What happened to us? Season 1

By zedxxx

27.5K 716 382

Season 1: What happened to us? Corr's POV "What happened to us Corr? It wasn't perfect but we we're so happy... More

1 - Tagos hanggang buto at nataga ko na matagal sa bato.
2 - Malungkot kasi... Fucking shit si Presbi.
3 - You're so red, babe
4 - Imperfect
5 - I'm not gonna break like what you're thinking.
6 - Okay. Medyo mixed feelings ako sa pagabot niya ng five hundred ha.
7 - Maliban sa iniisip kong tunog bading na siya eh para na siyang timang.
8 - And I don't know why but he should look like a trash with his messy hair...
9 - He likes me a lot that he think it's love.
10 - Sobrang gising yung diwa mo at parang pagod ka na hindi?
TEASER - 11 - Masyado kang careless! I TOLD YOU A MILLION TIMES...
11 - Author's POV | In short, tapang tapangan ang peg.
12 - We're gonna talk something you don't like.
13 - As if I promised him the world but I gave him a peanut.
14 - Don't even go there Corpuz! You. Are. Freaking. Flirting. With. Me.
15 - I'll honestly bow down to his protectiveness...
16 - Her side of backstory: Flight instead of fight.
17 - How can you just get up after everything? Pagkatapos ng lahat ng sakit?
18 - Yung babaeng mukhang palitaw na pinagpalit niya kay Corr.
19 - Sht! I'm so dead! He called me Pocholo! Shettt!
20 - Presbi Fucking Corpuz
TEASER - Chapter Twenty One
21 - And that's when I noticed I'm not drunk anymore.
22 - CAPITAL F. FINALLY.
23 - Ba't ba uso yung ganitong love story? Right person but wrong timing
24 - CC: Sprite - WHERE THE HELL ARE YOU?!
25 - My vulnerable Presbi...
26 - Sentimental Presbi is the sweetest
27 - Louise
28 - Joey
29 - Presbi Corpuz
30 - For a second I panicked
31 - Kung di lang talaga kita mahal.
32 - *cough**cough*
33 - Proposal?
34 - No doubt.
35 - Inseparable
36 - Sorry? May nagagawa ba yung sorry mo?
37 - I'm broken, do you hear me?
38 - Happiness, guilt, love and everything in between
39 - Birthdays
40 - Untitled
Epilogue
What happened to her? Season 2
What happened to her? (What happened to us Season 2)

Season 1: What happened to us? (A Cheater VS Man-hater After Story)

3.9K 31 6
By zedxxx

Season 1: What happened to us?


To: Kuya

Kuya, where the hell are you? Aalis na ako dito. Been waiting for like 20 minutes na wala ka pa rin. Magcab na lang ako.

"Have you heard from Nics?" Tanong ni Kitel sakin habang sinend ko yung text kay Kuya.

Naaninag kong may pinapakita siya sa phone nya na Instagram photo. "Look?! Can you believe her? SHE'S IN PICO!" Hysterical nyang sabi sabay inom ng frappe nya.

Kahit di ko siya tignan, ramdam na ramdam ko na yung pagkairita nya. Parang konti na lang sasabog na sya. I chose not to react, at uminom na lang ng tea ko. 

"My god. Kung hindi pa natin nakita sa FB, hindi natin malalaman na wala na sila ni JJ. Eh parang last week lang todo PDA sila sa Andrew!" She added. "Then now, this? Ano 'to nagssoul searching siyang magisa, nagpapakaemo—"

Tuloy tuloy pa din siyang nagsasalita kaya pinutol ko na sya.

'To kasing si Kitel, OA kadalasan. Kala mo naman end of the world kung makareact. Kala mo naman nanay kung magalit. HAHA.

"Kitel, let her be okay?" I answered, sabay baba sa phone ko sa table. "We know her, hindi yun mahilig magopen up satin about sa kanila ni JJ and that's totally fine with me—"

"Totally fine? Really Corr? Really?" She sarcastically said. "Eh ikaw nga 'tong kala mo papatayin na si JJ nung umiiyak si Nics eh—"

"Excuse me? Hindi 'no—"

"Wag mo ngang ideny. Halos isumbong at ipabugbog mo na siya kila Steve nung nalaman mo yun. Excuse youuu?" Pagdidiin nya.

"Okay okay. Fine!" Sabi ko sabay taas ng dalawang kamay para sumuko. "I hate JJ's guts okay. Kaya kung nagbreak man sila. Siya 'tong nagloko at sira ulo. Kung magbreak man sila then so be it! Let Nics be. It's the best for her. Yun ang desisyon nila, then we'll just respect it—"

"You hate JJ's guts?" tanong ni Kitel na may halong sarcasm. "Ang sabihin mo, you hate everyone's guts. No. let me correct that. You hate every guys' guts!"

"Kitel? Not that okay. Wala 'tong kinalaman dun—"

"My god Corr. Matagal na sila ni JJ. Since high school!" She explained na parang di ko alam ang history ni Nics and JJ. "They're each other's firsts! Lahat ng first nila, sila. Kulang na nga lang eh magpakasal sila-"

"It doesnt mean na matagal na sila, sila yung magkakatuluyan. Bata pa sila at maraming pwedeng mangyari—" Sabi ko ng diretso. Walang preno, na parang kabisadong kabisado ko na 'tong linya na 'to.

"Corr... ayan ka na naman." Sabi nya na para bang naguilty siya sa konting pagtatalo namin at siguro dahil sa pinakita ng mukha ko.

"Hay basta. Kitel, let her be." I said sabay tayo sa table namin at kuha ng handbag ko. "She'll call or text if kailangan nya tayo. Ngayon. Hayaan mo muna siya." Sabi ko sabay lakad.

"Oh. Where are you going? I thought intayin natin yung kambal mo?" She asked.

"Tss. Magccab na lang ako. Ang tagal nya eh—"

Pinagbubuksan na kami ng guard ng CBTL nang biglang nagsalita si Kitel sa mala robot nyang boses.


"Double Ex alert Corr. Double Ex alert." Ayan na naman siya sa double ex na yan. Naiirita talaga ako everytime naririnig yung double ex na yan.

"Kitel, can you not?" Sabi ko sabay lagay ng phone sa handbag ko, habang hawak hawak yung drink ko. "May pa alert alert ka pang nalalaman dyan." Bulong ko.

Hindi pa nga kami masyadong magkalapit but I could already smell that damn Polo Blue perfume.

Bakit ba yan pa rin yung pabango nya? Wala na bang ibang pabango sa mundo? Kaiinis.

Aninag ko na kasama nya yung mga kabarkada nyang sila Mix, Ron and Drei. Buti naman at wala si JJ. Kundi ay nasuntok ko na yun.


Ifinocus ko na lang ang atensyon ko kay Kitel na nasa kaliwa ko. Pero sa kakafocus ko yata kay Kitel hindi ko napansin na biglang may nagcut sa harapan ko at tuluyan akong nabangga.

"Oh my gosh! Corr!" Sigaw ni Kitel sa gilid ko nang tuluyan akong matumba at matapon sakin yung drink ko.


FUUUU ANG INIT!


"Shit!" Mura nung nakabunggo sakin.


Hindi ko alam kung pano ako magrereact. Kung uunahin ko bang tumayo dahil nakita ko kung pano makatitig yung mga lalaki sa legs ko, or sisipain ko palayo 'tong lalaking nakapatong sakin.


MY GOD. ANG INIT NUNG TEA. Na first degree burn ba ako?


Pero bago ko pa magawa ang lahat ng yun, agad nang nawala yung bigat nya sa harapan ko. 


Hinatak agad ni Kitel yung kamay ko para makatayo ako. Tinulungan nya akong pagpagan at punasan yung damit at katawan ko. 


"What the hell do you think you're doing?" Rinig ko na sinabi nya dun sa nakabangga saking may dala dalang gitara sa likod. 


Kaya naman pala ako nabangga eh. Ang daming dala nung lalaki! Maliban sa guitar nya, may dala dala pa syang mala Archi project sa kamay nya. Archi student siguro 'to.


"Shit. I'm really sorry. Sorry di ko sadya." Sabi nung lalaki, nabagsak na nga nya yung archi project nya sa paanan nya sa sobrang takot nya sa mukha ni Presbi na nakahawak sa collar nya. Nakita kong nagkadurogdurog yung project. Oh no. Mukha pa namang mahirap yun gawin.


Napatingin tuloy ako sa dalawang lalaking nasa harap ko ngayon. Nagakatagpo yung mata namin ni Presbi at nakita kong nakatingin sya sakin gamit yung nakakatakot niyang mata. Parang hinead to toe pa niya pa ako bago nangirap.

WHAT THE HELL?

I noticed kung gano pa humigpit yung hawak nya sa collar nung lalaki and how he clenched his jaw. Nakatitig padin ako sa kanila, di ko alam kung bakit ako natutulala. Naririnig ko kung pano ako tawagin ni Kitel sa likod at bulong bulong niya na dapat na kami umalis.

Pero wala. Nandito pa din ako at nakatayo, I'm just staring at them like crazy. Hindi ko na nga inalintana yung basa kong damit.

Nakita kong inilapit ni Presbi yung mukha nya dun sa lalaki. Parang may binulong siya don at nakita ko kung pano umiling iling yung nakabunggo. Kitang kita ko kung pano siya manginig sa takot habang si Presbi naman ay parang papatay na.

STOP THIS PRESBI.

WHAT THE HELL?! 


Nakita kong pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa CBTL. Yung iba pa nga eh may hawak hawak nang cellphone at palihim na kumukuha ng pictures. Damn it. Patay na naman ako kay Glenda nito.


Si Corr yun ng Crescendo hindi ba?

Oo. Damn. Sa tagal ko dito sa Taft ngayon ko lang siya nakita. Mas maganda siya sa personal!

Boyfriend ba nya yan? Kala ko sila ni Kyle?

Pero aminin. Hot din yung lalaki.


Hindi ko mapigilan umirap sa kawalan sa huli kong narinig. Sinamaan ko na lang sila ng tingin at nakuha nila yun. 

Eto ang ayaw na ayaw ko sa lahat eh. Yung hindi matigil tigil na mga tsismis.


Napansin kong inawat na ni Mix si Presbi habang panay ang tawa nila Ron at Drei sa likod nya.

"Tama na yan dude. Point proven." Sabi ni Mix sabay hawak sa braso ni Presbi.


Hinigpitan na naman ni Presbi yung hawak sa collar nung lalaki sabay bulong ng kung ano dito at saka madiin na ibinagsak yung pagkakahawak niyasa lalaki.

Nagmadaling tumakbo yung lalaki palayo samin. Halos di siya magkanda ugaga sa pagalis. Naiwan pa niya yung parang Archi project nya sa sahig. Nagdadalawang isip tuloy ako kung pupulutin ko ba o ano. Kawawa naman yung lalaki—


"Oh. Look who's here." Presbi said using his irritating voice na parang pagmamayari niya yung buong mundo. 

AYAN. AYAN NA NAMAN SIYA.

GOSH. I REALLY HATE HIS GUTS!


Nagstep siya palapit sakin pero natamaan ng paa niya yung archi project... na agad nyang sinipa.

As$.

Ni hindi niya binigyan tingin yung natapakan nya. Basta sinipa lang niya.



BWISIT. 


"Oh. Look who's here." I mimicked. Na ikinatawa nila Drei sa likod nya.


Pero hindi niya yun inindia. Naglakad pa din siya patungo sa harap ko at mas lumapit.


GET AWAY FROM ME YOU AS$HOLE.


Ewan ko ba. Sa tuwing nakikita ko si Presbi, parang merong nakalagay na karatula sa noo nya.


BBWISITIN KITA - yun ang nakalagay. 

ALL CAPS.  IN BOLD LETTERS.


"Ano na naman 'to Presbi? Let's go before Steve kick our asses." Pangiinis ni Drei habang panay ang ngisi nila Ron at Mix.

"Shut up dude." Saway niya.


Nakita kong bumukas yung bibig nya, may sasabihin na naman yata sakin na nakakainis. Pero agad itong naputol nang narinig ko yung galit na boses ni Steve sa likuran nya.


"I told you." Bulong ni Drei sabay sipol.

"What the hell is happening here?" Sabi nung kambal ko sabay lapit samin at humarang sa harapan ko. "Bakit kayo magkasama?" He asked me.

"Hindi kami magkasama Kuya—" 

"Chill bro. Hindi kami magkasama. Nagkataon lang." Sagot ni Presbi sabay taas ng dalawang kamay niya at umatras.


Tumingin pa si Kuya kila Drei, na para bang dinodouble check nya kung nagsasabi si Presbi ng totoo. Nakita ko namang silang tumango sa kanya bago pa sya nakapante at nakahinga ng maluwag.


"Let's go Lyzzie." Sabi ni Kuya sabay pulot sa handbag kong nasa sahig pa din at bumalik sakin para hatakin yung kamay ko. 


Napansin kong nakatingin padin samin yung mga tao sa smoking area ng CBTL. Pakiramdam ko bukas na bukas or worst, ay mamaya nasa fashion pulis na naman 'to. Hay. Patay talaga ako kay Glenda.

Napansin kong nakatitig pa din si Presbi sakin. Seryosong seryoso yung mukha niya na parang ang daming iniisip.

Tss. Kala mo naman seryoso sya talaga.


Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanya bago pa maging awkward.


Bago pa kami tuluyang makaalis sa CBTL, tinawag ni Mix si Kuya bigla.


"Steve."

"Yeah?"

"Are you going later?" Tanong ni Mix kay Kuya.

"Maybe." Maikli nyang sagot.

"How about you Corr, are you going?"

"I... Uh—" Pero bago pa ako makasagot, si Kuya na mismo ang sumagot para sakin.

"No. She's not. Will talk later. Tara na Lyzzie."


Pero bago pa ako makalagpas kila Presbi, narinig ko siyang bumulong.


"I told you not to wear short shorts di ba?" Sabi niya na ikinahinto ko sa paglalakad ko. Nabangga pa nga ako ni Kitel sa likod sa bigla kong paghinto..


"Damn it Corr. Kelan ka ba makikinig?" Dagdag pa nya, na lalo kong kinabigla. 

Napatingin tuloy ako sa kanya, at kitang kita ko sa mukha nya kung gano siya kafrustrated.


Flashback... (Round 8 in CVM)

2 years ago.

4th year High school kami non nang magttry out kami ni Nics sa Cheering Squad. Nang bigla akong nagkaperiod, kaya nagkablood stain yung jogging pants na suot suot ko pang try out.

In the end, pinahirap ako ni Nics ng cycling shorts na may kaikisian.

Nagreklamo ako, kasi hindi ako sanay na nagsusuot ng ganung shorts pero ang sabi nga ni Nics. Sige. edi yung jogging pants mo isuot mo. Nang habang nagttryout ka ay may Japanese flag sa likuran mo. Tseh!

Natapos na lahat ng tryouts at nandito ako sa may bench sa labas ng changing rooms ng mga varsity at ng squad.Sabay kasi kami uuwi ni Kambal at mukhang nagkukuskos pa siyang mabuti sa loob. Hay naku. Tagal talaga non—

Nagulat na lang ako nang biglang lumabas si Presbi, basa basa pa yung buhok niya at may towel pa sa balikat habang umiinom ng coke. 

Nagkatagpo agad yung tingin namin at napansin kong hinead to foot na naman niya ako. GANYAN. GANYAN NA GANYAN SIYA SIMULA PA NON. Ang hilig niya tumitig sakin ulo hanggang paa. Kala mo ba eh sinusuri nya yung bawat detalye.


"Ano na naman tinitingin tingin mo?" Tanong ko na may halong pagtataray.

"Kelangan mo ba talagang magpanty lang?" Tanong nya sabay lapit sakin. 

Pa— Panty?? Nagulat ako sa tanong niya. Pero mas nagulat ako sa itsura nya nang makalapit na siya sakin.

Kitang kita ko kung gano kalukot yung mukha nya sa inis. Parang bwisit na bwisit siya sa itsura ko.

SORRY NA HA.

"Anong panty sinasabi mo jan? Cycling shorts 'to—"

"Panty, Cycling shorts, short shorts or whatever you call that little damn thing. Pwede bang wag na wag mo na yan suotin." He glared sabay gigil na gigil na hawi sa buhok niya.

"Pwede ba? Presbi? Susuotin ko ang gusto ko—"

"Can you just listen to me? FOR ONCE?! Hindi ka dapat nagsusuot niyan. Kulang na lang eh maghubad ka! Ba't ka ba kasi nakaganyan?! Hindi ba pwede magjogging pants ka or mas mahabang shorts?" Patuloy na pangingielam nya.

Gusto ko sana magexplain na nagkablood stain yung jogging pants na dapat kong suotin kaya nanghiram ako kay Nics nang pamalit. Pero dahil sa bwisit ko sa mga pinagsasabi niya, at sa itsura nyang kala mo kung ano ang ginawa ko. Eh di ko na mapigilang patulan pa yung nonsense nyang pinagsasabi.

"BAT KA BA NANGINGIELAM HA?!" Sigaw ko. Hindi ko na napigilan yung pagkairita sa kanya.

"BAT KA BA SUMISIGAW HA?! SINABIHAN NAMAN KITA NG MAAYUS HA?!" Sagot niya.

Maayos? YOU CALLED THAT MAAYOS?

Eh halos maghysterical ka na over this stupid shorts? Kaliit liit na bagay pinalalaki. Pambihira.

"Teka-Teka, anu ba problema nyong dalawa?" Tanong ni Kuya sakin pagdating niya.

"SYA KASI!" Sabay na sgot namin ni Presbi sabay turo sa isat isa.

Nagkatinginan kami sa nangyari at agad ko siyang inirapan, habang siya naman ay umiiling na kala mo ang laki ng problema.

Napatingin siya kila Kuya at Migs sa gilid ko at agad na kumunot na naman yung noo niya sabay harap sakin.

"Bahala ka jan!" Sabi niya sakin ng pasigaw. Sabay hinahon nang hinarap sila Kuya. "Sige pasok na ko." At agad na tumalikod samin.

"Bwisit talaga yun!" Di ko mapigilan na magrant. Nakakairita talaga yung lalaking yun! KAHIT KELAN! BWISIT.


"MIGS! TUTAL SAYO NAMAN YAN NAKIKINIG! PAGSABIHAN MO NGA NA WAG MAGSUSUOT NG GANUNG KAIKLING SHORT ULIT." Sigaw nya sa malayo.

End of Flashback


"Bakit ako makikinig sayo?" Sagot ko sa tanong nya, pero bago pa ako tuluyang makalayo sa kanya narinig ko pa yung mahina nyang boses.

"Yeah right. Bakit ka nga naman makikinig..."



Author's Note:

Sorry na. Alam kong may pagkaimpulsive ako or whatever you call it. Pero kating kati na akong isulat 'to ulit. Gusto ko sana irewrite yung Cheater VS Man-hater (From Teentalk) at saka ipost dito. Pero naisip kong wag na lang... Or dahil sadyang tamad lang talaga ako HAHAHA.

Nakita ko rin kasi na may nagpost nung CVM sa WP kaya parang nanumbalik lahat ng feelings. Yes hangdeep! Pero gusto ko lang din iremind na hindi ako yun. At wala akong binigyan ng permission to post it.

Anyway, Sa mga nakakaalam alam nyo namang may sentimental value sakin sila Corr & Presbi. Kasi dito nagsimula ang lahat. Lahat lahat ng kaanuhan ko in terms of writing. HAHAHA. Kaya ayun, naisipan kong isulat na lang yung After Story. Hindi siya After Story pero yun yung gusto kong itawag. HAHAHA. Kasi sabaw ako HAHAHA.

Sabihin na nating kasabay nito yung Meet Me Halfway - at nasa parehong panahon silang dalawa. I'm sure naman sa mga nagbabasa ng MMH, nameet nyo na doon si Presbi :>

Etong What happened to us ay mostly maglalaro sa past and present. Kung ano ba talaga nangyari kila Corr, Presbi, Steve at sa iba pang characters ng CVM.

Sinulat ko din 'to kasi gustong gusto ko sila bigyan ng maayos na closure. Alam nyo yun? Yung feeling na sobrang attached ka sa characters mo. At hindi mo sila nabigyan ng magandang ending? Basta. Gusto ko 'tong tapusin. So help me God.

Ha. Basta. Ang dami kong alam. Hahahahaha. Nagaadjust padin po ako kaya pasensya na sa mga kasabawan na nandito. Anyway, let me know what you think <3

-zedxxx

It's Steve on the right! :3

Continue Reading

You'll Also Like

860K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...