Unbreak My Heart (Playboy Ser...

By E_L_Mira

135K 4K 583

(Tragic Romance) Vince and Claire are finally together. Pero sa pagkakataong ito ay mas nagiging mahirap para... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Disclaimer

Chapter 13

2.3K 68 7
By E_L_Mira

Napakagaan ng pakiramdam ni Claire nang magising kinaumagahan. Pakiramdam niya ay na-recharged ang buo niyang katawan mula sa nakakapagod na kasalan kahapon. Nang kumilos siya upang tingnan sana ang orasan ay doon lang niya napansin kung bakit masarap ang init na hatid ng pakiramdam niyang iyon. Nanlaki bigla ang kaniyang mata ng makitang kung ano ang ayos nila ng binata.

Ang malapad na dibdib ni Vince ang kinahihiligan niya. Sa kanang braso nito siya naka-unan habang ang kaliwang braso nito ay kampanteng nakayakap sa katawan niya. And when she looked at her hands, saka niya napansin na ang kaliwang kamay niya ay nakadikit sa dibdib nito. And the worst of it all, magkapulot ang kanilang mga hita.

Magpa-panic na sana siya pero tumangging gumalaw ang kanyang katawan. Tila ba nag-aalala siya na magising ang lalaki lalo at mukhang ang himbing ng tulog nito. Kaya hinayaan niya ang sariling katawan na magpaubaya para lang hindi maistorbo ang asawa. So, they stayed that way for a while. Batid niyang dapat na siyang lumayo rito pero talagang ayaw makipag-coordinate ng katawan niya. Idagdag pa na parang sarap na sarap siya sa pakiramdam sa mga bisig nito.

Oh, well, tulog naman ang lalaki kaya sige, pagbibigyan na lang niya ang sariling kapritso. Tiningala niya ang mukha ni Vince at napatulala na lang siya nang mapagmasdan ito. She stared at the face of the man she would be sharing her married life with for the next one year. Guwapo talaga ito kahit saang anggulo tignan. There was already a trace of the early growth of beard on his chin and jaw. But instead of ruining that handsome face of his, nakadagdag pa iyon sa appeal nito.

Malalim ang paghinga nito, tanda na napakahimbing ng tulog nito at malamang ay kagaya niyang napagod rin ng husto sa naganap nilang kasal. Guwapo pa rin ang mukha nito, pero mahahalata na ang pagod at puyat doon. Ano ba ang ginawa nito ng lalaking ito nitong mga nakaraang araw bago ang kanilang kasal? Hindi kasi niya ito nakita o nakausap man lang. Kunsabagay, siya man kasi ay naging abala sa kung ano-anong bagay tulad na nga lang ng nagdaan nilang fan meeting at book signing. Nagkataon din na umuwi sina Lucho at Dreico kaya naman nag-spend siya ng time na makasama ang kambal lalo pa't halos dalawang linggo rin ang lumipas na hindi niya nakasama ang dalawa.

"Manang-mana talaga sila sayo..." Unti-unti inilapat ni Claire ang kanyang palad sa mukha ni Vince habang naaalala ang kambal nilang anak. Kuhang-kuha ng mga ito ang kagwapuhan ng ama. Tutal ay mahimbing naman ang tulog ni Vince kaya may pagkakataon siya na pagmasdan ito ng malapitan ng hindi nito nalalaman. And she'll admit it felt good. Marahan pa niyang hinaplos ang matangos nitong labi. At nang madampian ng kaniyang daliri ang labi nito ay tila siya ibinalik sa alaala ng kahapon ng halikan siya ni Vince sa harap ng altar.

At nang magmulat ito ng mga mata ay siya agad ang una nitong nakita. Ilang segundo rin silang nanatiling nagtititigan. His green eyes against her brown eyes. And she'll be a damn liar kapag di niya inamin sa sarili na halos gusto niyang halikan ang binata ng mga oras na iyon.

Pero hindi nangyari iyon dahil tila mahimasmasan sila pareho. Mabilis silang naghiwalay at bumangon. Isang nakaka-ilang na katahimikan ang bumalot sa kanila pagkatapos. Gusto na niyang sigawan ang sarili. Nakakahiya ka, Claire! Ang rupok mo! Baka isipin niyang gustung-gusto mo ang nangyaring iyon! Pero ang isang bahagi ng kaniyang isapan ay iba naman ang sinasabi. Teka, wala namang nangyari, ah. Kaya ano ang dapat kong ikahiya? Tulog naman siya, wala siyang alam sa nangyari!

"Bakit nasa kama kita?" mayamaya'y tanong nito habang tinutupi ang kumot. "May ginawa ka bang masama sa katawan ko kagabi habang natutulog ako?" bintang nito habang nakatingin sa kaniyang direksyon.

"Nananaginip ka pa yata, Vince," asar niyang sagot saka ito hinataw ng inaayos na una. "Baka ikaw ang nagbuhat sa akin dito sa kama."

"Bakit ko naman gagawin iyon?" patay-malisya nitong tanong.

Kibit-balikat niyang tugon. "Ewan, malay ko sa iyo. Baka crush mo ako?"

"I don't think so." mabilis nitong tanggi. "Wag kang mangarap ng gising, Misis."

Sa totoo lang hindi rin kasi alam ni Claire papaano sila nagkatabi nito. Sigurado kasi siyang sa sahig siya natulog. "Baka kinain ka siguro ng kunsensya mo na pinatulog mo ko sa sahig."

Saglit itong natahimik. "I really don't remember waking up last night." Nang lumakad ito patungo sa balcony at buksan ang sliding door ay sinalubong sila ng preskong hangin at nang amoy ng dagat. "Baka talagang may masama kang balak sa akin."

"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw niya mula sa loob ng silid

"Kunsabagay, maawain naman talaga ako. Sige, puwede ka nang matulog dito sa kama ko." Nakangiting sambit nito sabay kindat sa kaniya.

Aba, good mood ata ang mokong. Pero hindi pa rin siya nagpadala sa tusong ngiti nito. Alam niyang may hindi magandang kalalabasan kapag natulog siya sa tabi nito. And the next time it happens, baka matukso na talaga siya na halikan ito habang tulog. Hindi na, 'no? Baka kung ano pa ang magawa kong kabulastugan sa susunod. Mabuti na ang sigurado.

"Bakit hindi mo na lang ako bigyan ng sarili kong kuwarto?" tanong niya ng sundan ito sa balkonahe. "Tutal naman pareho nating ayaw ng may katabi."

"Sa storage room na lang ang isa pang available room dito. Okay lang sa akin kung gusto mo dun matulog. Pwede din naman sa kusina."

"Kagabi, sa sahig. Ngayon naman, bodega. Hindi ba uso sa iyo ang mga guest rooms? Ang laki-laki nitong rest house niyo tapos iisa lang ang kuwarto?" nagtataka niyang tanong.

"Well, this isn't exactly a family house. Look around you, nasa pribadong isla tayo. Walang kapit-bahay. Walang ibang tao na makakapunta dito. Does that make sense now?" itinuro pa nito ang daungan ng bangka na matatanaw mula sa balcony na kanilang kinaroronan. "You see, this is a very private place. Walang ibang access papunta dito kundi ang magbangka ng isang oras o ang mag-chopper. Ginagamit lang ito ng kahit sino sa pamilya naman tuwing gusto naming magbakasyon o mag-unwind. We like to keep our privacy at the highest point possible. Ikaw lang ang unang babaeng dinala ko rito. Napilitan pa ako. Kaya huwag ka nang mag-demand ng kung ano-ano."

"Iba talaga ang buhay mayaman."

"This is who we are. This is what I am," seryosong sagot ni Vince. "Not because I married you doesn't mean I'll change my lifestyle just to please you. Wag mo sana kalimutan na isang taon lang ang itatagal ng kasal-kasalan natin na ito kaya hindi ko kailangang mag-adjust para sa iyo."

"Ano ba ang pumasok sa kukote ko at pumayag akong magpakasal sa isang tulad mo?" buong sarkasmo niyang wika.

"Because of Lucho and Dreico."

"Oo nga pala, dahil nga pala sa mga anak ko."

"Anak natin."

"Anak ko." Diin ni Claire.

"Ginawa natin yun dalawa, wag kang swapang." Sarkastikong tugon nito ng ngitian siya. "And let me remind you, kasal na tayo. Dala mo na ang apelyido ko... Mrs. Claire Hendelson."

"Salamat sa pagpapaalala at---what are you doing?" Hindi niya natapos ang naunang sasabihin dahil hinahawi na kasi ni Vince ang mahaba niyang buhok na hinahangin at nakatabon sa kanyang mukha.

"Do you always look like this in the morning?" he said habang nakatingin sa kaniya. He has this expression na hindi niya mabasa o maintindihan.

"Yes." Tinapik niya ang kamay nito at saka pilit na inaayos ang sariling buhok na patuloy pa ring ginugulo ng malakas na buga ng hangin. "Not because I married you doesn't mean I'll change my lifestyle just to please you. Wag mo sana kalimutan na isang taon lang ang—"

"Cute." Kinurot nito ang pisngi ni Claire. "But that's already my line, Misis." Muli pa'y nginitian siya nito at kinindatan. "Come one let's have breakfast."

Hindi na nakahirit pa si Claire dahil biglang umalis si Vince at nagtungo sa banyo. Sinalat niya ang pisngi na kinurot nito. Hindi iyon masakit. In fact, para ngang lumapat lang doon ang mga daliri ng lalaking iyon upang madampian ang kanyang pisngi.

"Ganito ba siya bumati ng good morning?" Ang weird ng lalakeng iyon. Minsan topakin, minsan masungit, minsan naman sweet. Mas matindi pa magmoodswing sa akin. But it was kinda cute for a gesture. Lalo na at galing iyon sa lalaking itinuring niyang kaaway noong una pa man. "Ay nako, nagdidilusyun ka na naman girl! Ang taas ng sinag ng araw oh!"

Nabalik lang sa sariling wisyo si Claire ng marinig ang tunog ng kaniyang cellphone. Agad siyang bumalik sa loob ng kanilang kwarto at dinampot ang nagri-ring na cellphone. Pagtingin niya sa screen ay nakita niyang rumehistro ang pangalan ng kaniyang bestfriend na si Ella.

"Baklaaaaaa! Ano na?" malakas ang boses nito na animo'y mas excited pa kesa sa kaniya.

"Anong ano na?" nagtatakang tanong niya.

"Tinawagan kita para kumustahin ang honeymoon mo syempre! Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Nakatulog ka ba ng mahimbing o hindi ka niya pinatulog?" makalokohang tanong ni Ella. Kahit kailan talaga ay napakaintrigera ng babaeng ito. Ayaw na ayaw magpahuli sa mga chika.

"Ang aga-aga mo naman manguha ng chismis." Ngayon narinig niya ang tinig ng kaibigan ay parang mas lalo naging malinaw sa kaniya na kasal na nga talaga siya. "Okay lang ako."

"E, si Sir Vince, kamusta? Magaling ba?"

"Walang nangyari!" pagtatama ni Claire sa iniisip ng greenminded niyang bestfriend.

"Hoy, grabe ha, Napanood ko ang kasal ninyo sa balita ngayong umaga. Tapos pagpasok ko sa office, pinag-uusapan ng lahat ng tao dito kaya naisipan kong tawagan ka. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kasal ka na bessy!" kinikilig at puno ng saya ang boses ni Ella. Bakas dito ang labis na saya para sa kaniya. Kunsabagay, isa ito sa mga taong nakasaksi ng lahat ng hirap at pighati ng kaniyang buhay pag-ibig, kaya alam niyang labis ang saya nito ngayon na natupad na ang matagal nitong inaasam para sa kaniya.

"Salamat, bessy..." nakangiting sagot ni Claire.

"You're in good hands now, Claire. May mag-aalaga na sayo at sa mga anak mo nang maayos. Ito na yung matagal ko ng pangarap para sayo. Nahanap mo na yung taong makakasama mo habang-buhay." She said sincerely and full of hope. Mula noon hanggang ngayon ay hindi nagsasawa ito at sumusuko na intindihin ang kaniyang buhay pag-ibig.

Bigla siyang natahimik. Aminin man niya o hindi, nakaramamdam siya bigla ng lungkot ng marinig ang huling sinabi ni Ella. Makakasama habang buhay... sana nga... sana nga ganun na lang... kaso hindi... Malabong mangyari.

"Uhm, Ella, tinatawag na ako ni Vince" pagsisinungaling niya sa kaibigan. "Sabay na raw kaming magbi-breakfast kaya ibababa ko na ang telepono."

"O siya, sige, balitaan mo na lang ako later." Tila nagpanggap na kunwari'y may lungkot sa boses na iyon ng kanyang kaibigan dahil wala itong nakuhang ninanais na chismis. "Siyanga pala, bessy. Baka matatagalan pa bago uli tayo magkita. Uuwi kasi ako sa atin, doon sa Palawan, dahil may kailangan akong asikasuhin doon. Tatawagan na lang kita pagbalik ko ha. Mag-bonding tayo."

"Sure, Ella." At saka niya naalala ang nakalimutan niyang gawin bago ikasal. "Ah, Ella, pwede ba pakidalaw mo naman ang puntod ni Papa. Kung pwede sana pakidalhan ng bulaklak at ihingi mo na din ako ng tawad kung hindi ako nakadalaw man lang bago ako ikinasal. Pakisabi na rin kay Papa na kahit wala na siya, inisip ko pa rin na kasama ko siyang naglalakad at inihahatid niya ako sa altar." Hindi na napigilan ni Claire ang mapaluha ng maalala ang yumaong Ama.

Bago pa man ibaba ni Claire ang tawag ay narinig na naman niyang nagsalita ang kaibigang si Ella.

"Sigurado ako na masaya si Papa mo para sayo, Claire. Wag ka mag-alala, maiintindihan niya ang rason bakit hindi ka nakadalaw kaya wag ka na malungkot ha." Pag-aalo ni Ella para pagaanin ang kaniyang kalooban. "Mas malulungkot yun ngayon kung makikita niya na umiiyak ka ngayon."

"Salamat, Ella. I love you, bessy."

"I love you too, bessy!" matamis na tugon nito. "O sya, sige, kakain na muna ako ng agahan bago pa dumating si Sir Stefan. Ingat ka!" Paalam nito at saka ibinaba ang tawag."

Tinitigan niya ang cellphone matapos ang pag-uusap nilang magkaibigan. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagka-guilty dahil itinago niya sa matalik na kaibigan ang tungkol sa set-up nila ni Vince tungkol sa panandaliang kasal-kasalan na ito.

"Sino ang tumawag?" tanong ni Vince paglabas ng banyo.

"Si Ella." sagot niya habang pasimpleng pinupunasan ang luha sa kaniyang mga mata. Nakita niyang nakatitig sa kaniya si Vince pero hindi naman na ito nag-usisa pa kung bakit.

"Ah, oo. Tumawag na rin siya kagabi. Ako na lang ang sumagot dahil tulog na tulog ka at nakabulagta sa sahig." kibit-balikat nitong sagot habang naghahanap ng damit sa drawer.

"So, ikaw nga ang bumuhat sa akin kagabi papunta sa kama?" nakangising baling ni Claire sa binata ng mahuli mula sa bibig nito ang pagsisinunangaling. "Sabi mo kanina hindi ka na gumising diba, tapos ngayon sabi mo ikaw ang sumagot ng tawag ni Ella kagabi. Aminin mo na kung talagang nakonsensya ka kaya inilipat mo ako sa kama."

"Hindi." Pilit pa ring tanggi ni Vince. "Baka naglakad ka ng tulog?"

"Sinungaling." Isang tingin lang niya sa kabuuan ni Vince, umarangkada na naman ang malalaswang imahe sa utak niya. "Puwede ba, Mister, kapag ganitong magkasama tayo sa iisang kuwarto, huwag kang lalabas ng banyo nang nakatapis lang? Dinidemonyo mo ang utak ko." Inabot pa niya ang unan at binato rito.

Muling sumilay sa mga labi nito ang ngisi na unti-unti niyang nakakasanayang kainisan. "Okay lang, Misis naman kita diba. Tsaka walang nakalagay sa kontrata natin na bawal ako maglakad ng nakatapis sa harap mo. Like I said, I'm not gonna adjust my lifestyle. Kung gusto mo ring demonyohin ang utak ko, wala kang magiging problema sa akin. Okay lang."

"Manyak!" Binato niya muli ito ng isa pang unan saka siya nagmartsa palabas ng kuwarto at binagsakan ito ng pinto.

Continue Reading

You'll Also Like

507K 10K 30
(C O M P L E T E D) Pano kung ang mga bagay na nakasanayan mo ay biglang magbago sa isang iglap? Makakaya mo kayang tanggapin ito? Pero pano kung ang...
825K 17.8K 40
"PAKAKASALAN MO RIN AKO VINCE RESTITUTO DUTERTE III" Nangako si Garrie sa sarili nya na mag-aasawa talaga sya bago pa sya mag bente-singko anyos,nasa...
757K 16.6K 23
"Kailangan ba talaga na kilalang-kilala natin ang isa't isa para magpakasal? The only thing we need is what we feel for each other." Wala nang mahihi...