ELITES

By MaybeYoungForever

247K 8.6K 2.4K

Her name is Candid, not a typical girl you can mess up with. She was born to get her face hidden behind her m... More

ELITES
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Fourty Four
Fourty Five
Fourty Six
Fourty Seven
Fourty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy
Seventy One
Seventy Two
Seventy Three
Seventy Four
Seventy Five
Seventy Six
Seventy Seven
Seventy Eight
Seventy Nine
Eighty
Eighty One
Eighty Two
Eighty Three
Eighty Four
Eighty Five
END
Eighty Six
Eighty Seven
Eighty Eight
Eighty Nine
Ninety
Ninety One
Chapter Ninety Two
Chapter Ninety Three
Ninety Four
Ninety Five
Ninety Six
Ninety Seven
Ninety Eight
Ninety Nine
One Hundred
Chapter One Hundred One
One Hundred Two

Eleven

3.2K 116 37
By MaybeYoungForever

Disclaimer : Third POV dapat 'to at hindi pov ni Blaze, will edit kapag natapos ko na itong ELITES. Thank you! :)




Blaze Anthony Dalton


°°°
#ElitesCurious




HINDI ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at iyon ang mga salitang binitawan ko sa kanya kagabi bago sya mawalan ng malay. Aminado akong..nagalala ako sa kahit papaano.




Nakita ko kung paanong nag-iba ang reaksyon n'ya matapos ko s'yang tanungin kung ganun ba talaga s'ya kaduwag. Hindi ko alam kung dahil ba talaga yun sa sinabi ko. Dahil mukhang panandalian s'yang nawala sa sarili. Nahirapan sa paghinga hanggang sa manghina at mawalan na ng malay.





Pagkatapos nyang mawalan ng ulirat, agad ko syang dinala sa unit nya. Mabuti na lang at hindi n'ya binago ang passcode.





"Okay na ba sya?" Someone asked beside me. It's Zayn.




Hindi ko alam kung anong nakain nya at binisita na naman ako. Madalang lang naman sya mapunta sa unit ko, kapag may importante lang syang itatanong o ipapakiusap regarding lang sa mga activities at task ng council. Pero ngayon, nandito s'ya kahit wala naman talaga akong nakikitang pakay n'ya sa'kin. Nakakapagduda tuloy.




Wala akong pinagsabihan ng nangyari maliban kay Dwayne at Axle. Tinatanong ko kasi sila kagabi kung ano bang pwedeng gawin. Muntikan ko na ngang dalhin sa hospital ang babaeng yun, eh. Sinabihan lang ako ni Dwayne na i-monitor ko muna. Baka nahimatay lang si Candid dahil sa pagod.




"I didn't know."



Matabang na sagot ko at hinigop ko na ang mainit na kape sa tasang hawak ko. Seven in the morning na. Kapag ganitong umagahan, mas gusto ko lang magkape kaysa kumain.





"You were with her last night. What really happened Bad?" Seryosong tanong nito na nakapagpakunot ng noo ko.



Bahagya ko syang binasa at pinakiramdaman. Sa pagkakaalam ko, trasnferee itong si Candid at kamakailan lang sila nagkakilala. Bakit magaalala ang isang Zayn Genevieve sa isang babaeng kakakilala pa lang nya? Doon pa talaga sa babaeng kahit kailan ay  hindi naman nagpakita ng mukha?





"She just passed out. No big deal. Don't look at me na parang may ginawa akong masama."




Ang babaeng yun..




Napailing na lang ako. She's really impossible. Anong utak ba mayroon s'ya para ipagpalit sa takip n'ya sa mukha? Sinong matinong babae o nasa matinong pagiisip ang gagawin yun at magtatangakang maghubad sa harapan ng isang lalaki?



Pwera na lang siguro kung ang isang babae ay desperadang naghahabol sa isang lalaki. Isa pa yung acceptable reason. Pero sa kaso ni Candid, malabo n'ya iyong gawin dahil lang gusto n'ya o kaya'y para ma-please ako. Ginawa n'ya lang yun dahil ni-provoke ko s'ya na patunayan at gumawa ng bagay na hindi n'ya madaling magagawa.





Mabigat ang loob ko sa kanya dahil sa una naming pagkikita. Hindi ko maintindihan na sa una pa lang nyang pagtapak dito sa school, hindi ko na gusto ang datingan nya. This is really the first time na nakaramdam ako ng ganito sa isang babae. Siguro dahil hindi naging maganda ang first encounter namin sa isa't isa. Sa ginawa nya kay Lacey, kung tutuusin kaya ko pang mapalagpas kung inamin na lang nya. Kaso hindi eh. S'ya na ang may kasalanan, s'ya pa ang mayabang at akala mo kung sinong umasta. Akala nya siguro'y porque babae sya eh hindi ko sya kayang patulan at babalikan. Akala nya palalagpasin ko lang ang nagiging asta nya sa twing magkakausap kami.





Bagay na hindi ko pinalagpas. Iyon ang pinakaunang pagkakataon na parang may bumastos sa pangalan ko at sa kung sino ako. Parang hindi man lang s'ya apektado kung ano ang pwede kong gawin sa kanya. Masyado s'yang confident at hambog na pwede n'ya akong kausapin ng ganun ganun na lang. S'ya na nga itong may kasalanan sa'kin, pero kung umasta akala mo hindi n'ya man lang pinagsisisihan.





I am deadly serious na kayang kaya ko syang ipa-expel. Pero ginagawa at sinasabi ko lang ang mga yun para takutin sya. Ang kaso, mukhang wala pa din talaga syang balak umamin sa ginawa nyang mali. Paulit ulit lang syang nangangatwiran at minsan nagmamatapang pa sa harap ko na hindi naman pala kaya panindigan sa dulo. Pinaninindigan ang pagsisinungaling at hindi pagpapakatotoo kaya lalo akong naiinis sa kanya.






Ang gusto ko lang naman mangyari, kung talagat wala syang kasalanan, patunayan nya. Gawin n'ya lahat ng paraan para mapatunayan n'ya saking inosente nga s'ya. Na mali ang first impression ko sa kanya. Hindi yung sya na nga ang primary suspect ko, sya pa itong mapagmataas at hindi man lang magmakaawang patawarin na lang s'ya kung sya nga ang may gawa. O kaya humingi na lang sana ng sorry sa mga inaasta nya.





Naturingang Scholar lang, masyadong mataas ang pride. Masyadong mayabang. Siguro nga kung hindi ko s'ya tinakot na ipapatanggal ko sya dito, malamang ay mayabang pa rin sya umasta sa harap ko.






Sinusubukan ko lang naman sya kung hanggang saan ang kaya nya. Kaso mukhang nagmamatigas pa rin, akala mo may maipagmamalaki. Mismong mukha nga nya hindi nya maiharap sa tao. Kaya anong dahilan at hanggang ngayon nagmamatigas pa rin s'ya.





Sineryoso nya masyado ang sinabi kong kailangang may patunayan sya. Naturingang scholar, baluktot magisip. Akala ko ba matalino s'ya? Bakit parang ga munggo naman ata ang utak n'ya?




Napailing na lang ako. Napalalim ang isip at kung saan saan ko talaga ipinunta para lang maresolba kung bakit kaya n'yang gawin yun sa harap ko imbes na alisin ang takip sa mukha n'ya. Ano kayang meron?






Mas lalo tuloy akong naiintriga kung ano ba talagang meron sa mukha nya para muntikan na n'yang ipagpalit sa dignidad n'ya? Ganoon na lang ba sya kapangit para ikahiya nya ito to the point na ibabalandra nalang nya ang sariling katawan nya kung kanino kapalit ng mukha n'ya? Kaya n'yang hubarin ang damit n'ya pero hindi ang balabal sa mukha? Unbelievable! Hindi ko mahanap ang logic at tamang katwiran para doon.





Pasalamat sya at hindi si Axle ang nasa harapan nya kagabi. Kung hindi, baka mas mawala yung pinakaiingatan nyang 'untouched' na katawan n'ya.





Maybe I'm such a jerk sometimes pero hindi ako maniac na tao. Siguro nga hindi ako ganun ka- gentleman sa mga babae but that doesn't mean na kaya ko silang i-take advantage.




Seeing her last night while crying makes me feel guilty. Pero kaunti lang. Kasi andoon pa rin yung inis ko sa kanya. Naiinis ako dahil sa kahambugan at katangahan n'ya. Dahil sa taas ng ere n'yang hindi n'ya maibaba pero ganoon na lang n'ya kayang ipagpalit ang dignidad n'ya. And I hate how liar she is.






Last night, nataranta na rin ako sa nangyayari sa kanya. Wala kasi akong idea kung bakit para s'yang nag-breakdown. Akala ko pa nga noong una ay hinihika s'ya kasi para s'yang nahihirapang huminga. Mabuti na lang talaga at nasa bulsa ko ang remote control ng electricity power ng buong unit. Isang pindot ko lang, namatay na agad ng sabay sabay ang mga ilaw. Nagawa kong kumuha agad ng robe para ipangtakip sa wasak na n'yang damit.






Hindi ko man iyon intensyonal na tignan ay nahagip ng mga mata ko ang sa may bandang dibdib n'ya. Kaya't ginawa ko ang makakaya kagabi huwag lang muli mapadpad ang mga mata ko doon. As if naman pating gusto ko rin yun. Sadya lang talaga s'yang padalosdalos magisip.




Bakit ba kasi mas pinapalala pa nya ang tensyon sa pagitan naming dalawa? Pwede naman kasing..aminin na lang n'ya. Pagusapan namin ng ayos. Maging mapagkumbaba s'ya. Hindi yung mas lalo n'ya lang akong iniinis at tini-trigger sa twing magkakadaupang palad kaming dalawa. Imbes na guilt ang makita ko sa mga mata n'ya sa twing nagkikita kami, kabaliktaran pa na parang ako itong gumawa ng masama sa kanya. Nakakagago.





Though she seems so helpless last night. Alam ko at nakita ng dalawang mata ko na hindi lamang simpleng pagiyak ang nangyari sa kanya. I even noticed kung paano sya nahihirapang huminga habang palakas ng palakas yung paghikbi nya. Tapos ng hawakan ko sya, sobrang lamig nya na. Parang naninigas at nanginginig pa ang buong katawan nya..na para bang takot na takot sya.






I don't even understand kung ano talagang nangyayari hanggang sa mawalan na sya ng malay. Agad ko syang dinala sa unit nya at ang unang pumasok sa isip ko na tawagan ay si Axle. Kung ano anong mura pa ang natanggap ko mula sa kanya. Ako pa ang sinisisi nya kahit wala naman akong ginagawa sa babaeng yun.






"Just visit her if you want to know if she's alright. Dapat sa kanya ka dumeretso kung nagaalala ka." Tamad kong sabi kay Zayn at pasimple s'yang sinulyapan para makita ang reaksyon n'ya.




"Hindi pwede." He immediately responded.




Oh.. I almost forgot. May boyfriend nga pala ang babaeng yun. Si Kurt na Scholars Representative ng Student Council. Kagaya ng boyfriend nya, hindi ko din gusto ang asta. Akala mo kung sinong maangas, wala namang binatbat. Bagay na bagay nga sila.





"Kailan mo ba balak tigilan si Candid, Blaze? Masyado mo na syang pinahihirapan to the point na parang hindi na tama."




Napatiim bagang na lang ako. Hindi ko inaasahang umagang umaga ay medyo masisira ang mood ko. Pangilang sermon pa ba ang maririnig ko? Kagabi kay Axle. Kanina kay Sham at Axle pagkagising na pagkagising ko. Ngayon naman kay Zayn.





Palibhasa hindi nila alam yung pakiramdam.




Pakiramdam sa twing makikita ko ang babaeng yun.





Kapag nakikita ko sya, nag-iinit na agad ang ulo ko. Hindi kasi nila alam kung gaano naging mahalaga sa'kin ang kotseng yun. Sobrang laki ng sentimental value nun. Lahat ng alaala namin ni Lacey, halos lahat doon nabuo. Sa twing sakay ako ng kotseng yun, kahit papaano nababawasan ang  pagkamiss ko sa kanya.






Dahil alam ni Lacey na kaskasero ako magmaneho, ibinilin nya talagang ingatan ko ang pinakaepesyal na naging regalo nya. Gusto daw nya pagbalik nya, kung ano n'ya iniwan ang iyon din sa pagbalik n'ya. Kaya nga isinunod ko na rin ang pangalan sa kanya, kasi yun din ang gusto n'ya. Wala raw akong ibang gagamitin na sasakyan kung hindi iyon lang. Gaya ng wala na akong ibang babaeng dapat magustuhan..kung hindi s'ya lang.






"This is my gift for you, Blaze. Just like my heart, please take care of it. Kailangan pagbalik ko, buo pa rin. Kailangan pagbalik ko, nandyan pa rin at hawak mo pa rin. Huwag na huwag mo hahayaang magasgasan kahit kaunti, kung hindi sige ka, hindi na kita babalikan."






Tinawanan nya pa ang mga katagang yun na parang biro lang sa kanya ang sarili n'yang bilin. Pero para sa'kin, hindi. Sineryoso ko yun kagaya ng pagseseryoso ko sa pagmamahal sa kanya. Sineryoso ko ang bilin na yun at umaasa pa rin ako na babalik sya..na ang kotseng yun pa rin ang habang buhay na maghahatid sa'ming dalawa sa mga lugar na pupuntahan pa namin ng magkasama. Hindi man s'ya nagpaalam sa'kin mismo nung araw na umalis s'ya at kung saan s'ya nagpunta, umaasa pa rin ako sa mga salitang binitawan n'ya.





Umaasa ako na may mabigat lang s'yang dahilan na hindi n'ya pa kaya sa'king ipaalam.





Alam ko, babalik s'ya.





"Hangga't hindi pa sya umaamin. Hanggang sa sya na mismo ang magmakaawang tigilan ko sya." Kibit balikat kong sagot sa sinabi ni Zayn habang sa tasa lang nakatingin.





"You're trying to hit a gemstone, Blaze."




Gusto ko sanang tanungin kung anong ibigsabihin nya sa sinabi nya pero hindi na ako nagtangka. Pero hindi ibigsabihin ay pinagsasawalang bahala ko ang sinabi n'ya. Para kasing, kilala n'ya na noon pa si Candid kung makapagsalita s'ya. Sa inaakto n'ya ngayon at sa paraan kung paano n'ya banggitin ang pangalan ng babae, alam ko, may something talaga.






This is also the reason kung bakit ayaw ko sa babaeng yun na mapalapit sa Elites. There is really something with her na hindi ko pa maintindihan. Basta, parang iba ang kutob ko. Never pa naman akong binigo ng instinct ko kaya hanggat maaari, pinipilit kong bantayan ang mga kilos n'ya. Masyado akong naghihinala at nahihiwagaan sa kanya.





Kapag napatunayan ko na may balak lang syang gamitin ang isa sa mga Elites, hindi ako magdadalawang isip na ipatanggal s'ya sa dito. She just popped up out from nowhere. Tapos bigla nya na agad nakuha ang simpatya nitong si Zayn at lalong lalo na ni Dwayne. Kung hindi rin ako nagkakamali, parang nahahalata ko rin itong si Axle na sumisimple sa babaeng yun. Ibang usapan pa ang ginawa n'ya sa kotse ko.






Who knows kung isa pala s'ya sa mga taong gustong sumira sa Elites? Hindi na kasi yun bago. Gaano man kami karespetado dito sa HFA, marami kaming critics sa labas at lalong lalo sa social media. Kahit gaano pa kami kakilala din doon, hindi nawawalan ng mga taong walang ibang nakikita kung hindi kasiraan namin.




Marami na rin ang nagtangkang siraan pa kami lalo. Minsan, nagpapanggap na kaibigan. Pero mas madalas, ginagawang boyfriend o girlfriend ang isa sa mga Elites para makakuha ng mga impormasyong lalong magpapasira sa imahe ng Elites. Marami na rin kasi kaming pinatalsik dito sa HFA. Karamihan pa doon ay anak ng mga kilalang tao. May ilan na rin doin ang binalikan at ginantihan kami, pero sa huli sila itong lalong naargabyado.





Saka isa pa, they are my friends kaya may pakialam rin ako. Paano kung oportunista pala ang babaeng yun? Kaya hindi nya magawang ipakita ang mukha nya?





Ikaw ba naman, titiisin mo ba ng husto ang pangbubully sa'yo at pagtatyagaan mo na ganunin ka kahit alam mo ang pinakaunang dapat gawin para tumigil sila? Hindi ba dapat ang pinakauna mong gagawin ay alisin ang bagay na pangunahing dahilan kung bakit tinatrato ka ng ganun ng mga tao? Kaso hindi eh.  Hinahayaan lang nya. Tinitiis n'ya. Mas kaya n'yang tiisin ang pangaalipusta, pananakit at pangaalila kaysa alisin ang telang nakatakip sa mukha n'ya para mamuhay ng simple lang at walang kahit na anong nakataklob sa kanyang mukha.






Yung pagpapahirap ko sa kanya, alam ko namang labag na rin naman sa loob nya pero ginagawa nya pa rin. Hindi man lang nagrereklamo. Kaya mas lalo akong naiinis. Imbis na galit lang ang maramdaman ko, may mga times na nakokonsensya ako kapag nakikitang walang pagaalinlangan nyang sinusunod ang mga utos ko. Hindi man yun one hundred percent na gusto ng loob ko, ginagawa ko pa rin para pakiramdaman s'ya. Tanstahin kung hanggang saan n'ya kaya at alamin ang mga bagay na itinatago n'ya.







Sooner or later, malalaman ko rin lahat ng tinatago mo..







Tutok akong nakikinig sa lesson pero may isang taong sumisira ng atensyon ko sa pagaaral.





"Bad, samahan mo naman ako sa mall mamaya oh? I have something to buy and I want you to be the only one person who can decide if it's really fits me well." Maarteng pagkakasabi ni Yuri habang nakaangkla na naman ang mga kamay sa braso ko.



"May klase tayo. Makinig ka muna Yuri dahil nakikinig din ako." Diretso lamang ang tingin ko sa gurong nagtuturo sa harapan.




Hindi ko tinatapunan ng tingin si Yuri dahil medyo naiinis na ako. Ang kulit kulit nya masyado. Kung hindi lang talaga sya isang Hyun at Gamboa, baka matagal ko na syang kinompronta at sinabihang tigilan ako. Kaso hindi. Hindi pwede. Malalagot ako kay Daddy kapag ginawa ko yun.




"Ihh! Pero later ha?" Pilit na pagpapalambing sa boses nito kahit parang nagmamaktol na.



Napahawak na lang ako sa sintido ko. Ang sakit nya sa ulo.




"Absent pa rin si Candid?" Napansin ko ang paglingon ni Dwayne sa likuran na parang tinanong n'ya si Axle.





Ang arrangement kasi ng upuan namin mula unang bangko sa kanan ay si Janna, sunod si Yuri, ako, Dwayne, Axle at si Trust ang bandang dulo. Pero nasa iisang row kami dito sa harapan. Kami lang kasi ang bukod tanging Elites na nasa section na ito kaya kami na rin ang inilagay rito ng magkakasama.





"Nasa kanila s'ya ngayon ang alam ko. Nagpapahinga." Tumaas ang kilay ko sa sagot ni Axle. Paano naman n'ya yun nalaman?



"I hope she'll be fine soon." Dwayne murmured to himself.


Gumilid ang tingin ng mata ko. Hindi ko alam kung bakit nadadagdaga na naman ang inis ko kahit wala naman dito ang pinaguusapan nila.



Hindi pa nila ganoong kakilala yung tao, ganyan na sila ka-concern.





"Hindi ba Blaze ngayon mo ibibigay yung first salary nya?"



Saka lamang ako lumingon kay Dwayne ng ako na ang kausapin nito.



"Alin?" Pagmaangmaangan ko.



Kapag sumagot agad ako, baka isipin nilang nakikinig ako sa pinaguusapan nila. Hindi naman,eh. Hindi ko nga alam na pinaguusapan nila si Candid.




"Yung first weekly salary ni Candid. Bisitahin natin s'ya mamaya. Ngayon nya siguro yun mas kailangan."



Hindi ko alam kung sa pandinig ko lang yun o may bahid talaga ng pagaalala sa boses ni Dwayne.



"Eh ‘di kayo na lang ang magdala. Busy ako. Saka bakit pati ako kailangan pang sumama?" Naiiritang tanong ko sa kanilang dalawa ni Axle.




"Hindi naman kami ang may kasalanan kung bakit may sakit ngayon si Miss Something ah?" Pasaring naman ni Axle ng sulyapan ako bago tumingin kay Dwayne.






Bwiset na mga 'to. Anong akala nila... makukunsensya ako?








"Wala naman atang tao. Kanina pa tayo tumatawag. Ngalay na ngalay na ‘ko katatayo."





Reklamo ko sa kanila habang nakapamayawang na ako. Tumatagaktak na rin ang pawis ko sa noo at likuran ko. Ang init init pa man din dito sa labas.




Ang galing kasing mag- guilt tripping nitong si Axle.





"Reklamador mo naman Blaze. Ikaw na nga itong sinasamahan." Singhal ni Axle na patingkayad tingkayad at patalon talon pa para sumilip sa mataas na parte ng gate.




Ang cute eh, parang super mario.




"Sinasamahan? Wait. Parang sa pagkakaalam ko kayo ang nagpasama sa'kin." Giit ko sa sinabi n'ya.





Ewan ko ba kung bakit ako napapayag dito eh. Pwede naman akong tumanggi.




"Oh, ayan na. May nagbubukas na ng gate." Nae-excite na reaksyon ni si Axle.




Abang na abang itong dalawang kasama ko sa pagbukas ng gate habang ako ay nakatalikod lang at nakaharap sa kalsada. Labag na labag ang loob ang pagsama.







Ang exaggerated kasi ng dalawa. Wala naman sa hospital ang dinadalaw nila pero kung makapagdala ng mga prutas akala mo sampung pasyente ang kakain.




Kung hindi lang talaga ako nila kinaladkad papunta dito, hindi ako sasama. Isipin na lang ng babaeng yun, concern din ako sa kanya. Hindi naman ako kasing tanga ng dalawa kong kasama para magalala sa kanya.




"D-Dwayne? Axle? Anong ginagawa nyo rito?" Bungad nitong tanong sa dalawa. Mukhang malat ang boses nya ngayon.




"Baka pwede mo muna kami papasukin." Axle awkwardly chuckled. “Kanina pa kasi kami nakatayo dito sa labas ng gate nyo. Buti na lang mahaba ang pasensya ni Dwayne." Pabirong totoo ni Axle.



"O-Okay."





Hindi man ako nakaharap sa kanila, halatang may pagaalinlangan sa boses nito na papasukin kami.



Nakita naman n'ya sigurong kasama ako di'ba?





"Oy! Pasok na daw!"


"Ar—Oo nga! Narinig ko!"



Bwiset tong si Axle. Masasapak ko 'to eh! Hilahin ba naman ako sa kwelyo ko? Ang gago!




Umasta akong hindi ko nakita si Candid ng pinapasok nya kami sa gate. Bahagya nya kasi itong ibinukas pa para mas makapasok kami at kami ang pinauna n'ya papasok sa loob.





Simple lang ang bahay nila. Hindi masasabing maliit pero lalong hindi malaki. Bungalow type lang pero mukhang malawak naman sa loob.





"Nice place." Dwayne suddenly commented while roaming his eyes.



Nice place pa daw. Wala ka lang masabi Dwayne,eh. Ano kaya ang tamang definition nya sa salitang 'nice'?





"Pasok kayo." Mahinang paanyaya ni Candid.





S'ya na mismo ang unang pumasok sa mismong pintuan na ng pamamahay nila.




Saglit akong napamasid sa kilos ni Scholar. Hanggang sa loob pala ng bahay, ganoon pa rin ang suot nya. May iba pa bang makakakita sa mukha nya kahit nasa bahay lang? Inaasahan ko pa man din kanina na baka pagbukas n'ya ng gate, wala na s'yang suot non. Pero nagkamali ako. Talaga palang ultimo sa loob ng bahay pinaninindigan n'ya ang pagtatago ng mukha n'ya.





May sumpa kaya 'yon kaya ayaw na ayaw n'ya ipakita ultimo sa kapatid n'ya? Naaa.






Habang busy sa pagtingin sa loob ng bahay ang mga kasama ko, ako namay ay pasimpleng tumingin muli sa kanya. Ang pinakauna kong napansin ay ang pamumutla nito. Mukhang may sakit nga sya ngayon. Masyado s'yang mahinahon makipagusap dahil sa malat na boses. Ni hindi man lang nga s'ya diretsong sumasalubong ng tingin. Masasabi kong..parang ang tamlay ng mga mata n'ya. Kumpara sa usual na Candid na walang emosyon lagi ang mata at mukha na una kong nakilala.





"Saan pwedeng ilagay ang mga 'to?" Dwayne asked, lifting up a basket of fruits that they bought.



"Bakit nagdala pa kayo ng ganyan?" Balik tanong lamang nito kay Dwayne.




Ilang minuto na ang nakakaraan pero hindi nya man lang ako magawang sulyapan. Siguro sobra s'yang nahihiya sa ginawa nya kagabi. As if namang may nakita ako. Hindi naman n'ya iyon itinuloy—dahil hindi naman talaga n'ya kaya talaga.




Gagawa gawa ng kahihiyan tapos hindi pala kayang panindigan.





"Kasi may sakit ka raw sabi ni Ellie. That's why we bought you some fruits. Don't worry, walang saging dyan. Mukhang allergic ka don eh." Natatawang biro naman ni Axle na sinulyapan pa ako.





Sinamaan ko agad ito ng tingin. Gago talaga kahit kailan.




Naalala ko na naman tuloy yung Monkey Captain na yan. Pilit ko na ngang kinakalimutan.





Alam ko naman kasing malabo.. Baka kaparehas lang ng boses. O baka..nagkataon lang. Baka sa sobrang dala lang din ng kalasingan, kaya ko narinig na ganoon din ang tawag sa akin at boses noong babaeng nagligtas sa'kin nung gawing nabugbog ako sa labas ng Brice.



Tama. Baka nga.





"Maupo muna kayo." plain na sabi nito sa'min. "Anong gusto nyo? Drinks? Sandwich?"



"Juice na lang." Dwayne answered her immediately.




Diretso lamang na nakatitig si Dwayne kay Candid habang magiliw na nakangiti rito. Mukhang feel at home agad. Hindi man lang na- culture shock sa kung gaano lang kasimple ang bahay na pinasukan.






Sabay pang umupo ang dalawa kong kasama sa mahabang sofa. Habang ako naman ay patingin tingin pa sa mga ibat ibang bagay na nakadisplay dito sa sala.






"Sige, maiwan ko muna kayo saglit."





Hindi nagtagal ay umupo na rin ako sa tabi ni Dwayne. Para lang kaming mga tanga na tahimik na nakaupo habang pinapasadahan ng tingin ang itaas, baba, kanan at kaliwa ng buong bahay. Wala naman kaming ibang nakikita bukod sa mga common na gamit at hindi special na mga nakadisplay sa kung saan saan. Mukhang mababa lang ang market value at karamihan ay wala pa nga.



Maya maya lang ay bumalik na rin si Candid habang dala dala ang tray na may lamang tatlong baso ng juice at isang babasaging pitcher.




May sakit s'ya hindi ba? Bakit hinayaan nitong dalawa na s'ya pa ang magsilbi sa'min?






Teka, pakialam ko ba?





"Bakit pala kayo naparito?" Tanong nito habang sa dalawang kasama ko lang nagpapalitan ng tingin.



"Gusto ka lang naming kamustahin kung—aray!" agad namang ininda ni Axle ang pagtapak ko sa paa nya.




Kaya mabilis ring nabaling ang atensyon sa akin ni Candid dahil tinignan ako ni Axle habang nakangiwi.





Para kasing g*go. Hindi naman yun ang ipinunta namin dito. Pakialam ko ba sa babaeng ito? Hinatak lang naman nila ako dito dahil sa salary nya, hindi dahil katulad nila akong nagaalala rito. Anong pakialam ko dyan eh hindi ko naman yan kaano ano?




"Your first salary." Walang ano ano kong hinagis ang sobre sa center table na kaharap nya. "Next time, handle me your account details para doon ko na lang i-transfer." Walang ganang sabi ko rito.





Iniwasan nya ako ng tingin at bahagyang napatitig sa sobre. Huwag nya sabihing aarte pa sya? Halata namang kailangan n'ya yan. Mukha naman silang hindi mayaman na pamilya kaya nga naging scholar din s'ya ng HFA.






"Tatanggapin ko yan hindi dahil sa mukha akong pera." hindi ito tumitingin sa'kin habang nagsasalita. Sa ibang direksyon lang sya nakatingin. "Hindi naman ako papayag ng alilain nyo lang ako ng wala akong napapala." Mahinang dugtong pa nito.





I wonder kung ano ba talagang sakit nya at ganoon ang nangyari sa kanya. Buti na lang din at okay na sya kahit namumutla pa rin. Baka ako pa ang masisi kung nagkataong may nangyaring malala sa kanya.





Hindi ko naman kasi sya inutusang maghubad. Kaya kung nagkataong may nangyari, walang dapat ibang sisihin kung hindi sarili nya. Kung may nagtrigger man sa isip n'ya kaya bigla s'yang nahimatay, siguro nga kahit papaano ay may ambag akong kasalanan. Pero s'ya naman itong nag-set ng fuel at tinulungan n'ya pa akong sindihan yun.




"Wait, pwede bang makigamit ng CR nyo? Samahan mo naman ako. Hindi ko naman kabisado tong bahay nyo." Axle suddenly butted in.






Kunot noo kong tinignan si Axle. Bakit s'ya makiki-CR dito? Kailangan pa talaga n'ya magpasama?





"Dumayo ka pa talaga dito, Axe? Hindi kana nahiya." Dwayne told him habang naiiling na lang na umiinom ng juice.




"Eh sa kanina pa ako ihing ihi eh. Ito kasing si Blaze, masyadong excited pumunta dito. Ayaw man lang mag-stop over muna para sana kanina pa ako nakaihi sa gast station."





Agad kong tinignan ng masama itong si Axle pero umiwas lang ito ng tingin na parang gustong matawa.





"Magkaiba ang excited sa gustong makauwi agad." I defended. "Busy akong tao kaya alam mong hindi ko ugaling magsayang ng oras sa mga ganitong bagay." Prente kong sinandal ang likod ko sofang inuupuan.



Ano ba naman 'to. Ang tigas.



"Sig. Turo ko sa'yo."




Tumayo na si Candid habang parang aso naman itong si Axle na nakabuntot agad.




Mukhang hindi lang CR ang agenda nitong si Axle sa pagpunta rito. Sa tagal naming magkaibigan, amoy na amoy ko na bawat kilos n'ya. Magsasalita pa nga lang s'ya, nararamdaman ko na.




Pasimple kong sinulyapan si Dwayne na seryoso lang na umiinom ng juice.




"I know what you're thinking. Hindi naman ganun kadesperado si Axle." Biglang sabi ni Dwayne ng saglit nya akong sinulyapan.



"Sino bang nagsabi na yun ang iniisip ko?" inis na tanong ko sa kanya. Masyadong malisyoso.





Ano naman pating pakialam ko kung may gawin si Axle sa babaeng yun? Ang point ko, baka gustong kausapin ni Axle ito ng sarilinan at hindi ang kaharap kami. I am deadly curious.




"Titignan ko lang."




Hindi na ako nagabalang hintayin ang sasabihin ni Dwayne at diretso na akong tumayo saka lumakad patungo sa direksyong pinuntahan nila.






Bahala ng magisip si Dwayne ng kung ano. Gusto ko lang namang malaman kung anong meron kay Axle at sa babaeng yun. Mamaya kahit babaero itong si Axle, sya pa ang mauto ng babaeng yun at gamitin lang sya. Hindi pwedeng masira ang reputasyon naming mga Elites ng dahil lang sa babaeng kagaya nya.






Medyo malawak rin pala ang bahay nila kaya hindi ko agad sila nahagilap kung nasaan. May mga silid pa akong nilikuan pero hindi ko naman sila sa CR natagpuan. Sa halip ay sa kusina.




"Kapag okay ka na, saka na tayo magusap tungkol doon sa sinabi ko. Basta aasahan kita." Narinig kong boses ni Axle.




Bahagya akong nagtago at sumilip sa lugar kung saan hindi nila ako mapapansin pero maririnig ko ang pinaguusapan nila.





Cr, huh?





"Bakit mo ba ginagawa 'to?" Seryosong tanong ni Candid kay Axle.



"I'm just trying to help okay? Walang malisya doon."




"Pero hindi ko hinihingi ang tulong mo." Mapagmataas na sagot agad nito.




Lalo lang tuloy akong nakaramdam ng inis. Kahit sa mga kaibigan ko, ganito sya makipagusap. Akala mo kung sino.




Pero anong klaseng tulong yung sinasabi ni Axle? Bakit kailangan pa n'yang makipagusap ng sikreto sa babaeng ‘to para pumunta pa talaga ng personal?



"Pero gusto ko." mariin na tugon naman ni Axle na lalong nagseryoso.





Kumunot ang noo ko sa narinig na boses ni Axle. Never ko pa s'yang nakita na ganito kaseryoso makipagusap sa babae. Usually, masyado s'yang maloko at mabiro. Laging double meaning ang mga sinasabi at mabulaklak ang dila.





"Just this once okay? And I'll promise to you that I'm not going to disturb you again. Let's just try if this is going to work out."






Tahimik akong umalis roon bago pa ako nila mahuli. Dirediretso lang akong naglakad pabalik sa sala.






"Pagkabalik ni Axle, sabihin mo babalik na tayo. Kapag natagalan pa s'ya ng lagpas sa limang minuto, bahala kayong mag-commute." Bilin ko kay Dwayne habang papalabas na rin ako ng pinto ng bahay nila Candid.





Nasisiraan ka na ng bait, Axle.





Kung alam ko lang na poporma lang s'ya, sana hindi na n'ya ako sinama. Sana hindi na s'ya nagdahilan.






Nakakabwiset. Habang tumatagal nababaliko ang utak. Not just because he's curious about that girl, he's going to persuade her seriously. Paano nalang kapag nalaman ng lahat na isang Scholar naman ngayon ang pinapatos nya? Paniguradong liliit ang tingin sa mga Elites dahil sa ginagawa n'ya. Kilala sya bilang ultimate playboy na tanging mga sikat na artisa at galing sa mayayamang pamilya lamang ang nagiging girlfriend nya, tapos ngayon biglang bababa na lang ang taste nya? Gusto nya ba talagang mapulaan at ipahiya ang mga Elites?



Wala namang iaambag na magandang impluwensya ang babaeng yun. Baka maging laman pa ng usap usapan ang mga Elites kapag nalaman nila ang ginagawa ni Axle.






Habang naiinis akong nakatuon ang siko sa manubela at hawak hawak ang sintido ko, bigla ko na lang naramdaman na nag-vibrate ang cellphone ko. Galing kay Ethan ang mensahe. Pero ganun na lang ang kabog ng dibdib ko ng mabasa ko ang text n'ya.






"She's back, Pre. And she's going to study at EFG University. Goodluck, Man."





Mahigpit ang naging kapit ko sa manubela.




Mapait akong napangiti. Gusto kong maging masaya sa nalaman kong balita. Pero hindi ko maiwasang masaktan..at malungkot.





Sabi nya babalikan nya ako? Pero bakit hindi dito sa HFA s'ya unang bumalik?




Lacey, pinaasa mo lang ba ako?







MATAPOS ang klase ngayong araw ay dumiretso na agad ako sa dorm. Nagiinit ang ulo ko dahil absent na naman ang magaling kong assistant. Wala tuloy akong mapagtripan.







Bigla kong naalala na kailangan ko palang puntahan si Axle para kunin ang hiniram nyang laptop. May sarili naman syang laptop pero hiniram pa ang akin dahil may gagawin daw syang importante tungkol sa project namin sa Math.






Ayaw lang aminin, baka balak nya kamong magmultiple download ng mga porn videos. Langyang lalaking yon, balak pa atang lagyan ng virus ang laptop ko.







“Monkey Captain..”





Marahan akong napapikit habang nasa ilalim ng shower. Bigla biglang parang narinig ko ang boses na yun sa tainga ko kasabay ng pagflash sa isip ko ng hindi ko pa ring nakikilalang babae na nagligtas nung gabing yun sa'kin sa Brice.






Imposible. Imposible yun.






Pilit kong ikinukumpara, pero paulit ulit rin akong umiiling habang pilit na pinapaniwala ang sarili na hindi s'ya yun. Malabo. Baka nagkataon lang talaga. Baka mali lang ako ng pandinig sa tinawag sa'kin noong babae. Hindi ko lang siguro makalimutan ang ginawa n'yang pagtulong sa'kin kaya hinahanap ko ang katauhan n'ya sa iba.







Tama. Ganun nga.






Matapos kong maligo ay agad na rin akong lumabas ng unit ko. Dederetsuhin ko na sanang pumunta sa unit ni Axle ng mapasulyap ako sa harapan ng unit ni Candid.





Tinungo ko na ang pintuan ng unit ni Axle at nag-doorbell dito. Nakakailang pindot na ako ay hindi pa rin nya ako pinagbubuksan. Medyo napipikon na ‘ko. Napakaikli pa man din ng pasensya ko.





"Ginagago mo ba ako, Axe? Kanina pa ako nagdodoorbell ngayon mo lang binuksan." Bulalas ko sa kanya ng buksan n'ya na sa wakas ang pintuan.




Walang pasabi ko s'yang nilagpasan para makapasok na. Nagtaka naman ako sa inakto n'ya dahil para syang naaligaga sa pagpasok ko. Parang gusto nya akong pigilan pero hindi n'ya rin nagawa dahil nakapasok na ako.




"Wait—” pigil pa nya sa'kin pero huli na ang lahat ng makita ko ang pinakahuling taong inaasahan kong makikita na nakaupo sa couch n'ya.






"Anong ginagawa nya rito?" Seryoso kong tanong kay Axle habang kay Candid lamang ako nakatingin.





Sinulyapan lamang ako ni Candid saka pinatay ang music na tumutugtog sa cellphone nito. Inayos at iniligpit na rin ang mga nakakalat na gamit na nasa table.






Akala ko ba may sakit pa sya kaya sya absent? Maybe she's intentionally avoiding me. Matapos makatanggap ng paunang sweldo, ito ang gagawin nya? Walang utang na loob.






"Una na ako, Axle. Marami pa kong gagawin."





Parang wala itong nakitang ibang tao bukod kay Axle ng lagpasan ako nito at dumeretso na sa pinto palabas.





Maang ang labi kong napatiim bagang sa ginawa n'ya.



Did she just ignored my presence here?




"Okay. Basta text na lang kita kung ano pang pwedeng idagdag." Ngiting ngiting sabi naman ni Axle na may pagkaway pa ng pamamaalam bago tuluyang isara ang pinto.





"What was that Axe?"




Diretso ko syang tinignan habang nakataas ang kilay sa kanya. Nagkibit balikat lamang itong umupo na tumabi sa'kin sa couch.






"Huwag kang malisyoso. Nagpatulong lang ako doon sa taong gumawa ng project sa Math."



"With romantic background music? Really?" Sarkastiko akong napatawa. Sarap sapakin. Ang galing mag-alibi.






Wala sa sarili akong napakuyom ang kamay. Why do I feel..that I was being betrayed this time? Parang naneneglect lang ang mga sinasabi ko.





"Kung ano man ang issue nyo ni Candid, labas ako don, tol."





Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi nya. So..may gusto nga sya sa babaeng yun? Seryoso s'ya dun?




"You like that freak?"





Nilingon n'ya ako ng mabilis ng magkasalubong bigla ang kilay. Tila hindi nya nagustuhan ang pagkakatawag ko ditong 'freak.'



"Nahawa ka na rin ba kay Yuri, Blaze? She's not freak. Bakit ba ginagawa mong big deal yung pakikipagusap ko sa tao?"




Saglit lang akong natigilan habang napapaisip. May bahid ng inis sa boses n'ya.



"It's because I am the HFA President and the Captain. Also, I am the head of Elites. Hindi ko pwedeng i-tolerate ang relationship ng isang Elite at isang Scholar, alam mo yan. Sinelyohan natin yan lahat. It'll ruin the rules and image of the Elites. Elites is for Elites. Hindi mo ba alam na magiging katatawan ka at pati na rin kami pag nagkataon?" naiinis na paliwanag ko rito.





"Hindi na bale sana kung isang simpleng scholar lang. Eh ang kaso, yung babaeng laging laman pa ng usap-usapan. Gusto mo rin bang pagtawanan ka rin? Pagusapan? Damay na rin kami kapag nagkataon."






Hindi agad sya nagreact sa sinabi ko. Malutong lamang itong tumawa ng mapakla. Yung parang napipikon. Nanatili lang kasi itong nakatitig sa table habang magkadaupan ang palad at nakatuon ang magkabilang siko sa tuhod nito.






"I'm badly curious about her, Tol. There's nothing serious." Pagkumbinsi nito sa'kin ng hindi man lang ako tinitignan.



"Siguraduhin mo lang Axle." banta ko rito.





Hindi na ito umimik pa. Sa halip ay inalok na lang ako ng makakain para maiba ang topic.






Imbis na mapanatag ako sa sinabi n'ya, lalo lang akong nakaramdam ng pagkadismaya. Kahit na sinabi n'yang curious lang s'ya kay Candid, hindi pa rin ako kumbinsido. Dahil ang Axle na kilala ko, confident lagi sumagot..








PAGLABAS na paglabas ko ng unit ni Axle ay sakto namang kasalubong ko si Candid na patungo sa elevator. Hindi man lang s'ya natigilan o tumungin man lang ng makasalubong ako. Pakiramdam ko tuloy lalo akong naiinis sa inaakto n'ya.





Ganun na lang yun? Matapos ko s'yang paswelduhin aakto s'ya na parang hindi n'ya ako kilala?





“Where are you going at this time, Alessia?”  She trailed off a bit.





Palihim akong napangisi. I knew it.




Dahan dahan s'yang humarap sa'kin. Walang emosyon ang mga mata nitong sinalubong ang mata ko.




Uuwi saglit.”




Napakurap ako ng dalawang beses saka wala sa loob na napiwas ng tingin. Kung dati ay malamig lang s'ya kung tumingin, bakit ngayon mads nawalan lalo ng emosyon ang mga mata n'ya? Bakit parang..nakakaintimidate na tignan.







“You're not allowed to.” Sinulyapan ko ang relos ko. “Lagpas na sa curfew time.” I simply added without looking directly to her eyes.





Ganoon na lang siguro.





“Ganun ba.” Walang kagangana nitong sagot bago magmartsa pabalik sa pintuan ng pinto n'ya.





Mas lalo akong nakaramdam ng inis. Wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan ang kilos n'ya.





Ano ba s'ya, robot? Walang emosyon?Masyado naman ata s'yang madaling kausap ngayon.







“Goodnight, Alessia.”






Dalidali na akong pumasok sa pintuan ng unit ko ng mapagtanto ko ang ginawa.




Gago ka Blaze? Ano ayun?

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 347 52
In this world there's a lot of temporary people. But what if you are giving a chance to write your own book that contains your very own story? Euph...
1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
8.8K 479 12
Lahat tayo, may minamahal. Minsan, sila ang nagiging dahilan natin kung bakit tayo nagiging masaya. Kung bakit tayo ngumingiti. Madalas pa nga, nanga...
455K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...