My Zombie Girl (girlxgirl)

Por ChrissWitDoubleS

344K 9.8K 1.3K

Eh kung katapusan na ng mundo? Yung nauubos na ang mga tao. May pag-asa ka pa bang mag-mahal muli? Charot! H... Más

Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Awtor's Nowt
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Eighteen (Repost)
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Happy Holidays!! ;)

Chapter Fifteen

8.2K 262 37
Por ChrissWitDoubleS

Awtor's Nowt!!

Anoooo!! Update po ito!!!

Mabigat po sa loob ko habang ginagawa ko ang chappy na ito. Hindi ko kinaya at yung totoo naluha ako. Haha. XD

Hindi ko alam kung dapat ko bang iupdate to o hindi. Dahil nasasaktan ako. Haha. Drumuh. XD

Heartbroken ang peg ni Awtor. Huhuhu. T_T

So eto na po ang pinakainaabangang chappy. Sana po ay magustuhan nyo. Kung hindi. Okay lang. Wala akong magagawa. Haha.

Kung may hinanakit kayo. Icomment or iprivate message nyo lang ako. :p

Vote?

Read?

Eat ng pansit canton? :D

-Chriss </3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dumaan kami mismo sa toll gate ng exit na to. So far so good. Wala naman kakaiba o weird na bagay.

Same ol same ol. Mga empty streets. Mga establishments na abandonado. Mga kalat sa daan. Ilang naagnas na mga katawang pinagpyestahan na ng mga walkers. Mga kotseng sira sira at mga bus ng Bataan Transit, Saulog, Genesis, First Luzon at kung anek anek pa ang nakaparada. May pang-ilang ngilang sasakyan ang mukhang pupwede pang gamitin.

Alerto kaming apat. Nakakabingi kasi ang katahimikan. Tanging ihip lang ng hangin ang maririnig.

Kung tutuusin. Nakakatakot tong lugar na to. Since walang katao tao ang dating busy-busyhang sentro ng San Fernando, ay kikilabutan ka naman ngaun dahil sa eerie feeling ng mga abandonadong establishments at sa katahimikan ng lugar na to.

Yung totoo. Feeling ko nga may mga multong naka dungaw sa mga bintana dito eh. Ugh. Katakot!!

"Let's check these cars." Sabi ni Dylan pagkadating namin sa parking lot ng SM Pampanga.

"Okay." Sagot naming tatlo at nag umpisa kaming tingnan ang bawat sasakyan.

Pangalawang sasakyan na tong bubuksan ko dahil yun una ay walang manibela. Ene be. Pati manibela ba ay kinain na din ng walkers?? Patay gutom ang mga hampas lupa!

Tinted itong Pickup na titingnan ko. Kulay pula ito at kung parang dati lang ang araw na ito ay iisipin kong ang cool nito idrive at cool na ipakita sa madlang people sa kalsada. Hot na ang sasakyan, hot pa ang driver. Ahem. Ako yun. Haha.

Sinilip ko ang bintana sa may driver's seat ng pickup. Shems. Sobrang tinted naman nito. Wala akong makita sa loob.

Tinry ko kung naka lock ba ito pero buti ay hindi. Dahan dahan ko itong binukas pero isang malaking lalaking walker ang bumungad at dumamba sa akin.

"Grrrrrrrrrrr...." Groan nya pagkadamba sa akin.

Sa lakas ng walker na ito ay napahiga ako sa lupa at halos kapusin ako ng hininga nang mapabagsak ako nang dahil sa bigat nya.

"F-fuck!" Pagpapanic ko habang sinusubukang pigilan ang walanghyang walker sa tangkang pagkagat saken.

"Ish!" Sigaw nilang tatlo sa di kalayuan at narinig ko na nagmamadali silang pumunta sa akin.

I still struggled dito sa higanteng ito dahil sobrang lakas nya at feeling ko anytime ay makakagat na nya ako dahil hindi na kinakaya ng mga braso ko ang pagpigil sa kanya.

"O-oh s-shiiit!" Bigkas ko pa dahil ang lapit na ng pagmumukha ng walker na to sa mukha ko kahit na pilit kong iniiwas ang napakaganda kong mukha.

Naramdaman ko na bibigay na ang kamay ko at halos makagat na ako nitong walker na to nang biglang

~BANG!~

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw na sya naman nakapagpatahimik sa hunk na walker na to. Na ngayo'y nakayakap sa akin ang mabahong katawan nito. F na F po nya mga kaibigan. Pasalamat sya gay ako! Aha.

"Babe are you alright?" Nagaalalang tanong ni Megan sakin matapos nyang makalapit.

Iniangat ko ang aking ulo at nakita ko ang mala anghel nyang mukha na alalang alala sa akin. Sa kanyang likuran ay naaninagan kong kakababa pa lamang ng baril ni Dylan. So sya pala ang tumulong sa akin. Kailangan kong magpasalamat mamaya.

Tinulungan ako nina Megan at Kylie na alisin sa pagkakayap itong si papa walker sa akin. Aha.

Bumangon ako sa pagkakahiga at hinimas ang aking mga braso. Shit. Ang sakit lang. Wooo.

"Okay ka lang?" Tanong muli ni Megan at Kylie sa akin.

"I'm okay." Nginitian ko naman sila para ipaalam na okay ako.

Nakahinga naman ng malalim yung dalawa at inakap naman ako ni Megan ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap habang nangingiting parang tanga.

Ang baby ko kinabahan. Masamang damo ata to. Di ako basta basta mamamatay. Aha.

"Babe. I'm fine." Natatawang bulong ko kay Megan dahil may ilang minuto na ata kaming magkayakap.

Kumawala sya ng bahagya sa pagkakayakap sa akin sabay hinampas ako ng may kalakasan sa aking braso.

"You scared me Mischa! Akala ko mawawala ka ulit sa akin!!" Galit na sabi nya habang paulit ulit nyang hinahampas ang braso ko.

"Aw! A-aray!" Reklamo ko.

Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at saka sya siniil ng halik.

Matapos ang ilang segundo ay nagpull back ako sabay nginitian sya ng pagkatamis tamis.

"Baby." Umpisa ko. "Hinding hindi ako mawawala sayo okay? Hinding hindi kita iiwan dahil gagawin ko pa ang lahat maprotektahan ka lang." Binigyan ko ulit sya ng mabilis na halik sa labi.

"Mahal na mahal kita babe." Sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Ngumiti sya sa akin at hinalikan nya din ako sa labi.

"Mahal na mahal din kita babe." Sagot nya sa akin.

"Ahem! Tao po kami baka nakakalimutan nyo lang po ano." Pag singit ni Kylie sa amin pero nakangiti sya sa amin.

Humiwalay ako kay Megan sa pagkakayakap at nagkamot ng batok kahit di naman makati iyon. Nahiya ako bigla sa kanila eh.

Nagtawanan naman kaming apat ng makita nila akong nagkamot ng batok.

"Makati ba? Ligo ligo din kasi pag may time." Natatawang sabi ni Kylie.

"Aish! Ewan ko sayo Kylie!" Singhal ko sa kanya.

"Mmm. Tama na yan kids." Sabi ni Megan samin at lumapit na sya sa pickup.

Lumapit ako kay Dylan habang chinecheck nina Megan at Kylie yung sasakyan.

"Dylan. Ano. Maraming salamat kanina. Sa pagligtas sa akin." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Tiningnan nya din ako at ngumiti sabay sinuntok ako ng pabiro sa balikat.

"Wala yun." Maikling sabi nya. Nginitian ko din sya at luminga sa dalawa ng marinig namin silang magsalita.

"Ugh. Guys walang kambyo yun pickup. Akalain nyo yun." Asar na sabi ni Kylie.

Tatawa pa sana kami ng biglang humangin ng malakas. Kinilabutan ako sa totoo lang.

Nilapitan ko agad si Megan at hinawakan ang kamay. Napatingin naman sya sa akin na para bang nagtataka kung bakit ko yun ginawa. Nginitian ko sya ng may pagaalinlangan para di sya magalala kahit papaano pero~

"Are you fucking kidding me?!" Whisper shout ni Dylan.

Napalingon naman kami ng sabay sabay sa kanyang tinitingnan.

"Holy crap..." Tanging nasambit ko ng makita ko ang tinutukoy ni Dylan.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngaun. Halong pagkagulat, kaba, takot, pagtataka ang nararamdaman ko.

Pagkagulat dahil sa nakikita ko ngaun. Kaba dahil di ko alam ang gagawin bukod sa dapat na kaming kumilos. Takot, takot para kay Megan. Ayaw ko syang mapahamak. Hindi ko ata kakayanin pag may nangyari sa kanya. Pagtataka. Dahil tangina! Paanong nangyari na daan daang walkers ang patungo ngayon sa aming direksyon!

"Tara na guys!! Takbo!!" Whisper shout ko sa kanila sabay higit sa kamay ni Megan at nagsimula na kaming tumakbo.

First reaction malamang ay tumakbo. Second, maghanap ng lugar na pwedeng pagtaguan dahil sa sobrang dami ng mga walkers na to, imposibleng mapatay namin lahat ito. Lalo pa limitado lang ang aming ammo.

Takbo kami sa may SM.

"Shit! Sarado ang shutters!!" Asar na sambit ni Megan.

"Tara dito!" Sabi ni Dylan na nagsimula na ulit tumakbo.

Sinundan namin sya. Napalingon ako at damn. Totoo ba tong nakikita ko??

"Ay putcha!! Bilisan nyo dali!!" Sigaw ko pa sa kanila.

Sa maniwala kayo o sa hindi, dahil ako hindi din makapaniwala, first time kong makakita ng mga walkers na tumatakbo! Mother father lang dba?!

"Dito dali!" Tawag samin ni Dylan.

Dali dali kaming pumasok sa nakaangat na shutter at sinubukang ibaba yun. Sa kasamaang palad. Hindi pala naibababa ang shutter na to. Aish! Pasaway!

"Tara na Dylan. Hayaan mo na yan!" Pag hila ko sa kanya nang napauna ko na sina Megan sa loob.

Asar na sinuntok ni Dylan ang shutter at saka sumunod sa akin paloob.

Hindi pa kami nakakalayo ng marinig ko ang malakas na groan ng mga walkers. Shit. Yun ata yung mga tumatakbo.

No choice kami kundi umakyat sa second floor ng SM. Naghanap kami ng matataguan na alam naming hindi nila maaabot o matatagpuan. Ang dilim! Flashlight dito flashlight don.

"Dito!" Whisper shout ni Dylan. Sinundan namin sya pero laking gulat namin ng maaninag sa madilim na lugar na to ang mga tumatakbong walkers sa bandang likuran namin.

"Run!" Sigaw ko at halos madapa na kami sa pagtakbo. Rinig na rinig namin ang yabag ng mga paa ng mga tumatakbong walkers kasabay ng yabag ng aming mga paa.

Nakapasok kami sa isang kwarto at pinagtulungan namin ni Dylan iblock ang pintong ito.

"Eto Ish!" Nagpapanic na sabi ni Kylie at iniabot ang isang tubo na pwedeng ipangkalang sa handles ng double doors na ito.

Napalingon ako sa kwarto at napansin kong closed room ito. Parang storage room. Shit. Walang labasan. Ibinaba namin ang mga gamit dahil sa sobrang pagod na din at mabigat ang mga ito.

Niyakap ko si Megan ng mapansin kong nangangatog sya sa takot.

"Shhh. Baby. It's gonna be fine." Sabi ko sa kanya na kahit sino man sa amin ngayon ay hindi masasabing magiging fine ang sitwasyon.

~blag~

Napalingon kaming apat sa pinto.

~blag!~

~blag!~

~blag!~

Sunod sunod na kabog ang naririnig namin sa pintong ito. At sa tuwing kakalampagin ng walkers ang pinto ay bumubuka ito dahil ang tanging nakakapigil lang sa pagbubukas ng double doors ay ang tubong ikinalang ko sa handles.

Naiiyak nako. Tangina. Eto na ba to. Nilingon ko si Megan at naiiyak na din sya sa takot.

Fuck. Hindi pwede to. Ayokong mapahamak si Megan. Ayokong mamatay sya.

Pinagmasdan ko syang maigi. Kahit tanging liwanag lang sa flashlight ang meron sa silid na ito.

Ang hazel eyes nya. Ang perfectly shaped eyebrows nya. Ang medyo matangos nyang ilong. Ang mapupula at malalambot nyang mga labi. Ang malaporselanang kutis nya. Lahat ito. Kinakabisado ko. Hindi pala. Kabisado ko na ito matagal na. Ayaw ko lang na makalimutan ang mga ito. Ayaw ko lang na makalimutan si Megan.

~blag!~

~blag!~

Ang nakakabinging paghugot sa aking memorization session.

Tumingala ako at huminga ng malalim. Nanlaki naman ang mga mata ko ng maaninagan ko ang isang butas sa kisame.

"Guys! Up there!" Nabubuhayang loob kong sabi.

Nilingon nilang tatlo ang kisame at feeling ko nabuhayan din sila ng loob.

"Tara!" Pinag patong patong namin ang mga boxes na nandito sa storage habang unti unting winawasak ng mga walkers ang pinto.

"Shit! Kulang!" Sambit ko ng mapansing hindi aabot sa bandang kisame ang mga box. Inshort, hindi kami makaka akyat.

"Teka." Sabi ni Dylan at umakyat sya sa taas. Tumalon sya at naabot nya ang edge ng butas. Maya maya pa ay nakaakyat na sya. Wooo! *sabog confetti* galing galing ni Dylan!! Aha.

Sumilip si Dylan mula sa butas at inilahad ang kamay.

"Tara na dali." Pinaakyat ko na si Kylie at hinila sya ni Dylan paakyat.

~blag!~

~blag!~

~grrrrrrraaaarrrrrrr!!!~

Nakapangingilabot na sigaw ng mga walkers sa kabila ng pintong halos masira na.

"Go babe dali!" Pagmamadali ko kay Megan.

Napatingin kami sa pinto dahil sa kalampag ng walkers.

~blag!~

~tanggal tornilyo~

~blag!~

~tanggal isa pang tornilyo ng handle~

Nilingon ko si Megan at takot na takot sya. Niyakap ko si Megan ng mahigpit at naluha na ako. Niyakap din nya ako at narinig kong humihikbi sya.

"Baby...Tandaan mong mahal na mahal kita." Whisper ko kay Megan habang walang humpay na tumutulo ang aking mga luha.

"B-babe. No. T-tara na please! Sabay tayong umakyat!" Hagulgol nya sa akin.

~grrrraaaaaarrrrr!!!~

~blag!~

~tanggal isa pang tornilyo ulit~

Hinigpitan ko ang yakap ko kay Megan. Dahil alam ko. Ramdam ko. Huling pagkakataon na to.

"No! Umakyt ka na!" Tinulak ko sya paakyat sa mga boxes at inilahad na ni Dylan ang kanyang kamay. Hindi kasi pwedeng dalawa kaming umakyat ng sabay dahil bibigay ang mga boxes.

~blag!~

~tanggal pa ulit ng tornilyo~

"Babe no!! Don't do this!" Pagmamaktol nya pero nahawakan na ni Dylan ang kanyang kamay. Hinila na sya ni Dylan at nagiiiyak sya sa taas.

"Ish tara na!" Sigaw ni Dylan sa akin sabay lahad ulit ng kamay.

Umakyat ako sa box pero dahil ilang bigat na ang dumaan dito. Ayun. Bumigay ang boxes. Pero naabot ko ang kamay ni Dylan at tuluyan ng bumagsak ang mga kahon sa sahig.

Nakabingit ako ngayon dito habang hawak hawak ako ni Dylan.

"I-ish. H-hold on." Sabi nya.

"Ish kapit lang." Sabi naman ni Kylie.

"Baby!! Please! Wag kang bibitaw." Iyak ni Megan at pilit nyang inaabot ang isa ko pang kamay.

Kita ko ang pain sa mukha ni Dylan dahil sa bigat ko. Anytime mababalian na sya ng balikat.

~blag!~

~grrrrrraaaaaaar!~

Gulat na gulat ako ng may humablot ng paa ako. Walkers. Sandamakmak na walkers ang pumasok sa silid na to.

I groaned in pain dahil hinihila ako ng mga walkers pababa habang hinihigit akong pilit ni Dylan paakyat. At narinig ko na nagsisigaw sila sa taas. Si Dylan naman ay sobra na ang nararamdamang sakit sa braso. At nakita ko sa kisame na nagca-crack na to. Hindi na kinakaya ang bigat nila, bigat ko, kasama pa ang bigat ng mga humihilang walkers sa paa ko.

Tinitigan ko si Dylan. Nanlaki ang mata nya nang umiling ako sa kanya. At naluha sya. Dahil alam kong naintindihan nya ako. Akalain mo yun. Mapapaluha ko pala tong mokong na to ng walang kinalaman kay Meg.

Pero tama na to. Hanggang dito na lang siguro talaga ako. Pag nagpatuloy pa to. Mababali ang balikat ni Dylan. Babagsak ang kisame at imbis na makaligtas si Megan, mapapahamak pa sya.

Tumitig ako kay Kylie at nag half smile. Naiyak si Kylie. Huli kong tinitigan ay si Megan. Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis tamis na may halong paghingi ng tawad. Hindi sya ngumiti. Bagkus ay patuloy lang sa pag tulo ang kanyang mga luha habang pilit na inaabot ang kamay ko.

Tulo lang din ng tulo ang luha ko dahil kitang kita ko sa kanyang mga mata ang takot, sakit at lungkot.

"I'm sorry." Sabi ko sa kanya. At sinundan ko pa ng "I love you so much Megan."

"Nooo!" Sigaw ni Megan pero~

Pagkasabi ko nun ay binitawan ko ang kamay ni Dylan at nagpatihulog sa nagaabang na mga walkers.

"Mischaaaaa!" Ang sigaw ni Megan ang tanging narinig ko pagkabagsak ko sa kumpol ng mga zombies.

Kagat dito. Kagat doon. Ang sakit sobra. Unti unting nanghihina ang aking katawan. Ni hindi ko nga magawang sumigaw kahit sobrang sakit ng mga kagat ng zombies. Pero...Hindi ko na kaya ang sakit. Unti unting bumibigay ang aking mga mata. Unti unting nagdidilim ang aking paningin. Wala na akong marinig. Pakiramdam ko nabingi na ako.

Flashbacks. Puro flashbacks ng pamilya ko ang sumagi sa isip ko. Yung masaya at mgkakasama kami. Nasundan pa ng flashbacks namin ni Megan ang nakita ko. Yung masasayang moments na magkasama kami. Yung unang yakap namin. Yung unang halik. Yung unang tampuhan. At unang suyuan. Shit. Ganto na ba pag mamamatay? Lahat nagrereplay sa utak?

At nagsimulang mag slow-mo ang lahat. Yung pagkagat ng mga walkers sakin. Yung mga hablot nila sa katawan ko. Yung sigawan nina Megan sa taas. Slow-mo talaga lahat. Ano to joke? Pero napipikit na ako.

Kulay brown, no, strong yellowish brown, hindi, hazel, hazel ang nakikita ko. Hazel eyes...Ang napakagandang hazel eyes ni Megan, na syang nakatitig sa akin mula sa kisame, ang aking pinagmamasdan ngayon. Ang hazel eyes ni Megan ang huling huling bagay na nakita ko...bago nagdilim ang aking paligid. Hanggang sa wala na akong makita...hanggang sa wala na talaga akong marinig...hanggang sa tuluyan na akong malagutan ng hininga..........

Seguir leyendo

También te gustarán

12.4K 621 18
"Easy there, pup. You don't want to hurt your mate, do you?" A mysterious girl wearing with a cloak said. LUNA - Untamed Beast Short Story Race of My...
4.4K 109 16
YoungxAdult • GirlxGirl • ShortStory
753K 10.1K 30
Paano kung malaman mong hindi pala lalaki si boyfriend? Matatanggap mo ba siya? Kaya mo bang harapin lahat ang pag subok kasama siya? O iiwan mo na l...
206K 6K 53
UNDER FINAL MAJOR REVISION Kasabay ng pagtatagpo nila ay ang simula ng kanilang pakikipaglaban. Sa una, magkasama pa silang lumalaban. Sa huli, sila...