ELITES

De MaybeYoungForever

253K 8.6K 2.4K

Her name is Candid, not a typical girl you can mess up with. She was born to get her face hidden behind her m... Mais

ELITES
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Three
Fourty Four
Fourty Five
Fourty Six
Fourty Seven
Fourty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy
Seventy One
Seventy Two
Seventy Three
Seventy Four
Seventy Five
Seventy Six
Seventy Seven
Seventy Eight
Seventy Nine
Eighty
Eighty One
Eighty Two
Eighty Three
Eighty Four
Eighty Five
END
Eighty Six
Eighty Seven
Eighty Eight
Eighty Nine
Ninety
Ninety One
Chapter Ninety Two
Chapter Ninety Three
Ninety Four
Ninety Five
Ninety Six
Ninety Seven
Ninety Eight
Ninety Nine
One Hundred
Chapter One Hundred One
One Hundred Two

Forty Two

2.5K 96 16
De MaybeYoungForever

An: Sorry sa matagal na update, alam nyo na, dati pa ring problema. So ito na po, pambawi. Salamat sa patuloy na nagaabang ng updates. This is for you. ❤

-

Bad

Pangalawang araw na. Akala ko ito na ang huling araw na mananatili kami rito sa Caliraya Resort Club. Pero mukhang umaayon ng husto dito sa mga kasama ko ang pagkakataon.

Extended ang bakasyon.

Isang araw na-extend para mas lalong pagandahin ang HFA. Akala mo Presidente ang mga darating at magtatransfer sa HFA kung paghandaan nila.

"Wala kang gagawing activities ngayon?" tanong sa'kin ni Dwayne ng tumayo sya sa gilid ko.

Parehas naming pinagmamasdan ang kalawakan ng buong Resort. Sa lawak nito na halos walong hektarya, halos lahat ng activities nandito na. Ikaw na ang magsasawa na gawin lahat. Malawak ang luntiang kulay berde na mga damo at mga puno rito. Nasa pinakatuktok kasi ito ng bundok at man made ang dinadayong lake rito. Sabi nga nila, this is the best summer get away here at Laguna. Perfect sa mga family bonding at team building.

Pero hindi lang ata yun ang naging tanawin para sa amin sa mga oras na 'to. Kasalukuyang lang naman naming pinagmamasdan ang babaeng nakasakay sa kabayo habang pinapatakbo ito ng wala nino mang umaalalay sa kanya.

"Nagawa ko na kahapon pa. Pagod ako kaya mamaya na lang siguro."

Unang araw pa lamang namin dito kahapon, marami na kaming masyadong ginawa. Nagtatalotalo pa nga kung ano ang uunahin nilang gawin kaya ang nangyare, kanya kanya kaming activities.

Jet ski riding, speed boat riding, wind surfing, wall climbing at rappelling. Yun lang ang nagawa ko kahapon dito pero parang ubusin na agad ang lakas at gana kong sumubok pa ng ibang activities na pwedeng gawin pa dito.

Si Trust at Axle naman ay parang mga batang nagpapa-slide ngayon sa isa sa kilalang spot dito na kung tawagin ay Super Slide; kung saan malaki at mataas ang slide nito na may haba raw na 550 feet simula sa taas pababa. Kanina pa ako niyayaya ng dalawa pero sadyang tinatamad ako. Hindi ko pati trip ang mga ganun. Hindi na naman ako isip bata.

Habang si Sham at Ellie, ayun at magkatandem na naman sa pagkuha ng mga instragamable photos nila sa may hanging bridge. Kaunti na lang mas makukumbinsi pa ako na si Sham ang best friend ni Ellie at hindi si Candid eh.

"Si Candid.."

Panimula nya.

Hindi pa man nya nadudugsungan, parang gusto ko na lang umalis dahil alam kong magkekwento sya tungkol sa babaeng yun.

Bakit ba kapag lumalapit sila sa'kin kagaya na lang ni Axle, si Candid lagi ang bukang bibig nila? Nakakarindi na.

"Narinig ko sya kahapon. Alam ko, alam kong gusto nyang subukan ang firing range. Hindi ko lang alam kung bakit nagbago ang isip nya."

Agad na napukaw ang atensyon ko sa sinabi ni Dwayne.

Kasalukuyan nya pa ring pinapanood ang babaeng tinutukoy nya. Hindi man sya magkwento ngayon madalas sa'kin, sa mga mata pa lang nya alam na alam ko na.

"Kakaiba talaga ang trip ng babaeng yun." ngingiti ngiti syang napapailing habang ang paningin ay nasa babae pa rin.

Hindi man nya deretsahing aminin, masyado ng halata ng gustong gusto nya nga ito.

Sabagay, tama naman sya. Kakaiba talaga si Candid. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, sya na yata ang pinakakumplekadong babaeng nakaharap ko. Iba ang mga trip sa buhay. Kapag nagsalita sya, hindi pwedeng hinding hindi makikinig ng kusa ang tenga mo sa mga sinasabi nya.

"Alam kong alam mo rin na si Candid ang babaeng yun."

"What are you saying?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

Doon pa lamang sya lumingon at tumingin sa'kin.

"Yung nagligtas sa'tin." muli syang tumingin sa kinaroroonan ng babae. "Sa'kin."

Nang binanggit nya ang huling salitang yun, tila ba napakaespesyal nun.

Nanatili akong nakikinig at nakamasid lang sa paligid. Hindi ko alam pero wala akong ganang magreact sa mga sinasabi nya. Kung noon grabe na agad ako magreact,mainis o pagtuunan ng pansin ang malalaman ko sa twing ang babaeng yun ang pinaguusapan, ngayon parang wala akong gana makinig lalo na kung galing sa kanila ni Axle ang kwento. Hindi naman ako naiinis pero hindi rin ako kumportable. Ewan ko ba. Ang gulo.

"She's the real definition of beauty Dude." manghang manghang banggit nito habang pinapanuod pa rin ang babaeng mabagal na ngayong nagpapatakbo ng kabayo.

"Anong klaseng beauty? Kita mo nga laging nakatakip ang mukha." pangaalaska ko sa sinabi nya.

Pero agad ring nawala ang ngisi sa labi ko ng muli kong pagmasdan ang babaeng bahagyang hinila ang kabayong sinasakyan nya dahilan para medyo bumilis ang takbo nito.

Lalo akong napatitig sa kanya. Parang na-magnet na ng tuluyan ang mga mata ko sa kanya.

Hindi ko na talaga alam kung bakit..

"Yan ka eh. Palibhasa kasi magagandang babae lang ang pumupukaw sa mga mata mo. Palibhasa mukha agad ang tinitignan mo." Tila dismayado na napailing sa'kin ang kausap ko.

Hindi ako sumagot sa sinabi nya at pinanuod ko na lang ang babaeng mabagal na ngayong nagpapatakbo ng kabayo. Nagi-stand out ang mahaba at wavy nitong buhok kapag tinatangay ng hangin sa bawat pagalog ng kanyang katawan dulot ng pagtakbo ng kabayo.

Doon ko lang narealize kung bakit ganito makatingin si Dwayne sa kanya. Kung bakit sa kabila ng itim na face mask at itim na sumbrelo nya ay parang ang ganda nyang panuorin sa ginagawa nya. Hindi maipagkakaila na hindi ito ang unang beses na nag-horse back riding s'ya.

Paano na lang kaya kung makita rin ni Dwayne ang mukha mo Señorita?

Mabilis kong inalog alog ang ulo ko dahil sa pumasok sa isipan ko. Tch! Nababaliw na yata ako.

"Balita sa nga pala sa inyo ni Lacey? Kayo na ba ulit?"

Alanganin akong napailing sa pagiiba ng topic ni Dwayne.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat isagot sa tanong nya. Wala akong ganang magkwento.

"Bakit hindi pa? Di'ba sabi mo you want her back? Lahat gagawin mo? Nagiba ba ang ihip ng hangin?" natatawatawa nitong tanong sa'kin.

"She wants time. Alangan namang hindi ko ibigay sa kanya yun."

"Well, if she's still love you, no matter what, she will take a risk. Bakit kailangan pa ng oras o panahon? Unless may mas malalim na rason."


Hindi ako nakasagot sa sinabi nya. O mas pinili kong huwag magsalita dahil hindi ko rin naman alam irereact ko sa sinabi nya. And I hate to admit na napaisip rin ako kahit papaano. Kahit gaano ko idikdik sa isip ko na tama ang ipinaglalaban ko.

Usually, si Trust ang nakakausap ko ng ganito kaseryosong usapan. Yung tipong pagiisipin ka ng sobra sa mga pasakalye at pabitin na pinupunto sa sinasabi. Yung hindi ka na lang deretsuhin kung ano talagang iniisip nya o ano talagang alam nya.

"May balita ka ba kay Yuri?" he suddenly asked again. Pagiiba nya muli ng topic.

Tanungan ba talaga ako ng mga babae?

"Wala. Bakit naman ako makikibalita tungkol sa babaeng yun?"

Kusang napataas ang isang kilay ko ng tignan si Dwayne.

"Common Bad. You know what I'm talking about."

Napatiim bagang na lang ako sa sinabi nya at muling tumingin sa malayo.

"And I don't care what you are talking about Dwayne. Let's not talk about her."

"Unless nakaisip ka na ng paraan para
-"

"Wala pa. Pero magkakaron." makahulugan kong sagot ng sinulyapan sya. I hope he get it well. Wala ng tanong tanong pa.

"Goodluck Dude."

Tila mapanghamon nitong komento habang nakangisi.

"Alam mo na ba na kasama si Dalary sa mga magtatransfer? Ano, ready ka na ba?" Tatawa tawa nyang tanong.

Lalo lang akong nainis. Bakit pinaalala na naman nya? At bakit kailangang iba ibang babae ang banggitin nya sa'kin? Wala naman akong pakialam sa lahat ng babaeng binabanggit nya.

"Dapat sa mental yun pumapasok eh."

"Oy. Grabe ka naman Blaze. Pinsan ko pa rin yun. Dahan dahan sa pagsasalita." depensa nya pero natatawa.

"Paano mo ba talaga naging pinsan yun? Tch." imbes na sumagot, natawa na lang sya sa sinabi ko at napailing.

Imbis na magenjoy, lalo lang akong binabagabag ng utak ko sa muli naming pagbabalik sa HFA. Pakiramdam ko kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa araw araw na sakit ng ulong magiging dulot ng mga bagong papasok sa school. Parang bahay ni Kuya na magkakaron ng mga panigong pasok na housemates. Housemates na susubok sa haba ng pasensya namin.

Yung iba hindi ako sigurado, dahil sa pangalan ko lang naman sila kilala. Pero yung mga taong kilala ko na, ewan ko na lang talaga. Pakiramdam ko hindi maganda na magsamasama kami palagi sa iisang lugar.

Mayamaya pa, nakumbinsi ako ni Dwayne na dito na lang tumambay sa wave pool. Tutal wala rin naman daw masyadong naliligo ngayon dito.

But thinking na marami ng lumublob dito na ibat ibang katawan simula pa kanina, parang nawalan ako ng gana maglangoy ng maglangoy.

"Dude, ang arte mo. May pool rin naman sa inyo. Parang hindi ka rin umaattend ng mga pool party nyan ah?" tatawatawang sabi ni Dwayne habang kinakawag ang mga kamay sa tubig ng pool.

Ikumpara daw ba? This is a public pool. Sa bahay, araw araw pinapalitan ang tubig sa pool kahit walang gumamit. Kahit nga sa HFA ganun rin. Eh dito? Ibat ibang tao panigurado ang lumangoy rito at mayat maya pa. Malay ko ba kung saan galing ang mga taong yun at baka may virus pang dala na ngayon ay humahalo na sa tubig? Paano kung may sakit pala na nakakahawa? Mahal ko pa ang buhay ko para i-take risk basta basta.

"Bahala ka na nga dyan."

Nakaupo lang ako dito sa gilid ng pool habang paa ko lang ang nakalublob sa tubig. Dinadama ko na lang ang paghampas ng artificial na alon ng pool.

Si Dwayne ay lumangoy ng palayo at kusang nagpadala sa malalaking alon ng pool. Mukhang balak pa nya subukan yung malaking bola na nakalutang sa gitna ng pool. Ewan ko na lang kung kayanin nya ngang akyatin at upuan ang ibabaw nun.

"Here they are Sham. Let's go!"

Narinig ko ang boses ni Ellie kaya agad akong lumingon. Kasama nya si Sham habang patakbong lumalapit sa kinaroroonan ko.

They are wearing now their two piece. I can say that they have the curve, pero hindi kagaya ng-sa ibang babae. Yung lilingunin mo talaga ulit kapag nasilayan mo. In short, hindi ganun kalakas ang dating. Gzz.

"Bad? Why are you here? Bakit hindi ka nagsiswimming?" Sham asked, standing beside me.

"Later." tinatamad na sagot ko.

Napaurong ako ng tumampisaw ang tubig dahil sa ginawang pagtalon ni Ellie sa tubig. Malakas pa syang tumawa ng dahil sa naging reaksyon ko.

"Don't dare." malamig na banta ko sa kanya ng mabasa ko ang ngisi nya.

"KJ as ever. Bagay kayo magsama ng best friend ko." natatawa nitong pahayag bago lumangoy palayo.

"Yeah, and Candid is here. Mukhang may kasama ka na sa panunuod samin. Hindi ka na maboboring Bad." pangaasar pa ni Sham bago tumalon sa pool.

Lumingon ako sa kabilang gilid ko at nakita ko nga si Candid na naglalakad na papalapit sa'kin. Lalong lumitaw ang kaputian ng kutis nya dahil sa yellow dress na suot nya na hanggang tuhod lang. Bumagay kahit papaano sa puting head scarf na suot nya.

"Bibili lang daw sa snack bar area si Axle at Trust." she suddenly stated, even if I'm not asking her.

Umupo na rin sya sa gilid ko at inilawit ang paa nya sa tubig kagaya ko.

Matapos nung pagsasama at paguusap namin noong nakaraang gabi ng magpunta kami sa San Antonio, hindi na yun naulit pa. Ngayon na lang ulit kami maguusap kung sakali mang kakausapin nya pa ako-o ako ang kakausap sa kanya.

Parehas lang naming pinagmamasdan ang pagsasaya nung tatlo sa pool. Tawa ng tawa si Ellie habang pinapanood si Dwayne na pilit umaakyat sa malaking bola na nasa gitna. Kahit kasi anong gawin nito ay hindi nito maakyat akyat ang tuktok.

(Credits sa google sa lahat ng naka-attach na photo)

"Ba't nakatambay ka lang dito?" casual na tanong nang nasa tabi ko.

"Mas masaya dito."

"Hindi ka marunong lumangoy?"

"Of course not. Hindi ko alam kung kailan huling pinalitan ang tubig dito. Isipin ko pa lang na ilang daan na ang lumublob dito simula ng palitan, naninindig na yung balahibo ko."

"At hindi ka ba nagaalala sa mga binti mo na nakalublob sa tubig? Maya maya magkakagalis kana. Ilang minuto lang mangangati ka na at magsisimula ng -"

Mabilis kong naiahon ang binti ko at umurong para ilapat ang mga paa ko sa semento. Tila nandiri ako bigla marinig ko pa lang ang mga sinasabi nya.

Natigilan rin sya sa pagsasalita at bahagya nya akong tinawanan habang pinagmamasdan ako.


Awang ang bibig kong pinagmamasdan syang tumawa.

"Hindi ko alam na ganyan ka pala kaarte Bad."

Tumingin lang ako sa kanya habang magkasalubong ang mga kilay. Hindi ko magawang punasan ang binti ko, didikit rin sa kamay ko ang kung ano mabg mikrobyong nasa binti ko na ngayon.

"Hindi ko rin alam na marunong ka pala talagang tumawa." nasabi ko na lang.

Agad yang natigilan at pilit na tumikhim. Hindi na nya ako muling tinignan at parang bigla syang na- awkwardan sa nangyare.

"Ano bang mali sa pagtawa? Masyado ba talagang precious yun para hindi mo iparinig madalas? Hindi na nga makita kung paano ka ngumiti, pati ba naman pagtawa ipinagkakait mo pa sa iba." nakangisi kong sabi at pinagmasdan na lang ulit si Dwayne na hindi pa rin sumusuko sa ginagawa.

"Hindi naman ako baliw para tumawa ng tumawa kahit walang nakakatawa."

Uhuh? Tama nga naman.

"So, simula ba ngayon tatawa ka na kapag may nakakatawa?" muli ko syang tinignan at doon nahuli kong muli ang mga mata nya.

Wala naman ako sa pool, pero pakiramdam ko nalulunod na naman ako.

"Hindi ako madaling patawanin." pahayag nya ng unang magiwas ng tingin.

"Pero napatawa kita." pagmamalaki kong sabi.

Kung hindi ka talaga madaling patawanin, bakit ang pagiging exaggerated ko lang kanina ang nakapagpatawa sa'yo?

"Ang arte mo kasi. Para kang bakla."

Nawala ang ngisi ko sa sinabi nya.

"Huwag mo subukang bantaan ako na hahalikan, hindi na sa'kin uubra yan." pangunguna nyang sabi.

Nakaramdam ako ng inis. Kung hindi yun uubra para patunayan kong hindi ako bakla, eh paano ko ipapamukha sa kanyang lalaking lalaki ako!?

"Nakakagago."

Mahinang bulong ko sa sarili habang napatiim bagang nalang.

Naiinis ako dahil hindi na ako manalonalo sa kanya.

Muli kong narinig ang mahina nyang pagtawa. Pero ng tignan ko sya ay mukha naman syang seryoso habang pinanunuod lang sila Dwayne.

O baka naman kaya sya natutuwa ay dahil pinagmamasdan nya ang lalaking gusto nya?

"Gusto mo ba talaga si Dwayne?"

Ngali ngali kong tumalon sa pool ng dahil sa biglaan kong pagtatanong. Hindi ko rin alam kung bakit bigla yung lumabas sa bibig ko. Gusto ko sanang bawiin pero para saan pa? Huli na dahil lumabas na mismo sa bibig ko.

"Bakit ko sasagutin yan?" ramdam kong tinignan nya ako pero hindi ko malabanan ang tingin na yun. Kunwari lang na nakatuon ang atensyon ko sa pool para kunwari random lang talaga yung lumabas sa bibig ko. No big deal!

"Okay lang namang hindi mo sagutin."

Oo, tama! Huwag mo na ngang sagutin!

Subukan mo lang talaga sumagot.

Hindi ko naman sinasadyang tanungin kaya wala akong paki sa sagot mo!

"Paano kung oo ang sagot ko?" seryoso nitong sabi.

Hindi ako agad nakareact at napatigil lang ang mata ko sa kung saan man ito nakatuon ngayon.

Ano ba Bad? React! Natuod ka dyan!?

"Congrats then." pilit akong natawa.

Para kang tanga sa inaakto mo Bad. Umayos ka nga.

"Nagiba na ba ang ihip ng hangin? Hindi yan ang inaasahan kong magiging reaksyon mo."

"A-At ano namang irereact ko? Bakit? Sa tingin mo magagalit ako? Magseselos? In your dreams! Grabe, hanggang ngayon talaga nangangarap ka pa ring may gusto ako sa'yo ano? Maybe you're just saying this to make me jealous, but sorry to disappoint you, I am not." mayabang akong natawa ng bahagya. "Tigilan mo na ako sa mga ganyang padali mo dahil hindi rin sa'kin uubra yan."

T*ng*na talaga.

Bakit nagmumukha akong defensive? Bakit ang dami ko na agad sinabi? Grrr!

"Okay."

Salubong ang mga kilay ko ng lingunin sya.

"Anong klaseng reaksyon yan!?"

"Ano bang dapat i-react ko?" inosente nitong tanong ng tignan rin ako.

Napasinghap na lang ako sa inis.

"Eh ano din bang dapat ireact ko kung gusto mo si Dwayne? Di'ba nga sabi mo hindi yun ang inaasahan mong isasagot ko?" inis kong sabi sa kanya.

"Usually, magagalit ka kasi kaibigan mo ang involved. Ayaw na ayaw mo akong mapalapit sa mga kaibigan mo. Pero tila nagiba na talaga ang ihip ng hangin. Hindi ka na rin umaalma na isinasama ako nila Dwayne, Axle o ni Sham man sa mga lakad nyo. Now tell me Bad, lumalambot ka na ba sa'kin?"

Deretso ang mga tingin nya sa'kin ng tignan ko rin sya.

Wala akong ibang naging reaksyon kung hindi labanan rin ang mga tingin nya.

Lumalambot na nga ba talaga ako sa'yo?

O baka dahil nagsasawa o napapagod na ako na lagi kang inisin, asarin at makipagtalo sa'yo dahil mukhang lagi na rin naman akong nadedehado?

Ano nga ba? Sagot self!

"Woooy!"

Mabilis na nagbitaw kami ng tingin at lumingon sa sumigaw.

Papalapit na sa amin si Trust at Axle habang nagbibiruan pang nagtutulakan.

"Ang kokorni nyo talaga! Doon tayo sa 'Slide and Fly'. Walang thrill dito."

Pasigaw na sabi ni Axle ng makalapit para marinig nila Dwayne, Sham at Ellie na nasa kabilang dulo na ng pool.

"Dali at mas mukhang masaya don!" nakangising sigaw ni Trust sa tatlo habang nakaakbay kay Axle.

Naglolokohan pa si Axle at Trust na nakapwesto na ngayon sa likuran namin. Parang mga batang naghaharutan na kulang na lang magsuntukan. Silang dalawa itong magkasama kanina pa, sila pa itong mukhang nagkakaasaran.

May pinaguusapan silang babae na nakasabay raw nila kanina doon sa mahabang slide. Nagtatalo pa ang dalawa kung kanino talaga may type yung babae.

Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ng biglaan na lang na madanggi ako sa likod ni Axle. Pero hindi lang yun ang nangyari dahil kagaya ko, patayo na rin pala si Candid. Pero sa kanya mas mukhang tumama ang likod ni Axle ng itulak sya ni Trust dahilan para mabilis syang mahulog sa pool.

Siguro mga tatlong segundo pa kaming nagkatitigan nila Axle at Trust kung ano ang nangyare pero muling bumalik ang huwisyo ko ng tumingin sa pool.

Wala ng ano ano at mabilis na akong tumalon rito. Pagsisid ko sa ilalim, doon ko nakita si Candid na pinipili talagang hindi umahon mula sa pagkakabagsak sa tubig. Nakahawak sya sa mismong tiles sa gilid ng pool. Pinipilit na hindi iangat ang sarili sa ibabaw ng tubig habang mulat ang mga matang nakatingin na sa akin.

Sinenyasan ko sya na hintayin nya ako at saglit lang ako.

Muli akong umahon sa tubig at hinagilap ang scarf na naalis mula sa pagkakasuot nya. Mabilis ko yung pinuntahan pero nakita ko na lang na hawak na ni Dwayne ng tuluyan ko yung malapitan.

"Ako na." malamig kong sabi sa kanya at mabilis na inagaw sa kamay nya ang scarf ni Candid.

Nakita ko sa mga mata nya ang bahagyang pagkabigla nya sa ginawa ko pero mabilis din yung napalitan ng malalamig na tingin. Muli na akong lumangoy patungo sa gilid ng pool at sinisid ang pinakailalim.

Nakamulat lang ang mga mata nya habang nakatingin sa'kin. Ako na ang mabilis na nagbalot ng scarf na yun sa mukha nya. Sinigurado kong hindi na yun maaalis pa sa pagkakakabit sa ulo nya.

Sinenyasan ko sya na sabay na kaming umahon.

Mabilis kaming humagilap ng hangin ng maiahon na namin ang ulo namin sa tubig. Agad na inabot ni Trust ang kamay nya sa harapan ko habang si Axle naman ay kay Candid.

"Sorry talaga Candid. Hindi ko sinasadya. Tinulak kasi ako nitong si Trust kaya nasanggi kita. Pasensya na." sinserong paghingi ng paumanhin ni Axle kay Candid ng makaahon kami.

"Sorry Candid. It was my fault." seryoso rin paumanhin ni Trust.

"Okay lang." simpleng sabi lang ni Candid habang pinapagpag ang dress nya na basang basa na.

Iniwas ko lang ang tingin ko ng magtama ang mga mata namin ni Dwayne. Hindi ko alam pero hindi ako biglang naging kumportable. Sigurado ako na may itatanong at sasabihin sya pero hanggat maaari, ayaw ko muna yung marinig ngayon.

"Okay ka na Bes?" alalang tanong rin dito ni Ellie pero tumango lang si Candid.

"Ang haharot nyo kasi. Paano kung hindi marunong lumangoy si Candid ha?" masungit na sermon ni Sham sa dalawa.

Walang sabi sabi akong tumalikod at mabagal na naglakad palayo sa kanila.

"Oy Bad! Huwag kang KJ! Sumama ka don sa kabilang pool at may gagawin tayong mas exciting!"


Sigaw ni Axle.

"Kuha lang akong towel."

Sagot ko ng hindi lumilingon.


Wala akong balak maligo sa pool ngayon. Kailangan ko ring ikuha si Candid ng towel dahil mukhang wala rin naman syang balak maglangoy sa pool kagaya ko.

Bakit kasi ang hilig nya magsuot ng maninipis na damit at itim na panloob? Kitang kita na tuloy at hapit na hapit na sa katawan nya ang suot nya dahil basang basa na.

Tch!

Mabuti na lang talaga at dalawa ang dala dala kong towel. Ayaw na ayaw ko kasi makigamit ng towel kahit saang resorts kami napapadpad. Kahit na nalabhan pa yun ng maayos, malay ko ba kung malakas ang mikrobyo sa katawan nung huling gumamit?

Speaking of mikrobyo, ayaw na ayaw ko lumublob sa pool pero eto ako ngayon at basang basa na dahil sa pagtalon ko kanina sa pool. Kailangan ko muna sigurong maligo saglit sa hotel room para makapagbanlaw. Kailangan kong magsabon ng mabuti. Mas mabuti na yung nagiingat.

Pagkabalik ko at pagpunta ko sa kabilang pool na sinasabi ni Axle, rinig na rinig ko ang malalakas na sigawan at tawanan.

Nakita ko agad si Axle na panay ang sign of the cross habang nakatungtong sa flatform sa taas ng slide. Sya ang nagyaya dito pero mukhang sya ang dinadaga.

Naglakad na ako patungo kay Candid at mabilis na ipinatong sa ulo nya ang towel na kinuha ko.

Taka syang tumingin sa'kin pero hindi ko yun pinansin at umupo na lang ako sa gilid nya. Mabuti na lang talaga at panay nasa hagdan patungo sa flatform silang lahat. Paniguradong may sasabihin na naman si Axle na mas lalong makakapagpa- awkward sa pagitan namin ni Dwayne.

"Ibalot mo yan sa katawan mo."

At baka mamanyak ka na naman ng mga lokolokong lalaking makakakita sa'yo.

"Salamat."

Mabuti naman at hindi na sya nagtanong.

Itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko kay Axle.

"Wooooh! Wala! Mas malayo pa ang bagsak ni Dwayne, hindi mo yun mahihigitan!" pangaasar ni Ellie kay Axle.

Tutok na tutok kaming lahat ng magpasya ng magpa-slide si Axle. Nakapahiga sya ng magslide pero ng sandaling lunagpas na sya sa dulo ng loop kung saan naka-curve ito pataas, mataas sya nitong inihagis sa ere habang nakakuyom na ang mga tuhod nya at nakahawak ang isang kamay sa ilong. Malayo ang binagsakan nya at sa pinakagitna pa ng pool.

Sigawan naman sila Trust,Dwayne, Sham at Ellie. Tila tuwang tuwa sila dahil mukhang hindi nanalo si Axle sa kung ano mang competition nila
ngayon.

Safe naman raw dito kapag inihahagis ka sa ere ng loop sa dulo ng slide. Kahit anong layo pa ng hagis sa'yo, sakto pa rin daw sa pool ang bagsak mo. May sasalo at sasalo sa pagkahulog mo at yun nga ang eighteen feet na lalim ng pool dito.

Natatawa na lang ako ng makitang si Ellie na ang susunod. Mukhang naduduwag magpa-slide dahil tinutulak tulak sya nila Trust para pumwesto na malapit sa pinakaulo ng slide.

"Go El! Kaya mo yan!" biglaang sigaw ni Candid sa tabi ko.

Napatingin sa gawi namin si Ellie at malawak syang napangiti habang nakatingin kay Candid.

"Magbestfriend ba talaga kayo? Bakit mukhang mas lagi silang magkasama ni Sham kaysa sa inyong dalawa simula nung isang araw?" tanong ko sa kanya.

Hindi agad sya sumagot sa tanong ko habang nakatingin pa rin kay Ellie.

"Syempre, gusto ko syang mag-enjoy. Kahit KJ ako at hindi mahilig makisama sa mga ganitong activities, ayaw ko naman syang obligahing gumaya sa'kin at manatili sa tabi ko. I want her to be happy and enjoy this trip. Hindi ko sya para piliting manatili sa tabi ko at magmukmok sa tabi kagaya ko."

Napatitig na lang ako muli kay Candid habang sinasabi nya yun. Mabuti at aminado syang KJ sya. Aminado rin syang wala syang ibang ginawa kung hindi ang magmukmok sa tabi.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti-na agad ko ring binawi.

"She's lucky to have you as her best friend." I sincerely stated.

"Di rin." mabilis nyang tugon.

"You're not selfish. Napapaisip na tuloy ako kung bakit ka pa pinakawalan ni Zayn."

Agad syang napalingon dahil sa sinabi ko.

Doon ko narealize kung ano yung lumabas sa bibig ko.

Preno Bad! Hindi na ba uso sa'yo?

Bwiset na yan. Bakit ko ba sinabi yun?

T*ng*na!

Tubig, lamunin mo na nga ako para maglaho. This is so embarrassing. Damn it.

"Hindi ko alam na nagiba na pala talaga ang tingin mo sa'kin Bad." tila naaamaze nyang komento habang nakatingin sa'kin.

Ako naman itong si tangang pilit na iniiwasan ang tingin nya.

Tena! Ano ba 'tong mga lumalabas sa bibig ko? Hindi na makatarungan!

I want to get lost right now. Tinatraydor na ako ng bibig ko.

"H-Huwag ngang masyadong lumalaki ang ulo mo sa sinabi ko! Tch. Syempre I assume that dahil ganun ka kay Ellie. So maybe ganun ka rin sa ex mo." pilit ko pa ring iniiwasan ang mapanuri nyang pagtitig sa'kin.

"For how many times do I have to tell you that Zayn is not my ex?"

"Eh anong tawag mo don? If I'm not mistaken, your tagging him as nakalandian lang. So are you saying na malandi ka? Ganun?"

Nagdilim bigla ang tingin nya sa'kin dahil sa sinabi ko. Eh sya naman ang nagsabi nun sa'kin nung minsan. Tapos magagalit sya ngayon?

"Nagkaroon lang kami ng mutual understanding. Happy?" Nahihimigan ko ang pagkainis sa tono ng boses nya.

Sa wakas, nainis ko na naman ulit sya.

"Oh? Mukhang masaya ka nga ah? Nakangisi ka ng ganyan. Happy kang malaman na wala pa akong nagiging boyfriend?"

Mabilis na nawala ang pagkakangisi ko at mabilis ring napatingin sa kanya.

"At ano namang pakialam ko don?"

"Ewan. Pakiramdam ko meron." nakangisi nyang pahayag na nakapagpainis na naman sa'kin.

Ang bilis tumaob ng table sa pagitan naming dalawa. Parang wala pang isang minuto ng sya ang naiinis sa sinabi ko, ngayon ako na naman ang naiinis sa kanya.

Kahit kailan talaga napakataas ng tingin sa sarili. Porque ba madalas na akong hindi makabwelta sa mga sinasabi nya, ibig sabihin dapat ganito na sya umasta sa harapan ko? Huh!

Aalma pa sana ako ng mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na pigura sa kabilang side ng pool kung saan daanan palabas ng area nitong pool.

Hindi ko alam pero mukhang ito ang perpektong pagkakataon para kumprontahin ko ang taong yun.

Mabilis akong tumayo at walang salisalitang iniwan doon si Candid.

Agad na pumulas at pasimpleng naglakad paalis ang taong yun ng makitang naglalakad na ako patungo sa kanya.

Wala syang ibang ginawa kung hindi ang pasimple lang na maglakad habang sinusundan ko sya. Alam kong alam nyang nakasunod na ako sa kanya pero mukhang pinapasunod nya talaga ako para mapunta sa lugar kung saan walang masyadong tao.

Teka, susundan ko ba talaga ang taong 'to?

Paano kung may pinaplano na pala sya sa'kin na masama?

Napatigil ako sa paglakad. Nagisip saglit. Pero nagawa ulit lumakad pasunod sa kanya.

Bahala na nga!

Hanggang sa mapunta na nga kami sa hanging bridge at tumigil na rin sya sa paglalakad. Limang metro pa ang layo ko sa kanya pero tumigil na rin ako sa paglalakad palapit sa kanya. Mas maigi na yung nagiingat. Isa pa, may ilan pa namang tao sa paligid kaya kung ano mang mangyare, may makakasaksi.

Dahan dahan syang humarap sa'kin. Deretso lang syang nakatingin at biglang ngumiti.

"Sinundan mo 'ko." Pahayag nya na parang hindi pa obvious.

"Ilang araw mo na rin kaming sinusundan." malamig kong sagot sa sinabi nya. "Wait, mali pala. Lagi kang nakasunod talaga. Hindi man sa'min, pero kay Candid. Hindi mo ba alam na bawal ang ginagawa mo?"

Bigla syang ngumisi na parang balewala lang ang binulgar ko. Tila hindi man lang sya nabahala na alam ko ang ginagawa nya.

Masyado akong mapagmasid sa paligid kaya hindi nakaligtas sa'kin ang lihim na pagsunod nya minsan kay Candid noong mga nakaraang araw. Kahit uuwi lang ito ng bahay, mukhang sumusunod rin sya.

"Parehas lang naman tayo. Sinusundan mo rin sya."

Bahagyang naningkit ang nga mata ko sa sinabi nya.

Totoo yun. Sinusundan ko ulit sa Candid sa twing namamataan kong nakasunod s'ya. Kahit aminado ako na sa twing gagawin ko yun, dinadaga ako dahil baka madamay ako kung sakali mang may gawin syang masama kay Candid.

Pero hindi kaya ng kunsensya ko na hayaan lang ang ginagawa nya. Kaya hanggat maari, sumusunod ako sa twing nakikita kong sinusundan rin nya. May mga araw na hindi nya sinusundan si Candid at ganun rin ang ginagawa ko.

"Dahil nakikita kong sinusundan mo s'ya. Anong pakay mo kay Candid? You're a transferee. Ikaw ba ang nasa likod ng lahat ng nangyayare sa HFA? At ikaw din ba ang nagbagsak ng upuan mula sa rooftop kay Candid?" matapang kong tanong sa kanya.

Bahala na kung anong mangyare.

Nandito na rin lang naman ako. Bakit hindi na lang ako magpakatapang tutal desisyon ko namang komprontahin sya ng ganito.

"Nice deduction President. Pero kinalulungkot kong nagkakamali ka ng taong pinagbibintangan." muli syang ngumisi na para lang syang nangaasar.

Sa pagmamasid ko sa kanya sa HFA, mukha naman syang palakaibigan. Mabiro at kalog pa nga raw sabi ng mga ibang Elites na tinanong ko na kaklase nya. But seeing him right now in front of me, parang biglang ibang tao ang nakikita ko kaysa sa idine- describe nila.

"Then tell me, bakit mo sinusundan si Candid? Anong balak mo?"

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" mapangasar nitong sabi. At nagtagumpay naman syang asarin ako.


Malalim akong naglabas ng hininga. Iniestima ang unti unting paginit ng dugo ko sa lalaking nasa harapan ko.

"I am the President and the Captain. I can sue you and kick you out from my school in just a blink. Hindi ako magdadalawang isip na gawin yun oras na ipagpatuloy mo pa ang ginagawa mo." matapang at mapagmataas kong banta sa kanya.

Imbes na makitaan ng kahit kakaunting pagkabahala, mas lalo lang syang ngumiti ng pagkalakilaki na parang mas kinatuwa pa nya ang sinabi ko.

Pakiramdam ko iniinsulto nya pa ang mga sinabi ko.

"Paano kung ayaw ko?"

Mas lalong yumabang ang pagkakangisi nya. Kagaya ko, inilagay nya lang ang kanyang kaliwa at kanang kamay sa kanyang magkabilang bulsa.

Hindi ako papayag na ganito lang ang iasta nya sa harapan ko. I can't let my guard down. Ni minsan wala pang tumalo sa'kin ng harapan kagaya na lang nito.

"Don't you know who I am? Don't you even know that I am Senator Wisley Dalton's son? So if I were you, bago pa kita ipa-ban sa ibang school na pwede mong pasukan, sundin mo na lang ang inuutos ko bilang President ng eskwelahang nasasakupan ko."

"President? Wala naman tayo sa school ngayon." panunuya nyang muli.

Pilit kong pinakalma ang inis ko sa inaasta nya. Naaasar na ako pero kailangan ko pa rin ipakitang hindi ako naaapektuhan. Kailangan ko pa ring iparamdam na kalmado lang ako sa mga oras na 'to. Kailangan kong ipakita sa kanya kung sino ang totoong dapat pangilagan.

Ngalingali ko na syang sugudin at paulanan ng suntok, nagpipigil lang ako hanggat kaya ko pa. Hanggat maari, dadaanin ko na lang sya sa paraang alam ko. Sa pinakaunang paraan ko para magpasunod ng kahit na sinong gusto kong pasunurin.

"I am the President and also the Captain. Wether your in a school ground or not, I am capable to deal with your personal business as long as it can harm my student body. It's my duty to protect them. Kaya kung hindi ka naman natatakot sa pwede kong gawin sa'yo, ngayon pa lang magdrop out kana ng kusa sa HFA. Dahil kung hindi mo gagawin yun, ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi lang yun ang mangyare sa'yo." banta ko sa kanya.

This is my number one method para mapasunod ang kahit na sinong taong kumakalaban sa'kin. Kahit na mismo si Candid, hindi nakaligtas na method na yun.

Biglang nagseryoso ang mukha nya habang nakikipaglaban ng tingin sa'kin.

"Masyado mo naman atang pinaninindagan ang pagiging protective Captain mo kay Candid para sundan ako hanggang dito. You're willing to take risk your life for her. Kaya ba talaga 'tong gawin ng lahat ng President or Captain para lang sa mga estudyanteng nasasakupan nya?" tila may pinupunto sya sa tono ng pananalita.

"Are you trying to impose something?"

"Wala naman." painosente nitong reaksyon. "Don't worry Mr. President , wala akong intensyong saktan ang pinoprotektahan mo." pinandiinan pa nya ang pagkakasabi nya 'pinoprotektahan' habang nakangiti.

Ngiting hindi na pangasar.

Ano ba talagang gusto nyang palabasin?

"But I want to tell you that you don't have to protect her. Because that's my duty, not yours."

Tinalikuran na nya ako ng ganun ganun lang at naglakad patawid sa kabilang dulo ng hanging bridge.

Badtrip na lalaking yun ah? Akala mo kung sino. Tinakot ko na at lahat, mukhang hindi man lang umubra. Hindi ko man lang nakitaan ng pagkabahala base sa mga kinilos nya.

At anong sinasabi nyang trabaho nyang protektahan si Candid? Bangag ba sya? Maybe he's a psycho or something. Kailan pa naging duty ang pagiging stalker? Tch.

Binalewala ko na lang pansamantala ang nangyare. Saka ko na lang poproblemahin ang lalaking yun pag nakabalik na kami sa HFA.

Pabalik na ako ng hotel room namin ng makasalubong ko si Candid. Sinadya nyang humarang sa daraanan ko para mapatigil ako sa paglakad.

"Bakit sinundan mo pa ang taong yun?" seryoso nyang tanong habang deretsahang nakatingin sa'kin.

Inayos ko ang pagkakatayo ko habang nakapamulsa pa rin.

"So you know him? Don't you know that he's always stalking you? He's always after you."

"Alam ko. Pero hindi mo na kailangang gawin yun. Bakit mo pa sya kinompronta tungkol sa bagay na yun?" tila nahihimigan ko ang pagkairita sa boses nya.

I shot a sideward glance before I look at her again.

"Stalker sya Candid. Natural na komprontahin ko sya dahil baka hindi lang nya yun sa'yo ginagawa. Malay ko ba kung sya ang may gawa sa'yo nung nangyare nung sa'yo nakaraan? Malay ko ba kung sya ang nasa likod ng mga nangyayare sa HFA."

Matagal nya pa akong tinitigan bago muling magsalita.

"Kung stalker ko man sya o ano, ako na ang bahalang kumprontahin s'ya. Hindi mo na kailangang pakialamanan pa yun."

Kitang kita ko sa mga mata nya ang pagkairita habang sinasabi nya sa'kin yun.


S

o, pakikialam na pala ang bagong tawag sa pagmamalasakit?

Napasinghap na lang ako sa pagkairita sa sinabi nya. Parang hindi ako makapaniwalang imbis na pasasalamat ang matanggap ko mula sa kanya, mukhang ako pa itong gumawa ng masama.

"Ibang klase. Ako na 'tong nagmamalasakit, ako pa ngayon 'tong masama. Ginagawa ko lang naman ang dapat kong gawin bilang Captain ng HFA. Kabagobago pa lang ng taong yun sa school, kadudaduda na agad ang mga kinikilos. Hindi ko yun para balewalain."

At the first place, why would I need to sort this explanation with her? Kung nakikita ko naman sa kanya ngayon na parang kinakampihan nya pa ang stalker nya. Unless..hindi nya talaga stalker yun?

Wait,bakit hindi ko agad yun naisip? He told me earlier that it's his duty to protect Candid. Maybe , there is something between them that might lead her to comfront me like this.

Pinapaasa nya ba si Dwayne sa wala? Hindi ako tanga para hindi nya mahalatang gustong gusto sya ng kaibigan ko. Or maybe this is her way of playing around with the Elites.

Bago sya muling magsalita, nagpakawala muna sya ng mabigat at malalim na paghinga.

"Just please stop what you're doing. For the last time, I am telling you to stay away from me Dalton.
And I'm going to do the same favor. After the presentation, just leave me at peace. Don't ever cross the line again." malamig ang pagkakabitaw nya sa bawat salitang yun. Ni hindi sya kumurap habang deretso akong pinakatititigan.

Hindi ko alam kung may dapat pa akong sabihin. Pakiramdam ko nasupalpal nya ako bigla. Ano bang ginawa kong masama at ito pa ang naririnig ko mula sa kanya ngayon? I am literally speechless. Hindi ako makahanap ng kahit na anong salita para sabihin sa kanya.

Parang nasaktan..yung ego ko.

"Huwag mo sayangin ang buhay mo para sa isang katulad ko lang, Blaze."

Those words keep me hanging.

I was left alone standing there. Trying to sink in what she just said a while ago before leaving me here.

Nawala ako sa mood na bumalik sa hotel room na inaakupahan naming mga boys. Kusa akong naglakad taliwas patungo roon.

Kung pwede ko lang sanang iurong ang presentation na yun, gagawin ko. Hindi ako para magpakagago at ipilit ang sarili ko na lumapit sa kanya.

And besides, sino bang nagsabing pinipilit kong mapalapit sa kanya para sabihin nyang layuan ko sya? Sya nga tong sulpot ng sulpot kung saan ako naroon. Pwede naman syang tumangi kapag may lakad ang Elites pero sumasama pa rin sya.

I don't get her real intentions.

Nakakagago talaga sya magisip.

"See? I told you."

Agad akong napatigil sa paglakad ng may panibagong taong tumigil sa daraanan ko.

It was him , ang dahilan kung bakit humantong sa ganung usapan ang namagitan sa'min ni Candid.

Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko sa loob ng aking bulsa ng dahil sa klase ng pagkakangisi nya. Tila pinaparating nito na sya ang panalo sa aming dalawa. As if meron kaming pinagkukumpitensyahan.

"H'wag kang masyadong mayabang Jonathan. Hindi ako madaling kalaban." I coldly responded.

"Sinong nagsabing magkalaban tayo? Bakit naman tayo magiging magkalaban Mr. President?"

Linabanan ko lang ang mapangasar nyang paninitig. Hindi ko gusto ang tabas ng bibig nya. Hindi ko rin gusto kung paano sya umasta. Kung talaga ngat may relasyon sila ni Candid, bagay nga sila. Magkaugaling magkaugali silang dalawa.

Hindi ko na sana sya papansinin pa ng tumaliwas ako ng daan para lagpasan sya, nang muli syang magsalita.

" I don't get it. Mukha naman kayong hindi magkasundo. But she doesn't want you to get involve in any trouble. So gawin mo na lang ang gusto nya. Layuan mo na habang may oras pa."

Napatitig na lang ako sa kanyang likuran habang pinagmamasdan syang palayo na naglalakad mula sa'kin. Hanggang sa hindi ko na nasundan kung paano sya nawala sa paningin ko.


And honestly, hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko..

Doon pa lang lalong nagsink in sa utak ko ang mga sinabi ni Candid kanina.

Wala akong pakialam sa mga sinabi ni Jonathan. Pero sa mga sinabi ni Candid, hindi ko alam kung bakit hindi ko na makalimutlimutan.

Bakit. Bakit kakaiba sa pakiramdam?

Continue lendo

Você também vai gostar

Something Spectacular De April

Ficção Adolescente

17M 731K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
Cheer Up, Captain De beeyotch

Ficção Adolescente

392K 17.7K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
161K 1.6K 78
Lumaki sa isang mapang-abusong ina si Katrina, sa murang edad ay pinasok niya ang kung anong matinong trabaho na pwedeng pasukan upang makapagtapos l...
1.3M 91.6K 59
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...