Bachelor's Pad series book 11...

By maricardizonwrites

1.4M 30.5K 764

Nagulat si Trick nang pagkatapos ng isang buwang pagkawala ng kanyang ama mula nang lamunin ito ng dagat, big... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Epilogue

Part 15

32.8K 776 17
By maricardizonwrites

BANDANG alas onse ng gabi, nagpaalam na sina Anika at Trick kina Janine Visperas. Maganda pa rin ang mood sa pagitan nilang dalawa kahit nang nasa loob na sila ng kotse nito at bumabiyahe na pauwi sa mansiyon ng mga Alfonso. Iginiit kasi ng binata na ihatid siya. Hindi na siya nagreklamo kasi hindi niya alam kung paano magko-commute mula sa Visperas Hotel pauwi sa bahay.

"So how was it at home?" biglang tanong ng binata.

Sinulyapan niya ito. "Ang gusto mo bang itanong ay kung kamusta ang relasyon ko sa mga magulang mo?"

Napansin niyang humigpit ang hawak nito sa manibela. "At gusto kong malaman kung kamusta ang relasyon nila sa isa't isa."

Bumuntong hininga si Anika. "Simula nang magtrabaho ako sa umaga ko na lang sila nakikita. Kapag almusal. Hindi pa kami nakapag-usap ng matagal ng Mama mo simula nang dumating ako." Medyo nahiya siya nang tapunan siya nito ng tingin. "Alam ko naman kung bakit hindi niya ako kinakausap at hindi ko siya masisisi. Pero gusto ko pa rin na magkaroon kami ng pagkakataong makapag-usap para masabi ko sa kaniya na wala siyang dapat ipag-alala."

Ibinalik ni Trick ang tingin sa kalsada. "I really hope my mother doesn't have anything to worry about."

Kumunot ang noo niya at medyo nasaktan siya sa komento nito. Akala ba niya naniniwala na ito sa kaniya na wala siyang balak manira ng pamilya? Na nagkaintindihan na silang dalawa na sinusubukan naman niyang tuluyang maalis ang damdamin niya para kay Patrick? Mariing tumikom ang bibig niya at tumingin sa labas ng bintana.

"Why did you fell in love with my father, anyway? He's twenty years older than you," basag na naman ni Trick sa katahimikan.

Bumuntong hininga si Anika. "Hindi ko alam ang edad niya noon. Mukha siyang nasa trenta lang. Mas lalong hindi ko alam na may asawa't anak siya. Hindi niya sinabi at kahit nagalit ako sa kaniya nang malaman ko ang totoo, narealize ko kalaunan na wala akong karapatan magalit. Sa loob ng isang buwan na nasa isla siya, kahit kailan wala siyang ginawa na pwedeng magsabing may iba siyang intensiyon sa akin maliban sa pagkakaibigan. Ni hindi niya hinawakan ang kamay ko sa paraang may malisya. Ako lang talaga ang nagbigay kulay sa namagitan sa amin. Ako lang ang..." May bumara sa lalamunan niya at tumikhim. "Ang nagmahal."

"Bakit nga?" giit ni Trick.

Lakas loob niyang nilingon ang binata. Kakapasok lang nila sa gate ng subdivision at mabagal na ang pagpapatakbo nito sa kotse. Para bang hinihintay talaga nito ang sagot niya. Malungkot siyang ngumiti. "Paano ko ba malalaman kung bakit ko siya minahal? Araw-araw kaming magkasama at marami kaming napag-uusapan. Lahat ng mga bagay na ni hindi ko masabi sa mga magulang ko, nasabi ko sa kaniya. Siya lang ang nag-iisang tao na hindi ako tinawanan nang sabihin ko sa kaniya ang pangarap ko mula pa noong bata ako. Siya lang ang naniwala na makakaya kong marating 'yon kahit ako nga mismo hindi naniniwala. Naging mabait siya sa akin.

"Iba siya sa lahat ng taong nakasalamuha ko buong buhay ko. Iba siya magsalita. Iba umakto. Kahit ang tindig niya ay iba. At kapag ngumingiti siya, nakakahawa. Parang lahat ng problema ko natutunaw kapag nakikita ko ang ngiti niya o kapag naririnig ko ang tawa niya. Kapag sinasabi niya na kaya kong gawin ang isang bagay, pakiramdam ko talaga totoong kaya ko. Basta, nagising na lang ako, espesyal na siya para sa akin."

Sumimangot si Trick. Halatang hindi gusto ang naririnig. Mariin pang tumikom ang bibig nito na para bang nagpipigil magsabi ng hindi maganda.

"Sige na. Sabihin mo na kung anong gusto mo sabihin," pabuntong hiningang udyok ni Anika.

Tumiim ang bagang ng binata bago nagsalita, "Na-in love ka lang sa kaniya kasi siya ang unang lalaking nakilala mo na iba sa nakasanayan mo, Anika. You've never been exposed to attractive men before. Nagkataon lang na nauna mo siyang nakita at dahil wala kang immunity sa mga lalaking katulad niya, hindi mo naguwardiyahan ang feelings mo at nahulog agad ang loob mo sa kaniya. Basically, kung iba ang napadpad sa isla niyo, malamang magkakagusto ka rin sa taong 'yon."

Huminga siya ng malalim. Mag-ama nga ang mga ito kasi 'yon din ang sinabi sa kaniya ni Patrick noon. "Siguro nga. Pero Trick..." Sinulyapan siya nito. Malungkot siyang ngumiti. "Siya ang napadpad sa isla namin. Hindi ibang tao kung hindi siya."

Nagtama ang mga paningin nila. Sandali lang 'yon pero sigurado siya na nakuha nito kung ano ang nararamdaman niya sa mga sandaling 'yon.

Mayamaya pa ay inihinto na nito ang kotse sa labas ng gate ng Alfonso mansion. Kinalas niya ang seatbelt niya at inabot ang paperbag kung nasaan ang hinubad niyang mga damit kanina. Binuksan niya ang pinto sa tabi niya pero hindi siya agad bumaba. Nilingon niya muna si Trick. Nakatitig ito sa kaniya. Nginitian niya ito. "Salamat na isinama mo ako sa mga meeting mo ngayong araw. Marami akong napuntahang bago at marami akong natutunan sa pag-o-obserba ko sa lahat ng meeting mo." Saka niya pabirong idinagdag, "Salamat din na isinama mo ako sa party. Naka-experience rin sa wakas. Goodnight."

Tumango ang binata. Nilakihan na niya ang bukas ng pinto sa tabi niya at lalabas na sana nang bigla itong dumukwang at inilapit ang mukha sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya nang magtama ang mga paningin nila. Pigil niya ang hininga kasi isang pulgada na lang halos ang pagitan ng mga labi nila nang huminto ito. "Good night," bulong nito bago umatras at umayos uli ng upo sa harap ng manibela. "And see you at the office tomorrow."

Tumango si Anika. Hindi na niyanagawang magsalita kasi parang may nakabara sa lalamunan niya. Kaya mabilis nalang siya lumabas ng kotse at isinara ang pinto. Gumilid siya at pinanoodhanggang makalayo ang sasakyan ni Trick. Saka lang uli siya huminga. Napahawaksiya sa magkabilang pisngi niya kasi parang ang init-init ng mga 'yon. Humingasiya ng malalim at sandaling pinaypayan ng mga kamay ang mukha niya. Pagkatapospumasok na siya sa loob ng mansiyon.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
963K 26.4K 38
Dahil sa isang hindi magandang unang pagkikita ay na-involve ng husto si Ailyn sa magulong mundo ni Riki Montemayor, ang basagulerong prinsipe daw ng...
1.4M 33K 32
Laki sa hirap si Bianca. Dalawa ang trabaho niya para lang maka-survive sila ng sakiting ina sa araw-araw. Kaya nang makilala niya si Ross at hayagan...
8.7K 676 23
Disisais-anyos pa lang si Althea nang magsimulang tumibok ang bata niyang puso sa panganay na anak ng mga De Torres--kay Anton. Ngunit tila mga bitui...