CHAPTER 22

813 31 9
                                    

ROXANNE'S POV.

"T-Teka Cashang, saan ka pupunta?.." nagaalalang tanong naman ni Berton,

"Maniningil.." nakangiting tugon ni Cassy at agad ring lumabas ng pinto, napatindig kami para sana pigilan s'ya ngunit dala ng sakit ng katawan ay hindi na namin nagawa,

Kinakabahan kaming naupo sa kan'ya-kan'yang hospital bed habang tulalang nakatingin sa pinto,

"A-Anong gagawin n'ya?" kabado ring tanong ni Shawn, napatingin naman ako sa kan'ya at kagaya ng mga mata ko ay puno rin ng alinlangan at pagaalala ang mga mata n'ya,

"Hindi bumabalik ng may sugat si Cassy, kung babalik man s'yang may sugat ay sinisigurado kong mas napurohan ang kalaban kesa sa kan'ya." kampante ngunit bakas parin ang takot kay Athena habang inilalahad n'ya ang sinasabi,

"Pero hindi parin tayo makasisiguro sa maaaring mangyari... ano nga bang napasok sa utak ni Ralph?" inis na tanong ni Drake, napatingin naman kami sa kan'ya, bakas rin ang tanong sa isip namin,

Ano nga ba ang balak ni Ralph??

"Hindi pa tayo dapat magpakampante, delikado si Cassy... Maliban kay Ralph ay nand'yan rin si Yalrine, iba pa siguro ang plano no'n." nagaalala namang sambit ni Athena dahilan para mapaisip at mas gumulo ang utak namin,

"Hindi ko na hahayaang pati si Yalrine ay masaktan s'ya..." seryosong sambit ni Scyle na bahagya ng naimumulat ang mata, nawawala narin ang pamamaga nito,

"Pero normal na tao lang tayo... ni hindi nga ko marunong manuntok, anong laban natin sa kanila?" nagaalalang tanong ni Romnick, napayuko naman ako at gano'n rin si Athena, alam kong iisa lang ang nasa isip namin bagaman hindi n'ya alam na naiisip ko rin ang iniisip n'ya,

"Hindi pupwedeng palagi nalang si Cassy ang lalaban para sa 'tin... Kawawa naman ang Cashang ko..." malungkot na usal ni Froth, napahugot naman ako ng hininga,

"Tuturuan ko kayo.." seryosong sambit ko habang nakayuko, alam kong natigilan sila sa sinabi ko, "Marunong ako... hindi ko nagamit kanina dahil masyado silang madami, ayokong lumaban dahil baka mas lalo ko lang silang galitin." seryosong dagdag ko, napatingin ako kay Shawn, alam kong maraming tanong sa isip n'ya ngunit hindi ko muna 'yon pinansin,

"Magpapatulong tayo kay Coach, tatlo kaming magtuturo sa inyo, ang totoo ay marunong rin ako, tiwala lang sa sarili ang wala.." nakangiting sambit naman ni Athen, napangiti naman ako at tsaka hinarap silang lahat,

"Tuwing sabado lang tayo magsasanay.." seryosong usal ko,

"At hindi rin dapat malaman ni Cassy, ayaw n'yang may nangingialam sa gulo n'ya..." saad rin ni Athena, biglaan ang plano na ginawa namin ngunit para narin ito sa ikabubuti namin at lalo na ni Cassy,

Gusto kong makatulong ang nalalaman ko...

Ilang minuto pa kaming nagpakiramdaman at nagplano, maging ang mga ayaw at gusto ni Cassy ay ikinwento ni Athena,

"Ayaw na ayaw ni Cassy ng mga tanong kapag may ginagawa s'ya, special ka kapag sinagot n'ya ang tanong mo habang abala s'ya.." nakangiting kwento ni Athena, napatango naman kami, sinilip ko si Scyle na malayo ang tingin at napapangiti,

Pakiramdam ko ay may gusto s'ya kay Cassy yiieee hahahaha...

"E-Eh yung gagawin natin? Bakit ayaw mong malaman n'ya?" usisa ni Scyle, noon lang s'ya nagtanong matapos matulala at mapangiti,

"Ahhh... ayaw ni Cassy ang may nadadamay, dahil mas nagaalab ang galit n'ya, sa lahat ng ayaw n'ya ay ang nasasaktan ang mga taong mahal n'ya.." nakangiting sagot ni Athena, nagkinang naman ang mga mata ni Scyle,

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Where stories live. Discover now