Ghost Husband

By LKsolacola

150K 9K 1.3K

Pakakasalan mo ba ang DOPPELGANGER ng "almost-boyfriend" mo para iligtas ang buhay niya? More

GHOST HUSBAND BOOK 1
1: Toxic Bad Boy
2: Weird Guy
3: Comeback
4: Goosebumps
5: Scary Encounter
6: Doppelganger
7: Taming the Ghost
8: Personal "Bodyguard"
9: Copy
10: Human Counterpart
11: Marriage Proposal
12: First Night
13: Enchantment
14: Threat
15: Request Granted
16: Human Wife
17: Parents-in-Law
18: Kilig Much
19: Realization
20: Fallin'
21: Little Fight
22: Friend or Foe?
23: Big Fish
24: The Truth
25: Rich Ghost
26: Sian Serranilla
27: Separation
28: Reunited
29: Realization and Decisions
30: Makeup
31: Envy
32: Have Fun
33: Redhead
34: Queen of Ghouls
35: For Better or For Worse
S2: GHOST HUSBAND NO MORE
S2 Chapter 1
S2 Chapter 2
S2 Chapter 3
S2 Chapter 4
S2 Chapter 5
S2 Chapter 6
S2 Chapter 7
S2 Chapter 8
S2 Chapter 9
S2 Chapter 10
S2 Chapter 11
S2 Chapter 12
S2 Chapter 13
S2 Chapter 14
S2 Chapter 15
S2 Chapter 16
S2 Chapter 17
S2 Chapter 18
S2 Chapter 19
S2 Chapter 20
S2 Chapter 21
S2 Chapter 22
S2 Chapter 23
S2 Chapter 24
S2 Chapter 25
S2 Chapter 26
S2 Chapter 27
S2 Chapter 28
S2 Chapter 29
S2 Chapter 30 (SEASON FINALE)
SEASON 3: SEPARATION
Do You Miss GHOST HUSBAND?
S3 Chapter 1
S3 Chapter 2
S3 Chapter 3
S3 Chapter 4
S3 Chapter Five
S3 Chapter Six
S3 Chapter Seven
S3 Chapter Eight
S3 Chapter Nine
S3 Chapter Ten
S3 Chapter Eleven
S3 Chapter Twelve
S3 Chapter Thirteen
S3 Chapter Fourteen
S3 Chapter Fifteen
S3 Chapter Sixteen
S3 Chapter Eighteen
S3 Chapter Nineteen
S3 Chapter Twenty
S3 Chapter Twenty-One (SEASON FINALE)

S3 Chapter Seventeen

696 63 18
By LKsolacola

NOTE: Please don't forget to vote and leave a comment. Active readers = regular updates (Monday-Wednesday-Friday, 5PM or 6PM). Thank you.

PS: Saying "update" doesn't count. :)

***


"KAILANGAN na yata kitang singilin ng fee, Siha Serranilla," reklamo sa kanya ni Nightmare na nakaupo sa passenger seat at nakahalukipkip pa. Naka-recline ang upuan nito at halos nakahiga na nga ito habang may neck pillow at meron pang sleeping eye mask. "Alam mo ba kung ga'no kamahal ang binabayad sa'kin ng mga kliyente ko sa simpleng consultation lang nila sa'kin? Pero ikaw, six months mo na kong inaalipin ng libre. And you're not even holding back. You should compensate me starting today!"

"Fine, just give me your bank details later," natatawa pero seryosong pagpayag ni Siha sa paniningil ni Nightmare habang deretso ang tingin niya sa kalsada dahil nagmamaneho siya. Plano naman talaga niyang i-compensate ito dahil alam niyang trabaho nito ang pagiging spirit medium. Ngayon lang sila nagkaro'n ng pagkakataong pag-usapan 'yon. "Why are so grumpy?"

"Because it's Sunday and you woke me up at 5AM!" reklamo ng lalaki. "Alam mo bang ilang araw na kong hindi nakakatulog? At kung kailan naman ako nakakatulog na sana, bigla ka namang dumating sa condo ko at pinilit akong samahan ka. You only gave me ten minutes to take a quick shower. Sa kakamadali mo sa'kin, nakalimutan kong buksan ang water heater kaya naligo tuloy ako ng malamig na tubig. I hate cold shower the most!"

Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sariling matawa sa mga reklamo ng lalaki. Hindi niya akalaing ganito pala ito kadaldal kapag mainit ang ulo. Nagi-guilty din naman siya pero seven AM kasi ang appointment niya kaya kinailangan niya itong gisingin ng maaga.

"Malapit na tayo sa favorite milk tea house mo," pagpapakalma ni Siha dito. "You prefer milk tea over coffee, don't you?"

"You should have started with that," reklamo pa rin ni Nightmare, pero bumangon naman ito at inalis na ang eye mask nito nang lingunin siya. Napansin niyang kalmado na ito. "Kung may dala kang milk tea kanina, hindi na sana ako naging grumpy."

"I know," pag-amin naman niya. "Pero kasi, maarte ka sa brand ng milk tea. Hindi ko alam kung magugustuhan mo 'yong mga milk tea house na nadaanan ko kanina kaya hindi na lang kita binili. Pero ayan naman na 'yong favorite brand mo. Don't be grumpy na."

"Whatever."

Tinawanan niya lang ito.

Mabuti na lang at 24/7 ang favorite milk house tea ni Nightmare dahil bihira lang ang gano'ng store. Pero kaya nga siguro iyon naging paborito ng lalaki dahil madalas, gising ito ng gabi at madaling-araw sa pagtatrabaho.

Anyway, pagkabili nila ng milk tea, kalmado na ang exorcist at hindi na siya sinusungitan kaya tahimik na ang biyahe nila.

"Bakit ang haba ng pila?" nagtatakang tanong ni Siha nang dumating sila sa establishment na sinabi ng Ana's Online Shop na puntahan niya. Malaking store iyon na may pangalang Daydream Land. Napansin niya na karamihan sa mga nakapila ay mga babae na tingin niya ay high school students pa lang. "Mag-se-seven AM pa lang, ha? Bakit ang dami na agad tao?"

Isa pa, hindi niya alam kung saan mag-pa-park.

"That slot is reserved for you," sabi ni Nightmare, saka ito may kung anong nginuso. "Look."

Nang sundan niya ng tingin ang nginuso ng lalaki, nakita niya na merong blackboard sa harap ng nag-iisang vacant slot sa parking lot at may nakasulat pang message do'n: Parking Space Reserved for Miss Siha Serranilla.

Hindi agad niya 'yon napansin dahil naka-focus siya sa pag-o-observe ng mga nakapila.

"It's legit," amazed na sabi niya habang nagpa-park siya. "Ana's Online Shop is real."

"Yeah," pagsang-ayon naman ng exorcist sa kanya. "May malakas na enerhiya akong nararamdaman sa loob ng store. It's more powerful than N." Ipinatong nito ang kamay nito sa ulo niya. "Buti na lang, ako ang sinama mo rito."

"Actually, it was Twila's suggestion," pag-amin niya. "Mas makakatulong ka raw kasi sa'kin. Saka mas mapoprotektahan mo raw ako kesa sa kanila ni Light."

"That's true."

Ngumiti lang siya dahil sanay na siya sa pagiging mayabang nito. May maipagmamalaki naman kasi talaga ito kaya hinahayaan na lang niya. Pagkatapos niyang mag-park, bumaba na sila ng kotse. Dumeretso siya sa blackboard dahil napansin niyang may nakasulat pa sa ilalim ng pangalan niya. "Pumasok daw tayo sa loob ng store."

"Alright," sagot ni Nightmare, saka ito nauna sa paglalakad. "Mauna na ko para ma-check ko muna kung safe ang store."

Tumango siya at sumunod dito. "Okay."

"Welcome to my store," masiglang sabi ni Daydream, saka nito ibinuka ang mga braso na parang ipinapakita sa kanila ang mga merchandises na tinitinda nito. "I sell all kinds of Kpop and Kdrama stuff here. Kulang na nga lang eh magtayo rin ako ng Korean barbeque restaurant dito."

"N would have loved it here," nakangiting sabi ni Siha habang nililibot ang tingin sa paligid ng malaking store. Mukha ngang nando'n ang lahat ng hahanapin ng isang Kpop o Kdrama fan. Punong-puno ng mga merchandises ang mga shelf at cabinet mula official light stick hanggang slogan. Meron pang mga stuffed toy, slippers, at kung ano-ano pang mga gamit na may mukha ng mga Korean stars. "Kdrama fan 'yon, eh."

"Oh, that's good news for me," masiglang sabi ni Daydream. "Alam ng lahat kung ga'no kayaman ang Tagapagbantay. Kung Kdrama fan siya, siguradong magiging VIP customer ko siya. Lalo tuloy akong na-motivate na tulungan kayong magkita uli."

Gulat na napatingin siya sa babae. "You can help me?"

"What are you?" seryosong tanong naman ni Nightmare na ngayon lang nagsalita simula nang lapitan sila ni Daydream. Nakakapagtaka iyon dahil kadalasan naman, walang kinikilala ang lalaking 'to. "You're... strong. Are you a spirit medium, too?"

"I am," pag-confirm ng babae, saka ito umupo sa counter. "But I don't talk to lowly ghosts. I only serve deities."

Napalunok si Nightmare– halatang na-intimidate sa babae na ngayon lang nangyari. Pero mabilis ding napalitan ng paghanga ang emosyon sa mga mata ng lalaki. Now, he looked at Daydream like she was some sort of a magical being herself.

Bigla niyang naalala ang kuwento ni Twila tungkol sa new classmate daw ni Light na spirit medium din at mga deities daw ang pinagsisilbihan.

Come to think of it, that girl's name is...

"Dream," bulong niya sa sarili. "Ikaw din ba 'yong 'Dream' na new friend ni Light?"

Ngumiti ang female spirit medium at tumango. "Yes, that's me. Simula nang nag-open ang second semester, ino-observe ko na kayo. I didn't expect that it would take you this long before you realize that what you need is available in Ana's Shop. I almost got impatient. Kung hindi lang ako takot sa parusa ng mga deity, baka matagal na kong nangialam."

"So, this is the "human branch" of Ana's Shop?" tanong niya. "Front lang ba ang pagiging Kpop merchandise store nito?"

"Of course not," tanggi naman nito. Saka nito itinuro ang pinto na may nakasulat na Staff Room. "She just came back."

Napalunok si Siha at kahit alam na niya ang sagot sa itatanong niya, nagtanong pa rin siya. "Who?"

Ngumiti si Daydream. "Miss Ana, of course."


***

"NIGHTMARE, you don't have to accompany Siha inside," saway ni Daydream dito. "Ayaw ni Miss Ana nang maraming tao sa office niya."

"I can't let Siha go alone," kontra naman ni Nightmare. "She's my client. Iko-compensate niya ko kaya kailangan kong gawin ang trabaho ko."

"Oh, it's fine, Nightmare," sabi ni Siha, saka niya marahang tinapik ang balikat nito. "Let's not make Miss Ana uncomfortable."

"Are you sure, Siha?"

Tumango siya at ngumiti para i-assure ito. "I'll be fine, Nightmare."

"Don't treat her like a child," saway ni Daydream kay Nightmare, saka nito hinawakan sa kamay ang lalaki at hinila palayo sa kanya. "Come on. Tulungan mong ayusin ang mga merch na ibebenta ko sa mga customer. Marami pang mga album at light stick na hindi ko nailalabas sa kahon. Help me unpack those."

"I'm not your part-timer," reklamo naman ni Nightmare. "You better compensate me for this or else, ire-report kita sa DOLE."

"Sure, sure."

Napangiti na lang si Siha dahil mukhang magkasundo naman sina Nightmare at Daydream.

They'll be fine.

Humugot siya ng malalim na hininga, saka niya inilapat ang mga palad niya sa pinto gaya ng bilin ni Daydream sa kanya kanina.

Then, she heard something unlock from the inside. Kasunod niyon ay ang pagbukas ng pinto. Pagpasok niya, sumara agad ang pintuan sa likuran niya. Pero nawala ro'n ang atensiyon niya dahil nagulat siya sa sumalubong sa kanya.

Mula sa nakabukas na mga glass window ay puro mga puno ang nakikita niya na para bang nasa gitna sila ng gubat. Imposible 'yon dahil sigurado siyang puro building at mga establishment ang nasa paligid ng store!

Ganito rin ang view sa Ana's Shop sa bundok!

Umasa siya na nakabalik na siya sa teritoryo ni N kaya tumakbo siya papunta sa bintana para sana gawin iyong pinto. Pero hindi pa man din siya nakakasampa sa windowsill, natigilan na siya dahil sa narinig niyang nagsalita.

"I wouldn't do that if I were you."

Humarap si Siha sa nagsalita at napasinghap sa magandang babae na sumalubong sa kanya.

The woman was beautiful, tall, and had clear sunkissed skin. Nakasuot ito ng red pant suit at mukhang wala itong suot sa ilalim ng blazer nitong nakabutones naman dahil nakalabas ang cleavage nito. She also wore red pointed pump shoes that made her look more powerful.

Very on-point din ang makeup ng babae at bumagay din ang low ponytail hairstyle nito sa outfit nito.

She gives off the lady boss vibes.

"I'm Ana," sabi ng babae sa boses na puno ng confidence nang lumapit ito sa kanya. Pagkatapos, inilahad nito ang kamay sa kanya. "I'm thrilled to finally meet you, Siha Serranilla."

"Same here, Miss Ana," kinakabahang sabi ni Siha, saka siya nakipagkamay kay Ana. Napansin niyang mahigpit itong makipag-handshake– halatang malaki ang kumpiyansa nito sa sarili nito. "I'm glad that the link Miss Agatha gave me worked."

Pinisil ni Ana ang kamay niya bago nito iyon binitawan. "Masuwerte ka rin dahil nandito na ko no'ng nag-send ka ng order request kagabi," sabi nito, saka nito iminuwestra ang receiving chair bago ito umupo sa likod ng mahogany table. "Now let's talk about the item you requested."

Umupo siya sa receiving chair at kahit narinig niya ang sinabi ni Ana, hindi pa rin niya maalis ang tingin niya sa labas ng bintana. "Nasa bundok tayo?" Hindi na siya nagtanong kung pa'no nangyari 'yon dahil simula nang makilala niya si N, tinanggap na niya na may iba pang mundo na nag-e-exist dito. "Is this N's mountain?"

"Yes, that's right," pag-confirm nito pero bago pa siya makapag-celebrate, inunahan na siya nito. "Pero hindi ito 'yong parte ng bundok kung saan ka niya dinala noon. Iyong Ana's Shop na pinuntahan niyo noon ay branch na ipinamahala ko na kay Agatha. Pero itong private office ko, nasa parte ito ng bundok na hindi sakop ng pamumuno ni "N.""

Kunot-noong hinarap niya ang babae. "Pero bundok ito ni N..."

"Don't be silly, child," natatawang sabi nito, saka ito sumandal sa swivel chair nito habang nakapatong ang mga braso sa magkabilang arm rest. "Lahat ba ng kababayan mo, pabor sa presidente o gobyerno niyo?"

Umiling siya at do'n niya naintindihan ang ibig sabihin nito. "Hindi pala lahat ng nasa bundok eh sumusunod kay N."

"Normal lang naman 'yon kahit dito sa mundo namin," pagko-comfort nito sa kanya na para bang naramdaman ang pagkadismaya niya kanina. "Kahit ga'no pa kagaling ang isang pinuno, hindi lahat eh matutuwa o hahanga sa kanya. But still, it doesn't mean that he's a bad leader. You just can't simply please everyone."

Tumango siya dahil alam din naman niya 'yon. Nabigla lang siguro siya kasi nakita naman niya noon kung pa'no igalang si N ng mga nasasakupan nito. Pero mabilis ding kumunot ang noo niya nang may ma-realize siya. "Bakit dito mo itinayo sa parte na 'to ang private office mo, Miss Ana? Hindi mo rin ba gusto si N bilang Tagapagbantay?"

Natawa ito pero hindi naman sa nang-iinsultong paraan. Para ngang naaliw lang ito sa kanya dahil dumukwang ito sa mesa para marahang tapik-tapikin ang ulo niya. "Wala akong problema sa pamumuno ni N." Umayos na ito ng upo at ipinatong ang mga braso sa mesa habang nakatingin sa kanya. "Pero hindi ako kasali sa mga nasasakupan niya."

Nanlaki ang mga mata niya. "Y-You have higher position than him?"

"You can say that. But let's not talk about that since I don't really care about hierarchy." Tumikhim muna ito bago binago ang usapan. "To answer your previous question, I built my private office here to make sure that the entities that oppose N wouldn't dare to leave this part of the mountain and try to attack him. To simply say, I'm putting things in order here." Nangalumbaba ito, saka ito bumuga ng hangin kasabay ng pagguhit ng guilt sa maganda nitong mukha. "Ang totoo niyan, sa parteng ito ng bundok nakakulong ang mga ghoul na pinakawalan ni Pandora noon. No'ng panahong iyon, napabayaan ko ang pangangalaga sa bundok dahil inasikaso ko ang asawa ko na kababalik lang sa'kin. That was when Pandora and her ghouls started to act up. Sila ang nanguna sa rebelyon. Pero wala akong magawa para tulungan si N sa pakikipaglaban dahil may sarili rin akong problema. At no'ng oras na tuluyan na kong umalis ng bundok ay ang panahon namang nakatulog si N dala ng mga pinsala niya. Sinamantala agad 'yon ni Pandora. Tumakas siya ng bundok kasama ang mga ghoul." Hinawakan nito ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa. "Humarap ako sa'yo ngayon dahil na-gi-guilty ako sa nangyari. May kasalanan pa rin ako kung bakit nakatakas sila Pandora at naatake ka ng mga ghoul. I've heard everything that happened while I was away." Pinisil nito ang kamay niya at ngumiti ng apologetic sa kanya. "I'm sorry that you got involved in our mess, Siha."

"You don't have to apologize, Miss Ana," umiiling na sabi naman niya. "Hindi ko naman kayo sinisisi sa nangyari sa'kin. To be honest, kahit nakakatakot at delikado ang mga naranasan ko dahil kay Pandora, nagpapasalamat pa rin ako sa mga nangyari. Kasi kung hindi dahil sa kanya, hindi ko makikilala si N."

"Totoo nga ang mga nakarating na balita sa'kin: mahal mo talaga ang Tagapagbantay."

Tumango siya bilang confirmation. "That's exactly what brought me here, Miss Ana. Naniniwala kasi ako na nagkita na kami ni N noon. Pero hindi ko 'yon maalala."

Naging seryoso na ang babae at mukhang nasa "business mode" na. "Nabasa ko ang request mo. You want to retrieve your missing memories from May 23, 2017, don't you? Halos dalawang taon pa lang ang dumadaan simula no'n kaya madali ko pang mahahanap sa Memory Storage ko ang alaalang hinahanp mo."

"Really?" relieved na paniniguro niya. "Thank you."

"Not so easy, child," umiiling-iling na saway nito sa kanya. "Hindi ko ibabalik sa'yo ng libre ang nawala mong alaala."

"I'll pay," sabi niya habang nagko-compute sa isipan niya. May savings naman siya mula sa modelling gig niya nitong nakaraan. At kung kinakailangan, hihingin na niya ang inheritance niya sa mga magulang niya. "How much would it be?"

"Child, I don't need human money," natatawang tanggi nito. "I'm probably richer than N and you know how wealthy he is."

Nag-init ang mga pisngi niya sa pagkapahiya. "Sorry. Anong kailangan kong ibigay para mabawi ko ang nawala kong memory?"

"Ibabalik ko ang nawawala mong alaala kung bibigyan mo ko ng mga bagong alaala," seryosong sagot ni Ana. "At ang katumbas ng gusto mong mabawi ay ang lahat ng mga alaala mo kay N."

Napasinghap siya nang ma-realize kung ga'no kabigat ang hinihingi nito! "You mean to say, makakalimutan ko si N kapag nabawi ko ang alaala ko?"

"Hindi naman agad-agad, Siha," paliwanag nito. "Puwede kong kunin ang bayad mo kapag tapos na ang misyon mo o kapag nagawa mo na ang gusto mong gawin sa alaala na mababawi mo. And I'll give you time to say goodbye to N."

"That's... harsh."

"This is how I run my business, child," nakangiti pero puno ng simpatya na sagot nito. "Pero ikaw pa rin naman ang magdedesisyon kung tatanggapin mo ba ang deal o hindi."

"Hindi ko alam kung ano ang makikita ko kapag nabawi ko ang nawawala kong memory pero malakas ang kutob ko na kailangan ko 'yong makuha uli," pagsisimula ni Siha. No'ng una ay nag-alinlangan siya pero pagkatapos niyang timbangin kung ano ang mas mahalaga sa kanya, nakapagdesisyon agad siya. "Tinatanggap ko ang deal, Miss Ana. Ibibigay ko sa'yo ang mga alaala namin ni N kung ibabalik mo sa'kin ang alaala na kailangan ko."

"Are you sure, Siha?" paniniguro ni Ana. "Okay lang sa'yo na makalimutan si N?"

"Hindi okay sa'kin pero mas mahalaga na mabawi ko ang alaala ko," matapat na sagot niya. "May pakiramdam kasi ako na 'yon ang susi para magkasama uli kami ni N. At kahit hindi ko na siya makikilala sa oras na 'yon, hindi ako natatakot kasi sigurado ako na ma-i-in love lang naman uli ako sa kanya."

Napangiti ang babae sa sinabi niya. "You have too much faith in him, child."

"Alam kong ganito rin kalaki ang faith sa'kin ni N," sabi niya. "Kaya kailangan ko 'tong gawin. Please, Miss Ana. Ibalik mo sa'kin ang nawawala kong alaala."

"Meron ka munang dapat malaman bago mo tanggapin ang alaala mo."

"Ano 'yon?"

"Kapag kinain mo ang bola ng alaala mo, posible kang makatulog ng malalim," banta ni Ana sa nag-aalalang boses. "Hindi ko masisiguro kung magigising ka dahil hindi naman pare-pareho ang lakas ng mentalidad ng mga mortal. Tatanggapin mo pa rin ba ang deal na 'to?"

"Magigising ako kasi wala akong planong mamatay nang hindi pa uli nakikita si N," determinadong deklara niya. "Hindi nagbabago ang isipan ko, Miss Ana."

Tiningnan siya nito ng deretso sa mga mata. Pagkatapos, binuksan nito ang drawer ng mahogany table. May inilabas itong velvet box na inilapit nito sa kanya. "Open the box. Nand'yan ang alaalang hinahanap mo."

Kinakabahan man, kinuha pa rin niya ang kahon at binuksan iyon. Sumalubong sa kanya ang isang holen na may asul na "glitters" sa loob. Kasing laki iyon ng mga holen na nilalaro nila ni Sian no'ng mga bata pa sila. "I need to swallow this?" tanong niya, saka siya nag-angat ng tingin kay Ana. "Hindi naman siguro ako mamamatay kapag kinain ko 'to, 'di ba?"

Natawa ito habang iiling-iling. "Ligtas 'yang kainin, Siha. Mukha lang 'yang holen pero kapag sinubo mo na 'yan, mawawala na ang bola at 'yong nasa loob lang ang papasok sa bibig mo. Magtiwala ka sa'kin."

Sinabihan siya noon ni N na huwag magtitiwala kay Ana. Pero ngayong kaharap na niya ang babae, wala naman siyang nararamdamang panganib dito. Mag-isa lang siya sa oras na 'yon kaya nagdesisyon siyang magtiwala sa sarili niyang instinct.

Kaya kinuha niya ang holen at pikit-mata iyong sinubo.

Bahala na!

Hinanda na niya ang sarili niyang mabulunan pero no'ng oras na dumikit ang holen sa mga labi niya, bigla iyong naglaho sa kamay niya. Pero may naramdaman siyang parang hangin na pumasok sa bibig niya at bigla-bigla, nahirapan siyang huminga. Nang magmulat siya ng mga mata, sumalubong sa kanya si Ana na blangko na ang mukha habang nakatingin sa kanya.

Napahawak siya sa leeg niya nang parang may kung anong bumara sa lalamunan niya. Kasabay niyon ay ang panghihina ng katawan niya.

"I'm sorry, child," halatang puno ng guilt na sabi ni Ana. "I need you to fulfill my husband's important mission."

I should have listened to N!

Himbis na umiyak dala ng matinding pagsisisi, tumayo lang si Siha at sinubukang tumakbo papunta sa pinto para makalabas ng private office. Pero hindi pa man din siya nakakalayo, bumigay na ang mga tuhod niya at natumba siya sa sahig. Kasunod niyon ay ang mabilis na pagkaantok na nagpatulog agad sa kanya.

N, I'm sorry...


***

BOOK DISCUSSION CORNER

QUESTION: Any idea sa kung ano ang ginawa ni Ana kay Siha? Do you think Ana is an enemy?

Continue Reading

You'll Also Like

35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
24.5K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
365K 24.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...