CHAPTER 3

1.5K 82 5
                                    

CHAPTER 3

SCYLE'S POV.

"Ok Mr. Buenchavez?" tawag ni miss na agad namang bumuhay sa nakatulala kong diwa.

Agad akong pumunta sa harapan upang magpakilala, hindi naman ganoon ka sungit ang S.T namin kaya mabuti nalang rin para hindi ako kabahan ng matindi.

"Hi I'm Scyle Jacob Buenchavez, Son of Mr. and Mrs. Ferino and Rebecca Buenchavez, same as Shawn, some of the informations regarding to our family are private, thankyou."

Wooaaa walang utal! Hahahaha

Diretso kong tinatahak ang espasyo papunta sa upuan ko ng mapansin ko yung late na babae kanina. Nakatingin lang sya sa akin ng diretso at di mawari kung ano ang iniisip. Para nyang sinusuri ang buong pagkatao ko, saglit pa kaming nagkatitigan ng bigla na namang sumabat ang Founder ng ikatlong lahi club.

Ang Ikatlong Lahi Club na ta-tatlo lamang ang myembro, ang Owner ay si Forth, ang nagsisilbing Founder naman ay si Berton at ang President ay si Romnick.

Inshort, lahat sila ay leader, oh diba? Ang angas.

"Hmmm.. mukhang may nagkaka developan rito ah? Naaamoy ko!" sabat ni Berton.

"Anong amoy 'yon bakla?" tanong rin ni Forth.

"Naaamoy kong may something sa mga mata ng Lakambini at Lakan na 'to!"

"Alam mo ba kung sinong Lakan at Lakambini sa dalawang iyan? Lakas ng pang amoy ha?" singit rin ni Romnick.

"Nasa lahi na ng mga aso 'yan Romnick, nagtaka ka pa!" pasiring na sabi ni Forth.

"Tse! Syempre si Scyle ang Lakan at si Cassy ang Lakambini! Ikaw alam mo ba kung ano ka?" tanong ni Berton kay Forth.

"Ano?" pagpapacute pang tanong ni Forth.

"Lakan ligo te! Mabaho ka lakan ligo! Tse!"

"Ang harsh ng Lakan toothbrush natin ah?" ganti ni Forth.

"Tsh! Ang ingay nyo." reklamo ko at tsaka dumiretso sa upuan.

"Let me introduce myself, I'm Miss Rodellyth Siliman, Class dismiss." biglang sabi ni Miss.

Agad nyang kinuha ang mga gamit at dire-diretsong lumabas ng pinto. Namutawi ang katahimikan ng classroom.

*Crickets Crickets Crickets*

Ng biglang...

"Hahahahaha."

(•__•) ?

Biglang tumawa yung Cassy.

"Tumawag kayo ng pari!" sigaw ni Berton.

Agad natigilan at nagsitayuan ang mga classmates namin, na parang gulat na gulat.

"Anong gagawin nyo sa pari?" biglang nakangiting tanong ni Cassy.

"Ayy akala ko sinaniban kaloka... O sya magsi upo na kayo, kayo din eh masyadong O.A." pakalmang utos ni Berton.

Nagsiupo naman ang mga kaklase namin.

Bakit ba bigla syang tumawa? Nakakatakot din 'tong babaeng to.

"Bawal bang matawa?" nakangiting tanong ni Cassy.

"Pwede naman sana... Eh kaso parang wala namang nangyari na nakakatawa te?" tanong ni Forth.

"Yung jokes nyo kanina, nakakatawa yun." paiwas na tingin ni Cassy.

"Late ka na kanina pati tawa mo nalate rin? Daig mo pa sira-ulo Cassy ihinto mo na yang bisyo mo!" pabirong sabi ni Romnick.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Where stories live. Discover now