CHAPTER 5

1.1K 53 14
                                    

CHAPTER 5

CASHANNEA'S POV.

Kinabukasan ay maaga akong bumangon para makapaghanda ng maaga. Kailangan ko ring pagpagan ang sasakyan ko, dahil malamang ay nanunuot parin sa cottons na naroon ang amoy ng suffocate bomb.

Agad akong naglinis ng katawan. Pagkatapos maligo ay dumiretso ako sa kusina, kagaya ng inaaasahan ay ganoon parin ang uri ng salo-salo. Nakasanayan ko na ngunit tila iba parin sa akin ang ganito karaming handa. Parang araw-araw ay may pyesta sa loob ng bahay.

Ganito talaga sila mommy, palaging gusto na maraming pagpipilian.

Bumaba ako sa hagdan at sumalubong sa akin ang iba pang mga kasambahay, at iyon na naman ang tingin nila na puno ng pagtataka at panunuway.

"Hey our princess? Bakit gan'yan ang suot mo?" nagtatakang tanong ni dad habang pinagmamasdan ang kabuoan ko.

Naka jeans ako, jacket at rubber shoes, ang mahabang buhok ko ay nakatali, at walang kahit anong kolorete sa mukha. Hindi pwede ang mag jeans dahil sa uri ng pamilyang mayroon kami ay hindi iyon pupwede, kami lang ata ang sumuway ng ganito dahil maski si mommy ay naka jeans minsan sa bahay.

"Dad, alam nyo naman na hindi ako comfortable sa dress, I'm irritated with those kind of clothes right?" walang gana kong sagot habang pababa ng hagdan at inaayos ang mamasa-masa ko pang buhok.

"Yeah anak, but why don't you try? Hindi ka naman makikilala kung susubukan mo." pangungumbinsi ni daddy habang isinusubo ang laman ng kutsara n'ya.

"Tsh! Kayo na nga mismo ang nagsabi na kailangan kong mag disguise, and besides, wala tayo sa korea, I can wear whatever I want, wala naman atang naligaw rito na naninirahan sa templo." nakangisi kong dagdag.

"Alright.. alright, take your sit our Princess."

"Thankyou our King."

Masaya kaming nagsalo-salo, tawanan kasama ang mga kasambahay, apat lang kaming myembro ng pamilya ko dahil hanggang doon lang ang limitasyon sa uri ng pamilyang mayroon kami.

Sa kalagitnaan ng pagsubo ay agad nangunot ang noo ko, naalala ko ang lagay ng kotse ko.

Ano na kayang amoy nun ngayon?

Naalala ko ang sagot ni Scyle sa mga tanong ko kahapon ng mangyari 'yon. Sa sagot palang n'ya ay ramdam ko na ang paghihinala sa utak ko.

'Hindi ko na obligasyon pa'ng sagutin ang tanong mo, dahil sa talino mo alam mo na kung sino-sino ang nagplano para gawin 'yan sayo, mauna na 'ko.'

Sino-sino?

Hindi ko maiwasan ang mapa buntong-hininga at tumingin sa kawalan, kinukutuban talaga ako kung sino ang may kagagawan ng kaletchehang 'yon, wala na 'kong ibang nakasagutan bukod sa kanila, walang iba kundi ang,

Bagang...

(AUTHOR: Fab Gang nga kase..)

Oh edi Fab Gang! Lintik na pangalan yan, amoy bagang...

Minadali ko ang pagkain ko, gusto kong magmadali dahil terror ang first S.T namin, ayaw ko ng malate. Gutom pa 'ko at natatakam talaga ako sa niluto ni nanay Beth, nakatitig lang ako sa mga pagkain at nagdadalawang isip kung kukuha pa ba, papikit-pikit, palunok-lunok at halos maglaway sa sobrang pagkatakam.

"Pin? Bakit di ka pa kumain, tumutulo na laway mo oh." nakangising sulpot ng kakambal ko, isinubo nya ang pagkain at nginuya ito ng pagkahinay-hinay,

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Where stories live. Discover now