What happened to us? Season 1

By zedxxx

27.5K 716 382

Season 1: What happened to us? Corr's POV "What happened to us Corr? It wasn't perfect but we we're so happy... More

Season 1: What happened to us? (A Cheater VS Man-hater After Story)
1 - Tagos hanggang buto at nataga ko na matagal sa bato.
2 - Malungkot kasi... Fucking shit si Presbi.
3 - You're so red, babe
4 - Imperfect
5 - I'm not gonna break like what you're thinking.
6 - Okay. Medyo mixed feelings ako sa pagabot niya ng five hundred ha.
7 - Maliban sa iniisip kong tunog bading na siya eh para na siyang timang.
8 - And I don't know why but he should look like a trash with his messy hair...
9 - He likes me a lot that he think it's love.
10 - Sobrang gising yung diwa mo at parang pagod ka na hindi?
TEASER - 11 - Masyado kang careless! I TOLD YOU A MILLION TIMES...
11 - Author's POV | In short, tapang tapangan ang peg.
12 - We're gonna talk something you don't like.
13 - As if I promised him the world but I gave him a peanut.
14 - Don't even go there Corpuz! You. Are. Freaking. Flirting. With. Me.
15 - I'll honestly bow down to his protectiveness...
16 - Her side of backstory: Flight instead of fight.
18 - Yung babaeng mukhang palitaw na pinagpalit niya kay Corr.
19 - Sht! I'm so dead! He called me Pocholo! Shettt!
20 - Presbi Fucking Corpuz
TEASER - Chapter Twenty One
21 - And that's when I noticed I'm not drunk anymore.
22 - CAPITAL F. FINALLY.
23 - Ba't ba uso yung ganitong love story? Right person but wrong timing
24 - CC: Sprite - WHERE THE HELL ARE YOU?!
25 - My vulnerable Presbi...
26 - Sentimental Presbi is the sweetest
27 - Louise
28 - Joey
29 - Presbi Corpuz
30 - For a second I panicked
31 - Kung di lang talaga kita mahal.
32 - *cough**cough*
33 - Proposal?
34 - No doubt.
35 - Inseparable
36 - Sorry? May nagagawa ba yung sorry mo?
37 - I'm broken, do you hear me?
38 - Happiness, guilt, love and everything in between
39 - Birthdays
40 - Untitled
Epilogue
What happened to her? Season 2
What happened to her? (What happened to us Season 2)

17 - How can you just get up after everything? Pagkatapos ng lahat ng sakit?

632 14 8
By zedxxx

ZEDXXX: May sakit ako noon pag nagsusulat ako ng kwento... HINDI NAMAN SAKIT na literal. =)) Pag nagsusulat kasi ako dati, may POV din yung ibang character, may sariling kwento at kung ano pa. Pero ang nangyayari dati... Nawawala focus ko dun sa mga bida, kasi naccarried away ako dun sa ibang characters. HAHAHA. Parang yung lovelife ni Nics at ni JJ, yung lovelife ni Steve.

Kaya ayun, sabi ko dito sa WHTU, magfofocus lang ako sa Main Characters. So bakit ko to dinadaldal? Wala lang. Epal lang ako. HAHAHAHAHA

Joke. De kasi, eto na! May ibang characters na naman! =)) So help me God. :P

17 - How can you just get up after everything? Pagkatapos ng lahat ng sakit?

Flashback.

2 years ago...

ZEDXXX: Sana naalala niyo pa si Migs :P May konting intro sa kanya nung first chapter.

Tita Cecile is Migs' Mother. Yes. Migs, the Kristian Miguel Arellano. Yung chatmate ko noong nagpunta ako sa states dahil depressed ako kay Presbi nung unang break up namin. Tch. How childish of me. At yung naging MU ko nung high school bago ako inagaw ni Presbi sa kanya. Inagaw talaga Corr?

Of course, hindi naman ako papayag na si Corr lang ang may Flashback :P So let's go back to the past. To be specific, Round 21 ng CVM.

Eto yung panahon na nagkanda leche leche na naman ang lovelife ni Corr. As you all know, she left the country because she's heartbroken... because of Presbi.

But bumalik siya, ofcourse. Bumalik siya ng maayos at ng masaya. When she came back, that's when he met Kristian Miguel Arellano, or Migs. They we're chatmates nung nasa states pa si Corr while she's fixing her broken heart.

Migs is into literature, reason kung bakit nahumaling si Corr sa kaniya. They wrote poems, letters and short story for each other. Eventually, they became good friends... in chat.

Pero nagbago yun lahat nang makauwi ng Pilipinas si Corr. That's when she finally met frustrated poet (Miguel's username) in person.

They spent time together, given na magkapitbahay lang naman sila before. Mas lalo nilang nakilala ang isa't isa and eventually the both of them fell in love with each other and became official.

Until that unfaithful day.

Well... Things happened...

It was after their school's Chant Competition. Magpeperform sila Steve, JJ, Presbi and Migs for the victory party of the said event, nang magsimula ng kumanta si Migs habang nakatitig lang sa kaniya...

Now playing: Sa bingit ng isang paalam - on the right

♪Sa isang tingin ko lang agad ko nang napupuna. Sa likod ng 'yong ngiti at kung paano ka tumitig sa 'kin. Tulad ng unang bituing iyong matatanaw, sa nag-aambang dilim buong ningning pa rin kahit makain ♬

♪Kinakailangan nga bang magtuos? Wala tayong dapat simulan. Ako'y kaharap mo't nandito ngayon sabihin kung naguguluhan. ♬

♪Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos? Sa isang saglit lahat malilipol. 'Di ko mahahayaan na walang magagawa, ayaw kitang lumuhang nag-iisa, ♬

Alam ni Corr sa sarili niyang may nagbago nitong mga nakaraang araw sa kanila ni Migs. Alam niya sa sarili niyang may mali... Something is off. But as always, hindi niya 'to hinarap. Hindi niya kinonfront. Because she's scared.

Scared as always.

Natapos naman ni Corr yung buong kanta, bago siya nagkalakas para tumakbo palabas ng school GYM nila. She doesn't know what to feel... Kumanta lang naman si Migs di ba? What's wrong? Masyado ba siyang naging sensitive at binibigyan nya ng meaning ang lahat?

But she knew better.

Ilang beses na niyang naramdaman na unti unti ng bumibitaw si Migs. For some unknown reasons, he's starting to slip away... And she doesn't have any idea why.

But she heard it. She heard it, loud and clear. I'm sorry. Migs said over the microphone.

That's when she lost it.

Ano bang meron siya at para bang ang malas malas niya sa ganitong bagay? She's starting to think na baka may balat siya kung san, kaya siya malas sa pagibig. Una, si Presbi. Ngayon naman si Migs?

Lahat na lang ba? She thought. Lahat na lang ba iiwan siya?

**

PRESBI

Pagtapos na pagtapos namin magperform, nagpuntahan agad kami sa backstage at nagmamadaling sinundan yung gagong kumanta nung huling set.

Unang tumakbo at sumunod si Steve sa backstage. Kanina pa siya inis na inis habang tumutugtog, halata naman ng lahat yun. Sino bang hindi maiinis? Sino bang hindi mabbwisit sa ginawa ni Migs? Parang pinahiya na rin niya si Corr sa harap ng maraming tao!

Pero hindi kami makapalag, kasi syempre tumutugtog pa at hindi pa tapos. Kaya hinayaan narin namin muna matapos yung huling kanta.

"TARANTADO KA TALAGA! ANUNG KAGAGUHAN YUN!" Galit na galit na sigaw ni Steve kay Migs habang hawak yung kwelyo ng damit nya. Habang si gago naman ay nakayuko lang, ni hindi sya nagsasalita.

Tangna nitong gagong 'to nasan na yung dila mo?!

Nanginginig na rin ako sa inis. Fuck! Tangina talaga!

Naalala ko yung mukha ni Corr habang nanunuod at nakatingin lang kay Migs habang kinakanta yung bwisit na kantang yun. Kulang na lang, dun na siya mismo umiyak sa kinakatayuan niya. Fuck!

Akma ko ng susugurin si Migs pero pinigilan ako ni JJ.

"Ano ba!"

"Pre. Wag na." Sabi sakin ni JJ.

"ANO?! TANGNA! MAGSALITA KA! KALA KO BA HINDI MO GAGAGUHIN KAPATID KO?! ANO YUN?! HARAPAN MO PANG SINAKTAN! TANGNA! SA HARAP KO. SA HARAP NG MARAMING TAO!" Galit na galit na sigaw ni Steve.

"Mabuti na 'tong ganito..." Sagot ni Migs. Pagkasabing pagkasabi nya nun hindi ko na napigilan. Lalong nandilim yung paningin ko at inunahan ko na si Steve sa pagsuntok sa kanya.

"GAGO KA PALA EH! ANONG MABUTI?! SIRA ULO!" Sigaw ko.

Susuntukin ko pa sana sya kaso ang dami ng pumigil sakin.

Saka ko lang napansin na marami na palang taong nakasilip sa backstage.

"FUCK YOU MIGUEL! SINASABI KO TALAGA SAYO! HINDI LANG 'TO AABUTIN MO! HINDI KO 'TO BASTA BASTA PAPALAGPASIN!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mga hawak nila, pero sa dami nila hindi na ako makapalag.

"Guys! Tama na yan!" Biglang awat ni Nics nang makapasok siya sa backstage. "Tama na! Si Corr muna isipin niyo! Tumakbo siya palabas ng school, hindi ko siya naabutan!"

"Ano?! San sya nagpunta?!" Tanong ni Steve sa kanya na may halong pagaalala.

"I... I don't know. Basta, bigla siyang tumakbo."

Pagkarinig na pagkarinig ko nun ay agad kong tinanggal yung pagkakahawak ng mga umaawat sakin. "Bitawan niyo nga ako!" I shouted, agad naman silang sumunod at tinuro ko si Migs. "Pagdasal mo lang na walang mangyari sa kaniya. Kundi..."

**

Tinakbo ko na yung buong street ng school namin, pero hindi ko parin nakita si Corr. Hingal na hingal na ako kakaikot at ngawit na ngawit na yung binti ko kakatakbo. Umabot na rin ako sa Cultural College street na ilang kilometro na ang layo sa school namin...

Nang makita ko siya.

Nakaupo siya sa may gutter, nakayuko lang siya habang inabutan siya ng water bottle ng isang naka Cultural College na uniform.

Agad akong tumakbo papunta sa pwesto niya, kahit na gustong gusto ng bumigay ng binti ko.

"Sige. Mauna na ako, mukhang may kasama ka na." Simpleng sabi nung lalaki.

Tinignan ko yung school badge niya at may nakalagay dito na Elizalde P. K. Mukha naman siyang harmless kaya nawala din kahit papano yung pagkaparanoid ko.

Tumango lang siya sakin bago umalis.

"Salamat." I said.

Dahan dahan akong lumapit sa pwesto ni Corr at nagcrouch sa harapan niya.

"Mabuti naman at safe ka, buti na lang." I said in between breathes. Hindi ko alam kung ano ang uunahin, kung hihinga ba muna ako or ngingiti dahil nakita ko na siya. She's safe. Thank God she's safe. "Kala ko kung san ka na napadpad, hinanap kita sa kabilang street at sa isa pa... Tapos sa isa pa... Nandito ka lang pala." Sabi ko sabay hawak sa balikat niya. "Ang bilis mo naman tumakbo. Pwede ka na sa track and field nyan." I tried to joke as I met her eyes.

I could still see fresh tears from her eyes, nandilim na naman ng kaunti yung paningin ko nang maalala yung ginawa ni Migs. But I try not to show it.

There's no time for that, Presbi. She needs you. I thought.

I pat her head nang bigla na naman siyang humikbi...

Then she started crying.

Damn it.

Agad ko na siyang hinatak para yakapin. Hindi ko na kasi siya kayang tignan pag ganito siya at umiiyak.

Nadudurog yung puso ko.

"Sa susunod wag ka ng tatakbo kung saan saan. Nagaalala ako. Halos mabaliw na ko. Hindi naman parating sswertehin akong mahanap ka. Promise mo sakin sa susunod, kung nalulungkot or nasasaktan ka. Wag kang tatakbo palayo. Nandito lang naman ako eh... Ako pa ang lalapit sayo."

End of Flashback

**

Present

"Who told you that I still love you?" I sardonically said.

There's a long pause... awkward pause actually.

He flinched but I tried my best to hold my stoic face. He clenched his jaw and I know how hurt he feels... or worse betrayed.

I'm sorry. I wanted to tell him. I wanted to comfort him, to take the pain away... But I can't... and I won't.

I needed to prove a point, I love him but I don't want him using it against me.

"Corr... You don't have to do this." He finally said, breaking the silence... that spiteful silence.

"Presbi-"

"Stop this Corr." He begged as he grab my arms - as if holding to his dear life. "You don't have to do this. You don't have to hurt me to get even. We don't have to be like this just to get even."

"No, Presbi. You don't understand-"

"No, Corr. I perfectly understand." He snapped. "I understand where is this coming from. So I'm telling you to stop. Just stop this. We don't have to be like this... We don't have to suffer because of our pride-

"Now you're talking about pride?!" I hissed and removed his hold. "Jesus, Presbi! Pride? Do you think after everything may pride pa ako sa relasyon na 'to? Or whatever you call this-" But I immediately stopped talking when he pulled me to a tight embrace...

But I strongly pushed him away.

"STOP! MY GOD PRESBI! JUST STOP THIS!" I shouted. Thank God we're at the far end of the hospital corridor. "You can't expect me to be okay after everything! After everything! Na madadaan mo ako sa mga yakap na yan at papatawarin lang kita basta basta. Na bibigay lang ako as always... Like what you're expecting! No way, Presbi! No way!"

"Please, Corr... Tama na-" He begged.

"No, Presbi!" I retorted. "You don't get to demand here! You can't just ask me to be okay!"

"I'm not demanding, Corr. I'm just telling what I think is best for us! For the two us-" Now, he's shouting.

"What's the best for us? For the two of us?!" I mocked. "Hah! Baka what's the best for you! Gad! Just stop this nonsense, Presbi. Wala ng papatunguhan 'tong paguusap natin. Just stop talking-" Then he suddenly punch the wall - just right beside my face.

I'm too stunned to even react. Sobrang bilis nung pangyayari.

Nakita ko na lang na may crack na yung pader at dumudugo na yung fist niya.

"No, I won't stop." He seriously said. "I don't expect you to simply forgive me." He said before turning away. "But don't expect me that I'll just give up." He added before he left.

**

"Faster, Kitel! My God! Babaha na dito sa condo ko." I heard Nics said over the phone habang inaabutan niya ako ng tissue. "I know! I know! But seriously? This is code X! No time for BB creams!" She hysterically added. "Fine! Be here after ten minutes! Or else, I swear! F.O na tayo!" Then she dropped the call.

"Ang OA mo, Annica." I muttered while laughing... and crying at the same time.

Gad. I'm crazy.

Mag t-thirty minutes na din akong nandito sa condo ni Nics sa Alabang. After nung nangyari kanina sa hospital, hindi ko na kinayang pumasok sa hospital room ni Mommy. Mukha na akong miserable at yagit para magpakita sa nanay ko. Mamaya magwala na naman siya pag nakita niya akong ganito. I don't want another trouble.

"Ako pa ang O.A ngayon? Eh ikaw nga 'tong kala ko na-rape ng magpakita ka sa pintuan ko 'no!" She teased sabay tulak ng baso ng tubig sa harap ko. "Drink. Para kang hihikain sa kakaiyak mo." She asked and I did. "Feeling better?" She asked after I gulped almost everything.

"Yeah. Thanks."

"Now... Like a lady, tell me everything."

So... I told her everything. Lahat lahat. Simula nung encounter namin ni Presbi sa CBTL - na kinainis niya, sa Raven - na mas lalo niyang kinainis, yung nangyari sa condo niya - na biglang nagpapa-shift sa mood niya at halos himatayin siya sa kilig, pati yung sa hospital - yung pagdadalaw niya sa Mommy ko, pati na rin yung mga nangyari kanina.

Nang matapos ako magkwento, siya naman na yung umiiyak.

"What the hell, Nics? Ba't ka umiiyak?" I asked, laughing. Para kasi siyang tanga, biglang iiyak at hahagulgol na di mo maintindihan. Paiba iba yung mood, kanina inis na inis, tapos kinilig tapos ngayon umiiyak.

Hay Annica! Comedy ka forever!

"My gosh! I'm such a bad girl friend!" She wailed. "Ang dami nang nangyari sayong di ko man lang alam. Ano bang pinaggagawa ko at ngayon ko lang 'to nalalaman?! One month na ngang expired yung kwento, wala pa din akong alam! Gosh! Sobrang sama ko talagaaaa!" She continued.

"Ano ba! You don't have to make such a fuss about this." I said. "Wala ka namang kasalanan dito 'no. It's my fault! At isa pa, naging busy din tayo parepareho. Ako, with my crazy schedules, school and stuff. And kayo... sa midterms." I uncertainly said.

"Yeah." She sarcastically agreed, before rolling her eyes. "Co'z I was busy moping because of JJ." She sadly said, still guilty about everything.

"Don't worry about it, Nics. Ang importante, okay na kayo ulit ni JJ." I assured her as I hug her. "Gusto ko lang naman ng may mapagsasabihan nitong mga 'to. You know... Bago ako mabaliw." I kidded nang bumitaw ako sa hug namin, but she didn't find it funny. Agad agad siyang sumimangot.

"Corr..." She warned.

"Oops. Sorry, bad joke. Hihi." I said.

Naging offending joke na kasi yung baliw samin after nang nangyari sa Mommy ko. Of course, sino ba naman matutuwa di ba? Pag tinawag siyang baliw? Well... Baka yung iba sanay na magbiruan ng baliw baliwan, but not us.

"Okay... Ang tagal na nating di nakapagkwentuhan ha! Maiba ako. Kamusta naman na kayo ni JJ?" I asked, trying to change the topic.

"Bakit ako ang kinakamusta mo?" She asked back. "Ikaw 'tong sumugod ng humahagulgol sa condo ko, tapos malalaman ko na lang na may mga ganitong nangyayari with you and Presbi tapos..." Then she slowly stopped ng mapansin niyang nagiintay ako ng sagot galing sa kanya.

Ang hilig kong mangamusta ng iba, pero pag ako na. Wala na. Oh well... That's me!

"Okay naman kami." She finally answered. "After nung nangyaring breakup last time, sobrang bumabawi siya ngayon." She said smiling. Parang nahihiya pa siya na ewan. Yes! Siya na in love! "Actually... Hindi ko 'to kinwento sa inyo ni Kitel eh." She shyly continued, blushing. "But he followed me in Pico."

"HE WHAT?!" I exclaimed, but she just nod, while smiling like a complete fool. "MARIA ANNICA! YOU BETTER GIVE ME THE DETAILS! Sinundan ka niya sa Pico?! Kayong dalawa lang?? Ano kayo nagh-honeymoon?!" I confronted, as if ako yung nanay niya.

"Corr! Ano ka ba!" She called, laughing. "Mas OA ka pa kay Mommy!"

"Aba... After what he did to you, hindi pwedeng basta basta lang na ganon yun 'no!"

"Corr..." She said, sabay kuha sa kamay ko. "I love JJ... I love him so much, it's crazy." She professed.

Natigilan ako bigla sa sinabi niya... or sa pagkakasabi niya. The way she said it makes me feel jealous of their love. Nics is blushing and smiling beautifully. Sinasabi pa lang niya yung pangalan ni JJ, parang in awe na siya... Na parang mahal na mahal talaga nila ang isa't isa.

"I know we're young but hindi ko na maimagine yung sarili ko with someone else." Nagulat ako ng sabihin 'to ni Nics. I mean... C'mon, it's the future she's talking about. Hindi naman kasi kami fairytale like magisip na magkakaibigan. This is new, ibig sabihin ibang level na 'to. "I know may mga nagawa siya... But I listened to him, may reasons ang lahat, Corr, and I choose to trust him, to believe in him. I love him kahit may misunderstandings man kami or may mga away. Mahal ko pa rin siya... Yung mga yun naman kasi, kasama sa package yun, kasama siya sa pakikipag relasyon at hindi yun maiiwasan. We love... We love deeply and we get hurt. But it doesn't mean that we will stop loving. Just because, nasaktan tayo. Titigil na tayo. I still love him and I love him so much... Mahal ko siya, at yun ang importante... And that's all I need to forgive him." She said with a smile.

"Pano mo yun nagagawa?" I blurted out.

"Ang alin?"

"This... This smiling... Professing of love and all. How can you still love the guy who hurt you?" I sighed. "How can you just get up after everything? Pagkatapos ng lahat ng sakit?"

"Corr..." She called, at mas lalong humigpit yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Alam na rin naman niya yatang iba na yung pinaghuhugutan ko. It's not about them anymore.

"It's a choice." She answered with a smile.

"And I chose to be happy..."

--

ZEDXXX: Alam niyo bang aliw na aliw ako sa mga flashback. HAHAHA Kasi nababasa ko ulit kung pano ako magsulat before. Shetttt lang sobrang cheesy ko =))))))

Gusto ko pa sana magdagdag ng cheesy flashbacks nila. Kaso taeeee sagad na sa kacheesyhan yang isang yan! HAHAHAHAHA.

Anyway, last na flashback na yan from CVM. HAHAHAHA Ayaw ko na! :P

As always, lemme know what you think ;)

Continue Reading

You'll Also Like

857K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...