CHAPTER 38

836 27 2
                                    

AUTHOR'S NOTE:

I'm only 16 years old pero matured na ang content ko, natututunan ko lang 'yon sa mga at libro at ibang teleserye! Hahaha!

Pero ang patayan, bugbogan at saksakan ay natutonan ko sa totoong buhay (• ___<)

WARNING! may landian na magaganap dito hahaha! Hoy Cassy and Scyle! My eyes! *tinakpan ang mata*


CASSY'S POV.

Nagising ako ng tulog ang lahat, wala ang mga magulang ko, maging ang iba pa. Villeheart lang at ang mga kaibigan ko ang narito. Ng ilibot ko ang paningin ay nahagip ng paningin ko si Scyle na mahimbing ang pagkakatulog habang nakaupo sa upoan na nasa gilid ng hospital bed ko.

"Babe.... Scyle.." paggising ko sa kan'ya, maimulat ang mga mata n'ya ay napangiti agad s'yang napatingin sa akin,

"Babe, gising ka na." aniya pa habang pinupunasan ang mata, niyakap n'ya ako at tsaka inihilig ang ulo n'ya sa tiyan ko habang diretsong nakatingin sa akin, napakagwapo ng mga ngiti n'ya.

"Kapag sa isang piltik ko ay gumising silang lahat, ibig sabihin no'n ay sinasagot na kita." napaangat s'ya sa sinabi ko, ngunit agad ding napasinghal,

"Tsh! Imposible 'yan.." aniya at tsaka inihiga ulit ang ulo sa tiyan ko.

"Walang imposible sa mundo... *TLIK!!*" Ipiniltik ko ang daliri ko, hindi na ako tatanggi kung totoo ngang gumising sila.

Ngunit nabibigla parin akong napatingin ng biglang maginat ang ikatlong lahi, ang dalawang pares ng love birds na sina Rox, Shawn, Athena at Drake nan ay nagsimulat din, ang Villeheart ay nagiinat habang kinukusot ang mga mata.

Ng ibaling ko ang tingin kay Scyle ay napakalaki na ng ngisi n'ya,

"You're mine now baby." nakangising sambit ni Scyle habang paulit-ulit pa sa pagtaas ang kilay at kagat ang ibabang labi. Bagaman hindi ko pinagsisisihan ay napapikit ako dahil hindi ko inaakalang sasangayon sa akin ang tadhana!

Aaacckkk!!! EeeEeeehhhh!!

"Kami naaaaa!!!" napaigyad naman ako sa gulat ng biglang sumigaw si Scyle, dahilan para nabibiglang napatingin sa akin ang lahat maging kay Scyle!

"B-Bunsoy... Totoo ba 'yon?" nakangiti at nagugulat na tanong ni kuya Sim, pasinghal naman akong napangiti at tumango.

"Omg! Congraaaaats!" napatalon si Athena sa kama at masayang lumapit sa akin!

"Wow ha, sa hospital talaga ang place to remember?" nakangising anas ni Forth,

"Paano ba 'yan kuya Arnel, first boyfriend ni Cassy oh, hindi ba natin bibinyagan 'to?" pabirong tanong ni kuya Jake kay kuya Arnel, napangisi naman si kuya,

"Iingatan mo ang bunsoy namin, dahil ibibitay kita kapag nalaman kong sinaktan mo 'yan..." banta pa ni kuya, natawa naman kami at paulit-ulit sa pagtango si Scyle.

"Hinding-hindi ko sasaktan ang first girlfriend ko." nabigla naman ako sa sinabi n'ya,

Ako din ang una n'ya?

"Woow naman, first and first." pangaasar ni Roxanne, napangisi naman ako.

"Anong date ngayon??" tanong ni Romnick,

"October 28!" tugon ni ate Rocee, nagulat pa ako ng mapangiti si kuya Arnel,

"Ngayon ang anibersaryo ng Villeheart at Latitude 1990, napaka swerte ng petsang 'to." biglang sambit ni kuya Arnel, napangiti naman ako at tsaka tiningnan si Scyle.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن