CHAPTER 79- NEAR TO END

495 23 15
                                    

SCYLE'S POV.

Ngayon ay nakaupo ako habang pinagmamasdan si Cashannea. Mahimbing na ang tulog n'ya, hindi ko maialis ang tingin ko sa kan'ya lalo na't nagugulohan ako.

Ng tanongin n'ya ako tungkol sa panaginip ko ay nagsinungaling ako na nasasagi s'ya sa panaginip ko dahil ang totoo ay hindi. Hindi ko maalala kung kailan ko s'ya huling napanaginipan o kung kailan ko s'ya napanaginipan?

Parating boses ng batang babae, kaharian, tabing ilog, puno at pana (arrow) ang napapanaginipan ko. Minsan ay nagtataka narin ako kung bakit parating ganoon, hindi ko rin matanong si mommy tungkol doon dahil ang palagi n'yang sinasabi ay ako lang daw ang dapat na makaalala nun.

~We wish you a merry Christmas..🎶
~We wish you a merry Christmas and a happy new year...🎶

Nagliwanag ang buong paligid ng hospital ng tumunog ang tugtoging iyon. Napatingin naman ako sa pinto at tsaka napatayo ng iluwal niyon ang mga magulang namin, lahat sila ay may dalang pagkain at malaki ang ngiti sa mukha. Nakangiting inginuso ni mommy ang wall clock nilingon ko iyon tsaka nanlaki ang mga mata ko, nagbalik ako ng tingin sa kan'ya,

'11:30 pm na, 30 minutes nalang ay pasko na!'

"Merry Christmas anak." aniya, napangiti ako,

Ang combats naman ay gumising na rin, inuga ko naman ng bahagya si Cashannea.

"Babe.." tawag ko,

"Babe." aniya habang pabangon,

"Merrry Christmas." nakangiti kong bati, ngumiti rin s'ya,

"Pasko na." natutuwang aniya,

Ang villeheart ay kasama namin ngayon, maliban kina kuya Arnel at Chardette. Nakaramdam kami ng lungkot ngunit pilit naming ipinasok sa isip naming lahat na magiging maayos rin ang lahat. Masaya kaming nag salo-salo habang nagtatawanan. Ngayon namin itinuloy ang kanina sanang selebrasyon ni Cyrone. Lahat kami ay nakapaikot sa lamesa na ipinasok ng mga nurse dito sa room.

"MERRY CHRISTMAAASSS!!" sabay na sigaw ni Shawn at Drake, lahat kami ay nagsabay-sabay rin.

Nagyakap.kami ng mga kasama.ko.habang binabati ang isa't-isa ng isang maligayang pasko bagaman ganito ang klase ng pagsalubong namin sa araw na ito. Masaya kaming nagtuloy sa pagkain tsaka nagkumpulan.

"Happy birthday mahal na prinsipe." bati ni Cashannea kay Cyrone, ang lahat ay binati rin s'ya.

"Anong wish nyooo!" sigaw ni Athena habang hawak ang isang nakarolyong papel at ginawa iyong mikropono tsaka itinutok sa bibig ni Roxanne,

"Ang akin ay sana maging maayos na ang lahat." nakangiting sambit ni Roxanne, tsaka itinapat ni Athena ang nakarolyong papel kay Shawn,

"Sana gumaling na ang mga sugat natin." sambit ni Shawn,

"Sana ay makalabas na tayo rito sa ospital!" nakangiting sambit rin ni Drake,

"Sana ay gumising na si ate Chardette at kuya Arnel." sambit rin ni Athena na itinutok pa sa sarili ang papel, napayuko naman ang lahat,

"Sana bukas ay maging maayos at masaya na tayong lahat!" sabay-sabay na sambit ng ikatlong lahi.

"Sana ay wala ng gulo." sambit ko rin,

Maging ang Villeheart ay humiling rin. Lahat ng hiling nila ay katiwasayan ng lahat. Tsaka itinapat ni athena ang papel kay Cashannea.

"Gusto ko ng normal na buhay." aniya, para naman kaming pinukol sa sinabi n'ya, seryoso s'ya at walang emosyon,

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz