AC's POV
Sino kaya yun? Ano kaya yun? Natatakot na ko ah. Tatawagan ko na ba si Ren o titignan ko kung ano yon?
Sobrang kaba na ang nararamdaman ko ngayon na parang may sampong kabayo na nagkakarera sa dibdib ko.
Dahil nga sa curious ako kung sino yun ay dahan dahan akong bumaba at tumingin tingin sa paligid. Pagtingin ko sa kusina ay nakita ko si Matt na naka upo sa sahig at dumudugo yung kamay.
"Napano ka?" tanong ko habang nagmamadali na lumapit sa kanya.
"Nalaglag ko yung baso and I try to pick it up pero yan nasugatan ako." sagot naman niya.
"Jan ka lang muna ako na maglilinis niya." sabi ko at pinaupo siya sa bar stool at kumuha ako ng walis at dustpan. Pagkatapos kong linisin ang mga nabasag ay lumapit na ulit ako sa kanya.
"Ano ba kasing ginagawa mo? May bubog pa yata sa loob niyan." sabi ko habang tinutigna ang kamay niya.
"Tara hugasan mo yan tapos kukunin ko lang yung medicine kit doon sa taas." sabi ko at agad naman niya itong ginawa. Nagmadali lang akong pumunta sa taas para kunin ang medicine kit at bumaba na ulit.
"Bakit ba kasi hindi ka sumama sa kanila?" tanong ko.
"Nakatulog ulit ako." sagot naman niya.
"Eh anong ginagawa mo dito sa kusina kasi?" tanong ko ulit.
"Iinom sana ako ng malamig na tubig para mabawasan yung sakit ng ulo ko." sagot niya. "Aray dahan dahan." daing niya nang mapisil ko sa may sugat niya.
"Sorry." sabi ko naman. "Mag iingat ka kasi yan tuloy tignan mo nasugatan ka pa." sermon ko sa kanya.
"Alam mo namiss ko yung ganito. Namiss ko yung pag aalaga mo samin dati kapag napapalaban kami sa gang fights. Yung tipong hanggat hindi ka natatapos na gamotin yung mga sugat namin ay hindi ka rin natatapos na magsalita. Wala nakakamiss lang." sabi niya kaya tumahimik ako. Wala ang awkward lang sa pakiramdam. feeling to tuloy ang init init dito.
"Mabuti pa ako nalang ang kukuha ng tubig para sayo. Jan ka nalang." sabi ko at tumayo para ikuhaan siya ng tubig. Kumuha lang ako ng baso at nilagyan ng malamig na tubig at bumalik sa kanya para ibigay ito.
"Thank You." pagpapasalamat niya at ininom ang tubig.
"Sige punta na ako sa taas. Mag-iingat ka jan. Tawagin mo ko pag may kailangan ka ha?" sabi ko at nang akmang lalakad na ako papunta sa taas ay tinawag niya ako.
"Kate wait lang." tawag niya sakin.
Nilingon ko lang at at agad naman niyang hinawakan ang kamay ko. Nanatili lang akong nakatayo at naramdaman ko nalang na parang hindi ako makagalaw nang halikan niya ako. Hindi parin ako makagalaw kahit na humiwalay na siya.
"It's not because I'm drunk kaya kita hinalikan kagabi. Wala akong paki alam kung malaman to ni Ethan. Ang importante sakin masabi ko sayo na gusto kita." sabi niya at tumingin sa mata ko ng diretso. "Kahit hindi mo ako gusto, basta makita lang kitang masaya. basta lagi mong tatandaan na pag sinaktan ka niya nandito ako handa akong makinig sayo. Bahala na kung sasabihin man ni Blake kay Ethan yung nakita niya kagabi." sabi niya at tinanggal na yung tingin sakin at umalis na papunta sa taas.
Manatili lang ako sa baba at nagpunta sa sala. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga sinabi ni Matt sa akin kanina. Habang naka tulala ako ay biglang bumukas yung pinto.
"Oh anong ginagawa mo dito sa baba?" tanong ni Ren sa akin.
"Wala nabored ako sa taas eh kaya pumunta nalang ako dito sa baba." sagot ko naman.
"Here's your ice cream. Cookies and cream yan." sabi niya at inilapag sa coffee table yung supot ng ice cream. Kinuha ko yung ice cream at nagtungo sa kusina para kumuha ng kutsara.
"Bakit may bubog sa basurahan?" tanong ni Blake.
"Ah nabasag ni Matt yung baso kanina." sagot ko.
"Si Matt?" tanong niya ulit
"Oo" sagot ko naman. Paulit ulit Blake? Ano bingi ka na ngayon?
"Ihanda niyo na yung mga lulutuin para doon tayo sa labas." sabi naman ni Alexa na abala sa pag labas ng mga binili nila.
"Bihis muna ako sa taas. Balik din ako agad." sabi ko at umakyat na sa taas.
Habang naghahanap ako ng susuotin ay bumukas yung pinto. Hindi ko lang tinignan at nagpatuloy ako sa paghahanap ng susuotin.
"AC." tawag niya sakin.
"Hm?"
"Can we stay here for a while?" tanong niya.
"Yeah sure. Why?" tanong ko naman.
"Nothing. I just want to chill with you." sagot niya at lumapit sakin.
"Are you sure?" tanong ko ulit.
"Yeah" sabi niya at umupo sa kama.
Sumunod naman ako sa kanya at naupo sa tabi niya.
Lumipas ang ilang minuto at nahiga lang ako sa kama ganon din siya at magkatabi kami ngayon.
Habang naka titig ako sa kisame ay naalala ko si Matt.
Ano ba kasing nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganon dati ah. At alam naman niya yung tungkol samin ni Ren. Alam niya yon noon pa. Pero bakit? Bakit siya nagkakaganito?
"Mukang malalim yata ang iniisip mo ah." sabi ni Ren at yumakap sakin...
"Hindi naman. Pagod lang siguro ako." sagot ko naman.
"If you have a problem you can tell me." sabi niya ulit.
"Wala pagod lang to." sagot ko.
Ano ba Matt!!! Ginugulo mo yung isipan ko eh. Ano ba kasi talaga ang gusto mong mangyari? Bakit ngayon ka nagkakaganto? Ano ba talaga ang kailangan mo?
Hindi matapos tapos na katanungan ang nasa isipin ko ngayon. Ni hindi ko manlang masabi kay Ren kasi alam ko kung ano ang magiging reaksyon niya.
"Baba na kayo. Maliligo na kami don sa dagat." boses yon ni Alexa na sumisigaw mula sa labas ng kwarto.
"Tara labas na tayo. Sa labas nalang ako mahihiga." alok ko kay Ren at tumayo na.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko naman si Matt na lumabas mula sa kwarto nila. Nang tumingin siya sakin ay agad naman akong umiwas at tinignan si Ren habang tumatayo mula sa pagkakahiga.
"Tara na bilisan mo." pag aaya ko sa kanya.
Lumapit naman siya at inakbayan ako.
Bumaba na kami at sumunod na din si Matt.
Habang naghahanda sila ng lulutuin ay naka upo lang ako sa may duyan dito sa labas. Pinagmamasdan ko ang dagat at ang paligid. Sana ganito palagi katahimik. Yung chill lang walang iniisip.
"Kate." tawag sakin ni Blake.
"Bakit?" tanong ko naman.
"We need to talk." sabi niya at naupo sa tabi ko.
"Anong pag uusapan natin?" tanong ko naman.
"Alam mo kaibigan ko kayo. Si Ren, ikaw at si Matt. Ayoko na magkahiwahiwalay tayo. Alam ko na kayo talaga ni Ren dahil sa arranged marriage na sinusunod ng pamilya ninyong dalawa. Pero si Matt, Kate alam ko na gusto ka niya. Hindi lang gusto mahal ka niya Kate. Ayokong makita siyang nasasaktan ulit. Hindi ko sinasabi na mahalin mo siya at hindi ko rin sinasabi na kung ano ang ipinapakita ninyo ni Ren ay itago niyo. Ang akin lang wag nalang sana sa harapan ni Matt. Ayoko kasing mangyari yung dati nang nangyari sa kanya eh. Kaya Kate nagmamakaawa ako sayo. Please kung pwede lang naman na limitahan ninyo muna yung sa inyo ni Ren. Yung gaya ng dati lang sana yung parang magkaibigan lang kayo. Please Kate?" sabi niya na nag iwan ng malalim na kaisipan sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko hindi ko alam kung tama nga ba siya na dapat ay limitahan namin ang sa amin ni Ren? Wala akong magawa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Ano bang nangyari kay Matt dati?" tanging natanong ko nalang.
"Nangyari to 3 years ago." sagot niya at nagkwento.
"Nasa isang tambayan kami malapit rin sa dagat. Masaya siya na nagkwekwento tungkol sa isang babae. Sabi pa niya na para daw siyang na love at first sight sa kanya. Ang dami niyang sinasabi na magaganda tungkol sa kanya. Yung magaling siya sa ganto sa ganyan. Yung mga ngiti niya daw na kapag nakita niya ay ngumingiti rin siya. Pero nung ilang linggo na ang nakalipas simula nung araw na yon parang unti unti siya na hindi na ngkwekwento hindi na palangiti. Lagi siyang tulala ni umabot pa nga sa point na hindi na namin siya maka usap." sabi niya at huminga ng malalim.
At itinuloy ulit ang kwento niya. "Hanggang sa nasa bahay ako bigla nalang siyang pumunta. Sugat sugat yung kamao niya, lasing at umiiyak. Hindi ko siya tinanong. Hinayaan ko lang siya at pinaupo sa sofa at kumuha ng tubig. Ginamot ko yung kamay niya. Binigyan ko ng damit pamalit niya. Hinintay ko na siya ang magsabi ng dahilan kung bakit siya ganon." napatigil siya at tinignan si Matt na nakahiga sa may buhangin sa lilim ng niyog.
"Hindi pa siya nagsisimula sa pagkwento umiyak na naman siya. Nakaka awa siya nang mga panahon na yon. Isipin mo na isang Matthew Adriane Rivera umiiyak. Ni hindi ko naisip na magkakaganon siya nang mga panahon na yon kasi siya ang pinaka matinik sa mga babae dati. Pero nung dumating ang babaeng yon nagbago lahat. Nagkwento siya sakin. Sabi niya na akala niya mahal daw siya ng babae na yon, akala niya na may gusto ang babae sa kanya, sino ba naman ang hindi mag iisip non eh halos kasama niya ito sa mga lakad niya. Siya ang dahilan kung bakit hindi siya sumasama sa amin dati. Hindi ko lubos maisip na iiyak siya nang ganon. Halos hindi niya maibigkas ang sasabihin niya sa akin. Pero sa huli nasabi niya rin. Na hindi daw pala siya mahal, na wala palang gusto ang babae at higit sa lahat ay may boyfriend yung babae. Hindi daw niya ito sinabi sa kanya na halos isang taon na sila nung boyfriend niya. Wala halos hindi na siya makahinga noong gabing iyon. Tumawag pa nga ako ng doctor para tignan siya. Ayoko lang ulit na mangyari yon sa kanya. Ayoko siyang makita na nagkakaganon. Para na rin silang kapatid sa akin Kate. Kaya kung pwede ko lang silang diktahan sa lahat ng desisyon nila ay gagawin ko." sabi niya at tumingin sa akin.
"Anong pangalan ng babae?" tanong ko.
"Hindi ko alam. Walang nakaka alam sa amin. Hindi niya ipinakilala sa amin kung sino siya. Kahit picture wala kaming nakita eh." sagot naman niya.
"Pagkatapos noon ay wala na akong nakita o nabalitaan na may nililigawan siya. Hindi naman siya nambababae o kahit ano." sambit niya ulit.
"Bakit, hindi na siya nagkagirlfriend?" tanong ko naman.
"Hindi ko alam, siguro napagod na siya. O baka hindi pa niya nakikita yung nagugustuhan niya. Pero ngayon mukang nakita na niya. Hindi nga lang pwede." sagot niya naman na ikinatahimik ko. Eh anong sasabihin ko? Kasi nanjan si Ren? Ano ba kasi??
"Tara na nga doon, tumulong nalang tayo don. Baka kung ano pa yung maikwento mo eh." pag aaya ko sa kanya at tumayo papunta kung saan sila nagluluto ng pagkain.
Hindi ko alam pero parang naaawa ako kay Matt dahil sa kwento ni Blake. Parang gusto ko siyang yakapin at sabihin na may mas magandang bagay na nag iintay sayo. Gusto ko siyang icomfort. Pero hindi ko magawa dahil sa lintik na awkwardness na to.
Sana mahanap mo na yung totoong para sayo Matt. Alam kong hindi ako yon, dahil alam ko na masasaktan lamang kita at hindi ko naman gugustuhin yon. May mas deserving pa sa pagmamahal mo Matt. You deserve someone who will treat you the way you like and will love you without hesitation.
Kung sana nandoon ako nung gabing umiiyak ka sana ay mas napatatag ko pa yang loob mo sana ay nasabi ko sayo ang mga salitang yan sayo. Hindi kita matutulungan sa ngayon dahil kaylangan ko ring ipakita sa lalaking mahal ko ba pinapahalagahan ko siya at alam yan ng lahat Matt kaya pasensya ka na sa ngayon dahil wala akong magagawa tungkol sa nararamdaman mo ngayon para sa akin. I'm sorry.
A/N:Sorry for this chapter it's not that interesting. I will do my best to make the next chapter more fun. Thank you po.