ELITES

MaybeYoungForever tarafından

247K 8.6K 2.4K

Her name is Candid, not a typical girl you can mess up with. She was born to get her face hidden behind her m... Daha Fazla

ELITES
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Fourty Four
Fourty Five
Fourty Six
Fourty Seven
Fourty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy
Seventy One
Seventy Two
Seventy Three
Seventy Four
Seventy Five
Seventy Six
Seventy Seven
Seventy Eight
Seventy Nine
Eighty
Eighty One
Eighty Two
Eighty Three
Eighty Four
Eighty Five
END
Eighty Six
Eighty Seven
Eighty Eight
Eighty Nine
Ninety
Ninety One
Chapter Ninety Two
Chapter Ninety Three
Ninety Four
Ninety Five
Ninety Six
Ninety Seven
Ninety Eight
Ninety Nine
One Hundred
Chapter One Hundred One
One Hundred Two

Twenty Four

2.7K 132 89
MaybeYoungForever tarafından

An:

At dahil birthday ko ngayong Oct 19, 2019, aalayan ko kayo ng magandang chapter! :) Kahit COMMENT na lang ang gift nyo, masaya na ako. :D

Blaze Anthony Dalton

I can't help but to grinned. Fvck it.

For how many times? I don't know. At wala akong balak isipin ng paulit ulit kung bakit.

“Ang creepy mo Pre.” puna ni Trust  sa’kin. Sinulyapan ko lang sya saglit at muli akong napangisi habang linalaro sa kamay ko ang susi ng sasakyan ko.

“Is that because of that girl again?” makahulugan nyang tanong na nagpabago agad ng expression ko.

“No way!” I defended.

“Talaga lang ha? Mukhang nagiging busy ka na nitong mga nakaraang araw ah. May bago ka nang pinagkakaabalahan.” sa tono ng pagkakabanggit nya ng ‘bago’, halatang binibigyan nya ng malisya ang klase ng statement na sinabi nya.

“Fvck it Dude. Alam ko yang nasa isip mo." pero wala akong balak patulan ang pangaasar nya ngayon.

“Tapos mukhang nageenjoy ka masyado. Tsk tsk. Malala na yan.” agad ko syang sinamaan ng tingin pero iiling iling lang sya bago tuluyang mahiga sa sofa na nasa harapan ko.

Kami lang dalawa ngayon ang narito sa pent house kaya walang ibang maingay. Kapag nandito si Axle at Dwayne, bukod sa napakaingay, masyado pang makalat.

“Ano ba talagang balak mo?”

“None of your business.”

“Gago ka talaga ano?"

“Yeah.” agad kaming nagkatinginan at lumipas pa ang ilang segundo at sabay na lang kaming natawa. Para kaming baliw. Nakakainip rin pala kapag kami lang lagi ang magkasama at magkausap. Pakiramdam ko nahahawa ako sa kaweirduhan nya.

“Hindi ka pa rin ba aattend ng practice ngayon? Bukas na ang Acquaintance Party. Hanggang ngayon hindi ka pa rin sumusulpot, nagagalit na yung President.”

Muli akong napangisi sa sinabi ni Trust. Hmm?

“Bakit pa? Hindi naman kailangang magpractice Pre. It's just a piece of cake.” I confidently stated.

“Bahala ka. Mamaya kung kailan nandyan na saka pa kayo magkamali. May routine yun kahit papaano. Paano na lang yung magiging partner mo? Gulatan, ganun?” hindi naman sya yung gagawa pero mukhang sya yung namomroblema tsk.

“And that's the plan Dude. Maganda na yung on the spot, at least wala ng urungan.” nakakaloko lang akong ngumiti sa kanya. Ngumuwi naman agad sya na parang alam na nya ang kalokohang tumatakbo sa isip ko.

“Naturingang President, pasimuno sa kalokohan.”

“At sino bang nagsabi sa’yong gagawa ako ng kalokohan bukas? I'm just going to surprise them— especially her.” muli akong napangiti ng pagkalawaklawak.

Nang sulyapan ko si Trust, nakatitig lang ito na parang nawewierduhan sa ikinikilos ko.

“Surprise? Ganon mo sya ka ‘gusto’ kaya kailangan mong isurpresa?" Agad ko naman sa kanyang ibinato ang susi na hawak ko pero nasalag lang ito ng mga braso nya. “What? Tama ba ako?" Natatawa nitong tanong na halatang inaasar talaga ako.

“Gago. Nagkamali lang ako ng term na ginamit. Gusto ko lang sila gulantangin. Saka tigil tigilan mo nga yang pinagsasasabi mo, kinikilabutan ako." umakto lang akong parang nandidiri sa sinabi nya.

“Sus. Kaya pala. Kaya pala—” napatigil sya sa pagsasalita ng batuhin ko ulit sya at throw pillow na una kong nahagilap. Saktong sapul mismo sa mukha nya. Imbis na ibalik at gumanti sa’kin, tumawa lang ng tumawa. “Guilty ba?"

“Bahala ka sa buhay mo. Si Lacey lang naman ang tanging babaeng tinitignan ko, wala ng iba.”

Langya. Eto na naman ako.

Wala ako sa mood magemote ngayon. Pero bwiset kasi itong si Trust, ang dami nyang pinagsasasabi.

“Tinitignan. Pero mayron ka ng ngayong tinititigan.” muli na naman nyang pangaasar at pailing iling na tumatawa.“Minsan akala mo, sinusulyapan mo lang.”

“Seryoso ka ba Trust dyan sa pinagsasasabi mo? Of all people, ako pa talaga? Tsk, mamamatay na lang ako hindi pa magkakatotoo yang sinasabi mo.” iritable kong sagot sa kanya.

“Magpapahanda na ba kami sa funeral homes para sa nalalapit na libing ng tinaguriang Bad ng HFA?”

“Isang pangaasar mo pa sa’kin sa babaeng yun, lilipad ka na sa kabilang building. Baka ikaw ang may gusto kaya bukang bibig mo?"  This time, ako naman ang nangaasar na nakangiti sa kanya.

“Sa ating mga Elites, alam mong walang talo talo.” makahulugan nitong sabi at weird na namang ngumiti.

Nawala bigla ang pangaasar na ngiti sa labi ko.

Kaya ayaw ko minsan makipagusap dito kay Trust eh, minsan kahit ikaw na mismo ang kaharap, ikaw rin ang titirahin. Kaya hindi na ako magtataka kung sa aming apat, sya ang pinakamagaling magpaamin.

May mga oras na seryoso mo syang makakausap kaya dapat seryoso mo rin. Hindi mo sya magagawang birubiruin. Kalalaking tao pero nakaka-intimidate minsan kausap.

“Oo nga pala, nagusap na ba ulit kayo ni Dwayne?"

“Hindi pa.”

Tumayo ako agad at kumuha ng maiinom sa fridge. Bigla na naman akong binanas.

“Bakit?”

“May dapat ba kaming pagusapan?”

Lumingon naman sya sa'kin na kung makatingin, akala mo may mali sa sinabi ko.

“Sa ating dalawa, alam kong mas alam mo kung wala ba talaga o meron.”

Nagigting ang mga panga ko sa sinabi nya.

Okay naman kami ni Dwayne. Kaso maraming bagay lang talaga kami na hindi pinagkakasunduan minsan.

“Simple lang naman kasi ang pabor na hiningi nya sa'yo ah? Bakit ba kasi hindi mo magawa?"

Hindi ko agad nasagot ang tanong ni Trust. Sa halip, sunod sunod kong ininom ang napakalamig na tubig sa hawak kong baso.

Simple? Huh! Sana nga naging simple ang dating sa’kin. Kaso hindi eh.

“Bakit nga ba kasi big deal na big deal sa’yo? Kaibigan din natin si Dwayne, dapat mas yun ang isalangalang mo kaysa dyan sa mga kalokohan mo.” mahigpit akong napakapit sa baso.

Nakakaramdam na naman ako ng inis kapag naaalala ko yung paguusap namin ni Dwayne nung nakaraang araw.

Ako ahamak na mas mataas sa kanya, pero ako pa itong parang mas mababa sa kanya kung utusan nyang gawin ang gusto nya.

Well, nakiusap naman sya ng ayos kung tutuusin. Kaso hindi ganun ang dating sa’kin. I know there is something.

Pero hindi ko lang kasi maipaliwanag. Nakakagago isipin. Pwede namang mag-give way ako, kaso bakit nga ba hindi ko magawa? Pwede namang palagpasin ko na lang, kaso bakit hindi ko kaya?

“Kung ako sa’yo, bago pa kayo magkasamaan ng loob ni Dwayne, pagbigyan mo na sya sa maliit na pabor na hinihingi nya.”

“Hindi yun ganun kadali Trust.” seryoso kong giit sa kanya at muli na akong umupo sa sofa habang hawak ang cellphone ko. Walang ganang nagi-scroll ng newsfeed sa Facebook ko.

“Bakit hindi ganun kadali? Kasi mas mahalaga ang pride mo kaysa sa samahan nating magkakaibigan?” napatigil ako sa pagscroll sa phone ko. Wala naman akong specific na tinitignan, basta bigla lang akong napaisip sa tanong nya.

Tsk, parehas talaga sila minsan magisip ni Dwayne. Ang lalim. Masyadong mga seryoso sa buhay.

“Napakabihira lang humingi ng pabor ni Dwayne, at alam mo yan Blaze.”

Eh di si Dwayne na ang masyadong mabaet at laging mapagbigay sa aming lahat. Sabagay, never syang nagdemand ng isang desisyong sya lang ang masusunod. May mga pagkakataong kapakanan pa rin namin ang iniisip nya kahit kung tutuusin pwede naman nyang unahin ang sarili nya.

Naaalala ko pa nga na mas pinili nya pa kami kaysa ang pagaaral nya sa Canada na naging dahilan kung bakit sobra sa kanyang nadisappoint ang Daddy nya.

Minsan masyado ng nakakasakal at nakakainis yung kabaitan nya. Nakakapressure kung tutuusin dahil madalas akong maikumpara sa kanya. Kaya tuloy sa mga ganitong pagkakataon, ako itong lumalabas na masama kapag hindi ginagawa kahit mga simpleng pabor nya.

“But not this time. Hindi ko ganun kadali syang mapapagbigyan."

“Eh bakit nga ba?"  Makahulugan muli nitong tanong at hindi na naman ako nakasagot agad.

Nagiwas lang ako ng tingin. Baka sakaling mahanap ko dito sa loob ng pent house ang sagot.

Kaso wala. As in wala. Hindi ko rin alam. Kasi kung alam ko din kung bakit, bakit hindi ko na lang sagutin ng simple ang tanong nya hindi ba? Kasi kahit ako mismo, hindi ko rin alam.

Nakakatawang isipin and at the same time, nakakatanga.

“Alam mo namang nung mga bata pa lang tayo, ni minsan hindi pa ako nagpaubaya ng isa sa mga laruan ko.”  sagot ko kay Trust ng hindi sya tinitignan. At hindi na naman sya muli nagtanong pa.

Isang araw, masasagot ko rin yang mga “bakit” nya. Pero sa ngayon, wala. As in wala pa talaga akong mahanap na tamang rason. Basta ang alam ko lang, ayaw ko pa.

~°~

Nakakapagod na.

Hindi talaga ganun kadali kapag may katungkulan ka sa school. Sa mga ganitong pagkakataon, pakiramdam mo talaga susukuan mo nalang minsan dahil masakit sa ulo. Tawag dito, tawag doon. Organize dito, organize doon.

Although may organizer na naman nitong Acquaintance Party, kasama pa rin kaming mga student body council sa mga nagaasikaso sa mga segment na gaganapin ngayong gabi. Kung saan ang gabing ito ay para sa mga mga freshmens ng buong HFA. At hindi lang yun, sinasama na rin ang mga bagong transfer sa ceremony kahit hindi ito mga freshmens.

“Blaze, kanina ka pa hinahanap ni Ellie.” halos humahangos na palapit sa'kin si Axle.

“Tsk. Ang paranoid nya. Sabihin mo, huwag syang magalala dahil hindi ako papalya.” hindi ko maiwasang magsalubong ang kilay.

Kanina pa ako kinukulit ng babaeng yun.

Kasalukuyan ako ngayong nasa back stage at kausap ang ilang Elites. May special number kasi sila ngayon at sila ang pinakaunang magpeperform bago ang mga member ng Music Club. Buti na lang talaga at hindi nila ako pinilit sumali sa kanila. Because honestly speaking, mas magaling pa ang mga elementary students kaysa sa kanila. Tapos isasama nila ako sa stage para mapahiya? Tsk. Huwag na lang.

Lumabas na ako ng backstage at naglakad patungo sa harapan ng stage. Dumeretso lamang ako sa nakabilog na mga upuan na nasa harapan lang mismo kung saan nakaupo ang ilang Elites na hindi kasama sa magpeperform.

Kanina pa nagsimula ang program pero mukhang hindi ko pa nakikita ang babaeng yun.

Excuse me lang muna, hindi sa hinahanap ko sya. Napansin ko lang na hindi nya kasama yung mga kagrupo nya.

And speaking of kagrupo, medyo nagulat lang ako sa costume nila. Medyo daring lang kasi. Hindi ko masyadong matagalan tignan. Masyadong maiiksi yung shorts nila na kulay puti at halos tapisan lang nila yung dibdib nila na kulay gold naman ang kulay habang may suot suot na maskarang gold din ang kulay na mata lang nila ang natatakpan.

Napapakunot tuloy ang noo ko. Kung ganito rin kasi ang isusuot ng babaeng yun, baka lalo lang akong mairita. Parang hindi bagay.

Ibinalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa unahan. Panakanaka pa akong kinakausap ni Yuri dahil sya ang katabi ko sa upuan. Pero dahil wala akong maintindihan sa sinasabi nya, hindi ako nagrereact o sumasagot. Masyadong malakas ang music sa sound system kaya bahala sya dyan. Paniguradong mga rants lang naman ang sinasabi nya at pamumuna sa mga outfit ng ibat ibang narito ang binabanggit nya.

Nagsimula na muling umingay ang buong quadrangle. Open space kasi dito at mas malaki ito kaysa sa gymnasium kaya dito na lang nila napagkaisahang ganapin. Masyado na kasing marami ang estudyante ng HFA kaya hindi na magkakasya kung ipipilit pa sa gymnasium.

Naging elegante rin naman tignan dahil sa catering at theme ng party. Black,white and gold  ang touch ng buong paligid dahil na rin sa yun mismo ang mga kulay na nagrerepresent ng HFA.  At mas dumagdag pa ang malawak na set up ng stage sa pinakaunahan. Akala mo may concert na magaganap dahil may sinabi ang pagkakaset up ng mga stage na tumugma sa pagkakaayos ng mga upuan namin ngayon. Hindi tinipid sa budget.

Umakyat na ang ilan sa mga Elites na unang magpeperform. Pero natapos na lang ang pagpeperform nila nang hindi namalayan ng lahat dahil masyadong nakakantok. Harsh man, pero yun ang totoo.

Yaaah! HF19 na!!!”

“Waaah!”

Ang popogi!!”

Muling umigay ang buong quadrangle ng i-announce kung sino ang unang magpeperform na magmumula sa Music Club.

Nababagot lang ako habang nakatitig sa stage. Naiinis rin ako sa matitinis na hiyawan ng mga babaeng nasa likuran ko. Kung sigawan nila yung mga limang lalaking nasa stage, akala  mo sobrang gagwapo. Eh mga mukha namang bakla eh.  Hindi hamak namang mas gwapo at mas malakas ang dating ng mga lalaking Elites sa mga yan.


“Go Justin!"

“Waaah! Josh!”

“I love you Ken!”

“Ang cute mo Sejun!”

“Akin ka na lang Stell!”

Halos mapatakip ako sa tenga ko. Naiirita na talaga ako sa mga sigawan nila. Nakakabingi.

“Chill lang Blaze, mas gwapo ka pa rin sa kanila.” biglang sabi ni Yuri na may pagangkla pa ng braso nya sa braso ko at nagawa pang sumandal sa balikat ko.

Aalisin ko na sana ang braso nya kaso nahagip ng paningin ko ang pwesto nila Mr. and Mrs. Hyun. Kaya no choice ako kung hindi hayaan na lang. Lalo at katabi din ng mga ito sa VIP seats ang magulang ko.

Natapos ang buong performance nila na iritang irita ako. Paano ba naman, ni minsan hindi nanahimik ang mga babae sa likuran namin kasisigaw. Mga namamaos na wala pa ring tigil.

Ang alam ko sikat ang HF19 ngayon lalo sa YouTube. Aaminin ko, magagaling sila kumanta at sumayaw kahit papaano. Kaso kung kami sigurong mga Elites ang magsasamasamang magperform, baka mayanig na buong quadrangle sa mapapanood nila. Walang panama yang lima na yan sa mga Elites.

“My King, watch me okay? It’s our turn.” may pagkindat pa si Yuri ng nagpaalam sa’kin at tumayo na.

Rumampa ito papuntang backstage. Sila na kasi nila Axle ang pangalawang grupo na magpeperform at kasama na si Trust doon. Bale si Yuri ang magiging vocal nila at sila Axle at Trust ang sa ibang instruments. Hindi ko na masyadong kilala yung iba pa dahil mga lower year nanggaling.

Confident na kumakanta si Yuri sa ibabaw ng stage na tinititigan pa ako habang kumakanta. Medyo rock ang kanta nya na lovesong na nagcocomplement din sa tunog ng instruments nila. Nakakarinig na naman ako ng ilang sigawan pero this time, iba na. Mga panunukso na sa aming dalawa.

Sa totoo lang, hindi ako kumportable na pinipilit nilang maging kami ni Yuri. Pero nasasanay na rin ako kahit ang totoo eh wala naman akong kahit katiting na pagtingin dito. Pagiging kaibigan lang talaga ang pwede kong ibigay sa kanya gaya na lang simula nung mga bata pa kami.

May ilan na namang nagsisigawan dahil sa matinding paghanga sa mga tumutugtog sa unahan. Syempre, laman ng sigawan ang babaerong si Axle at si Trust na masyadong seryoso. May mga ilan ilan na ring sumasabay sa pagkanta nila.

I admit it, magaling sya kumanta. Kaso makikita at mararamdaman mo talaga sa boses nya na parang may kulang. Basta, hindi ko masyadong mailarawan kung anong kulang eh. Yun ba kasing parang kulang sa feels. Kulang sa damdamin.

Hindi kagaya ni...

Haist. Ano na naman Blaze? Kaya ka inaasar ng inaasar ni Trust eh.

Pero oo, aminado ako. Di hamak na mas magaling talaga ang babaeng yun kaysa kay Yuri pagdating sa pagkanta.

Hindi ko rin maipapagkailang minsan na akong na-hook sa isa sa mga kinanta nya Brice. Yun bang tipo na habang pinapakinggan mo, hindi mo lang namamalayan na tapos na syang kumanta dahil dalang dala at ramdam na ramdam mo yung kinakanta nya dahil sa kakaibang dating nung boses nya.

Naaalala ko tuloy kung paano sya naging careless. Aminin daw ba noon sa Quezon kung ano ang mga favorite songs nya? Eh di nakumpirma ko tuloy na sya at yung MG ng Brice ay iisa. Plus lagi na rin silang magkausap ni Axle simula nung kumanta silang magkasama.

“King, ang galing ko no?" Tila tuwang tuwa namang bumalik sa upuan nya si Yuri. Tumango lang naman ako at bahagyang ngumiti para hindi sya mapahiya.

Hindi ko namalayang tapos na pala sila dahil sa kaiisip.

“Watch them too King, I'm sure maeentertain ka kung paano sila magkakalat.” nakangising banggit nya muli habang nakataas ang isang kilay. Nang sinundan ko ang tingin nya, doon ko nakumpirmang grupo ng babaeng yun ang tinutukoy nya. “Goodluck to that freak. Paniguradong sya mismo ang magpapahiya sa grupo nya.”

Mukhang ang babaeng yun ang tinutukoy nya.

Bago pa man makalagpas sa harapan namin ang grupo nila, agad akong sinenyasan ni Ellie pero hindi ko sya pinansin. Ang tanging atensyon ko ay nasa mga kasama nya. Bakit mukhang wala naman ata ang babaeng yun?

Nagsimula ng ipakilala ng emcee ang grupo nila Ellie. Pero kasalukuyan pa silang wala sa stage. At kahit isang sigawan, wala akong marinig. Wala din halos pumalakpak ng ipakilala sila.

Pasimple lang akong sumulyap kay Trust. At binigyan nya lang ako ng mga makahulugang tango.

Tama ba talaga itong gagawin ko?

Ewan. Kasi kung tutuusin wala naman akong ibang dahilan. Kung tutuusin pwede naman akong tumanggi, pero bakit nga ba ako napapayag?

Tss. Siguro dahil alam kong magiging isa akong malaking distraction sa kanya kapag nalaman ng babaeng yun ang gagawin ko.

Pero nakakagago.Hindi naman ako nerbyosong tao pero bakit parang ayaw kong ituloy?

Nang magsimula ng padilimin ang stage ng bahagya ay mabilis na akong tumayo at tumakbo patungong stage. Agad akong umupo sa isang bakanteng upuan na nasa tabing bahagi ng stage at kinuha ang microphone na gagamitin ko.

“Hindi nga? Kasali pala dyan si President Blaze?"

“Seriously? He's going to perform with them!?”

Napakaraming komento pa ang mga narinig ko. Iba iba. Mga hindi makapaniwala. Kahit ako, hindi ko rin naman talaga intention na sumali rito. Sabihin na nating napasubo na rin ako dahil kahit isang club, kailangan daw na may salihan ako bilang ako ang isa sa matataas na modelo ng HFA. At kailangan din daw na kahit isang performance, may samahan ako. At first naisip kong kayla Yuri na lang. Pero nang malaman kong kailangan din ng grupong ito ng isang pansamantala nilang makakasama, hindi na ako nagpapilit pa ng lapitan ako ni Ellie.

Ilang segundo nang tahimik nang bigla ng tumugtog ang nakakaindak na intro ng kanta o sabihin na nating sayaw din at the same time.

(Play the video on the side)

Unang nagsilabasan sila Ellie mula sa magkabilang side ng stage. Nahati sila sa dalawang hanag. Hindi maipapagkailang masinsinan silang nagpractice. Dahil sabay sabay at walang tapon. Mukhang lahat sila may sinabi sa pagsasayaw.

Ngayon habang nakaupo, mahigpit lamang ang hawak ko sa microphone. Inaabangan ang taong inaasahan kong magugulat na makita akong narito.

Hindi man ako umaattend sa practice, alam na alam ko naman ang gagawing routine at talagang ipinilit ko yun kay Ellie kahit nagagalit na sya.

♪I love it when you call me señorita
I wish I could pretend I didn't need ya..

At lumabas na nga ang inaantay ko.

Pero halos mapaawang ang bibig ko ng marinig ang unang pasok pa lang ng pagkakakanta nya. Sobrang..sexy ng dating. Napatitig ako sa kanya mula ulo hanggang paa.

Mas daring ang suot nya kaysa sa mga kasama nya. Oo parehas ng kulay, kaso mas mukhang kinapos sa tela ang sa may bandang dibdib nya. Partida, may manipis syang parang puting robe na nakabalot sa katawan nya pero hindi naman nito natakpan ang perpektong hubog ng katawan nya.

♪But every touch is ooh la la la..♪

Bumaling na sya sa kaliwa kung saan ako nakapwesto habang kumakanta.

Iba ang inaasahan kong reaksyon kumpara sa nakikita ko ngayon mula sa kanya. Buong akala ko bahagya syang matitigilan, pero mukhang nagkamali ako.

Mukhang ako ang nagugulat ngayon sa kanya.

Tuloy tuloy at dahan dahan lang syang lumakad ng pasexy habang patuloy na kumakanta at papalapit sa akin. Akala mo nagse-sway ang mahaba nyang buhok na kulot ang dulo sa bawat paggalaw nya.Habang ang mga kasama naman nya ay patuloy pa ring sumasayaw ng sabay sabay.

♪It's true, la la la
Ooh, I should be running
Ooh, you keep me coming for you..♪

Napailing ako. Bakit ganito?

Sabi ko, sya ang dapat magulat, kaso bakit mukhang ako itong natatameme at natutuyuan ng laway habang nakatitig sa kanya? Na parang sya lang ang nagiisang tao dito na nakikita ko?

♪Land in Miami the air was hot from summer rain Sweat dripping off me

Sh*t. Buti nakabalik pa ako sa wisyo at nagawa ko pang kantahin ang kakantahin ko.

Nasa harapan ko na talaga sya at nananatili pa rin akong kumakanta habang nakaupo. Habang sya naman ay dahandahang lumilibot sa likuran ko habang hinahaplos ang balikat ko.

♪Before I even knew her name, la la la It felt like ooh la la la Yeah no..♪

Aaminin ko, ang hirap magfocus sa pagkanta habang pinagmamasdan sya. Unti unti akong nadidistract sa bawat kilos at galaw nya.

Sinunod ko naman ang ayon sa kung anong detalyadong instructions sa akin ni Ellie. Habang kumakanta, sinusundan ko lang ng tingin ang bawat galaw nya habang dahan dahan syang naglalakad sa likuran ko patungo sa harapan ko..

Sapphire moonlight We danced for hours in the sand Tequila sunrise Her body fit right in my hands, la la la It felt like ooh la la la, yeah♪

Hanggang sa puntong hinagkan nya ang buhok ko at doon ko na  kinuha ang kamay nya at mabilis akong tumayo habang hindi bumibitaw sa titigan naming dalawa habang parehas na kaming kumakanta. Hawak hawak pa rin ang kamay nya.

I love it when you call me señorita I wish I could pretend I didn't need you But every touch is ooh la la la It's true, la la la..

Sabay na kaming kumakanta habang inaakay ko sya patungo sa gitna ng stage at sa unahan ng mga kagrupo nya. Hindi pa rin ako nagbibitiw ng titig sa mga mata nya habang sya naman ay umiikot sa harapan ko habang kumakanta at bahagyang sumasayaw pa. Animoy nangaakit pati ang boses nya.

Napuno ng malakas na hiyawan. Kung malakas ang naging hiyawan kanina sa mga naunang grupo, dumoble na ata ngayon.

“Waaaah! Ang galing galing nyo!"

“Bagay! Bagay! Bagay!”

“Wowooot! Ang sexy ni Señorita, akin na lang yan President!”

Saglit akong nawala sa focus ng marinig ang isang hiyaw mula sa isang lalaking estudyente na hindi ko nagustuhan.

Ooh, I should be running Ooh, you know I love it when you call me señorita I wish it wasn't so damn hard to leave you But every touch is ooh la la la It's true, la la la Ooh, I should be running Ooh, you keep me coming for ya..

Sa palagay ko nagagawa ko naman ang routine ko kahit papaano habang kumakanta. Kahit aminado ako na nadidistract ako sa sayaw at suot nya.

Bakit kasi kailangang ganito ang suotin nya?

Hawak ko pa rin ang kamay nya ng umikot sya at sumandal sya sya sa balikat ko at nagtitigan na kaming dalawa. Yung sa sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa, pakiramdam ko kahit nakamaskara sya, kitang kita ko ang kabuuan ng mukha nya.

Mukha nyang dalawang beses ko nang nakita..

Locked in the hotel
There's just some things that never change
You say we're just friends
But friends don't know the way you taste, la la la

Bahagya nya akong itinulak papalayo sa kanya at nag-sway pa sya papalayo habang kumakanta. Kasabay nun, bahagya pa rin naman syang sumasayaw at aminin ko man o hindi, pansin na pansin ang magandang hugis ng balakang nya habang iniindak nya ito habang kumakanta.

Bigla bigla, nakakatulala syang pagmasdan. Nakakagago isipin pero habang tinititigan ko ang bawat kilos nya, parang nakatagpo ka ng isang diwatang kumakanta at sumasayaw sa gitna ng isang kagubatan. Tila hinaharana ka. Tila hinahalina..

Cause you know it's been a long time coming
Don't you let me fall

Ang kaso medyo aminado akong nakakaramdam ako ng kakaiba sa bawat haplos nya sa braso, bewang at balikat ko kapag hahawakan nya ako na parang pinapadausos ang kamay nya sa balat ko.

Pakiramdam ko napapaso ako.

Ilang kurap lang ay lumakad na ulit sya sa napakaromantikong paraan habang iniindak ang sayaw. Inabot ko ang kamay ko sa kanya at agad naman nya ring ibinigay ang kamay nya. Pagkahila ko sa kanya ay ilang ulit ko muli syang pinaikot sa braso ko at binitawan saka muling nagtagpo ang mga mata naming dalawa.

Masyado nang magkalapit na ngayon ang mukha naming dalawa. Hinahagkan ang mukha ng isa’t isa.

Hawak ko ang baba nya habang sya ay hinahaplos muli ang pisngi ko. Bigla akong napatingin sa labi nya at mas lalo kong narealize na mata nya lang ngayon ang natatakpakpan.

Napalunok ako ng wala sa oras.

May kung ano na namang nagtutulak sa'kin na gawin ang isang bagay..

Hindi ito ang pinakaunang beses kong naramdam ‘to. Noong una, hindi ko pa masyadong inintindi. Pero alam ko sa sarili ko na nung mga oras na unang beses kong tinanggal ang nakatakip sa mukha nya, wala lang talaga sa'kin yun dahil hindi ko naman talaga gasino tanda yung mukha nya noong mga oras na. Nang dahil na rin siguro sa kalasingan. Pero lumipas ang ilang araw, muli ko lang talagang naalala.

At natandaan ko nung mga sandaling lumapat ang labi ko sa labi nya, doon pa lang alam ko ng may kakaiba. At sa pangalawang pagkakataong tinangka ko syang halikan, yun na yung pagkakataong malinaw at klaro ko ng nakita ang kabuuan ng mukha nya. At doon nasagot ang napakaraming kyuryusidad na tumatakbo sa isip ko.

Kasi kahit ako, nagtataka. Weird man pakinggang pero tila magnet ang mga labi nya na kusa akong nahahatak palapit sa kanya.  

At hindi na rin siguro nakakapagtaka na ang pinakaunang pinang-agaw nya ng atensyon sa'kin ay ang pagkanta nya—kung saan nagmumula pa rin sa nakakaakit at mapupulang labi nya.

♪Ooh, when your lips undress me Hooked on your tongue Ooh love, your kiss is deadly Don't stop..

Muli syang umikot sa likuran ko pero this time kailangan ko syang pigilan at hawakan sa bewang papaikot sa tiyan nya.

Ganon na lang ang reaksyon ng katawan ko ng may makapa ako. Hindi ko inaasahan.Hindi ko rin agad nahalata. Bakit hindi ko agad nakita kanina?

Hindi ako masyadong nagpahalata na biglang natense ang kamay ko. Hindi ako sigurado kung nasa huwisyo parin ako pero badtrip talaga— tinamaan ako ng hiya.

Ngayon masasabi ko, kakaiba talaga sya sa napakaraming paraan.

No wonder, she's one of a kind girl with full of mystery and surprises.

Magsimula sa itinatago nyang mukha. Sa versatile nyang mga talent. Sa kakaiba nyang tapang at lakas sa pakikipaglaban. At pati na rin sa katawan, hindi mo maipagkakaila. At her age, she has this abs that every man ready to die for.

Muli nya akong tinulak ng marahas dahilan para maibalik ako sa sandaling pagkawala sa focus.

Bahagi pa rin yun ng routine pero nagtaka na lang ako ng bigla syang ngumiti bago muling magsimulang kumanta—kasabay ako.

What the hell. Anong klaseng ngiti yun?

♪I love it when you call me señorita I wish I could pretend I didn't need you But every touch is ooh la la la It's true, la la la Ooh, I should be running Ooh, you know I love it when you call me señorita

Nahihibang na ba ako?

Ngayon na ba nasasagot ang mga tanong kung bakit may kakaiba sa’yo simula nung una tayong magtagpo?

I wish it wasn't so damn hard to leave ya But every touch is ooh la la la It's true, la la la Ooh, I should be running Ooh, you keep me coming for you

Sino ka ba talaga Candid?

Bakit napakamisteryosa mo?

Ano pa ba ang ibang mayroon sa’yo?

Baka pwede ko nang malaman lahat—dahil nahihibang na ako.

Muli akong umupo sa upuan. Umaktong nahihirapan ng dahil sa paglayo nya. Yun naman kasi ang huling routine na gagawin ko.

Muli ay tinitigan ko sya mula sa kinauupuan ko.

Napapailing na lang ako. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako pero—ewan ko. Naiinis ako. Ngali ngali kong magwala ng dahil sa frustration.

I wanted to touch her again. Damn it. Damn it!

Pero ilang segundo pa ay muli syang lumapit sa’kin at hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa. Hindi ako nainform na may kasamang ganito.

All along I've been coming for you And I hope it meant something to you Call my name, I'll be coming for you Coming for you, coming for you, coming for you...

Bigla nya akong niyakap mula sa likuran ko. May paghagod pa sya sa pisngi ko mula sa likuran ko. Pero saglit lang yun at muli syang umikot sa harapan ko habang kumakanta.

For you ..

Kanta nya habang titig na titig sa mga mata ko.

(ooh, she loves it when I come)

Mabilis ko namang pag-second voice habang linalabanan ang mga titig nya.

Tsk. Ano ba ‘tong nararamdaman ko?

Pero hindi lang pala yun ang mas nakakagulat. Mas lalong hindi ako naiform sa pinakahuling ginawa nya.

Bigla lang naman syang kumalong sa lap ko habang nakaupo ako sa upuan. Bahagya pa akong napaurong sa kinauupuan ko.

Pakiramdam ko nanigas ako bigla. Hindi ko inaasahan na may ganitong routine. Idagdag mo pa na titig na tirig pa rin sya sa kabuuan ng mukha ko habang kumakanta.

Yung puso ko..parang nagwawala.

Badtrip. Nababaliw na nga ako. Hindi kaya inaakit ako ng babaeng ito?

♪For you

Ooh, I should be running
Ooh, you keep me coming for you..

Muling umalingawngaw sa buong paligid ang napakalakas na palakpakan. Sinisigaw ang pangalan naming  dalawa. Humihiling ng isa pa.

“Akin ka na lang Candid!”

“Bagong loveteam! Mr. Señorito and Señorita!"

“Grabe! Ang galing nyo!"

Parehas kaming naghahabol ng hininga pero nanatili pa rin kaming nakatitig sa isa’t isa. Hawak ko pa ang bewang nya habang nakaupo pa rin sya sa lap ko.

Kanina pa ako hindi mapaigi. Kanina ko pa pinipigilang magsalita.

Kanina pa nagiinit ang buong mukha ko. Kanina pa ako nakakaramdam ng kung ano.Nakakatawa pero hindi ko lang malaman kung saan ba nanggagaling yung nararamdaman ko. Para kasing yung dagundong lang ng sound system ang naririnig ko. Baka naghahallucinate lang ako. Pakiramdam ko kasi, parang may sasabog—pero kusa na lang akong napangiti ng todo kahit sobra ang pagpipigil ko.

Pero ano nga ba ang pinipigil ko?

Napalunok muli ako. Hinahanda ang sarili ko sa posibleng mailabas ng bibig ko. Gusto kong maging maingat. Hindi pwedeng magpadalosdalos ako. Ako pa rin si Blaze..at ako rin Bad. Hindi yun pwedeng mabago.






My Señorita... Ngayon alam ko na kung bakit interesado ako sa’yo..”  masamyo kong bulong sa tainga nya at ramdam ko ang biglang pagka- stiff ng katawan nya. Saglit syang lalong napatitig sa'kin bago dali dali at tarantang umalis sa lap ko. Deretso syang napatayo.




“Gago ka talaga.” bigla na lang nyang nasabi at ewan ko ba, feeling ko compliment yun kaya bigla akong natawa.




Napailing ako at napakagat labi ng mahalata ang priceless na reaksyon nya. Bakit ngiti ka ng ngiti Baze? Para ka tuloy tanga.




Blaze, nababaliw ka na nga.

“At least— +$&_*&#";

“Ano!?”




Buti na lang..hindi nya narinig.



Agad ulit akong umiling habang lalong nanlalaki ang ngiti sa mga labi ko.

Siguro naweweirduhan na sya sa klase ng pagkakangiti ko sa kanya, pero huwag nya ako tatanungin. Kasi hindi ko rin alam kung bakit..








An : Again

Sorry na, birthday ko naman po eh ! Haha. Pwede bang makahiling ulit? Please. Hihi.

Please share at recommend this story to your facebook post and also Complicated With A Kiss Stealer. Together with your hashtag #ElitesSeñorita #CWAKS at hahanapin ko po kayo :) Promise! Birthday gift nyo na lang sakin. Haha minsan lang ako humiling :) Sana may pumansin. Salamat poooo! :-*

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
455K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
122K 4K 24
Katty Denblake is in a real feminist war. Complications threaten her desire for archery, schemes to pose as her older brother, Keith Denblake, and ta...
846K 33.2K 39
When your nightmare turns out as your reality is the most terrifying event that you will imagine in your whole life. Can you survive when you know t...