ELITES

By MaybeYoungForever

247K 8.6K 2.4K

Her name is Candid, not a typical girl you can mess up with. She was born to get her face hidden behind her m... More

ELITES
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Fourty Four
Fourty Five
Fourty Six
Fourty Seven
Fourty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy
Seventy One
Seventy Two
Seventy Three
Seventy Four
Seventy Five
Seventy Six
Seventy Seven
Seventy Eight
Seventy Nine
Eighty
Eighty One
Eighty Two
Eighty Three
Eighty Four
Eighty Five
END
Eighty Six
Eighty Seven
Eighty Eight
Eighty Nine
Ninety
Ninety One
Chapter Ninety Two
Chapter Ninety Three
Ninety Four
Ninety Five
Ninety Six
Ninety Seven
Ninety Eight
Ninety Nine
One Hundred
Chapter One Hundred One
One Hundred Two

Thirty Seven

2.5K 93 22
By MaybeYoungForever


Candid Alessia Rosales

Hindi ko alam kung bakit minsan, trip kong titigan ang relong suot ko. Hindi naman ako nagchecheck ng oras, pero may mga times na mayat maya ko ‘to tinitignan ng tinitignan kahit hindi  intentionally.

Bakit mukhang hindi ka mapakali? Matapos mong umabsent ng buong isang linggo, atat na atat ka na agad umuwi?” napuna na rin pala ako ni Ellie.

“Hindi. Mannerism ko na talaga ‘to minsan. Hindi ko lang alam kung bakit.” naguguluhang sagot ko.


Madalang lang naman ako kung magkaganito.

“What? You're questioning your mannerism?” Ellie asked with a chuckle. “Natural naman talaga yun sa tao. Unconsciously naman talaga yung nagagawa.”

Ganun ba yun? Pero bakit hindi ko naman lagi ginagawa? Napakadalang nga lang. Hindi ko lang maalala kung tuwing kailan ko ‘to ginagawa.

“Practice natin mamaya ah. Ilang araw kang wala. Kailangan natin maghapit Bes. Hindi basta basta yung gagawin nating presentation para sa VIP's and mga anak nilang trasnferee. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa ng Welcoming Program para sa kanila ih. Mabuti na lang talaga mas humaba pa ang preparation dahil cancel ang ibang flights nila. ” nakanguso nitong reklamo.

“Kaya nga VIP's di’ba?”

“Nakaka-stress kaya. Kahit nitong mga nakaraang araw hindi kami sinasamang dalawa ni Kurt sa meeting ng mga councils, napressured pa rin ako dahil bukod sa mga councils naka-assign sa preparations, isa pa rin ang Music Club sa pinakainaasahan para don. Imagine? Double stress yun Bes! Aykenat na talaga!”

Muling napukaw ng atensyon ko ang sinabi nya.

“Bakit hindi kayo sinasama ni Kurt? Bakit kayong dalawa lang?”

Tinanong ko pa rin kahit may idea na naman ako kung bakit.

Biglang nalungkot ang expression ng mukha ni Ellie.

“Ewan nga ih. Siguro dahil baka nakukulangan sila sa'min? Baka kagaya ng ginawala nila kay Janna, aalisin na rin kami bilang council.” pilit itong ngumiti at tumungo.

Hindi ko magawang magsalita o magpayo sa kanya. Alam kong dahil sa'kin kaya hindi sila sinasama sa meeting nitong mga nakaraan. Hindi ko tuloy maiwasang hindi makonsensya dahil pati sya at si Kurt, nadadamay pa.

“Basta sa practice mamaya ha? Ikaw ang pinakainaabangan ng lahat. Masyado ka nilang iniabangan mula nung pinakaunang performance natin.” nakangiti na nitong saad. Ang bilis nya talaga magpalit ng mood.

Tumango lang ako at tinignan ang kabuan ng HFA. Kasalukuyan kaming nasa field habang nakaupo sa bakal na upuan na narito.

“Tanong lang El.” I paused for a while, habang pinagmamasdan pa rin ang mga estudyanteng nagpapractice ng volleyball sa may mismong open field. “Gaano kalalim ang turing mo sa'king bilang kaibigan?”

Hindi ko man tignan ang reaksyon nya, ramdam kong nagtataka syang nakatingin sa'kin ngayon. Naguguluhan sa random kong tanong.

“Anong klaseng tanong yan Bes? Balak mo ba magdrama?” bahagya nya pa akong tinawanan.

“Basta. Sagutin mo na lang.” I seriously demanded.

“Hmm, syempre malalim na. Hindi ka pa man bumabalik dito sa Laguna, malalim na. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng problema at secrets ko. Totoo ako sa’yo sa lahat ng bagay. Kahit nakakatampo na dahil ako, mukhang kaunti pa lang ang nalalaman ko tungkol sa'yo.”

“Don't worry, tapos ko ng i-type yung sinasabi ko. Send ko na lang sa email mo mamaya.”

“Seryoso ka talaga dyan? Aykenat na Bes huh! Bakit parang kinakabahan ako? Ganun ba kaseryoso ang mga sekreto mo para i-email mo pa?”

“Ganun kahaba ang kwento.” pagtatama ko sa sinabi nya.

Muli akong napabuntong hininga.

“Kapag ba nakagawa ako ng mali, huhusgahan mo ba agad ako? Kaibigan pa rin kaya ang tingin mo sa’kin?"

Hindi agad sya nagsalita kaya tinignan ko na ang reaksyon nya.  Mukhang nawi-weirduhan sya kung bakit ko sya tinatanong ngayon ng ganito. 

“Bakit ba ganyan ka magtanong? May ginawa ka ba?” tumingin ako sa ibang direksyon.

“Sasagutin mo lang.”

Syempre, kaibigan kita kaya bakit kita huhusgahan? Bukod sa ibang taong pwedeng husgahan ka, ako ang isa sa mga taong kaya ka pa ring tanggapin dahil mas kilala kita kaysa sa pagkakakilala nila sa’yo. What friends are for kung sa isang pagkakamali mo lang, iiwanan na kita. Mas higit mo akong kailangan kapag nagkamali ka. Para maitama mo pa sa susunod ang maling yun. Lahat tayo nakakagawa ng mali. We have no rights to judge anyone. Kaya hindi yun rason para magbago ang tingin ko sa'yo. Pwera na lang siguro kung hindi talaga kaibigan ang turing ko sa'yo.” pabiro pa nitong banggit sa huling sinabi nya.

Napailing na lang ako at tumingin sa kanya. Napangiti na lang ako kahit hindi nya nakikita.

“Ibang klase.” komento ko.

“Oh? Touch ka na nun? Proud ka na ba sa best friend mo?” nakangisi sya ng pagkalaki laki habang tinataas baba ang mga kilay nya.

“Hey.” agad kaming napalingon sa nagsalita at sa lalaking papalapit sa’min.

Wala sa sariling napatingin ako sa orasan ko.

“Kanina ko pa kayo hinahanap.” nakangiting banggit nito na deretso ng umupo sa tabi ko.

“Kayo? Sure ka Dwayne? Ang sabihin mo si Candid lang ang hanap mo.” panunukso agad ni Ellie rito.

“Binuko mo naman agad ako.” mas lumapad pa ang pagkakangiti ni Dwayne ng tignan ako. “Oh, bake ulit ni Mommy yan. Cookies naman daw para hindi ka magsawa.”

Paimpit itong ngumiti ng iabot sa’kin ang tupperware na punong puno ng cookies.

“Oy! Oy! Oy! Ano yan ha? Mayroon ba akong dapat malaman na pwede ng hindi i-email? As in now na Bes?” malisyosang napareact si Ellie na may pagtayo at may pamamayawang pang nalalaman habang nakatayo sa harapan namin ni Dwayne.

“OA? Nagbigay lang ng cookies may dapat ng malaman?”

“Oo nga naman Ellie. Gusto mo ba? Marami rami yan baka hindi maubos ni Candid.” natatawa tawang sabi naman ni Dwayne.

“Aykenat! Kunwari ka pa Dwayne. Para kay Candid lang naman talaga yan. Umamin ka nga? May—” 

“Masarap?”

Hindi na nagawa pang magusap ni Ellie ng busalan ko ng isang cookies ng bibig nya. Habang si Dwayne naman, natatawa na lang.

“Supalpal ako don ah. Literal.” she sarcastically reacted and rolled her eyes. Pero kinagat din naman yung cookies na sinubo ko sa kanya. “Woah. This is good!”

“Thanks.”

“Nagabala ka pa para dito.” baling ko naman kay Dwayne.

“Alam mo naman di’ba?” sabay ngiti na naman nya.

“Ay, ako na ang walang alam. Third wheel na lang ako lagi? Ganun?” muling apela ni Ellie.

Supalpal ko na kaya sa kanya lahat ng cookies ng hindi na sya makadaldal pa?

“Pakisabi sa Mommy mo, salamat.”

Pasimple namang ngumiti si Ellie na parang nanunukso.

Hindi ko naman nakakausap at nakakaharap pa talaga ang Mommy nya eh, kaso sabi nitong si Dwayne kwinento nya na daw ako rito. Sinabi nya raw na ako ang buddy nya tungkol sa pagtikim ng mga bine-bake ng Mommy nya.

“Actually..” alanganin syang ngumiti. “She wanted to meet you.”

Agad namang napanganga si Ellie habang nagpapalipat ng tingin sa’min ni Dwayne.

“Aykenat! Anong hindi ko alam!? Hindi ako updated!” eksaheradang tili ni Ellie na parang kilig na kilig kaya napangiwi na lang ako.

“It's not what you think Ellie.” naiilang na natatawa na lang si Dwayne.

“Waaah! Kayo ah? M.U na ba kayo? Getting to know each other? Aminin nyo na! Bakit meet and greet the parents na agad ha? Aykenat!”

“Tumigil ka nga katitili Ellie. Ang sakit mo sa tenga. Isusupalpal ko sa’yo lahat ng cookies eh. Mai-issue na naman ako sa ginagawa mo.”

“Eh kasi naman eh! Sobrang dami mong hindi sinasabi sa’kin!”

Umupo ito sa tabi ko at hiniklas hiklas pa ang braso ko habang nakanguso. Akala nya siguro bagay sa kanya mag-tantrums.

“Palagi ko kasing kinekwento si Candid kay Mommy kaya gusto nyang ma-meet. Saka ayun na nga, natutuwa lang sya na bukod sa’kin may iba ng kumakain ng mga bine-bake nya.” parang nahihiyang pagpapaliwanag ni Dwayne.

“Ahhhh.. Sana all.” mapanuksong nakangiti sa’kin si Ellie kaya sinamaan ko na lang sya ng tingin. “Pero mas curious ako kung bakit ka nya laging kinekwento sa Mommy nya.” pasimpleng bulong sa’kin ni Ellie.

“Maiba ako, noong araw ba na nanggaling si Bad sa inyo Candid, may nangyare ba? I mean, hindi naman ba kayo nagaway? Nagtalo or..”

Nang titigan ko si Dwayne ay nakatingin sya sa’kin na parang may gusto syang iparating ukol sa bagay na hindi nya masabi sa harap ni Ellie.

“Wala naman. Bakit?”

Maliban na lang sa girlfriend-boyfriend thingy na yun. At wala sa plano kong banggitin kahit na kanino. Ultimo kay Ellie.

“Wala naman. Baka nga trip nya lang maglaho.”

“Maglaho? Oo nga pala, mukhang hindi ko nga napapansin si Blaze? Dalawang araw na ata syang wala.” Ellie.

“Three days na actually. And kanina lang umaga nung nalaman namin kung nasaan sya ngayon.”

“Bakit? Ano bang meron kung mawala s’ya?” usisa pang muli ni Ellie.

Muli akong napatingin sa relos na suot ko. Ilang minuto na lang pala kailangan na naming bumalik sa room namin.

Agad na kinuha ni Dwayne at telepono nya. Nakatingin lang kami sa kanya habang nagtatype at scroll doon.

Hanggang sa itapat nya sa amin ang screen ng phone nya.

“Nasa Japan sya ngayon.”

Nakita ko ang litrato ni Blaze na naglalakad sa kalagitnaan ng mga puno ng cherry blossoms. Nakatalikod man sya, alam kong sya ito.

“Anong ginagawa nya dyan?” bakit ba masyadong matanong ‘tong si Ellie.

“Nagfu-foodtrip. casual na sagot ni Dwayne.

Mukha ba syang nagfu-foodtrip dyan sa photo nya? Gumagala lang yan eh. Nagpapakasarap sa buhay at aabsent ng ilang araw para lang maglakwatsa.

Ako nga kahit medyo masakit pa ang katawan ko, pinilit ko ng pumasok dahil mahihirapan akong humabol sa mga lessons pag nagkataon. Ngayon pa nga lang hinahapit ko na ang mga nakaligtaan ko sa buong isang linggo eh.

“Wow. Sana all rich kid.” komento pa ni Ellie.

Hanep naman kasi sya magfoodtrip, sa Japan pa talaga? Palibhasa mayaman, mapagaksaya ng pera.

Noong araw na pinuntahan nya ko, kunwari pa syang concern sa absences ko, number one din naman palang pasimuno.

At least ako umabsent lang dahil valid ang dahilan, eh sya ba?

By the way, ano bang paki ko di’ba?

Dami dami kong komento sa utak ko eh buhay naman nya yun. Kahit umabsent sya ng isang buong taon, pabor pa sa’kin yun.

Ganun kasi yun minsan. Malalaman na lang namin kung nasaan kapag nagpost na sa FB account nya. Hindi naman kasi yun nagpapaalam kapag natitripan nya kung saan magpunta.”

Muli akong napatingin sa FB account nya at sa post nyang naka-public pa. Kitang kita na kung gaano karami ang likes at or reactions pati na rin mga comments. Ganun sya ka-famous? Nakatalikod lang sya sa picture marami na agad reacts?

Sabagay, kahit naman likod lang ang kita sa picture nya, ang gwapo pa rin nya..para sa iba.

Nakatalikod pero bakit ang caption, “Confused.”

“Tara na. Malapit na mag-time.” nakangiting saad ni Dwayne ng itago na ang cellphone nya.

~°~

Kinabukasan.

Kasalukuyan akong nasa parking lot ng head quarters ng Riffles. Katatapos lang mag- report.

Inagahan ko pa talaga ang gising ko para magpunta rito. Nagexcuse pa ako sa klase at half day akong papasok ngayon dahil anong oras na. Masyado na akong late sa pangumagang klase.

Kanina pa ako tahimik na nakatayo dito habang nakapamayawang sa harapan ng isang Ducati 899.

Nalilito.

Napapailing.

Tama ba talaga ‘to?

“Matagal mo na yang gusto di’ba?” agad akong napatingin sa nagsalita.

Mabagal itong humahakbang habang papalapit sa’kin.

Minangutan ko lang sya. Wala akong panahon makipagbaliwan sa kanya ngayon.

“Eyyyy..”

Tinapik tapik nya ito ng lapitan nya ito kaya agad kong pinalo ang kamay nya.

“Grabe, iba ka talaga magmahal ano? Ayaw magasgasan?” tatawa tawa itong nangaasar.

“What do you need?” malamig ko syang tinignan.

“Aw. Sorry. Empress na nga pala ang dapat kong itawag sa’yo ngayon. Parang kailan lang, parehas pa lang tayong trainee.” he stated, parang batang nagpapacute. Hindi naman bagay.

“Kung nandito ka lang para asarin ako, makakaalis kana.”

“Ay, grabe sya.” maloko syang nakangiti habang tinitignan ako.

I rolled my eyes. Alam kong hindi sya lumapit sa'kin para sa wala.

“Empress, ipagpaumanhin mo pero sa ayaw mo at sa gusto, simula ngayon magsasawa kana sa napakagwapong pagmumukhang ‘to.” pinatunog nya ang kanyang dila sabay kindat sa’kin.

Feel na feel nya talaga na gwapo "daw" sya. Samantalang sya lang ang nakakaalam na gwapo sya.

“What do you mean?”

“It's for you to find out.” he gave me a wicked smile. “Gusto ko sanang makaiangkas, kaso naisip kong masyado yung malabo lalo sa isang maganda ngunit masungit na Empress kagaya mo.”

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

Binobola na naman nya ako kahit alam naman nyang hindi ako madadala sa mga ganun nya.

“Oops. Don't be mad okay? Hands up. Hindi ako nangti-trigger.” natatawa nitong itinaas ang dalawang kamay. Wala pa naman akong sinasabi.

“Makakaalis ka na.” I said with a cold voice.

Bahagyang nagseryoso na ang mukha nya at maayos na tumayo sa harap ko.

“This young man in front of you will be reporting for duty as your personal mission and occasionally buddy from now on Empress.” buong galang at seryoso nitong saad habang deretsang nakatingin sa mga mata ko. Saka saglit na yumukod sa harap ko.

Bahagya akong napanganga sa sinabi nya.

“Seryoso ka ba dyan?”

Sana mali ang iniisip ko.

“Don't worry Empres, hindi ka maiilang, pangako yan. Tawagin mo lang ako, at makakasigurado kang darating ako.” muli nyang pinatunog  ang dila nya saka malapad na ngumiti.

Bakit ba ang hilig nyang gumanun? Nakakairita.

“Hindi ko kailangan ng body guard." Kalmadong giit ko.

“Correction, hindi ako body guard Empress. Alam ko namang kaya mo ang sarili mo. Sumusunod lang ako sa utos ng Head.ang laki ng pagkakangiti nya, nakakairita na.

Hindi ako makapaniwala. Nakakainis! Bakit kailangan pa ng ganito?

“For the meantime, pwede ka ng maunang umuwi Empress.” magalang na pagdidiin nya sa salitang Empress habang nakangiti.

“At susunod ka hindi ba?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

Ngumisi lang sya ng pagkakalaki kaya lalo akong nairita.

“See you again, Empress.”

Pagbitaw na pagbitaw pa lang nya ng mga salitang yun, alam kong may nais na syang iparating. May ipinapahiwatig ang mga ngiting yun, alam ko.

Okay naman kaming dalawa kahit parati syang nakakairita. Madalas nya akong asarin pero alam kong okay kaming dalawa. Pero ngayong inatasan sya ng Head na may kinalaman sa’kin, alam kong hindi ko dapat balewalain yun.

Hindi ako dapat mapalagay na okay talaga kaming dalawa.

Ang hindi ko lang maintindihan, bakit kailangan pang bigyan ako ng head ng kagaya nya? I can manage myself! Bakit pati sya pa?

Ganoon ba sila kawalang tiwala sa'kin?

O baka naman may pinaplano na naman silang hindi sinasabi sa amin ni Kurt?

~°~

“Zup!” bahagya akong nagulat ng biglang sumulpot sa tabi ko si Dwayne.

Kapapasok ko lang at papunta ako sa library para doon magpalipas ng oras. Saktong time na ako papasok sa room. Lunch break pa naman nilang lahat.

Buhay half day.

“Bakit ngayon ka lang pumasok?" Tanong nya habang sumasabay ng paglakad.

“May ginawa lang akong importante." Sagot ko sa kanya. “Pabalik ka na agad sa room?"

“Hindi. Papunta akong library.” he smiled awkwardly.

“Iisipin ko na lang na coincidence.” bigla naman syang natawa sa sinabi ko.

Sumabay nga sya sa’kin papunta sa library. Noong una, random lang sya kung magkwento ng kung ano ano. Pero ilang saglit pa ay binuksan nyang muli ang isang topic na hindi ko sana gustong pagusapan muna.

“Wala pa rin akong lead sa kanya. Mukhang nagpapalamig.” seryoso nitong saad na kunwari ay nagbabasa ng libro.

Kapwa kami may hawak na libro pero ako lang ang totoong nagbabasa sa aming dalawa. Buti na lang may naiintindihan pa rin ako sa binabasa ko kahit nagkekwento at nagsasalita sya.

“Ako na ang bahalang umalam Dwayne. Hindi mo kailangang gawin ‘to para sa’kin.” sabi ko ng hindi nagaangat ng tingin sa kanya. Sa libro lang ako nakatingin at patuloy pa ring nagbabasa.

“Hindi ko ‘to ginagawa para lang sa'yo kung yan ang iniisip mo Candid. Ginagawa ko rin ‘to bilang pambawi sa sarili ko. Pambawi sa pananahimik ko. At oras na malaman ko na kung sino talaga yun, umasa kang makakamit na ni Jewel ang hustisyang naipagkait ko sa kanya.”

Agad akong luminga linga sa paligid. Baka may makarinig sa sinasabi nya.

Kunot noo akong bumaling sa kanya. Halata sa itsura nya na nai-stress sya sa mga nangyayare.

“Hindi ka ba talaga natatakot para sa sarili mo ha?”

Bahagya syang napaatras sa upuan dahil sa tanong ko. Doon ko narealize na parang napataas ang tono ko.

“Don't get me wrong Dwayne. Pero masyado ‘tong seryoso. Nakita ng dalawang mata mo ang kaya nyang gawin. Paano kung gawin nya rin sa’yo? Hindi mo ba naiisip yun?”

Hindi agad sya umimik sa sinabi ko. Hindi sya gumalaw habang nakatitig lang sa'kin. Ilang saglit pa at tipid syang ngumiti.

“Masaya akong malaman na nagaalala ka para sa’kin.”

Natigilan ako sa sinabi nya.

Nagaalala nga ba ako sa kanya?

“Itigil mo na ‘to Dwayne. Ako na. Ako na lang ang bahalang umalam.”

“Tapos ikaw naman ang mapapahamak? Hindi rin ako papayag. Napapaisip na nga ako kung lalapit na ako sa mga police. Siguro sila ang mas nakakaalam kung ano mas dapat gawin.”

Napatitig ako sa kanya saglit.


Pwede sana yun, pero may pakiramdam ako hindi magiging ganun kasimple yun.

“Hindi sa lahat ng oras, pwede mo na ring ipagkatiwala sa batas ang mga bagay bagay.”

Hindi ko alam kung bakit bigla kong nasabi yun. Pero malakas ang kutob ko na sa pagkakataong ito, hindi agad agad yun ang magiging sagot sa isipin namin.

Sakto paano na lang kung mas lalo syang mapapahamak pag ginawa nya agad yun?

“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong nya.

“Hindi ko rin alam Dwayne. Pero kung magsusumbong ka sa mga police na hindi mo alam kung sa papaanong paraan mo sya ituturo, mahaba haba pang proseso. Baka habang gumugulong ang imbestigasyon, malaman na ng suspect na ikaw ang nagsumbong sa mga police. Mas lalong delikado.”

“At muntik ko ng makalimutan na malalagay ka rin sa alanganin.” bahagyang nalungkot ang boses nya.

“Hindi yun sa ganun Dwayne. Malakas ang kutob ko na hindi basta basta ang taong tinutukoy natin dito. Sigurado ako na hindi nya ginawa yun kay Jewel dahil sa isang mabigat na dahilan. Kung tama ang hinala ko, sinasadya nyang gumawa ng iba’t ibang krimen sa HFA. At kung ano man ang dahilan nya para gawin yun at para magpanggap pa na ako, yun ang aalamin ko.”

“Kung pagsabihan mo akong posible akong mapahamak parang hindi ka rin mapapahamak kung ikaw ang maghahanap. Wala yung pinagkaiba Candid. Saka isa pa, lalaki ako. Kakayanin ko yun. Ikaw ang inaalala ko, babae ka at mas hindi kakayanin ko ng konsensya ko kapag may nangyare sa’yong masama."

Bahagya akong napaayos ng upo habang nakatingin sa kanya.

Hindi mo pa ako kilala Dwayne.

Malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman ako sa gulo na ‘to. Hindi man ako ang may kagagawan sa ilang gulo, alam kong may kinalaman pa rin sa’kin dahil hindi naman magpapanggap ang kung sino mang yun na ako kung wala.

Ilang sagllit pa ay sabay na kaming naglakad ni Dwayne papunta sa building namin. Pinagtitinginan na naman kami ng ilan sa mga schoolmates namin pero hindi ko na lang pinapansin. Nasanay na akong palagi silang may issue sa’kin.

Bahagya akong natigilan pero mabilis ring nakabawi ng makitang makakasalubong namin si Bad.

Nandito na pala sya.

Pacool lamang itong naglalakad habang nakalagay ang mga kamay sa kanyang bulsa. Saglit nya akong tinapunan ng tamad at malamig na pagkakatangin at matapos nun ay inilihis na ang paningin nya.

Aktong babatiin sya ni Dwayne ng derederetso lang itong naglakad at parang hanging nilagpasan lang kami. Ni hindi kami tinapunan man lang mg tingin.

“Anong nangyare dun?” habol tingin na tanong ni Dwayne.

Nagkibit balikat lang ako.

Okay naman kami nung huling beses di’ba?

Papalapit na kami sa building namin ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Kinuha ko muna saglit ito sa coat ng uniform ko at binasa habang naglalakad ang bagong text message na katatanggap ko lang.

From: +639******

Watch your steps Candid. Who knows, your last step will be your last breath. :D”

It's been a while simula ng magtext ang unknown number na ito.

Napahigpit ang kapit ko sa cellphone ko at nagpalinga linga sa paligid ko. Ramdam na ramdam ko, may mga matang nakamasid sa'kin dito mismo sa kinakatayuan ko. Pero wala akong ibang makita, kundi mga estudyanteng casual lang na naglalakad sa field, papasok ng mga building nila at mga labas pasok sa Cafeteria.

        Alam kong isa lang ito sa threat na matatatanggap ko ngayong ako na ang pumalit sa former Empress. Aware naman ako sa panibagong gulong pinasok ko. Pero alam ko rin na hindi pa man ako Empress, may tila nagbabanta na sa akin at ito pa ring nagtext na ito ang dati pa talagang nagtetext sa’kin.

       "CANDID!"

       Bago pa man ako tuluyang lumingon sa dalawang magkaibang boses na sumigaw ng pangalan ko, pakiramdam ko naging mabilis ang lahat. Sa isang iglap, namalayan ko na lang na nakahiga na ako sa semento habang nakakulong sa bisig ng kung sino mang lalaking ito.

      "Shit." He murmured.

       At doon ko napagtanto kung sino ang lalaking nagligtas sa'kin mula sa bangkong nahulog—mali, hinulog mula sa pinakarooftop ng building namin.

       Agad kong nakita si Dwayne na dali daling tumakbo pataas ng hagdan. Mukhang doon sya pupunta kung saan may nanadyang bagsakan ako ng bangko.

Tinignan ko lang ang bakal na bangkong nasa paanan lang namin ngayon ni Blaze at medyo napatingala ako. Ni anino ng taong gumawa non, wala akong nakita.

       "Are you alright?"  Humahangos nitong tanong kaya napabaling na ang paningin ko sa kanya.

        Hindi ako makasagot. Hindi dahil sa schock o takot, iniisip ko lang kung sino ang gumawa non. Mahigpit ang security ng HFA at walang ibang nakakapasok dito basta basta lalo kung hindi estudyante o napasok mismo dito.

       Kaya posibleng nandito lang ang gumawa nun!

       Nakarinig ako ng iilang bulungan. Unti unti, may mga estudyante ng pumapalibot sa'min at nakikiisyoso kung anong nangyare.

Hindi ako makagalaw sa higpit ng kapit nya.

      "I'll bring you to the clinic." Madiin na saad ni Blaze at nagulat na lang ako sa sunod na ginawa nya.

      "Blaze! Ibaba mo nga ako! Okay lang ako!" Pinagpapalo ko sya sa balikat at pumiglas pero binalewala nya lang ito.

       "Shut up Scholar." Matigas at madiin na pagkakasabi nya.

Napatameme ako ng bahagya habang nakatingin lang sa mukha nya. Masyadong seryoso.

       S’ya pa tong galit sa lagay na to? Eh napapahiya ako dahil sa ginagawa nya eh. Sukat ba namang buhatin ako ala bridal style? Hindi naman ako nalumpo eh!

Saka isa pa, hindi ba sya itong nang-snob kanina? Tapos sya pa itong galit ngayon?

“Pwede ba, hindi ako nalumpo. Ibaba mo ako at nakakahiya ‘tong ginagawa mo.” muli kong sabi sa kanya sa mababang tono ng hindi sya tinitignan.

Sumigaw na ako kanina pero hindi pa rin sya natinag. Ayaw ko na ulit sumigaw lalo kung hindi pa rin nya ako pakikinggan.

Bahagya akong pumalag at aktong papalag pa sana ng husto para mabitawan na nya ako ng magsalita sya ulit.

“Huwag mo akong ipahiya. Hindi ko rin nagugustuhan ang ginagawa ko.” malamig na tono nito habang deretso lamg ang tingin sa daan.

Natigilan na lang ako.

Hindi pala gusto eh bakit kailangang gawin? Nakakalakad naman ako!

       Pinagtitinginan na kami ng lahat ng estudyanteng nakasaksi at  lalo pa silang nagbulungan habang linalagpasan namin sila patungong clinic.

Ngunit lalo lang akong hindi nakaalma sa ginagawang pagbuhat sa’kin ni Blaze ng may dalawang pares ng mata ang nakita ko sa di kalayuan.

Doon napatuon ang atensyon ko at hindi ko alam kung magugulat ba ako. Hindi ko kailangang magulat kung bakit sya narito at nakamasid sa’kin, ang kinagulat ko ay kung bakit nakasuot na sya ng uniporme ng HFA.

Kaiisip ng mga posibleng dahilan, namalayan ko na lang na nasa clinic na ako ng marahan akong binitawan ni Blaze sa isa sa mga bed dito sa clinic.

Doon ako napatingin sa paanan ko. May galos at sugat nga ako roon na hindi ko siguro agad napansin at naramdaman dahil preoccupied ang utak ko.

Agad akong napangiwi sa boses ni Ellie na agad agad nakasunod dito sa clinic. Ang sakit sa tenga ng tili nya na talagang pinambungad nya talaga pagkapasok palang ng clinic.

“Waaaaaaa! KENATBI BES! WHAT HAPPENED TO YOU!!? WAAA! DON'T LEAVE US BES! KAPIT KA LANG PLEASE! DI BA SABI MO--"

        "F*ck! You're voice was irritating!  Will you shut up your f*cking mouth!?" Blaze yelled at parang natahimik bigla si Ellie at napapout na lang ng tuluyang makalapit sa'kin.

   
   Napaka-OA naman kase. Kita ng mulat na mulat ako, may pa "dont leave us,dont leave us" pang nalalaman.

        "Don't dare to escape this room.” napataas na lang ang kilay ko ng ako naman ang balingan ni Blaze.

Kung pagsabihan ako akala mo batang paslit ako!

      "You." Baling naman nya kay Ellie."If you don't want to die, stay here. Bantayan mo yang kaibigan mong matigas ang ulo. Hanapin ko lang yung galang nurse dito."

Ang sungit naman ata masyado ng lalaking ‘to ngayon. Sana hindi na lang nya ako dinala rito kung gagaspangan lang pala ng ugali nya ang ipapakita nya.

        "Opo boss!" Sarkastikang sagot ni Ellie at lumapit na sa'kin habang si Blaze naman eh tuluyan ng lumabas ng clinic.

Pero agad kong napansin ang paikaikang lakad nito habang papalabas.

Hindi kaya sya ang nabagsakan sa paa kanina?

”Okay ka lang? Anong masakit sa’yo? Tell me! Tell me!” malakas nyang niyuyugyog ang balikat ko habang tinitignan ako kung saan saang parte ng katawan ko.

“Bitiwan mo nga ako Ellie. Mababalian ako ng balikat sa ginagawa mo.” palag ko sa kanya kaya agad naman nya akong binitawan.

Alalang alala itong nakatingin sa’kin habang parang batang maiiyak.

“Mukha kang batang inagawan ng candy. Huwag kang OA dahil hindi pa naman ako mamamatay.” sabay ismid ko sa kanya.

“Don't tell me may kinalaman ito doon sa kwinento mo sa email—”

Agad kong binusalan ang bibig nya ng nahagilap kong tissue sa tabi ng kama.

“Yuck! Ano ba Bes!" Nakangiwi nitong tinanggal sa bibig nya ang tissue.

Pasimple ko syang sinamaan ng tingin. Mamaya may makarinig sa kanya. Derederetso pa man din sya kung magsalita.

Magsasalita pa sana syang muli ng may pumasok muli ng clinic.

Agad kaming nagkatinginan ni Ellie.


“C.A.” alanganin itong ngumiti.

Tila hindi nya alam kung anong unang sasabihin nya.

“Oh? Magsusungit ka rin ba dito?” parang ewan si Ellie, sya nga itong nagsusungit ngayon kay Axle.

I can't blame her, nakwento ko naman kasi kung anong ginawa sa’kin ni Axle nung nakaraan.

“N-No. I'm just here to check if you're okay.” nahihiya pa rin nitong banggit.

“Buhay pa sya. Makakaalis ka na.”

“El.” sinaway ko si Ellie sa pamamagitan ng tingin sa kanya.

“Okay lang ako.” baling ko naman kay Axle.

“Actually, gusto kong magsorry doon sa mga nagawa ko nung nakaraan C.A. I'm really really Sorry. Aminado naman ako, naging bitter ako sa rejection mo. But now, I think mas tanggap ko na. I'm trying to move on.” mapakla itong ngumiti.

“Taray. Nagmomove on kahit hindi naging sila.” pasaring muli ni Ellie kaya sinamaan ko na sya ng tingin.

“Hindi naman bawal sa batas yun di’ba?” biro pa ni Axle. Mukhang nakakabwelo na sya at nawawala na ang pagkailang.

“Hindi nga. Ampalaya ka lang talaga.”

“Stop it Ellie. Hindi nagpunta dito yung tao para makipagaway sa’yo.”

“Di umano.” nangunot ang noo ko sa mga pinagsasasabi ni Ellie. Sya itong mas affected eh.

“It's okay C.A. Besides, malaki talaga atraso ko. Hayaan mo, babawi ako. Hindi na rin kita kukulitin. Tanggap ko na namang wala talaga akong pagasa sa’yo. Basta sabihan mo lang ako agad kapag nagbago ang isip mo.” he chuckled.

“Sus Axle. Palibhasa marami ka na ulit babae.”

“Hindi porke maraming babae, marami na ring gusto.” makahulugang sagot nito habang malokong nakangiti.

“Sinukuan mo na nga agad ang bestfriend ko eh.”

“Hindi ako sumuko, nag-give way lang ako.”

Napatitig ako sa mukha nya.

Hindi ba at sa kanilang apat, sya ang pinakaselfish sabi ni Dwayne? Ayaw na ayaw raw nito ng inaagawan o binibigay ang kahit na anong bagay na gusto nya. Ganun sya kataas ang ego nya.

“Ehem, parang alam ko na kung kanino.” Ellie. Painosente pa akong nginisihan nito pero ang totoo, nanunukso na naman ang mga tingin nya.

“Pero oras na masayang ang paggi-give way ko, haharang ulit ako." Sabay ngisi nito kay Ellie bago ako balingan ng tingin.

“Si Dwayne ba, nakita mo Axe?” pagiiba ko ng usapan.

“Kita mo na, kararating ko lang iba na agad ang hinahanap.” naiiling na reaksyon ni Axle na natawa na lang.

Si Dwayne, ano na kayang nangyare sa isang yun? Tumakbo sya kanina para pumunta sa taas ng building para siguro hanapin ang umawa sa’kin nito. Paano na lang kung nakaharap nya ang taong yun?

“Sorry Axe. Tanggapin mo na lang ang katotohanang si Dwayne ang hinahanap kahit ikaw ang narito.” sabay tawa naman ni Ellie na inaasar na si Axle.

Bahagyang tumipid ang ngiti ni Axle.

Ang insensitive ni Ellie, totoo lang.

“Oh?" Napabaling naman bigla ang atensyon ni Ellie sa bintana. “Teka? Saan pupunta yun? Akala ko babalik pa dito?" naguguluhang tanong ni Ellie ng tapunan ako ng tingin at muling magbalik tingin sa bintana.

“Sino?” tanong ko.

“Si Blaze.”

Tumingin na rin ako sa bintana, pero wala na syang bakas doon.

Kung tama akong paikaika syang maglakad dahil sa nangyare kanina, hindi ba dapat sya ang nakahiga at nagpapagamot rito sa clinic?

Anong arte na naman yan Blaze?

Ilang saglit pa ay pumasok na ang Nurse at tinignan na rin ang lagay ko. Si Axle naman ay nauna na ring umalis dahil may gagawin pa raw sila ng mga Elites.

“El, can I ask. May bago ba tayong student or transfer dito sa HFA?”

Hindi ko na natiis at tinanong ko na rin sa kanya.

Maaaring namalikmata lang ako, pero hindi ko maiwasang isipin na malaki ang posibilidad na totoo.

“Ahm..” nagiisip syang natigilan. “Ang alam ko meron pero magiisang linggo na mula ng pumasok yun eh.Sa 4B na sya napalagay kasi puno na sa’tin. ”

Hindi naman siguro tama ang kutob ko. Sana mali ako.

“Sino?"

Tinignan ako ni Ellie na parang nagtataka kung bakit ako nagtatanong.

“Tan...ano nga yun? Ah ayun! Jonathan Selga.”

That's bullsh*t.

“Bakit? Knows mo Bes?”

This is insane.

Napailing na lang ako sa inis.

Naging excuse ako sa magkasunod na dalawang klase kahit hindi naman ako na-injured. Utos daw ng President.

Hindi na lang ako umalma. Pero hindi ko maiwasang isipin na dapat sya ang nagpaclinic. Mukhang paa nya ang injured at hindi ako.

Habang naglalakad ay makakasalubong ko sana sa pasilyo si Michelle pero ng makita nya ako, agad itong lumihis ng daan.

Balak ko sana syang komprontahin dahil alam kong sya ang nagsend ng video kay Yuri, pero sa ibang raw na lang dahil masyado akong maraming iniisip sa ngayon.

Kanina ko pa hinahanap si Tan pero sadyang mailap ang loko. Alam nya sigurong tinutunton ko sya.

Mabilis akong napatigil sa paglakad ng may humarang sa daraanan ko.

Hindi sya nagsalita, sa halip ay sa pamamagitan ng mga tingin nya ako kinausap. Bahagya syang yumukod ng kaunti sa harapan ko bilang paggalang.

“Sinong nagsabi sa’yong harangan ang dinaraanan ko?” tanong ko sa kanya ng hindi sya tinitignan.

Lalo ko lang hindi mahahagilap si Tan sa ginagawa nya.

“May mensaheng pinapabatid si Miss Lily.”

Doon ako napatingin sa kanya.

Seryoso nya akong tinitigan deretso sa mga mata ko.

“Pinapabatid nyang huwag kang gagawa ng kahit anong hakbang na magpapagulo lalo ng sitwasyon.”

Anong ibig sabihing huwag gagawa ng hakbang?

Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

“At kung ano lang daw ang dahilan kung bakit ka narito, yun lamang ang gawin mo ng hindi mapalagay sa alanganin ang bagong karangalang nakuha mo.”

Muli syang yumukod ng bahagya bago tuluyang umalis sa harapan ko. Habang ako naman ay naiwang nakatayo lamang at hindi gumalaw sa kinakatayuan ko.

Jayvion.”

Tawag ko rito. Hindi ko man sya harapin at tignan ay alam kong tumigil sya sa paglakad palayo sa likuran ko.

“Pakisabi kay Miss Lily, hindi ko itinaya ang buhay ko para lang sa sariling layunin nyo.” nasabi ko na lamang habang nakatingin lang ang side ng mga mata ko sa gilid ko.

At ako na ang unang naglakad palayo sa kanya.

Pareparehas lang kaming gustong mabuhay ng maayos at ligtas. Simple at payapa. Hindi ko sinugal ang buhay ko para lang sa wala. Hindi ko inintensyong makuha ang kahit na ano mang pwesto sa samahan nila. Sila itong gumawa ng hakbang para ilagay ako sa lugar na hindi ko naman pinangarap makuha.

Para lang tuloy nilang hinasa ang kutsilyong mismong papatay sa kanila.

Out of nowhere, muli kong inilibot ang paningin ko sa buong school. Kusang napatigil ang paningin ko sa kabilang building. At unti unti akong napatingala sa pinakatuktok nito ng may maramdaman akong tila may nakamasid sa bawat galaw ko.

At hindi nga ako nagkamali.

Napatitig ako sa rooftop ng building na iyon ng tumunog ang cellphone ko. Hudyat na may tumatawag.

Hindi ko inabala ang sarili kong alisin ang tingin sa taong nakatayo sa pinakarooftop ng sagutin ko ang tawag ng hindi tinitignan ang caller.

“Balita ko excited ka na daw makilala ako? Baka gusto mo munang...makipaglaro?”

Malakas na tawa ang sunod na narinig ko mula sa kabilang linya. Tawang lalong nagpapikon sa'kin dahil tunog nababaliw na demonyo ito dahil sa voice changer na ginamit nito.

Lalo kong idiniin ang paningin sa taong nasa rooftop ng hindi inaalis ang telepono sa tainga ko.

Sigurado akong ang tumatawag at ang taong nasa rooftop ay iisa.


May suot  tong itim na scarf kayat taklob na taklob ang kanyang mukha. Inililipad rin ng malakas na hangin sa taas ang itim na kapang suot nito at sa ilalim nito ay ang pambabaeng uniporme ng HFA.

“Makikipaglaro ka? Sige, basta huwag lang tagutaguan dahil sinisigurado ko sa’yong mahahanap at mahahanap kita.” matapang na tugon ko na sinundan nya agad ng malakas na tawa.


“Sige ba. Basta walang iyakan huh?” mapanuya itong tumawa bago tuluyang ibaba ang tawag.

Sa tanang buhay ko, ngayonng ako nakatagpo ng taong nakapagpapikon sa’kin ng husto.

Damn! Bakit mukhang ako talaga ang pakay at pinaglalaruan nya at hindi ang mga taga HFA!?

Continue Reading

You'll Also Like

234K 8.6K 80
Worst Section [Fire #3] "Na protektahan nyo nga ako.. na protektahan nyo ba sya?" "Nasaktan sya na nag sinungaling kayo sakanya.. at napagod sya sayo...
17.2K 752 17
Eighteen-year old, Maxine Drew is in search for the real reason why her dad died eight years ago. As she begins her journey, she bumps into Seth, a g...
455K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
104K 3.8K 55
Isang kilalang paaralan sa bansa dahil sa magandang kalidad ng kanilang sistema ng edukasyon at dahil sa kanilang Special Class na tinitingala ng lah...