Hiram Na Pag-ibig (Formosa Se...

Por PollyNomial

161K 3.2K 252

Naranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang p... Más

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Wakas
Formosa Series Update!

Kabanata 5

2.9K 55 4
Por PollyNomial

KABANATA 5 — DJ

“Hoy, saan mo ako dadalhin?” Ito na ata ang pang-sampung beses na tinanong ko ito sa kanya. At wala lang siyang ibang sinasagot sa akin kundi ang tahimik niyang ngisi habang nakaharap ang mukha sa daan.

Kung kanina ay pasigaw akong nagtatanong sa kanya, ngayon ay napagod na ako at malumanay na ang boses ko. Ngunit hindi pa rin naitatago niyon ang irita dahil kahit ilang beses na akong nagtatanong ay wala pa rin siyang matinong sagot kundi ang nakakalokong ngiti niya.

Pumalatak ako at hinampas ang upuan ko. Naiinis ako! Ito na ata ang unang beses na sobrang na-frustrate ako sa isang tao. At hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ito sa isang Terrence Formosa.

Pinagmasdan ko siya na wala pa ring humpay ang pagtaas ng gilid ng labi. God. Sobrang naaaliw na talaga siya sa mga pinaggagagawa niya sa akin. Dito sa kalokohan niya. I don’t know where the hell he’s bringing me. Wala na kami sa paligid ng Formosa University at talagang nakalayo na kami. Kung nasaan man kami, hindi ko na alam.

Wala kami sa highway kaya wala akong signs na makita. Nasa isang street kami na one way lang at hindi ko alam kung saan. Siguro ay nagsho-shortcut siya kaya wala masyadong mga sasakyan dito sa lugar. Nang labasin namin ang street ay saka lang ako nakakita ng two way lane at mga jeep. Pilit kong inaninag at binasa ang nakasulat sa mga jeep. Blumentritt, Divisoria, at Sta. Cruz ang mga nabasa ko. Kung ganun ay nasa Maynila pa rin ako.

Tumikhim siya at agad akong napaayos ng upo. Umaasang sasagutin na niya ang kanina ko pang tanong. Wala na akong magagawa sabihin man niya o hindi. Pero gusto ko pa ring malaman. Hindi ko siya gaanong kakilala at wala akong tiwala sa tulad niya. Yes, maybe Ivan knows him, even Iris. Pero ako, schoolmate ko lang siya noong college. Anak ng may-ari ng eskwelahan ko. 'Yon lang ang alam ko sa kanya.  He’s just a rich arrogant guy for me.

Nang huminto kami sa traffic light ay saka lang siya nagsalita. “I’ll get you a job.” Aniya na parang responsibilidad niyang gawin iyon.

For a moment, I thought of thanking him pero nang makapag-isip pa ako ay hindi pala dapat gawin iyon. This is not what he really wants. Hindi niya ako hinahanapan ng trabaho dahil kailangan ko. Ginagawa niya ito para sa sarili niya. Para sa kondisyong gusto niya oras na mabigyan na niya ako ng magpakakakitaan ko.

“Sinabi ko na sa’yo,” salita ko. “Wala kang mahihita sa akin. Trust me, wala ka talagang makukuha sa akin.” Iyan ang totoo. Wala akong alam sa mga impormasyon tungkol sa pinsan ko. Ilang araw pa lang akong nakakauwi sa pamilya ko at hindi pa nila nababanggit sa akin kung nasaan si Ivan sa Japan. Ni hindi ko pa nga nakakausap ang pinsan kong iyon.

Gusto ko nang aminin na hindi ko naman talaga asawa si Ivan. Na ngayon ko lang nalaman ang sitwasyon ng pinsan ko tungkol sa pangbibintang sa kanya. Pero hindi ko magawa dahil natatakot akong baka magalit ang lalaking katabi ko. Pero hindi naman din ako ang nagsabi niyon kaya bakit naman ako matatakot? Siya ang nagpaniwala sa sarili niyang asawa ko ang pinsan ko.

“Stop that, Therese. Hindi uubra sa akin ang pagsisinungaling mo.” Napalunok ako sa kanyang sinabi. Napagtanto kong tungkol pa rin ito kay Ivan at sa mga impormasyon tungkol sa kaniya.

Umandar muli ang kotse nang mag-green ang traffic light.

“Hindi ako nagsisinungaling.” Sambit ko. Sa tono ko ay imposibleng paniwalaan niya ako. Lumabas kasi ang mga salita sa bibig ko ng sarkastiko at tila hindi totoo. Kinagat ko ang aking labi nang tingnan niya ako at napatunayan kong hindi nga siya naniniwala sa akin.

“All I need is his damn contact number and address. Bakit ba hindi niyo mabigay sa akin 'yon? Kayong buong pamilya, wala kayong ginawa kundi itago sa akin kung nasaan si Ivan.” Aniya. Bakas na ang inis sa kanyang pananalita.

Umigting ang bagang niya nang tinikom ko lang ang bibig ko. Humigpit ang kapit niya sa manibela at nakikita ko na ang pamumuti ng gitna ng mga daliri niya.

Kung hanapin niya ang pinsan ko ay parang napakahalaga nito sa kanya. Gagawin niya ang lahat malaman lang kung nasaan ba talaga sa Japan si Ivan. Halatang hatala na sa mukha niya ang galit dahil sa paglilihim namin sa kanya. Tinama ko ang sarili ko. Hindi ako naglilihim dito. Totoong wala akong alam. Sila Iris at Tita Nora lang ang naglilihim sa kanya. Hindi ako.

Ngunit tumalim pa rin ang mga tingin niya sa akin nang isang beses siyang sumulyap. Of course he doesn’t know the truth. Ang alam lang niya ay asawa ko si Ivan at dahil asawa ko siya, na siya lang ang nag-iisip, dapat alam ko ang kung nasaan siya at paano makakausap.

Panay ang pag-igting ng bagang niya at ang kamay niyang wala na ngayon sa manibela ay nakakuyom na sa hita niya.

Kinabahan ako. Natakot ako sa pinapakita niya ngunit wala na akong magagawa dahil nakakulong ako sa loob ng kotse niyang umaandar. Hindi ako maaaring tumalon na lang dito. Baka masagasaan at mamatay ako.

Pumitik ang puso ko sa isipin. Maybe I want to die. Pero hindi ngayon. Gaya ng sabi ko, matagal pa dapat akong mabuhay para sa pamilya ko. Yes, I want to be with Christopher right now pero ang mamatay sa gitna ng kalsada sa hindi tamang oras ay hindi pwedeng mangyari.

Hinigpitan ko ang kapit ko sa pintuan. Sumulyap si Terrence doon na parang may inaasahan na gagawin ko.

Magsasalita  sana siya nang may tumunog na cellphone. Hindi iyon sa akin.

“Yeah?” tanong ni Terrence sa kabilang linya matapos niyang sagutin ang tawag. Hawak niya ang cellphone sa kanyang tainga gamit ang kanang kamay. Ang isa ay abala at nasa manibela.

Tumingin ako sa daan.

“What!” nagsalubong ang kilay ko sa tono ni Terrence. Galit at gulat ang boses niya. “The fuck! Ano nang nangyari? Nag-resign din siya?” Aniya sa hindi makapaniwalang tono. Umiling siya at napapikit.

Tumingin akong muli sa daan. Baka bigla na lang kaming makabangga sa kanyang ginagawa. Halatang wala na sa pagda-drive ang atensyon niya.

“Then find another one! 'Wag mo nang habulin 'yan.” sigaw niya na ikinatalon ko mula sa aking inuupuan. Umalingawngaw sa buong sasakyan ang boses niyang nanggigigil.

Tumikhim ako. Tumingin si Terrence sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang magtagal iyon sa mukha ko.

“Tumingin ka sa daan!” sigaw ko sa kanya. Nagulat siya at napasunod ko siya. Mabuti na lamang ay wala masyadong kotse. Baka bigla kaming mabangga sa ginagawa niya!

Kumunot ang noo niya. “Just…” sumulyap ang mga mata niya sa akin. “Some girl.”

Ako ang tinutukoy niya. Napairap ako sa kahulugan niya sa akin. Some girl. Yeah right. Isang babaeng matindi ang pangangailangan niya. Kung sinong babae lang ako na hinatak niya sa loob ng kotse niya at sinabihan na bibigyan ng trabaho kapalit na impormasyon tungkol sa lalaking akala niya ay asawa ko.

Nang ibalik ko ang tingin sa kanya ay nginunguya ng ngipin niya ang gilid ng kanyang labi. Ang panga niyang perpekto ang hugis ay tumitigas sa kanyang ginagawa. Saka ko lang din napagmasdan ang kakisigan ng mukha niya kapag nakatagilid siya. Para iyong ginuhit ng perpekto. Mula sa noo, ilong, labi hanggang sa baba niya ay tamang tama. Ni hindi manlang bumaliko. Walang sira. Pati ang kutis ng mukha niyang hindi gaanong maputi at hindi rin naman maitim ay makinis at wala ni isang dumi akong nakikita.

Bumuntong hinga siya at doon lang ako natauhan. Umiwas ako ng tingin nang mapagtanto ko ang aking ginawa. Blanko ang mukha ko nang tingnan ko ang maluwag na kalsada.

“Fine. I’ll go there.” Sumulyap siyang muli sa akin. Ngayon ay multi tasking na ang kanyang ginagawa. Nasa akin, sa tumatawag at sa pagmamaneho ang atensyon niya.

Pagkababa niya ng cellphone sa dashboard ay may kung ano sa aking gustong magtanong sa nangyari. Kung bakit mas lalong nairita at nainis ang kanyang mukha. Panay ang pag-igting ng bagang niya pati ang panga niya at malikot sa paninigas.

Dumiretso ang sasakyan sa highway. Nakita ko sa salamin sa kanyang tabi ang umaandar ng tren ng MRT. Napatingin ako sa dinadaanan namin at ang sign papuntang Taguig. Bumilog ang mata ko at napatingin sa kanya.

“Anong gagawin natin sa Taguig? Doon ba punta natin?” Tanong ko. Sana naman ay sagutin na niya ako ngayon.

Napapalayo na ako nito sa uuwian ko. Paano na lang ako uuwi mamaya? Pwede rin naman akong mag-taxi pero nagtitipid sana ako. Marami pa naman ang pera ko pero nakalaan na iyon sa gastusin sa bahay.

“We’ll go to my bar.” Walang pakealam niyang sabi. Nasa harap ang tingin niya at walang bahid ng emosyon ang mga salita niya.

“Bakit?” Bigla ay naisip ko na doon niya ako pagtatrabahuin. Hindi pwede! Wala naman akong alam sa mga bar. Ayaw kong maging waitress doon. Pwede na sa mga restaurant pero ayaw ko sa bar!

Unti unti ay napag-iisip ko na siguro ay doon nagtrabaho si Ivan. At nakonekta ko sa aking pag-iisip ang tawag kay Terrence kanina. Sinabi niyang pupunta siya kung saan. Siguro ay doon iyon. Hindi malamang ito planado.

“There’s a problem.” Sagot niya sa tanong ko. “May isang DJ na naman na kaka-hire ko lang ang nag-resign. Ayaw na daw niya sa bar ko dahil mukhang nalulugi na raw at hindi naman siya napapansin doon. I’m going so that I could,” Huminto siya sa pagsasalita at nagsalubong ang kilay niya. Tiningnan niya ako habang hinahagod ng batok niya. “Why am I explaining this to you?” tanong niyang hindi ko rin alam ang sagot.

Nagkibit balikat ako. “Nagtanong ako, e.” Sambit ko. Umismid siya sa akin.

“Stop asking. Later, I’ll show you something. Then I’ll give you a job. Then you’ll give me Ivan’s contact number in Japan.”

Kung sabihin niya iyan ay parang napakadali lang para sa kanya na bigyan ako ng trabaho. Pero naisip kong madali nga lang talaga iyon sa isang Formosa. They own a lot of businesses at maaaring isa sa mga iyon ang papasukan ko. Maybe a secretary, a clerk or anything.

Ngunit may isa pa akong napansin sa kanyang sinabi. He said he’ll show me something.

“Ano 'yon?” tanong ko.

“What?” Aniya.

Kinumpleto ko ang tanong ko. “Ano 'yong ipapakita mo sa akin?” Lumunok ako dahil matapos ng tawag ay ngayon lang siya ulit ngumisi.

“Something that will change your mind. Para sabihin mo na sa akin kung nasaan si Ivan.” Tiningnan niya ako. Kumislap ang mga mata niya dahil sa liwanag at napaiwas ako ng tingin doon.

Why do I get the feeling that he’s hypnotizing me with his eyes? Parang napaka makapangyarihan ng mga mata niya at nagagawa niyang kunin ang atensyon ko at ituon iyon ng buo sa kanya. I haven’t felt this before. Kahit kay Christopher ay hindi pa. Sa tuwing tititig ako noon sa mga mata ng asawa ko, palagay ang pakiramdam ko.

Ngunit naalala kong kahit kailan pala ay hindi ako natingnan ng diretso ni Chris. He’s blind. Minsan kahit pilitin ko, hindi ko maituon sa mukha ko ang mga mata niya. Walang nangyaring titigan sa pagitan namin. Ako lang ata ang gumagawa noon sa kanya. Kaya siguro hindi ako nakaramdam ng ilang. Bago lang ito sa akin. At si Terrence ang unang nagparamdam nito sa akin.

Magara, malinis, at pang mayaman ang lugar. 'Yon ang unang napansin ko pagkapasok namin ng syudad ng Taguig. Halos wala akong makitang mga tao na hindi magara ang damit. Lahat ay nakabihis ng magaganda. Napatingin ako sa aking itsura. Pasok ako sa klase ng mga damit na sinusuot nila. Parang may code ang mga damit dito dahil kahit si Terrence na nakasimpleng polo at jeans lang ay bagay na bagay sa lugar.

Matataas na buildings ang nakita ko at malls. May mga signature stores din sa paligid. Kung hindi ko alam na nasa Pilipinas ako, maaaring mapagkamalan ko na itong ibang bansa. Maganda ang syudad at ibang iba ito sa aming lugar sa Maynila.

Pinaglalaruan ng ngipin ko ang aking labi nang tingnan ko ang aking relo. Alas kwatro na. Halos isang oras kaming bumyahe ni Terrence at pitong oras na akong wala sa bahay. Kanina pa ako nakaalis at mabuti na lang ay sinabihan ko si tatay na baka gabihin ako ng uwi dahil baka matagalan ang paghahanap ko ng trabaho.

Wala nang ibang sinabi si Terrence sa akin matapos ng huling usap namin kanina. Nakatuon na lang siya sa pagmamaneho niya. Niliko niya ang sasakyan sa lugar na nalaman kong hanay ng mga bar at restaurants. Inisa isa ko ang mga pangalan ng mga ito.

Maya maya lang ay nakahinto na kami at lumabas na ng sasakyan si Terrence sa tapat ng isang bar na may malaking pangalan na BERMUDA.

Sinundan ko siya ng tingin sa labas. Napalingon siya sa akin at kumunot ang noo nang makitang nasa loob pa rin ako ng sasakyan niya. Tinaas niya ang kamay at sumenyas na lumabas ako.

Ngumuso ako at sumunod sa kanya.

“Hindi 'to magtatagal. 'Wag mo akong tatakasan.” Aniya.

Hinawakan niya ang pulsuhan ako. Mahigpit at tila bawal akong makawala sa kanya. Binasa ko ang labi ko nang mapatitig ako sa hawak niya. Hindi naman ako tatakas! At bakit bawal akong tumakas? Hindi niya ako bihag!

Gawa sa leather ang pintuan ng bar na pinasukan namin. Ang buong akala ko pagkapasok namin ay sasalubong ang malakas na musika kaya naman hinanda ko ang sarili ko. Pero isang malamlam na intrumental music lang ang umaalingawngaw sa buong bar na may kauting tao.

Tumingin ako sa paligid. Siguro ay dahil maaga pa kaya hindi pa dumadagsa ang mga tao rito.

“Terrence!” Sigaw ng isang lalaki na tumatakbo palapit sa amin. Galing siya sa harap ng bar. May maliit na stage doon at walang tao.

Hawak pa rin ako ni Terrence kahit kausap na niya ang lalaki.

“What happened, Marx? Why the hell did you let him resign? Paano mamaya?” tanong ni Terrence. Gigil ang boses niyang mahina. Umiiwas ata siyang marinig siya ng ilang taong nandito.

Kinamot ng lalaking tinawag na Marx ang kanyang ulo. “Sorry, Terrence. Hindi na rin ako nakapagsalita nung sinabi niyang aalis na siya. Actually, sinasabi na niya sa akin 'to nung isang araw pa. Hinihintay lang daw talaga niya ang sweldo niya ngayong buwan. Binigay ko na sa kanya kanina.”

Mariing nagmura si Terrence. Hindi ako gumagawa ng ingay dahil baka ako pa ang mapagbuntungan ng galit niya. Pero imposible naman 'yon dahil wala naman akong ginagawang masama. Siya ang nagdala sa akin dito.

“Can you find a replacement before tonight?” ani Terrence. Humihigpit ang hawak niya sa pulsuhan ko at nararamdaman ko roon ang frustration niya. Ang mukha niyang nakatagilid na kanina lang ay pinupuri ko sa kaperpektuhan ay gusot na gusot ngayon.

“Hindi ko pa alam. Nag-contact na ko ng mga kakilala ko. May isang nag-agree pero by 10pm pa raw siya makakarating.” Sabi nung Marx. Tumingin siya sa akin. Nagsalubong ang kilay niya bago binalik ang mata kay Terrence na nagmura na naman.

“Shit.” Ginusot ni Terrence ang kanyang buhok. Umangat ang tingin ko roon. Magulo na iyon at kung saan saan na ang direksyon ang tusok tusok.

“Terrence.” Ani Marx. “Why don’t we call Zac—”

“Don’t you mention that fucking asshole, Marx!” Suminghap ako sa diin ng mura ni Terrence at sa lakas noon.

Kung kanina ay galit na siya, mas galit siya ngayon. Tumalim ang mga mata niya at namula ang mukha niya. Namutla naman si Marx at pati ang mga tao ay nakuha ni Terrence ang atensyon. Kung sino man ang taong binanggit nung Marx, nabuhay niyon ang halinaw sa katawan ni Terrence at iyon na ang nakikita ko.

Isa isa kong tiningnan ang mga tao. Mabuti na lang at mukhang wala naman silang pakealam at isa isa na silang bumalik sa kanila sariling usapan.

Bumagsak ang kamay ko sa gilid ko nang bitawan ako ni Terrence. Humarap siya sa akin at gusto kong mapaatras dahil tumama ang talim ng tingin niya sa mata ko. Parang akong natusok mula roon at kumalabog ang dibdib ko.

“Nakikita mo ba 'to?” Nilahad ni Terrence ang magkabilang kamay. Pinapakita ang kabuuan ng bar niya. “I’ve never seen my bar like this before. Mula lang nang mawala si Ivan saka lang kumonti ang tao rito.” Aniya. Seryoso ang pananalita niya. At parang kinakahiya niya ang bar niya.

Natulala ako. Gusto kong sumagot. Naisip kong ito ang tinutukoy niyang ipapakita sa akin.

“Alright. It’s my fault kung bakit siya nawala. Ako ang may kasalanan. Sige, ako na rin ang may kasalanan kung bakit malapit nang malugi ang bar ko. Damn! Everyone’s right! This is my fault!” Hiningal siya. Bumuka ang bibig ko para magsalita ngunit naunahan niya ako.

“I need Ivan. Magaling siya at siya ang gusto ng mga tao rito. I badly need him, Therese. Kung hindi siya babalik, mawawala sa akin ang bar na 'to.” Humina ang boses niya. Lumamlam ang mukha niya at pumungay ang mga mata niya. Nawala ang nakakatakot na Terrence. Sa isang iglap ay rumehistro sa kanyang mukha ang nakakaawang itsura ng isang bata ayaw maulila.

“So, please, Therese. Please let me talk to Ivan. Kailangang kailangan namin siya.” Kinagat niya ang kanyang labi. Namumula siya at kumikislap ang mata niya. Puro itim ang kulay sa loob ng kanyang bar at ang maliliit na ilaw lang ang nagpapaliwanag dito pati na rin sa mga mata niya.

Naawa ako. Nadala ako. Parang gusto ko nang tumakbo, umuwi sa bahay, at itanong kay Iris kung saan makikita sa Japan si Ivan. O kahit ang numero para matawagan na ito ni Terrence. Tapos babalik ako rito para ibigay iyon sa kanya.

Pero naghihintay siya. Naghihintay siya ng isasagot ko, ngayon mismo. Umaasa na ang mga mata niya. Nawala na ang kaninang talim niyon na tila sumuko at nawalan na ng lakas. Nakakagat labi siya at kitang kita ko ang pag-asa sa mga mata niya habang nakatingin sa naaawa kong itsura.

Umiwas ako ng tingin. Inisip ko kung paano ko sasabihin na wala talaga akong alam. Na hindi ko naman asawa si Ivan. Na pinsan ko lang siya. Na nito ko lang nalaman ang sitwasyon niya at wala sa akin ang mga impormasyong gusto niya. Na hindi ko magagawa na ipakausap siya kay Ivan dahil kahit ako ay hindi pa nakakausap ang sarili kong pinsan.

Kinagat ko ang labi ko at bumuntong hininga siya. Naglakbay ang tingin ko sa mga tao at tumigil iyon sa lalaking katabi niya. Doon sa Marx. Pati siya at may nagmamakaawang itsura. Siguro ay napagtanto na niyang ako ang makakatulong sa kanila. Pero hindi. Wala akong matutulong sa kanila.

Pero ayaw mabigo si Terrence kaya naman nagsinungaling ako.

“I’ll help you.” Nabuhay ang mga mata niya sa sinabi ko. “Kukumbinsihin ko sila Tita Nora at Iris na ipakausap si Ivan sa’yo.” Gagawin ko talaga iyon. Pero magsisinungaling pa rin ako at hindi ako aamin sa kanya na hindi ko asawa si Ivan. “I’m sorry… Terrence. Pero wala sa akin ang desisyon.”

Kumurap ang mga mata niya at yumuko siya. Mabigat ang bawat hinga niya habang nakatitig sa akin.

“Nangako ako kayla Tita, e. Sila lang ang makakapagsabi sa’yo.” Bigong bigo na ang mukha niya at nag-isip ako ng paraan upang mabigyan muli siya ng pag-asa. “Bukas. Tatawagan kita bukas. Sasabihin ko sa’yo bukas ang desisyon nila.”

Pagkasabi ko niyon ay umangat muli ang mga mata niya sa akin. Kumislap iyon.

“Tatawagan mo ako?” tanong niya. Para siyang bata na nangangailangan ng matinding tulong.

Tumango ako at ngumiti. Tinitigan ko ang mga mata niya. Kahit madilim ay lumiliwanag pa rin iyon dahil sa kaunting pag-asang nakapaskil doon. Nanibago ako at ibang mga mata ni Terrence ang nakikita ko. Those eyes were not hypnotizing anymore.

Ngumiti rin siya sa akin. Pagkalipas ng ilang pang segundong pagtitig sa akin ay humarap na ulit siya kay Marx na ngayon ay nakangiti na rin. Tila nawala ang pag-aalala sa mga mata nila.

“Find another DJ, Marx. Kahit ngayong gabi lang. We’ll be closed tomorrow. Baka makausap ko na si Ivan bukas.” Tumingin si Terrence sa akin. Tumango ako sa kanya nang nakangiti.

“Alright.” Ani Marx. “Kakausapin ko ang mga kakilala ko. Pero kailangan pa bang magsara bukas?”

“Kung wala tayong makukuha na pwede for a week, kailangan muna natin itong isara. Mabo-bore lang lalo ang mga customers at baka hindi na sila bumalik—”

“Wait.” Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako sumingit sa kanila. Pero may gusto akong malaman at kontrolado ako ng sarili kong utak. May gusto itong sabihin.

Tumingin ang dalawa sa akin. Nagsalubong ang kilay ni Terrence bago iyon tinaas at hinintay ang sasabihin ko.

“DJ si Ivan dito 'di ba?” tanong ko. Tinitigan lang ako ng dalawa. Patunay na oo ang sagot nila.

Lumunok ako at hindi ko alam kung tama ba ang naiisip ko pero isinatinig ko pa rin ang nabubuong plano sa utak kong hindi ko kontrolado.

“At nahihirapan pa kayong maghanap ng DJ para mamayang gabi?” tanong ko pa ulit. This time, the both nodded. Nagkatinginan pa sila at nagtataka sa pagtatanong ko.

“Why’re you asking?” tanong ni Terrence. Kinagat ko ang labi ko.

“I can do it.” Sambit ko.

Huminga ako upang alisin ang pagdadalawang isip ko sa mga salitang nasabi ko na. I don’t know why I’m telling this to them. Bakit ko binoboluntaryo ang sarili ko upang makatulong sa kanila? Hindi ko alam. Bigla na lamang akong naawa sa kalagayan ng bar ni Terrence na malapit nang malugi dahil sa kawalan ng customer. Naawa ako sa itsura niyang wala nang pag-asa. And somehow, I thought to myself, may kontribusyon si Ivan sa mga nangyayari. I felt responsible. Kahit wala naman akong kinalaman dito.

“What?” tanong ni Terrence. “What do you mean?”

Lumunok ako bago nagsalita. “I mean, I can be your DJ for tonight. Marunong ako. Kulang lang sa practice pero marunong ako. Tinuruan ako noon ni Ivan.”

Lumaki ang mata at lumawak ang ngiti nung Marx. Tiningnan niya ako nang may namamanghang itsura. Pinagmasdan niya rin ako mula ulo hanggang paa.

“Nagd-dj ka?” tanong niya sa akin. Si Terrence ay tikom ang bibig at mukhang pinag-iisipan ang suggestion ko.

Umiling ako kay Marx. “No. Pero marunong ako. Hindi pa ako nakakapatrabaho ng ganito but I can still do it.”

Habang sinasabi iyon ay binabalikan ko ang mga panahon na tinuturuan ako ni Ivan kung paano maging isang disc jockey. Inalala ko rin ang bawat kagamitan na kailangan ng isang DJ at kung paano ito gamitin. Malinaw pa sa utak ko ang lahat. Hindi naman ako mabilis makalimot. Ang ikinakabala ko lang ay baka malito ako sa oras na nasa harap na ko at naghahalo ng musika para sa mga tao.

“Therese.” Ani Terrence. Napantingin ako sa kanya. Umiling siya sa akin. “Can you really do it? Importante 'to. Isang mali mo lang, sasama na ang tingin ng mga tao sa bar ko.” Aniya na halatang diskumpyado sa akin.

Tumango akong muli sa kaniya. Hindi lang si Terrence ang in-assure ko pati na rin si Marx.

Bumuntong hinga siya. “Alright. Marx, bring her on the stage. Let’s see what she can do.” Ani Terrence at nang bigkasin niya ang mga salita ay bumalot sa aking dibdib ang kaunting pitik ng kaba. 

Seguir leyendo

También te gustarán

174K 2.4K 65
Coleen Andrea Salazar knew that spending the night with that stranger was a mistake. It was a stupid move to get drunk and even more stupid to give i...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
584K 9.5K 56
Wattys 2019 Winner under the Romance category . Be My Daddy's Sequel. Genre: Romance Status: Completed (Under Revision) "Marriage is sacred and so...
29.4K 358 60
COMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.