YOU'RE THE GREATEST GIFT [COM...

Af Itsquantiara

81.4K 3.2K 770

"YOU'RE THE GREATEST GIFT" "Bakit naman ako magkakagusto d'yan eh tingnan n'yo nga... Baduy!" Eh papaano nga... Mere

-INTODUCTION-
NAMES & SHORT NOTE!!
UPDATE
.....
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (Repeat)
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11- KNOWING YOU I
CHAPTER 12- KNOWING YOU II
CHAPTER 13- KNOWING YOU III
CHAPTER 14- KNOWING YOU IV
CHAPTER 15
CHAPTER 16 - 1ST WARNING
CHAPTER 17- 2ND WARNING
CHAPTER 18- 3RD WARNING
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31 - THE PAYBACK I
CHAPTER 32- THE PAYBACK II
CHAPTER 33- THE PAYBACK III
CHAPTER 34- THE PAYBACK IV
CHAPTER 35- THE PAYBACK V
CHAPTER 36- THE PAYBACK VI
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
BREAKNEWS
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
-UPDATE-
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 70
SPECIAL NOTE
CHAPTER 71- THE PAYBACK VII
CHAPTER 72- THE PAYBACK VIII
CHAPTER 73- THE PAYBACK VIII
CHAPTER 74- THE PAYBACK IX
CHAPTER 75- THE FINAL PAYBACK
CHAPTER 76- THE FINAL PAYBACK.
CHAPTER 77- THE FINAL PAYBACK
CHAPTER 78- [THEY ARE PAID]
CHAPTER 79- NEAR TO END
CHAPTER 80- NEAR TO END
CHAPTER 81- NEAR TO END
CHAPTER 82- NEAR TO END
CHAPTER 83 - GRADUATION (END)
CHARACTERS
AUTHOR'S NOTE
SEASON 2!

CHAPTER 69

541 22 3
Af Itsquantiara

CASSY'S POV.

Agad kong inihiga ang katawan ko sa kama. Kita ko pa ang pagpasok ni Scyle sa C.R. Hindi ko nalang pinansin at agad kong hinubad ang jacket ko. Nakasando nalang ako kaya medyo malamig na sa pakiramdam. Nahihilo ako ng kaunti kaya hindi na ako tumayo para hubarin ang sapatos ko. Pwersahan ko iyong tinanggal gamit ang magkabilang paa ko.

Anak ng... Ang init parin!

Naalala kong nagshorts ako kanina. Inisip ko pa muna kung huhubarin ko ba ang pantalon ko. Sinilp ko pa ang pinto ng C.R.

Hindi naman yata magagalit 'yon, ang init kaya!

Agad ko ng hinubad ang pantalon ko. Ng lumamig na ang pakiramdam ko ay agad na akong pumikit. Napakapresko sa pakiramdam. Ngayon ko lang nagawa ang magsuot ng maiksing damit, kahit sa pagtulog kase ay naka pajama ako.

"Hoy babae!" napabalikwas ako ng bangon ng biglang sumigaw si Scyle.

Hayss.. Ang init init eh.

"Ahehe, mainit eh." sambit ko, kunot noo parin s'yang nakatingin sakin.

"Magkumot ka." aniya sabay upo sa kabilang gilid ng kama.

Siraulo.. Sinabi ng mainit eh.

"Mainit nga eh!" inis na sambit ko, hindi s'ya sumagot agad s'yang tumabi sa akin isiniksik ang ulo n'ya sa leeg ko.

"Ayokong makikita kang nakaganyan hangga't hindi pa kita asawa, sige na matulog ka na." sambit n'ya, hindi ko maiwasang mapangiti, humarap ako sa kan'ya at tsaka s'ya niyakap.

"May tiwala naman kase ako sayo." sambit ko, ngumiti naman s'ya, "Matutulog na ako." dagdag ko sabay pikit.

Binalot naman ako ng kilit ng bigla n'ya yakapin ang bewang ko at tsaka idiin ako sa kawatan n'ya. Napadilat ako at agad na nagtama ang paningin namin.

"Goodnight kiss muna?" nakangising aniya, ngumiwi ako at tsaka s'ya dinampian ng halik.

"Ayan, matulog na tayo." sambit ko at tsaka niyakap s'ya sabay pikit ng mga mata ko, ngunit mas diniinan n'ya pa ang pagkakayakap sakin.

"Wala pa akong goodnight kiss sayo." seryosong aniya, napangiwi nalang ako at tsaka ngumuso, hinihintay kong dampian n'ya ng saglit na halik ang labi ko ngunit hindi n'ya ginawa.

"Dali na." inis na sambit ko,

Agad naman n'yang dinampian iyon ng halik ngunit ang pagkatarantado na naman n'ya ang umiral. Sinakop n'ya ang buong labi ko.

Sobra-sobra ang pananabik ng lalaking 'to, lagot na...

Dahan-dahan at puno ng pagrespeto ang halik n'ya ngunit rmdam mo parin ang diin at pananabik. Nagulat pa ako ng hawakan n'ya ang hita ko, hindi s'ya nagpatinag at pinagpatuloy ang ginagawa.

Abaaa... Ibang level na 'to ah?

Nasa ibabaw ng ulo ko ang ulo n'ya ngunit nananatiling nasa gilid ko ang katawan n'ya. Nakakulong ang katawan ko sa mga bisig at braso n'ya.

"Alam mo bang nakatabi at nayakap kita noong isang araw? Binuhat pa nga kita papunta sa higaan mo." saad n'ya, nangunot ang noo kong inalala ang sinasabi n'ya.

Noong araw na nagising ako sa kama ko bagaman ang alam ko ay sa sofa ako natulog...

"Bakit hindi mo ako ginising?"

"Pagod ka eh, ayos na sakin yung nakatabi kita."

Tugon n'ya, napangiti naman ako.

"Eh si Kaera? Bakit umeksena 'yon?" inis na tanong ko, napalunok naman s'ya.

"Sorry babe, akala ko kase kailangan na talaga kitang kalimutan, pero hindi ko kaya." tugon n'ya, agad kong pinunasan ang mga luha na nagbabadyang tumulo mula sa mga mata n'ya.

"Mahal mo ako?" tanong ko, agad naman s'yang tumango.

"Sobra pa sa sobra, natatakot akong iwan mo ako, ayokong iwan mo 'ko babe, hindi ko na kayang magmahal ng iba, babe 'wag mo na akong iiwan." saad n'ya, agad ko s'yang niyakap.

"Hindi kita iiwan, hinding-hindi." sambit ko, bumawi s'ya ng yakap.

Umayos s'ya ng pagkakahiga, inihilig ko naman ang ulo ko sa dibdib n'ya. Sa posisyon na iyon ay nagawa kong ipikit ang mga mata ko. Napakakomportable ko sa tabi n'ya, kahit siguro anong sakit ang nararamdaman ko ay magagawa ko paring mahimbing sa tabi n'ya..

K    I    N    A    B    U    K    A    S    A    N

Nagising ako ng tulog parin si Scyle. Iniangat ko ang ulo ko at tsaka pinagmasdana ng perpekto n'yang mukha. Kahit na natutulog ay napaka-amo parin ng mukha n'ya. Kaya kong tumagal ng isang buong araw ng nakatitig lang sa kan'ya. Napapangiti pa akong inililibot ang paningin sa iba't-ibang parte ng mukha n'ya.

Boyfriend ko ba talaga 'to? Napaka swerte ko naman yata..

Tatayo na sana ako ng bigla s'yang humarap sa akin at tsaka dumilat. Nangunot naman ang noo ko habang pinagmamasdan s'ya.

"Ang gwapo ko 'no?" nakangiting tanong n'ya, natatawa nalang akong napasinghal.

"Tumayo ka na d'yan, kakain na tayo."

"Hindi ako gwapo?" dismayadong tanong n'ya,

"Gwapo ka." tugon ko na agad naman n'yang ikinangiti.

Parang timang amp...

Tumayo na rin s'ya at tsaka iniligpit ang higaan. Dumiretso ako sa banyo ppara maligo at magsepilyo. Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga nangyayari. Binilisan ko na ang pagligo at tsaka ako humarap sa salamin. Natitigan ko pa ang sarili ko.

Ilang linggo na ba akong hindi nakakaharap sa salamin?

Sa mga nagdaang araw ay nakayuko akong maligo. Isinasabay ko na ang pagsesepilyo sa pagligo dahil pakiramdam ko ay hindi ko na kayang magtagal ng nakatayo.

Patuloy kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Gumaganda ang katawan ko, aaminin kong gusto ko ang katawan ko ngayon. Ang balat ko naman ay animo'y ayaw na ayaw sa sugat, sa oras na magalusan ako ay naghihilom agad iyon, hindi aabutin ng dalawang araw bago gumaling.

Natapos ako sa pagsesepilyo. Ng buksan ko ang pinto ay nakatayo na doon si Scyle habang nakasabit ang tuwalya sa batok n'ya.

"Ang tagal mo." reklamo n'ya, ngumiwi nalang ako at tsaka nagpatuloy sa paglabas.

Pumasok na s'ya sa banyo. Ako naman ay naghahanap ng pupwedeng maisuot.

Bakit pa ba ako maghahanap? Eh palagi naman akong naka jeans?

Napangiwi ako sa naisip. Agad kong kinuha ang black jeans at oversize tshirt. Mamaya ay babalik narin kami sa condo hotel kaya ayos lang kung hindi ganoon kaganda ang isusuot ko.

Sinuklay ko ang buhok ko at hinayaang matuyo. Lumanghap pa muna ako ng sariwang hangin mula sa bintana. Dinig ko na ang pagbukas ng pinto ng banyo, nilasap ko pa muna ang malamig na hangin bago ko nilingon si Scyle.

"Hala ka!" naitakip ko ang dalawa kong kamay sa mga mata ko at tsaka tumalikod.

Naka tapis lang s'ya ng tuwalya, ang inaasahan ko ay nakaroba s'ya! Tinanggal ko ang mga kamay ko mula sa pagkakatakip at tsaka ko nalang itinuon ang paningin ko sa paligid na natatanaw ko mula sa bintana.

"Ang arte mo, eh pinagnanasaan mo rin naman 'tong abs ko." kampanteng aniya, nangunot naman ang noo ko at tsaka nilingon s'ya.

Sa mukha ka tumingin Cashannea, sa mukha...

"Hindi ah, lamunin mo 'yang abs mong invisible!" singhal ko, ngumisi lang s'ya, agaran naman ang paglunok ako ng maglakad s'ya papalapit sakin, basa pa ang buhok n'ya, tumutulo pa ang tubig mula sa buhok papunta sa katawan n'ya!

Kalma... Kumalma ka Cassy...

"Ano 'ka mo? Invisible?" nakangising tanong n'ya, napa-atras ako kahit na wala na akong maiaatras pa.

"M-Magbihis ka na." seryosong sambit ko ngunit hindi parin napigilan ang mautal, mas lumapit pa s'ya sa akin, inilapat n'ya ang kamay sa magkabilang gilid ko at tsaka ikinulong ako sa mga braso n'ya.

"Tell me, I'm so hot, right babe?" nakangising tanong n'ya,

"Y-Yes babe." utal na tugon ko habang paulit-ulit ko ng ipinagdadasal na sana ay walang gawing katarantaduhan 'tong lalaking 'to.

"Nakikita mo 'tong katawan ko?" tanong n'ya, wala sa sarili naman akong napatango, "Sayo lang 'to." nakangising dagdag n'ya, hindi ko na naman naiwasan ang mapalunok.

"M-Magbihis ka na babe, g-gutom na 'ko." utal parin na sambit ko, pilit na humahanap ng tyempo kung papaano makakatakas sa mga braso n'ya.

Kung pwede ko lang sapakin 'to eh!

"Gusto mo ng kumain?" nakangising tanong n'ya, agad akong tumango ngunit tsaka ko lang naintindihan ang ibig n'yang sabihin ng bigla n'yang ilabas ang pamatay n'yang ngiti, "Ako rin gusto ko." kagat labing aniya, nangunot naman ang noo ko at agad s'yang itinulak ngunit nagulat ako ng hindi man lang s'ya naalis sa pwesto n'ya.

Aba lumalakas 'to ah?

"Scyle Jacob! Umalis ka d'yan kung ayaw mong sipain kita." banta ko sa kan'ya, mas lalo lang s'yang lumapit.

"Gutom ka diba Cashannea Maxine?" nakangisi paring tanong n'ya.

"Tigila mo 'ko Scyle Jacob, umalis ka d'yan nagdedelihriyo na 'ko dito." seryosong sambit ko, nakangisi parin s'yang umalis sa harap ko at naglakad papunta sa cabinet.

Sira ulong 'to.

"Tsaka mo na ako kainin kapag kasal na tayo, masyado kang nagmamadali Cashannea Maxine." pangaasar n'ya, sininghalan ko lang s'ya at tsaka ko dumiretso sa pinto, "Hoy Cashannea Maxine! Saan ka pupunta ha?" seryosong tanong n'ya.

"Kakain ako Scyle Jacob." nangaasar na sagot ko.

"Subukan mong buksan 'yan, hindi ka na makakalabas." napaatras na naman ako ng ngumisi s'ya, napapikit nalang ako sa inis at tsaka naupo sa kama.

"Napakatagal kase eh, dami pang sinasabi." inis na reklamo ko, ano mang oras ay pwede ko ng ihagis palabas ang lalaking 'to.

"May sinasabi ka Cashannea Maxine?"

"Wala Scyle Jacob!"

Nahiga nalang muna ako at tsaka pumikit. Alam kong matatagalan pa ang lalaking 'to. Kahit makipagpustahan pa ako kay tadhana, makakatulog nalang ako dito, hindi parin tapos ang lalaking 'to.

Hilik...

Hilik...

Hilik...

Hilik...

"Cashannea Maxine!"

Napabalikwas ako ng bangon ng isigaw n'ya ang pangalan ko, inis akong napatingin sa kan'ya.

Pinaninindigan mo talaga ang pagtawag sa akin gamit ang pangalan ko ha? Tingnan natin kung makakatiis ka bwahahahaha!

"Tapos ka na Scyle Jacob?" tanong ko, halatang nainis pa s'ya, agad s'yang tumalikod at dumiretso sa pinto, natatawa nalang akong sumunod.

Naglakad na kami pababa ng hagdan at nasa lamesa na ang mga kaibigan namin. Nanunukso pa ang mga tingin nila. Napailing nalang ako at tsaka kami dumiretso ni Scyle sa dalawang baaknteng upoan sa magkabilang gilid ni Forth.

"Hoy Forth, d'yan ako." sambit ni Scyle kay Forth,  napatingin naman 'to kay Scyle.

"May sinasabi ka?" pangaasar pa ni Forth,

"Ako d'yan, tabi kami ni Cashannea." inis na tugon n'ya, napapangiwi nalang na lumipat si Forth sa kabila.

"Mukhang ayos na kayo ah?" tanong ni kuya Sim, napangiti naman ako.

"Malapit na ang birthday mo bunso, ilang araw nalang." paalala ni kuya Arnel, para naman akong nabuhayan dahil sa nalalapit ko na ngang kaarawan.

"Yieee the debutant." kinikilig pang sambit ni Hyemi.

Nagpatuloy kami sa pagkain, mukhang ayos naman na si Roxanne at Athena. Hindi mo na sila kakikitaan ng takot, hindi narin siguro nila inisip ang nangyari kagabi. Mas mabuti na rin 'yon.

"Paabot nga no'n Scyle Jacob." pangaasar ko kay Scyle, masama na ang tingin n'ya sa akin at tsaka inabot ang carbonara.

"Ayan na Cashannea Maxine." pangaasar rin n'ya, natatawa nalang akong napasinghal.

"Ganda ng endearment ah? Sobrang unique grabe." pangaasar din ni Berton,

"Hindi na babe  ang endearment n'yo?" tanong ni Roxanne,

"Ewan ko kay Scyle Jacob." kibit balikat na tugon ko, mas sumama naman ang tingin sa akin ni Scyle.

"Ayoko na nun, babe na ulit." seryoso at nakabusangot na aniya, natawa ako at tsaka sumubo ng carbonara, "Babe?" muling tawag n'ya, hindi ko parin s'ya nilingon, "Baby?" sumunod na sabi n'ya, hindi parin ako nagpatinag, "Cashannea Maxine!" agad ko s'yang nilingon.

"Yes Scyle Jacob?" tugon ko, natutuwa akong asarin s'ya ngayon, at mukhang nagtatagumpay naman ako.

Nagtatawanan lang ang mga kasama namin habang si Scyle ay nakabusangot habang sumusubo ng pasta. Hindi ako matigil sa paghagikhik habang sumusubo ng carbonara.

Natapos kami sa pagkain at tsaka muna kami nagpahinga. Iniligpit na ng mga kasambahay nila Athena ang pinagkainan naming lahat. Tinitigan ko ang mga kasambahay nila.

Namiss ko tuloy si Nanay Beth...

Nagpaalam muna ako na magpupunta ako sa pool area. Tumango naman sila kaya naglakad ako. Pansin kong sumunod sa akin si Scyle kaya hindi ko na naman maiwasan ang mapangisi.

Nakarating ako sa lamesa na inukopa namin kagabi. Naupo ako doon at tsaka pinagmasdan ang buong area. Natanaw ko na si Scyle habang parang batang nagmamaktol papalapit sa akin.

"Babe!" inis na sigaw n'ya, natatawa naman akong lumingon sa kan'ya.

"Ano?" natatawang tugon ko, inis naman s'yang tumabi sa akin at tsaka ako hinarap.

"Babe na ulit, tawagin mo na ulit akong babe." nakabusangot na aniya,

"Akala ko ba Cashannea Maxine ang tawag mo sakin?" pangaasar ko pa, mas lalong bumusangot ang mukha n'ya.

Ang gwapo parin hahaha.

"Huwag na nga 'yon, babe na ulit wag ka ng makulit." seryosong aniya, napangiwi nalang ako at tsaka nagiwas ng tingin.

"Edi babe." tugon ko, hindi parin nawala ang masamang timpla ng mukha n'ya.

"Tawagin mo 'ko." seryosong utos n'ya,

"Scyle Jacob?"

"Babe!"

"Oh?"

Mas lalo s'yang naasar, natatawa naman akong nakatitig sa kan'ya. Nagiwas s'ya ng tingin na para bang naubosan na ng pasensya.

"Joke lang babe." tawag ko sa kan'ya, ang kaninang naiinis ay biglang napangisi.

Sira ulo nga talaga...

"Balik na tayo sa loob babe." aniya, tumango nalang ako at tsaka sumunod sa kan'ya.

Ng makapasok kami ay nakahanda na ang gamit namin, maging ang mga bag namin ni Scyle ay nandoon na. Binuhat na 'yon ng driver at ng Villeheart. Agad nalang rin kaming sumunod sa kanila.

"Perfect yung birthday celebration ko, masaya na, may thrill pa." natatawang samnit ni Athena, natawa naman ang lahat.

Nagsisakay na kami sa mini bus, agad narin naman iyong pinaandar. Sa kalagitnaan ng byahe ay naisip ko na naman si Lithor. Lalo na ng oras na makuha n'ya si Athena at Roxanne, marami akong nasabi ng abangan ko s'ya sa labas.

=FLASHBACK=
_______________________________

Ng makalagan ko si Roxanne at Athena ay agad na akong lumabas. Alam ko na ang pasikot-sikot ng mga plano ni Lithor. Isa na doon ay ang pagtakas sa lahat ng gulo na pinapasukan n'ya.

Dumaan ako sa likurang bahagi ng bodega. Saktong sa gilid ng bodega ang daan n'ya. Agad ko s'yang tinakbo at pinatid ang paa n'ya. Bumagsak s'ya sa lupa kaya agad ko s'yang inapakan sa dibdib n'ya.

"Kailan ka ba titigil? Kapag patay ka na?" seryosong tanong ko, ng tangkain n'yang umalis mula sa pagkakaapak ko agad ko s'yang tinutkan ng baril, "Masyado kang malikot." seryosong dagdag ko, agad n'yang naisuko ang dalawa n'yang kamay, ng tangkain n'yang agawin ang baril ay sinipa ko ang kamay n'ya.

Itinayo ko s'ya at tsaka ko pwersahang isinandal sa pader. Sinapak ko s'ya ng dalawang beses sa magkabilang pisngi at tsaka ko s'ya tinuhod sa tiyan.

"Hindi lang 'yan ang kaya kong gawin hahaha!" mala demonyong pagtawa n'ya, mas lalo pa akong nagliyab kaya kinuha ko ang braso n'ya at sa walang ano-ano'y binali ko iyon.

"AAAAAAHHHH!!!" hindi magkandamayaw na sigaw n'ya, binitawan ko ang braso n'ya at tsaka ko s'ya kinwelyuhan.

"Hindi lang din 'yan ang kaya kong gawin Lithor, isang beses pa na may saktan ka ni isa sa mga taong mahalaga sakin, ako mismo ang bubutas sa ulo mo." seryosong banta ko, siniko ko s'ya sa batok dahilan para mapadapa s'ya sa lupa.

Hindi na ako nagtagal at tinanaw ko ang mga kaibigan ko, nandoon na rin si Shawn at Drake.

__________________________________

=END OF FLASHBACK=

Ngunit may kaisa-isang bagay akong pinagtataka. Kung sino ang mga lalaking kasama ni Scyle. Kung bakit parang magkakilalang-magkakilala sila. Kung bakit ganoon nalang ang tapang ni Scyle habang kaharap si Lithor. Nilingon ko si Scyle at tsaka ko pinagmasdan ang mukha n'ya.

Sana lang ay wala kang inililihim sa 'kin...

DON'T FORGET TO COMMENT AND VOOTEE!!❤

=============================

YTGG 2019, QUANTIARA.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

107K 436 5
(UNDER REVISION) Hater to Lover? Pasong-paso na ang kataga na 'yan sa mundo ng Wattpad, subalit pilit pa ring binabalikan ng mga mambabasa dahil sa h...
38.8K 1.9K 9
THE 3RD BOOK - To break is to grow, and to grow is to move forward. Kailangan ba talaga sa buhay na pagdaan ang lubak-lubak at puno ng pasakit na daa...
267K 728 1
"The language of friendship is not words but meanings." -Henry David Thoreau- "The only way to have a friend is to be one." -Ralph Waldo Emerson-
179K 2.9K 49
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...