Hiram Na Pag-ibig (Formosa Se...

By PollyNomial

161K 3.2K 277

Naranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang p... More

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Wakas
Formosa Series Update!

Kabanata 11

2K 38 3
By PollyNomial

KABANATA 11 — Hiningal

Hindi ko kinalimutan ang magpasalamat kay Terrence. Sa unang gabi ko, natanggap ko rin ang una kong sweldo.

“Salamat dito.” Sambit ko kay Terrence nang makuha ko ang una kong sweldo. Naka-brown envelope iyon na kasukat ng pera. Agad ko iyong nilagay sa bag ko.

Ngumiti siya ng bahagya. Medyo mapungay ang kanyang mga mata dahil siguro sa alak.

Tiningnan niya ang kanyang wrist watch. “It’s 12 midnight. Ihahatid na kita.” Aniya.

Umiling ako. “Naku, 'wag na! At saka lasing ka ata.” Tanggi ko.

Tiningnan ko ang buong bar na medyo maingay pa dahil marami pang tao. Anong oras kaya nagsasara ito?

Ngumisi ako kay Terrence. “Look. Marami ka pang customers. Baka hanapin ka ng mga kakilala mo.” Sabi ko kahit hindi ko naman talaga alam kung may kakilala si Terrence dito.

Ngumuso si Terrence. “Nope. They don’t need me here. Ihahatid na kita.” Pinal niyang sabi at wala na akong nagawa dahil sa mabilis na hatak niya. His signature move!

Kaya ganoon ang nangyari sa mga sumunod pang araw. Sa umaga ay tanghali akong magigising. Aasikasuhin ko si tatay at maghahanda para sa trabaho ko sa gabi. Palaging 7pm ang dating ni Terrence sa aming kanto at doon ko siya kinikita. Hating gabi naman kung ihatid niya ako sa bahay.

Araw araw ay may sweldo ako gaya ng napag-usapa. Masyadong malaki ang natatanggap ko at tinanong ko ulit si Terrence kung okay lang ba 'yon at um-oo agad siya. Wala na akong laban pa.

Kaya naman malaki ang naging tulong ng pera. Nakapag-grocery ako at nabili ang mga kailangang gamot ng tatay ko. Binigay ko rin ang ilan sa pera ko sa kanya para panggastos niya. Tumanggi si tatay pero nagpumilit ako kaya wala na siyang nagawa. Ang iba naman ay tinabi ko.

Gaya ng sinabi ko kay tatay, sa call center din ang alam na trabaho ko ng mga tao rito. Nakwento na pala ng tatay ko sa lahat. Pati kayla tita at tito.

“Wow! Edi mataas ang sweldo mo.” Sambit ni Iris nang malaman niya ang trabaho ko.

Nakokonsensya akong ngumisi sa kanya. “Oo, e.” Maikling sagot ko.

Ayokong sabihin sa kanila kung kanino ako nagtatrabago lalo na kay Iris. Siyempre hindi niya ito pwedeng malaman dahil kapatid niya si Ivan na napagbintangan ni Terrence. Galit si Iris sa mga nangyari at magagalit din siya sa akin oras na malaman ang pagtatrabaho ko sa kanilang kaaway. Siya pa naman ang close ko sa lahat ng aking pinsan kaya mahirap kung magagalit siya sa akin.

“Anak, magtanghalian ka na.” Sabi ni tatay nang pumasok ako ng bahay. Kakagaling ko lang kayla Iris.

“Sabay na po tayo.” Nagsabay kaming dalawa at ako ay naglagay ng pagkain niya.

Masaya ako dahil kasama ko ulit ang tatay ko.

Habang tumatagal na wala ako sa Laguna, nagagawa kong makalimot ng mga masasakit na alaala. Oo at naiisip ko pa rin si Christopher, hindi naman mawawala iyon. Pero ang sakit ay malabo na. Natutuwa ako dahil maayos na ang kondisyon ng puso ko.

Siguro ay nakatulong ang pag-uwi ko rito at ang aking trabaho. Masasayang kanta ang mga inaawit ko kaya naman masaya rin ang pakiramdam ko. Ganoon ako. Nakakapasok ako sa bawat lyrics ng kanta at nakakalimutan ko kung para saang mundo nga ba talaga ako. At dahil bar at dapat parating masaya at nagwawala ang mga tao, nagiging ganoon din ako.

Isang rock song ang pinili ko para sa gabing ito. Pangalawang linggo ko na at hanggang ngayon ay mangha pa rin ang mga taong pinapanood ako. I don’t want too much attention from other people. Pero kapag nandito ako sa stage ng bar ni Terrence, tanggap ako ng tanggap ng atensyon nila at sumasaya ako roon.

Nag-apir kami ni Marx pagkababa ko. Naalala ko, hindi pa pala alam ng lalaking ito na hindi ko totoong asawa si Ivan. Hindi naman siguro nabanggit ni Terrence sa kanya dahil kung oo, sana tinanong na niya ako tungkol doon.

Inisip ko kung dapat ko pa ba iyong aminin pero naisip ko rin na 'wag na dahil hindi naman mahalaga kung malaman ni Marx. Sapat na na hindi na ako nagsisinungaling kay Terrence.

“Water?” alok niya ng tubig. Ito ang parati niyang ginagawa kada tapos ko ng kanta.

Ngumiti ako at kinuha ang tubig. Lumagok ako mula sa baso at naramdaman ko na nahimasmasan ako. Medyo napagod ako sa ginawa kong pagtatalon kanina para lang makasabay sa beat.

Naupo ako sa stool sa harap ng counter. Dito ako madalas kapag nagpapahinga ako.

Tinagilid ko sa ibang direksyon ang aking ulo nang maramdaman ang paglapit ng isang lalaki. Dumikit ang sleeves niya sa balat ko.

Sumusunod ako sa utos ni Terrence na 'wag makikipag-usap sa mga customers. Kaya umamba akong aalis pero nagsalita na siya.

“Hi!” Masiglang bati nito sa akin. Pasigaw dahil maingay.

Huminga muna ako ng malalim. Kailangan kong ayusin ang trato ko sa customers kahit na may sinusunod akong utos.

“Hello.” Bahagya akong ngumiti.

“I’m Arvin. You are… Therese?” Naglahad siya ng kamay at bumagsak ang mga mata ko roon.

Wala ang singsing ko. Kahapon ay nagdesisyon akong alisin na iyon mula sa aking daliri. Hindi ibig sabihin ng pagtanggal ko niyon ay kinakalimutan ko na si Christopher pero sa tingin ko ay mas maigi na kasi iyon. Kailangan kong masanay na wala na akong asawa.

Tumaas ang kilay ko at tinanggap ang kamay niya. Dahil wala na ang singsing, wala nang magpoprotekta sa akin. Now everyone will think I am single.

Pinatagal niya ang hawak sa kamay ko at dumulas pa iyon ng marahan nang bitawan niya. Nakatingin ang lalaking Arvin ang pangalan sa akin habang nangyayari iyon. He’s flirting with me. Hindi man siya gumamit ng salita ay naramdaman ko naman sa kilabot ng hawak at titig niya.

Inalis ko ang tingin sa kanya at uminom muli sa aking baso.

“What’s that? Tequila?” Tanong niya.

“No. Just water.” Sagot ko naman.

Hindi ko na siya nilingon. Lagot ako kay Terrence oras na makita niya ako. May 15 minutes pa ako bago sumalang ulit. Ibig sabihin, kung hindi aalis ang lalaking ito, labing limang minuto ko rin siyang makakasama.

Kaya naman tumalon ako mula sa stool.

“Hey, going somewhere?” Tanong niya.

Sinabi ko ang sikat na palusot ko na umuubra sa lahat. “My boss is expecting me.” Ngumiti ako. “Terrence.” Dugtong ko at pumorma ng maliit na bilog ang kanyang bibig.

Effective!

Nang tumalikod ako ay ang nakangising si Terrence ang nadatnan ko. Lumunok agad ako at nagdasal na sana hindi niya nakita ang pakikipag-usap ko.

Kinuha niya ang pulso ko at hinila na naman ako paalis doon. Ano bang meron sa paghatak at paghila niya sa akin at ito parati ang ginagawa niya?

“Ouch!” Ngiwi ko nang bitiwan niya ako. Pinaikot ko ang isa kong kamay sa hinawakan niya. Medyo mahigpit kaya masakit. Nasa labas na kami at nasa tapat ng nakaparada niyang pulang kotse.

Nang iangat ko ang mata ay burado na ang ngisi niya at napalitan iyon ng supladong mukha. Right. Iba ibang klase ng personalidad.

Kinuha iyon ni Terrence. “Where’s the ring?” Tanong niya at hindi ko iyon nakuha.

“Huh?”

“Asan ang singsing mo?” Ulit niya na parang ang tanga ko at hindi iyon narinig. Napakurap ako nang mapagtanto ang tanong niya.

Sumimangot ako. Kung makatanong siya kala niya siya nagbigay niyon ah?

“Tinanggal ko na.” Nagsalubong ang kilay niya. “I mean… tinanggal ko muna.” Tinikom ko ang bibig pagkatapos niyon.

Seryoso niya akong tinitigan. Ang tingin niyang iyan ay 'yong klase na iniisa isa ang bawat hibla ng nakatagong sekreto sa utak ko. Alam na alam ko na ang bawat tingin niya kahit na ilang araw ko pa lang siyang nakikilala. Puno kasi ng ekspresyon ang mga mata niyang nangungusap.

“Why? So you could flirt with other men?” Taas niya ng kilay.

Kumuyom ang kamay ko at unang pumasok sa isip ko ay sampalin siya. Pero hindi ko magawa dahil amo ko siya at pinapasweldo niya ako.

Sa iba ako bumaling imbes na sa kanya.

“'Wag kang hahantong sa mga konklusyong hindi mo naman sigurado kung totoo, Mr. Formosa. Nakakamatay ang maling akala.” Sambit ko at batid kong lumamig ang tono ko.

Pinanggigilan ko ang labi ko dahil nairita ako sa narinig ko mula sa kanya. Christopher never said that to me. He never questioned my loyalty. At sino si Terrence para sabihin iyon sa akin? Obviously, he’s just my boss. At tagahatid na rin sa bahay.

Sinulyapan ko siya at nakatingin pa rin ang mga mata niyang nanunuri sa akin. Umiwas iyon nang masalubong ang mata ko.

Bumagsak ang tingin ko sa bibig niyang panay ang buka at sara. Agad kong nakuha ang nais niyang iparating na hindi masabi sabi.

“It’s okay. You don’t have to say sorry. Hindi mo ako kilala kaya mo nasabi 'yan.” Pagkasabi ko niyon ay iniwan ko siya.

Papasok na sana ako sa loob para sa aking isa pang kanta nang hatakin niya ako paharap sa kanya.

Kulang na lang ay humiwalay sa balikat ko ang aking braso sa lakas ng hatak niya. Iritado ko siyang pinagmasdan at nabuwisit ulit dahil naalala ang sinabi niya kanina.

“How can you read my mind?” Utas niya.

Awtomatikong tumaas ang kilay ko. So he’s really apologizing? Ang galing ko palang bumasa ng mata?

Ngumisi ako. “I don’t read minds, Terrence. I am seeing it in your eyes. Malinaw sa mga mata mo na nagsisi ka at hindi mo sinadya ang nasabi mo. And that you are apologizing.”

Inalis ko ang mahigpit niyang kapit sa akin.

“Mas gusto ko sana kung manggaling mismo ang salitang sorry sa bibig mo. But I know a Formosa won’t give up his pride. Kaya hindi ko na pipilitin. You are forgiven.”

Tumulala siya sa akin. Kahit na gusto ko pa siyang makasama ay iniwan ko pa rin siya. Weird. Ayoko siyang iwan dito sa labas nang tulala. Pero kailangan na ako sa loob.

Natapos ko ang limang kanta. Sa huling kinanta ko ay nagpalakpakan muli ang lahat. Hindi talaga nila nakakalimutan na iparamdam sa akin na magaling ako sa ginagawa ko. Tumataas tuloy masyado ang tingin ko sa aking sarili.

Binigyan ko sila ng ngiti at yumuko ako bilang galang. Ngayon ko lang nalaman na pwede rin pala itong kumakanta sa isang bar. Ang bar ni Terrence ay ang klase na puro inuman at sayawan ang nagaganap. Minsan may mababagal na kanta pero mas madalas ang mabibilis kung saan lahat ay nagwawala.

Nagse-serve ng pagkain at karamihan ay pinapareha sa alak. Tiningnan ko isa isa ang mga tao. Anong buhay kaya ang meron sila sa umaga? Bakit sa gabi ay nandito sila? Is this just some kind of stress reliever? Pahinga nila sa mahabang oras na pagtatrabaho? And then in the morning, seryoso na ulit sila?

I wonder if Terrence are like them. Siguro ay ito rin ang pampalipas oras niya. Ang bar niya na tinayo niya ang tumutulong sa kanyang mawala ang pagod niya. Hindi ko alam kung totoo pero sa tingin ko ay minana na ni Terrence ang yaman ng kanilang magulang. Siguro ay isa sa mga negosyo nila ay pinamumunuan na niya. Ganoon marahil kaya sa gabi ay puro saya naman siya.

Hindi bago sa akin ang tungkol kay Terrence. I have heard a lot about him eversince college. He’s famous in our school. Bakit hindi? Eh pamilya niya ang may-ari nito. Nababalitaan ko ang lahat ng tungkol sa kanya. My friends and some of my classmates are crazy over him and his brother. They are the apple of their eyes. Na kapag nakikita nila ang mga ito ay lilingunin talaga na halos mabali na ang leeg nila.

And funny as it is, I was not one of them. I see Terrence and his brother just like how I see other men. Hindi sila ganoon kaespesyal sa akin. Siguro kasi may Christopher na ako noon at sa kanya na lang ang atensyon ko. Pero nakakapagtaka pa rin dahil may mga kaibigan naman akong may boyfriend na pero kinahuhumalingan pa rin ang dalawang Formosa.

“Therese, ang sabi ni Terrence after ng last song mo ay pumunta ka sa kanya.” Ani Marx nang makita ako.

Tumalima ako at ginawa ang sinabi niya.

Umakyat ako sa office ni Terrence sa itaas ng bar. Paakyat pa lang ako ay narinig ko na agad ang mahinhin na tawa. Tumaas ang kilay ko at alam ko na kung anong makikita ko. Ayaw kong makaistorbo pero hindi ko mawari kung bakit tumuloy tuloy ang paa ko.

Nakarating ako sa pangalawa sa huling baitang. Kapag humakbang pa ako ng isa pataas ay makikita ako ng nagtatawanan.

Dahan dahang tumaas ang kamay ko sa aking dibdib. Just one look, I thought. Ginawa ko ang iniisip ko.

And there I saw Terrence with a girl sitting on his lap. They are both laughing. Hindi ko alam ang pinag-uusapan at bakit sila tumatawa.

Tumango ako sa aking sarili. Hindi naman ata kailangan na makausap ko si Terrence ngayon. Bukas na lang siguro. Kung may sasabihin man siya ay makakapaghintay naman iyon. Isa pa, busy siya. Ayokong makaistorbo. Maybe, this is one of his stress relievers. Gaya ng mga naisip ko kanina, nagsasaya si Terrence sa gabi at masama kung iistorbohin ko siya.

I should probably go.

Bumaba ako nang hindi gumagawa ng ingay. Pati pagsara ko ng pinto ay tahimik.

Tumakbo ako sa counter at agad na hinanap si Marx. Nang makita ay kumaway ako.

“Oh? Nakausap mo na?” Tanong niya.

“Busy ata, e.” Sabi ko habang tinuturo ang pinto.

Tumango siya. “Ah! Mamaya mo na lang kausapin. Bilin pala niya na iha—”

“Aalis na ako.” Hindi ko na siya pinatapos at pinasagot. Dumukwang ako sa counter para maabot ang bag kong nakatago roon at saka tinakbo ang exit ng bar.

Narinig ko ang tawag ni Marx pero kinain lang ng ingay ang boses niya.

Pagkalabas ko ay humanap ako ng masasakyan. Mabuti at maraming tao sa lugar kaya marami rin ang taxi. Agad akong pumara ng isa at sumakay.

“Manong, Sta. Ana po.” Sambit ko nang hinihingal.

Hinampas ko ng mahina ang dibdib ko dahil sa mabilis na pintig nito. Ano ba 'yon. Kaunting takbo lang ay hiningal na ako. Pagod na siguro ako.

Continue Reading

You'll Also Like

58.3K 17.3K 84
[SMUG Series #4] (Former Title: Getaway) Sandro, a public servant who isn't interested in romance and is absolutely fine with the fact that he'll pro...
37.7K 994 44
𝘛𝘩𝘦 𝘨𝘳𝘦𝘢𝘵𝘦𝘴𝘵 𝘦𝘯𝘦𝘮𝘺 𝘰𝘧 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘪𝘴 𝙛𝙖𝙩𝙚. A story written by 𝐀𝐑𝐓 Started: 09/17/2021 (Official start d...
3.2K 234 65
Queen Of Standards Series 1: STARS ARE BLIND by Robin_Blue (The Complete Version) Katulad ng ibang babae,pressured si Jackie makapag-asawa at mag-pro...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...