Bachelor's Pad series book 11...

By maricardizonwrites

1.4M 30.5K 764

Nagulat si Trick nang pagkatapos ng isang buwang pagkawala ng kanyang ama mula nang lamunin ito ng dagat, big... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Epilogue

Part 13

32.7K 837 16
By maricardizonwrites


UMUWI si Trick sa Bachelor's Pad para magbihis at makalipas ang isa't kalahating oras ay binalikan ang boutique kung saan niya iniwan si Anika. Hindi na niya inabalang dumaan sa common area para tingnan kung may tao kasi alam naman niyang makikita rin niya sa party ang halos lahat ng residente ng Bachelor's Pad.

To be honest, wala sa plano ang isama ang dalaga sa party. Sigurado rin siya na hindi umaasa ang mga kaibigan niya na magdadala siya ng kasama kasi never siya nagsama ng date sa lahat ng pagtitipon na pinupuntahan niya.

Ah, damn. He just used the word 'date' for Anika. He must be crazy.

Ipinilig ni Trick ang ulo at sandaling nanatili lang nakatayo sa bukana ng boutique. Bakit nga ba bigla niya itong naisipan isama? Kung tutuusin pwede naman niya itong hayaan lang sa opisina maghapon imbes na dalhin ito sa lahat ng meetings niya. Kung tutuusin dapat pauwiin na niya ito imbes na isama sa party.

Nadala yata ako sa kape. At sa ngiti niya kaninang umaga, naiiling na naisip niya. Inayos niya ang kwelyo ng tuxedo coat na suot niya bago tuluyang pumasok sa loob. Kumunot ang noo niya kasi hindi niya makita kung nasaan si Anika. Ang staff na itinalaga niyang mag-assist sa dalaga ang lumapit sa kaniya. Ngiting ngiti ito at may kakaibang kislap sa mga mata. "She's ready, sir."

"Okay. Where is she then?"

Lalong lumawak ang ngiti ng staff at halatang excited nang bumaling sa kung saan. "Palabas na ho siya."

Lumingon si Trick – at literal na tumigil sa paghinga nang makita niyang lumabas mula sa kung saan ang isang babae. Realist siya at walang panahon sa mga romantic at idealistic descriptions at metaphors. Pero pakiramdam niya bumagal ang oras at naging slow motion ang sandaling 'yon. It took him a moment to realize that the beautiful woman walking towards him is Anika.

Alam niya na maganda ito in an almost exotic way. Hindi ito mestiza at mukhang westener na katulad ng mga babaeng itinuturing na maganda ng karamihan. Morena ito at itim na itim ang buhok. Katamtaman ang tangkad. He also used to think that she's too thin for his liking. Lalo na noong una niya itong makita. Pero ngayon, dahil tube style ang gown na suot nito at body hugging ang tela, nakikita niyang firm at toned ang katawan ng dalaga. Alam din niya na pisikal itong malakas kung pagbabasehan ang pagtulak nito sa kaniya noong unang beses silang nagtalo.

Huminto si Anika ilang pulgada sa harapan niya. "Trick?"

Kumurap siya. Saka lang niya narealize na pinapasadahan niya ng tingin ang kabuuan nito. Umangat ang tingin niya sa mukha nito at doon naman siya napatitig. First time niya makitang may make-up ito. Hindi makapal ang pagkakalagay. Just enough to enhance her assets;her sexy cat eyes and her full lips. Hindi man niya ito gusto, hindi rin naman siya bulag. He knew a pretty face when he sees one. And Anika is the unforgettable kind of pretty.

"Bakit ganiyan mo ako titigan? M-may problema ba sa hitsura ko?"

Bumalik ang presence of mind ni Trick nang mahimigan ang panic sa boses nito. "You look fine." Tumingin siya sa wristwatch na suot niya para magkunwaring hindi apektado sa nakita niyang transformation ng dalaga. "Kailangan na natin umalis. Let's go."

"Sige." Lumingon ito sa staff ng boutique at ngumiti. "Salamat ha?"

"No problem, ma'am. Enjoy you're date."

Suminghap si Anika at nang sulyapan ito ni Trick nakita niyang namula ang mga pisngi nito. Nawala rin ang atensiyon nito sa paglalakad kaya muntik na ito matapilok. Mas mataas kaysa sa nakasanayan nitong sapatos ang suot nito para sa gabing 'yon. Bumuntong hininga siya at binalikan ang dalaga. Inilahad niya ang braso para rito. "Hold my arm."

Umawang ang mga labi nito at napatitig sa mukha niya bago alanganing humawak sa braso niya. Sandaling nagkatitigan sila. Suddenly, mahinang nagsalita si Anika. "Hindi ka na ba galit sa akin?" Natigilan siya. Nanlaki ang mga mata nito na para bang hindi nito intensiyon isatinig ang tanong na 'yon. Kumurap ito at iniwas ang tingin. "Ano... tara na." Hinila siya nito palakad at hinayaan niya ito.

Nakasakay na sila sa kotse niya nang hindi nakatiis si Trick at nagsalita, "Gusto kong manatiling galit sa'yo." Nilingon niya ito at nagtama ang kanilang mga mata. "But I can't. Sa nakaraang dalawang linggo wala kang ginawang dapat na ikagalit ko. You are a fast learner and you are passionate with everything you do. Kahit sa pagtitimpla ng kape."

Ngumiti si Anika. Napahugot siya ng malalim na paghinga at binuhay ang makina ng sasakyan niya. "Still, hindi ko pa rin gusto ang naging pagsulpot mo sa buhay namin. I still don't approve your feelings with my father. At kapag may ginawa ka na makakasakit sa damdamin ng nanay ko, mananagot ka sa akin."

Umaandar na ang kotse nararamdaman pa rin niya ang pagtitig nito sa kaniya. Mahabang katahimikan ang namayani bago ito mahinang nagsalita, "Sinusubukan ko naman alisin ang nararamdaman ko para sa kaniya. Alam ko na walang mapupuntahan ang damdamin ko. Alam ko 'yon simula nang una kong malaman na may asawa't anak na siya. Sumama ako sa kaniya sa maynila hindi dahil umaasa akong masusuklian niya ang feelings ko. Sumama ako kasi gusto kong mabago ang buhay ko at ang buhay ng pamilya ko. Kasi mas maraming oportunidad dito kaysa sa isla kung saan ako ipinanganak at lumaki."

Sinulyapan ni Trick ang dalaga. Tipid itong ngumiti, halos masuyo. "Wala kayong dapat ipagalala ng mama mo. Mahal siya ng papa mo."

Mariing tumikom ang bibig niya at ibinalik sa daan ang atensiyon. Humigpit ang hawak niya sa manibela nang may isang ideya ang naglaro sa isip niya kahit na ayaw niya. Na hindi siya bothered sa feelings ng Papa niya. He's more bothered and frustrated that Anika is in love with his father. Kung bakit ganoon ang pakiramdam niya, ayaw niyang pakaisipin pa.

HUMIGPIT ang kapit ni Anika sa braso ni Trick nang pumasok sila sa Visperas Hotel. Marami ng tao nang dumating sila. Akala niya kanina masyadong magarbo ang gown na suot niya. Ang simple pa pala 'non kompara sa suot ng karamihan sa mga babaeng bisita roon.

"Para saan ang party na 'to?" bulong niya sa binata.

Ipinilig nito ang ulo palapit sa kaniya habang iginagala ang tingin sa paligid na parang may hinahanap. "Do you see that woman in red?"

Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito. Isang magandang babae ang nakita niyang nakapula. May katabi itong matangkad at guwapong lalaki. "Nakikita ko siya."

"She's Janine Visperas. Para sa kaniya ang party na ito. Tonight she will officially become the CEO of Visperas Hotel. Come on, let's greet her."

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 27.8K 24
Mula Japan, kinailangan ni kees na pumunta sa korea para hanapin ang "tumakas" niyang pamangkin. Tumakas si Nikita noong gabi pagkatapos ng engagemen...
2M 25K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
221K 10.4K 23
Ria lived a monotonous life. Sawang-sawa na siya sa pagmamanipula ng mga makapangyarihang magulang niya. All her life, ang mga ito ang nasusunod kung...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...