CHAPTER 75- THE FINAL PAYBACK

748 21 2
                                    

CASHANNEA'S POV.

Nakabalik kami sa hotel ni kuya. Okupado parin ang isip ko. Alas dos na ng hapon ng makabalik kami sa restawran. Dumiretso kami sa lamesa kung saan naroon ang mga kasama namin.

Pinagmasdan ko pa muna sila. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Terso, na kasama namin ang pinaka-makapangyarihang tao, hindi man literal na may kapangyarihan ngunit batid kong malakas ito.

Alam ko na ang abilidad ng Villeheart. Magagaling sila ngunit malayong isa sa kanila ang taong 'yon. Ng mailipat ko ang paningin ko sa combats ay inisa-isa ko sila ng tingin habang dahan-dahang nauupo sa harap nila.

"Ano na naman 'yang tingin na 'yan Cashang? Nagka-amnesia ka te?" nakakalokong tanong ni Forth,

"Kung makatingin akala mo ay nagka-utang tayo." nakangiwing sambit rin ni Berton na bahagya pang itinutulak si Romnick,

"Akala mo ay nagkasala rin tayo, nakakaloka."

"Stop staring at me Cashang, baka isipin kong tomboy ka at naiinlove ka na sa beking gaya ko." malandi pang sambit ni James, napangiwi nalang ako at tsaka nagiwas ng tingin,

'Imposibleng isa sa kanila ang taong tinutukoy ni Terso, Pss.'

"Pati ba naman kami bessywap? Anong tingin ba 'yan?" tanong ni Athena ng ibaling ko sa kanila ang paningin ko,

"Pati ba naman kami bessywap? Anong tingin ba 'yan?" tanong ni Athena ng ibaling ko sa kanila ang paningin ko,

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

Maging sa kanila ay hindi ko nahahalata iyon. Halos maubosan na ako ng pag-asang malaman kung sino 'yon, inilibot ko pa ang paningin ko at agad ko namang napansin na wala si Scyle.

'Galit nga pala sakin 'yon! Aiisshhh!!'

"Mauna na ako sa taas." paalam ko,

"Dapat lang, kanina pa hindi makausap ng matino si Scyle." pananakot pa ni Drake,

Agad na akong umakyat. Ng makarating sa harap ng unit ni Scyle ay dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Naguunahan sa pagdaloy ang dugo ko. Gusto kong umatras dahil alam kong masama na talaga ang timpla ng sistema n'ya lalo na't hindi ko kaagad s'ya nasundan kanina.

'Anong gagawin ko? Pss!'

Ng pihitin ko ang door knob ay napangiti ako ng malamang hindi naka-lock 'yon. Dahan-dahan akong pumasok at tsaka isinara ang pinto. Nakabukas ang lamp shade kaya tanaw ko parin ang kwarto kahit papaano.

Napapalunok akong nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ko s'ya hahanapin, pagpasok palang kase sa pinto ay kwarto na agad ang bubungad sayo.

"Anong ginagawa mo dito?"

Halos mapabalikwas ako sa pag-atras ng magsalita si Scyle mula sa likod ko. Gulat pa akong napatitig sa kan'ya at tsaka napalunok.

"S-Sorry." tanging naisambit ko,

"Saan?"

"Kanina."

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ