TROUBLE HIGH - UNDER REVISION

By PumpingLemma

169K 5.1K 624

~~*~2013~*~~ Toraburu Kotoトラブル 高等 ( Trouble High) Isang Manga-mangahan at Japanese-Japanisang Kwento. XD Na... More

Toraburu Kotoトラブル 高等 (Trouble High)
† Kabanata 1 †
† Kabanata 2 †
† Kabanata 3 †
† Kabanata 4 †
† Kabanata 5 †
† Kabanata 5 Part 2 †
† Kabanata 6 †
† Kabanata 7 †
† Kabanata 8 Part1&2 †
† Kabanata 9 †
† Kabanata 10 †
† Kabanata11 †
† Kabanata 12 †
† Kabanata 13 †
† Special Chapter †
† Kabanata14 †
† Kabanata 15 †
† Kabanata 15 Part 2 †
† Kabanata 16 †
† Kabanata 17 †
† Kabanata 18 †
† Kabanata 19 †
† Kabanata 20 †
† Kabanata 21 †
† Kabanata 22 †
† Kabanata 23 †
† Kabanata 24 †
† Kabanata 25 †
† Kabanata 26 †
† Kabanata 27 †
† Kabanata 28 †
† Kabanata 29 †
† Kabanata 30 †
† Kabanata 31 †
† Kabanata 32 Part 1 †
† Kabanata 32 Part 2 †
† The Epic Ending Of Chapter 32 :3 †
† Kabanata 33 †
† Kabanata 34 †
† Kabanata 35 †
† Kabanata 36 †
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40: Kenji Sasaki
Kabanata 41: Kazuya
Kabanata 42
Kabanata 43: Siblings
Kabanata 45: Kaeru帰る (Return)
Kabanata 46: Day 1
Kabanata 47: Day 2
Kabanata 48: Day 3: We miss you!~
Ugh!
Kabanata 48 Part 2: Day 3
Kabanata 48 Part 3: Day 3
Kabanata 49 Part 4: Day 3
Kabanata 50 Part 5: Day 3
Kabanata 51 Part 6: Day 3
Thank you!
Boombayah!
Kabanata 52 Part 7: Day 3

Kabanata 44: Princess

1.4K 56 16
By PumpingLemma





Otor's Note: Hello po!~ Gusto kong magpasalamat sa inyo dahil hindi po kayo nagsasawang sumubaybay sa kwento ni Ash. Bagamat may iba na nagsasawa na~ XD hahah! Hindi ko kayo masisisi, eh antagal ba namang mag-ud ng otor nito eh. Lol. Salamat din sa vote at comment. :)

Gusto ko ring humingi ng tawad dahil ang tagal ko kayong pinaghintay sa ud. :( Pasensya na ho! Mas kailangan ko po talaga kasing pagtuunan ng pansin ang pag-aaral. Ayaw ko nang makakuha ng tres ulit! XD wahahaha! So..sorry po.

( TvT). Sorry rin kung panget tong ud ko ngayon.

Ang chapter pong ito ay idededic ko kay classmate!~  XD Salamat sa pagbabasa ate~ @MsPenciLavenia  Siya po kasi ang pinakahurado ko sa kwentong to. Araw-araw ko siyang tinatanong kung anong masasabi niya sa bawat chapter ng TH~ kaya...Salamat ate~

~~~

(6:30 am)

Lei's Pov

Pinagmasdan ko ang lahat ng estudyante na nandito na sa loob ng school. Lahat ay nakapila na ng maayos. Pero may iba paring kararating lang.

Bakas parin sa mga mukha nila ang kaba.

"Aimee...natatakot ako. Paano kung...mapatay nila ko? Paano kung..."


"Shhh~ Hindi mangyayari 'yon. Malakas tayo. Kakayanin nating lumaban."

Napahigpit ako ng hawak sa bagpack ko.

Lahat kami ay hindi maitatago ang takot na nararamdaman. Sa tuwing darating ang araw na'to ay hindi namin maiwasang makaramdam ng takot.



Takot na baka sa pagkakataong ito ay hindi na kami swertihen.


"Hoy,ayos kalang ba?"Pagtatanong ni Joemarie na ikinagulat ko naman. Katapat ko lamang siya. 


Kaming mga 4rth year ay sa dulo ang pwesto ng aming pila. Nasa unahan naman ang mga 1st year kung saan malapit sa stage, sinusundan naman sila ng 2nd year at 3rd year.

"H-huh? Oo."Saad ko.


"Wag kang kabahan. Alam mo namang dito sa ating seksyon isa ka sa magaling lumaban."Sabi naman niya at kumindat pa.

Natawa nalang ako.


"Nga pala...nasan ba si Ash? Kahapon pa wala yun ah!"Pagtatanong niya sa'kin.


Tsk. Yun na nga eh. Hindi ko rin alam kung nasaan na yung babaeng yun. Nakailang txt nako at nakailang tawag narin sa kanya pero wala manlang akong natanggap na reply o sagot sa tawag ko. Kahapon pumunta pa'ko sa apartment niya pero mukha namang walang tao.

Tsk. Nasan na ba kasi siya?


"Umayos na kayo ng pila."Seryosong saad ni Ma'am Karyle sa mga classmate kong lalake.


Pinagmasdan ko siya pati ang iba pang guro. Miski sila ay kasama sa laban namin. Pero sa pagsasanay na gagawin ay hindi na ...dahil ang lahat ng guro dito ay isa ng professional killer.

Aakalain mong isang ordinaryong guro lang sila pero sa likod nun ay may tinatago silang madilim na nakaraan at madilim na pagkatao.

Lahat kami ay napatingin sa stage nang umakyat na ang Principal na si Mr. Yamada kasama si Ginoong Kazuya. Nasa likod naman nila ang apat na kambal.



Naupo na sila dun sa mga nakahandang upuan para sa kanila. Nakita naman naming umakyat si Sir Edward at lumapit na dun sa mic.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Ngayon, ang unang araw ng inyong pagsasanay. "Seryoso niyang saad.

Pinapanuod lang namin siya sa Big Screen.


"Lalong lalo na sa mga freshmen na baguhan pa lamang. H'wag kayong mag-alala...ang mga sophomore...junior at senior na ang bahala sa inyo sa kalagitnaan ng pagsasanay."



Tiningnan ko ang mga freshmen. Mga kabadong kabado sila. Naaalala ko tuloy ang sarili ko sa kanila nung unang sabak ko palang sa ganito.



"Sa tatlongpung gusali na naririto ay labing lima lamang ang ating ginagamit hindi ba?"Saad ni Sir Edward.



Tama siya. Labing limang gusali ngalang ang ginagamit namin at ang ibang labing limang gusali naman ay nakasarado at kahit kailan ay hindi pa nabubuksan o nagagamit.

Matagal narin na palaisipan samin kung bakit ang labing limang gusali na'yon ay ipinagbabawal na gamitin. Kapag tinatanong naman namin sa mga teachers dito kung bakit hindi ginagamit ang mga gusaling 'yon ay ang sagot naman nila samin ay 'hindi nila alam basta bawal daw gamitin.'




"Ngayon...ang labing limang gusali na hindi ginagamit ay bubuksan para sa inyo."Nanlaki ang mata namin nang sabihin 'yon ni Sir Edward. Lahat ng mga estudyante dito ay nakaramdam ng sabik dahil do'n.




Napatingin kaming lahat sa building 3 na isa sa labing limang gusali na nakasarado ,nang kusang magbukas ang gate na nakaharang dito. Gayon din ang gate ng Building 5...6...8...10...13..15..16...18...20...21...23....24...27...28 ay nagbukas na.






"Ang Labing limang gusaling 'yan ang magsisilbing tirahan niyo sa loob ng dalawampung araw."



"Dalawampung araw?!"

"Ano?! Seryoso?!"

"Bakit ngayon niya lang sinabi?! Akala ko mga tatlong araw lang tayo dito kaya't konti lang ang damit na dinala ko! Tsk!"


"Akala ko nga isang araw lang eh! Isang panty lang kaya ang dala ko!"Mga naririnig kong reaksyon ng mga estudyante dito.


Dalawampung araw? Tsk. Seryoso ba siya? Malapit na magpasko! Ano 'yon?! Dito kami magpapasko?!



"Wala kayong dapat ikabahala. Sa loob ng mga gusali na 'yan ay may mga damit na kaming hinanda para sa inyo. Andyan narin ang mga weapon na gagamitin niyo. Lahat ng mga pangangailangan niyo ay kami na ang bahalang sumagot."sabi ni Sir.


Napatingin ako sa mga classmate ko na hindi maiaalis ang tuwa matapos 'yong sabihin ni Sir.

"Cool!"Sigaw ni Andy at sumuntok pa ito sa hangin.

Natawa nalamang kami ni Camille na nasa harapan ko lang.

Ito kasi ang unang pagkakataon na mangyari 'to sa unang araw ng pagsasanay. Ang unang pagkakataon na buksan ang labing limang gusali....ang unang pagkakataon na pananatili dito ng dalawampung araw sa Faxton. Dati kasi hindi ganito. Oo, nagsasanay kami dito sa school pero umuuwi rin kami pagkatapos.


"Sa isang silid ay kailangan lamang ng sampung tao. Kaya naman ...ang dalawang first year...tatlong 2nd year...dalawang 3rd year at tatlong 4rth year ang magkakasama sa isang silid."Sabi ni Sir

"What?!"

"Hindi ba pwedeng kami-kami nalang?!"

"Oo nga! Ang hirap kayang makisama sa mga 'yan! Mga isip batang first year. Pag-aalagain niyo pa kami eh!"Saad ng isang babae na 4rth yr.

"Hoy! Mas lalo naman kami! Ayaw naming makasama 'tong mga SENIOR na'to! Matatanda!"Saad naman ng isang baklang 1st yr.

"Onga naman,Sir! Ambabaho pa naman ng mga 2nd year!"Saad naman ng lalaking 3rd yr.

"Yabang mo! Dito kapa tumira sa pw*t ko eh!"Reak naman ng babaeng 2nd yr.

Tsk. Nakakahiya sila. Hindi ba nila napapansin na nandito ang Principal at si Ginoong Kazuya?

"Magsitigil na kayo. Kahit anong reklamo niyo...wala rin 'yang mapapala."Saway ni Sir kaya't natahimik ang mga kapwa ko estudyante.

"Ngayon...tingnan ang pin na binigay sa inyo." Saad ni Sir .

Tiningnan ko ang pin na hawak hawak ko.

Ang nakaprint dito ay... 'B6:F6:R6'

"Eh?"

"Nakakatakot naman 'yang sayo."Mahinang sabi ng classmate kong babae na nasa likuran ko, na nakatingin pala sa numero ko. Siraulo to.

"Kung mapapansin niyo...may nakaprint d'yan na mga Letra at numero. Ang 'B' ay Building, 'F' ay Floor at ang ibigsabihin naman ng 'R' ay Room. Ang tatlong letrang 'yan ay may mga katabing numero, na nagsasabi kung pang-ilang gusali, pang-ilang palapag at pang-ilang silid kayo."

So,ibigsabihin...yung silid ko ay nasa Building 6 , 6th floor pa?! "TSK!" Malas. Ang layo.

---



Ash's Pov

*Tok! Tok! Tok!*

*Bukas ng pinto*

*Creaak~*

"Hime."Sabay sabay nilang sabi sa'kin.

Hindi ko sila pinansin at nanatili lamang  na nakaupo ng tahimik sa kama at nakatingin sa labas ng bintana ng kwarto ko.

Buong magdamag lang akong mulat magmula kagabi. Magmula nung ikwento sa'kin 'yon ni papa. Ang mga bagay na dapat kong malaman.

Hindi ko na nga nagawang matulog sa sobrang pag-iisip. Hanggang ngayon kasi hindi parin ako makapaniwala.

Ang hirap paring paniwalaan e.

Ang hirap paniwalaan na...may kapatid ako...

Na nagkaAmnesia ako...

Ang sakit lang dahil ngayon ko lang nalaman ang sitwasyon ko... ang LAHAT ng 'yon.

Nakakatawa nga eh. Lumaki nalang ako ng ganito...na umabot sa gantong edad na walang maalala sa mga taong nasa paligid ko.

Pero, ikinasasama ko lang ng loob ay ngayon niya lang 'to sinabi sa'kin.

Flashback

"Hindi ko parin maintindihan!.B-bakit hindi niyo agad sinabi sa'kin? Bakit...bakit hinayaan niyong kalimutan ko ang nakaraan ko? Bakit hinayaan niyo lang ako sa ganitong sitwasyon? Bakit hindi niyo ko tinulungang maalala ang lahat?!"Pagtatanong ko sa kanya at muli na naman akong naluha.

Bakit kasi ngayon niya lang 'to sinabi sa'kin? Anong dahilan?

"Dahil ayaw namin ng mama mo na ipaalala pa sa'yo ang mga nangyari at sa ate mo. Natatakot kami. Natatakot kami na baka matrauma ka. Kaya masminabuti nalang namin na ilihim nalang ang sanhi ng pagkawala ng alaala mo at tungkol sa ate mo. Maspinili nalang din namin na kalimutan nalang ang mga nangyari."Saad niya.

"Pero...si Yui ang hindi namin pwedeng kalimutan."Dagdag niya pa at ngumiti ng mapait.

End Of Flashback

Hindi ko na alam...

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko pagkatapos ng mga nalaman ko.

Hindi ko nadin alam kung anong gagawin ko pagnagkita kami ni Yui sa school.

Pagnakita ko siya...ano ba ang dapat kong gawin? Yakapin? Tawaging ate? Umiyak sa harapan niya?

"Tsk."Ibinaon ko ang mukha ko sa unan.

Naguguluhan na'ko at napapagod narin kakaisip.

Pinipilit kong maalala ang mga nakaraan. Ang mga nakaraan kung kailan nakasama ko si Yui...kung kailan naging magkapatid kami,pero wala.

Halos pigain ko na ang ulo ko kakaisip pero wala parin.

F.ck!

Ano nga bang mapapala ko kakaisip? Eh may Amnesia nga 'ko diba?!

At siya? May Amnesia rin ba siya?!

Ilang beses na kaming nagkita sa school pero bakit pakiramdam ko ibang tao ako sa kanya?

Bakit hindi niya 'ko niyakap, tulad ng napapanuod ko sa tv kapag may magkakapatid na matagal ng hindi nagkikita?

Naramdaman ko na ang luha na lumalabas sa mata ko. Tsk.

Kapatid ko ba talaga siya?!

"Hime."

Tsk! Hindi pa ba sila umaalis? Manhid ba sila? O bulag? Kita ng nagddrama ako dito!

Naramdaman ko ang paglapit nilang apat sa'kin at mukhang naupo pa sa kama ko.

Hindi ko sila pinansin at idiniin ko lalo ang mukha ko sa unan dahil nahiya na'kong humarap sa kanila.

"Hime, gusto mo...tulungan ka naming maalala ang lahat?"Rinig kong sabi ni Shiro at naramdaman ko ang paglapit pa nito sa'kin. Sa tono ng pananalita niya ay pansin kong nakikiramay siya sa kalungkutan ko.

"Tss. Papaiyakin mo pa lalo yan e."Rinig kong sabi ni Yoshio. Parang ang lapit lang ng kumag na 'to sa'kin.

"Eh? Hindi ah!"Shiro.

"Hime..."Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Riku at hinawakan niya ang dalawa kong kamay na nakahawak sa unan. Idiniin ko lalo ang mukha ko. Putek! Hindi nila pwedeng makita ang mukha ko lalo pa't dumikit ang sipon ko sa unan.

"Aish! Umalis na kayo!"Sigaw ko na nanatili paring nakasubsob ang mukha sa unan.

"Hime, please...tanggalin mo na 'yan. Kakausapin kalang namin."Malumanay na sabi ni Riku.

"Ayoko nga! Iwan niyo muna 'ko!"Ung sipon ko!

"Hime, magkkwento lang kami! Para naman kahit papa'no may maalala ka."Rinig kong sabi ni Ryu.

Ugh!

"Hay...kung ayaw niya, h'wag niyong pilitin."Iritang saad ni Yoshio.

Madapakerkingkong! Sasabunutan ko na siya e! Naiirita talaga ko pag siya na ang nagsasalita e.

"Ack!"Mabilis kong tinakpan ng kamay ko ang ilong ko matapos na hilain ni Riku ang unan sa mukha ko.

*sniff..sniff*

Nakatungo lang ako. Nahihiya narin kasi akong tumingin sa kanila na ganito ang mata ko. Namamaga at namumula sa kakaiyak.

Naaninag ko naman si Yoshio na nandito pala sa may kanan ko at nakahiga lang.

Swerte nito. Kung makahiga sa kama ko, kapal ng mukha!

Si Riku naman nasa kaliwa ko nakaupo, samantalang si Shiro at Ryu ay sa bandang paanan ng kama nakaindian sit.

"Tingnan mo kami."Mahinang sabi ni Riku.

Napatingin naman ako kay Yoshio nang mapansin kong nakatingin ito sa'kin. Pasimple ko naman siyang inirapan.

Tss.

"Ano bang tinatakpan mo?"Saad ni Yoshio at bigla nalang tinanggal ang kamay kong nakatakip sa ilong ko.

ACCKkk!!!!

"Pffft."Silang apat. Spell...'P-A-K-S-H-E-T!!!

"Sabi ko na nga ba e."Saad ni Yoshio at inabutan ako ng panyo. Hinablot ko agad 'to sa kanya na masama ang tingin at pinunasan ko na ang sipon ko.

Shemay ka.

"Hahahaha! Tulad ka parin talaga ng dati! Uhugin!"Matawa tawang saad ni Riku.

"Hahahah!"

"Sige! Tawa pa!"Natahimik naman sila nang mapansin nila 'kong hindi ako nakikipagbiruan.

"Pfft. Sorry."Saad ni Riku.

Napansin ko naman sina Ryu at Shiro na tumalikod muna at tumawa ng mahina.

Bwisit.

"Oh."Inabutan naman ako ni Riku ng isang basong tubig. Kinuha ko 'yon at ininom ang tubig ng tahimik.

"Alam mo ba Miro-Hime, madalas tayong naglalaro noon ng kasalkasalan."Matawa tawang sabi ni Shiro.

"At ako ang paring laging nagkakasal sa inyong dalawa ni Riku."Dugtong namin ni Ryu.

"Pero madalas na hindi natatapos ang kasal niyo...pfft kasi naman pfft."Tumingin muna si Shiro kay Yoshio habang nagpipigil ito ng tawa.

"...laging sumisigaw si Yoshio ng 'ITIGIL ANG KASAL!'"Saad ni Shiro at nagtawanan sila ni Ryu.

"Pfft."Riku.

"Tsk. Tuwang tuwa kanaman?"Taas kilay na sabi sa'kin ni Yoshio.

Siraulo 'to!

"Bakit naman ako matutuwa?!"Inis kong sabi pero inirapan niya lang ako at tinadyakan si Shiro.

"Kailangan pa bang ikwento 'yan?!"Inis niyang sabi kay Shiro.

"Wahahahah! Gusto niya kasi na kayong dalawa ang ikas---"

Hindi na nagawang ituloy ni Ryu ang sasabihin niya nang ipulupot ni Yoshio ang braso niya sa leeg nito.
"Damn you! Shut up!"

"Alam mo bang ikaw ang laging pinag-aawayan ng dalawa? Pero ang madalas na broken hearted eh si..."Tumingin muna si Shiro kay Ryu. Parehas silang nagpipigil ng tawa.

"...si YOSHIO! BWAHAHAHAH!"Tawanan nila.

*Blag!*

Nagulat kami nang biglang balibagin ni Yoshio ang pintuan ng lumabas ito.

Pfft. Mukhang nagalit ata?

Binato ni Riku ng unan ang dalawa na ngayon ay naluluha na sa kakatawa.

"Pang-asar talaga kayo."Saad ni Riku sa dalawa.

Ako naman nakatingin lang sa kanila at napapangiti nalang.

"Haha! Napakapikon talaga nun."Saad ni Ryu at maya-maya'y nagtinginan na naman sila ni Shiro at tumawa na naman ng parang buang.

"H'wag mo nalang silang pansinin."Saad ni Riku habang pinapat ang ulo ko.

"Miro-Hime! Alam mo ba 'yang si Riku nangako pa sayo na..."Saad ni Shiro at tumingin kay Ryu.

Itinaas ni Ryu ang kanang kamay niya. "Ako si Aike Riku Saito, pfft. Mamahalin ka ng habang buhay, magiging mabuting asawa at ama sa ating mga anak pfft.pfft. Mamahalin ka ng buong puso!"

"Bwahahahahah!"

*Blag!Boogsh!Blag!Wapak!Wapow!Boogsh!*



Lei's Pov

Nasa silid na 'ko ngayon kung saan ako nakaassign. Pagpasok ko palang sa loob ay nakita ko na ang mga double deck na tamang tama sa sampung katao. May mga cabinet din sa bawat gilid nito. Dun siguro ang damit na inihanda ng school para sa'min. Inilapag ko na ang bagpack ko na may isang damit pantaas at pambaba dito sa gilid lang ng unang double deck dito malapit sa pintuan. Maspinili kong dito sa baba pumwesto kaysa sa taas.

"Ako nga pala si Darryl Wu. 3rd year from section 3C."

"Hmm?"Napalingon ako at hinanap ang boses na 'yon. Pero wala naman akong nakitang tao dito.

Baka sa kabilang room lang 'yon ano?

Tinanggal ko na ang suot kong uwabaki at nahiga na sa kama. Hmm~ ang lambot!

Dinukot ko sa bulsa ng palda ko ang cellphone ko at tiningnan ang screen kung may new message ba galing kay Ash. Pero wala!  Takte. Asan na ba kasi siya? Makakalbo ko ng di oras yun eh!

Ipinikit ko na ang mata ko at sumipol muna. Sobrang tahimik kasi. Asan na ba yung mga makakasama ko? :3

"Anong pangalan mo?"

Napatigil ako sa pagsipol at napamulat ng mata ng muli ko na namang marinig ang boses na 'yon.

"Aah, *chuckle* kilala na kita. Ikaw si Lei ng 4-X. Ang isa sa mahusay humawak ng baril. *sigh* Kailangan ko na talagang uminom ng memory plus."

WTF!

Napabangon ako sa higaan at nagpalinga linga.

"Hoy, nasaan kaba? Magpakita ka kaya!"Inis kong sabi.

"Haha, dito lang sa ilalim mo."Sabi niya kaya't tumingin ako sa ilalim ng kama.

Naghi siya sa'kin at pinalobo ang bubble gum na nasa bibig niya.  Takte. Ang wirdo niya. Sa ilalim pa talaga ng kama humiga.

"Bakit ba nandiyan ka? Umalis ka nga diyan. Ang daming bakanteng kama dito oh!"Sabi ko at umupo na sa higaan.

"Nah~ Maskomportable kami dito ni Stewart."

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Stewart? Siya lang naman ang mag-isa sa ilalim ah.

"Diba, Stewart?"Rinig kong sabi niya na para bang may kausap.

Waaah!

Napataas ako ng paa nang makita kong may puting dagang lumabas mula sa ilalim ng kama.

Narinig ko namang tumawa yung Daryl.

Inilabas niya ang ulo niya sa ilalim ng kama.
"Hey, Stewart~"Tawag niya sa puting daga na abala sa pag amoy sa semento.

Eto siguro yung kausap niya kanina. Nasisiraan na ata 'to ng bait.

Lumingon sa kanya yung daga nang maglabas si Daryl ng cheese kaya't maliksi itong lumapit sa kanya.

"Hoy, wala kabang balak umalis diyan?"Tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya habang nakatingin lang sa alaga niyang daga na bising kumakain ng keso.

Medyo malaki yung daga kaya medyo nakakatakot.  Tapos pulang pula pa ang mata.

Shemay. Paano pa kaya ako makakatulog nito ng mahimbing kung may daga dito. Mamaya gapangan pa'ko nito e.

*Plok!* Tunog ng pagputok ng bubble gum nang paputukin niya ito mula sa bunganga niya at muli niya itong nginuya.

"Naah~"Saad niya at muling bumalik sa ilalim ng kama. "Gisingin mo nalang ako pagdumating na sila."

"Eh papano 'tong dagang 'to? Hindi pwede 'yan dito! Palabasin mo 'to!"Utos ko.

"Psh. Hindi lang siya basta daga. May pangalan siya, Stewart. Wag kang mag-alala, hindi 'yan nangangagat...mangangagat lang 'yan kung sasabihin mon--"

"Aish! Gago kaba?! Sabi ng hindi pwede dito ang..."Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig kong napasinghap si Daryl.

"Hindi mo na dapat sinabi 'yon!"Saad ni Daryl na hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin niya. Pero...nakaramdam ako ng kaba.

"A-ano?"Tanong ko.

"S-Stewart..."Rinig kong tawag ni Daryl na kahit hindi ko nakikita ang reaksyon ng mukha niya ay alam kong parang takot ito.

Lumingon ako sa alaga niyang daga.

Waaa! Ba-bakit nakatitig sa'kin 'tong bubwit na'to?

Te-teka! Bakit parang nakakatakot ang titig nitong dagang 'to sa'kin? Atsaka ...bakit ba'ko natatakot sa pesteng dagang 'to ?!

;3 <--Itsura ng daga na nakatitig na sa'kin.

"O-oy! Yung alaga mo! Ku-kunin mo nga!"Mautal-utal kong sabi kay Daryl habang nakikipagtitigan parin ako sa daga. Putek! Bakit nakakatakot ang tingin ng dagang 'to?

"Ssh~"Saad ni Daryl. "Wag mong iaalis ang titig mo sa kanya."Mahina niya pang sabi.

Takte. "Ugh. Bakit? Ang sakit na ng mata k--"Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang kumaripas ng takbo yung nakakatakot na daga papunta sa'kin.

"Waaaaaaah!"Sigaw ko at mabilis akong napatayo sabay akyat ng mabilis papunta sa isang kama sa may taas.

"Stewart!"Sigaw ni Daryl na mabilis na umalis sa ilalim ng kama

Yung daga naman ay patalon talon para makaakyat dito sa taas habang matalim na nakatitig sa'kin. Waaaaaah!!! Ikulong mo na 'yang nakakatakot mong alaga!

"Hey! Stewart!"Tawag ni Daryl sa daga. May hawak na itong isang kulungan na tama lang sa malaking dagang 'to habang may hawak na siya na keso de bola.

Mabilis na nalipat ang atensyon ng daga sa kanyang amo at kumaripas ng takbo. Pagkalapit ng daga kay Daryl ay mabilis niyang nilagay ang keso de bolang hawak niya sa kulungan, kasabay din nun ang pagpasok ng daga sa loob ng kulungan.

Woooh!~

Ngayon lang ata ako nakaencounter ng dagang gan'to katapang.

"Ayaw na ayaw niya ang salitang 'Gago'. Sabihin mo na ang kahit anong salita wag lang 'yon."Seryosong sabi ni Daryl habang inilapag niya ang kulungan kung saan yung dagang nakakatakot na'yon sa may gilid ng cabinet.

Nanlaki ang mata ko sabay kunot pa ng noo ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatae?

Tiningnan ko yung daga na busy sa pangatngat ng keso de bola. "Seryoso ka?"Yung lang ang nasabi ko at lumingon na muli kay Daryl.

Bago siya magsalita ay kinuha niya muna ang nginunguya nguya niyang bubble gum at idinikit ito sa dingding na itim. Dumukot siya sa bulsa ng tribal niyang itim na jacket ng chewing gum at nginata iyon ng parang kambing. (=_=)

"Subukan mo kayang ngumuya ng damo?" (=_=)Saad ko at bumaba na.

"Psh. Basta, wag ka nalang magbanggit ng salitang 'yon. Kung hindi baka habulin ka nanaman ni Stewart." Seryoso niyang sabi at naupo sa higaan ko sabay cross legs pa nito.

"Tch. Napakaarte ng dagang 'yan. Bakit kasi dinala mo pa dito 'yan?!"Inis kong sabi.

"Tumigil kana. Tinitingnan ka nanaman niya oh!"Sabi niya kaya't napatingin ako sa dagang 'yon.

*gulp*

Nakatingin na naman siya sakin.

"Parang tao din 'yan. Kahit na hindi nila alam ang pagsasalita ng linggwahe ng mga tulad nating tao eh...nararamdaman naman nila kung anong ibigsabihin ng mga sinasabi natin o ekspresyon natin. Kaya, hindi mo sila pwedeng maliitin."Sabi niya at muling nagpalobo ng bubble gum sa bibig.

Naupo ako sa tabi niya bago magsalita.
"Tss. Oo na. Basta, siguraduhin mo lang na hindi makakawala 'yang dagang 'yan."

Kunot noo naman siyang tumingin sa'kin. "Stewart nga!"Inis niyang sabi.

"Oo na. Oo na!"Sabi ko nalang. Hay nako, mag-amo nga sila.

---

Ash's Pov

"Ano bang problema? Bakit ba ayaw niyo 'kong papasukin?!"Inis kong bulyaw sa kanilang apat. (Riku, Yoshio, Shiro at Ryu.)

Nagtinginan lang silang apat sa isa't-isa.

Ayaw parin kasi nila 'kong payagan na pumasok. Eh ayos na naman kami ni papa.

"Kasi--"Natigil ang sasabihin ni Riku nang magbukas ang pintuan dito sa silid ko. Napatingin kaming lahat sa pumasok. Si Papa.

Nagbow ang apat kay papa.

"Hindi ka pwedeng umalis."Seryosong saad ni papa sa'kin.

"Tsk! Ba-"Hindi na niya ako pinatapos magsalita.

"Delikado ang sitwasyon mo ngayon,anak. Hindi ka nila titigilan hangga't hindi ka nila nakukuha sa'kin. Kaya, mabuting manatili ka dito...dahil kung hahayaan kita eh baka sa pagkakataong ito ay makuha kana ni Kenji."Saad ni papa.

Napatungo at napayukom na lamang ako. Ang hirap naman ng ganito. Babalik na naman ako sa ganitong sitwasyon. Magkukulong na naman ako sa kwartong 'to.

Naiintindihan ko naman siya.


Pero...


"Pa..."

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...