Baka Sakaling Bukas

Par Yanniee05

5.5K 87 18

Sequel of 14 Weeks With My Professor. Plus

Baka Sakaling Bukas
Chapter 1: Prince Yuan
Chapter 2: Ang Muling Pagkikita
Chapter 3: Scandal
Chapter 4: Quality of Life???
Chapter 5: Dark Side of Jace
Chapter 6 - Ghosted
Chapter 7: Kakalimutan na kita
Chapter 8: Magkaibigang nagkaka-ibigan?
Chapter 9: Facing Issues
Chapter 10: For real?
Chapter 11: Yes, I'm coming back to you
Chapter 12: Sa huling pagkakataon, sumusugal ako.
Chapter 13: Reason for leaving
Chapter 14 - The Confrontation
Chapter 15: Paampon muna ha?
Chapter 16: Ginugulo mo ang buhay ko, ginugulo mo ang puso ko...
Chapter 17: Wag ka lang lumayo
Chapter 18: Patawad, hindi ako sigurado...
Chapter 19: Paano kung...
Chapter 20: Kaibigan lang.
Chapter 22: Oo, sasama ako sayo...
Chapter 23: Risking, trying, nagbabakasakali.
Chapter 24: Balabac Trip
Chapter 25: Bukas
Chapter 26: Site Visit
Chapter 27: Baccalaureate Mass
Chapter 28: Graduation Day

Chapter 21: Shall we just end this here?

106 3 0
Par Yanniee05

June 10, 2019 - Monday

Saktong kakatapos ko lang magpa-Graduation picture dito sa Manila malapit sa campus nila Jace nang dumating siya. Nagulat pa nga ang dalawang kaklase kong kasama ko, si Tina at Ardelaine kasi kanina lang kinukumusta nila ako tungkol sa amin ni Jace. Medyo nag kwento lang naman ako pero syempre hindi naman detailed. 

Si Catt nga ang dapat na kasabay ko e kaso hindi naman mag tugma ang schedule namin. Isasama niya kasi 'yung anak niya para sa creative shot niya, kaso may pasok naman 'yung anak niya ngayon kaya hindi siya makapagpa gradpic ngayon. 

"Hi Sir!" Bati nilaa Tina at Ardelaine kay Jace na umupo sa tabi ko. 

Oo nga pala, naging prof din nila si Jace noon. 

Tinanguhan at medyo nginitian lang naman sila ni Jace, "Okay ka na?" Tanong niya sa akin.

"Oo, tapos na 'ko." Sagot ko naman. 

Jusko, wag naman sana mabanggit ni Tina at Laine na pinuntahan ako ni Jace dito kay Jess. Medyo alam kasi nila ang sitwasyon namin ni Jess lalo na kasi mag ex si Laine at Jess.

"Ano tara?" Tanong ko kay Jace, tumango naman siya. 

"Guys, una na kami ha." Paalam niya kay Laine at Tina, nagpaalam din naman ako sakanila. 

"Talagang pumunta ka pa dito ha? Diba sabi ko naman sayo sa Freedom Park na lang tayo magkita." Sabi ko at kinurot pa siya sa ilong. 

"Sus, mas okay na dito. Mas konti lang makakakita sa atin. Kung sa campus malamang pag pye-pyestahan tayo doon. Hot issue." Natatawang sabi niya. Well, sabagay.

Napatigil kami sa exit ng building kung nasaan ang studio, napakalakas naman pala kasi ng buhos ng ulan.

"Umuulan nanaman." Sambit ni Jace.

"Lagi na lang umuulan tuwing magkasama tayo." Sabi ko naman.

.......

Kakatapos lang namin manuod ng sine, at as usual. 

Nag sine lang naman kami para makapaglandian hihi. Napakaclingy naman kasi nito ni Jace.

Ngayon, andito kami sa isang restaurant para magpaturo siya sa system na ginagamit ng school namin para sa mga take-home school activities. Hindi ko rin naman masyado alam 'yun, kasi pang prof. E 'yung pang estudyante lang naman nagagamit ko.

Nagpapa proofread din siya ng exam at quizzes niya. Sabi ko may kapalit na bayad kasi negosyo ko naman talaga itong pag proo-proofread at pag gawa ng mga school works. Syempre, sa negosyo. Walang libre-libre. Discount pwede pa. 

Habang nag proo-proofread ako, hindi ko mapigilang hindi mapangiti kasi parang kailan lang, ako ang nagsasagot sa mga exam at quiz na ginawa niya, pero ngayon ako na ang taga proofread sa mga exam at quiz na gawa niya.

Tinignan ko siya na mukhang inaantok na sa kakaaral sa system na tinuro ko sa kanya habang ako naman nag proo-proofread.

"Tara? Inaantok na ako kaka-proofread e. Hindi mo pa naman kailangan ngayon 'to 'no?" Tanong ko sakanya. 

Gabi na rin naman at malayo pa ang uuwian ko kaya mas mabuti pang umuwi na kami.

Hindi niya ako pinansin, naka-kunot lang siya ng malalim habang may binabasa sa laptop niya.

"Hoy. Ano 'yan?" Tanong ko.

"May isang iniwan na inheritance pa rin sa akin dad ko." Sabi niya habang nakakunot pa rin sa laptop niya.

"Ano?" Tanong ko. Pero buti naman kung ganun kasi at least ibig sabihin hindi pa rin siya tinatakwil ng 100% .

"Subsidiary company lang naman. Pero for me it's one of the best. Iniwan lang sa akin siguro kasi malaki pa 'yung stocks namin ng mom ko doon."

"Anong subsidiary naman yan? Ang dami-daming subsidiaries ng Gosingtian, alin doon?" Tanong ko ulit.

"One industry na gusto mong pasukin." Sabi niya.

"Yung airline company????" Tanong ko.

Suplado niya naman akong tinignan, "As if namang ibibigay sakin 'yun 'no." Sabi niya.

Oo nga naman.

"Edi ano? Real estate? Yung malls??? Bank? Insurance?" Hula ko.

Sinara niya ang laptop niya, "Mukhang hindi ko na kailangan magturo at mag-aral for the rest of my life ha? Mukhang mas okay kung doon na lang ako mag fo-focus." Sabi niya.

"Gusto mo malaman kung ano? Sama ka sa akin bukas, pupunta ako sa site."

Hindi ako agad nakasagot, iniisip ko pa kasi kung may dapat ba akong asikasuhin bukas.

"I'll take that as a yes." Sabi niya habang nakatapat ang  phone niya sa kanyang tenga.

"Asti!" Bati niya.

Okay, oo nga pala.

I wonder kung nabanggit na ni Asti kay Jace na nakita niya ako sa Yucaico noong nakaraang araw.

"Eto, ayos naman. Ikaw kamusta?"

"Haha yes yes! I'm with her."

"Oh, really? Haha I see. Ano, Asti. Favor hehe. Can I borrow your chopper tomorrow?" Tanong niya.

Chopper?

As in 'yung helicopter???

"Noooo! Sa Batangas lang naman. Site inspection sa GPC."

Sa Batangas????

"Nooo. Hindi binawi sa akin ng dad ko 'yun hehe akala ko nga rin e. Pero I got a notice from my dad's assistant about that subsidiary hehe sinabihan na rin naman ako ni Irene ng about dun. Soooo ayun. How can I say no pa naman diba? Practicality wise na lang din." Sabi niya.

"Great. Siguro around 10am. Ilang minutes kaya estimate?" Tanong niya.

"Sige sige, we'll be there before 10am. I'll wait for the details na lang. Sa e-mail na lang." Sabi ni Jace.

"Yuuuun! Thank you! Don't worry babawi ako and I'll full tank your chopper."

Lol I can't relate...

Ang yaman ng usapan...

Binaba niya na ang tawag.

"Tara? Hatid kita?" Tanong niya bago kami tumayo.

Umiling ako, at sinagot ang lagi kong sagot sa tuwing nag o-offer siyang ihatid ako hanggang sa bahay, "Sa susunod na lang."

"Kahit hanggang sa istasyon ng tren lang?" Tanong niya.

Tumango ako, "Sure ka? Hindi ba hassle? Ang layo oh. Isang jeep ka na lang dapat. E ako LRT, MRT pa. Tapos babalik ka pa." Tanong ko.

"Sus. Okay lang. Tatayo o uupo lang naman ako sa tren. Wala rin namang naghihintay na umuwi ako." Sagot niya.

Naglakad na kami patungo sa istasyon ng LRT sa Central Station, "Parang hindi ka na pumapasok sa school ha?" Tanong ko.

"I'm giving them time to do their research paper para sa subject ko. Tsaka nag iwan naman ako ng mga tasks." Sagot niya.

"Sarap naman ng buhay ng mga estudyante mo. Laging free-cut." Biro ko.

.......

"Tuwing nasa tren ako, laging ikaw na naaalala ko. Ngayon nga kahit kasama kita, ikaw pa rin iniisip ko e." Hindi ko namamalayang sabi ko habang pareho kaming nakatayo dito sa LRT. Nakaakbay pa siya sa akin para alalayan ako.

Hindi naman ganun kasikip dito sa LRT. Ilang tao lang naman ang nakatayo kasi gabi naman na at malapit na rin ang last trip.

Mahina lang naman siyang tumawa. Hindi ko alam kung dahil sa parang ewan naman 'yun o dahil sa kilig.

"Alam mo ba, hindi pa ako nakakapag LRT dati. Natuto lang ako mag LRT mula nung napapadalas tayo sa Manila, lalo na sa SM. Nung first time ko nga, sa UN ako bumaba imbis na sa Central e haha maulan pa naman nun." Kwento ko.

"Hassle ba?" Malambing na tanong niya at mas lalo niya pang hinigpitan ang pag-akbay niya sa akin para isandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

Tumango ako, "Pero okay lang naman. Kasi MRT-LRT ride means I'm seeing you again." Sabi ko.

"Ang drama." Natatawang sabi niya.

Nag kibit-balikat ako, "Ewan ko ba kung bakit parang lagi akong takot na hindi na ulit tayo magkikita. Parang laging it's the last time. Kaya tuwing magkikita tayo, ang saya-saya ko. Pero tuwing uuwi na tayo, bumabalik 'yung takot ko."

"Maybe you were really traumatized noong umalis na lang ako at hindi na nagparamdam." Sabi niya.

"Sobra." Tugon ko.

"I'll never forget the last time I saw you. I mean, 'yung time na umalis ka." Sabi ko.

"Diba kasabay mo pa si Irene nun? Kasama niyo pa 'yung isang lalaki na manliligaw o boyfriend niya ata haha. Nagpaalam ka pa sa akin nun e, sabi mo, "Oy Seung, una na kami ha?" Alam mo 'yung gustong-gusto kitang pigilan kaso sino nga ba naman ako? Tsaka na set ko naman na 'yung isip ko na hanggang doon na lang 'yung nararamdaman ko para sayo. Naisip ko na semestral infatuation lang 'yun, ganun haha. Pero alam mo ba? Pinanuod ko pa kayong maglakad sa labas ng school, tinanaw kita. Hinintay kong bumalik ka ng tingin sa direksyon na kung saan mo ako iniwan, pero hindi e. Hindi mo ako binalikan ng tingin... Ang tagal kong tumulala doon sa classroom na 'yun. Iniisip ko kung hanggang doon na nga lang ba talaga." Kwento ko.

"Sorry." Sabi niya naman, ramdam ko 'yung guilt sa boses niya...

"Gustong-gusto kong bumalik ng tingin sa direksyon mo, kaso alam ko na kapag bumalik ako ng tingin, mismong ako ang babalik sayo. Pero mali e, mali kasi kung hindi ako aalis e... Ang dami kong bagay na dapat ayusin noon. Naayos ko naman, but I, myself, came to my worst." Sabi niya.

"Naiintindihan ko." Tugon ko.

"Sana hindi na maulit 'yun." Dugtong ko.

Mukhang hindi ko na kasi kakayanin e...

"Subukan mong umalis ulit, isusumpa kong sana hindi ka na ulit sumaya." Biro ko.

"Paano ba naman ako sasaya ng wala ka?" Seryosong tanong niya.

"Sa walong buwan na 'yun, I felt like a dead person. Walang kaligayahan, walang inspirasyon. Pero Irene and my cousins motivated me to get my life back. And there. When I connected with you again, I got my life back... You're my life... Without you, I'm a dead living person..."

Hindi na ako sumagot at tumingin na lang sa bintana ng tren.

"Marry me." Sabi niya.

Natawa naman ako, "Gago." Natatawang sabi ko.

"Seryoso ako. After graduation, marry me." Seryosong sabi niya.

"Ganyan ka kasigurado sa akin?" Tanong ko.

Tumango siya, "Oo naman 'no! Bakit naman hindi?" Tanong niya.

Umiling ako, "It's too early for that. Wala pa nga tayong dalawang taon na magkakilala tapos hindi pa nga tayo."

"Sus. Wala sa tagal 'yun." 

Agree naman ako doon pero parang hindi ko lang talaga ma-imagine haha. 

"Ayaw mo ba talaga sa'kin?" Tanong niya na hindi ko alam kung nagbibiro ba o seryoso.

Tinignan ko naman siya at inalis ko ang pakakasandal ng ulo ko sa kanyang balikat.

"Gago ka ba? Anong klaseng tanong 'yan?" Medyo may inis na tanong ko sa kanya.

"Oo, marami pa akong doubts, marami pa akong iniisip kaya hindi ako makapagbigay ng kahit anong assurance sayo. Ayoko naman na sa huli, masisi mo pa ako na pinaasa kita." Depensa ko.

Hindi siya sumagot hanggang sa makarating kami sa EDSA-Taft Station. 

"Sige na, bumalik ka na habang may last trip pa. Last trip na rin sa MRT oh. wala ka nang sasakyan pabalik." Sabi ko. Alam ko rin naman na badtrip na siya.

Umiling siya, "Edi mag bu-bus. Dami-daming paraan e." Bulong niya.

Hindi na lang ako kumibo at patuloy na naglakad patungo sa istasyon ng MRT.

.........

Last trip na ang nasakyan naming MRT, wala nang pabalik. Malamang sa LRT din wala nang pabalik sa Manila.

Nakakakonsensya namang iwan itong si Jace na nananahimik lang kaya hindi ko maiwan...

Kasalukuyang andito kami sa overpass ng MRT Guadalupe Station, nakatanaw lang at para bang binibilang ang kada kotse at bus na dumadaan sa EDSA habang napakalakas pa rin ng buhos ng ulan.

"Siguro tama nga 'yung sinabi mo nung nakaraan..." Malungkot na sabi niya.

"Kapag nagkatrabaho ka na, magiging busy ka na... Sa naiisip kong next move ko sa buhay, magiging mas busy na ako, baka lumipat pa ako ng bahay, no. Not sa Laguna... Kaya siguro tama ka nga na hindi na tayo masyadong makakapagkita. Mawawalan na tayo ng oras para sa isa't-isa. " Sabi niya.

Hindi ako kumibo, inaalam ang nais niyang iparating.

"Shall we just end it here? I mean... Mukhang you're pushing me away naman. Parang ayaw mo na talaga. Parang ang dami mong doubts, ang daming tumatakbo sa isip mo, tapos nakakadagdag pa ako."

"Ayoko, pero if that's what you want. If that will make you happy, sino ako para hadlangan ka?" Dugtong niya.

Nanatili akong tahimik. Hindi alam kung ano ang dapat kong sabihin sakanya.

Kasi ayoko. Ayokong tapusin dito... I'm not pushing him away. Gusto ko lang na kapag naging kami na talaga, sigurado na ang mga bagay-bagay. Maayos na ang buhay ko, ganun. Yung wala nang bumabagabag sa akin...

"Just in case you don't want to end it here, let's leave Manila. Settle with me. Let's get married, and move somewhere a little bit far from here. Then find a job on that place or work for my company o kahit sa competitor pa, I don't care." Sabi niya na ikinagulat ko naman.

Bakit ba lagi na lang niyang bini-bring-up ang kasal???

"J-jace. I'm not pushing you away... Ayokong matapos tayo dito sa simula. Ayoko lang na may doubts ako. Hindi sayo, kundi sa mismong buhay ko. Sa pagkatao ko. Gaya mo, diba ayaw mo akong madamay kaya umalis ka? Ganun din ako... Ayaw kitang madamay pero hindi ako aalis... Kailangan ko lang ng oras." Sabi ko.

"At kung sakaling lilipat ka nga ng lugar, at magiging busy na ako sa magiging trabaho ko, tama ka nga. Mawawalan na tayo ng oras sa isa't-isa and I think that will end us..." Dugtong ko.

Akmang aalis na siya, "Decide. If we'll end this here or you'll accept the other option. O kung may iba ka pang gustong mangyari just to keep us working, let me know... Decide until tomorrow. If you want to end everything here, don't ever show up in front of me. If you opt for the other option, meet me tomorrow at 9am sa Yucaico Helipad." Sabi niya at umalis...

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

1.9M 75.1K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
763K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
305K 5K 23
Dice and Madisson
38.1K 3.2K 46
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...