CHAPTER 78- [THEY ARE PAID]

494 19 10
                                    

May mga pagkakataon talaga na kahit ang bida ay mawawala sa istorya... pero hindi sa istorya ko.
----------------------------------------------------

CASSY'S POV.

Pagkatapos ng malakas na putok na iyon ng baril ay wala na akong narinig at naging madilim ang lahat dahil nakapikit ako. Pinakiramdaman ko ang ulo ko. kinapa ko ang sarili ko dahilan para magtaka ako...

'Nakakapa ko pa ang sarili ko!'

Sinubukan kong huminga ng malalim dahilan para magsalubong ang mga kilay ko...

'N-Nakakahinga pa ako!'

Gumalaw ako ng bahagya at tsaka ko iminulat ang mga mata ko...

'Buhay ako!'

Doon ko nakita na dumudugo ang kanang kamay ni Lithor na ngayon ay hawak-hawak ng kaliwang kamay n'ya. Hindi ko na maipinta ang mukha n'ya sa labis na pagkagulat at galit.

"Anak ng-- sino iyon!?" galit na galit na tanong ni Lithor,

Bahagya kong naigala ang paningin. Natanaw ko ang baril ni Lithor na malayo na ang narating at butas. Nilingon ko si Scyle sa tabi ko, ngunit gano'n nalang ang gulat ko ng makitang wala s'ya doon. Gustohin ko mang tumayo pero wala pa akong sapat na lakas. Inilibot ko ang paningin ko at umaasang makikita ko s'ya.

"Kami... ayos ba?"

Napalingon ako sa dulong gilid ng bodega. Naroon ang isang pamilyar na grupo. Sa isip ko ay pinasalamatan ko sila ng paulit-ulit. Ngunit ganoon nalang ang gulat ko ng makitang naroon si Scyle, s'ya ang nasa harapan ng mga lalaking iyon...

'Anong ginagawa n'ya d'yan?'

Muli akong napalingon sa mga kasama namin. Ang combats ay nakatingin sa akin, ang iba naman ay nanatiling tulog. Tiningnan ko si Chardette na may pinakamalalang natamo sa lahat. Maraming pasa sa braso at mukha. Gusto kong maluha sa oras na 'to, gusto ko ng makaalis dito.

"White Shadow Gang?" nagtatakang tanong ni Lithor, maging ako ay napalingon sa mga lalaki,

'Sila ang white shadow gang??'

"Kami nga." tugon ni Scyle,

*TUG DUG* *TUG DUG*

*TUG DUG* *TUG DUG*

May ala-ala ang namutawi sa isip ko. Ang isang lalaki na naglaigtas sa akin sa tulay noong minsang may makasagupa kami sa daan. Umuulan ng gabing iyon kaya hindi ko s'ya namukhaan. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala iyon.

Bigla ay nakahugot ako ng lakas. Agad kong nahila ang coat ni Lithor at tsaka s'ya tinuhod sa mukha. Umikot ako papunta sa likuran n'ya at tsaka s'ya pinurohan doon. Sinugod ko ang dalawang lalaking may hawak na baril tsaka ko sila pinuwersang payukoin dahilan para mapadapa ko sila sa pamamagitan ng pagsiko ko sa likuran nila.

Nakita ko rin kung paanong nakalaban ang mga kasama ko sa mga bata ni Lithor. Ngayon ay mas nagkaroon ako ng lakas na makakaya namin ito. Napapikit ako at humugot ng malalim na hininga bago kinalaban ang iba pang bata ni Lithor na papalapit sa akin.

Nasaksihan ko rin ang pakikipaglaban ni Yalrine at Ralph sa mga sumusugod sa kanila. Maging ang white shadow gang ay walang awat sa pakikipagbuno. Nasaksihan ko rin kung paanong patumbahin ni Scyle ang lahat ng sumusugod sa kan'ya.

"Cassy, tumalikod ka!" sigaw ni Yalrine, agad naman akong natinag at tumalikod,

Doon ay may dalawang lalaki ang papasugod sa akin. Agad kong sinipa sa gilid ng mukha ang isa dahilan para magkauntogan sila ng kasama n'ya. Tsaka ko sinapak ng dalawang beses at pinadapa. Inilagay ko ang kamay nila sa likuran dahilan para mamilipit sila sa sakit ng idiin ko iyon, rinig ko pa ang pagkabali ng buto nila dahilan para mapasigaw sila sa sakit tsaka ko malakas na inuntog ang ulo nila sa sahig, agad silang nawalan ng malay.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Where stories live. Discover now