Travel Back In Time

Oleh Shadow_Sniper07

268K 12.2K 2.8K

"She was mine... I was hers... We were each others..." Okay, rewind. Let me explain. "She was my....bully. I... Lebih Banyak

Intro
I - Bangungot
II - Facial
III - Hello University
IV - Isang Himatay Muna
V - Sungit
VI - Angel
VII - Point System
sorry
VIII - Close?
X - Back At You
XI - Zero Chance
XII - Game Changer
XIII - Betrayal
XIV - New Start?
XV - Ms. Wong!
XVI - Mayor
XVII - Confusing Jema
XVIII - Aggressive Rookies
XIX - Spicy Shawarma
XX - A New One Started.
XXI - FRIEND
XXII - Pasimpleng Sweet
XXIII - Ikaw si Mayor?!
XXIV - Revelation
XXV - What's happening?
XXVI - Roller Coaster of Emotions
XXVII - Pen on the Move?!
XXVIII - Drunk with You
XXIX - Infuriating
XXX - The Bomb Has Exploded!
XXXI - Flashback
XXXII - Cool Mom
XXXIII - Tears in Heaven
XXXIV - P.A. and GS
XXXV - Intense
XXXVI - I Smell Jealousy
XXXVII - Game Time
XXXVIII - Calm
XXXIX - Storm
XL - Dito na Lang
XLI - All Over
XLII - Hearts
XLIII - Crush
XLIV - Lahat na Lang
XLV - This Kind of Love
XLVI - Congrats!
XLVII - It's Always Greater
XLVIII - In a Perfect World
XLIX - Meet the Parents?
L - Always and Forever

IX - Subtle Way of Saying Stupid

4.2K 224 10
Oleh Shadow_Sniper07

Isang like muna jan mga beshiewaps!!!

___

Deanna's PoV

Monday na naman. Hindi naman sa nagrereklamo ako na M-W-F ko makakasama yung Jema sa isang subject, pero parang ganon na nga. Madali lang yung Earth Sci pero nakaka walang gana dahil sa isang classmate ko. Dagdag mo pa yung paglalandian nila ng boyfriend nya everytime. Nakakainis pang part yung ginawa ng permanent seats yung pwesto namin since first meeting. Malas ko naman na napaupo ako sa likod ng dalawang to.

Kalma, Deanna! Isang sem lang yan tiis lang. Breathe in breathe out

"Ok, guys! Listen up! Good news, wala kayong home work all through out  this semester." Sabi  ng Prof namin and as usual, napasigaw at tueang tuwa kaming mga students. "Except for one!" Damn! We spoke too soon. Sayang akala ko one subject less to worry about.

"This we'll do for the rest of the semester. I want you, guys, to find any updated article about our subject. Pwede manggaling sa news papers, magazines, internet or any reliable source under the sun. Read it up and write a reaction paper  of about two pages minimum. Uulitin ko buong sem nyo gagawin yan, and every week on mondays dapat meron kayong maipass. At bawal ang magkakaprehong article. Pero dahil mabait ako, first article will be coming from me na, so pare pareho kayo muna. This is due next monday.

Syempre ayoko naman kayo mahirapan kaya I want you to select your partner. Be very selective kasi partners kayo buong sem, grades nyo lang naman nakasalalay dito." Paliwanag ni Prof.

Inikot ko yung mata ko only to realize na lahat may partners na. Swerte ko naman!

"Everyone paired up?" Tanong ng Prof ko.

Tinaas ko naman yung kamay ko, "Yes, Ms. Wong?"

"Wala po akong partner." Maikling sagot ko.

"Oo nga pala. Odd number nga pala yung count nyo. Hmmm..." Isip nito.

"Ms. Galanza and boyfriend, paki ampon si Ms. Wong kasi wala syang partner." Pakiuso ni Prof.

"No way in hell!" Napasigaw ako bigla.

"Woah! Languang Ms. Wong!" Puna ng prof.

"Prof. Piscos, Sabi nyo nga po kanina nakasalalay yung grades dito and I don't want to compromise mine. I would rather do it on my own." Explain ko.

"Are you saying we're not good enough?!" Rebuttal naman ni Jema na may kasamang deadly glare.

"Oo nga parang sinasabi mong mahina kami ah!!!" Inulit nya lang sinabi ni Jema, see the reason why?

"No offense, Mike. Pero parang ganon na nga." Sagot ko.

Maririnig mo naman yung jeers ng mga classmates namin,

"Oooh!"

"Double kill!"

"Savage ni Wong!"

To avoid anymore tension our Professor spoke, "Alright Ms. Wong, do as you please. Pero hindi dahil mag isa ka may special consideration sayo ha? Walang ganon. Always submit the papers in time. Ok?"

I just nodded.  It can't be that difficult naman siguro.

---

I was done with all my classes and headed straight to the gym. Mejo napa aga na naman ako at naabutan ko yung women's volleyball team on their training.  Usually, di ako manonood kasi I hate anything volleyball but surprisingly, I sat on the bleachers and watched them.

Nakita naman ako agad ni Trish at halata ang pagkagulat na andito ako ngayon. Tumakbo ito palapit sakin, "Best, anong ginagawa mo dito?!"

Inirapan ko naman sya, "Obviously, nanonood habang naghihintay na matapos kayo."

Inirapan naman nya ko pabalik, "Duh? I know! I meant, allergic ka kasi sa volleyball kaya nagtataka lang."

"Hmmm... Parang hindi na ata. I don't feel anything negative right now. If anything, entertaining naman kayo." Sagot ko na may kasamang ngiti.

Ngumiti din ang best friend ko at akmang may sasabihin pa...

"Trish! Di pa tapos ang training, please wag ka mag pa distract sa ibang tao!" Yup! Si Jema yung epal. Kindatan ko nga.

Lalo namang kumunot ang noo nito at inirapan ako.

"Sorry, VC!" Sagot ni Trish. "Pano best, balik na ko. Nagagalit na si VC."

Ahhhhh... So Vice Captain pala yung Jema dito. Interesting...
---

Jema's PoV

We're done with our training for today. Andito ako ngayon sa shower. Pag naalala ko kung paano pinalabas nung Wong na yun na mahina kami ni Mike, kumukulo ang dugo ko. Di naman sa pagmamayabang pero matataas naman ang grades ko. Ang yabang ng rookie na yun! Hay!!! Hindi ako sobrang talino pero masigpag naman ako mag aral.  Strict kasi ang university sa grades, ayoko namang mawalan ng scholarship kasi hindi namin afford at lalong ayoko ma kick out sa top university na to.

Pagtapos ko mag shower ay nagbihis na ako at lumabas ng cubicle. Nagulat naman ako dahil nagkasalubong na naman kami ni Wong. Malamang magbibihis to for her training.

Napansin ko naman na sobrang dikit namin sa isa't isa. Halos wala ng space sa pagitan namin. I also realized na mas matangkad sya sakin with a good two inches siguro. Wait, naiinis nga pala ko dito!!!

"Excuse me!" Iritang sabi nito at nagkatinginan kami ng eye to eye.

"Excuse me ka din!" Sagot ko.

I stepped to my right and she did to her left, so magkatapat na naman kami. Walang kumukurap.

"Ugh!" I groaned.

I stepped to my left and she did too, to her right na naman. So magkatapat na naman kami. Her eyes never leaving mine. Walang kumikibo, walang nag baback down.

"Ehem! Ang sweet!" Sabay baman kaming napalingon ni Wong sa nagsalita. Si Captain.

Kaming tatlo na lang pala ang natira sa girl's locker room.

"What?!" Sabay naming sambit ng rookie.

"You're kidding right?" Sabay na nama kami.

"Not with her!!!" Sabay na naman.

Lalo tuloy napangiti ng malaki si Jessica.

"Pwede na maghiwalay. Ano? Magtitinginan na na lang at magdidikit ng ganyan the whole afternoon?" Pang aasar pa nito.

Dali dali dali naman kaming tumagilid para padaanin ang isa't isa.

Agad ring nagdatingan ang teammates ng rookies na sya namang pag labas naming dalawa.

Nagkindatan lang si TM at Captain.

Tahimik lang kami ni captain. Wala akong masabi sa nangyari. Besides wala naman talagang issue.

"So... Crush mo no?" Sabi ni Captain.

"What?! San nanggaling yan?" Sagot ko.

"Wala lang feeling ko lang." Ngiti nito sa akin.

"Hoy, Jessica baka nakakalimutan mong may boyfriend akong tao." Dagdag ko.

Di namin namalayan na nasa harap na kami ng room ni Captain. Binuksan nito ang pinto, "Pano andito na ko sa room ko. See you later sa dinner."

"Whatever, Captain." Sagot ko at pumasok na ito ng room. Naglakad naman na ako papunta sa room ko. Hindi pa nya naisasara ang pinto ay tinawag ako ulit.

"Tukayo!" Kaya agad naman ako lumingon sa captain namin na nakasilip sa pintuan. "Hindi mo dineny. Sinabi mo lang may boyfriend ka." Sabay kindat, sara ng pinto.

Napakunot naman ako ng noo. Hala sya! Pa issue tong si Jessica. Gets naman na yun, may napaka bait kaong boyfriend at mahal na mahal ko sya. Kelangan ko pa bang i explain yan?

Kesa mag isip ako ng mga ganyan, ginawa ko na lang ang homeworks ko.

Nang makaramdam ako ng gutom ay agad naman akong nagtungo sa cafeteria.

Pagpasok ko pa lang ay agad kong nakita ang men's volleyball team sa isang long table na kumakain at nagtatawanan. Yung iba, kasama nila ang girlfriends nila. Napansin ko naman ang boyfriend ko na may kasamang babaeng hindi ako pamilyar.

Napataas naman agad ang kilay ko. Sino kaya sya?

Kumuha ako ng food at iniisip ko kung lalapitan ko ba ang boyfriend ko at i-i interrogate ito. Parang ang babaw ko naman ata. Parang wala kong tiwala eh napaka bait ni Mike. Wag na lang nga.

Napansin ko naman si TM, Captain, Pen, May, Trish at ang bwisit ng taon, Wong, sa isang table na kumakain. At dahil wala akong choice dito na lang ako umupo. Para naman di halatang doubtful ako sa boyfriend ko at kasama nya.

"Hi Jema!" Bati ni Pen na nakangiti. Himala tinawag ako sa pangalan ko, hindi beautiful, pretty or whatever.

"Oh bakit Jema na lang?" Pagtataka bi TM.

"Baka magalit na yan sakin. Binigyan na ko ng last warning eh. Tska, anjan yung boylet ng ate nyo. Baka warlahin ako." Sagot naman ni Pen.

"Buti alam mo." Sagot ko naman at nagtawanan kami lahat, except for Wong. As usual, kumakain lang ito ng tahimik at hindi interesado sa ibang bagay. Di ko nga alam pano nagka best friend tong tao na to.

Yung mata ko naman, di maiwasan na mapalingon kay Mike at sa kausap nito.  Napansin naman nya na nakatingin ako sa kanya. Kita ko namang may sinabi ito sa babae kaya agad silang tumayo at naglakad papunta sa table namin.

"Hi boo!" Bati nito sa akin at sabay halik sa cheek ko. "Hi guys!" Bati pa nito sa lahat. "Boo, everone, I want you to meet Lanna. My cousin and girlfriend ni Chester na teammate ko. Lanna meet my girlfriend. Kilala mo naman na sya di ba?" Tanong nito at tumango naman yung Lanna.  "These are TM and her girlfriend, si May. Uhmm.. These rookies are..."

"Trish!" Pakilala nito sa sarili na may kasamang kaway.

Tumayo naman agad si Pen at hinawakan ang kamay ng pinsan ni Mike, "I'm Pen. Nice to meet you, gorgeous!" At hinalikan ang kamay nito.

"Wala kang kupas Pen!" Sabi naman ni TM. Nagtawanan kami lahat.

Napalingon naman kami lahat kay Wong na NR (no reaction). Bastos talaga to!

"Best!" Tapik nito sa kaibigan.

"Ano?!" Napaka sungit talaga.

"Pakilala ka naman sa pinsan ni Mike!!!" Dagdag nito.

"Ugh!" Sagot lang nito.

"Pasensya ka na Lanna ha? Ganya. Talaga yang best friend ko."

"Yan si Wong. Tahimik talaga yan." Singit naman ni Mike. "She's not from here. Bumisita lang sya kay Chester. Eh wala pa si Chester kaya tumambay muna with us habang naghihintay."

Sabay bukas ng door ng cafeteria lulan si Chester. "Ayan na pala si Chester. Paano jan muna kayo ha?" Humalik naman sa cheeks ko si boo.

"Nice to meet you, guys." Ngiti ni Lanna.

Pagbalik nila sa table nila kung saan nandoon na din si Chester ay agad humalik si Lanna sa pisngi nito.

Mejo nahiya naman ako sa pagdududa ko sa boyfriend ko. Napakabait lang talaga nito. Hay...

We finished our food at sabay sabay na kaming magbabarkada umakyat sa rooms namin. Dahil pinakadulo ang samin ni Wong. Dalawa na lang kaming naglalakad.

As usual, walang nagsasalita sa aming dalawa. Tahimik lang kami pumasok ng room.

Sabay naman kaming kumuha ng toothbrush and stuff to do our usual night routine.

Sabay din kami sa may pintuan. Hindi ako magpaparaya!

"You go ahead." Sabi ni Wong.

Napataas ng kilay ko at baka nga naka nganga pa ako sa pagkagulat.

Si Wong? Nagpa lamang sakin?????!!! Sino ba tong nasa harap ko ngayon.

"Ayaw mo ba?" Tanong nito. Poker face parin.

"No, uhmm. It's just that... Nevermind.  Thank you." Muka akong tangang pumasok ng banyo.  Ano kaya ang nakain non?

Mejo nagmadali na lang ako para makapag pahinga na tska may nahhihintay pa sakin matapos.

Paglabas ko ng banyo ay pumasok naman yung rookie.

Lumabas ang rookie at inayos yung damit nya na madumi at isusuot bukas. Napaka organize talaga nito compared to me.

Syempre dahil may mga night cream pa ako and stuff, nauna na na sya humiga sa kama nya. Tumalikod ito at nagkumot.

"Good night." Sabi nito.

What the???!!! Nanaginip ba ko??!!

Walang giriang naganap saming dalawa tapos may pa good night pa????!!! Wowww!!!! Okay naman pala tong si Wong eh.

Ay di pala ko sumasagot. "Good night din."

Eh kasi naman, sino ba namang di magugulat sa Wong ba to? Ang sungit, laging bad trip, masama ugali sakin. Di ba???

Nahiga na lang ako at mejo napangiti na rin. After all, baka naman may pag asa pang maging magkaibigan kami.

_____

Kaway kaway sa gusto pa ng update.

Lol saka na ulit. Ayaw nyo mag vote eh. Follow nyo na din ako para masaya.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

151K 5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
9.1K 392 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
357K 6.8K 112
First 🤩😍 read na guys