Prove Me Wrong

Von aril_daine

3.9M 67.3K 9.5K

[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging gani... Mehr

Prove Me Wrong
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 17

70.4K 1.2K 133
Von aril_daine

Chapter 17

 

 

Pinapanuod ko lamang ang mga nasa quadrangle. Na-late sila kaya naman naiwan pa sila sa baba.

“tignan mo siya, simula nung pumasok siya dito wala pa yang nagiging kaibigan talaga.”

“ano ka ba! Hindi mo ba alam yung usap-usapan?”

“ano naman?”

Nagbulungan pa sila kung ipaparinig din naman saakin.

“mang-aagaw yan ng boyfriend. Edi natural wala talaga magiging kaibigan yan”

Kinagat ko ang labi ko dahil sa narinig ko. Gusto ko silang sagutin pero hwag na. magsasayang lang ako ng laway, hindi din naman nila ako maiintindihan. Dapat nga nagpapasalamat sila saakin.

Umalis ako at hinayaan nalang silang magbulungan, that way malaya silang mapag-usapan ako.

Hindi ko pinasukan ang klase. Wala akong ganang pumasok ngayon. Gusto ko makausap si Andie pero busy siya at ayoko siyang maabala. Isa pa ayaw kong makita kami ni Henessey na magkasama. Ayokong sirain ang buhay ni Andie.

“bakit ka naman nandito? Wala kayong klase?” boses ni captain. Hindi na ako nag-abalang tignan pa siya.

“boring” I uttered

“sorry nung nakaraan akala ko naman kasi okay lang sayo kung magiging girlfriend kita”

“hindi lahat ng babaeng lumalapit at lalapit sayo, gusto ka. Suck it up.” Tumayo ako at saka iniwan siya. Ni pangalan mo hindi ko alam. Ang alam ko ng lang ikaw ang captain ng basketball team.

Sa di kalayuan nakita ko si Zydn kausap yung mga babae kanina. Seryoso ang mga mukha nila at parang pinapagalitan niya ang mga ito.

“pansin ko parati mo siyang tinitignan, nakikita ko din dati na lagi mo siyang kasama. Pinagtanggol ka niya nung may match yung team nila. May gusto ba siya sayo?” tanong ni Captain na akala ko iniwan ko na kanina.

“wala naman. Siya yung tipo ng tao na pakialamero kaya hindi maiwasang hindi mapansin”

Tama isa siyang pakialamero. Hindi ko alam kung anong nalalaman niya, pero sana manahimik nalang siya. Hindi ko din sinasabing gusto ko silang layuan ako, choice nila yun. Hindi ko sila pipilitin.

Pagagalawin ko ang mga tao sa paligid ko sa paraang alam ko. Pero hindi ako magdidikta. Gagalaw sila hindi ayon sa gusto ko kundi sa gusto nila. Buhay nila yan at wala akong karapatang magdikta na hwag akong iwanan.

Tuluyan ko ng iniwan si captain para pumasok. Nadaanan ko sila Zydn. Nagkatinginan kami ng panandalian pero umalis din siya kaagad nang makita ako.

Umiiwas na nga.

Napailing nalang ako nang makita ko ang mga babaeng parang gustong humingi ng tawad saakin.

Umiiwas nga siya, pero nangingialam pa din.

“sorry” sabay nilang pahayag saakin. Hindi ko na sila pinansin pa at dumiretso nalang ako sa upuan ko. Umiiwas daw pero heto ang notebook ni Ivy sa lamesa ko. Binuklat ko ito at may nakalagay na note sa loob

‘sorry sa inasal namin kahapon. Ayaw kong umiwas sayo Coreen.’ Hindi ko alam pero napangiti ako sa note niyang iyon. Hinanap ko siya sa room pero wala siya.

“si Ivy?” tanong ko sa katabi ko na parang ikinagitla niya.

“a-ano. Sa cr po y-yata” umalis na ako kaagad para puntahan si Ivy dahil halata namang takot na takot ang kaklase ko saakin.

Am I intimidating them too much? Ganito din naman ako kay Ivy pero hindi naman siya natatakot sakin.

Hindi pa ako nakakapasok sa CR pero may naririnig na akong nagsisigawan.

“palibhasa malandi ka! Pareho kayo ng kaibigan mong si Andrea!”

“BAWIIN MO YAN! Sabihan mo na akong malandi hwag lang siya!”

“aba! At pinagtanggol mo pa e halata namang malandi siya! Kung tutuusin baka siya pa nagturo sayo!”

Hindi ko alam kung dapat ba akong pumasok at tulungan siya. Lalong hindi ko alam kung bakit pinagtatanggol niya ako sa mga katulad nila.

“malakas lang naman ang loob mo kapag kasama mo yung malanding yun”

“TUMAHIMIK KA! Hindi malandi si Coreen! Just Shut your filthy mouth will you!” pumasok na ako kaagad sa cr pagkarinig ko nun. Ngayon palang nagalit si Ivy. Madalas tahimik lamang siya at sumusunod kung saan ako pumupunta. Ngayon palang siya nagsalita ng ganyan.

“kung wala kayong magandang sasabihin. Lumabas na kayo” utos ko sa dalawang babaeng nang-aaway sakanya

“C-coreen” mangiyak-iyak na sambit niya saakin. Para siyang nawalan ng tinik sa lalamunan at saka agad akong niyakap. Bakas sa mukha niya ang kaba at takot.

“magsama nga kayo! Pero duh! Hinding-hindi magkakagusto si Zydn sainyo!” Si Zydn naman pala ang dahilan kung bakit nila inaaway si Ivy. Umalis na din sila kaagad pagkatapos nilang sabihin iyon.

“natakot ako Coreen” iyak niya saakin “hindi ko alam ang gagawin ko kanina. Bigla nalang nila akong pinagbataan. Ayaw nilang lumalapit ako kay Zydn”

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Ngayon lang may umiyak saakin. Ngayon nalang ulit may yumakap saaking babae. Ngayon nalang ulit.

“s-sorry” bigkas niya nung nahalata niyang hindi ko siya niyayakap pabalik. Humiwalay siya saakin at saka nagpunas ng luha.

“h-hindi ko sinasadya Coreen. Sorry talaga” naiiyak nanaman siya. Masyado siyang iyakin.

Tumalikod ako at saka sinabing: “heto pala ang lumalayo, parehong pinagtatanggol ang taong iniiwasan. Okay lang naman saakin masabihang bitch, malandi at kung anu-ano pa. kayo lang naman ‘tong react ng react”

“kasi ayaw ka naming masaktan. Kasi gusto ka naming maging kaibigan. Masama ba yun?”

Nanahimik ako ng panandalian bago siya sinagot.

“masama yun Ivy” nagsimula na akong maglakad palabas ng CR.

“ba.kit?” napatigil ako sa tanong niya para sagutin ito.

“masama yun kung sa bandang huli mang-iiwan din pala kayo.” Alam ko sa sagot kong yun napangiti siya.

“Edi Coreen” hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. “Bahala ka. Gawin mo ang gusto mo”

Tumakbo siya at agad na tumabi saakin. Sinasabayan niya na akong maglakad.

“kung ganun okay lang sayo?” bumalik na ang sigla sa boses niya pero kahit masigla siya hindi ko siya sinagot.

“yey! Silence means yes! Friends na tayo a!” masayang kumapit siya sa braso ko. Para siyang batang nakatagpo ng kaibigan. Hindi ko alam kung dapat bang ako ang magreact ng katulad ng reaksyon niya.

Pero sa ayaw ko man o gusto, inaamin ko. Natutuwa ako.

“sana maging okay na ulit kayo ni Zydn, Coreen” That, I do not know. Siya ang umiiwas at hindi ako.

**

sorry kung boring ang UD. gusto ko lamang sabihin na hindi lahat ng UD ay patungkol sa love team chuchu. XDDD oha oha. saka hindi kelangan lahat ng UD exciting. di ko naman kerio yun diba? saka kung nagbabasa kayo ng english novels hindi naman sa lahat ng pagkakataon buhay ang libro, madalas deads.

i don't write to please. i write to enjoy. di ako magbibigay ng SC. kadayaan na yun. okay na yung mga nilabas ko noon di na ako maglalabas ulit pa.

vote and comment.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
260K 6.3K 16
When mea's mom died when she was 5 years old, hindi na ito kinausap ng kanyan ama. They even consider her as a bad charm to the family. No one dares...
22.8K 867 47
Ipinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkas...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...