Tantei High (Erityian Tribes...

By purpleyhan

82.4M 2.4M 760K

Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story. More

front matter
Tantei High
Chapter 1 - Expelled
Chapter 2 - Welcome
Chapter 3 - MT family
Chapter 4 - Sixth Sense
Chapter 5 - Alternative Name
Chapter 6 - Logic
Chapter 7 - Inner Voice
Chapter 8 - Agency
Chapter 9 - First Case: Bloody Letters 1
Chapter 10 - First Case: Bloody Letters 2
Chapter 11 - First Case: Investigation
Chapter 12 - First Case: Her Dying Message
Chapter 13 - Psychomotor Education
Chapter 14 - The Other Tribes
Chapter 15 - Second Case: Time of Death
Chapter 16 - Second Case: The Second Warning
Chapter 17 - Second Case: His Sixth Sense
Chapter 18 - Second Case: Cursed Name
Chapter 19 - Second Case: The Third Blow
Chapter 20 - Second Case: Natural Leader
Chapter 21 - Second Case: Same Ideas
Chapter 22 - Second Case: The Mark of Thirteen
Chapter 23 - Logic Games
Chapter 24 - New Weapons
Chapter 25 - The Right Weapon
Chapter 26 - Vanished Arrow
Chapter 27 - The Great Seven
Chapter 28 - Riye's Secret
Chapter 29 - Who Is He?
Chapter 30 - Third Case: The Golden Sun
Chapter 31 - Third Case: Shinigami Duo
Chapter 32 - Third Case: The Chase
Chapter 33 - Third Case: Black Dimension
Chapter 34 - Hierarchy
Chapter 35 - Fourth Case: Opening
Chapter 36 - Fourth Case: Arson
Chapter 37 - Fourth Case: A Different Person
Chapter 38 - Fourth Case: Clues and Sixth Sense
Chapter 39 - Fourth Case: Observation
Chapter 40 - Fourth Case: Confrontation
Chapter 41 - Fourth Case: Research
Chapter 42 - Fourth Case: Ambush
Chapter 43 - Demi
Chapter 44 - Green Stage
Chapter 45 - One of Us
Chapter 46 - Home
Chapter 47 - War
Chapter 48 - Who Am I?
Chapter 49 - I Can Protect Them, Too
Chapter 50 - Teamwork
Chapter 51 - To The Forest
Chapter 52 - Despair
Chapter 53 - Reinforcements
Chapter 54 - Parents
Chapter 55 - Eerie Feeling
Chapter 56 - Assemble
Chapter 57 - Legendary Skill
Chapter 58 - Kill Her
Chapter 59 - Emotions
Chapter 60 - Cruel Truth
Chapter 61 - Mother
Chapter 62 - War is Over
Chapter 63 - Her Duty
Chapter 64 - Unveiling the Truth
Chapter 65 - See You Soon
Chapter 66 - Calm and Cool
Chapter 67 - Logic Game 2
Extra: Answers
Erityian Files #1: Akuma Gone Mad
Erityian Files #2: Christmas Crisis

Epilogue

1.3M 40.1K 51K
By purpleyhan


"Good work, everyone."

Napangiti naman ako sa pagbati sa amin ni Sir Hayate. Katatapos lang naming mag-solve ng isang murder case at isa ito sa mga pinakamabilis naming natukoy ang killer. Siguro dahil na rin kasama namin si Ma'am Reina at mabilis na na-identify ang time of death at may loopholes talaga sa alibi ng murderer.

"Sige na, bumalik na kayo sa school. Gamitin n'yo na lang si Miyu dahil may pupuntahan pa kami," sabi naman ni Ms. Reina habang nakaturo siya kay Sir Hayate.

"Date?" pang-aasar ni Ken kaya biglang nagsugat si Ms. Reina ng daliri at mukhang balak niyang mag-summon.

"J-Joke lang, Ma'am!"

"Hay. Wala akong panahong makipag-date dahil sa dami ng gagawin." Bigla naman siyang nag-emote sa harapan namin. "Bakit ba naman kasi tayo pinapa-travel ni Sir Hideo sa kung saang lumalop ng mundo para lang hanapin ang Shinigami rebels?!"

Nawala naman ang ngiti ko nang marinig ko 'yon. Hinahanap nila sina Darwin?

"Reina, I told you it's for alliance purposes," sagot naman ni Sir Hayate.

"Hah! Fine, fine. Pero nasaan na ba si Hiroshi? Sabi ko dapat nandito na 4 PM sharp! Late na siya ng one minute and thirteen seconds!"

Pagkasabi ni Ms. Reina no'n ay may naramdaman akong humawak sa balikat ko pero pagtingin ko ay wala namang tao sa likuran ko. Chills coursed through my body and I became rigid.

M-Minumulto na ba ako?

"Sorry, I'm late," a voice behind me said and when I turned around, Sir Hiroshi was already there. "And sorry I scared you. Well, that's my plan, actually," he said with a subtle smile on his face.

"At anong kalokohan na naman yan, Hiroshi? Ginamit mo na naman ang invisibility fluid mo?" sabay pamaywang ni Ms. Reina.

"I just want to," Sir Hiroshi retorted while adjusting his glasses.

"Enough," awat naman ni Sir Hayate. "Let's go or we'll be late."

"O, sige aalis na kami. Walang gagawa ng kahit anong kalokohan habang wala ako, ha! Ako ang adviser n'yo kaya ako ang mapapagalitan kapag—"

"Yeah, yeah," sabay hawak ni Sir Hayate sa balikat ni Ms. Reina mula sa likuran at inilayo niya siya sa amin.

"You should stop lecturing your students. It's annoying," dagdag pa ni Sir Hiroshi. Magsasalita na ulit sana si Ms. Reina pero hinatak na siya palayo nina Sir Hayate at Sir Hiroshi.

Napangiti na lang ako habang tinitingnan silang naglalakad palayo. Nakakatuwa lang na hanggang ngayon, magkakasama pa rin sila.

"Let's go," sabi naman ni Hiro kaya sumunod kami sa kanya. Sumakay agad kami kay Miyu at na-miss ko talaga siya. Kanina lang ulit namin siya nakita.

"Welcome back, Masters."

"Hello, Miyu," Riye greeted. Sunud-sunod namin siyang binati at after that ay umupo kami sa lapag habang nakakalat ang mga papel na ginamit namin kanina sa may table. Pero sa isang bagay lang ako naka-focus at 'yon ay ang librong nasa gitna ng table—the 'Beyond the Sixth Sense.'

Of course, Hiro won the contest. He answered the questions in five minutes and twelve seconds. Reiji placed second and I was third. Sumunod sina Akane, Ken at Riye. Pero shinare niya rin kaagad ang libro after one day. Simula no'n ay sama-sama na naming finifigure-out kung ang mga nakasulat sa libro.

"Tsk. Bakit ba kasi nakasulat din sa code 'tong book? Ang sakit tuloy sa ulo!" Akane complained.

Yeah. Kaya wala pa kaming progress ay dahil dine-decode pa namin ang buong book. It was written with a different writing system and we have yet to decode the whole system.

Napatingin naman ako kay Hiro at kumuha siya ng isang papel. He wrote the exact writings in the page we were currently looking even though he just glanced at it. His sixth sense was really amazing.

"Maybe this square means space," sabi ni Hiro.

"But nii-san, it was also used here. I don't think it's a space."

"Hmm."

Bigla naman akong napangiti. I was glad that we were solving this together. Sana maging katulad rdn kami ng natitirang members ng Great Seven at nina Ms. Reina na hanggang ngayon, magkakaibigan pa rin. Sa kanila ko lang naramdaman ang pagkakaroon ng kaibigan, though I consider Darwin, too.

"Akemi. Huy. Akemi?" Napatingin naman ako bigla sa gilid ko at sobrang lapit na pala ng mukha ni Akane sa akin

"Ah. H-huh?"

She gave me a suspicious look. "Sinong tinitingnan mo?" bulong niya sa akin sabay tingin kay Hiro.

"Baliw, hindi. Nag-iisip lang ako ng pattern na pwede sa codes na 'to," sabay turo ko sa scratch paper ko.

"Kasi masyado kang tulala. Sige na nga, kunwari maniniwala ako," she said while smiling contemptuously.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa agency at hindi pa rin namin ma-decode ang karamihan ng parts ng book. Grabe. Bakit ba kasi ginawang codes ang contents?

"Hey, it's your turn," sabi ni Hiro sa akin nang papunta na kami sa hallway para makabalik sa loob ng school at inabot niya ang libro.

"Oh. Ako na pala," saka ko naman kinuha sa kanya ang book.

Napagdesisyunan kasi namin na iikot ang libro sa aming anim every week base sa rank namin doon sa contest. Since tapos na si Hiro at Reiji, sa akin muna 'tong libro at ise-share ko sa kanila kapag magkakasama kami, just like what we did a while ago.

"Grabe, ni hindi ko man lang namalayan na Christmas Eve na pala bukas," narinig kong sabi ni Akane kaso hindi ko siya makita.

"Sus, every year mo namang hindi namamalayan—aray!" sigaw ni Ken.

"Hmm, I'm going home tomorrow," rinig ko namang sabi ni Reiji. Saan kaya ang hometown niya?

"M-Me too. Buong clan kasi kaming mag-celebrate ng Christmas, though hindi namin kasama si Ms. Reina ngayon," sabi ni Riye. Oo nga pala, kasama rin sa Shinigami Trackers clan si Ma'am Reina at malayong magkaanak sila ni Riye. Ang saya siguro ng Christmas nila dahil ang dami nila.

"Hoy Hiro, baka tulugan mo na naman ang Christmas ha! Tapos magigising ka, midnight na!" sigaw ni Akane.

Huh? Natulog lang siya?

"Not this time," sabi naman niya. Right. This would be his first Christmas with his Mom.

"Ikaw, nee-chan? Anong plano mo?"

"H-huh? Hindi ko pa alam, eh."

Naghiwa-hiwalay naman kami ng way dahil may kanya-kanya kaming pupuntahan. Magkasama kami ni Hiro dahil pareho kaming papunta sa Teacher's Village. Gusto ko kasing puntahan si Papa at mukhang pupuntahan naman niya ang Mama niya.

"What will you do?" Nagulat naman ako nang biglang nagsalita si Hiro. "Christmas, I mean."

Napangiti naman ako. "I don't know," I said.

Nasanay kasi ako na si Mama . . . I mean, Mama ni Hiro ang kasa ko sa Christmas. Si Papa naman, paniguradong busy pa rin sa aftereffects ng war.

"Ah. It would be your first Christmas with her," sabi ko naman.

"You, too. With your Dad."

"Yeah."

Actually, kanina ko pa iniisip kung anong ginagawa ni Papa kapag Christmas. Nagtatrabaho pa rin ba siya? O natutulog lang din para magpahinga?

"He's always in the forest during Christmas Eve," Hiro said after reading my mind. "He returns at midnight and he'd give me a gift."

"Oh."

So he was always with my mother every Christmas.

Nakakalungkot pero at the same time, nakakatuwa. Sobrang mahal niya talaga si Mama kahit na sobrang daming nangyaring masama sa pagitan nila.

"Anong nireregalo mo kay Papa every Christmas?" tanong ko para magkaroon ako ng idea.

"Neckties. Polo. Tuxedo. Shoes."

Napahinto ako nang marinig ko 'yon. Seryoso ba siya? 'Yon ang mga nireregalo niya?

"Eh si Papa? Anong nireregalo sa'yo?"

"Shirts. Books." Bigla naman siyang napangiti. "And his time."

Napatingin ako sa kanya. I see. Sabagay, sobrang busy ni Papa bilang President kaya malamang ay kaunti lang ang oras na nabibigay niya kay Hiro. I guess that would be the best gift he could receive from him.

That time, nakaisip ako ng pwedeng iregalo kaya na-excite ako.

"Hiro, mauna ka na pala. Pupunta muna ako sa Central Plaza. May bibilhin lang ako!" saka ako tumakbo pero napahinto rin agad ako at humarap sa kanya. "A! Kung magreregalo ka sa Mama mo, I suggest photos, though mukhang imposible na 'yon dahil wala nang time. Mahilig kasi siyang magcollect ng pictures lalo na ng sceneries at mga taong malalapit sa kanya. At samahan mo na rin ng adobo!" sigaw ko at saka ako tuluyang tumakbo.

***


Kahit na Christmas break na ay ang dami pa ring tao sa Central Plaza. I was actually surprised to see the changes in the surroundings. Trees were illuminating in different colors, as if they were Christmas lights. There were lanterns that stayed afloat and snow was falling. It was just holographic snow but it still felt like real one. The temperature was also lower compared to the actual so people were wearing winter clothes.

Naglakad naman ako at naghanap ng pwedeng panregalo sa kanila. It was easy to find gifts for girls but it was so hard for guys. Inabot siguro ako ng isa't kalahating oras bago ko nakumpleto lahat ng reregaluhan ko. After that, I quickly ran back to the dorm.

***


"Hindi ganyan ang amoy ng adobo. May mali, may mali."

"Hoy! May balak ba kayong sunugin 'tong kwarto namin?!"

"Nii-san, walang kamatis 'yon."

"Hmm."

Nabitiwan ko bigla ang hawak kong plastic bag dahil sa nakita ko. Nakapalibot sina Ken, Akane, Riye at Reiji kay Hiro habang nasa kusina sila. Napatingin naman agad sa akin si Akane.

"Akemi! Buti dumating ka na! Turuan mo nga 'tong lalaking 'to at nag-e-experiment 'tong tatlo sa paggawa ng adobo!" saka niya ako hinatak papunta ro'n.

Napakunot agad ang noo ko nang makita ko ang lagay ng kusina. Sobrang kalat at ang daming nagamit na utensils. But what surprised me more was the dish they were cooking. Black na ang kulay at 'yong mga kamatis na lang ang hindi nasusunog, though hindi ko alam kung bakit may kamatis. Pinatay ko kaagad ang kalan at pinigilan ko na lang yag sarili ko sa pagsigaw. Humarap ako sa kanilang lima at pagtingin ko ay ang layo na nila sa akin.

"Sabi ko nga, doon muna kami sa sala," sabi ni Ken at saka sila pumunta sa sala.

Napailing na lang ako sa nangyari sa kusina. Nasanay na kasi akong malinis at organized lagi ang mga gamit dito dahil tinuruan ako ni Mama nang gano'n. Ayaw niya rin na madumi ang kusina.

Niligpit ko na lang ang mga kalat at nilagay ko sa lababo lahat ng ginamit nila. Tinapon ko rin ang niluto nila dahil wala talagang pag-asa. After that, dumiretso na rin ako sa sala at nakita ko silang nag-uusap doon.

"Tsk. Bakit kasi hindi ka marunong magluto? Kababae mong tao . . ." sabi ni Ken kay Akane.

"Pakialam mo ba? Hindi naman lahat ng babae kailangang marunong. At bakit, hindi ba pwedeng magluto ang mga lalaki? Sapakin kita, eh."

Naupo naman ako sa tabi ni Riye at tumingin silang lahat sa akin. Saka ko na-realize ang kanina ko pa dapat itatanong.

"Teka, bakit nga ba nandito kayo sa girl's dorm? 'Di ba bawal kayo rito?" sabay turo ko sa kanilang tatlo.

"Ay naku, Akemi, matagal na nilang ginagawa 'yan, kahit noong mga bata pa kami. Dumadaan sila sa bintana," saka pa umiling-iling si Akane.

Whoa. Simula noong mga bata pa sila? Teka, ibig sabihin, si Akane pa lang mag-isa dati rito sa dorm. Parang nai-imagine ko na kung paano sila umaakyat dati. Maybe they did that to accompany Akane since she was alone.

"Eh kasi 'tong si Hiro, gustong magluto ng adobo para raw sa Mama niya bukas," sabi ni Ken.

"And we don't have things. We also don't know how to cook," dagdag ni Reiji.

"Kaya nandito sila ngayon, nee-chan."

Hindi naman ako nakapag-react agad. So kaya gusto niyang matuto ay dahil gusto niyang lutuan si Mama sa Christmas. Mukhang sinunod niya ang suggestion ko.

"Sorry," biglang sabi ni Hiro.

"Fine. Ako na ang magtuturo pero medyo magulo pa ang kusina. Sinong maglilinis no'n?"

"Sila!"

"S-sila?"

"Them."

"Bakit ako?!"

"Not me."

At nagturuan pa sila. Ano bang gagawin ko sa limang 'to? Okay, I need to calm down.

Bigla naman silang napatingin sa akin at pagkatapos no'n ay agad silang tumayo at dumiretso sa kusina. Naghati-hati sila ng gagawin at nagsimulang maglinis. Okay, anong nangyari?

Habang busy sila ay pumunta muna ako sa kwarto at itinago ang mga pinamili kong regalo. Mamayang madaling araw ko na lang sila babalutin since andito ang ibang reregaluhan ko.

***


"After that, ilagay mo na 'yong baboy, then halu-haluin mo."

"Oh, okay."

"Hanggang sa lumambot."

"Got it."

Nandito kami ngayon ni Hiro sa kusina at sinu-supervise ko ang pagluluto niya. Bale ito na ang magiging ulam namin ngayong gabi at mukhang dito na rin magdi-dinner ang tatlo.

Naglalaro naman ng kung anong board game ang apat sa may sala. Ngayon ko nga lang nakita 'yon kaya hindi ko alam kung ano ang nilalaro nila. Pero parang may pagka-Snakes and Ladders ang dating.

"That's the logic version," sabi ni Hiro kaya napatingin ako. "I mean, that game."

"Paanong logic version?"

"Each box has a logic question that you have to answer within two minutes."

"Ang bilis naman!"

"Of course. That's why it was developed—to enhance their critical thinking under pressure."

Feeling ko hindi ako mananalo kung sakaling ako ang maglalaro no'n. Sobrang nakaka-pressure ang two minutes para sagutan ang isang logic question.

"The answers can vary from positive to negative numbers."

"Wait. So kapag negative, paatras ang galaw nila? So parang 'yon ang Snake."

"Yeah. And when you give a wrong answer, the game piece will stick on that box. You can only move it again after two turns. Ah. And every move, the logic questions will change so that the game is fair."

"Cool," I blurted out. Napatingin naman ako sa kawali. "Pero wait! Tumingin ka lang sa niluluto mo!"

"Ah, sorry."

***


"We won," sabi ni Reiji at nag-apir sila ni Riye.

"Sabi ko kasi sa'yo five ang sagot, eh! Six ka nang six!" sigaw ni Akane sabay hampas kay Ken.

Natapos ang game nila at nanalo sina Reiji at Riye. Tapos na rin kaming magluto ni Hiro kaya naghain na rin kami. For a first timer, ayos ang luto niya. Feeling ko nga mas masarap pa ang luto niya kaysa sa akin noong unang beses din akong nagluto nito.

"Thank you," sabay ngiti ni Hiro. He read my mind. Again.

"Holy shit. Reiji, nakita mo 'yon?" Napatingin naman ako kay Ken at nakatulala siya kay Hiro.

"Yeah. He smiled. Not because of a case," Reiji said.

"Hoy Akane! Hindi mo nakita! Ngumiti si Hiro!"

Pagkasigaw no'n ni Ken ay biglang tumingin sina Akane at Riye kay Hiro. Napatingin din ako kay Hiro at nakita kong kalmado pa rin siya. Pero siguro deep inside nagpapanic na 'yan . . . or not.

"Ang duga! Di ko nakita! Hoy Hiro! Isa pa!" sigaw ni Akane habang nililigpit nila ang board.

"Don't want to," saka tumalikod si Hiro at kumuha ng mga plato.

"I want to see it, too," mahinang sabi ni Riye. "And Kuya Darwin's, too."

Bigla naman akong napalingon. Hindi ko alam kung nag-iimagine lang ako o sinabi talaga 'yon ni Riye.

Mukhang tama nga ang sinabi ni Hiro noong nasa hill kami. Big deal 'to sa kanila at feeling ko aasarin talaga siya ng mga 'to kapag nagsmile siya. But smiling really suits his face.

"Akemi, nakita mo rin?" tanong ni Akane.

"Mmm," tango ko at nagpatuloy ako sa paghahain sa lamesa.

"Maduga! Bakit kaming dalawa lang ni Riye ang 'di nakakita?!"

"Malamang nakatalikod kayo—aray!"

Nagsimula na naman ang away sa pagitan ni Akane at Ken habang sina Riye at Reiji na lang ang nagtulungan sa pagliligpit sa sala.

Sabay-sabay na kaming kumain at ang usapan lang ay ang pagngiti ni Hiro. Hindi ko nga alam kung matatawa ako o maaawa sa kanya dahil habang kumakain ay nakatingin lang 'yong apat sa kanya, hoping na ngumiti siya kahit isang beses lang. Akala ko nga hindi mangyayari pero maski ako nagulat nang bigla na lang siyang tumawa.

He really laughed. Not just a simple smile. Actually, more like a chuckle.

"Fools," he said while shaking his head.

Nabitiwan ni Akane ang kutsara niya habang si Ken ay nabulunan. Si Riye at Reiji naman, nakatulala lang kay Hiro. Feeling ko nga konti na lang, magt-twinkle na ang mga mata ni Riye dahil sa sobrang amazement. Maski ako, natulala rin dahil hindi ako makapaniwalang nakita ko 'yon.

"Hoy Ken, kurutin mo nga ako, feeling ko hallucination lang 'to."

"Baka hindi si Hiro yan?" Ken suddenly gasped. "Hindi kaya hologram lang 'yan?"

Nagkurutan naman sa pisngi ang dalawa at sabay pa silang nag-'aray.'

"My gosh! Totoo nga! Hoy Hiro! 'Yong totoo, anong nangyayari sa'yo? Epekto ba 'yan ng war? Tumama ba ang ulo mo sa kung saan?"

"Ugh. Sumama yata sikmura ko. Ibalik n'yo ang dating Hiro!" sabay sandal ni Ken at para talaga siyang affected na affected.

'I told you they will act like this.'

Napangiti na lang ako nang marinig ko 'yon.

Pagkatapos naming kumain ay agad na umalis ang tatlo at dumaan sila sa bintana pero napasigaw ako nang tumalon lang sila galing doon. Nasa fourth floor ang room namin!

"Ayos ang mga 'yon ah, eat and run!" sabi naman ni Akane.

"Ako na lang ang maghuhugas," sabi ni Riye at saka siya dumiretso sa kitchen.

Pagkatapos no'n ay nag-impake si Riye para sa pag-alis niya bukas at ilang sandali pa ay nakatulog na silang dalawa. Dahan-dahan ko namang kinuha ang mga pinamili ko mula sa closet. Kinakabahan nga ako dahil baka marinig ako ni Akane at magising siya. Dumiretso ako sa sala at napangiti na lang ako dahil ngayon lang ako magreregalo sa mga tao bukod kay Mama dahil hindi rin naman ako uma-attend ng Christmas Party dati.

Chineck ko ang names nina Mama, Papa, Akane, Riye, Hiro, Ken, Reiji, Sir Hayate, Sir Hiroshi, Ma'am Reina, Darwin, Dra. Yuuki at Ma'am Michiko. Madali lang namang ibigay sa kanila ang gifts bukas pero hindi ko alam kung paano ko ibibigay 'yong kay Darwin. Hindi niya naman sinabi kung nasaan siya at wala rin namang way para macontact siya.

Nang matapos ko nang balutin lahat ng gifts, bumalik ulit ako sa kwarto. Dahan-dahan kong binalik ang gifts sa closet ko at dahan-dahan din akong umakyat sa kama. Buti na lang, hindi nagising si Akane at si Riye.

I couldn't wait for tomorrow.

***


"Akemi! Gising na! Aalis na si Riye."

"Mmm . . ."

Naririnig ko naman si Akane pero tinatamad pa akong dumilat at tumayo. Pero dahil sa walang tigil niyang pagyugyog sa akin ay nagising ang diwa ko. Agad-agad naman akong kumilos at naligo.

Christmas Eve na mamaya. Ngayon lang ako na-excite nang ganito sa Christmas.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas kami sa dorm para ihatid si Riye. Nakakatuwa nga dahil nagbabatian lahat ng girls from other families sa hallway ng 'Merry Christmas.' Mas lalo akong natuwa noong nasa labas na kami ng dorm.

It felt like we were in a different country. The ground was covered in white particles that looked like snow and there were still holograms of snowflakes falling.

"Ganito ba lagi rito kapag Christmas?" tanong ko habang nakanganga at nakatingin sa paligid.

"Yeah. Last year, White Christmas rin ang theme. The theme is based on the likes of the board members," sagot naman ni Akane.

"Mm. Akala ko rin nags-snow talaga rito last year, nee-san," sabi naman ni Riye.

Marami ring estudyante ngayon sa campus. Nakakatuwa pa dahil ang mga pre-school students, naglalaro sa labas at minomold nila 'yong snow-like na lupa. Ang cute nilang tignan lalo pa't naka-winter clothes sila.

Naglakad naman kami papunta sa main gate. Ang weird tuloy sa feeling. Nasanay na kasi akong sa hallway dumadaan kapag lalabas kami ng Tantei High dahil hindi nga pwedeng lumabas ang mga estudyante rito pero ngayon ay bukas ang main gate para sa mga magbabakasyong estudyante at para sa parents na pupunta rito para icelebrate ang Christmas kasama ang mga anak nila.

Nang makarating kami sa gate ay humarap sa amin si Riye at ngumiti.

"Merry Christmas!" she beamed as she gave us our gifts. Natuwa naman ako nang ma-receive ko 'yon at sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. First time kong maka-receive ng gift galing sa ibang tao.

"Thanks, Riye! Merry Christmas!" sabi naman ni Akane at nagbigay rin siya ng gift kay Riye. Syempre, binigay ko rin ang akin.

"Here's my gift. Thank you, Riye at Merry Christmas!"

Nagyakapan kaming tatlo at after that ay umalis na si Riye. Naglakad naman kami ni Akane pabalik.

"Yong mga binili mo ba kagabi, gifts 'yon?" tanong ni Akane kaya kinabahan ako. Nakita niya?

"O-oo. Bakit?"

Bigla naman siyang napapadyak. "Tsk! Sayang! Dapat pala tiningnan ko! Nakalimutan kong tignan!"

Nakahinga naman ako nang maluwag nang sinabi niya 'yon. Buti na lang.

"Kaninang madaling-araw ko nga lang binalot ang mga 'yon."

"Ako naman kahapon noong wala pa si Riye. Buti nga at natapos ko bago nambulabog 'yong tatlong asungot."

Natawa naman ako sa sinabi niya at nagkwento na naman siya tungkol kina Ken, Reiji at Hiro. Pagbalik namin sa dorm, agad ding umalis si Akane dahil magkikita raw sila ng Daddy niya sa Central Plaza. Ako naman, kinuha ko ang gift ko kay Darwin at umalis din sa dorm.

I went to the grassland to see Mama and Demi. Habang naglalakad ako sa gubat ay iniisip ko kung paano ko mabibigay kay Darwin ang gift ko. Saka naman biglang sumagi sa isip ko ang time na nasa St. Joseph pa kami. Uma-attend kaya siya ng Christmas party? Hmm, parang hindi rin.

Pero paano ko nga 'to mabibigay sa kanya? Ang hirap naman. Saang lumalop kaya siya ng mundo ngayon?

Nang makarating ako sa may grassland ay napangiti ako dahil ang daming bulaklak na tumutubo sa paligid ng puntod nina Mama at Demi. Umupo naman ako sa harapan nila.

"Merry Christmas, Mama. Merry Christmas, Demi."

Ito ang first Christmas ko na nalaman kong Mama ko si Akemi at fifteenth Christmas na wala siya sa tabi ko. Si Demi, ni hindi man lang nakaabot ng Christmas. Nakakalungkot pero tanggap ko na. Kahit hindi ko sila kasama, pakiramdam ko nasa tabi ko lang sila.

They were dead but their memories would live with me forever. That was all that matter.

"Nandito ka rin pala."

Bigla naman akong napalingon at nakita ko si Papa na palapit dito kaya tumayo agad ako.

"Papa," I called and he hugged me. Pareho kaming naupo sa harapan nina Mama at Demi.

"Merry Christmas," he said while placing white flowers to Demi and green ones to Mama.

"Ang ganda," sabi ko habang nakatitig doon sa green flowers.

"That's her favorite flower. And she likes green," sabay ngiti sa akin ni Papa.

"Saan po 'yan nakikita?"

"East side of the forest. But you shouldn't go there. It's forbidden."

"Pero pumunta kayo . . ."

"Because I can, and because I'm the President. I can break some rules if I want to," sabay ngiti niya at sinabi niya pang secret lang daw namin 'yon. Hindi niya alam na nakapunta na rin ako ro'n.

Tahimik lang kaming nag-stay ro'n at nagdasal rin kami para kina Mama at Demi.

"Do you want to stay with me later?" Nagulat naman ako sa tanong niya at hindi agada ko nakasagot. Bigla naman siyang tumayo kaya napatingin ako sa kanya. "I'll go first. I still have a lot to prepare for tonight."

"Eh? Ano pong meron mamayang gabi?"

"Hindi ba nila sinabi sa'yo?"

Ugh. Lagi naman, eh. It's either nakakalimutan nina Akane at Riye, or sinasadya nila. Umiling na lang ako kay Papa.

"There will be a festival in the campus," he said. "I'll see you there." Nagsimula na siyang maglakad pero napahinto siya at humarap ulit sa akin. "This will be our first Christmas. I want it to be memorable. I promise, I'll make it."

Hinintay ko siyang makalayo bago ako nakahinga. Naiyak ako nang sabihin niya 'yon dahil pareho pala kami ng naiisip. Humarap ako kay Mama at ngumiti.

"He's the best father, right, Mama?" saka ko inayos ang mga bulaklak sa puntod niya.

Napatigil naman ako sa paggalaw nang may maramdaman akong kakaiba. This sensation . . . Napatayo ako at sinummon ko ang bow and arrows ko. The Black Dimension was opening.

I readied myself if ever Shinigamis showed themselves but I lost my balance when something suddenly appeared in front of me.

"Meow."

Hindi ako makagalaw dahil sa pagkabigla. Nag-flashback ang unang beses na ginawa ni Demi 'yon noong nasa base pa ako ng Shinigami. But I realized . . . this wasn't Demi.

A black cat sat on my lap. She also has green eyes, just like Demi.

"Meow."

"S-sino ka?"

She just purred at me but I was surprised when she let go of the device in her mouth. Nakita ko naman na may nakatali sa leeg niya atpagtingin ko, papel na nakarolyo. Kinuha ko kaagad 'yon at binuksan.

Hey, how are you?

Nakilala ko naman agad ang sulat niya at napatingin ako sa pusa.

"Galing 'to kay Darwin?"

"Meow."

Nagulat naman ako nang umalis siya sa lap ko at pumunta sa harap ng puntod ni Demi. Humiga siya ro'n pero nakatingin lang siya sa may puntod. Bigla naman akong kinilabutan. Para talaga silang totoong tao. Ano kayang meron sa mga pusang 'to?

Tiningnan ko naman ulit ang papel.

We're currently in a cold place. Marami na rin kaming nakitang Shinigami rebels at ginagawa namin ang lahat para pagkatiwalaan kami. I'm doing a great job as a future leader, right?

Natawa naman ako after no'n. Kina-career niya talaga ang sinabi niya dati.

Oo nga pala, Merry Christmas. I just realized we didn't attend any Christmas parties when we were in St. Joseph so I didn't have the chance to greet you. Today is the first time.

Ah. So I was right. Hindi nga rin siya pumupunta.

Did you receive my gift? You can use that to communicate with me. Don't worry, that's a special device. It can't be tracked. I hope you enjoy this day with your family and friends.

-Darwin

Pagkatapos kong basahin 'yon ay kinuha ko yung device na kagat ng pusa kanina. It was smaller than the normal cellphone and it has some weird features. Ginamit ko naman agad 'yon at nagsulat ng message.

Merry Christmas rin. Salamat dito. At least makakapag-usap na tayo. And oh, may gift rin ako sa'yo.

Pagkapindot ko ng send ay wala nang lumabas na contacts. So ibig sabihin sa kanya lang talaga mase-send ang messages? Whoa.

The cat approached me and it seemed like she was his messenger. Tinali ko na lang sa katawan niya ang gift ko para hindi malaglag. Nakakatuwa dahil sumakto ang regalo ko kay Darwin na scarf since malamig daw sa place na pinagtutuluyan nila ngayon. Parang kanina iniisip ko pa kung paano ko mapapadala sa kanya 'to, at saktong dumating 'tong pusa.

"Thank you," sabay ngiti ko sa pusa.

"Meow," she replied as the Black Dimension opened and then she disappeared.

Umalis na ako pagkatapos no'n at habang naglalakad ako sa gitna ng gubat ay naalala ko ang tanong kanina ni Papa.

Sa totoo lang, noong una akong pumunta rito sa Tantei High, na-homesick ako. Gustung-gusto kong umuwi no'n pero at the same time, gusto kong mag-stay dahil na-a-amaze ako rito sa school.

I had a lot of memories in my home together with . . . Tita Naomi. Doon ako lumaki at mas masaya ako kapag nasa bahay kaysa nasa school o nasa labas. Mas gusto siyang kasama kaysa sa schoolmates at classmates ko. Kaya noong nalaman kong magta-transfer ako rito ay nalungkot talaga ako. Una, dahil ngayon lang ako papasok sa school na hindi pwedeng lumabas ang mga estudyante. Pangalawa, dahil malalayo ako sa kanya.

Ito rin ang first Christmas ko na hindi kami magce-celebrate ni Mama sa bahay. At aaminin ko, nami-miss ko na talaga ang feeling kapag nasa bahay ako. Gusto ko talagang bumalik. Pero alam kong wala na akong babalikan.

"Oh. Hey."

Nagulat naman ako nang makita ko si Hiro. Naglakad siya papunta sa akin kaya naglakad rin ako.

"Galing ka ulit sa may hill?" tanong ko kaagad. Doon kasi siya galing sa may part na 'yon ng gubat.

"Yeah," sagot niya at saka niya inabot sa akin ang isang photo.

"Wow."

The photo was breathtaking. Ang ganda ng pagkakakuha niya. I could see the entire campus and the effect of the holographic snow, white ground and Christmas trees made it more spectacular.

"Ang ganda," tapos ibinalik ko sa kanya yung picture.

"I'll give it to her."

Nakakatuwa dahil sinunod niya ulit ang payo ko. For sure magugustuhan 'to ni Mama. Ang galing niya pang kumuha ng pictures. Nagulat naman ako nang biglang may nag-flash sa harapan ko.

Pinicture-an niya ako.

"H-hoy, burahin mo 'yan!"

"It turned out great. Don't worry. And I'll also give this to her," saka siya ngumiti.

Pinabayaan ko na lang siya dahil sabi niya ibibigay naman niya kay Mama. Sabay kaming naglakad pabalik sa campus at mas lalong dumami ang mga tao ngayon sa labas ng buildings. Napatingin naman ako kay Hiro at sunud-sunod siyang kumuha ng pictures.

Mukhang gusto niya talagang mapasaya si Mama.

Nakita naman namin sina Ken at Akane sa may quadrangle at nagbabatuhan sila ng "snow." Kumusta na kaya sina Reiji at Riye? Sana maayos silang nakarating sa families nila.

"Ah! Sina Hiro!" sigaw ni Ken at bigla siyang nagbato ng snow rito. Buti na lang at nakailag ako pero natamaan si Hiro sa mukha. Tiningnan niya nang masama si Ken at tinawanan naman siya ni Akane.

"C-chill! Hindi ko sinasadya!"

Bigla namang umupo si Hiro at minold niya rin ang snow at binato niya kay Ken. Natawa naman ako dahil natamaan din si Ken sa mukha pero hindi ako nakaligtas dahil binato rin ako ni Akane. Buti na lang at sa leeg ko lang tumama.

Hanggang sa nagbatuhan na kaming apat at nakisali rin sa amin ang ibang estudyante.

"B-bakit naging ganito?" tanong ni Akane habang nagtatago kami sa 'base.'

"Kayo nagsimula nito," sabi ko naman.

Bigla kasing nagkaroon ng division at naging boys versus girls ang batuhan ng snow. Nagmold kaming girls ng harang at parang naging base namin at ganun din naman ang guys.

Pero nag-enjoy naman kami at pampawala na rin ng stress. Nakakatuwa rin dahil nakisali pati mga pre-school sa pakikipagbatuhan pero natapos rin 'yon agad dahil pinagsabihan kami ng staffs sa Midori Building na itigil daw dahil baka kung anong mangyari kapag nagkainisan kami.

Nagpalipas na lang kami ng oras sa Central Plaza. Kung anu-anong shops ang pinuntahan namin at kung saan-saan din kami kumain. May mga food na ngayon ko lang nakita at natikman. Grabe, pati pagkain, kakaiba rito. Pero masarap.

Inabot kami ng 8 PM sa Plaza at napagdesisyunan na naming bumalik sa may campus dahil sa Christmas festival pero bumalik muna kami sa kanya-kanyang dorm para magpalit dahil sa pawis namin. Ang dami rin kasi naming ginawa kanina.

After kong magpalit, nagulat ako nang biglang yumakap sa akin si Akane mula sa likuran.

"Merry Christmas!" saka niya inabot sa akin ang gift niya. Dahil nasa harapan pa ako ng closet, kinuha ko na rin ang gift ko para sa kanya.

"Merry Christmas din!"

Nagdala na rin kami ng bag at doon namin inilagay ang gifts naming para sa iba. We went out of the dorm and walked toward Midori building. Sinabihan niya rin ako na huwag tumingin dahil for sure ay makikita ko kung anong nangyayari ro'n kaya nakayuko lang ako habang naglalakad. Pagdating namin do'n ay natulala ako at tinawanan naman ako ni Akane.

"Ganyang-ganyan din ang reaction ni Riye last year! Ang cute n'yo!" sabay angkla niya ng braso niya sa akin.

There was a huge bonfire in the middle of the campus and people were dancing around it. But what amazed me was that it was still snowing and since it was just hologram, the snowflakes weren't melting. Ang ganda tuloy tingnan.

May nagkakantahan din ng Christmas songs sa may gilid at swear, 'yon na yata ang pinakamagandang versions ng mga kantang 'yon na napakinggan ko. Ang gaganda ng boses nila!

"That's their sixth sense. They can manipulate their vocal chords to produce the sounds they want," biglang sabi ni Hiro na nasa tabi na pala namin at kasama niya rin si Ken.

Nakakatuwa ring makita ang teachers, staffs at admins na nakikisayaw at nakikitawa sa mga estudyante. Sayang nga lang at wala sina Sir Hayate, Ms. Reina at Sir Hiroshi rito.

Bigla namang may nanghatak kay Hiro na dalawang babae at inaya siyang sumayaw.

"I don't dance—" sabi niya pero wala siyang nagawa at hinatak pa rin siya ng mga estudyante hanggang sa dumami na yung nakapaligid sa kanya.

"Whoo! Lady magnet ba ang sixth sense mo?!" sigaw sa kanya ni Ken at nagtawanan na lang kami nang sinamaan siya ni Hiro ng tingin.

Nagulat naman kami nang may nanghatak din kay Akane pero pinigilan siya ni Ken at nakayakap siya mula sa likuran.

"Whoops! Nauna ako!" sigaw niya saka niya hinatak si Akane malapit sa bonfire. Napangiti naman ako. Ang cute talaga nilang dalawa. Kahit palagi silang nagbabangayan, nakakatuwa pa rin silang makitang ganito.

"Nag-eenjoy ka ba?" Bigla akong napatingin sa likuran ko at napangiti ako nang makita ko siya.

"Mama!" saka ako tumakbo sa kanya at niyakap ko siya. "I mean Mama ni Hiro."

Pareho naman kaming natawa. Hindi pa rin talaga ako sanay.

"Akala ko aayain mo akong umuwi eh," tapos kumindat pa siya sa akin.

"Para saan pa?" tapos binelatan ko siya. "Sunog na ang bahay natin, Mama."

Tumawa naman kami ulit kahit na sayang ang mga gamit naming na nawala dahil sa sunog. Napatingin naman siya kay Hiro na napapalibutan ng mga babae.

"Look at that kid," sabay iling niya. "He doesn't know how to handle girls. Just like his father."

Nagtawanan na lang kami ni Mama at nagkwento siya about kay Mitsuo. Nakita rin namin si Papa na papalapit sa amin kaya sinabi niya sa akin na tanging ang mga babae lang daw ng Great Seven ang may lakas ng loob na lumapit kay Papa noong mga bata pa sila. Hindi raw kasi ngumingiti si Papa dati, not until noong nakilala niya si Mama—I mean si Akemi.

"What lies are you telling her, Nathalie?" bungad ni Papa sa amin.

"Just truths," sagot naman niya. "I'm sure Rielle would agree."

Nagsimula naman silang mag-usap tungkol sa pagkabata nila at ngayon ko lang sila nakitang ganito. Siguro sobrang komportable nila sa isa't isa kaya napapakita nila ang totoong sarili nila.

"Excuse me, totoo kaya 'yon!"

Nagulat naman ako nang biglang nag-appear si Ma'am Michiko sa gilid.

"Right?" Tita Naomi retorted. "I still don't know what Rielle saw in him."

"Feeling ko ginayuma siya ni Hideo."

Nakakatuwa silang tatlong tingnan. Para lang rin silang teenagers kung kumilos. Pero nakakalungkot rin. Siguro mas magandang tingnan kung pito silang nag-aasaran, pero ngayon, tatlo na lang sila.

"Ouch. Tsk," someone muttered.

Napatingin naman ako sa likuran at nakita ko si Hiro. Natawa ako sa itsura niya dahil halatang pinagkaguluhan siya.

"Anong nangyari sa 'yo?"

"Tinapakan nila paa ko."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa ako. Mukha talaga siyang kawawa. Binuksan ko naman ang bag ko at binigay ko sa kanya ang gift ko.

"Merry Christmas," I greeted and gave him his gift. May kinuha rin siya sa bag niya at binigay niya sa akin.

"Merry Christmas," he greeted back and smiled.

Tiningnan ko naman ang regalo niya. It was a small photobook. When I browsed the pictures, I looked at him with a puzzled expression on my face. How did that happen?

"Teka . . . kanina . . ."

"Yeah."

Inside it were pictures of what happened earlier. Nandoon din ang litrato ko na kinuha niya kanina noong nasa gubat kami. Pati 'yong nagbabatuhan kami ng snowballs. As well as when they were in the dorm and playing games. Meron din noong tinuturuan ko siyang magluto at ang shocked expressions nina Ken at Akane noong ngumiti siya. Hindi ko talaga alam kung paano niya 'yon nagawa pero sobrang nakakamangha.

"Thank you!" I said and he smiled in return.

Binuksan niya rin ang gift ko at tumambad sa kanya ang isang bracelet. Actually, bracelet 'yon na binigay sa akin ni Mama. Parang panlalaki kasi sa feeling kaya hindi ko sinusuot. Pero ngayon, I think para kay Hiro talaga 'yon kaya 'yon na lang ang niregalo ko sa kanya.

"Thanks."

"You're welcome."

Bigla naman siyang tumingin sa akin at sumeryoso yung expression niya.

"Are you you going to stay here?"

Nginitian ko na lang siya at tumingin ako kina Papa, Mama at Ma'am Michiko. Tiningnan ko rin sina Akane at Ken habang sumasayaw at nagbabangayan sila.

I was once a normal person but everything changed when I received a letter from a certain school called Tantei High. I suddenly discovered I wasn't a normal person. That I didn't belong with the humdrums.

I'm a Senshin and I am proud to be one.

I learned a lot of things after coming here. Especially my being. I was hunted by Shinigamis without knowing why. I saw Darwin again and learned that he was a Shinigami but that didn't stop us from being friends. I also became friends with my family members and they helped me a lot. I'd treasure them for the rest of my life.

And then . . . I learned about my parents. They had sacrificed a lot for me to be here and I would be forever grateful for them.

Here, I knew what I was capable of.

Here, I learned about myself.

Here, I was able to be myself.

Tiningnan ko ulit si Hiro at nakangiti na siya sa akin. He must have read my mind.

"Let's dance?" he asked while looking at my eyes.

"Sure. Pero hindi rin ako marunong sumayaw—"

"Basta huwag mong aapakan ang paa ko."

Napangiti naman ako sa kondisyon niya at kinuha ko na lang ang kamay niya. We went near the bonfire and started dancing.

Would I stay?

Of course. The people I love were all here. And besides, Tantei High is my new home.

I'll stay, because I'm already home.


--- E N D ---

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 376K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
17.5M 655K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
Card High By ain 𓆩♡𓆪

Mystery / Thriller

416K 661 1
EDITING ------------------------- Game of Cards (Book 2)
5.4M 165K 39
Maria Sigrid Ibarra has exceptional memory. She's already an achiever at such a young age, which is why she's sent to study at a prestigious Atlas U...