CHAPTER 64

455 20 3
                                    

SCYLE'S POV.

Ng makalabas si Athena ay agad kong hinalikan ang noo ni Cassy. Sobra-sobra akong nananabik sa kan'ya. Sa bawat araw na umiiyak s'ya ay gusto ko naring maiyak. Sobrang tigas ko nga siguro kung iisipin pero nasaktan lang rin ako at natatakot sa maaaring eksplanasyon ni Cashannea.

"Miss na miss na kita babe.." hindi ko na napigilan ang mga luha ko, alam kong ako nalang ang magpapagaan ng loob n'ya ngunit nawala pa ako, gusto ko ng bumalik pero paano.

Isinandal ko ang ulo ko sa ulo n'ya, bahagya pa s'yang gumalaw at umungol na animo'y nananaginip. Napangiti naman akong pinagmasdan ang mukha n'ya. Miss ko na ang ganito kalapit naming mga mukha. Siguro nga ay ganoon nalang ang pagod n'ya kaya kahit anong gawin kong paggalaw ay hindi s'ya nagigising.

"Alam kong miss na miss mo narin ako..." sambit ko habang nakatingin sa mga bituin, hindi ko parin naitigil ang pagiyak ko, "Gustong-gusto ko ng bumalik sayo babe..." agad kong pinunasan ang luha ko at tsaka ngumiti, "Miss ko na yung mga tawa mo, ang ganda-ganda mo kapag nakangiti at tumatawa ka..." hindi ko na naman napigilan ang maluha, alam kong ako ang puno't-dulo kung bakit ganito kamiserable ang nangyari sa kan'ya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin s'ya. Parang ilang taon kong hindi nagawa 'yon. Isang buwan na simula ng maging kami. Hindi ko alam na ganito pala kabilis matatapos. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung papaano lalapit sa kan'ya. Dati pa man ay gusto ko ng marinig ang paliwanag n'ya pero mas nangibabaw sa akin ang galit, kabobohan ang umiral sa akin, napakabobo ko.

Ako pa talaga ang nakipaghiwalay sa 'yo no? Napaka sira ulo ko para pakawalan ka, ngayon ko lang nalaman kung gaano ako kagago dahil sa ginawa ko...

"Babe, anong gagawin ko para bumalik ka ulit sakin?" wala sa sariling tanong ko, humugot nalang ako ng malalim na hininga.

Dahan-dahan kong binuhat si Cashannea para dalhin sa kama n'ya, kinumutan ko s'ya at tsaka ako naupo sa tabi n'ya. Hinalikan ko s'ya sa noo at tsaka s'ya pinagmasdan.

"Mahal na mahal kita babe, hindi na mababago 'yon..." sambit ko at tsaka dinampian ng halik ang labi n'ya.

Hindi narin ako nagtagal, binuksan ko ang pinto ng nakatanaw parin sa kan'ya. Lumabas ako ng nakangiti ngunit dala ko parin ang katotohanang tinapos ko na ang lahat at ngayon ay hindi ko na alam kung paano pa ibabalik. Ngayon ay sobrang nagsisisi na ako. Ilang araw palang simula ng maghiwalay kami ay parang hindi ko na kaya. Nahihirapan na ako.

Dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga. Simula bukas ay aayusin ko na lahat. Hindi ko man alam kung saan magsisimula, ang mahalaga ay nalaman ko na ang tama.

Hindi ko pala talaga kayang malayo sayo Cashannea...

Sa sobrang pagiisip-isip ay hindi ko narin namalayan na nakatulog na pala ako...

K    I    N    A    B    U    K    A    S    A    N

Nasisilaw na ako ng liwanag kaya iminulat ko na ang mga mata ko. Agad na akong naligo, walang kabuhay-buhay parin akong pumasok sa banyo. Iilang araw na akong ganito ka blanko. Pagkatapos kong maligo ay nagpunta ako sa lababo para magtoothbrush at maging sa pagharap sa salamin ay kinaiinisan ko na ang sarili ko.

"Alam mo Scyle? Gwapo kang nilalang eh.." pagkausap ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin, "Kaso bobo ka... Ang gago mo, I hate you." marahas ang pagsesepilyo ko habang masama ang tingin sa sarili habang nakaharap sa salamin, "Isa kang malaking simbolo ng kabobohan." sambit ko, tinapunan ko pa muna ng masamang tingin ang sarili ko bago ako tumigil sa pagse-sepilyo.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Where stories live. Discover now