Hiram Na Pag-ibig (Formosa Se...

By PollyNomial

161K 3.2K 252

Naranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang p... More

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Wakas
Formosa Series Update!

Kabanata 14

2.1K 38 2
By PollyNomial

KABANATA 14 — Dito Lang Ako

Kinanta ko ang nararamdaman ko. Damn! I am so nervous until now! Hindi ko na maintindihan kung ano 'tong gumugulo sa dibdib ko na kakaiba at hindi mapangalanan. Gaya ng parati kong ginagawa, pinasok ko na naman ang mundo ng awit na kinakanta ko. Ito lang ang paraan para makawala ako sa reyalidad.

Kanina, tinalikuran ko si Terrence at ang tanong niyang labis na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. I can’t understand myself right now. Para akong biglang natatame at walang maipanlaban kay Terrence. Kanina nang talikuran ko siya, hindi niya ako hinabol. Ni hindi na ulit siya nagtanong nang bumaba siya mula sa office at magbukas ang bar.

Mabuti na lang. Dahil kung sasabihin ko sa kanya ang totoong wala na akong asawa dahil patay na ito, tutubo ang sanga sangang takot dito sa puso ko.

I am not assuming, but with Terrence’s words when he ask me that question, I was really bothered. Ayokong mangyaring magkakagusto si Terrence sa akin. Imposible pero maaari pa ring mangyari.

Ang mga salita niya kanina, hindi ako ganoon katanga para hindi mabigyan ng kahulugan iyon. I spent eight years with a man who truly loves me. That man is Christopher. Kung ibabase ko ang kaalaman ko sa experience ko habang kami ni Chris, ibang klase ang mga pinapakita ni Terrence ngayon.

Una, sinabi niya, ng walang alilangan, na aalagaan niya ako. Pangalawa, ayaw niya akong payagan na magtrabaho doon sa Nash dahil ayon sa kanya, pag-aari niya ako. Ikatlo, ang tanong kanina. Bakit siya nagtanong ng ganoon? Bakit sinabi niyang nagpapakatanga na siya? Bakit sinabi niyang nababaliw siya sa tuwing iisipin kung may asawa ba ako o wala?

God, is Terrence Formosa falling for me? Hindi pwede. Dahil ngayon pa lang, alam kong wala naman akong maisusukli sa kanya oras na mahalin niya ako. Yes, I like him. But not in a romantic way. Dahil nag-iisa lang naman ang laman ng puso ko at isang lalaki lang ang minahal at minamahal ko.

Nang bumaba ako ng stage ay mukha agad ni Terrence ang nasalubong ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako lumapit sa kanya at sinubukang ngumiti.

“How was it?” tanong kong may kumpyansa sa sarili. Hindi dapat ako magpaapekto sa mga nangyayari. Paano kung nagtatanong lang naman talaga si Terrence at wala naman ibang ibig sabihin iyon gaya ng mga naiisip ko? Siguro ay gawa gawa ko lang ang lahat.

Ngumiti ang mga mata ni Terrence. He liked it, I know.

“Ayos na.” sabi niya. Kasalungat ng pinapakita ng mga mata niya.

“Pwede ba akong uminom?” Hindi ko pa natatapos ang tanong ay sumimangot na siya. “Isa lang?” Ngisi ko. Tinaas ko pa ang hintuturo ko para makita niyang isa lang talaga ang gusto ko.

“Just water, Therese.” Sambit niya.

Ngumuso ako. “Isa lang, e.” Dumaan kami sa gitna ng mga sumasayaw na tao. Patungo kami sa bar counter. Ito na talaga ang lugar ko dito sa bar kada tapos ng gig. Nakaka-apat na kanta na ako. Isa na lang ay tapos na naman ang gabing ito.

Pinagmasdan niya ako na parang sinasabing kailangan kong sumunod kundi lagot ako.

“Alright, alright. Hindi na.” Padabog akong naupo sa stool.

Dahil hindi ko sinagot ang tanong ni Terrence, hindi rin niya sinagot ang tanong ko kung bakit hindi natuloy ang kasal niya doon sa Nash. Kung bakit ex na lang ito at naghiwalay sila. Pero curious talaga ako at gusto kong malaman. What went wrong? Dahil ba incompatible silang dalawa? Halata naman kasi kanina na marami silang ayaw sa isa’t isa at hindi pinagkakasunduan. Patunay na ang pagtatalo nila laban sa akin.

Pero ayoko na ulit magtanong tungkol doon dahil alam kong ibabato na naman niya sa akin ang kanyang sariling tanong.

“If you answer my question, then I’ll give you a drink.” Aniya na nagpatindig ng balahibo ko.

Pinaypayan ko ang sarili ko at hinawi ang lahat ng buhok sa kaliwang balikat ko. Akalain kong iniisip ko lang kanina na ayaw kong sagutin ang tanong niya pero heto na naman siya!

Pinatong ni Terrence ang braso sa counter at naupo na rin. Nakaharap ang katawan niya sa akin. Nakita ko ang bartender na agad naglagay ng Black Label, ang paborito niyang alak, sa baso.

“Ang init.” Sambit ko. “Ang usok din. Akala ko ba no smoking na dito?”

Tumaas ang gilid ng kanyang labi at ininom niya ang alak. “Ang dali dali lang ng tanong, Therese. Bakit ba hindi mo ako sagutin?” Sabi niya dahil nahalata niya ang pag-iwas ko sa tanong.

Tiningnan ko siya sa gilid ng aking mga mata. Huminga ako ng malalim. Kung ito ang magpapatigil sa kanya ay mabuting sabihin ko na nga.  

“May asawa ako.” Salita ko.

Tumahimik siya at nagpantay ang labi niya. Nawalan ng emosyon ang kanyang mga mata at hindi ko na iyon mabasa.

“Bakit wala na 'yong singsing?” tanong niya.

Bumagsak ang tingin ko sa aking kamay. Binasa ko ang nanunuyot ko nang labi at lumunok para naman sa nanunuyot ko na ring lalamunan. Kinuha ko ang baso ng tubig na inabot ng waiter at ininom ang laman niyon.

“I just don’t want to wear it here. Mahalaga sa akin ang singsing ko at ayaw kong mawala iyon dito.” Ang pinaka-safe na palusot na naisip ko.

Pero bakit ko nga ba kailangan ng palusot? Bakit ko ba kailangan magsinungaling? Bakit ayaw kong malaman ni Terrence na wala na at sumakabilang buhay na ang aking asawa?

Tinapunan ko siya ng seryosong tingin. “I already answered your question, Terrence. Sinagot ko dahil ayoko na ang mga pagtatanong mo. Not because of a drink and definitely not because I want to know the reason behind your break up with your ex.” Pinilit kong ipaintindi ang aking sinasabi sa kanya.

Umiwas siya sa akin ng tingin at pinagmasdan ang hawak niyang baso. Nakikita ko kung paanong humigpit ang kapit niya roon. Kinunotan ko 'yon ng noo bago ko siya muling tiningnan.

Lumunok siya. “May mahal kasi akong iba.” Aniya na hindi ko inaasahan.

Napadiretso ako ng upo sa harap niya. Kumuyom ang isa niyang kamay na nasa hita niya. Lahat ng kilos niya ay napansin ko dahil lang sa sinabi niya.

At dahil doon, may nabuhay na mga tanong sa isip ko.

“S-sino?” Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit nakuha ng sinabi niya ang buong atensyon ko.

Ngumiti ang labi niya pero malungkot ang mga mata niya. “Hindi na importante kung sino siya.” Napaos ang boses niya at dito pa lang alam ko nang apektado pa rin siya sa kung sino man ang babaeng iyon.

Tinaas niya ang kamay at agad na lumapit ang isang bartender. Inutusan niya itong maglagay ng alak sa baso at tinuro niya ako.

Ngumiti si Terrence. “Ayan na. Nasagot mo ang tanong ko. May isang salita ako.” Aniya.

Para sa akin ang alak na hiningi niya. Kumuyom ang kamay ko bago ko kinuha ang baso at uminom ng kaunti mula roon. Kumunot ang aking noo at gumuhit sa lalamunan ko ang pait ng alak.

Sinabayan ako ni Terrence kaya hindi niya nakita ang pagsama ng mukha ko. Nang makabawi ay nagtanong akong muli sa kanya.

“Natanggap ba agad ni Nash?” tanong ko na nginitian niya. 

“Yes. Mabait si Nash. She’s been like that since we were kids. Lahat ng iutos ko susundin niya. Lahat ng sabihin ko ay gagawin niya. When I told her I don’t want to marry her, she just accepted it. Hindi siya nagalit.” Mapait ang ngiting pinakita niya.

Alam ko na agad, may iba pang rason kung bakit pumayag ang babae. Dahil kahit ayaw ni Terrence ang sinasabing kasal, may sakit pa rin akong nakikita sa kanyang mga mata. Na parang may iba pang dahilan ng hindi natuloy na kasal.

“May iba pa siyang rason.” Salita ko.

Nagulat siya roon at namutla. Tiningnan niya ako at kumurap siya. “Am I really that transparent in your eyes, Therese? Paano mo nalalaman ang laman ng isip ko?”

Malamlam akong ngumiti. Kung ganoon ay tama nga ako. “I just know. Hindi ko naman talaga alam kung paano.”

Bumuntong hininga niya at muling tumitig sa alak. Pinaglaruan niya iyon. Pinagalaw niya ang laman ng baso sa pamamagitan ng pag-ikot niyon.

“Well I thought she really loves me...”

Nagulat ako dahil sumagot siya sa tanong ko.

“Hindi pala. May iba na pala siyang nagugustuhan. Alam kong minahal niya ako pero nagsawa na pala siya kasi hindi ko magawang turuan ang sarili ko na mahalin siya. While I was trying to teach myself how to love her, unti unti naman siyang nawawalan ng pagmamahal sa akin. Maybe that’s because I made her wait for so long. Napagod siya sa akin.” Aniya, may bahid ng sakit ang tono niya.

Gusto ko siyang abutin upang hawakan. Gusto kong haplusin ang pisngi niya. Pero tumitig lang ako sa makisig niyang mukha. Paano? Paano nagsawa si Nash sa lalaking ito? Dahil ba sa ugali? Pero 'di ba, kung mahal mo talaga ang isang tao, hinding hindi ka magsasawa sa kakahintay sa kanya. Kahit abutin pa ng habang buhay ang paghihintay mo, ayos lang. Kasi ang mahalaga naman ay mahal mo siya at handa kang magsakripisyo para sa kanya.

Kung ako ang babae, 'yon ang gagawin ko. Maghihintay ako hanggang sa makamit ko ang pag-ibig na nais ko.

“Then she didn’t love you enough.” Bago ko pa maisip ay nasabi ko na ang mga salita. Iniwasan ko ang mga mata niya nang bumaling iyon sa akin.

Nanatili ang titig niya. Alam ko at ramdam ko. Pinagalitan ko ang aking sarili sa pangengealam. Dapat ay hindi na ako nagtanong at nanghimasok.

“Maybe…” Napatingin ulit ako sa kanya.

“Siguro nga ganun. Noong nare-realize ko na na gusto ko na rin siyang maging akin, saka naman siya nawala. Naging pag-aari na siya ng iba. Buong akala ko lang pala na akin lang siya.” Mahina siyang tumawa. “Mabuti na lang at hindi pa ako tuluyang nahuhulog.”

Pati ako ay nakitawa na rin sa kanya. “Kasi may mahal kang iba.” Pagtatapos ko sa sinabi niya.

Tiningnan niya akong maigi, diretso sa aking mga mata. “Oo. Kasi may mahal akong iba.” Aniyang titig sa aking mga mata.

Naghurumentado ang aking sistema. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Parang kailangan, sa puntong ito, ay magtitigan lang kaming dalawa. Walang bumitaw. Hanggang sa may boses na lang kaming narinig.

“Therese, salang na!” Ani Marx.

Si Terrence ang bumitaw sa titig. Natauhan naman ako. Wala sa sarili pa akong tumayo sa stool at muntik na akong matumba kung hindi lang ako sinalo ni Terrence.

Sumubsob ako sa dibdib niya at nang tumayo ako ng tuwid ay naglebel ang aming mga mukha. Nakayuko siya sa akin at ako naman ay nakatingala sa kanya.

Tumkhim si Marx. “Therese?” Aniya. May bahid ng kapilyohan ang tono niya. Nagpapalipat lipat din ang nakangiti niyang mata sa amin.

“Therese is done for today.” Deklara ni Terrence.

Saglit na natigilan si Marx at parang nag-isip pero tumango rin naman. Sumaludo pa siya kay Terrence.

“Okay. Sabihan ko lang 'yong DJ.” Aniya at tumakbo paalis sa amin.

“Tapos na ako?” tanong ko kay Terrence. Parehas na kaming diretso ang tayo pero hawak pa rin niya ang bewang ko.

“You’re drunk. I’ll bring you home.” Aniya.

Umiling ako bilang protesta. “Hindi pa!” Utas ko. “Nakaisang lagok nga lang ako.” Tinuro ko ang baso ko na halos puno pa.

Umiling din si Terrence. Mapula ang mata niya pero gising na gising pa rin ang diwa niya. Ang tindi rin ng tolerance nito sa alak. Wala pa rin siyang tama kahit na kanina pa siya dito sa bar at malamang marami na siyang nainom.

“Iuuwi na kita. Pagod ka na. Kanina ka pa lakad ng lakad at pinagtrabaho pa kita.” Aniya.

Bigla kong naalala ang sinabi niyang aalagaan niya ako. Inalis ko rin iyon sa utak ko dahil hindi pwedeng parating tumatakbo iyon sa isip ko.

“May sweldo naman. May kapalit naman ang pagtatrabaho ko sa’yo.” Isa pa at kapag hindi ito umubra ay susunod na ako.

“I’ll bring you home.”

Umirap ako sa pinal niyang sinabi. Siyempre. Masusunod siya. Empleyado lang naman ako. At siyempre rin, ito na naman ang paghatak niya sa akin. Nasanay na ako. Inaasahan ko na ito parati.

Sinakay niya ako sa kanyang kotse. Inabot niya ang seatbelt at siya mismo ang nagsuot niyon sa akin.

Pagpasok sa driver’s seat ay hinarap niya ako. “Sa susunod hihintayin mo na ako parati. Kahit ano pang ginagawa ko, Therese.” Aniyang hindi ko alam kung anong pinanggalingan.

“Hihintayin?” Tanong ko dahil hindi ko siya nakuha.

Sinuot niya ang susi at pinaandar ang makina. “Kagabi, dapat hinintay mo ako. Hindi ka dapat nag-taxi mag-isa. Paano kung may nangyaring masama sa’yo?”

Isang beses akong umirap at humarap sa daan. Naalala ko ang imahe niya kagabi na may kandong na babae. “Ayos lang naman ako. Marunong naman akong mag-taxi at kaya kong protektahan ang sarili ko.”

“Palagi niyo naman sinasabi 'yan. Kayong mga babae, kapag may lalaking handang magprotekta sa inyo, tumataas ang pride ninyo. Gusto kong…” Tumigil siya sa pagsasalita. Tumigil din ang sasakyan sa traffic light.

Akala ko ay kung ano nang nangyari kaya naman nilingon ko siya. Only to find out that he’s staring at me.

“A-ano?” 'Yan lang ang nakaya kong sabihin.

“Gusto kong protektahan ka. Kaya 'wag ka nang gumaya sa ibang mga babae, Therese.”

Hindi ako nakahinga agad. Huminto ata ang pintig ng puso ko sa tono niyang malambing at hindi nag-uutos. Kakaiba. Bagong bago. Bago ngunit pamilyar. Hindi ko maintindihan! Ang nararamdaman kong ito ay hindi ko maaaring maramdaman!

Kaya sa halip na magpaapekto ay tumawa na lang ako.

Nagberde ang ilaw at umandar muli ang sasakyan. Sinulyapan ko si Terrence na namumula at nakabalik na ang mata sa daan.

“Baliw ka na, Terrence. Anong gustong protektahan ako? Ano ba ako sa’yo? Para naman akong girlfriend mo. Loko.” Ang galing ko! Nasabi ko ang lahat ng 'yan ng walang patid at dire diretso. Ni hindi ako nautal kahit na muling bumibilis ang tibok ng puso ko.

“Asan na 'yong bastos na Terrence? 'Di ba bastos ka? 'Di ba inamin mo 'yon sa akin? Asan na?” Para akong baliw na tumatawa habang tinatanong iyan.

Natigilan lang ako nang sagutin niya ang kalokohan ko.

“Wala na siya.”

Sunod sunod ang naging lunok ko. Maling tinanong mo 'yon, Therese! Kita mo ang sagot?!

“Kaya tumigil ka na rin sa pagiging bastos sa akin. Gawin mo na lang kung anong sinasabi ko.” Pahayag niya at tumahimik na ako.

Walang traffic dahil gabing gabi na. Tiningnan ko ang oras sa aking relo at lagpas hating gabi na. Naalala ko ang kagabi na nakita ko si Josef sa tapat ng kanilang tindahan. Siguro ay sasabihin ko kay Terrence na ibaba ako sa mas malayo pa kesa sa nakasanayan. Hindi pwedeng makita kami ng kahit sino. Lalo na ni Josef na kilala kung sino siya. Magkakagulo lang kapag nalaman din ito nila tatay.

“Dito na lang.” Sabit ko at tinuro ang lugar na wala nang katao tao. May iilan na lang na tambay.

Bumagal ang takbo ni Terrence at nilingon niya ako. “Anong dito? 'Di ba doon pa?” Tanong niya.

“Baka kasi may makakita sa atin.” Sabi ko. Lumunok ako dahil kumunot ang noo niya.

“A-asawa mo?”

Nalaglag ang panga ko sa tinanong niya. Hindi ako nakasagot.

“Doon na lang. No one will see us. Hindi ako lalabas.” Sabi niya. “Kung meron man, sabihin mo kaibigan mo ang naghatid sa’yo. Tinted naman 'tong kotse. Walang makakakita sa akin.” Isa pang sabi niya at pati balikat ko ay bagsak na.

Para akong babaeng nagtataksil sa asawa! Pero siguradong nakikita kami ni Chris ngayon. Ano kayang reaksyon niya sa mga nakikita niya? Galit kaya siya dahil may kasama na akong ibang lalaki? Magagalit ba siya? May nararamdaman pa ba siya?

Hindi na ako nakipagtalo dahil hindi na ako nakakibo. Isa pa, wala rin namang saysay kung magrereklamo pa ako.

Huminto ang kotse ni Terrence. Sa lugar kung saan niya ako madalas sinusundo at parating hinahatid. Tumamik ang buong sasakyan.

“Bye.” Aniya.

Kinilabutan ako at hindi ko alam kung bakit. Parati naman siyang nagpapaalam ngunit may kakaiba ngayong gabi.

Ngumiti na lamang ako upang maitago ang kilabot na nararamdaman ko. “Sige, bye.” Sabi ko at umambang bubuksa na ang pinto nang hawakan niya ang braso ko.

Tumingin ako sa kamay niyang hawak ako saka dahan dahang inangat ang mga mata sa kanya.

“B-bakit? M-may sasabihin ka pa?” Tanong ko at may maliit na guhit akong nararamdaman na nagmumula sa kamay niya patungo sa braso ko.

Iniwas niya ang tingin at hinanap ko iyon. Tinagilid ko ang aking ulo.

“Uh… Mag-ingat ka.” Aniya. “Hihintayin kong mawala ka sa paningin ko saka ako aalis.” Sabi pa niya at Tuluyan nang bumigay ang aking dibdib. Kung ano man ito, sigurado na akong parati ko itong mararamdaman sa tuwing ganito si Terrence sa akin.

Wala na akong kawala.

Ngumisi siya na para siyang batang nahihiya. “Gusto kitang ihatid hanggang sa inyo pero ayaw mo.” Aniya. “Isa lang 'yan na susundin ko sa’yo.” 

“B-baka kasi may makaki—”

“Yes, I know. Kaya nga dito lang ako.” Pagkasabi niyon ay binitiwan niya ako.

Naramdaman ko ang panginginig ng mga daliri ko. Saglit pa akong tumitig sa mukha niyang perpekto.

Nginitian ko siya. “Ikaw rin mag-iingat ka. Aalis na ako.”

Tumango siya at tinagilid ang ulo para isenyas ang paglabas ko.

Binuksan ko naman ang pintuan. Lumabas ako roon at sinilip pa siya para kumaway. Ngumiti si Terrence sa akin at sinara ko na ang pintuan.

Naglakad ako at hindi nga siya umalis. Ilang metro bago ako lumiko. Ang sabi niya aalis siya kapag wala na ako sa paningin niya. Hindi ko pa naririnig ang kotse niya kaya nandyan pa siya. Hindi mawaglit ang ngiti ko hanggang sa lumiko na ako.

Ngunit napawi iyon nang may marinig akong boses na nalagpasan ko.

“Sino 'yon?”

Si Josef. At nakaturo siya sa kotseng umadar na paalis.

Continue Reading

You'll Also Like

32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
2.4K 1K 51
Aiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuya...
29.4K 358 60
COMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...