CHAPTER 52

480 20 4
                                    

CASSY'S POV.

Ng maglakad palayo si Scyle ay agad akong bumalik kay Brandel, kailangan kong masabayan sa pagkain si Scyle dahil siguradong hindi iyon kakain. Binilisan ko ang lakad ko ng matapos agad ang paguusapan namin ni Brandel at makapunta agad ng canteen.

Natanaw ko si Brandel na nakatayo parin sa locker area kaya dali-dali ko s'yang pinuntahan.

"Oh bumalik ka." aniya,

"Ituloy mo ang sinasabi mo, yung tungkol sa kasal." hinihingal na sambit ko,

"Matutuloy ang kasal Cashannea, 'di ba gusto mo 'yon?" tanong n'ya, bahagya pa akong napapikit dahil hindi ko na 'yon gusto ngayon.

"May boyfriend ako, hindi pwedeng matuloy ang kasal." sambit ko,

"Hindi ako ang magdedesisyon n'yan Max, ang Greatest King at Rank 2 King lang." aniya, mas napapikit pa ako sa inis, paano ko nga ba mapipigilan iyon?

"Anong gagawin ko?" tanong ko, natawa lang s'ya,

"Hindi ko rin alam." tugon n'ya, napasandal ako sa locker, paano ko nga ba makakausap si lolo at ang Rank 2 King.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko,

"Dahil pinapunta ako ni lolo, para bantayan kayo." tugon n'ya.

Kayo?

"Kami?"

"A-Ahh, I mean ikaw, para bantayan ka." tugon n'ya, natawa nalang ako dahil hanggang ngayon ay nalilito parin s'ya.

"Napaka-laki ng pinagbago mo Den Yi." sambit ko, napangiti naman s'ya.

"Oo naman, wala ng bakas ng pagka bata." matikas na aniya, napasinghal ako.

"Meron pa, yung peklat mo sa likod, yung natamaan ko ng pana." sambit ko, bahagya pa s'yang napamaang ngunit napangiti rin.

"A-Ahh, wala na 'yon, pina.. pinatanggal ko na." aniya, nangunot naman ang noo ko.

"Remembrance ko 'yon sayo!"

"Aisshh, wag na 'yon, masyadong malaki ang remembrance mo."

Saglit pa kaming nanahimik, pilit akong humahanap ng paraan para mailihis ang plano ng lolo ko, didiktahan nila ang magiging kapalraran ko, mabuti sana kung katulad nila Mommy at Daddy na kahit pilit nilang ipakasal ay gusto naman ang isa't-isa, hays.

"Tulongan mo akong mapigilan ang kasal." pakiusap ko, napalunok pa s'ya pero agad ding nagsalita.

"Mahal kita, pero hindi na pwedeng iatras ang kasal." malungkot ang pagkakasambit n'ya, labis ko iyong ipinagtaka, bakit s'ya malungkot?

Hindi ba dapat ay tumalon pa s'ya dahil gusto n'yang ikasal kami? Mahal n'ya ako pero hindi pwedeng iatras ang kasal? Edi dapat masya s'ya dahil mahal n'ya ako at ikakasal kami? Ahhh baka malungkot s'ya dahil alam n'yang malulungkot ako kapag kinsal kami... Oo tama.

Hindi ko na ginulo pa ang isipan ko, ang kailangan kong gawin ay ihinto ang kasal para kay Scyle.

"Paano ko ihihinto ang kasal? Wala bang ibang paraan?" tanong ko, napaisip pa s'ya, gulat pa akong napatingin sa kan'ya ng makaisip s'ya ng paraan.

Hindi ba dapat malungkot s'ya? Dahil may paraan s'yang naisip para itigil ang kasal? Malungkot dapat s'ya kase maititigil ko ang kasal! Pss! Bahala na nga, nakakalito! Letse!

"Hindi ko maipapangakong matitigil ang kasal, pero kailangan mo akong makausap araw-araw, ibabalita ko sa 'yo ang takbo ng isip ni lolo." aniya, wala na akong pagpipilian, alam kong magseselos si Scyle pero ito ang tanging paraan para maitigil ko ang kasal.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon