Hiram Na Pag-ibig (Formosa Se...

By PollyNomial

161K 3.2K 252

Naranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang p... More

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Wakas
Formosa Series Update!

Kabanata 15

2.3K 44 2
By PollyNomial

KABANATA 15 — Nice To Meet You

Kinalma ko ang aking sarili kahit na nag-aalala na ako dahil hindi ko pa napagdedesisyonan kung magsasabi ba ako ng totoo o magsisinungaling.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko at sinabayan ako ni Josef.

“Therese?” May pasensyang tawag niya sa akin. Alam kong hindi hilig ni Josef ang mangealam. Masyado lang siyang matanong.

“Kaibigan.” Sagot ko sa tanong niya kanina. Mabuti na lang at hindi nahalata sa boses ko ang pagsisinungaling ko. Pero totoo naman e. Kaibigan ko si Terrence…

“Lalaki?” tanong pa niya.

Ngumiti ako at tumango. “Yes. Lalaki. He’s a friend from work.” Sagot ko.

Tinagilid ni Josef ang ulo niya at nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang pangungunot ng noo niya.

“Buti naman may naghahatid na sa’yo.” Aniya.

Nabigla ako sa sinabi niya pero tumango na lang ako. “Oo eh. Ngayon lang 'yan. Nagkainan kasi kaming magkakatrabaho. Eh nag-volunteer siyang ihatid na ako since parehas naman kami ng way.” Sagot ko. Nagkibit balikat ako sa kanya. I’m sorry, Josef. Kaibigan kita pero hindi ko kayang ipagkatiwala sa’yo ang totoo.

Ngumiti siya. “Kakauwi ko lang din. Nakita lang kita na bumaba roon sa kotse kaya hinintay na kita.” Paliwanag niya.

Kaya naman pala. Akala ko ay binabantayan niya ako.

Ngumisi ulit ako. Papasok na kami ng looban. Sana naman ay 'wag na 'tong ibalita ni Josef kay tatay. Pero hindi ko na iyon iuutos sa kanya. Magdududa lang siya.

“Sige, Josef. Papasok na ako. Medyo antok na rin ako, e.” Sabi ko at agad naman siyang ngumisi at nagpaalam.

Hindi na siya sumunod sa akin at tumalikod na para tumungo sa bahay nila. Ako naman ay nagpatuloy sa aking paglalakad. Papasok na ako ng bahay nang lumabas si Tito Ned sa kanila. Ngumiti agad ako at bumati.

“Good evening, Tito.” Sambit ko at lumiwanag ang mata niya nang makita ako.

“Therese! Ngayon ka lang nakauwi?” tanong niya. Nasilip ko na maliwanag sa loob ng kanilang bahay.

Lumapit ako sa kanya. “Opo eh.” sagot ko. “Panggabi po ako sa trabaho.” Dugtong ko pa.

“Nasabi nga ng tatay mo. Bakit ka naman pinayagan ni Noel sa ganyang trabaho?” Tanong niya.

Kung hindi ko iisipin na wala ring alam si Tito Ned ay parang ang tinutukoy niya ay ang pagtatrabaho ko sa bar. Pero wala rin siyang alam. Ang tinutukoy niya ay ang sobrang gabi sa pekeng trabaho ko sa call center.

Nahiya akong ngumiti. “Ito na lang po kasi ang tumanggap sa akin. Mahirap po maghanap ngayon eh.” sagot ko na lang.

Naisip ko tuloy kung pati ba si Tito Ned ay kilala si Terrence. Hindi ko kasi madalas makita si Tito Ned dahil halos tumira na siya sa pinagtatrabahuan niya. Ang alam ko ay driver siya ng isang may kayang pamilya. Miminsan na lang siya umuwi. Ang asawa naman ni tito na si Tita Becca ay nasa Dubai at OFW doon. Ang mga anak na lang nila ang madalas na narito sa kanilang bahay.

Nalaman kong paalis pala si tito at may kinuha lang siyang gamit sa bahay. Ang sabi niya ay mag-a-out of town daw ang kanyang mga amo at isasama siya bilang driver ng mga ito. Nagpaalam ako sa kanya at pumasok na rin sa loob.

Nagbihis lang ako ng pangtulog at nahiga na sa kama. Hindi ko na talaga naaabutan si tatay. Inabot ko ang bag na pinatong ko sa katabing mesa ng kama at kinuha ang aking cellphone.

Awtomatiko akong napangiti sa text na nandoon.

Terrence:

Nasa bahay ka na?

Nireplayan ko pa rin kahit sampung minuto na ang nakalipas ng siya ay mag-text.

Ako:

Yup. Matutulog na ako. Thank you and good night, Terrence.

Mabilis ang naging reply niya kumpara sa akin.

Terrence:

Good night, Therese. Bukas wala kang trabaho. Nakalimutan kong sabihin na sarado ang bar bukas. I have a prior engagement. But don’t worry, you’ll still have your salary.” Aniya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil may sweldo pa rin ako kahit walang trabaho o malulungkot dahil wala nga akong trabaho bukas ng gabi. Pero bakit ako malulungkot?

Ako:

Okay lang. See you after tomorrow, Terrence!

Hindi ko alam kung bakit iyon ang tinaype ng mga daliri ko. Pero dahil napindot ko na ang send ay hindi ko na binawi. Hinintay ko na lang ang reply niya. Pero wala na. Siguro ay nag-da-drive pa siya o kaya baka nakabalik na siya sa bar. Baka may kasama na ulit siya. Si Marx o babae? Tinigilan ko ang pag-iisip at hinayaan na lang na makatulog na ang aking diwa.

Kinabukasan ay tamad na tamad ako. Hindi ko maintindihan ang bigat ng katawan ko. Hindi agad ako tumayo kahit na tanghali na at naririnig ko na si tatay at ang mga kalansing ng pinggan sa baba. Mukhang naghahain na siya. At dahil nakonsensya naman agad ako ay tumayo na lang ako. Naghilamos muna bago bumaba.

“'Tay!” tawag ko nang makita siyang naghahain na nga. Nakita ko si Iris na papasok at malawak ang ngisi. “Oh, Iris, wala kang pasok?” tanong ko dahil nakapambahay lang siya.

Umiling siya. “Wala. Day off eh.” Ngumisi siya. “At natanggap ko na ang sweldo ko!” Tumawa siya at lumapit sa akin. Sabay kaming naglakad sa kusina.

Kumuha ako ng tubig para makainom dahil nanunuyot ang lalamunan ko.

“Pasyal tayo, Therese!” aniya sa akin. Naalala ko ang pamamasyal na ginawa ko kahapon. Nag-enjoy naman ako pero wala akong binili. Pinagsisikapan ko ang aking pag-iipon.

Ngumiti ako. “Saan naman? Hm, wala rin akong pasok eh.” Pero napag-isip isip kong minsan ay rerewardan ko naman ang sarili ko. Wala pa akong nabibili para sa aking sarili bukod doon sa mga damit na pinamili ko para sa aking trabaho.

“Talaga? Kahit saan. Tapos maggo-grocery ako bago umuwi.” Aniya.

Nginuso niya ang ulam na dala ni tatay gamit ang isang kamay. “Ang bango naman niyan. Dabes talaga magluto itong si tito.” Tonong nambobola niya.

“Dito ka na kumain, Iris. Therese, sumama ka na sa pinsan mo. Wala ka palang pasok?” Tanong ni tatay.

“Opo, 'tay.” Tinanguan ko si Iris. “Kumain muna tayo tapos maliligo lang ako.” Sabi ko.

Ang alam ni tatay ay sa katapusan pa ang sweldo ko. Siyempre, iyon naman talaga ang dapat. Dalawang linggo pa lang ako nagtatrabaho kay Terrence at dalawng linggo na rin akong sumisweldo. Binibigyan ko si tatay ng parte ng aking sweldo at ang iba naman ay dini-deposit ko agad sa bangko. Ang sinasabi ko na lang kay tatay kada magtatanong siya kung saan ko nakukuha ang pera ay sinasabi kong wini-withdraw ko sa ipon sa bangko. Marami nang laman ang aking account. Mahirap na at kailangan ay may ipon ako dahil hindi ko sigurado kung kailan ko kakailanganin ang pera. Mabuti na’t handa.

Nagbihis ako at nang malamang hindi pa lumalabas si Iris sa kanila ay lumabas muna ako. Nakita ko ang isa kong pinsan na si Michelle. Naka-uniporme at mukhang papasok pa lang.

“Hi, ate!” bati niya sa akin. Sinarado niya ang kanilang pintuan.

“Wala nang tao sa inyo?” tanong ko.

“Oo. Nasa school na sila e.” Sabi niya. “Panghapon naman ako.” Sagot niya sa itatanong ko pa lang.

Ngumiti ako. “Hindi ko madalas makita sila Kelly. Magkatabi lang ang bahay natin tapos hindi ko pa sila nakikita.” Sabi ko sa kanya.

Mukhang hindi naman siya nagmamadali dahil lumapit pa siya sa akin at nakipag-usap pa.

“Eh panu naman kasi wala ka sa gabi, ate. Tambay kami rito 'pag gabi. Si Kuya minsan umiinom pa.” Ang kuyang tinutukoy niya ay si Jhonel. “Si Trisha naman minsan lang sumama dahil maagang natutulog kasi maaga ang pasok.” Sabi niya. Si Trisha naman ang bunso sa kanilang magkakapatid.

Tumango ako sa mga nalalaman ko. Hindi ko talaga close ang mga pinsan ko na anak ni Tito Ned. Malayo na kasi ang edad ko sa kanila. Masyado na akong matanda para makisali sa mga hilig nila. At dahil nga hindi ko sila madalas makita ay lalong hindi ko sila nakakausap.

“Hayaan mo, wala akong trabaho mamaya.” Ngiti ko. “Umuwi kayo ng maaga. Machichikahan tayo.” Sinubukan kong kausapin siya ng ayon sa edad niya at tumawa naman siya.

“Oo naman! Itetext ko sila Kuya.” Aniya. “Sige, Ate Therese. Baka ma-late na ako.” Pagsabi niyon ay kumaway siya.

“Okay. Mag-ingat ka.” Nang tumango ako ay tumalikod na siya at tumakbo palabas ng looban.

Siguro ay hindi rin naman boring ang araw na ito kahit iyon ang pakiramdam ko. Gugugulin ko na lang ang oras ko mga pinsan ko. Ito na ang pagkakataon para makasama ko sila at maka-bonding. Ilang buwan din nang hindi ko sila nakasama dahil nasa Laguna lang ako.

Biglang pumasok sa isipan ko si Mama Bea. Suminghap ako nang maalalang hindi ko pa siya natatawagan mula nang umalis ako sa kanila. Tumakbo ako sa tindahan nila Josef para makitawag sa payphone.

Inabot ko agad ang limang pisong nakuha ko sa aking bulsa. Dinial ko ang numero ng bahay nila at nag-ring iyon.

“Hello?” Nakilala ko ang boses ng nurse.

“Jessa.” Sambit ko sa pangalan ng nurse. “Si Therese ito.”

Narinig ko ang kanyang pagkagulat. “Ma’am Therese! Mabuti at tumawag kayo.” Sabi niya. Nahimigan ko ang pag-aalala sa tono niya at kinabahan agad ako.

“Bakit po? May nangyari po ba? Kumusta si Mama?” tanong ko.

Bumuntong hininga ang nurse. “Maayos naman po siya. Iniinom naman niya ang kanyang mga gamot. Kaya lang po ay hinihintay niya ang tawag ninyo.” Aniya.

Agad akong na-guilty. “Sorry, Jessa. Pasabi naman kay Mama na patawad. Makakausap ko ba siya?” tanong ko sa kanya.

“Tulog po siya, ma’am. Kakapahinga lang niya.” Aniya sa akin.

Kumirot ang puso ko at nainis ako sa aking sarili. Hindi ko naman natupad ang pangako ko kay Chris. Bakit ba nawala sa isip ko si Mama Bea? Panay ang isip ko kay Chris pero nakalimutan ko siya. Nangako pa naman ako na tatawag ako sa kanya.

“Pasabi kay Mama patawad.” Ulit ko. Tumamlay ang aking tono. “Jessa, pwede bang tawagan mo ako kapag nagising na siya?” Pakiusap ko pa.

Um-oo naman siya at binigay ko sa kanya ang numero ko. Sana ay tumawag agad siya sa akin ngayong araw din. Gusto kong makausap si Mama para makahingi ng tawad sa hindi ko pagkumusta sa kanya. I really didn’t mean to forget her. Masyado akong nalulong sa mga ginagawa ko dito sa Maynila. Sa trabaho kong panggabi. Tulog ako sa umaga at inaasikaso ko naman si tatay bago ako pumasok.

Naalala ko si Terrence. Bakit siya nasali? Hindi ko maitatangging laman din siya parati ng aking isip. At hanggang ngayon ay may parte sa aking nanghihinayang dahil hindi ko siya makikita ngayong gabi.

Namili si Iris ng mga bago niyang damit. Iilan lang naman at sinabi niyang ngayon lang ulit niya nabili ang sarili ng mga bagong damit. Binilhan din niya ang kanyang nanay. Ako naman ay bumili ng polo para kay tatay. Siguradong babagay ito sa kanya. Hindi ko alam kung saan niya ito susuotin pero binili ko pa rin.

“Wala ka bang bibilin sa sarili mo?” Tanong ni Iris sa akin. Tinuro niya ang lady’s wear.

“Kakabili ko lang, e.” Sagot ko.

“Hay naku! Napaka kuripot mo pa rin. Hindi ka na nagbago.” Aniya sa akin.

Tumawa naman ako. “Nag-iipon kasi ako. Para kay tatay. Alam mo namang hindi sigurado ang sakit niya.” Sagot ko.

Kahit naman kasi putol na ang paa ni tatay ay hindi pa rin nawawala ng tuluyan ang kanyang diabetes. May mga gamot pa siya upang maiwasan ang pagbalik ng sakit sa malalang kondisyon.

Ngumuso si Irs. “Isa lang naman. Tingnan mo 'yon oh!” Tinuro niya ang isang kulay yellow na dress. Hinila niya ako patungo roon.

“Bagay 'to sa’yo.” Kinuha niya iyon at tinapat sa katawan ko. “Naku! Ang tangkad mo kasi at ang puti mo. Bagay na bagay ang dilaw sa’yo.” Sabi niya.

Ngumisi naman ako at umiling. Maputi rin naman at matangkad si Iris. Nasa lahi na namin. Ang alam ko kasi ay may lahing dayuhan ang mga ninuno ko.

Nilayo ko ang damit. “Hindi na talaga, Iris. Ikaw na lang bumili niyan.” Tanggi ko.

“Bahala ka. Bibilin ko talaga 'to. Para sa’yo.” Sabi niya at humalaklak. Nagmartsa siya patungong cashier. Dala dala niya ang mga bibilhin niya at ako naman ay ang polo ni tatay.

Umiling ako at tinawanan siya. Pinigilan ko pa siya. “'Wag na!” Natatawa kong sabi. Ang pinsan kong 'to napakagastos sa pera!

“Marami naman akong sinweldo dahil may bonus pa kasi maayos ang pagtatrabaho ko.” Aniya.

Hindi na nagpapigil. Hinayaan ko na lang din. Sinilip ko ang presyo ng damit at walong daan iyon. Mura na rin kumpara sa iba pang mas mahal dito. Inisip ko naman kung saan ko susuotin ito.

“Wala naman akong pagsusuotan niyan.” Sabi ko kay Iris nang hawak na niya ang paper bag ng mga pinamili.

Inabot niya 'yong akin. “Meron 'yan, kita mo. Kung gusto mo suotin mo na ngayon eh.”

Tumawa kaming dalawa. Lumabas kami ng mall at nagpunta sa grocery na katabi nito. Dito na rin namili si Iris. Lahat ng kailangan sa kanilang bahay gaya ng sabon, lotion, shampoo at kung anuano pa ay kinuha niya at nilagay sa cart. Ako naman ay bumili na rin ng akin. Tutal ay nandito na rin lang ako.

Dumadaan ako sa section ng mga juice. Naisip kong bumili kaya ako ng inuming may vitamins? Parati na lang kasi akong ginagabi at baka manghina ang katawan ko. Nag-iba ang circulation ng tulog ko. Kailangan nga siguro nito para hindi naman ako magkasakit. Mahirap magkasakit sa mga panahon ngayon.

Inaabot ko ang juice at binasa ang nutrition facts niyon nang may gumulong na bagay at tumama sa paa ko. Tiningnan ko ang sahig at nakita roon ang bote ng gatas.

Dinampot ko iyon.

“Uhm, miss, sorry.” Anang boses babae.

Inangat ko ang tingin at pamilyar na mukha ang nakita ko. Nakita ko na siya kahapon. Ito 'yong asawa ni Sir Vincent, kung hindi ako nagkakamali.

Nakita ko ang batang nakasakay sa cart. Siguro ay two years old na ang batang ito. Asawa nga ito ni sir. Dahil nakilala ko ang bata na kahapon lang ay kalong ni Sir Vincent.

“Ito oh.” Ngumiti ako at inabot ko ang bote.

“Thank you, miss. Ito kasing si Mason, makulit.” Aniya at tinuro ang baby niya. Ngumiwi pa siya ngunit ngumisi rin.

Tumawa ang bata at tinaas ang dalawang kamay. Natuwa ako roon.

“Yes, baby. Wait, okay?” Anang babae.

“Okay lang.” Sambit ko na lang. Maliit ang babae sa akin pero tumangkad ng kaunti dahil sa hindi gaanong mataas na heels.

Mahaba ang kanyang buhok at kumikinang ang mga mata niya sa likod ng mahahabang pilik. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nainggit sa kanya. Kitang kita ang karangyaan kagaya ng itsura ni Nash. Mayaman siguro ang babaeng ito. Mapapangasawa ba naman ng isang Formosa kung hindi?

Lumipat ang tingin ko sa isa pang matandang babaeng nakaputi at naglalakad ng mabilis sa kanila.

“Ella, sorry. Nawala ko kayo.” Nagkamot ng babaeng siguro ay yaya.

“It’s okay, Nanay Linda.” Tumingin ang babae sa akin.

Hm, mabait din siya. Kagaya rin nung Nash. Palangiti pa at hindi mukhang suplada.

“Thank you ulit, Ms. Anong pangalan mo?” Tanong niya. “I’m Ella.” Naglahad siya ng kamay sa akin.

Nabigla ako roon. Inangat ko ang kamay at bubuka na ang bibig nang may tumawag sa akin.

“Therese!” Boses ni Iris iyon at nilingon ko siya. Tulak tulak niya ang cart namin.

Tiningnan nung Ella si Iris. Ngumuso ang babae at namangha ako sa ganda niya. Siguradong mahal na mahal ito ni Sir Vincent Formosa dahil mabait na at maganda pa.

“Your name is Therese?” Tanong niya sa akin. Bumalik ang ngiti niya.

Tumango ako. “Yes. I’m Therese. Nice to meet you, Ella.” Tinanggap ko ang kamay niya.

Lumawak ang ngiti niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi nakakainsulto ang pagpasada niya ng tingin sa akin kaya naman hindi nawala ang ngiti ko.

“It’s nice to meet you too, Therese! Sige! Aalis na kami. My husband is waiting for me.”

Yes, si sir. Tumango ako. “Okay. Bye, Ella.” Tiningnan ko ang bata. Hindi ko alam kung bakit pero gumaan ang loob ko sa kanila, pati sa katulong. “Bye po. Bye, Mason.” Kaway ko at humagikgik ang baby.

Kumaway si Ella na parang matagal ko na siyang kaibigan. Umalis siya at lumapit si Iris sa tabi ko nang wala na sila.

“Sino 'yon?” Tanong niya.

Tinagilid ko ang aking ulo. “Asawa ng professor ng school ko dati.” Sagot ko.

“Ah. Kilala mo?” Tanong niya.

“Hindi. Kilala ko lang sa pangalan.” Ngiti ko. Ngunit biglang naglaho ang aking ngiti nang may mapagtanto.

Shit! Muntik ko nang mabanggit ang pangalang Formosa. Malilintikan ako kung sakaling nadulas ako!

Nginisihan ko si Iris at kinuha na ang cart sa kanya. “Halika na. Bili tayong alak. Mag-inuman tayong magpipinsan.” Pagkasabi ko niyon ay nilagpasan ko siya at ngumiwi. Hinanap ko ang section ng mga alak. 

Continue Reading

You'll Also Like

23.2K 701 53
Sabrina Verzonilla is a college student, an average girl who had a simple dream at yun ang ay makatapos sa pagaaral at matulungan ang kanyang pamilya...
162K 3.1K 54
"When I forgot the sense of living,you came into my life and started to be my world" - Kenneth Yu
46.1K 1K 16
BOOK II: Osmond's resolution! He suddenly quit his band to everybody's surprise. No one knows. Not even his P5nta Brothers friends. Nobody would wan...
11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...