CHAPTER 54

458 20 2
                                    

SCYLE'S POV.

Ang sakit makita yung taong mahal mo na mas pinili ang iba kesa sayo. Para akong unti-unting dinudurog ngayon, pilit tinatanong kung anong ibig sabihin ng pagsama n'ya sa lalaking 'yon. Kung tutuosin ay pareho lang naman kami ng biniling tubig ni Brandel, dahil ba talaga kay Brandel kaya n'ya mas nilapitan 'yon?

Mahal mo parin ba talaga ako Cashannea?

Nagmaneho ako papunta sa town site. Nanatili akong nakaupo sa sementong upoan doon. Tinanaw ko ang buong tanawin, mga bundok at malayong dagat. Pinapagaan ng sariwang hangin ang nararamdaman ko.

"Minsan kailangan mo ding tanggapin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay panalo ka."

Nagtaka ako sa biglang pagsasalita ng kung sino mula sa likuran ko, batid kong babae s'ya. Pamilyar ang tinig n'ya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, hindi s'ya sumagot, umupo lang s'ya sa harapan ko at hinarap din ang tanawin.

"Sinasamahan kita, ayaw mo ba?" tanong n'ya.

Sa tinagal-tagal ng panahon ay ngayon ko nalang ulit s'ya nakita. S'ya ang ate ni Kaera, sobrang gusto ko noon 'tong babaeng kaharap ko.

"Kailan ka pa dumating Claufine?" tanong ko, ngumiti s'ya.

"Last last week, nauna ako sa kapatid ko, ikaw? Ano bang ginagawa mo dito?" tanong n'ya, nagiwas ako ng tingin, pakiramdam ko ay maluluha na naman ako.

"Wala, pwede mo na akong iwan magisa." tugon ko, natawa s'ya kaya kunot-noo akong tumingin sa kan'ya.

"You're still bitter, Scyle. Wala namang masama na magkasama tayo, unless..."

"Ano?"

"May gusto ka pa sakin.."

"No way." agad na sambit ko, nginiwian ko lang s'ya at agad akong tumayo.

"Hey wait, hindi pa nga tayo tapos mag-usap." aniya, nilingon ko s'ya, malapit na akong mapuno sa kakulitan n'ya.

"Ano bang dapat nating pag-usapan?" tanong ko, kunot-noo at naiinis.

"Pansin kong napapalapit si Cassy kay Brandel, wala ka man lang bang gagawin?" tanong ni Claufine, mas bumusangot ang mukha ko, hinarap ko s'ya ng seryoso.

"May tiwala ako sa girlfriend ko, at isa pa, paano mo s'ya nakilala?" seryosong tanong ko, napamaang s'ya ngunit agad ding nagtaray.

"I've just heared her name a while ago." aniya, naupo nalang ako sa upoan, wala rin namang rason para bumalik pa ako do'n. "Pagtitiwala? That's bullshit, bakit ka pa kakapit sa patitiwala mo, kung harap-harapan ka n'yang ginagago." dagdag n'ya, nasaktan ako aaminin ko, parang may kung ano sa akin ang naniniwalang ginagago nalang ako ni Cashannea.

Hindi, hindi n'ya magagawa 'yon.

"Huwag mong dinudumihan ang isip ko Claufine, kung may plano kang sirain kami, pwes, hindi mo kami masisira." pangunguna ko sa kan'ya, tumayo ako at naglakad paalis ngunit pinatigil ako ng sinabi n'ya, bagaman malayo na ako ay rinig ko parin..

"Concern lang ako sayo, kung gusto mo pading magpakatanga, edi gawin mo. Basta alam mo na kung sinong sisisihin kapag nasaktan ka, 'yang pagtitiwala mo." aniya, hindi ko s'ya pinansin at agad na umalis at pumasok sa kotse ko, pinaharurot ko iyon papunta sa School. Wala akong ibang pagpipilian kundi ang harapin s'ya, hindi ako pwedeng magalit basta-basta.

Ng makarating ako sa Gymnasium ay nandoon parin sila, batid kong galing sila sa canteen dahil malaki ang tiyan ni Drake, halatang busog.

"Oh Scyle! Saan ka galing pre?" salubong ni Shawn, ngumiti lang ako.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Where stories live. Discover now