Unbreak My Heart (Playboy Ser...

By E_L_Mira

135K 4K 583

(Tragic Romance) Vince and Claire are finally together. Pero sa pagkakataong ito ay mas nagiging mahirap para... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Disclaimer

Chapter 7

2.5K 75 5
By E_L_Mira

Araw ng Sabado at pasado alas nuwebe na ng umaga ng matapos si Claire sa kaniyang pag-eexercise sa kanilang garden. Naging routine na kasi niya ang gumising ng maaga at mag-workout para ma-maintain ang kaniyang figure. Lalo pa nga at nakikita niyang kung gaano rin inaalagaan ni Amanda ang katawan nito kahit pa nga may anak na, kaya mas lalo siyang na-motivate na gayahin ang dalaga. Nagsimula na rin siyang mas maging conscious pa sa kaniyang physical appearance ng sabihin sa kaniya ng kaniyang bestfriend na si Ella na nitong mga nagdaang araw ay nagmumukha na daw siyang typical housewife, iyon bang mga Misis o Nanay na nakakalimutan ng mag-ayos ng sarili dahil busy sa pag-aalaga ng mga anak.

Kanina pa palinga-linga si Claire sa sliding door at tinatanaw ang gate ng kanilang bahay. Supposed to be, dalawang araw lang ay dapat darating na sa kanya ang mga in-order niyang beauty products sa isang Beauty Shopping Channel na lagi niyang pinapanuod. Pero lumipas na ang limang araw ay wala pa rin siyang natatanggap.

"Ang tagal naman ata, sobra-sobrang delay naman!" naiinis na reklamo niya sa sarili. At dahil naiinip na rin siya kakahintay ay tinawagan na niyang muli ang hotline ng naturang shopping channel.

"Ms. Gonzales, according po dito sa data namin, nai-deliver na po 'yung orders ninyo noong Wednesday pa po." Paliwanag ng customer service representative na kausap niya.

"Huh? Sigurado ka ba? Bakit wala pa rin akong natatanggap? Can you double check, please." paninigurado niya. Nalilito kasi siya sa sinabi ng kausap dahil nang tanungin niya ang kanilang house guard ay wala naman daw itong nare-received na package.

"Okay po, please give me a second po Ma'am." Paalam ng kausap at iniligay siya sa call-on-hold. Ilang sandal lang ay muli itong nagsalita at ibinigay sa kaniyag impormasyong hinihingi. "Upon double checking with our logistics team, Ma'am. May pirma po ang resibo namin, indicating na nareceived po ang item."

"Sino ang nag-received?"

"Mr. Vincent Grecko Hendelson po."

"Ah, okay. That's my..." saglit na napaisip si Claire kung ano nga bang tamang term ang gagamitin para tawagin si Vince. Hindi naman niya matawag iyong asawa dahil di naman sila kasal. "My... friend..." iyon ang naisip na lang niyang term. "Pero wala naman siyang nababanggit sa akin tungkol sa pagdating ng mga orders. Anyway, thanks." Pagkababa ng telepono ay saglit siyang napaisip kung bakit wala man lang binabanggit si Vince sa kaniya tungkol sa pagkakakuha nito ng kaniyang mga orders.

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Claire. Pinuntahan niya agad ang silid ng binata. Hindi na rin siya nag-abala pang kumatok dahil mas nauna ang inis niya sa pagtatago ng bwisit na lalake sa kaniyang personal na gamit. Mabuti na lang at nasa bakasyon sa U.S. sina Lucho at Dreico kasama ang pamilya nila ni Vince kaya't wala siyang iisipin at puwedeng-puwede niya hamunin ng away ang pakialemerong lalake.

"Wow, this is a miracle. First time mo ata maligaw ng pasok ng kwarto?" mapang-asar na tugon nito ng mag-angat ng tingin mula sa laptop. Naroroon ito at nakaupo sa balcony table kaharap ang laptop, malamang ay nag-ooffice work na naman ito kahit pa nga araw ng sabado. "Don't tell me na miss mo na ako?"

"Wala akong panahong makipagbiruan sa iyo, Vince. Nasaan na ang mga products na idiniliver sa akin nung nakaraang araw?"

"Anong products?" saglit itong napapikit at tila nag-iisip kung ano ang kaniyang tinutukoy. "Oh, you mean those beauty sh!t products? Wala na. Itinapon ko na dun sa basurahan nung pagkakuha ko." Walang pag-aalinlangan pag-amin nito kalakip ng isang mapang-asar na ngiti sa labi.

"What?!" Muntik na niya itong lundagin sa mesa nito para sakalin. "Bwisit ka! Bakit mo itinapon? Akin iyon! Wala kang karapatang pakialaman ang mga bagay na walang kinalaman sa iyo!"

Isinara nito ang laptop at seryosong bumaling sa kanya. "I don't take it's safe, Claire. Hindi ka dapat nagti-take ng mga gamot na hindi mo nga maintindihan ang mga nakasulat sa mga labels."

"That is still none of your business! Hindi ikaw ang gumagastos kaya wala ka pa ring karapatang makialam kung ano man ang gawin ko!"

"Buhay at kalusugan mo na ang nakataya. Matalino ka, Claire. Huwag mong isakripisyo ang kalusugan mo dahil lang gusto mong gumanda. You are beautiful as you are." Tahasang pag-amin nito ng tignan pa siya mula ulo hanggang paa. "I still think you are hot and sexy. Mas gumanda ka pa nga lalo ngayon kaysa noon."

Kumuyom ang mga kamao ni Claire. "Wala ka pa ring karapatan na pakialaman ang gamit ko! Maayos tayong nag-usap na lilipat ako sa bahay na to at sasamahan ka, kahit ayaw ko, dahil lang sa mga bata. Pero malinaw sa pinag-usapan natin na wala tayong pakialaman sa gaagwin at buhay ng isa't isa!" nanggigigil na litanya ni Claire sa binata.

Natigilan ito. Pagkatapos ay dahan-dahan itong napabuntunghininga, tanda ng pagsuko.

"Okay, my bad. Babayaran ko ang mga nagastos mo sa pagbili ng mga gamot na iyon. But you have to promise me one thing, hindi ka na uli bibili ng mga ganoong klase ng products kugn saan-saan."

"Wala ka sa posisyon para pagsabihan ako ng ganyan. Katawan ko to, buhay ko to, gagawin ko kung anong gusto ko!" Nakapamewang na sagot niya sabay irap ditto.

"Nasa posisyon ako. I'm your..." saglit na natigilan si Vince sa sasabihin nito dahil kagaya niya ay mukhang hindi rin alam nito kung ano nga bang label ang namamagitan sa kanila, "Basta, you have to promise me na hindi ka na bibili ng kung ano-ano lalo na mga gamot kung wala naming doctor na nagsasabi sayo. At hindi naman para sa akin ang ginagawa kong ito kundi para na rin sa iyo, Claire. Ayokong may mangyaring hindi maganda sa iyo. Tandaan mong bata pa sina Lucho at Dreico."

There was a hint of frustrations in his voice that she almost regret having him worried about her so much. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit unti-unting naglaho ang galit niya rito. Even if they fight and argue a lot, kahit papaano, deep inside, ay na-appreciate niya ang concern nito sa kalusugan niya.

Sige, mali ko na! Fine! sagot niya sa sariling isipan. "I'll think about it."

"Claire—"

"Huwag mo akong pangunahan, Vince. When I said I'll think about, I'll think about it."

Matagal bago ito sumagot. "Alright. Pero sana i-consider mo pa rin ang mga sinabi ko."

Napaismid na lang siya. "Masyado ka talagang pakialamero."

Now he was smiling again. Nakakapanibago ang ipinakita nito kanina. sineseryoso nito. Lumapit ito sa kanya. Lumayo naman siya. He sat at the edge of his table and looked at her with the same unexplainable expression on his handsome face that she always sees in him through the years they've known each other. At parang gusto niyang mahiya ngayon. Ewan din niya kung bakit. Basta lang bigla na lang siyang tinubuan ng hiya sa katawan. Nako-conscious ang beauty niya! Kasi naman, kahit hindi nagsasalita, kayang-kaya nitong magpa-pogi just by looking at her like that.

"Hindi ka na galit?" mayamaya'y tanong nito. "Akala ko pupugutan mo na ako ng ulo kanina."

"Hindi pa rin iyan nawawala sa isip ko. Kaya huwag mo akong maasar-asar uli ngayon at chachop-chopin talaga kita."

"Alright." Sagot nito sabay taas ng dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Pero... talagang hindi ka na galit?"

"E, ano naman kung magalit nga ako? Wala ka namang pakialam."

"Meron. Pero hindi ako mangangatwiran ngayon. Baka ma-highblood ka na naman. Sipain mo na naman ako at suntukin. Napakapisikal mo pa naman, para kang laging naghahamon ng suntukan."

Natatawa lang itong umilag nang hampasin niya ito sa mukha. Upon hearing his laughter, tuluyan nang naglaho ang anumang pagkayamot niya rito kanina. He was just concerned about her anyway. Wala na nga namang dahilan para kastiguhin pa rin niya ito.

"You're smiling, I like that," ani Vince. "Mukha ka naman din palang mabait na tao kapag nakangiti ka."

"Sapak, gusto mo?"

"Ayaw. Pero gusto kong umalis ng bahay..." Ang lapad na ng ngisi nito. "Wanna go on a date with me today?"

"Busy ako." Irap niya rito at ipinasya niyang layasan na ang binata. Pero pinigilan siya nito sa kanyang braso. "Oh, ano pa ang problema mo? Hihingi ka ng pera? Wala akong ililimos sayo..."

Dahan-dahan na tumayo si Vince kaya nakalimutan na ni Claire ang sasabihin. Bigla na naman kasi siyang nakaramdam ng kakaibang pagka-ilang sa binata.

"Matagal ko ng gustong gawin ito, Claire. And since you're here right now, I guess I will just take the opportunity."

"A-ano..."

He casually wrapped his other arm around her and gently pulled her to him without letting go of her hand. Hindi rin alam ni Claire kung bakit ni wala siyang ginawa upang pigilan ito. O kahit ang pagalitan man lang ito. Basta hinayaan lang niya itong yakapin siya nang walang imik.

"Thank you for taking care of Lucho and Dreico..." mahinang sabi nito habang mas mahigpit pa siyang niyayapos. "I know you've been through so much because of me, but you still managed to raise them with so much love and care. I owe you a lot for that." Sinserong sambit pa ni Vince ng ilapat nito ang labi sa kaniyang noo.

She could feel his hot breath on her head. Hinahalikan ba nito ang ulo niya? Nagregodon ang dibdib niya. Ano ba ang ginagawa nito? Nililito na naman nito ang isipan niya. Ang pasaway naman niyang puso, mukhang enjoy na enjoy pa sa mga nangyayari. Because somehow, she could sensed that she was also starting to get used to the feel of his solid warm body against her.

Hindi alam ni Claire kung ano ang isasagot sa mga itinuran nito. At sa totoo lang ay ramdam na ramdam na niya ang malakas na kalabog ng kaniyan puso. Kumalas siya rito ngunit hindi siya nito hinayaang makalayo.

"Just a few minutes more."

Just a few minutes? Baka bago matapos ang ilang minutong request nito, wala na ring matitira sa katinuan niya. Baka maniwala na naman ang puso niya at mahalin na naman ito. Because God only knows she was loving this strange feelings every second. Darn!

"Sir Vince nasa—"

Mabilis siyang humiwalay kay Vince nang marinig ang boses na iyon ng kanilang kasambahay na si Manang Lorie. Damang-dama pa niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi nang makita ang makahulugang ngiti ng kasambahay habang nakatitig sa kanilang dalawa.

"What is it Manang Lorie?" casual na tanong ni Vince na animo'y wala lang rito kung nahuli sila ng kasambahay sa ganoong akto.

"A, e...pasensiya po Sir, Ma'am, hindi ko naman po alam na may pinagkakaabalahan po pala kayong dalawa dito sa kwarto." Makahulugang sabi nito na halatang nagpipigil ng kilig base sa ekspresyon sa mukha. "Siguro maghihintay na lang po ako sa labas hanggang matapos kayo sa... usapan ninyo."

"Tapos na kami mag-usap." ani Claire na pinanlakihan pa ng mata ang usiserang kasambahay.

"Not yet." kontra ni Vince. "But, yeah, Let's just continue this next time." Sabi pa nito sabay kindat sa kaniya. "Magprepare ka na at may date pa tayo."

Pinandilatan lang niya ang nakangising lalaki bago lumabas ng silid nang tumatahip ang kanyang dibdib. Peste! Bakit ko ba hinayaang makalapit ng ganon sa akin ang kumag na iyon? At talagang nagpayakap pa ako! Ang rupok mo Claire! Ang rupok mo! Habang pabalik sa sariling silid ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang katatapos lang na eksenang iyon. It was like that one important night when they shared together. That night when he was drunk at hinayaan niya itong angkinin ang kaniyang katawan at puso. Ang katatapos lang na pangyayaring iyon sa balcony ng silid nito ang tila kumukulit sa puso niya na isiping baka nga kahit sa isang sandal ay may chance na magkaroon ng pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa.

But everything she imaginedwas washed away immediately ng mapatingin siya sa labas ng kaniyang bintana. Muliay bumalik sa kaniyang isipan ang unang salitang sinabi nito ng dalhin silanina Lucho at Dreico sa bahay na iyon... "Ginagawa ko lang ito dahil ayaw kong lumaking sampid ang mga anak ko. And not because I love you." Those were his words that finally put an end to her dillema.

"Pinapagaan lang niya ang loob mo. Walang ibang ibig sabihin yun," kumbinsi ni Claire sa sarili. "Yun lang yon, tanga. Dahil guilty lang siya na napasama nga niya ang loob ko kanina sa ginawa niyang pakikialam sa mga gamit ko." Oh, goodness. She never thought thinking so much could be this tough. Sumasakit na ang ulo niya. Naiinis pa siya kay Vince. Na naman. Sa hindi na niya malamang kadahilanan.

Continue Reading

You'll Also Like

209K 6.5K 72
When Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take an...
300K 5.8K 66
(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga...
2.8M 35.3K 55
PG-13 Some scenes may not be suitable for young readers, please be guided. Thank you. Date started: January 2014 Date finished: August 24, 2015
22.5K 405 54
"Even though you are the most MALDITA, DEVIL & BITCH..There is one person willing to love you perfectly despite of your unexplained attitude" maldita...