What happened to us? Season 1

By zedxxx

27.5K 716 382

Season 1: What happened to us? Corr's POV "What happened to us Corr? It wasn't perfect but we we're so happy... More

Season 1: What happened to us? (A Cheater VS Man-hater After Story)
1 - Tagos hanggang buto at nataga ko na matagal sa bato.
2 - Malungkot kasi... Fucking shit si Presbi.
3 - You're so red, babe
4 - Imperfect
5 - I'm not gonna break like what you're thinking.
6 - Okay. Medyo mixed feelings ako sa pagabot niya ng five hundred ha.
7 - Maliban sa iniisip kong tunog bading na siya eh para na siyang timang.
8 - And I don't know why but he should look like a trash with his messy hair...
9 - He likes me a lot that he think it's love.
10 - Sobrang gising yung diwa mo at parang pagod ka na hindi?
TEASER - 11 - Masyado kang careless! I TOLD YOU A MILLION TIMES...
12 - We're gonna talk something you don't like.
13 - As if I promised him the world but I gave him a peanut.
14 - Don't even go there Corpuz! You. Are. Freaking. Flirting. With. Me.
15 - I'll honestly bow down to his protectiveness...
16 - Her side of backstory: Flight instead of fight.
17 - How can you just get up after everything? Pagkatapos ng lahat ng sakit?
18 - Yung babaeng mukhang palitaw na pinagpalit niya kay Corr.
19 - Sht! I'm so dead! He called me Pocholo! Shettt!
20 - Presbi Fucking Corpuz
TEASER - Chapter Twenty One
21 - And that's when I noticed I'm not drunk anymore.
22 - CAPITAL F. FINALLY.
23 - Ba't ba uso yung ganitong love story? Right person but wrong timing
24 - CC: Sprite - WHERE THE HELL ARE YOU?!
25 - My vulnerable Presbi...
26 - Sentimental Presbi is the sweetest
27 - Louise
28 - Joey
29 - Presbi Corpuz
30 - For a second I panicked
31 - Kung di lang talaga kita mahal.
32 - *cough**cough*
33 - Proposal?
34 - No doubt.
35 - Inseparable
36 - Sorry? May nagagawa ba yung sorry mo?
37 - I'm broken, do you hear me?
38 - Happiness, guilt, love and everything in between
39 - Birthdays
40 - Untitled
Epilogue
What happened to her? Season 2
What happened to her? (What happened to us Season 2)

11 - Author's POV | In short, tapang tapangan ang peg.

665 14 9
By zedxxx

11 - Author's POV | In short, tapang tapangan ang peg.

 Welcome new readers! :)

ZEDXXX’S POV Naku ha. Napapadalas ang POV ng ibang chuchu. Dapat si Corr lang ‘to eh. Para medyo pamystery effect. LOL. Pero dahil sabog si Corr at wala sa sarili ako muna. :> Anyhoo, alam kong gustong gusto niyo na malaman ano ba talaga ang nangyari kung bakit sila nag break ni Corr, bakit siya iniwan ni Presbi bigla sa ere or bakit di siya nagparamdam… AND WHAT HAPPENED TO THEM. (Yes, masingit lang! Haha)

Alam ko and I’m so sorry if nacoconfuse pa kayo… Pero like I said sa una pa lang, Maglalaro sa present and past yung WHTU, kaya ayun… medyo hindi ko ibibigay ng sunod sunod yung mga nangyari sa past. Bits by bits para pasuspense. Lol. Basta. Edi pag binigay ko na tapos na agad di ba! HAHAHA. Enjoy niyo lang muna yung mga chapters :) Maiintindihan niyo din, sa mga susunod na Update ;) Pero pag sobrang gulo na like super super gulo na talaga sabihin niyo lang, confuse pa lang naman kayo di ba? So… tuloy na tayo? HAHA. Dami kong alam, seryoso. HAHAHA.

Ok ok. Ako na talaga. Actually kaya ako ang magpPOV kasi nandito si Pochi. :> Wala eps lang. HAHAHA. Hindi seryoso, kaya ako yung nagPOV para medyo gumaan yung WHTU. Ang bigat pag si Corr ang POV eh. Lol. Ang drama lagi ni ateng.

Teka. Quota na quota ha! Third update in a row! Woo.

**

So… 6:18 PM na at on the way na sila Corr, Kyle and Pochi sa Universal for their meeting. Kasamang umuwi ni Kyle si Pochi sa condo niya, galing din kasing school yung isa, kaya ayun sabi ni Kyle sabay sabay na.

“Psst.” Bulong ni Pochi sabay tapik ng palihim kay Kyle, kahit na hindi naman talaga palihim. -_-  Kita kayo ni Corr mga ungas.

Nasa likod siya nakaupo, while si Corr naman ang nasa harap. Hindi na siya mapakali, simula kasi ng dumating sila ni Kyle sa condo eh wala ng imik si Corr at para bang tulala na wala sa sarili. Hindi naman sa bago sa kanya yung mga ganitong pangyayari, yung tahimik at tulala si Corr. Sa sobrang pagkaemo nitong babaeng ‘to ay medyo nasasanay na silang banda pag may moments siyang ganito. Okay okay. Hindi siya emo, basta madami lang siguro kaemo-emo na nangyari sa buhay niya.

“Let her be.” Bulong ni Kyle kay Pochi na kanina pa nakaforward sa upuan.

Kahit si Kyle ay hindi na rin mapigilan yung pagkawala sa mood. He doesn’t have any idea kung bakit ganito bigla si Corr. Kanina lang eh magkatext pa sila. Nagiinisan at nagpabili pa siya ng Bannoffee pie na hindi naman niya kinain.

Lagay mo na lang sa ref. Baka malate na tayo. That’s what she said.

Kahit na nagaalala na siya and all, he didn’t push anymore. If she doesn’t want to tell him what’s up, he’s not going to force it out. He knows Corr, magsasalita din yan pag di na niya kaya.

Pero dun siya nagaalala, yung masyadong strong personality ni Corr. Yung tipong, I can handle this shit, chill lang kayo. The problem is, hindi naman niya talaga kaya. She’s fragile… we know it and she knows it too, but she’s trying too hard to be tough. Pero hindi talaga.

 In short, tapang tapangan ang peg.

Quarter to seven na nang magpark si Kyle sa harap ng Universal. Lalabas na sana sila ni Pochi nang biglang nagsalita si Corr… after that awkward drive.

“Guys… I’m sorry in advance.” She said, without even facing them.

“Para san?” Pochi asked as he lean forward.

“Basta.” Yun lang ang sabi niya sabay labas.

See? Still trying to look tough. Kyle thought.

**

 

Pagdating na pagdating nung tatlo sa conference room ay biglang natahimik yung mga taong nasa loob. Nandun na sila Lem and Francis, katabi nila Glenda, ng ibang producer pati mga PA ng Crescendo.

“Okay, we’re complete. Magstart na tayo.” Yun lang ang sinabi ni Glenda, wala man lang greetings o ano.

Umupo na lang ang tatlo, habang nagtanguan sila Pochi, Kyle, Lem and Francis. At ayun si Corr, Nakatulala lang sa projector screen. She’s expecting the worst. Nagiintay na lang siya sa pagsisigaw ni Glenda na naman or anong consequences na naman nitong kalokohang napasukan niya.

Fuck Fashion Pulis. Masyadong feeling Hollywood. She thought.

Wala ng paligoy ligoy si Glenda at agad finlash yung latest at hottest issue ng FP.

FASHION PULIS

[BREAKING] Crescendo’s Corr & Kyle. Spent the night together? What’s their real status?

 

Agad natigilan ang mga tao sa loob ng conference room, pati si Kyle na walang malay sa issue ay natulala na lang sa screen. Si Corr lang yata yung parang expected ang nakikita sa screen, yung mga kabanda niya ayun, nanlalaki ang mata.

“So?...” Tanong ni Glenda na parang nanay na nagiintay ng paliwanag sa anak niyang umuwi ng lagpas sa curfew.

“Wait… Kayo ‘to?” Tanong ni Pochi na napatayo pa sa gulat at hindi makamoveon sa nakikita.

Kaya ayun, nagscroll down pa si Glenda, para ipakita yung picture nilang dalawa with the Miriam student, pero bago pa makapagsalita si Glenda eh isang picture lang naman ang ikina-wild pa lalo nila Pochi.

“HOLY CRAP. NAGKISS KAYO?!” Syempre, ano pa ba mapapansin nila edi ayun.

“NO SHIT KYLE! Seryoso?! Ano ‘to! Incest ‘to dude!” Panggagatong ni Lem na tumatawa pa sa namumulang si Kyle.

“Teka teka. Kelan pa naging kayo?” Tanong ni Francis ng seryoso.

“Sinagot ka na ni Corr?!” Patuloy na kantyaw ni Lem.

“Gago! Friendzone ‘tong si Kyle kaya! Hindi sasagutin yan ni Corr! HAHAHAHA.”

Panay ang kantyawan nila, ni hindi nila pinansin yung masasamang tingin nila Glenda at ng iba pang producers sa loob ng conference room.

Hindi pa ko sinasagot ni Corr.” Yun lang ang sabi ni Kyle, na halos magkulay strawberry na.

Dahil panay ang tuksuhan nila ay hindi nila napansin na nakakunot na yung noo ni Corr. All this time she’s expecting na papagalitan sila ng mga producers, but by the looks of it…

“It’s all a misunderstanding.” Sabi ni Corr na nagpatahimik sa mga kabanda niya. “Wala lang yan and we’re not kissing. Inabot lang niya yung phone ko sa loob—” But as always, walang pakialam si Glenda.

“Well… Wala namang paki ang public sa totoong nangyari. There’s no such thing as bad publicity.” Ayan. Kumuquote na naman si bagyong Glenda. Leche. HAHAHA. “Ang mahalaga ay naging trending topic kayo dito. Napagusapan, pinagkaguluhan at kung ano pa! Madaming nagsipag tawagan samin na TV producers for interviews and all... AND! as of this moment… Tumataas ang market value ng Crescendo.”

Wala ng nagawa si Corr kundi sumuko, at sumandal sa upuan niya. Ayan na naman si Glenda. Ang bitchy nilang manager. No wonder bakit nagsisipagbitawan sa contract yung mga naunang hinawakan niya.

Malaking leche ‘tong babaeng ‘to.

 

Kahit na nagcecelebrate at nagpapalakpakan ang mga tao dahil sa mga good news ni Glenda caused by the supposed to be bad publicity ay hindi rin makangiti si Kyle kasi kitang kita niya kung pano magmukmok si Corr sa gilid.

Sobrang ayaw ba niya sakin? He thought.

“Oh.. Going back going back.” Sabi ni Glenda habang pinapatahimik yung mga kabanda ni Corr. “Of course, hindi naman tayo papayag na wala tayong gagawin regarding this issue. Kahit na more on positive ang nangyari sa company dahil dito, medyo nakabawas ‘to sa clean record mo Socorro.” She sarcastically said.

Blahblahblah. Shut up. Corr thought.

“Glenda…” Kyle warned. Kung meron mang hindi natatakot kay Glenda or kaya siyang tapatan, si Kyle yun. Ba’t naman siya matatakot? After all he’s Prince Kyle Elizalde.

“So… As I was saying… Hindi maganda ‘to sa image ng Corr natin… Maraming nagsasabi din na hindi magandang tignan na nagspend si Corr ng gabi kila Kyle at kahit na kinilig ang fans nyo sa damit ni Kyle na suot suot mo, ay marami paring na-off dito.”

“And eto na ang napagagreehan naming board sa statement na ilalabas natin for interviews. Damage control.

As always. Corr thought, trying her best not to roll her eyes.

“Sasabihin natin na galing kayo sa party ni Kyle pareho… Yun naman ang totoo. Pero hindi lang kayong dalawa ang nandun, syempre with friends and your brother, Corr. Kasama ang kambal mo—”

“What?! No way!” Sa banggit pa lang ng salitang kambal ay napatayo na si Corr sa upuan niya. Simple man or komplikado yung issue, ayaw na ayaw niyang nadadawait ang kahit sino na kaibigan, kapamilya niya. Yung tipong magnname drop na naman sila ng pribadong tao sa issue. Lalong lalo na si Steve pa. “No way. Iba na lang—’

“Pwedeng patapusin muna?” Pagtataray ni Glenda.

“No way. Kung ano man yan, I want my twin out of it. The last time na dinamay niyo siya, pati siya nawalan na ng privacy. Hayaan niyo yung tao, for Pete’s sake hindi dapat siya nadadamay dito—” Dirediretsong sabi ni Corr na ikinainit na din ng ulo ni Glenda, alam niyang matigas ang ulo ni Corr. Pero hindi pwedeng gaganito siya, lalo na’t nasa harap sila ng ibang producers.

“May I remind you Benitez.” Ayan, she’s using her surname na. Galit na ‘to! “It’s not my fault… nor the board’s fault… nor your band’s fault kung bakit natin ginagawa ‘to. It’s yours! Ikaw ang may kasalanan. Masyado kang careless! I TOLD YOU A MILLION TIMES DI BA. You’re a public figure and you need to take care of yourself. Maraming mata sa paligid at lahat sila naghihintay lang ng palpak mo. Di ba? Hindi ako nagkulang ng paalala. If you just—”

“Tama na Glenda!” Awat ni Kyle ng makita niyang nanginginig na ang mga kamay ni Corr sa galit. “You don’t have to say those things. Hindi naman makakatulong yang sinasabi mo sa nangyayari ngayon. Magkakasamaan pa kayo ng loob.”

Umirap lang si Glenda, at inalis ang tingin kay Corr. “As I was saying… ang ilalabas na statement natin ay galing kayong party ni Corr, Kyle, kasama yung kambal ni Corr, so basically kasama rin siya sa sleepover na nangyari. Alam naman ng mga tao na close din kayo ni Steve, Kyle. Used to go to the same school and all at hindi naman bebenta kung sabihin nating isa sa mga kabanda mo yung kasama niyo. Besides, alam ng mga tao kung gano kaprotective ang kambal nito sa kaniya.” Sabi niya at pinasadahan pa ng tingin si Corr.

“So yun nga, pareho kayo ng Kuya mo Corr na nagovernight sa bahay ni Kyle, dahil nagafter party pa kayo near Katipunan. Simple di ba? Sabihin niyo na lang na nagpaiwan ang Kuya niyo sa condo or kung ano man, nasa script na ang lahat. Ang importante, idiin niyong nandun si Steve at hindi lang kayong dalawa. ” She said habang tinitignan silang dalawa ni Kyle.

“So… nandun pa din yung iisipin ng tao na kayo nga, pero wala padin tayong icoconfirm na kahit ano. Close friends padin. Para mas lalo silang mafrustrate at macurious…”

Bullshit. This is bullshit. Corr thought.

“Nandyan sa script yung buong detail. Please take note of each word.” Inabot ng mga PA yung script na sasabihin nila sa mga interviews na darating. “Word by word. Please lang. Can we have a free from any issues or chismis month so that we can prepare for your 3rd album?...” Sabi niya ng nakangiti.

Kung bitchy si Glenda madalas… 20%... ay no. 10% of the time, good vibes naman yan.

 “...and concert?” Dagdag niya sabay ang paglaglag ng mga panga ng buong banda.

“No way…” – Pochi

“Seryoso…” – Lem

“Weh…” – Francis

“For real, Glen?” Kyle asked. Ayan bati na sila ulit lahat, gumiGlen si Kyle eh. HAHAHA.

“Yes. Pumayag sila sa proposal mo Kyle.” She said while eyeing Corr. “They liked the idea na irelease ang 3rd album on Corr’s birthday month. Pati yung first concert niyo.” She winked.

“Shit, Glen. Thank you!!!” Sigaw ni Kyle sabay takbo kay Glenda para yakapin ‘to.

Hindi naman halatang deds na deds si Kyle ‘no?

Sa Birthday ba niya tinapat? Hindi naman di ba?

Flashback…

(continuation of Chapter 7’s First Flashback)

 “Oi ha! Wag mo kong dinadaan sa pagbbaby mo at pagddrama!” Sabi ni Corr sabay tawa. “Kilala na kita Presbi. Don’t go banker on me. Alam kong marami kayong pera at hindi nyo na alam kung san ‘to gagamitin. But not my birthday okay? Sobra na yun. At isa pa! Sobrang dami mo na kayang binigay sakin—“

“Anong binigay? Ni-wala pa ngang—”

“Presbi… Punong puno na ng Balenciaga, Mulberry, LV at Chanel yung kwarto ko. Isama mo pa yung mga Tiffany na binigay mo. Alin ang wala don?” Sabi niya habang pinandilataan siya. “Sobra sobra na yun. At quota ka na para pa sa mga susunod na dekadang birthday ko.” Corr smirked.

“Alam mo. Ang cute mo.”

“I know.” :P

“At dahil cute ka…” Pabitin pa si Presbi, as he pulls something from his back pocket. “Oh. Look what we have here.” He playfully said.

“No way…” Gulat na gulat na sabi ni Corr habang nakatitig sa VIP tickets na hawak ni Presbi.

“VIP tix for The Script, so… pwede na ba ‘tong seventeenth birthday gift babe?”

“Oh my god… Presbi… Dalawa? Holy… shit… You’re coming with me?!” Hindi pa rin makapaniwala si Corr sa nakikita niya at sa sinabi ng boyfriend nito.

“Oo naman. Bakit? Ayaw mo kong ka-date?” Nagkukunwaring pagtatampo pa ni Pres.

“No. No. I mean… I know you don’t dig this… band thing. But… Shit, Pres. You’re the best!” Sabi niya sabay yakap kay Presbi.

“User ka talaga.” He kidded before kissing her temples.

 **

“Sobrang wide-eyed mo lang the whole time!” Pangiinis ni Presbi.

“I hate you! You didn’t tell me na may backstage pass pa! Sobrang nagulat ako! Natulala na lang ako the whole time! Iniisip siguro ni Danny na baliw ako.” She pouted.

“Tss. Danny? The guy was staring at you the whole time.” Biglang nagbago ang tono ni Presbi ng sabihin ito. “Kung wala lang siyang bodyguards, nasuntok ko na siya—”

“HEP HEP! Birthday ko! No to violence!” Awat ni Corr.

“Corr…” He sighed bago akbayan ang girlfriend niya. “Kung di lang talaga kita mahal.

“Hehehe.”

Sobrang good mood si Corr habang palabas sila ng concert venue ni Presbi. She knows na hindi trip ni Presbi yung mga ganito, yung mga banda banda. Pero dahil syempre girlfriend niya siya, malamang no choice si Kuya. HAHAHA.

Medyo umuulan paglabas nila ng venue, kaya nagpaalam si Presbi na siya na lang ang pupunta sa open parking, para di siya maulanan.

“Sandali lang ako, Corr. Dito ka lang, malapit sa guard. Tumawag ka agad if you feel uncomfortable okay?” He said, before he left.

“Tss. OA talaga ni daddy.” Bulong ni Corr.

A few minutes after her boyfriend left, of course super cliché na lumabas ni Kyle, with the rest of his bandmates from the sliding doors ng venue.

“Yo princess Corr!” Pochi called kaya agad napatingin si Corr sa kanila.

“Uy!” She greeted with a wave.

Medyo awkward pa rin si Corr around her bandmates. Mas matagal na kasi silang magkakasama with their old vocalist, they all came from the same exclusive for boys school. Si Kyle lang ang medyo nakakausap niya talaga.

Aside from that, lagi pa nila siyang iniinis na Princess. Siya lang kasi yung babae sa banda, so siya daw yung prinsesa.

Kung di lang niya alam eh, kaya princess kasi Prince Kyle ang pangalan ni Kyle. HAHAHA.

 And obvious ba? all boys sila. Edi super awkward nga.

“Kaya ka pala nagdecline ha! May date ka ‘no!” Pangiinis ni Pochi. Maliban kay Kyle, si Pochi na siguro yung susunod na malapit sa kaniya. Actually hindi sila close, feeling close lang talaga si Pochi. “Lagi mo kaming iniiwan sa ere princess.” He finished with a pout.

“Uy grabe, Pocholo. Nagsabi kaya ako na hindi talaga ako makakasama kasi nga—”

“Hey young lady. I told you to call me Pochi. Ilang beses ko ba yun sasabihin?” Pagkukunwaring masungit ni Pochi.

“Oi, Pochi. Tantanan mo nga yang si Corr.” Awat ni Kyle sa kaibigan.

“Ayan na si knight in shining armor— ARAY!” He hissed ng sikuhin siya ni Lem.

“Wag ka nga dyan, pre. Nasisira diskarte ni Kyle.” Bulong ni Lem.

“Ang galing nila ‘no?” Kyle started sabay lapit ng konti kay Corr.

“Oo nga eh! Grabe! I almost cried when he started singing…

The Man Who Can't Be Moved.” They both said.

“Shit. Di ba!! Di ba!” Excited na excited na sinabi ni Corr. Lumapit pa siya at pinanggigilan si Kyle habang inaalog alog siya.

Of course, I saw you. Kyle thought.  But you’re with him.

“Then alam mo ba—”

*BEEP BEEP!!!*

Natigilan sila ng may bumusina sa harap nila, huminto ang isang silver na chedeng.

Kahit na hindi pa nakakababa ng tuluyan yung driver nito, alam na agad nila kung sino ‘to.

Presbi pressed the hazard before opening his door.

Wala na siyang balak bumaba pa, pero nakita niya kasi sila Kyle.

Si Kyle... Ayan nagiinit na naman yung ulo niya.

Eto na naman si Epal. He thought.

“Oops.” Bulong ni Pochi, at agad nilapitan ang kabanda. Medyo lumayo kasi silang tatlo sa kanila ni Corr, para may privacy. HAHAHA.

“Babe.” He said.

“Sila Kyle nandito din oh.” She told her boyfriend na agad siyang hinawakan sa bewang at hinalikan pa siya sa gilid ng ulo niya.

SHE’S MINE. He thought while eyeing Kyle.

She’s mine - na nakalagay sa malaking tarp, in bold letters. Yun na lang ang kulang, para isampal pa niya sa mukha ni Kyle na wag na siyang magtangka at may boyfriend na si Corr.

At si Presbi yun.

 

Walang sinabi si Presbi kila Kyle, as always nagtanguan lang sila. Yun lang.

Sobrang awkward.

“Ah… Sige una na kami ha.” Sabi ni Corr na medyo naawkward sa titigan na nangyayari sa kanila.

Nagbbye na sila sa isa’t isa, of course except Presbi na tumango lang.

Naunang sumakay ng kotse si Corr na pinagbuksan ni Presbi, kumaway pa siya sa kanila bago siya tuluyang sumakay ng kotse.

Nang umikot papuntang driver seat si Presbi, nagtagpo yung tingin nila ni Kyle …

Of course, like an ass…

He smirked at Kyle.

 

That guy… They both thought.

Continue Reading

You'll Also Like

858K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...