mangangabayo ang mga ito. At kung kanino ay excited sina Lucho at Dreico na magpakarga kay Vince, ngayon ay atat na atat ang mga ito na bumaba.

"At saan ang punta niyong dalawa?" Tanong ng Donya sa makulit na kambal na sina Jace at Trace.

"Ililibot sana namin ni Jace sina Lucho at Dreico. First time nila makakaikot dito sa Hacienda kaya naisip namin na maganda kung mangabayo na rin kami." Sagot ni Trace. "Alas kwatro y media na at hindi na mainit sa labas. Presko na ang hangin."

"I agree. Mas maganda din na makilala na sila ng ibang mga taga Hacienda. I'm sure matutuwa silang lahat kapag nakita nila na may bago na namang gwapong kambal na manggugulo dito sa atin." Tatawa-tawang sang-ayon ni Jace sa kakambal nito.

Magkasabay pang kinuha nina Jace at Trace sina Lucho at Dreico mula sa pagkakakarga ni Vince. At kahit gusto pang tumutol ng huli ay wala rin itong nagawa dahil mababakas sa mukha ng kambal na bata na excited ang mga ito na makasama ang kambal na Tito.

Hindi tuloy maiwasan ni Claire mapangiti at ang isipin na baka may special powers talaga ang pagiging kambal.

"Ay nako ha, ingatan niyo yang mga apo ko ha! Tatamaan kayong dalawa sa akin kapag napano yang nga yan!" Pangaral ni Donya Cassarina ng kurutin pa nito sa tagilirin sina Jace at Trace.

"Hindi po, Mommy! Promise!" Tila batang nagtaas pa ng kamay ang kambal bilang pangako. Bagay na ikinatuwa ni Claire na makita.

Kahit kasi matatanda na at may sarili ng career ang magkakapatid na Hendelson, hindi pa rin maiwawaksi sa mga ito ang pagiging sobrang close sa mga magulang. Ano't ano man ay palaging sinisigurado ng mga magkakapatid na sina Chris, Daniel, Jace, Trace, Stefan, at Vince na gagawin ang lahat para sa mga magulang lalo na para sa Ina. Of course, Clara being the only girl in the family, ay ang kilala bilang spoiled brat. Kasalukuyan itong nasa London at tinatapos ang kurso sa Fashion and Arts.

"Umuwi kayo agad bago magdilim ha." Bilin ni Claire sa dalawang lalaki.

"No problem." Sabay na sagot nito.

"Pag yang mga anak ko inuwi niyo rito na may kahit kapirasong galos, sinasabi ko sa inyong dalawa magtago na kayo dahil tatamaan kayo sa akin." Pabirong babala ni Vince sa kambal na kapatid. Kahit kung tutuusin ay mas nakatatanda sina Jace at Trace kaysa rito.

"Don't worry, lil bro. Kaming bahala." Magkasabay na sagot nina Trace at Jace. Pagkasabi niyon ay umalis na ang mga ito.

"Siya nga po pala, nasaan po pala si Nanay at mga kapatid ko?" Tanong ni Claire ng mapansin na hindi siya sinalubong ng mga ito.

"Nasa loob ng kusina, ayun, busy sa pagluluto. Wala daw kasi siyang magawa kaya gusto niya tumulong." Nakangiting tugon ni Donya Cassarina. Mukhang napagkakasundan talaga ng mga ito ang pagkain.

"Ang mga kapatid mo ay kasama ni Sir Daniel. Nakita ko sila kanina ng umalis, magtutungo daw sila doon sa may ilog at sa palayan." Bigay imporma naman ni Manang Elsa ng makabalik ito dala ang tray ng sandwich at orange juice. "O ito, magmerienda muna kayong mag-asawa."

"Thank you po, Nang."

"Thank you."

Pasimpleng nagpalinga-linga si Claire upang pagmasdan ang kabuuan ng bahay. At napangiti siya ng mapansin na halos wala pa ring ipinagbabago ang loob ng bahay na dati ay pinagtutulungan pa nila nina Nang Elsa at Ella na linisin sa araw-araw. Ang mga paintings, ang mga mahahaling banga at pigurin, pati na ang mga mababaong amoy ng preskong bulaklak at halaman na nasa loob ng bahay. Lahat ay katulad pa rin ng naaalala niya bago niya nilisan ang bahay na ito.

"Naninibago ka pa rin 'no?" Mukhang nahalata ni Nang Elsa ang kaniyang ginagawa kaya bigla itong napatanong. "Hay, kahit ako naninibago pa rin. Dati-rati ikaw pa ang nagpiprisinta na maglinis at magpunas ng mga paintings at pigurin na yan. Naaalala ko pa nga ang panginginig ng kamay mo sa tuwing hahawakan mo ang mga iyan. Tapos ngayon, tignan mo. Maganda na ngayon ang buhay mo anak. Napakabuti talaga ng Diyos."

Hindi mapigil ni Claire ang sarili na mapaluha kaya agad niya niyapos muli ng mahigpit ang kaniyang Ninang. Dahil kung di sa naging tulong nito na maipasok sila bilang mga kasambahay sa Hacienda Cassarina, malamang ay baka nasa probinsya pa din ang kaniyang Pamilya at nagtatanim at nag-aani ng palay at gulay.

"I'll just bring the bags in our room." Saad ni Vince ng kumilos ito at isa-isang kuhanin ang kanilang mga gamit.

"Tutulungan na kita." Kusang loob na prisinta ni Claire habang pinupunasan ang namamasa niyang mata. "Sige po, Nang Elsa, mamaya po bababa ako para tulungan kayo at makipagkwentuhan na din."

"Sige, walang anuman. Asikasuhin mo muna ang asawa mo." Suhestiyon nito habang pinupunasan ang mata at halatang nadala rin ng emosyon. "Ibabalik ko na ito tray at baso sa loob."

"O, siya, sige umakyat na muna kayo sa kwarto niyong mag-asawa para makapagpahinga kayo." Imporma naman ni Donya Cassarina. "Mamaya lang ay matatapos na iyong niluluto namin para sa hapunan natin. I'm sure you will all love it." She said with so much excitement

"Sige po."

"Come on, let's go." Aya ni Vince habang bitbit na nito ang kanilang mga gamit.

"Tutulungan na kita."

"Wag na, kaya ko naman." Anito at saka nauna na naglakad paakyat ng hagdan.

Habang papaakyat sila sa kanilang silid ay napansin ni Claire ang malalapad na ngiti sa mukha nina Donya Cassarina at Manang Elsa. Kung bakit ay hindi rin niya alam. Pero iyon ang klase ng ngiti na nakakakaba, iyon bang parang may ibang pinaplano ang mga ito na gustong maisakatuparan.

Pero hindi na niya iyon binigyang pansin. Masyado kasing natuon ang kaniyang atensyon sa pagmamasid sa buong kabahayan.

"Parang tulad pa din ng dati tong bahay niyo." Halos gabulong sa hangin na sabi ni Claire sa sarili.

"Bahay natin." Sagot ni Vince ng lingunin siya nito. Narinig pala nito ang kaniyang sinabi. "What's ours, is yours now too. Parte ka na ng pamilya na to kaya kung ano ang meron kami ay sayo na din at sa mga anak mo."

Pagdating nila sa harap ng pinto ng silid ay saglit na napatigil si Claire. Ito ang kwarto ni Vince na dating hinahatiran niya ng pagkain noong bulag pa ito.

"Saan nga pala ang kwarto ko?" Tanong ni Claire.

"Is that even a question?" Magkasalubong ang kilay na balik-tanong ng binata.

"H-huh, I mean, diba kwarto mo yan. So, saan ako matutulog?" Nalilito pa rin niyang tanong rito.

"Syempre dito." Turo ni Vince sa sariling silid nito.

"Bakit?" Patay malisya niyang tanong.

"Kasi mag-asawa tayo?"

"Alam ko yun. Pero diba nagkasundo tayo na---"

"Shhhhh!" Hindi na natapos pa ni Claire ang kaniyang sasabihin dahil bigla siyang hinila ni Vince at tinakpan ang kaniyang bigbig. "Wala silang alam sa kung ano ang napagkasunduan natin kaya magdahan-dahan ka ng pagsasalita at baka mabuko tayo. Right now, the best we can do is to pretend na okay ang lahat. Maliwanag ba yun?"

Tumango-tango siya bilang tugon dito dahil nakatakip pa rin ang kamay nito sa kaniyang bibig.

-------------------------------------------------

Author's Note:

Please don't forget to FOLLOW / VOTE / COMMENT para ganahan naman ako ituloy to. hahaha! 

Continue Reading

You'll Also Like

28.1K 1K 48
Para sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig...
2M 78.5K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
478K 9.6K 60
(Tragic Romance) Vince had the best of both worlds --- He's good looking, born in a rich family, and happily in love with his beautiful fianće, Eliza...
226K 12.6K 26
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.