Thanks For The Memories (Comp...

By MsLonelyGurL

54K 1.5K 483

Ano gagawin mo kapag naging tatlo ang taong mahal mo? Masasabi mo ba na LOVE talaga ang nararamdaman mo o gag... More

Thanks For The Memories - Prologue (REVISED)
Chapter 1 - Special Day - UPDATED (6/29/14)
Chapter 2 - After Graduation - UPDATED (6/29/14)
Chapter 3 - Pretending to be okay - UPDATED (6/29/14)
Chapter 4 - Love at First Sight??? (UPDATED - 7/23/14)
Chapter 5 - Kaasar tong araw na to!!!!! (UPDATED - 08/11/14)
Chapter 6 - Its nice to be back - UPDATED (09/11/14)
Chapter 7 - Confession
Chapter 8 - Confession Part 2 / Confession of a Teenstar
Chapter 9 - First Day Of Classes
Chapter 10 - I'll be there
Chapter 11 - Bonding with the Teen Star (Part 1)
Chapter 12 - Bonding with the Teen Star (Part 2)
Chapter 13 - Is it real or just another CRUSH?ll
Chapter 14 - Concern ( Part 1 )
Chapter 15 - Concern ( Part 2 )
Chapter 16 - Let the Pain Remain
Chapter 17 - Kung Ako Na Lang Sana
Chapter 18 - Argument
Chapter 19 - Namimiss Kita
Chapter 20 - Unexpected Call
Chapter 21 - Coming Home
Chapter 22 - Letter
Chapter 23 - Call Of Attention
Chapter 24 - After heartbreak
Chapter 25 - Stay Calm!
Chapter 27 - Review Session 101
Chapter 28 - Prepared
Chapter 29 - Pass or Fail
Chapter 30 - Secret Conversation Part 1
Chapter 30 - Secret Conversation Part 2
Chapter 31 - Important Announcement
Chapter 32 - His Secret Identity Part 1
Chapter 32 - His Secret Identity Part 2
Chapter 33 - Don't Go, Please?
Chapter 34 - Decision
Chapter 35 - Surprise
Chapter 36 - Jealousy!
Chapter 37 - Everywhere
Chapter 38 - Plan
Chapter 39 - Moment of Truth Part 1
Chapter 39 - Moment of Truth Part 2
Chapter 40 - What the f*ck!
Chapter 41 - Hugs & Kisses
Chapter 42 [Special Chapter 1] - Hidden Feelings
Chapter 43 [Special Chapter 2] - Sweet Revenge
Chapter 44 [Special Chapter 3] - Farewell
Chapter 45 - Two Boys
Chapter 46 - Transferees
Chapter 47 - Trust
Chapter 48 - First Move
Chapter 49 - Scene
Chapter 50 - Talk of Responsibilities
Chapter 51 - Unexpected Incident
Chapter 52 - Untitled
Chapter 53 - Untitled.1
Chapter 54 - Untitled.2
Chapter 55 - Who's the Secret Agent?
Chapter 56 - Final Chapter of Book 1
Thanks For The Memories - Epilogue
Final AUTHOR'S NOTE - EDITED!!!
Announcement!!
TFTM: Special Chapter

Chapter 26 - Books

640 23 1
By MsLonelyGurL

***Thanks sa nagbigay ng idea sa akin :') Thanks din sa pagfan.

***Eto na kadugtong ng resulta ng demands ko sa Chapter 24 :')

Enjoy Reading Guys :')

**************************

" Books "

- Shayne's POV -

Tinignan ko ang wrist watch ko.

" 5pm na. . " Bulong ko.

Nakasuot ako ng white blouse, blue shorts with matching pig tail at kinulot ko pa ang buhok ko. Nilagay ko ang mga gamit para sa review sa isang paper bag na ang design ay mga teddy bear. Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba ng hagdan. Agad ko naman nakita si Mama na kasalukuyang nasa kusina at inihahanda ang hapunan. Agad ko namang nilapitan si Mama para magpaalam.

" Ma, pupunta muna ako sa bahay ng kaklase ko. Sa Korte Rosario lang po. Baka po gabihin ako ng uwi. "

" Bakit? Anong gagawin mo don?? "

" Magrereview po para sa qualifying exam sa Sabado po. Eto nga po yung mga gagamitin sa review mamaya eh. " Sabay taas ng paper bag.

" Ok. Ingat ka ha? Text ka na lang sakin kapag uuwi ka na. "

" Sige po. " Hinalikan ko si Mama sa pisngi at saka naglakad palabas ng bahay.

*beep.beep*

" Ay, Palaka ! " Sigaw ko habang nagsasara ng gate.

Napaharap ako bigla sa kinaroroonan ng sasakyan. Bumukas ang window ng sasakyan sa bandang passenger's seat. Bumulaga sa akin ang mukha ni Nicko.

Paano naman niya nalaman kung saan ako nakatira eh nung huli ko siya nakasama 2 months ago, inihatid niya lang ako sa kanto. Hindi naman kaya?? (-_-")

" Oh hi, Shayne? Nabigla ka ba sa pagdating ko?"

" Hindi ba halata? Ano ba ipinunta mo dito?? " Pagtatanong ko.

Matagal siya bago sumagot. Huminga muna siya ng malalim at tinititigan niya ako sa aking mga mata.

" Yayayain kita sana kita na magdinner this night kaso mukhang may lakad ka. "

Nahulaan niya malamang na may lakad ako this night. Paano ko nga ba ipapaalam sa kanya na may pupuntahan ako na hindi siya madidismaya?

Hmmm. . .

" Pero Nicko, may pupuntahan ako this night . " Pagpapaliwanag ko. Sana hindi siya magtampo sakin >.<

" Ok. I understand. Nabalitaan ko kasi kay Alwy at Kiro na this Saturday na raw yung Qualifying Exam niyo. Actually, pumunta lang ako talaga dito para makita at makamusta. Mukhang okay ka lang naman at walang pinoproblema. Ahm, saan ba yung lakad mo? Ihahatid na kita. "

Salamat, Lord ! \(*o*)/ Hindi siya nagtampo sa akin. Mabuti na lang !

" Sa Korte Rosario St. Sa may park banda dun. Doon ang punta ko ngayon. " After kong sabihin yan ay agad siyang bumaba ng sasakyan. Pumunta siya kabilang side para pagbuksan ako ng pinto.

" Kahit kelan talaga napakagentleman mo. " Bulong ko. Napatingin ako sa kanya at binigyan niya ako ng isang ngiti. Pero nakakapagtaka naman na pumunta siya dito samin para lang kamustahin ako?

Pumasok na ako sa loob ng kotse at marahan niya itong isinara. Bumalik na siya kabilang side at pumasok na rin sa kotse.

" 5:45pm na. " Bulong ko.

" Huh? May problema ba? " Pagtataka niya habang nagdadrive papunta sa park.

" Wala wala. "

" Okay. "

Agad naman naming narating ang park. 10 minutes before 6pm nang dumating kami. Wala pa naman si Daniel sa park pero nagdecide na akong bumaba sa kotse para hintayin na lang si Daniel dito.

" Salamat, Nicko sa paghahatid ha? Pasensya na ulit. "

" Ayos lang yun. Mas mahalaga ang pag-aaral kesa liwaliw. I understand. Basta, review well ha? "

" Ako pa. Text agad kita kapag lumabas na yung results ng exam. "

Saka ako lumabas ng kotse. Nag-wave pa ako sa kanya. Naghanap agad ako ng bench para maupo. Tinignan ko ulit ang laman ng paper bag ko at baka my nakalimutan ako.

*Calculator - /

*Pencil, eraser & ballpen - /

*12 - column worksheet - /

*Scratch Paper - /

Wala naman ako nakalimutan. Hay ! Sana maganda ang maging resulta ng gagawin namin to. Sana talaga !!

Kinuha ko mula sa bulsa ko ang phone ko at nagbasa ng text. Karamihan naman sa mga text messages ay mga gm's ng mga tropa at mga katext. Wala naman importanteng text messages ang dapat replyan kaya ibinulsa ko na ulit yung phone ko.

" 6pm na ah! Bakit wala pa yun. Sabi niya, 6pm sharp nandito na ako eh bakit nauna pa ako sa kanya?! Nakakainis naman oh? "

Lumingon lingon muna ako sa paligid kaso wala akong makitang bakas o anino man lang Daniel.

Nasan ka na bang Daniel ka!

Tatayo na sana ako ng biglang my nagtakip sa mga mata ko.

" Sino ka ba? "

" . . . "

Bigla niya hinipan ang tenga ko. Medyo nakiliti ako at narecognize ko kung sino siya dahil na rin sa warm na hininga niya.

" Daniel, ikaw ba yan? " Napahawak na rin ako sa mga kamay na nakatakip sa mga mata ko. Agad naman niyang tinanggal ang mga kamay niya at tumawa.

" Hahaha. Ang galing ha? Nahulaan agad ako ha? Hahaha "

" Paanong hindi kita makikilala eh ikaw lang naman ang hinihintay ko dito. Late ka na nga ng 10 minutes eh. " Sabay tingin sa wrist watch ko.

" Sorry naman! Tara na! Tumayo ka na dyan! " Pagalit ng sabi. Kanina lang ang sweet niya tapos ngayon galit na? Bipolar yata tong taong to eh! Or naoffend lang siya dahil sa sinabi ko kanina ?? Hmm . .

Bago pa ako nakareact ay hinawakan na niya ang kamay at hinatak palayo sa park. This time, nakita at naramdaman ko na galit siya. Kaya nag-isip agad ako paraan para mawala ang galit niya. Mahirap na no? Baka pag nagrereview na kami ay wala pumasok sa utak ko dahil sa galit niyang pagtuturo sa akin.

*Ting! *

May ideyang pumasok agad sa utak ko at sana effective itong gagawin ko.

" Ahm. . Daniel galit ka ba sakin? Sorry na oh? "

" . . . "

" Ano ba, Daniel !! Kung ayaw mo ako patawarin sa kung ano mang kasalanan ko sayo, uuwi na lang ako. " Sabay bawi sa aking kamay. Tumalikod na ako para ipakita sa kanya na uuwi n ako talaga.

" . . . "

" Sige! Uuwi na talaga ako. " Nagsimula na akong maglakad.

Bahala ka sa buhay mo, Daniel ! Paano ako sisipagang ituloy ang review session namin kung ganyan siya !!

Medyo malayo na rin ang nalalakad ko ng bigla siyang sumigaw.

" Kaya ka nga nagpunta dito sa park para magreview di ba?! Kaya wag ka ng mag-inarte dyan at sumunod ka na sa akin !! Para marami na tayo maumpisahan !! "

Agad ko siyang nilingon pagkaraang marinig ang mga binitawan niyang salita. Kung sabagay, may point din siya. Bakit nga ba ako nagpunta sa park? Para magreview di ba? Tinanggihan ko nga ang alok ni Nicko na mag-dinner kami dahil sa review na ito eh tapos uuwi din pala ako? Mababalewala lang ang pagpapaalam ko kay Mama kung nagkataon.

Kaya naman, tumakbo ako palapit kay Daniel at sinabayan siya sa paglalakad. Medyo malayo layo din ang nilakad namin bago marating ang bahay nila. Binuksan niya ang pulang gate at niyaya akong pumasok sa loob. Medyo may kalakihan din ang bahay nila at makikita mo na may kaya ang pamilya nila dahil na rin sa disenyo, anyo at istruktura ang bahay nila. Sumunod lang ako kay Daniel hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. Namangha ako sa mga nakalagay at nakadisplay na figurines, paintings at kung ano-anong mga palamuti sa bahay. Nilagpasan lang niya ang isang may kaedaran na rin na babae na sa tingin ko ay ang kanyang ina. Nakakahiya naman na balewalain ko lang ang presence ng nanay niya kaya tumigil ako saglit para batiin siya.

" Good Evening po. " Nakangiting sabi ko sa kanya.

Ningitian lang niya ako at sa halip ay hindi na siya nagsalita. Sinundan ko ulit si Daniel papunta sa kwarto niya. Kulay puti ang pinto at ang wallpaper nito ay kulay peach. Agad kong nakita ang isang round table na may 2 chairs. Inilapag ko ang dala dala kong paper bag sa table at naupo sa upuan. Nilibot libot ko muna ang paligid habang abala pa si Daniel sa pagkuha ng mga gagamitin namin sa review.

" Ang organize naman ng kwarto niya. Daig pa ako. " Bulong ko.

Nadako ang paningin ko sa side table ng kama niya. May isang maliit na picture frame dito. Tumayo ako at agad na lumapit sa side table niya.

" Picture ni Daniel ito ha?? With whom? " Medyo napatitig ako ng matagal sa picture.

Sino kaya ang kasamang babae sa picture ni Daniel? At bakit nagyayakapan sila?

Napasapo ang kamay ko sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng kaba at paninikip ng dibdib.

" Am I jealous? "

Yan agad ang unang pumasok sa utak ko. Bakit ako nagseselos? At kanino ako nagseselos?

" Bitawan mo nga yan !! May sinabi ba akong pakialaman mo ang mga gamit ko? " Sigaw ni Daniel sa akin. Agad naman akong bumalik sa katinuan ko.

" Sorry naman! Nacurious ako sa picture frame eh kaya kinuha ko at tinitigan. " Sabi ko sa kanya habang ibinabalik ang picture frame sa pinagkuhanan ko dito. Agad naman akong bumalik sa table at naupo.

O_O

Nalula ako sa mga inilapag ni Daniel. Ang daming libro! At ang KAKAPAL PA! Hindi na ako nakatiis at nagsimula ng magtanong.

" Yang mga libro ba na yan, LAHAT YAN REREVIEWHIN NATIN? " Habang nakaturo doon sa libro.

" Yap! Bakit may reklamo ba? " (-_-")

" W-wala!! Tara simulan na natin ang review para matapos na natin lahat ng yan. "

" Ok. "

Simula na ng kalbaryo ko. Sana matapos ang gabing ito na marami akong matutunan.

A/N: So ayan na nga :') Naghahanda na sila para sa Qualifying Exam nila pati din ako may Battery Exam naman :')

Yung picture sa gilid ay ang mga librong tinutukoy ni Shayne :') Actually, libro ko lahat ng yan :')

Thanks sa patuloy na pagbabasa ng kwento ko :') Malapit na siya mag-5 k reads :')

Abangan ang gagawin kong One Shot Story :') Related siya dito sa Thanks For The Memories :')

Hanggang sa susunod na update :')

_MarinelaNonethFon_

Continue Reading

You'll Also Like

2M 110K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
1.7M 17.4K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
4M 168K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
3.5M 285K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...