ELITES

By MaybeYoungForever

247K 8.6K 2.4K

Her name is Candid, not a typical girl you can mess up with. She was born to get her face hidden behind her m... More

ELITES
One
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Fourty Four
Fourty Five
Fourty Six
Fourty Seven
Fourty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy
Seventy One
Seventy Two
Seventy Three
Seventy Four
Seventy Five
Seventy Six
Seventy Seven
Seventy Eight
Seventy Nine
Eighty
Eighty One
Eighty Two
Eighty Three
Eighty Four
Eighty Five
END
Eighty Six
Eighty Seven
Eighty Eight
Eighty Nine
Ninety
Ninety One
Chapter Ninety Two
Chapter Ninety Three
Ninety Four
Ninety Five
Ninety Six
Ninety Seven
Ninety Eight
Ninety Nine
One Hundred
Chapter One Hundred One
One Hundred Two

Two

5.5K 161 28
By MaybeYoungForever

EDITED VERSION

°°

#ElitesQueen




Mabuti na lang talaga at hindi ako gasinong pinagmamalupitan ng mundo ngayon. Tinawagan ko si Ellie at agad nya akong sinundo sa may malapit sa library kanina.



Hindi na ako umalis pa doon dahil ayaw kong makaencounter ng iba pang taong sisira sa first day ko. Iniiwasan ko ring maligaw sa laki ng school na 'to. Para kasing limang beses na mas malaki ito kaysa sa dating school na pinapasukan namin ni Kurt. Baka kung saan lang ako mapadpad, lalo lang akong makagawa ng gulo.





Kahit ngayong nasa loob na kami ng classroom habang inaantay ang class adviser namin, hindi pa rin ako nakakaligtas sa mga mapanuri at mapanghusgang tingin ng mga kaklase namin. Hindi na ito bago sa'kin kaya sanay na rin ako. Masyado ng basic.



Iniisip mo pa rin ba yung nangyare kanina Bes?" Lumingon ako sa nagsalita sa tabi ko, si Ellie.



Imbis na tumango o sumagot, malakas na lang akong napabuntong hininga. Buti na lang talaga at classmate ko rin sya. Kaso napapaisip ako ngayon pa lang kung kaya ko ba talagang sabayan o tagalan ang kadaldalan nya sa personal. Hindi ako sanay.




"Don't worry Bes. Lagi na tayong magkasama kaya never mo ng mararanasan yung mga naging experience mo sa mga dati mong napasukan. Trust me, okay?" Mainit s'yang ngumiti na nakapagpagaan kahit papaano ng malalim komg isipin.




Hindi ko na nga ba talaga mararanasan ulit? Bakit parang hindi rin.



Dati sa mga dati kong napasukang school, lagi lang talaga akong magisa. Si Kurt lang ang lagi kong kasama ultimo kapag kumakain sa canteen. May kumausap man sa aking iba, madalas kapag nakakagrupo ko lang sa mga projects. Bukod doon wala na. Ayaw nila makipagkaibigan sa'kin kasi weird at freak daw ako. Masyado raw akong emo at laging may sariling mundo. Wala na akong ibang nakaclose kung hindi ang sarili ko lang. Sarili ko lang ang madalas kong kausapin sa mga oras na wala si Kurt sa tabi ko.




Well, kaya lang naman nila nasabing may sarili akong mundo dahil ni minsan, hindi lang talaga tinangkang pasukin ang mundo ko. Wala ni isang nag-exist na i-close ako o kilalanin man lang ako.




Ganun kaboring ang buhay ko.





Kaya siguro hindi ko pa masabayan ang pagiging madaldal nitong si
Ellie sa personal. Kasi hindi naman talaga ako sanay. Medyo opposite kasi talaga kami ng ugali. Kaya nakakapagtaka rin talaga na naging magkaibigan kami. Sya kasi, sobrang palangiti, masiyahin at madaldal. Habang ako, swerte na lang daw sabi ni Kurt kapag narinig nilang tumatawa ako, kahit mahina lang.




"By the way, hanggang kailan mo talaga kailangang suotin yan? Yang headscarf mo na yan?" turo naman nya sa balabal ko. "Since grade two hindi ba pinagsusuot ka na ni Tita ng ganyan. Hindi ka ba naiinitan? Ni minsan hindi pa rin kita nakitang walang suot na ganyan. Kailangan ba talaga yan?” Sunod sunod na usisa n'ya.




See? Hindi ko alam kung kaya ko sa kanyang makipagsabayan. Kung magtanong, sabay sabay. Ang sipag ko pa man din sumagot.




"Kailangan. Ayaw kasi ni Mama na mangitim ako." Pabiro kong sabi pero seryoso lang ang boses ko. Kaya hindi ko alam kung ‘biro’ rin ba ang dating kay Ellie.



Ang totoo, tinatamad na rin kasi akong magsalita. Ayaw ko lang ma-offend si Ellie dahil first day naming magkakasama dito. Kaya pilit na lang akong sumasagot ng ayos sa mga tanomg n'ya kahit tipid lang sa abot ng makakaya ko.




Kahit masasabi kong matalik kong kaibigan si Ellie, hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang ilan sa mga personal na bagay sa buhay ko. Hindi pa rin nya ako nakikitang walang suot na ganito. Alam nya lang ang mga hindi big deal na detalye sa buhay ko, maliban na lang sa mga rason na kailangan kong itago. Mga pangyayaring dapat ko ng ibaon sa limot.




"Gosh, mangitim talaga? Masyado ka ng maputi para mangitim pa. Besides, hindi ba yan din ang rason kung bakit madalas kang mabully? You know? Ikaw rin ang gumagawa ng dahilan ng ikabubully mo. Or should I say, si Tita.” nakangusong komento nya.


"Mas mabubully nila ako kapag nakita nila kung anong tunay na nasa likod nito." Seryoso ko namang sagot at napamangot naman agad sya.






Tamad akong tumingin sa labas ng bintana ng room. Ayaw ko na kasi talaga magsalita. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang panindigan ang pagsagot sa ilan sa mga daang tanong nya. Mas masipag akong magtype kaya mas naging close kami via chat kaysa sa personal.





"Pati ako? Hindi naman nila ako kagaya Bes." Ramdam ko ang pagtatampo sa boses nya.





Alam ko namang mapagkakatiwalaan ko itong si Ellie. Masyado na syang maraming naitulong sa aming magkapatid para pagdudahan ko ang katapatan nya. Pero kasi, parang hindi pa ako handa.



"Soon." Tipid ko ulit na sagot sa kanya kaya napanguso na lang s'ya ulit.




Medyo maaga pala ang pagpasok namin kaya iilan pa lang ang estudyanteng narito sa loob. Kaya mas marami pang naikwento si Ellie at hindi ako nagabalang pansinin ang mga kaklase kong napapatingin sa pwesto namin. Or rather, sa'kin.




Para na rin hindi ako magmukhang mangmang, inalam ko na lahat ng pamamalakad dito sa HFA. Ultimo dito sa loob ng classroom namin. Mas mabuti na ring si Ellie na lang ang salita ng salita.





Tinuro rin sa akin ni Ellie ang ilan sa mga kaklase namin na officer dito sa loob ng room. Hindi pala uso ang botohan dito at by rank nga daw ang basehan. Mismong adviser pala namin ang nagtatalaga ng mga gagawing classroom officers.  Parang kahapon lang daw, sinabi na ngayong araw officially iaannounce ang mga napili na maging student councils sa buong school. Committee ng buong Academy ang syang sumala at namili ng mga itatalaga. Binabase daw talaga sa antas ng yaman ng pamilya ang pagpili. Alam na naman daw ng karamihan kung sino ang mga lower officers na napili. Maliban na lang talaga sa President and Vice President.





This year daw kasi, inaabangan ng lahat ng mga taga HFA ang itatalaga bilang Captain or sabihin na daw nating School or Student Council President. Lagi daw kasi talagang mainit ang labanan sa pwestong yun kaya ang inuunang i-elect ay mga lower officers at silang President at Vice President ang finale. Dalawang tao lang daw kasi lagi ang mahigpit na magkalaban sa rank na yun. At sa kanilang dalawa lang daw mamimili ng itatalaga bilang President & Vice President.



Ngayon ko lang din nalaman na may ibigsahin rin pala ang initials na nakaburda sa uniform namin ni Kurt na si Ellie mismo ang nagdala sa bahay namin. Kung sa kaliwang part ng uniform sa may bandang dibdib ay doon naka-pin ang plate kung saan nakasulat ang pangalan namin, sa kanan naman ay may nakaburdang initial na "S."




Which is stands for Scholars pala.





Napansin ko na letter 'M' naman ang kay Ellie. Middle naman daw ang ibigsabihin nun. Kapag nakakilala naman daw ako na 'E' ang nakaburdang letra sa uniform, isa lang daw ang ibigsabihin nun. Elites.







Middle daw ang tawag sa kanila na medyo kilala lang sa industriya ang pamilyang pinanggalingan. Halimbawa na lang daw kapag anak ng artista o artisa ka mismo. O kahit sinong celebrity pa. Ganun din daw kapag anak ng mga politicians. O kaya naman mga anak din ng mga negosyanteng hindi pa talaga ganun kakilala sa industriya or ganun kalaki ang assets.





Elites naman ang tawag sa mga pili lamang na estudyante dito sa HFA. Kapag tinawag daw kasi na Elites, ibig sabibin ay sila ang pinakamataas na antas na estudyante dito sa HFA. Hindi lang daw sila galing sa mayayamang pamilya, kung hindi pinakamayayamang pamilya sa buong bansa.




Sabi ni Ellie, madami dami na rin daw ang scholars ng HFA. Siguro mga nasa lagpas fifty katao na rin. Doon lang ako bahagyang napanatag sa sinabi nyang yun. At least, hindi lang kami ni Kurt ang makakaramdam na parang masyado kaming out of place sa school na 'to. Para kasing ang hirap gumalaw sa isang eskwelahan na may iba't ibang pagtingin at rankings. Nakakadown din kapag masyadong mababa ang tingin sa'yo kasi nga hindi kayo magkakapantay. Yung parang wala man lang equality. Ganoon na nga sa labas ng paaralan at sa buong mundo sa lahat ng aspeto, pati ba naman sa pagaaral pa lang ng High School may ganun na agad na konsepto. Agad na minumulat sa ganoong klase ng pagtanggap. Kaya tuloy pagkagraduate, ganoon na rin ang tingin nila sa kahit sinong tao. Nakadepende ang paggalang sa kung anong klase ng uri tao, yaman o antas ang meron kayo.



Kagaya na lang ng mga Elites, sila pala mismo ang pinakaginagalang at pinakapinangingilagang banggain ng mga estudyente dito. Sila rin pala ang sinasabi ni Kurt na piling estudyanteng tumutuloy sa dorm na nandito rin mismo sa loob ng Academy. Ganun kalayo ang gap nila sa ibang narito.




Dati naman daw hindi uso dito ang mga rankings. Sadyang halos lahat lamang ay high-tech at automated dito dahil exclusive school nga. Pero nagbago ang lahat ng ipamana na daw mismo nang pinaka-founder at mayari nito ang HFA sa kanyang anak na babae. Mas dumami raw kasi ang mayayamang pamilya na nagpaenroll ng mga anak nila dito. Dahil doon, iba't ibang diskusyon na rin ang napagkasunduan ng mga magulang para baguhin at mas pagandahin ang lumang patakaran ng HFA.




Andoon na nga yung mga magulang na daw mismo ang nagsponsor ng pagpapagawa ng elevator at iba pang activity room dito. Mga facilities na sobrang lalaki. Pati na rin yung HFA Mall, nagtulong tulong din ang mga magulang ng mga datihang Elites noon para maipatayo ito. Pero hindi lang yun, hanggang ngayon gusto na ring i-expand ng pinakamayari ng HFA ang buong school at dagdagan pa ng ilang buildings. Pinagpaplanuhan na rin daw kung ano pang maaaring idagdag rito.



Grabe lang. Ganun ba talaga sila kayaman para gumastos ng ganun kalaki sa pinapasukan ng mga anak nila ? Para lang silang nagtatapon ng pera? Hindi naman habang buhay dito magaaral ang mga anak nila.




Pero sabagay, mayayaman eh. Malamang ang ilan sa kanila, nagpapatagisan lang ng mga yaman nila at kung ano ang kaya nilang mai-contribute sa school. Para bang doon nakasalalay ang respeto sa kanila o anak nila, kung magkano ang maiaambag nila.




"Mamaya Bes, after ng lunch break natin itotour kita ha? Mas magaling ako magtour kaysa sa kapatid mong abno." 


Bahagyang gumalaw ang kilay ko sa statement na yun.


Hanggang ngayon parang aso't pusa pa rin sila ng kapatid ko. And speaking of him, sabi nya itotour nya ako pero mukhang busy sya ngayon kaya kay Ellie na lang talaga ako magpapasama.




"Ang yabang yabang, porque napili syang isa sa mga student council at representative ng mga Scholars ih." Nakuha ang atensyon ko sa sinabi ni Ellie.


"Student council? Si Kurt?" gulat na tanong ko.


"Oo ah? Hindi ko lang sure anong eksaktong position basta representative sya ng mga Scholars for student council. Hindi pa kasi final eh. Magkasama kayo lagi tapos hindi nya binabanggit sa'yo?" nagtataka rin nyang tanong sa'kin.



Agad naman akong umiling.


Sira ulo talaga ang isang yun. Kaya pala sikat na agad sya dito sa HFA eh. Paano kaya napili ang loko lokong yun?





"Napakababaero pa. Alam mo ba iba iba ang nakikita kong babaeng kasama nyang kapatid mo simula nung unang araw palang ng pasukan?" tila may bahid na inis na pagkakasabi ni Ellie.



Mainam ko syang tinitigan habang nagsasalita.




"Sino nga pala yung boyfriend mo El? Bakit hindi mo man lang ako pinakilala man lang. Akala ko kasabay mo pumasok kanina?" Makahulugang tanong ko. Kunway iniba ang usapan.Wala naman pati syang kasama kanina nung sinundo nya ako malapit sa may library.



Agad syang nagiwas ng tingin sa'kin na parang hindi alam ang isasagot.



"N-Next time Bes. Busy pa kasi sya eh." bahagyang pangiti ngiti n'yang sagot.



Wala naman syang nababanggit na may boyfriend sya bago kami bumalik dito sa Laguna. Kaya nagtaka ako kanina nung tinawagan ko sya para sana sasabay na lang kami pagpasok sana, pero sinabi nyang susunduin daw sya ng boyfriend nya.



"Sabi mo yan." Hindi nya alam na sa likod ng nakatago kong mukha, napangisi ako sa inaakto n'ya. Hindi sya sanay magsinungaling. Hindi man lang galingan.



Ilang minuto pa ay sunod sunod na ang pagpasok ng ilan pa naming mga kaklase sa loob ng room. Hindi na ako nagabalang tignan sila isa isa dahil tumungo na lang ako at tinignan ang mga binigay ni Ellie na notes nya. Magreview daw ako dahil magkakashort quiz mamaya. Agad agad. Sa first day ko pa talaga.



Hanggang sa dumating na nga ang adviser naming si Ms. Takano. Parang may lahi syang Japanese base sa pananamit at mukha nya. Syempre, from her surname itself.





Kasunod naman nyang pumasok ang apat na lalaki at dalawang babae na akala mo mga modelo kung makalakad at gumawa ng makatawag pansing entrance. Prente lang silang magkakasamang umupo sa may bandang unahan. Bale isang hanay sila na panay sa unahan ang pwesto. Ang set up kasi ng upuan dito ay by 3 at by 6. By 6 ang sa kanan na row at sa kabilang side ay by 3 kung saan kami kabilang ni Ellie.





Hindi ko tuloy masabi kung dahil sa pagdating ng adviser namin kung bakit tumahimik o ng dahil sa mga bagong dating naming kaklase.



"Bes, nakita mo ba yung mga bagong pasok? Ilan lang sila sa mga sikat na Elites dito." pasimpleng bumulong naman sa'kin si Ellie.




Hindi maipagkakaila na iba ang epekto ng mga bagong pasok na yun dito sa classroom. Ilan sa mga kaklase ko ang nanahimik at pasimpleng nakamasid sa kanila. Tila ba ang taas ng respeto nila sa mga ito.




Isa sa mga lalaking bagong dating ang lumingon sa likuran at nakipagusap sa lalaking nasa likuran nya. Agad akong nakaramdam ng inis ng maalala ko kung sino ito at ang mukha nito.



That jerk.




"Sya yung lalaki kanina." May inis na napasambit ko kay Ellie habang nandoon lamang sa lalaki tingin ko.


"Aykenat! Si Dwayne pala ang tinutukoy mo? Isa sya sa Elites Bes."


Napangiwi na lang ako ng marinig ko na naman ang isa sa mga remarkable expressions ni Ellie.



"Baka naman na- misinterpret mo lang ang pagbibigay nya ng pera sa'yo. Kasi ang alam ko, sya ang pinakafriendly sa kanilang lima." agad ko namang tinaasan ng kilay si Ellie sa pagdedepensya n'ya doon. "Alam mo, ganito kasi yan Bes.."



Buti na lang at umalis sandali si Ms. Tanako dahil nakalimutan nito ang USB nya na icoconnect sa laptop sa harapan para magpresent ng ilelecture nya. Nagkaroon pa ng time itong si Ellie para magkwento.



Ito daw kasing mga Elites na kaklase namin ang pinakaangat, pinakarespetado at pinakasikat sa buong Academy. They were always the talk of the student body. They are united as one. Hindi sila masyadong naghihiwahiwalay saan man magpunta dahil nga sa iisang section lamang sila pumapasok. Kailangan nilang mapanatili ang unity sa pagitan nilang anim upang mapanatili din ang magandang imahe at reputasyon ng lahat ng nabibilang sa Elites dito sa HFA.




Hindi lang naman sila ang Elites dito sa buong HFA pero silang anim ang pinakamasasabing HEAD ng lahat ng Elites. Ilan lamang sila sa matataas na student council. Kaya kailangan nilang magsamasama lagi para maging magandang imahe at impluwensya bilang mga Elites. Kaya big deal talaga sa lahat ng mga taga HFA ang bawat galaw nilang anim.



Silang anim din daw kasama yung dalawang babae ay pareparehas na may position dito sa school kaya hindi lang sila iginagalang bilang mga Elites. Kung hindi bilang mga student council na rin. Napaka-corny man pakinggan pero mas madali sila idistinguish kapag tinawag mo silang Royals.





Binanggit pa ni Ellie ang mga pangalan isa isa nung anim pero hindi na ako nagabala pang tandaan ang mga ito. Hindi ko rin naman sila makikilala dahil panay mga nakatalikod lang ito at hindi ko naman makita ang mga mukha kung kaninong pangalang ang tinutukoy nya. Saka para naman pating may pakialam ako? Basta ang tumatak lang naman sa utak ko ay yung si Dwayne. Isa rin sya sa mga student council. I wonder kung saan sya banda naging magandang example para sa mga kapwa namin estudyente.



Ilang sandali pa ay nakabalik na si Ms. Tanako kaya naudlot muli ang pagkekwento ni Ellie. Akala ko nga ligtas na ako sa introduction dahil buong lecture ni Ms. Tanako, hindi man lang nya ako naalala o pinatayo man lang sa harap para magpakilala. Pero nagkamali lang pala ako. Dahil bago matapos ang subject nya, agad na dumako ang mga mata nya patungo sa'kin. Mukhang doon nya na ako naalala.



"Ow. Sorry class, I almost forgot. Miss transferee, can you please stand up and introduce yourself? You don't need to proceed here in front of your new classmates, just free to introduce yourself right at your seat."





Doon ako bahagyang nakaramdam ng uneasiness.


Sana walang talent portion.


Napuno muli ng ilang bulungan ang buong kwarto at ramdam na ramdam ko na lahat ng atensyon nila ay nasa akin na ngayon. Pinilit ko ang sarili kong huwag magpadistract at tanging deretso lang ang tingin ko kay Ms.Tanako ng tumayo ako. Hindi ko pwedeng tignan ang mga mapanghusga at mapagusisang mata ng mga bago kong kaklase. First day ko pa lang pero baka lumabas bigla ang sungay ko at hindi nila kayanin pag nademonyo na naman ang dila ko.



"My name is Candid Alessia Rosales. Please nice to meet you all."




Agad agad na akong umupo matapos kong sabihin yun.




Hindi ko na tinangka pang tignan ang mga nasa paligid ko. Tanging kay Ellie lang ako tumingin at ngumiti lang ito na parang bumulong ng 'good job'. Siguro alam nya kasing grabe ang pagkailang ko habang nakatayo ako't nagpapakilala sa lahat.





"Uhm, Ms. Rosales, may I know..well, hindi naman siguro masamang magtanong. Required ba na ganyan talaga ang suot mo during class?" Parang nagaalangan at nagtatakang tanong sa akin ni Ms. Tanako at mukhang naging interesante sa mga kaklase ko ang isasagot ko.



"On trend daw yung ganyang fashion sense."

"Really? That's weird."

“Freak kamo.”

“Can you guys be sensitive? Baka sa religion nila kaya ganyan ang suot n'ya."



Marami pang iba ibang komento akong naririnig mula sa mga kaklase ko. Marami rin sa kanila ang nagtatawanan pero hindi ko sila pinagkaabalahang tignan.


Naramdaman ko ang pagkapit ni Ellie sa kamay ko at tila pinisil ito. Parang pinapalakas nya ang loob ko kaya agad ko syang nginitian kahit hindi nya ito nakikita dahil sa suot ko. Sabi naman ni Kurt kapag ngumiti ka, makikita din yun sa mata.




"Yes Ms. Tanako, it's on their traits to use one. A religion's clothing, indeed." bahagya akong nagulat ng si Ellie ang sumagot kaya bumaling ako sa kanya ng tingin.



Sorry Lord, kung ito na naman ang naiisip naming idahilan. And I feel sorry na rin sa mga tao dito na hindi nauunawaan. Paano kung totoong religious clothing ko nga ito like sa mga Muslims. Paniguradong malaking kalapastangan ang mga sinasabi nila tungkol sa suot ko.





Tumango lang naman si Ms. Tanako sa tinuran ni Ellie at hindi na nagtanong pa.  Alam kong marami pang komento ang mga nasa paligid ko pero nagbingibingihan ako kagaya na lang ng parati kong ginagawa. Tanging si Ellie na lang ang pinakinggan ko at kung ano ang sinasabi nya.


Bago pa man ako tuluyang makalabas ng room, nagtama ang mga mata namin ni Dwayne. Hindi ko na lang sana s'ya bibigyan ni katiting na segundo para mapansin pero napasimangot ako ng makita kong nginitian nya ako.







Kailan pa kami naging close?




NAKAKADISMAYA ngayon sa pakiramdam dahil buong akala ko ay makakasabay ko si Ellie sa pagpunta sa Cafeteria. Pero biglaan syang pinatawag ng Mommy nya sa office nito kaya eto ako at kailangan ko talagang magisa. Magpupumilit nga sana akong sumama muna sa kanya para sana sabay pa rin kami maglunch pero sabi nya paniguradong matatagalan sya at may ipapagawa malamang ang Mommy nya.



Si Kurt na lang sana ang pagasa ko, kaso ng tinawagan ko sya, may biglaang meeting daw sila ng mga co-officer nya. Hindi naman nya nabanggit kung school or class officer lang ang mga kasama nya.




Walang kamuwang muwang na lang akong nagpunta sa unang cafeteria na nakita ko. Siguro naman ito ang Cafeteria para sa mga high school students dito.





Hindi ko sinubukang magtanong kahit kanino dahil magmumukha lang akong bano at baka makakuha na naman ako ng atensyon sa iba. Or worst, baka mapagtripan pa ako kapag nakatyempo ako ng bully na mapagtatanungan.




Sumunod na lang ako sa hanay ng mga nakapila sa papuntang counter. Kumuha muna ako ng tray at utensils na gagamitin.




This Academy never failed to amaze me. While roaming around my eyes in the interior designs of the Cafeteria, I can say that this is really huge and cozy. Pati mga pagkain, pagkaing mayayaman talaga. Buffet style pa. Kaya pati mga presyo ay nakakalula. Naghahanap nga ako ng mas mura kaso lahat talaga mahal. Doon tuloy ako napaisip kung magkano ang pondong laman ng ibinigay ni Ellie. Paano kung maubos agad ito sa mamahal pala naman ng mga pagkain dito?




Kaya naman kahit hindi ako mahilig sa pasta, yun na lang ang pinili ko dahil ito ang pinakamura sa lahat kahit mahal din. Sa halagang 150 pesos, ilang ulam na sana ang mabibili ko nito kung sa public school pa rin ako pumapasok.



Agad akong humanap at pumili ng mauupuan. Sa may bandang walang gasinong mga nakapalibot at nakaupo. Nakakapagtaka lang na maraming bakanteng upuan sa pwestong napili ko pero ni isa hindi okupado.




Ramdam na ramdam ko na naman ang mga mapanuring matang nakamasid sa akin. Pero nakatungo lang akong nagsimulang kumain at hindi sila pinansin. Medyo nakakailang lang dahil ultimo pagangat ko ng scarf sa bibig ko para kumain, tila sinusundan nila ng tingin. Masyado naman ata silang nakaabang sa bawat kilos ko.



Hindi ko naman sila pwedeng tignan dahil baka mawalan lang ako ng gana. Bibilisan ko na lang siguro ang kain ko. Hindi ko kayang tagalan ang pagkain ko kung ganito ang pakiramdam ko sa paligid ko.


"Bakit doon sya naupo?"

"She's the tranferee student right? So, that's the answer to your question."


Pati ba naman upuan big deal na rin sa kanila?


Malapit ko na sanang maubos ang pasta na kinakain ko ng bigla itong umangat mula sa lamesa. May kamay na kumuha nito. Bago pa man ako tumingala at lumingon sa mayari ng kamay na yun, agad ko ng narinig ang pagsinghap at pagkagulat ng ilang estudyanteng narito sa Cafeteria. Biglang tumahimik ang paligid.




Pero hindi lang yun, namataan ko na lang na nagkalat sa palda ko ang mga pastang kanina lang ay kinakain ko. Bumagsak ito mula sa ulo ko. Ilan sa mga ito ang animoy nakasangat ngayon sa ilong ko at mukha ko. Lahat, pawang nasa ibaba na ng head scarf na suot ko.




Kalmado akong napabuntong hininga at nagawa ko pang isubo ang huling pasta sa kutsara ko. Sayang kaya ‘to. Hindi napupulot ang one hundred pesos kung saan saan.





Nakarinig din ako ng ilang reaksyon dahil sa ginawa ko.





"Don't you even know how to look for your own place?" Malamig at mariin na tinig ng isang babae mula sa likuran ko.



Hindi agad ako gumalaw.




Mukhang magiging suki din pala ako dito sa HFA.






Parang nagiinit ang mukha ko na tila umaakyat na naman paunti unti ang dugo ko sa ulo ko. But I have to control myself. Hindi ako pwedeng magpaapekto.Wala pa ito sa kalahati ng mga dinanas ko. Patikim pa lang ito, kaya hindi pwedeng magpaapekto agad ako. Free taste kumbaga. Warm up lang siguro.




"Tsk tsk. Poor girl. Hindi kasi muna inalam kung saan pwedeng maupo."

"Malamang. Malay ba nyang may designated seats na para lang sa mga Elites."

"It's because she's stupid."

"She's scholar. Look at her uniform girl."

"That's why she's stupid."



Ito lamang pala ang rason kung bakit ako naliligo sa pasta ngayon? Dahil may designated chairs pala ang mga ito dito? Bakit kasi hindi man lang nila nilagyan ng pangalan nila? Bakit hindi nila ipina- billboard ang mga mukha nila at ibinalandra sa upuan?




Great. Paano na ngayon itong balabal na suot ko. Wala akong ibang dala na pamalit. Isa pa, ang mahal kaya ng binili kong pagkain tapos sasayangin lang n'ya?




"Don't you have any plan of getting lost? O gusto mo pang isama pa kita sa pagpapatapon ng maduming upuan na inuupuan mo kagaya mo?"


Doon na unti unting naglakad paharap sa'kin ang babaeng nagbuhos ng pasta sa ulo ko. Tikom ang bibig ng lahat na tila nasasabik sa mga susunod na eksenang magaganap.


Namukhaan ko kung sino ito. Isa ito sa mga kaklase namin na Elites sa pagkakatanda ko. Yung isa sa dalawang babaeng kasama nila Dwayne.




Kalma lang Candid.



Palihim ka lang na ngumiti. They didn't know what you're capable with.




Remember this face bitch. The next time I'll see you here, right at this chair, it will be your last day to stay at this school.” mapagbanta nya akong tinitigan.





Gustuhin ko mang labanan ang mga titig na yun, pinili ko na lang yumuko at magiwas ng tingin sa kanya. Wala namang sense kahit labanan ko ang titig n'ya. Mas mabuti na siguro ito para hindi na ito humaba pa. Para next time wala na syang dahilan para paginitan ako sa susunod naming magkita.




"Stop it Yuri."




Agad na nabaling ang atensyon ng babae sa bagong dating na lalaking may hawak na tray na may lamang pagkain. Ganun na rin ako.




Hindi ko napigilan ang sarili kong matulala ng dalawang segundo pagkakita rito. Parang sumobra naman ata ang pagpapaulan ni Lord ng magagandang katangiang pisikal sa lalaking ito? Masyadong matangkad at biniyayaan ng perpektong hulma ng mukha.






Siguro kung nasa ibang pagkakataon lamang ako habang nakikita ko ang lalaking ito ng malapitan, baka matitigan ko sya ng matagal dahil sa sobrang kaagaw agaw pansin nyang mukha. Masyado akong plastic kung sasabihin kong hindi ako nakaka- appreciate ng mga ganitong klaseng itsura. Para s'yang isang modelo o artista. Masyadong intimidating ang datingan at mukha n'ya. Seryoso na mukhang...antipatiko.



Diretso lamang itong naupo sa upuang nasa harap ko. Bumagay sa dating n'ya ang suot nyang itim na hoodie jacket na nakapatong sa uniform n'ya. Tanging sa pagkain nya lamang ito nakatingin at nagsimulang kumain na parang walang tensyong nangyayare sa paligid nya. Hindi ko man lang makitaan ng emosyon ang mukha. Para s'yang may sariling barrier sa paligid n'ya na hindi basta basta pwedeng basagin ng iba. Ganun yung presence n'ya. Titigan mo pa lang, hindi mo na gugusutuhin pang tibagin ang harang na yun kung ayaw mong mawasak at sumabog kasama n'ya.





"But it's my throne as your Queen!” medyo malakas na pagkakasabi ng babae. ”Is it my fault that she's stupid enough to sit in my designated chair? Maybe she's trying to stole some scene here." Mataray s'yang sumulyap sa'kin at sinindak ako ng isa n'yang kilay na nakataas na.




Napangiwi ako sa narinig. Dami namang alam ng brat na ‘to. Upuan lang nanakawin ko para gumawa ng eksena? Ano ako, s'ya? Ang OA ah. Saka anong Queen? Nasaan naman kaya ang korona nya?



Sa tingin ko, kailangan ko ng umalis sa eksena. Baka mas lumala pa ang sitwasyon at mas lalo lang akong paginitan ng baliw na babaeng ito.



"Sorry, hindi ko kasi alam. Hindi na mauulit." Walang tingin tingin na sabi ko sa kanila at tuluyang na akong tumayo kasabay ng paghakbang ko papalayo sa kanila.




Kailangan kong humingi ng paumanhin kahit labag sa loob ko. Para kahit papaano mabawasan ang tensyon at hindi na nya ako paginitan pa.




Pero hindi pa man ako nakakalayo sa kanila ay may dalawang kamay ng pumigil sa tray ko. Dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.



"Bakit aalis ka ng hindi man lang dinedepensahan ang sarili mo?" Bulong nya sa tainga ko na siguradong kami lang dalawa ang nakakarinig.




Bahagya akong lumayo sa kanya. Parehas naming tinitigan ang isa't isa pero sinamaan ko lang ang pagkakatingin sa kanya.



This time, hindi sya nakangiti. Bakas ang pagiging seryoso nito habang nakatitig sa'kin. Hindi masyadong mabigat ang titig na yun pero nakaramdam ako ng kaunting pagkailang.



"There's no reason to fight back. I don't need another one thousand peso bill." Nilagpasan ko na s'ya pagkasabi ko nun.




Kahit isa sya sa mga Elites, hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa nya sa akin kanina sa hallway.



Napailing na lang ako.




Mas problemado ako kung anong gagawin ko ngayon sa suot kong balabal kaysa sa mga Elites na yun. At mas nanghihinayang ako sa binili kong pasta. Ang laking sayang. Ginastusan mo, pero tinapon lang iba.





Ano ba namang klaseng first day ‘to. Ilang encounter pa kaya sa mga brat at mga bully ang kakaharapin ko bago matapos ang araw na ‘to?





-

FB : Maybe Young
IG : missyoung_myf

Continue Reading

You'll Also Like

839K 33.1K 39
When your nightmare turns out as your reality is the most terrifying event that you will imagine in your whole life. Can you survive when you know t...
8.8K 479 12
Lahat tayo, may minamahal. Minsan, sila ang nagiging dahilan natin kung bakit tayo nagiging masaya. Kung bakit tayo ngumingiti. Madalas pa nga, nanga...
820 308 13
Ezra Castillio was a simply horsemen before she met a strange black horse that bring her to the world unknown; which out of earth nor the other plane...
449K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...