Unbreak My Heart (Playboy Ser...

By E_L_Mira

135K 3.9K 583

(Tragic Romance) Vince and Claire are finally together. Pero sa pagkakataong ito ay mas nagiging mahirap para... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Disclaimer

Chapter 2

4K 101 18
By E_L_Mira

"10 minutes and we're there."

Ito ang mga salitang mas lalong nagdulot ng kaba sa dibdib ni Claire. Kung kanina ay kinakabahan lang siya ng sabihin ni Vince na kasama siya papunta sa bahay ng mga magulang nito, ngayon ay naging doble at triple pa ang kaba niya dahil sa nalalapit na ang tagpong kailanman ay hindi niya inisip na mangyayari pa.

"Kailangan ba talaga kasama pa ko?" Ulit na tanong niya sa binata sa hindi maipintang ekspresyon ng magkahalong kaba, takot, at hiya.

"I already explained it to you seven times, Claire. Can you just stop asking me that question again and again?" Iritadong tugon ni Vince habang nakatuon ang atensyon nito sa pagmamaneho.

"At kanina ko pa din sinasabi sayo na kayo na lang ng mga bata ang pumunta tutal pamilya mo naman yun, wala naman akong bilang sa pamilya niyo."

"You're their Mom." Simple ngunit makahulugang tugon ni Vince ng lingunin siya nito sandali.

Hindi na nakaimik pa si Claire sa sinabing iyon ng binata. May punto ito at alam niya iyon. Bilang Ina ng kambal ay obligasyon niyang matiyak na magiging maayos ang unang pagtatagpo ng pamilya ni Vince at nang kambal na sina Dreico at Lucho. Isa pa'y dapat na maging handa siyang ipagtanggol ang kaniyang mga anak sa kung ano mang maaaring masasakit na salita o pagtrato na  makuha ng mga ito mula sa mga Hendelson.

Kahit pa sabihing kilala bilang mga mabubuti, mapagbigay, at maka-Diyos ang pamilya Hendelson ay natatakot pa rin siya sa mga posibilidad na itakwil ng mga ito ang kambal niyang anak, lalo pa nga't ganun ang lagi niyang nakikita sa nga palabas sa TV maging sa mga nababasa niyang pocketbook.

"Paano kung hindi tanggapin ng Pamilya mo sina Lucho at Dreico..." Nag-aalalang sambit niya habang tahimik na pinagmamasdan sa salamin ang natutulog na kambal. "Paano kung sabihin nilang ayaw nila sa... sa mga..." Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Claire bago tinapos ang nakabinbing salita, "sa bastardo." Halos madurog ang puso niya ng bitawan ang salitang iyon, ngunit kung susumahin ay ganoon naman talaga ang sitwasyon nila. Aksidenteng anak ni Vince sa kaniya ang kambal at higit sa lahat ay hindi pa sila kasal, o mukha ngang hindi na mangyayaring ikasal pa sila.

"You're really being unfair to my Family, Claire." Malamig na tugon ng binata.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan palibasa di ikaw ang nagpakahirap na nagpalaki sa mga bata." Mapait na tugon niya kay Vince sabay ang pag-irap.

"I could have done so kung sinabi mo sana agad sa akin na buntis ka."

"Ah, wow ha! So kasalanan ko pa?" sarkastikong sagot niya matapos na bahagyang maoffend sa sinabi nito.

"Hindi ba?" Patay malisyang sagot ni Vince.

"So ano, dapat ba umeksena ko sa bahay nyo? Susulpot ako dun tapos sasabihon kong "hi, buntis ako at ikaw ang ama", tingin mo ganun lang yun?" Naiinis na reaksyon niya ng harapin ito, "hoy, Vince, baka nakakalimutan mong bulag ka ng mga panahon na yun. At wag mo sana kalimutan na yung nangyari sa atin aksidentr lang yun dahil lasing ka at napagkamalan mo kong si Elizabeth!" Di mapigalang silakbo ng damdaming sumbat pa niya kay Vince sabay bitaw ng isang malakas na hataw sa balikat nito.

Napatili na lamang bigla si Claire ng biglaang ihinto ni Vince ang sasakyan sa gilid ng kalsada, mabuti na lamang at naka-seatbelt siya kaya't di siya nalaglag sa kinauupuan. Nang lingunin naman niya ang kambal ay mahimbing na natutulog pa rin ang mga ito.

"Ano ba Vince mag-ingat ka nga sa---"

"Okay, fine. Let's talk about this! Tutal ayaw mo namang tumigil sa mga kakareklamo mo diba!?" May bahid ng iratasyon na sabat ni Vince ng di pa man siya pinatatapos sa pagsasalita. "Sige, pag-usapan natin ngayon sino ba talagang mas may kasalanan sa ating dalawa!" anito ng seryosong harapin siya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng komprontasyon ng binata, pero ito ang unang beses na magkakasagutan sila ng harapan. Madalas kasi na kapag nagkakaroon sila ng diskusyon o paranigan sa loob ng bahay ay umiiwas na lamang ang binata o kaya ay tatawagin sina Dreico at Lucho para matigil ang kanilang pag-uusap.

"Ikaw! Ikaw naman talaga may kasalanan bakit ganitong nagkanda-leche-leche yung buhay ko!" Pandudurong sumbat ni Claire kay Vince. "Kung hindi dahil sayo, kung hindi ka sumulpot ulit, sana maayos yung buhay namin! Sana naroon pa rin kami sa sariling bahay namin! Masaya pa sana yung buhay namin!" Dagdag na kastigo pa niya habang mariing dinuduro-duro ang matipunong dibdib nito. Kung nasasaktan ito, wala na siyang pakialam, basta ang tanging nasa isipan niya ngayon ay maglabas ng sama ng loob sa binata.

"O wow, look what we got here" sarkastikong sagot ni Vince ng hablutin nito ang kaniyang kamay at kapitan iyon ng mahigpit. "Kala mo kung sinong napakabait," dagdag pa nito kaakibat ng isang mapanghusgang ngiti sa labi. "Claire... Oh wait, should I call you Marie or Claire? Medyo nalilito na rin kasi ako sa galing mong gumawa ng kasinungalingan. Hindi ko na nga din alam minsan kung ano pang natitirang totoo sa pagkatao mo after all these years na nagtago ka at pinaikot-ikot mo sa lahat ng mga pekeng kwento mo lahat ng tao sa paligid mo."

Isang malutong na sampal sa kaliwang pisngi ang agad na pinakawalan niya na dumapo sa mukha ni Vince, "Ang kapal ng mukha mo!" Puno ng galit na pagtataas niya ng boses rito. "Wala kang karapatan na husgahan ng ganyan dahil hindi mo alam kung anong klase ng hirap ang ginapang ko para mabuhay at makarating sa kung nasaan ako ngayon!" Duro niya kasabay ng pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata.

"Then how dare you fvcking judge me as if you know all the fvcking struggles I've been through!" Ganting sumbat ni Vince na hindi na rin napigilan pa ang pagtataas ng boses at galit sa kaniya. "Wala ka ring alam kung gaano kahirap yung pinagdaanan ko Claire!"

"Hirap? Anong bang klase ng hirap ang pinagsasabi mo huh?" May pagkasarkastikong sagot niya. "Paano ka nahirapan, sige nga, sabihin mo sa akin anong klaseng hirap yung dinaanan mo kumpara sa hirap na dinaanan ko?" Aniya kasabay ng mapait na pagtawa sa sa gitna ng pag-iyak. "Tignan mo nga Vince kung ano ka ngayon. Mayaman ka, may sariling kompanya, lahat ng gusto mo nakukuha mo. Tapos sasabihin mo sa akin naghirap ka din? Saan? Sa pagpapaopera ba, wow ha, parang sa pagkakaalam ko nagmadali ka pa nga magpaopera nung nalaman mong buhay si Elizabeth diba? Tapos ano, ayun dali-dali kang nagpakabobo ulit dun sa babae mong yun! Binalikan mo agad, nagmakaawa ka pang magsimula ulit kayo, ayun na nga diba niyaya mo pang pakasalan ka ulit!" Pigil ang paghagulgol na sambit niya para lang hindi magising ang kambal na anak. Siguro kung nasa ibang lugar sila at wala ang dalawa ay baka pinaulanan na niya ito ng sunto at sampal kasabay ng malalakas na sigaw at mura.

Hindi nakaimik si Vince sa mga huling salitang binatawan niya, sa halip ay nagbawi ito ng tingin at yumuko na lang. Bagay na mas lalong kinagalit niya dahil kitang-kita sa mukha at katahimikan nito ngayon ang sobrang pagka-guilty.

"O, bakit natahimik ka?" Puno ng pait na kastigo niya sa binata. "Kasi tama ako diba? Tama lahat ng pinagsasabi ko diba?" Hindi na napigilan pa ni Claire na sabunutan si Vince para lang tignan siya, "Tumingan ka sa akin! Tignan mo ko!" Aniya sabay hawak sa mukha ng binata para harapib siyang muli. "Tumingin ka sa akin tapos sabihin mo ulit sa akin kung sinong mas nasaktan sa atin dalawa!"

"I'm sorry..." Tanging nasambit ni Vince na hindi pa rin siya tinitignan.

"Sorry... Sorry... Ganun na lang ba yun?" Naluluhang ulit ni Claire. "Sana ganyan lang kadali Vince. Sana kayang bawiin ng sorry mo yung lahat ng hirap na tiniis ko para lang masiguradong lalaking maayos yung mga anak ko. Sana yang sorry mo kayang itama lahat ng maling nangyari. Sana, sana yang sorry mo kaya ibalik yung oras na dapat sana lumaki yung mga anak ko na hindi ako araw-araw na nagsisinungaling sa kanila kung nasaan yun Tatay nila! Hindi mo alam kung gaano kahirap na bawat araw, bawat tanong nila tungkol sayo gagawan ko ng magandang kwento para lang hindi sila lumaki na may sama ng loob! Kung sana nagkalakas lang ako ng loob na sabihin yung totoo na yung tatay nila hindi sila kailanman inintindi dahil busy sa pagpapakasal sa ibang babae, edi sana wala na akong problema at hindi ko na kailangan magtago pa!" Patuloy na sumbat niya habang kapit ng mahigpit sa nakakuyom na kamay ang damit nito. "Kaya lang hindi ko magawa Vince, hindi ko magawa na ipagtapat sa kanila na nabuo lang sila dahil sa isang malaking pagkakamali natin, na naging bobo ako isang gabi at sumiping sa isang lasing na lalake dahil lang gusto ko siya  Hindi ko magawa na sabihin sa kanila lahat ng kalokohan na pinagagagawa mo, at mas lalong hindi ko kaya sabihin na wala naman silang Tatay na hihintayin pang balikan sila dahil... Dahil ayaw kong lumaki yun mga anak ko na iisipin nilang hindi sila kayang mahalin ng Tatay nila!" Iyon na ang naging mitsa at tuluyan na ngang napasigaw siya sa labis-labis na galit na kinikimkim sa binata. "Sana hindi mo na ginulo pa yung buhay namin Vince!" Paulit-ulit na sambit niya habang hinahataw at sinusuntok ang dibdib ng binata.

"Hindi ko sinasadya Claire..." Halos bulong sa hangin na sambit nito, "I'm really, really sorry." Sabay kabig sa kaniya at ikinulong siya sa isang mahigpit na yapos upang pigilan siya sa paghihisterikal. "Hindi ko sinasadya..."

"Sana hindi ka na lang dumating!" Paulit-ulit pa rin niyamg sumbat at hataw at sampal sa binatang si Vince kahit pa nga nakakulong na siya sa mahigpit na pagkakayapos nito. "Sana hindi ka na bumalik pa!" Patuloy niyang paghagulgol, "Sana hindi ka na kasi dapat nagpakita Vince! Dapat pinabayaan mo na kami!"

"Shhhh... Please stop crying. I'm sorry, I'm sorry. Patawarin mo ko Claire." Patuloy na pagpapatahan ni Vince sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang mukha at buhok. "Hindi ko gustong maging ganito. Hindi ko sinasadya Claire."

Ilang minuto silang binalot ng katahimikan. Wala ng nagsasalita pa. Tanging mga hikbi na lamang niya habang nakasubsob sa dibdib ng binata ang maririnig ng mga sandaling iyon. At sa kung anong dahilan ay nararamdaman niya ang tila labis na pagnanais na makulong sa mahigpit na yapos na iyon ng lalakeng minsan na niyang minahal pa.

Ngunit natigil lamang sila at bumalik sa normal na wisyo ng biglang marinig nila ang malakas na alingawngaw ng pag-iyak nina Lucho at Dreico, kaya naman dali-dali silang naghiwalay at agad na inasikaso ang kambal.

Mabilis niyang pinunasan ang luha gamit lamanf ang kamay at ang suot na damit at agad na lumabas ng pintuan upang lumipat sa likurang para tabihan ang dalawa. "I.. am... dito na lang ako, babantayan ko muna yung mga bata." Sabi niya habang inaalo ang dalaw na noo'y dahan-dahan ng tumitigil sa pag-iyak.

"Alright." Simpleng tugon na pagtango ni Vince. At ilang segundo lang ay inabutan siya nito ng panyo. "Here, fix yourself." Anito sabay balik ng atensyon sa manibela at sinimulan ng iistart mula ang makina ng sasakyan.

Ayaw man ay napilitan na rin siyang tanggapin ang inaalok nitong panyo. Kahit papaano ay okay na ring nagkalayo sila ng upuan dahil tiyak na di siya mapapakali kung katabi pa rin siya ng binata. Siguro nga talaga ay isang malaking timing na lang na umiyak ang kambal para mapigilan sila sa kung anong maaaring mangyari pa sa pagitan nila ni Vince.

Lord, bigyan mo po ako ng sapat na lakas ng loob para ipagpatuloy na labanan ang problemang ito. Tahimik na dasal niya sa sarili habang pigil na nilalabanan ang muling pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. Hindi ko po man gustong sumuko pero kasi po pinanghihinaan na ako ng loob. Kayo na po ang bahala sa akin...

Continue Reading

You'll Also Like

2M 78.5K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
161K 3.9K 54
What will you do if you end up in someone else body?
28.1K 1K 48
Para sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa mga taong naghahanap ng bagong pag-ibig...
Stay with me By Rone

General Fiction

53.8K 1.5K 33
Amina Raja Balahim sets her eyes only for Brayden Luis Walters. She will do anything just to get his attention. Kahit pa sira in nya ang bawat date n...