CHAPTER 57

465 23 1
                                    

CASSY'S POV.

Alas syete na ng umaga nang makaalis kami ng condo-hotel. Nagmadali na kaming makapasok, halos ang lahat ay may hung-over maliban sa amin ni Scyle na kaunti lang ang nainom kagabi.

Nauna kaming makarating sa parking lot, siguradong mahina ang pagpapatakbo ng mga kasama namin dahil sa sakit ng ulo. Wala na kaming nagawa kundi hintayin sila at mabuti nalang rin dahil sunod-sunod silang dumating.

"Ang sakit parin ng ulo ko.." reklamo ni Berton habang pababa ng sasakyan, ang iba naman ay nakahawak pa sa ulo. Natatawa kaming nagbaling ng tingin kina Drake at Shawn na animo'y dala parin ang kalasingan.

"Umayos nga kayo, tara na." natatawa kong anyaya, nagpaumuna na kaming maglakad ni Scyle,

"Mabuti nalang at hindi ako sa alak nalasing kagabi." sambit ni Scyle, napalingon ako sa kan'ya,

"Eh ano pa bang ibang nakakalasing sa mundo maliban sa alak?" tanong ko, biglang lumapad ang ngiti n'ya,

"Yung halik mo." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya, agad kong hinampas ang braso n'ya at mas nauna ako sa paglalakad dahil pansin ko ang pamumula ko,

"Uuyy babe namumula yung pisngi..." pangaasar n'ya,

"Hindi ako namumula."

"Weeh patingin nga?"

"Bahala ka." mas binilisan ko pa ang paglalakad ko, mapupuno lang ako ng pangaasar ng lalaking 'to.

Agad akong naglakad sa hallway ng mythical garden, nakapamulsa pa ako habang nakayuko dahil nandoon na naman ang bulongan ng mga estudyante patungkol sa ginanap na Miss Campus Queen. Masaya ako dahil panay papuri ang naririnig ko.

"Goodmorning our Campus Queen.." nakakalokong bati sa akin ni Yalrine,

"Goodmorning." walang emosyon na bati ko,

"Hindi ko ma sink-in na ikaw ang nanalo, hindi kaya... ginayuma mo ang judges?" tanong n'ya, gusto kong matawa dahil sa sobrang kitid ng utak n'ya.

"Seryoso ka?" tanong ko, agad namang tumaas ang kilay n'ya,

"Malay mo, kung paano mo na akit si Scyle ay ganoon din ang ginawa mo sa judges.." aniya habang tumataas pa ang isang kilay habang inilalabas ang mala demonya n'yang ngiti.

"Kung ganoon ay si Scyle ang tamongin mo kung bakit s'ya nahulog sakin, baka ayon din ang dahilan kung bakit ako nanalo..." saad ko, bahagya a kong umabante para mapunta sa gilid n'ya, "At isa pa, contest 'yon ng mga babaeng karapatdapat para maging campus queen, hindi ng mga kagaya mong puro yabang lang, wala namang ibubuga." dagdag ko, tinapunan ko muna s'ya ng tingin bago ako naglakad papalayo, nasisira ang araw ko kapag kaharap ko ang nilalang na 'yon.

"Baaabeee, bakit hindi mo ako hinintay ha?" inis na tanong n'ya, tinuktokan ko s'ya noo dahilan para mangunot ang noo n'ya,

"Masyado kang mabagal, late na tayo." tugon ko, agad naman n'yang hinila ang kamay ko papatakbo at paakyat sa floor namin.

Loko 'to..

Sakto lang rin ang pagdating namin sa pagdating ni Miss Caronillo kasama si Brandel, tiningnan ko si Scyle pero hindi s'ya nakatingin do'n kaya hindi na ako umimik. Naupo ako sa upoan ko, kasunod lang rin namin ang mga kasama ko na animo'y dala parin ang kalasingan hanggang sa klase.

"Goodmorning class."

"Goodmorning Miss."

Agad kaming nagsiayos sa pagkakaupo, si Brandel naman ay naupo sa harap ko, tumingin pa muna s'ya sa akin bago umupo.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon