Unbreak My Heart (Playboy Ser...

Oleh E_L_Mira

135K 4K 583

(Tragic Romance) Vince and Claire are finally together. Pero sa pagkakataong ito ay mas nagiging mahirap para... Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Disclaimer

Chapter 12

2.1K 60 4
Oleh E_L_Mira

Nakaharap si Claire sa malaking salamin sa loob ng banyo ng tinutuluyan nilang Rest House sa Ligpo Island, Bauan, Batangas. Isa ito sa mga private island na pagmamay-ari ng Pamilya Hendelson. Matapos ang kanilang kasal ay inihatid na sila roon ng nakahandang chopper. Noong una ay tutol na tutol siya sa idea ng honeymoon staycation na ito, ngunit ng ang mga magulang na mismo ng binata na sina Don Conrad at Madam Cassarina ang kumausap sa kaniya, hindi na siya nakatanggi pa dala ng hiya at utang na loob sa lubos na kabaitan ng dalawa buhat noong magtrabaho sila ni Ella sa pamilya ng mga ito.

Katatapos lang niyang magbabad sa inihandang Flower Bath at ang mahaba niyang buhok ay basa pa kaya nakabalumbon pa iyon sa isang tuwalya. She opted for an over-sized white T-shirt and a blue cotton pajama na may drawing pang Lilo & Stitch. And quite frankly, hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga siya makapaniwalang may asawa na siya.

"Claire Gonzales," sambit niya sa repleksyon sa salamin. "Mrs. Claire Gonzales-Hendelson..." isang buntong-hininga na naman ang kaniyang pinakawalan. Hindi na nga niya mabilang kung pang ilan iyon o kung humihinga pa ba siya ng tama. "Bakit ganun, ano ba tong nararamdaman ko..."

Napalitan na ang pangalan niyang buong buhay niyang dinala. Ganon lang pala kadali iyon, ano? Ikakasal ka lang sa isang lalake at lahat ng pagkakakilanlan mo bilang isang dalaga ay biglang mapapalitan. Kung tutuusin ay napakadaling palitan ang pangalan pero ang panindigan ang pagiging isang kasal ang pinakamahirap gawin. Sinipat niya ang gold wedding ring sa kanyang palasingsingan. This isn't any ordinary wedding ring, base pa lang sa mga diamonds na nakaikot roon ay halatang milyon ang halaga ng mga iyon. Ayon pa sa Mommy ni Vince ay matagal na raw naihanda iyon dahil umaasa silang anomang oras ay ikakasal sila ng anak nito.

At nagkatotoo na nga ang sinasabi nito. Yes, she's married to Vincent Grecko Hendelson. At ang sira ulong lalake, naroon at naghihintay na sa kanya sa labas ng banyong iyon. Binigyan niya ng masamang tingin ang nakasarang pinto. This is their first night together. Their Honeymoon night. Pero hinding-hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang lalaking iyon na makalapit sa kanya. No! Over my dead body! Magkakamatayan kaming dalawa bago ko isuko sa kaniya ang sarili ko! Hindi na ako magkakamali ulit! Gigil na sigaw ng kaniyang isapan.

Tinanggal niya ang tuwalya sa kanyang ulo at hinayaan ang mahaba niyang buhok na lumugay sa kanyang mukha. Ni hindi siya nag-aksaya ng panahong magsuklay man lang. "Kinasal lang kayo Claire pero hindi nun babaguhin ang kung ano mang namamagitan sa inyong dalawa. Kaya umayos ka, wag kang marupok at magpapatukso sa lalakeng yun!" pangaral niya sa sarili bago siya umalis sa harap ng salamin.

Bitbit ang kopya ng kanilang napagkasunduan na kontrata para sa kanilang pagsasama, lumabas na siya ng banyo. Dumiretso ang tingin niya sa nag-iisang pigura na kasama niya sa silid na iyon. Nakapagpalit na rin si Vince. Isang white sando at grey pajama naman ang suot nito. Abala ito sa pagpu-push up sa mlauwag na espasyo ng sahig. At kahit dahil sa suot nito ay mas lalong nagmukhang masarap ito sa paningin niya. Firm muscles were rippling from broad shoulders to tapered waist, tight buns, and long sturdy legs. Siguro kapag sinakyan niya ito sa likod, kayang kaya pa rin nitong mag-push ups.

Tinampal niya ang sariling mukha. "Ano ba iyang pinagsasasabi mo, Claire? Magtino ka nga. Ang bastos mo. Diba kakasabi mo lang hindi ka magiging marupok? O, ano na?" bulong na saway niya sa sarili. Kailangan niyang lakasan ang loob.

Nalipat sa kama ang atensyon niya nang bahagyang bumaling sa kanya si Vince. Marahil ay narinig siya nito. Biting her lower lip to divert herself from the fast thumping of her heart, she sat on the edge of the bed. Pero agad din siyang napatayo nang mapansin na nakatapos na ang binata sa pagpupush-up nito at abutin ang tuwalya na nakapatong malapit sa kaniya.

"Inaantok na ako, Vince." Pagpapalusot ni Claire. Iyon lang kasi ang naisip niyang sabihin para alisin sa isipan niya ang masarap na imahe ng lalakeng ito.

"Same." Sambit nito habang nagpupunas ng sarili.

"E, bakit nag-exercise ka pa?" nagtataka niyang tanong. Sa pagkakaalam kasi niya ay ang workout dapat ginagawa pagkagising, hindi bago matulog.

"W-wala lang." bigla itong napatigil sa pagpupunas at napatingin sa kaniya. "Basta. Just a routine."

Saglit pang napaisip si Claire kung bakit parang bigla ay defensive ito. Pero dahil hindi niya mahanapan ng sagot ang sariling tanong ay hinayaan na lang niya ang binata. Kung sabagay, ano nga ba naman ang alam niya sa routine ng isang lalake. Kaya naman ibinalik na lang niya ang atensyon sa pagtulog dahil iyon ang isa sa malaking issue na kailangan niyang linawin rito. 

"Hindi tayo puwedeng magtabi sa pagtulog," pangungunang deklara niya. "Ayoko nang may katabi sa kama. Hindi ako nakakatulog ng maayos." Iniabot pa niya rito ang hawak na kontrata para ipakita rito na isa rin iyon sa mga kundisyones na ibinigay niya. "Nakalagay rin dito na hindi tayo kailanman magtatabi matulog. Basahin mo para malinaw sayo."

"I know every detail in that contract. Ako ang mismong gumawa at nag-print niya." Kinuha ni Vince ang listahan niya at basta na lang iyon inihagis sa nightstand. "And for your information, I am also not in favor of this honeymoon. Kaya wag kang mag-asam na parang excited ako." Pagkatapos ay hinila nito pababa ng kama ang isang comforter at dalawang unan at ibinagsak iyon sa sahig. "Ayoko rin nang may katabi matulog. Hindi ako sanay."

"Nagkaka-intindihan naman pala tayo, eh." Ngunit nagulat lang siya nang bigla itong mahiga ito sa kama. "What are you doing?" nakapamewang na sabi niya. "Hoy, umalis ka nga!" saway niya rito.

"What do you think?" patay-malisay nitong sagot sabay kuha ng unan at itinakip iyon sa mukha. "Gabi na. I'm tired at inaantok na ako kaya matutulog na ako."

Agad niyang hinila ang unan na iyon at inihataw rito. "Bakit dyan ka matutulog?" taas-kilay na pagtataray niyang tanong rito.

"You mean why I wasn't on the floor?" tila nagtataka pa si Vince sa tanong niya habang pinagmamasdan siya.

"Oo."

"Because I don't sleep on the floor." Nakakunot-noong sagot nito. And then a devilish smirk curved on his lips. "Inayos ko na nga yang higaan mo diba. Ikaw ang matutulog diyan."

"What?!" Lumapit siya rito at hinataw ulit ito ng unan nang akma itong pipikit na at matutulog. "Hoy, ang kapal talaga ng mukha mong lalake ka! kung ikaw ay hindi nakakatulog sa sahig, mas lalo na ako. Ikaw naman ang lalaki kaya ikaw ang matulog sa sahig o kaya doon sa sofa!"

"This is my family's rest house. Bakit ako magtitiyaga sa sahig?" pangangatwiran pa ni Vince habang isinasalag ang kamay sa bawat hataw na ginagawa niya.

"Ah, ganun?! Hinahamon mo talaga ako sa patigasan ng ulo ha!" Walang pakialam na nahiga na siya sa kama kahit pa nga naroroon din ang binata. Dahil nakabaling sa direksyon niya si Vince, magkaharap na sila sa kama nang mahiga siya. For a while there, ganon lang sila. Magkaharap, nagtititigan. Patagalan. Matira ang matibay. "Hindi ako aalis dito, Vince."

"Neither do I." pagmamatigas nito.

"Okay, let's see." Patuloy ring pagmamatigas ni Claire. Ngunit sa ilang segundo lang na lumipas ay mukhang pinagtatraydoran na siya ng kaniyang puso, matibay nga siya pero hindi na niya matagalan ang sitwasyon nila. Idagdag pa ang panggulong tibok ng kanyang puso at ang kung ano-anong isinisigaw ng kaniyang isip. Pero bago pa siya makakilos ay naunahan na siya ni Vince.

Mahinang pinitik nito ang kaniyang ilong, "Kung ako sa iyo, sa sahig ka na lang matulog, Misis. Alam mo naman na malikot akong matulog diba. Baka kung ano ang magawa ko sa iyo habang nasa kasarapan ako ng tulog. I mean, nasa honeymoon pa naman tayo baka kasi---"

Hindi na niya hinintay pang matapos nito ang sasabihin. Alam niyang tinatakot lang siya nito at hindi siya magpapasindak. "I know what you're doing, Mister. Gusto mo lang akong takutin para umalis ako dito sa kama." Matapang na sagot niya at sabay na tinalikuran na rin ito. "Sorry ka pero hinding-hindi mo ako mapapatulog sa sahig. Malikot din ako matulog kaya tignan natin sino ang unang susuko."

"Bahala ka. Basta wag mo sasabihin na hindi kita binalaan."

Naramdaman ni Claire na gumalaw ang kama. Ilang sandali pa, nagulat at kinabahan siya nang maramdaman ang pagdikit ng hita ni Vince sa hita niya. Bigla tuloy siyang napabalikwas ng bangon. 

Nilingon siya nito at mababasa sa ekspresyon ng mukha nito na talagang balak siyang asarin nito. "Oppss... Naistorbo ba kita, asawa ko? Nakatulog na kasi ako. Akala ko unan yung napatungan ko ng hita ko."

Ang kumag na to! Talagang sinusubukan ni Vince ang pasensiya niya. Hindi man lang din ito nag-sorry, tanda na sinadya nito ang nangyari.

Bumalik si Claire sa kama at nakipag-agawan para sa mas malaking parte ng kama. Kung kanina ay kama lang ang pinag-aawayan nilla, ngayon ay pati ang unan at kumot ay pinag-aagawan nila sa kakahila. Umurong siya nang umurong at ang balak sana niya ay ihulog si Vince sa kama. Ngunit gumanti ang walanghiyang lalake. Para itong bata na ayaw talagang magpatalo. At syempre pa dahil mas malaki at mas malaks ito sa kanya, nagawa nitong maitulak siya hanggang sa gilid ng kama. Mahuhulog na siya!

She tried her luck one more time ng itulak niya ng buong lakas si Vince para ito ang unang mahulog sa kama. But maybe luck isn't on her side tonight dahil gumanti na naman ito. Buong lakas nitong itinulak ang unan na nasa gitna nilang dalawa hanggang sa tuluyan siyang mahulog sa kama.

"Aray!" Sigaw niya ng tumama ang sahig. Mabuti na lang at carpeted iyon at wooden floor ang sahig kaya hindi masakit iyon sa katawan.

Nang subukan niyang bumalik at humiga sa kama ay nakita niyang sakop na ni Vince iyon. Nakadapa ito at nakabuka ang mga kamay at paa para masigurado na wala siyang space na babalikan. At mukhang nag-e-enjoy pa ang kumag sa mga nangyayari.

"Lalaban ka pa?" nakangisi nitong tanong.

"Bwisit!" gigil na hinataw niya ito ng unan sa mukha ngunit hindi iyon ininda ni Vince. "Lamunin ka sana ng kama na yan!" irap niya rito at saka naupo sa sahig kung saan nandoon ang inihanda nitong higaan niya.

"Goodnight, Mrs. Hendelson. Sweet dreams." Then he closed his eyes back to his bed.

"Sweed dreams mo mukha mo!" 

Nanatili naman si Claire sa sahig habang nag-iisip. Hindi pa rin siya makakapayag na matulog sa sahig. Pero wala naman siyang laban sa lalaking ito kung dadaanin niya sa palakasan ang pakikipagtunggali para lang mapaalis ito at siya ang makatulog sa kama. Kailangan dito, isang fair-and-square na agreement at pakikipag-ayos. Kaya nag-isip siya ng mga puwede niyang i-offer para makuha ang gusto niya sa gabing iyon. Ngunit inabot na siya ng ilang minuto sa pag-iisip hanggang sa dalawin na siya ng antok at doon na nga siya tuluyang nakatulog sa sahig.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

981K 33.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
332K 6K 52
Estranged hearts, broken souls and shattered well-being. Where did the promise of forever go? Sapphira made her way back to New York, where all it s...
142K 4.2K 28
CLASSIFIED TOP SECRET: KYLA Lt. Nicholas Scott Forster (21) is a young and aggressive police officer who gets in trouble everytime he makes an arres...
300K 5.8K 66
(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga...