Hiram Na Pag-ibig (Formosa Se...

By PollyNomial

161K 3.2K 252

Naranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang p... More

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Wakas
Formosa Series Update!

Kabanata 29

2K 46 4
By PollyNomial

KABANATA 29 — Sementeryo

Nang magdilim na ay nag-ilawan ang lahat ng maliliit na ilaw sa buong resort. Sa mga poste sa gilid ng daan ay may mga nakasabit na lantern. Iba’t ibang kulay ito na nagbibigay liwanag sa dinaraanan. May mga Christmas lights din ang mga puno kahit na hindi naman pasko. Ito ang nagsilbing disenyo ng buong lugar kapag gabi. Maliban sa maliwanag na buwan ay ito rin ang nagpapabuhay ng kagandahan ng resort.

Tapos na ang hapunan at ang mga lalaki ay naroon na sa nirentahang cottage upang mag-inuman. Dala dala ko ang isang plato ng pulutan na niluto ni Tita Nora para sa kanila. Habang naglalakad ay naaninag ko sa duyan na aking nadaanan ang tatlong pinsan kong babae na naghahagikgikan habang may pinagkikwentuhan.

“Kelly!” Sigaw ko sa pinakamatanda sa tatlo. Nilingon niya ako nang may malawak na ngisi pa sa bibig.

Tumakbo siya palapit sa akin. “Bakit, ate?” tanong niya. Tumawa pa siya ng isa pang beses dahil sa walang tigil na halakhakan ng mga kapatid niya.

“Okay lang ba na gising pa si Trisha?” Tanong ko sa kanya. Mag-aalas diyes na ng gabi at hanggang ngayon ay nasa labas pa rin ito.

Ngumiwi si Kelly sa akin. “Oo naman, ate! Malaki na si Trisha. Natutulog lang naman 'yan ng maaga kapag may pasok kinabukasan.” Tinagilid niya ang kanyang ulo para imuwestra ito. “Nagkikwentuhan pa kami, e. Ang dami kasing gwapo rito!” Tumawa siya at nakita ko ang dalawa na naglalakad na rin palapit sa amin ni Kelly.

Si Trisha ay nasa elementary pa lang at kung tungkol sa mga gwapong lalaki ang pinag-uusapan nila ay dapat na ata talagang pumasok siya ng bahay!

Pinanliitan ko ng mata ni Kelly. Ang dalawa pa niyang kapatid na kakalapit lang ay kumikislap ang mga mata sa ilalim ng maliliit na ilaw.

“Alright. Basta kapag tinawag kayo ni Tita Nora at sinabing matulog na ay matulog na. Sumunod kayo sa kanya.” Sambit ko.

Ang KJ ko naman kasi kung papapasukin ko na sila roon sa bahay. Si Tita Nora nga ay hinahayaan sila. Pinagkatiwala silang mga babae ng tatay nila sa aming matatanda at kung si Tita Nora ay payag naman ay payag na rin ako. Tutal ay nasa bakasyon naman kami. Tama lang siguro na magkasiyahan sila kahit ngayon lang.

Pinuntahan ko na ang mga lalaki sa cottage para iabot ang pulutan. Nandoon si Jhonel na hindi ko na mababawalan dahil nasa tamang edad na. At isa pa, hindi naman siya kagaya nila Kelly na babae at kaya na niya ang sarili niya. Si Ivan ay naroon na din kasama ang magkapatid na si Josef at Jaydee.

Bago ako makalapit ng husto ay pinadaanan ko muna ng darili ang hinahangin kong buhok. Hawak hawak ko sa kaliwang kamay ang plato at ang kanan ay pinahiran ang labi kong medyo nanunuyo na dahil sa lamig ng hangin. Hinawi ko patagilid ang mahaba at maalon kong buhok upang maiwas ito sa hanging nagpapagulo rito.

Naglakad ako at unang nakita ko ay si Terrence na nakaharap sa direksyon ko. Simula nang maamin kong gusto ko siya, o mas tamang sabihin na nahuhulog na ako sa kanya, ay panay na na siya ang unang nakikita ng aking mga mata.

Tumikhim ako sa aking sarili at saka ngumiti.

“Pulutan?” Ngisi ko nang mapalapit sa kanya. Pinagpag ko ang buhanging nasa aking tsinelas nang makatapak ako sa kawayang sahig ng cottage.

Pumalakpak si Josef at agad na tumayo para kunin sa akin ang aking dala.

“Tamang tama, kumakalam na tiyan ko.” Sabi niya. Walang ibang laman ang mesa ng cottage kundi mga alak at kaunting chichirya.

Hindi ko alam kung nasaan ang isang pinsan ko na si Iris. Wala naman siya sa bahay. Siguro ay nagliliwaliw iyon kung saan. Napansin ko rin ang pagkawala ni Jaydee. Ang akala ko ay nandito rin siya.

“Inom ka, Therese?” Alok ni Ivan at inabot ang plastic cup na may maliit na yelo at malinaw na alak.

Ngumiti ako at umiling. “Hindi na. Hahanapin ko pa si Iris.” Sambit ko.

Tumango siya at siya na ang uminom nang inalok. Bumaling ako kay tatay na nasa kabilang bahagi. Pinapagitnaan kaming dalawa ng mesa.

“'Tay, hinay hinay lang ah. Uminom kayo ng gamot at matulog ng maaga.” Utos ko at tumawa ang mga lalaki roon. Pati ang tatay nila Josef ay tinapik ang balikat ng aking ama.

“Under ka ng anak mo, Noel!” Sabi nito kay tatay.

Medyo uminit ang pisngi ko. Iniisip ko lang naman ang kalusugan niya. Dinaanan ng mga mata ko sila Jhonel, Ivan at ang driver na nakisama na rin sa amin. Huminto lang ako nang na kay Terrence na ang paningin ko. Hawak niya ang baso na nakapatong sa kanyang hita at tumaas ang isang kilay niya nang malaman ang paninitig ko sa kanya.

Kagat kagat ko ang aking labi nang alisin ko ang aking tingin at nagpaalam na.

“Sige. Hahanapin ko na si Iris.” Sabi ko. Tumalikod ako at naglakad palayo sa cottage.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Huling pag-uusap namin ni Terrence ay kaninang umaga nang tanungin niya ako kung tinanggap ko ba ang offer ni Nash. Pero parang napakahabang panahon na ang lumipas mula nang huli kaming mag-usap.

Kanina sa cottage matapos siyang kausapin ni Tita Nora ay hindi na niya ako pinansin. Isang pangungusap lang ang kanyang binigkas para sa akin. Dumating agad kanina sina Iris kaya hindi na ako nakasagot sa kasungitan niya at hindi ko na rin naitanong kung anong ikinagagalit niya.

Ngumuso ako at sinipa ang bawat batong madaanan ko. Kung hindi ako kakausapin ni Terrence ay mas mabuti. Makakaiwas ako sa aking nararamdaman. Ang mga pitik sa aking puso ay mapapahinto ko. 'Yon ay kung magagawa ko ito kahit na wala siya sa tabi ko.

“Therese.” Napatalon ako sa gulat at napahawak sa dibdib sa buo at malalim na boses.

Ang pitik na gusto kong pahintuin ay sunod sunod na naramdaman ng aking puso. Lumunok ako bago ako lumingon sa tumawag.

“Saan ka papunta?” tanong niya. Sinilip niya ang aking likod at nang lingunin ko rin ito ay patungo na ito sa ibabang bahagi ng lugar kung nasaan ang dalawa pang pool at ilang mga bahay.

Lumikot ang aking mga mata. Hindi ko alam na kung saan saan na pala ako dinadala ng aking mga paa. I was supposed to look for Iris in the biggest pool of this resort. Pero heto ako at naglalakbay ang utak at kaluluwa sa kung saan saan at kung kani kanino.

Hilaw akong ngumisi kay Terrence para maitago ang laman ng isip ko. “Hinahanap si Iris.” Sambit ko.

Saglit niya akong tinitigan. His eyes are reading mine. Mapupungay ang mga mata niya ngayon at mapula ang pisngi niya. Siguro ay sanhi ito ng alak na ininom niya.

Isang tango ang sinagot niya sa akin. “Sasamahan kita.” It was not a question but a statement. Kaya hindi na ako sumagot at naglakad na lang muli.

Magkahugpo ang dalawang kamay ko sa aking harap at mabagal kaming naglalakad. Medyo malayo ang distansya naming dalawa kaya kampante pa ako. Humihinga ako ng malalim at iyon ang paraan ko upang maibsan ang maliliit na pitik sa aking puso.

“I accepted Nash’s offer.” Sinimulan ko ang pagkwento. Hindi ko kaya na tahimik lang kaming dalawa. Binasa ko ang nanunuyot ko nang labi dahil sa hangin.

Nang hindi siya nagsalita ay sinulyapan ko siya. Nakatingala siya sa kalangitan ngunit patuloy ang paglalakad niya.

“I was not able to stop you from accepting it, huh?” Aniya sa malamig na boses.

Tumingin din ako sa kalangitan na puno ng butuin. One thing that the metro doesn’t have is this beautiful night sky. Punong puno ito ng butuin na halos hindi mo na mabilang. Nagkikislapan ito sa kalangitan na parang mga matang pinapanood ka rito sa lupa. Hindi ko mapigilang ihambing ito sa mga mata ni Terrence. Punong puno ng emosyon at kislap ang mga iyon. Masarap titigan at pagmasdan.

“Kailangan ko ng trabaho. It was a good offer. Hindi na ako mahihirapang maghanap. Malaki ang sahod at hindi pa madalas ang pasok ko. Pupunta lang ako kapag may mga events like photoshoots. Sa tingin ko naman ay mabuting trabaho iyon, Terrence.” Malumanay na pagpapaliwanag ko.

Ayoko nang magalit dahil sa pangengealam niya. Ayoko na ring isipin si Nash na pinagseselosan ko. Maaaring nag-aalala lamang siya dahil modeling ang trabahong aking tinanggap. I don’t know what’s his issue about modeling. Kung ano man ang issue ay isinawalang bahala ko na.

“I can do part times. Dagdag kita pa.” Salita ko. “We need money, Terrence. I need it para kay tatay. Continuous ang pag-inom niya ng mga gamot niya. He’s sick, nakikita mo naman. At traydor ang sakit ni tatay. Hindi ko alam kung kailan aatake iyon at mas minabuti kong paghandaan na iyon.” Habang tumatagal ang pagsasalita ko ay umiinit ang gilid ng mga mata ko.

Naaawa ako para sa tatay ko. At hindi ko makakaya kung pati siya ay mawawala sa akin dahil lang nagpabaya ako.

“I can give you a better job. Mas malaki ang sweldo. With benefits and all. I can aslo offer something, Therese. Pero tinanggihan mo ako at mas pinili mo pang kunin ang kay Nash.” Nanguna siya sa paglalakad at huminto sa harap ko.

Natigil ako pero diretso sa baba niya ang mga mata ko.

Pumungay ang aking paningin. Siguro dahil sa antok na ako o dahil naiiyak ako. Ayokong makita niya iyon kaya nakaiwas sa kanya ang paningin ko.

“Nakakahiya na kasi sa’yo.” Sambit ko.

Suminghap siya at narinig ko ang pagngangalit ng ngipin niya. Kung galit siya ay malinaw ang dahilan.

“Bakit ka nahihiya sa akin? You said we are friends, right? If this is about my feelings for you, then don’t mind it anymore. Just like what I am doing right now. I am being a good friend here, Therese. Hindi dahil sa may gusto ako sa’yo kaya kita pinagtatrabaho sa akin. I just want to help and—”

“Nakahalata na si Ivan.” Napatigil siya ng sinabi niya.

Inangat ko ang mga mata sa kanya at matindi ang kunot sa noo niya.

“What?” Humina ang boses niya. Nagtatanong ang mga mata niya at alam kong hindi niya ako nakuha.

“He knows this thing between us.” Sambit ko. “Alam na niya na may gusto ka sa akin, kung meron nga. Sinabi niya sa akin kanina. He said he saw us. Hindi ko alam kung kailan o anong nakita niya. Kung may narinig ba siya. Pero may alam siya, Terrence.”

Para akong isang babaeng nagtaksil dahil sa pagsasalita ko. Naliliit ang boses ko at hindi ko mapigil ang init sa mga mata ko. Mabagal at bahagya ang pagpikit ko dahil oras na dumiin iyon ay tutulo ang luha ko.

“Hindi ko alam 'to. Kung ano man 'to. Pero ayokong may makaalam na iba. If you can, just please keep it to yourself. Ang sabi ni Ivan, kung tingnan mo raw ako ay parang dinedeklara mo ang pag-aari mo. Please don’t look at me like that anymore. If you really like me, ngayon pa lang ay tigilan mo na. Ayoko ng gulo…” Huminga ako at magsasalita pa sana nang maunahan niya ako.

“You don’t say what I need to do, Therese. Alam ko ang dapat na ginagawa ko. Alam ko kung kailan ito mali at kung kailan ito tama. May asawa ka na, alam ko. Alam na alam ko. Narinig ko sa kanila kanina na bukas ay pupuntahan mo na ang asawa mo. I don’t know why you are separated, but it’s clear that you are married. Bukas ay magkikita kayo. And I feel fucking stupid because I don’t want you to go and see him. Pero anong magagawa ko? Hindi ka naman akin para pagbawalan…” Bumagal ang pagsasalita niya.

Pumikit ako ng mariin dahil sa mga sinabi niya. Isang iling ang aking ginawa upang mapalis sa isipan ang mga linyang binitiwan niya. This is not yet the right time to fall. Kailangan ko pang puntahan si Chris. Kailangan ko pa siyang tanungin. Kailangan kong malinawan sa pagmamahal ko na para sa kanya lang dapat. I am being hiptotized and manipulated by those damn pair of eyes in front of me. At kung ang pagpikit ko ang mag-iiwas sa akin na tingnan iyon at tuluyang mahulog sa kanyang mga bitag ay gagawin ko.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I want to throw the confusion away from me. Naguguluhan na ako sa kung anong gusto at ayaw ko. Basta nasa harap ko si Terrence, lahat ay magulo.

Kaya inisa isa ko ang pag-aayos sa isipan ko. Pinagtagpi tagpi ko kung anong tama at mali rito. Kung ano nga bang pinagkaiba ng mga gusto at ayaw ko. Kung anong dapat at hindi dapat.

Ngunit kumalas ang mga turnilyo ng mga binubuo ko nang haplusin niya ang balikat ko. Dahan dahan akong dumilat para lang masalubong ang mga mata niyang pantay na ng sa akin.

“I want you to be mine but that’s forbidden. Kahit hiramin ka ay hindi pwede. Dahil may nagmamay-ari na sa’yo…” Utas niya. Paos ang boses niya na parang pagod na pagod at nahihirapan siya.

Gusto ko siyang sagutin. Pero hindi ko alam kung anong tamang sagot. Patay na ang nagmamay-ari sa akin. But that doesn’t mean that I am free again and that someone like Terrence can own me.

Humaplos sa aking pisngi ang mga daliri niya. Ingat na ingat ang mga haplos niya at parang takot na takot na hawakan ako dahil, gaya ng sabi niya, pag-aari na ako ng iba.

Lumapit siya ng kaunti at parang hangin lang nang dumampi ang labi niya sa noo ko. Mabagal ang ginawa kong pagpikit at nahuli ko pa sa leeg niya ang ginawang paglunok. Sunod sunod ang pitik hanggang sa naging hampas na ang naramdaman ko sa aking dibdib. Terrence is the only person who could do this to me. Noon ay naramdaman ko ang ganito kay Chris ngunit may malaking pagkakaiba. Dahil kay Terrence, magkakahalong takot, ligaya at pananabik ang aking nararamdan. Kayang kaya niyang iparamdam sa akin ang lahat ng emosyon sa iisang pagkakataon lamang.

Tulala ako nang dumilat. Nanatiling mapungay ang mga mata niya at basang basa ko mula roon ang pananabik niya. Yumuko siya at isang hakbang na lumayo sa akin. Pinasok niya ang dalawang kamay sa kanyang bulsa at saka huminga ng malalim.

“You do whatever you want.” Malamig na tono niya. Humangin at nakisama roon ang pakitungo niya. “Wala na akong pakealam. From now on, I will try to forget this damn feeling. I’m afraid you have to help me.” Aniya at bumilog ang aking mga mata. “Let’s avoid each other.”

Isang pangungusap niya na nagpaguho ng malaking parte sa pagkatao ko. I didn’t realize that he can tore a big part of me with just one sentence. May malaki na ngang kontribusyon si Terrence sa pagkatao ko at siya rin ang sumira niyon.

Sunod sunod lang ang aking paghinga at wala akong naisalita. Nang mapagtanto niyang wala akong balak sumagot ay tumalikod siya sa akin. Ang nakayuko niyang ulo ang tanging pinagmasdan ko hanggang sa lumiko siya at nawala sa paningin ko.

Hindi na ako lumabas ulit nang kwarto. Narito na sa loob ang tatlo kong pinsan. Si Iris ay wala pa rin. Tinitigan ko ang salaming pintuan ng balcony ng bahay. Puti ang kurtina niyon at nasisilip ko ang kadiliman sa labas. I could compare the darkness to what I am feeling right now. Nalumumo ako kahit na nakahiga lang ako at nagdidilim ang isang bahagi ng pagkatao ko. All because Terrence wants me to avoid him.

At ayaw ko man isipin pero alam kong tama ang gawin iyon.

Marahan ang pagbukas ng pintuan nang marinig ko iyon. Nilingon ko ang pumasok at nakita ko si Iris na nakangisi habang naglalakad patungo sa aming kama.

Umupo ako at hinila ko ang kumot pataas sa katawan ko. “Saan ka galing?” Tanong ko sa kanya.

“Sa baba.” Ngisi niya.

Kinunotan ko siya ng noo. Alam niyang gusto ko ng mas malinaw na sagot kaya bumuntong hininga siya at tumabi na sa akin.

“Jaydee likes me.” Aniya at namilog ang mata ko roon. Bigla biglaan ang sinabi niya kaya gulat na gulat ako.

“Jaydee?” tanong ko. Napasinghap ako nang paluin niya ang braso ko.

“'Wag kang maingay, magigising sila.” Aniya sa akin. Nilingon naming dalawa ang tatlo na mahimbing na ang tulog.

“Oh, tapos?” tanong ko.

Kingat niya ng maigi ang labi. Saka ko lang napansin na sobrang pula ng mga iyon. Wala siyang lipstick ngunit namumula ng sobra ang maninipis na labi niya.

“Gusto ko rin siya e.” Aniya at suminghap ulit ako. Lumipad pa sa aking bibig ang palad ko.

“Talaga?” Halos hindi ko mapaniwalaan ang inamin niya.

Dahan dahan siyang tumango ng nakanguso. “Matagal na 'yon eh. Mula pa nung panay ang hatid niya sa akin sa trabaho. Wala ka pa noon doon sa atin kaya hindi mo alam. Akala ko nababaitan lang ako sa kanya. Friends kami eh. Pero, ewan. I started to like him more than I am allowed to.”

Awtomatiko ang ngisi ko sa sinabi niya. Nanliit ang mga mata niya sa akin hanggang sa mas lumawak pa ang ngisi ko.

“Ano? Nakakahiya ba 'yong sinabi ko?” tanong niya at hinampas hampas ako.

“Ouch! 'Wag kang magulo baka magising sila.” Nguso ko sa mga pinsan namin. Siya naman ang nanahimik at bumulong.

“Eh, ano ba 'yang hitsura mo! Para ka namang tanga riyan eh. Puro gulat ang reaksyon mo.” humalukipkip siya. Natatawa ako at natutuwa. Iris is inlove. She’s inlove with Jaydee. Sinasabi ko na’t may nalulutong masarap na damdamin sa pagitan ng dalawa.

“You kissed?” Tanong ko na pinanlakihan niya ng mga mata.

Napahawak siya sa labi niya at nakumpirma ang hinala ko kanina.

“'Yon lang naman! Wala nang ibang nangyari. Pero 'wag ka munang maingay. Akong magsasabi kanila nanay at Ivan.” Lumunok siya.

“Kayo na ba?” Napangisi ulit ako dahil naman sa pamumula ng buong mukha niya.

Tumango siya at tinigilan ko na ang pagtatanong ko sa kanya. Mahirap pag-usapan ang mga ganitong bagay. Alam ko dahil pinagdaanan ko na iyan noon. At nararamdaman ko ulit ngayon. Hinayaan ko siyang maligo at magbihis ng pantulog. Ilang sandali ay katabi ko na siya at mabilis siyang nakatulog. Wala akong nagawa kundi titigan ang kisame.

They are friends. Iris and Jaydee. At ngayon ay sila na. Madaling madali para sa kanila ang maamin sa isa’t isa ang nararamdaman. Pero ako, heto at nagkukulong sa dibdib ang mga nararamdaman ko para kay Terrence. At mukhang hanggang dibdib ko na lang iyon dahil nanggaling na mismo kay Terrence dapat ay iwasan na namin ang isa’t isa.

Mabilis na dumaan ang sumunod na araw. Ginawa ni Terrence ang sinabi niya kagabi. He avoided me. Parang hangin akong dumadaan sa harap niya kapag nagkakasalubong kami. At iyon din mismo ang ginawa ko. Because we think that that’s the right thing to do.

Kinahapunan ay naghanda na ang lahat para sa pag-uwi. Ako at si Ivan lang pala ang makakarating kayla Mama Bea. Tita Nora needs to go home. Si tatay naman ay nahiyang humarap sa nanay ni Chris sa hindi ko malamang dahilan. Pinipilit ko siya pero panay ang pag-ayaw niya. Si Iris ay sasama kay Jaydee sa pag-uwi. Of course, they are together now. Mukhang simula ngayon ay hindi na mapaghihiwalay ang dalawa.

“Sumama na lang kaya ako?” Ani Josef. Napatingin ako sa kanya habang tumutulong kaming dalawa sa pagdala ng ilang gamit patungo sa van.

“Okay lang ba?” Tanong ko.

Ngumuso siya at tiningnan pa ang mga tatay naming dalawa. “Oo, sasama na ako.” Ngumisi siya. “'Di ba nga kakausapin ko si Chris at babawiin na kita sa kanya?”

“Talaga? Siguraduhin mong gagawin mo 'yan ah?” pagbibiro ko.

Tumawa kaming dalawa ngunit natigil ako nang mamataan si Terrence sa likod ni Josef. Siguradong narinig niya ang aming pag-uusap. Pinadaanan lang niya ako ng tingin na parang wala lang ako at lumagpas sa amin. Inabala ko na lang ang aking sarili sa pag-aabot kay Josef ng mga gamit na nilalagay sa likod ng van.

“Terrence is coming with us.” Ani Ivan nang lahat kami ay nasa paradahan na ng mga sasakyan.

Agad kong iniwas ang tingin kay Ivan dahil nanunuya niya akong pinagmamasdan. Nakahalukipkip siya at may kislap ang mga mata.

“Wala tayong sasakyan eh. We need him.” Sabi niya. “Lubus lubusin na natin siya.” Ngisi niya pa.

We need him. Tumatak iyan sa kukote ko. Talaga bang kailangan namin si Terrence? Bakit siya pa? Pwede namang magpahatid na lang muna kami sa van at bumalik na lang ito ng resort para naman makauwi sa Maynila ang iba.

Malalaman ni Terrence na wala na ang asawa ko oras na makarating kami kayla Mama Bea. I don’t care, though. Dahil nakikita kong pinal na ang desisyon niyang iwasan ako. Dahil sa kahabaan ng biyahe ay silang tatlong mga lalaki lang ang maiingay. Kapag sinasama ako ni Ivan sa usapan ay mananahimik si Terrence na parang bawal siyang magsalita dahil sa akin.

“Bumusina ka lang.” Sabi ko nang huminto kami sa malaking gate. Kita ko sa rearview mirror ang pagtataas ng kilay ni Terrence sa nakikita. Siguro ay iniisip na niyang mayaman ang napangasawa ko.

Ilang minuto lang ay bumukas na ang gate. Pinaandar ni Terrence paloob ang sasakyan niya hanggang sa huminto ito sa entrance ng bahay.

“Woah. Yaman talaga ni Chris!” Ani Josef sa aking gilid.

Tumikhim si Terrence sa harap. Lumabas akong mag-isa at sumunod naman ang tatlo sa akin. Sinalubong ako ng nakangising katulong ng mga Franco.

“Ma’am Therese!” Anito sa akin. Yumakap ako sa kanya dahil sa pagka-miss. Close ako sa mga katulong dito dahil noon ay madalas ko silang tulungan sa gawaing bahay kahit na ayaw ni Mama Bea.

“Si Mama?” Tanong ko. Nakangiti kong nilingon sila Ivan. “Ito pala ang pinsan ko at mga kaibigan ko.” Ngisi ko sa katulong.

Tumango ito at iminuwestra ang nakabukas na pinto para makapasok na kami. Nagsasalita siya habang naglalakad kami. “Tatawagin ko na ho si Ma’am Beatriz.” Sabi nito. Dumiretso ito paakyat ng mahabang hagdanan ng bahay.

“Big time talaga si Chris.” Sabi ni Josef. “Paano kita mababawi?” Tumawa pa siya at ganoon din ako.

Inilingan ko siya. Hindi nila binabanggit na patay na ang asawa ko dahil siguro iniisip nilang ayaw ko niyon. Binalingan ko si Terrence na malamig ang mga mata sa mga tinitingnan.

“Therese!”

Mabilis akong tumingin sa itaas at nakita roon si Mama Bea na may maliwanag na mukha. Tumakbo ako sa kanya at niyakap ko siya sa gitna ng pagbaba niya.

“Oh, baka mahulog tayo.” Aniya sa akin nang humahalakhak.

Tumulo ang luha ko at binaon ko ang ulo sa leeg niya. “I’m sorry, Ma. Ngayon lang ako bumalik.” Sabi ko at tumakas ang isang hikbi.

Naramdaman ko ang pagtango niya. Bumitiw siya sa akin at tiningnan ako sa mga mata. “That’s alright, my daughter. Ang mahalaga nandito ka at masasamahan mo na ako sa anak ko at asawa mo.” Aniya.

Lumunok ako at hindi napigilan ang paglipat ng mata ko sa kung nasaan ang mga kasama ko. Bumaba kami ni Mama Bea upang makasama sa kanila.

“I’m sure he’s also excited to see you, Therese. Bukas na bukas ay tutungo tayo sa sementeryo para mabisita natin siya.” Ani Mama.

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko lalo na nang marinig ang mahinang singhap mula sa likod ko. Bumaling ako kay Terrence na tulala ang mga mata sa akin. Yes, Terrence. Wala na siya. Wala na ang taong nagmamay-ari sa akin. Pero hindi ko alam kung pahintulot na ba iyon para magawa mo ang sinasabi mong pag-angkin sa akin. 

Continue Reading

You'll Also Like

Sana By cheslaxx

Teen Fiction

2.6K 240 21
[COMPLETED] This story is simply about two characters who created a presumption to people falling in love. Seirra Veradona and Zanth Monzimvino are k...
13.9K 3K 71
Hazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highs...
174K 2.4K 65
Coleen Andrea Salazar knew that spending the night with that stranger was a mistake. It was a stupid move to get drunk and even more stupid to give i...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...