Polar Opposites

By JellOfAllTrades

327K 12.9K 1.3K

Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilip... More

Polar Opposites (GirlXGirl)
Meet the Negative
Think Positive
The Alexandrian Effect
AC/DC
The Chemical Reaction
Sound Wave
Miscalculation
Electrostatic Attraction
Continental Drift
Background Check
Living Improbability
Interstellar Activity
Possibilities
The Neutral Polarity
The Nilaga Agreement
Alec's Chrysalis
Schrodinger's Cat
Polar Shift
Red Joker
Home Treatment
Imperial Confession
Origami
Fire and Blood
Boundaries
Genetic Mutation
A Ballad for the Broken
Last Digit
Out-of-Body Experience
Ice Cream Infinities
Lightning Struck
Camellia Sinensis
Broken Treaties
Genealogy
Opera Seria
Missing Persons
All Senses
Acknowledged Existence
Projections
Epilogue: A Moment in Time
Author's Note

Phobias

11.3K 469 36
By JellOfAllTrades

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 8
Phobias

Nananahimik ako sa upuan ko, binabasa ang mga isinagot ko sa quiz nang makaramdam ako ng parang may nakatingin sa akin. Nilingon ko si Alec sa tabi ko at nakitang nakahalumbaba siya at nakatingin sa akin na tila inaantok.

Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagscan ng sagot ko. Nang may makitang pagkakamali sa solution ko ng chemical reactions ay pinalitan ko ito.

Nang matapos ako sa pagsusulat ay napatingin ulit ako sa gawi ni Alec. Ganoon pa rin ang pwesto niya, nakatingin sa akin at nakahalumbaba pero sa isang kamay niya ay pinaglalaruan na niya yung panulat niya.

Tinaasan ko siya ng kilay kasi kanina pa siya nakatingin sa akin. Ngumiti lang siya at kumindat sa akin.

Napakunot ang noo ko sa ginawa niya. Ano na naman bang trip ng babaeng ito? Kung inaakala niyang kikiligin ako sa pakindat-kindat niya. Aba, baka gusto niyang tusukin ko yung violet eyes niya!

Ibinalik ko ang tingin ko sa papel ko kasi baka mahuli kami ni mam na nagtitinginan. Baka sabihin pa niya nagkokopyahan kami ni Alec.

Siguro nakailang minuto na rin ang lumilipas pero dama ko pa rin na nakatingin si Alec sa akin. Hinayaan ko lang siya hanggang sa ilang minuto pa ang lumipas at dama ko pa rin ang tingin niya. Galit na nilingon ko si Alec at pabulong na tinanong siya, "May kailangan ka ba sa akin?"

"Wala naman," Iling niya at pabulong din na sumagot sa akin.

"Eh bakit mo ako tinititigan?"

Pero bago pa siya makasagot ay biglang may tumapik sa balikat naming dalawa.

"Ms. Jaranilla and Ms. Imperial, ilang beses ko bang sinabi kanina na no talking during the test?" Sita sa amin ng professor namin.

"Eh mam, kanina pa po kasi ako tinititigan ni Alec!" Angal ko naman. "Sinasabihan ko lang po kasi baka nangongopya na pala sa akin!"

"Ano namang kokopyahin ko sa'yo, Sophie? Yung sagot mong mali mali?" Bawi naman ni Alec.

"Eh bakit ka nakatitig sa akin?"

"Bakit, kailan pa ipinagbawal na tumingin ako sa'yo?"

"Tingin ba 'yon? Eh titig kaya yung ginagawa mo!"

"Stop it, both of you!" Saway ni mam sa aming dalawa.

Napayuko ako sa kahihiyan. Ito naman kasing si Alec eh! Manggugulo na lang, idadamay pa ako!

"Alam niyo, sawang sawa na ako sainyong dalawa.  Hindi ako makapagturo ng maayos dahil sa inyo!" Naiinis na sabi ni mam sa amin. "Ikaw Imperial, presensya mo pa lang sa classroom ko, natatakot na ang buong klase. Walang gustong magsalita tuwing recitation kasi baka magkamali sila at pagtripan mo. Ikaw naman Jaranilla, sumasagot ka nga sa klase pero kapag nagsalita na si Imperial hindi ka nagpapatalo at ipinaglalaban mo ang side mo. Palagi na lang kayong nagdedebate sa klase ko!"

"Sorry po," Mahina kong sagot.

"Tsk." Umiwas lang naman ng tingin si Alec.

"Give me your papers," Biglang sabi ni mam.

"Po?!" Nataranta bigla ako. Hindi pa tapos ang oras ng klase at hindi pa ako siguradong tama lahat ng naisagot ko.

"I said give me your papers." Ulit ni mam at siya na mismo ang kumuha ng papel namin ni Alec. "Both of you, go to the Discipline Office."

"Teka mam, wala naman po--!" Aangal pa sana ako pero tinigilan ako ni mam.

"Walang teka teka, Ms. Jaranilla. Tumayo na kayo ni Imperial at pumunta sa DO."

Tiningnan ko ng masama si Alec. Kasalanan niya ito. Kung hindi niya ako tinititigan kanina ay hindi kami papupuntahin ni mam sa Discipline Office. Kinuha ko na yung bag ko at lumabas ng classroom. Sumunod din naman agad sa akin si Alec.

Mabilis akong naglakad papuntang DO. Ayokong makasama yung bwisit na yun. Magkakarecord tuloy ako dahil sa kanya.

"Nagmamadali ka ata, Sophie?" Sabi ni Alec mula sa likuran ko. "Excited na magkarecord?"

Nilingon ko siya. "Hindi ako excited. Ayaw lang kita makasabay sa paglalakad."

Iniwan ko na siya at mabilis na tinungo yung DO. Pagkarating ko doon ay nadatnan kong nageencode ang Discipline officer. Lumingon siya sa akin nang matapos sa ginagawa.

"Yes?"

"Umm..pinapunta po ako dito ni Ms. Perez." Kinakabahan kong sabi.

"Bakit? Anong ginawa mo?"

Bago pa ako makasagot na wala naman talaga akong ginawang masama at napagtripan lang ako ni Alec ay bumukas ang pinto sa tabi ko at pumasok ang nasabing genius.

Nginitian niya ang officer. "Hi ate Grace. Long time no see."

"Ay nako, Imperial. Ano na naman bang ginawa mo?" Napailing na sabi ng officer na tinawag niyang ate Grace.

"Nairita si Ms. Perez sa intellectual debates namin ni Sophie sa klase niya kaya pinapunta niya kami dito." Kibit balikat ni Alec. "Hindi siguro maabot yung level ng talino namin ni Sophie, nainsecure."

Nanlaki ang mga mata ko sa  pangiinsulto ni Alec sa isang professor sa harap mismo ng discipline officer. At lalo pa akong nagulat nang maintindihan ko yung huli niyang sinabi. Kinoconsider na ba niya akong kalevel sa talino?!

"Wag kang umasa na magkasing talino na tayo, Sophie. Mas matalino pa rin ako sayo." Ngisi ni Alec sa direksyon ko.

Gusto ko siyang sampalin kasi ang yabang yabang niya talaga kahit kailan pero tumikhim si Ate Grace at napatingin ako sa kanya.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Alec. Ilang beses ba kitang sasabihan bago mo maintindihan na dapat mong respetuhin ang faculty and staff ng university?"

Nagkibit balikat lang si Alec at tumingin sa labas ng bintana. Nawalan na naman siya ng ganang makinig.

Tiningnan naman ako ni Ate Grace na tila nagiisip kung anong gagawin sa akin.

"First time mo dito ano?" Tanong niya sa akin.

Tumungo ako.

"Wala ka pang record?"

"Wala pa po."

Tumungo siya at may kinuhang flyer sa desk niya. Inabot niya sa akin iyon.

"Samahan mo na lang si Alec sa seminar na yan about Respect."

Napalingon sa amin si Alec. "Anong seminar?"

"Respect, love and fear."Sagot ni ate Grace. "Sa Sabado na yan, whole day."

"May laro ako sa Sabado." Walang ganang sagot ni Alec.

"Well, I'll tell your coach na hindi ka makakapunta."

"Hindi pwede!" Angal agad ni Alec. "Kailangan ko maglaro sa Sabado!"

"It's that o matatanggal ka sa tennis team, Alec." Tinanggal ni ate Grace ang eyeglasses niya para makita ng mas maayos si Alec. "Masyado ka nang maraming violations para hindi ko gawan ng aksyon. Kailangan mong pumunta sa seminar."

"Pero ate Grace--"

"Wag ka na umangal. Mabuti pa nga't pinapapunta lang kita sa seminar kasama itong kaibigan mo. Mas gugustuhin mo bang magcommunity service?"

"Hindi ko siya kaibigan!" Sabi ni Alec. Aba, siya pa talaga ang may ganang umangal eh ako yung naagrabyado dito!

"Well, you two have plenty of time on Saturday to talk. Pagkatapos ng seminar for sure, friends na kayo ni--?"

"Sophie po. Sophie Jaranilla."

"--ni Sophie." Ngiti ni ate Grace. "Oh, sign up na kayo dito."

Pinapirma kami ni Ate Grace sa registration at hinayaan nang umalis.

Pagkalabas ko ng office ay tumawag si Leone.

"Hello? Sophie, free ka ba mamayang gabi?"

"Hindi, may trabaho pa kasi ako." Sagot ko naman at naglakad patungong kabilang dulo ng hallway para doon bumaba ng stairs.

"Hala, sayang naman."

"Bakit ba?"

"May gig kasi kami sa Taguig. Baka lang naman gusto mong sumama ulit sa amin."

"Sorry Leone ha? Next time na lang." Bumukas yung elevator at nagsibabaan ang mga laman nito. Naisipan kong sumakay na lang doon para hindi na mapagod maghagdan.

"Sige, Sophie. Bye."

"Bye." Naputol na yung tawag.

Bago sumara ang pinto ng elevator ay pumasok bigla si Alec at nakakunot ang noong tiningnan ako.

"Kinakausap mo pa rin yung impaktong yun?"

"Bakit nakikinig ka sa usapan namin ha?!" Angal ko naman. Eto na naman siya eh! Porke't may galit siya kay Leone gusto niyang lumayo ako sa kaibigan ko.

Pero bago pa makasagot si Alec ay biglang may tumunog na parang may naputol na tali sa itaas at may bumagsak na kung ano sa itaas ng elevator. Tumigil sa paggalaw ang elevator at namatay ang ilaw sa loob.

Agad ko namang kinapa yung elevator buttons at hinanap yung alarm button. Malakas ang tibok ng puso ko kasi ngayon pa lang nangyari sa akin ito.

Madilim ang paligid at sa takot ko na biglang mahulog na lang ang elevator at dumiretso sa ground floor ay kumapit na lang ako ng mahigpit sa bakal na railings ng elevator.

"Shit. Shit. Shit. Shit." Narinig ko ang pabulong at paulit ulit na mantra ni Alec. Halata sa boses at sa naririnig kong bilis ng paghinga niya ang takot at kabang nararamdaman niya.

"Alec, kalma." Sabi ko. Maghahyperventilate siya sa ginagawa niya.

Madilim at hindi ko siya maaninagan pero alam kong nakakapit din siya sa railings at nakatayo din.

"Alec, hoy. Huminga ka ng maayos!"

"Shit. Shit. Shit. Shit." Iyon lang ang bulong niya at parang hindi ako narinig.

Pinindot ko ulit yung alarm button ng elevator pero parang walang nangyari. Inilabas ko yung cellphone ko at kahit mahina ang signal ay tinawagan ko si Leone.

"Soph-e, pl--se tell me na n--bago is-p mo." Bungad ni Leone.

"Leone! Tulungan mo kami!"

"B-kit?" Naalarma naman agad siya kahit na chappy ang connection. "A--ng n-ng-ari. As-an ka?"

"Nasa elevator kami ni Alec. Sa St. Joachim building. Nastuck kami dito. Please, Leone. Tulungan mo kami!" Dire diretso kong sabi, hindi sigurado kung naiintindihan niya ba ako.

Naaalarma na ako sa patuloy na paghingal ni Alec. "Leone? Leone, anjan ka pa?"

Pero naputol na yung linya. Sana lang naintindihan ni Leone yung sinabi ko at papunta na siya dito para tulungan kami.

Inilawan ko si Alec at nakitang nakaupo na siya sa sulok, nakapikit at yakap ang sarili. Tumigil na siya sa pagbulong niya pero pahingal pa rin ang hinga niya.

"Alec!" Tinabihan ko siya. "Okay ka lang?"

"Ilaw, Sophie. Buksan mo lang yung ilaw mo. Please."

Kinilabutan ako sa sincerity ng 'please' niya kaya natigilan ako.

"Oo na, Sophie. Takot ako sa dilim kaya please, buksan mo na yung ilaw mo!" Takot na sabi ni Alec habang hinihingal pa rin.

Binuksan ko yung cellphone ko at ini-on ang flash ng camera.

Pakurap kurap na tumingin sa akin si Alec. Halata sa violet eyes niya ang panic.

"Alec, hingang malalim." Pabulong kong sabi sa kanya. "Wag kang magpanic. Maghahyperventilate ka niyang ginagawa mo."

Tumango siya ng onti kaya kahit baka itulak niya lang ako ay hinawakan ko siya sa braso.

"Nyctophobic?" Tanong ko sakanya para hindi masyadong tahimik.

"Oo." Tungo niya.

"Claustrophobic?" Tanong ko pa kahit alam kong hindi naman.

"Mild."

Nagulat ako sa sagot niya. Mild claustrophobia? Eh bakit siya sumakay ng elevator?! Ang liit liit ng espasyo dito.

"Alec, bakit ka sumakay dito kahit claustrophobic ka?"

"Magisa ka lang eh," Mahina niyang sagot.

May kumalabog sa itaas at dumausdos paibaba ang elevator pero tumigil din ulit.

Nagpapanic na ulit si Alec at bumilis na naman ang paghinga niya. Kahit natatakot na din ako ay hindi ko ipinahalata. Kailangan ako ni Alec. Pag nagpanic ako, baka mawalan siya ng malay dahil sa takot.

"Alec, kalma lang. Hingang malalim. Kalma." Pagaalo ko sakanya.

Niyakap na ako ni Alec at naramdaman kong humikbi hikbi siya. Hala, umiiyak na siya!

"Wag mo akong iiwan. 'Wag, please. Huwag." Mahinang sabi ni Alec sa tenga ko.

"Andito lang ako, Alec. Walang mangyayari sa atin. 'Wag ka na umiyak." Bulong ko habang hinahagod ang likod niya.

Nanginginig na siya sa takot at dama ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

May kumalabog ulit sa itaas at napadasal na lang ako.

Leone, please. Nasaan ka na ba?

"Hello?!" May isang sigaw mula sa itaas.

"Hello! Tulungan niyo kami!" Sigaw ko pabalik.

May kumalabog sa pinto ng elevator at may sumigaw sa labas nito.

"Sophie?"

Binitawan ko si Alec at kumatok sa pinto ng elevator. "Leone! Leone, andito kami!"

"Sophie! Wait lang kayo, bubuksan namin yung pinto!" Sigaw ni Leone sa kabilang side.

May kumalabog sa labas ng pinto at habang naghihintay ay hinarap ko si Alec.

"Alec, okay na. Makakalabas na tayo dito."

Tumango lang siya habang humihinga ng malalim at nakafocus lang sa ilaw.

Bumukas ng onti yung pintuan at saglit kong nakita ang isang mukha ng lalaki.

"Ayaw bumukas!" Narinig kong sigaw sa labas. "Pakuha ng bakal!"

"Sophie, lumayo ka sa pinto!" Dinig kong sigaw ni Leone sa labas.

Lumayo ako at niyakap ang nakaupo pa ring si Alec.

Bang! Isang malakas na tunog na parang may bakal na tumama sa pinto. Maya maya ay unti unti nang nabubuksan ang pinto.

"Sophie!" Sigaw ni Leone nang makita kami sa loob.

Nastuck ang elevator namin sa pagitan ng dalawang palapag kaya naman iyong upper half lang ng pintuan ang sumakto sa floor nila Leone.

"Okay lang kayo?" Tanong ni Leone habang nakaluhod na tinitingnan kami.

Tumingala si Alec kaya nakita ko ang gulat sa mukha ni Leone nang makita kung sino ang yakap ko.

"Leone, tulong." Itinayo ko si Alec at inbot ang kamay nila Leone.

Napatingin sa akin si Alec kasi pinauna ko siya. Halata sa ekspresyon niya na ayaw niyang maunang makalabas.

"Mauna ka na," Marahan ko siyang itinulak.

Umiling si Alec at hinawakan ang kamay ko. Inabot niya ang kamay ko kay Leone at saka lumuhod siya sa harap ko.

"H-ha?" Natigilan ako sa ginawa ni Alec.

Tinapik ni Alec yung binti niya. "Sige na, apakan mo na. Tutulungan kita from here."

"Sure ka?"

"Tsk." Walang ano ano'y hinablot bigla ni Alec ang paa ko at ipinatong sa binti niya. "Dami pang dada eh."

Inapakan ko si Alec at nagpahila kina Leone. Agad naman akong nakalabas ng elevator.

"Okay ka lang?" Hinawakan ako ni Leone sa balikat at tiningnan akong mabuti.

"Oo. Si Alec," Tiningnan ko yung elevator door at pinanood na hilahin ng guard at staff si Alec palabas.

Nilapitan ko si Alec. Mukhang nawindang talaga siya sa nangyari, iba yung pagkakagulo ng buhok niya ngayon at parang naliligaw ang mga mata niya.

"Alec, okay ka lang?" Tanong naman ni Leone at sinubukan pa siyang hawakan pero umiwas lang si Alec.

"Alec," Tawag ko sakanya kasi nagbabalak na siyang umalis.

"Promise me what happened in there is just between the two of us." Sabi ni Alec habang nakatingin sa malayo.

Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang isang luha sa pisngi niya na hindi niya napansin. "Between the two of us."

Tumango Alec at naglakad papalayo. Walang pumigil sa kanya.

"Bakit, anong nangyari sainyo sa loob?" Tanong ni Leone.

Nginitian ko lang siya. "Secret."

-----------------------
A/N:

Kasi disappointed ako sa sarili ko kaya nagsulat na lang ako hahaha

Mabuhay ang magaaral na alam ang gagawin sa quiz pero kinapos ng oras para masagot lahat. Bagsak akoooo kailangan bumawi sa susunod na quiz T.T

Sayang puyat, nagkamali sa diskarte ng pagsasagot.

Hirap. Bakit nga ba ulit ako nagengineering? Hahahahaha

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 92.7K 48
"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex mo na stalker" tulak sa akin ng bestfriend kong si Alyana palapit sa popular table...
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
337K 23K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...